[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Lalawiganin

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang lalawiganin ay ang wika o pamamaraan ng salita na madalas naririnig lamang sa partikular na pook (rehiyon, lalawigan, o pamayanan) kung ang pagbabatayan ay ang wikang pambansa.[1] Isa itong katawagan sa larangan ng lingguwistika na hindi lamang tumutukoy sa pamamaraan ng salita kundi sa ekspresyon at pagbigkas din.[2] Kabilang sa uri o antas na ito ay ang mga salitain o diyalekto ng mga katutubo sa lalawigan. Sa Pilipinas, ang mga Cebuano, Iloko, Batangueño, Marindukenyo, Tayabasin at iba pa ay may temang lalawiganin sa kani-kaniyang dila. Isang matibay na indikasyon ng lalawiganing tema ay ang nangingibabaw na punto na siyang nagpapakilala sa pook na pinagmulan ng nagsasalita.[3]

Sa antas na ito, mapapansing ang mga salitaan ay pawang limitado lamang sa probinsiya o rehiyong pinanggalingan nito. May mga salitang hindi maituturing na pamantayan sapagkat limitado ang saklaw ng pinaggagamitan nito. Sa Estados Unidos, ilang mga mananaliksik ang mayroong espesyalisayon para pag-aralan ang mga pagkakaiba ng mga wikang Ingles sa iba't ibang rehiyon sa Estados Unidos.[4]

Kadalasang nagsasanib ang kahulugan ng "lalawiganin" at "diyalekto", subalit magkaiba sila dahil madalas na nauugnay ang mga diyalekto sa mga pangkat ng tao habang nauugnay naman ang lalawiganin sa heograpiya.[2]

Mga lalawiganin ayon sa wika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Wikang Tagalog

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May mga lalawiganing salita ang mga nagsasalita ng wikang Tagalog depende kung saan rehiyon o lugar nagmula ang isang tagapagsalita. Halimbawa, ang salitang "yumao" ay maaring tukuyin ng mga tagapasalita ng Tagalog, partikular sa Batangas at Rizal, bilang ang pag-alis ng tao sa isang lugar, subalit sa ibang tagapasalita, nangangahulugan ang "yumao" bilang isang tao na namatay na, na marahil nagsimula isang eupemismo para sa kamatayan at naging kasingkahulugan na ng kamatayan sa kalaunan.

Sa ibang pang halimbawa, may mga rehiyon na tinatawag ang dalanghita na mansanitas.[5] Gayon din, sa Batangas, mas ginagamit ang salita "nagitla" imbis na "nagulat".[5]

Wikang Ingles

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa wikang Ingles, may mga pagkakaiba sa Ingles sa Reyno Unido sa Ingles sa Estados Unidos. Halimbawa, ang hinurnong cookie sa Estados Unidos ay tinatawag na Reyno Unido bilang biscuit. Sa Amerikanong Ingles, ang ibig sabihin ng biscuit ay isang uri ng quick bread.

Sa mismong Estados Unidos, may pagkakaiba din ang mga salita depende sa rehiyon. Halimbawa, ang salita para sa grocery cart ay naiiba depende sa rehiyon. Maaring tukuyin ito bilang carriage sa Hilagang-silangan lalo na sa Connecticut at silangang Massachusetts habang tinatawag naman itong buggy sa Timog at ilang estado sa Gitnang-kanluran.[4]

Ang isa pang halimbawa ay ang salitang softdrink na maaring iba't iba ang tawag depende sa lugar. Tinatawag itong soda, pop, o coke. May mapa na ipinapakita ang pagpili kung anong katawagan ang ginagamit para pantukoy sa softdrink.[6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Obra Maestra Ii' 2002 Ed.(florante at Laura). Rex Bookstore, Inc. ISBN 978-971-23-3407-8.
  2. 2.0 2.1 "Definition and Examples of Regionalisms in English". ThoughtCo (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-06-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Duque, Reynaldo Arquero (2004). Gabay sa pagsulat ng maikling kuwento. Dandelion Strategic Marketing. ISBN 978-971-92990-1-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Schild, Darcy (2019-09-08). "18 things that have totally different names depending on where in the US you're from". Business Insider (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-06-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 "LALAWIGANIN (Tagalog)". TAGALOG LANG. 2023-03-25. Nakuha noong 2024-06-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Abadi, Mark (2018-10-07). "'Soda,' 'pop,' or 'coke': More than 400,000 Americans weighed in, and a map of their answers is exactly what you'd expect". Business Insider (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-06-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)