Wikang Iloko
Nangangailangan pong patunayan ang nilalaman ng artikulo na ito sa pamamagitan ng mga pagdagdag o paglagay po ng sanggunian. (Setyembre 2010)
Makakatulong po sa pagpapabuti nito ang pagdadagdag ng mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na maaaring balaan o maalis ang mga impormasyong walang sanggunian. |
Iloko | |
---|---|
Iluko, Ilokano, Ilocano | |
Katutubo sa | Pilipinas Estados Unidos |
Rehiyon | Hilagang Luzon |
Mga natibong tagapagsalita | 7.7 milyon, 2.3 milyon ikalawang wika = 10 milyon kabuuan; ikatlong pinakaginagamit na wika sa Pilipinas[1] |
Austronesyo
| |
Latin (Abakada o Alpabetong Filipino); Sa kasaysayan, isinusulat sa Baybayin | |
Opisyal na katayuan | |
Rehiyonal na wika sa Pilipinas | |
Pinapamahalaan ng | Komisyon sa Wikang Filipino |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-2 | ilo |
ISO 639-3 | ilo |
Ang lugar na nasasakupan ng wikang Ilokano |
Ang Iloko (o Iluko, maaari ring Ilokano o Ilocano) ay isa sa mga pangunahing wika ng Pilipinas. Ito ang wikang gamit (lingguwa prangka) ng halos kabuuan ng Hilagang Luzon lalo na sa Rehiyon ng Ilocos, sa Lambak ng Cagayan at sa maraming bahagi ng Abra at Pangasinan. Marami ring mga nagsasalita ng Iloko sa Nueva Ecija, Tarlac, Mindoro at sa ilang lalawigan sa Mindanao.
Tinatayang may mahigit 9 milyong gumagamit ng wikang Iloko sa Pilipinas.
Maraming bahagi ng mundo, kung saan nadako at namamalagi ang mga Ilokano, ang katatagpuan din ng malaking bahagdan ng mga nagsasalita ng Iloko katulad sa mga estado ng Hawaii at California sa Amerika.
Iloko at Ilokano
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang katawagang "Iloko" at "Ilokano" ay walang kaibhan kung ang wikang Iloko ang tinutukoy. Ang tanging kaibahan nito ay ang wika o salita at ang taong gumagamit ng wika o ang katutubong nagsasalita. Karaniwang Iloko o Iluko ang tawag sa wika o salita, at Ilokano o Ilocano naman sa mga tao.
Ang Wika Ngayon
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang wikang Ilocano ngayon, bukod sa gamit nito bilang lingguwa prangka ng Hilagang Luzon, ay kinikilala rin bilang Heritage Language ng Estado ng Hawaii. Ito ay sa kadahilanang nakararami sa mga Filipino-Americans ay may dugong Ilocano at sa kadahilanan ding marami sa mga nauna nang sakada(mga Pilipinong nagpunta sa Amerika noong panahon ng pananakop) ay dugong Ilocano at hindi nakapagsasalita ng Tagalog. Samakatuwid, mas nakararaming Filipino-Americans ang may lahing Ilocano at nakapagsasalita ng Ilocano, bagamat ang mga bagong henerasyon ngayon ay marunong kahit papano sa Tagalog.
Idagdag pa diyan na sa loob ng libu-libong taon ay napayaman pa ang bokabularyo ng wikang ito. Sa katotohanan, tinatayang ang Iloco ang pinakamatandang wika sa Pilipinas at isa sa mga may pinakamayamang bokabularyo. Sa katotohanan, sinasabi ng mga eksperto na ang wikang Iloco ay may kompletong bokabularyo bago pa dumating ang mga Kastila ngunit ito'y nawala dahil sa gahum ng wikang banyaga.
Tunay na mayaman ang wikang Iloco dahil may mga salita itong panumbas sa ibang dayuhang salita na hindi naman natutumbasan ng Tagalog, ang kinikilalang lingguwa prangka raw ng Pilipinas. Isa na diyan ay ang region, na tinatawag na rehiyon ng mga Tagalog, ngunit sa mga Ilocano ay deppaar.
Sa Honolulu ngayon ay may sinimulang layunin ang mga anak at kaapuapuhan ng mga naunang sagada. Ito ay ang pagpapalawak ng salitang Ilocano at ang paghihikayat sa mga Ilocano sa Pilipinas na ito ay gamitin at ituro sa mga anak. Nakita nilang nasa panganib ang wika dahil na rin sa propaganda ng mga Tagalista na naglalayong patayin ang lahat ng wika sa Pilipinas liban sa Tagalog.
Idagdag pa na ang wika ay itinuturo sa Unibersidad ng Hawaii bilang isang kurso. Wala silang kurso para sa Tagalog. Ang Ilocano ang tanging Wika sa Pilipinas na kinikilala bilang Heritage Language sa Hawaii.
Tinataya ring may humigit-kumulang na 20 milyon native speakers ang Ilocano sa buong mundo.
Salita ng mga Ilokano
[baguhin | baguhin ang wikitext]Luzon
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Kanlurang Ilokano (Western Ilocano)
(Salitang Malalim na "Ilokano, at sinmahan Pang-galatok (Pangasinense)).
- Rehiyon ng Ilocos (Rehiyon ng 1)
- Ilocos Norte - 98%
- Ilocos Sur - 97%
- La Union -96%
- Pangasinan -90%
- Gitnang Ilokano (Central Ilocano)
(Salitang mayroong halong "Igorot", "Bontok" at "Apayao", ngunit Balarila ng wikang Ilokano).
- Rehiyon ng Cordillerano (CAR)
- Lalawigan ng Abra - 94%
- Lalawigan ng Apayao -95%
- Lalawigan ng Benguet - 89%
- Lalawigan ng Ifugao - 93%
- Lalawigan ng Kalinga - 92%
- Lalawigan ng Mt. Province - 91%
- Silangang Ilokano (Eastern Ilocano)
(Salitang Malalim na Ilokano at nahaluan ng "Igorot", "Apayao" at "Tuguegarao").
- Lambak ng Cagayan (Rehiyon ng 2)
- Lalawigan ng Cagayan - 89%
- Lalawigan ng Isabela - 88%
- Lalawigan ng Nueva Vizcaya - 87%
- Lalawigan ng Quirino - 86%
- Timog Ilokano (Southern Ilocano)
(Salitang Ilokano na mayroong salitang "Kapampangan" at salitang "Tagalog").
- Gitnang Luzon (Rehiyon ng 3)
- ilang bahagi ng Lalawigan ng Aurora - 65% (Eastern Ilocano)
- Lalawigan ng Bataan - 55%
- Lalawigan ng Bulacan - 49%
- Lalawigan ng Nueva Ecija - 70%%
- Lalawigan ng Pampanga - 52%
- Lalawigan ng Tarlac - 84%
- Lalawigan ng Zambales - 77%
- Timog Katagalugan (Southern Tagalog)
- CALABARZON (Rehiyon ng 4-A)
(Salitang Tagalog Caviteño, Calambeño na nahaluan ng wikang "Ilokano").
- Lalawigan ng Kabite - 48%
- Lalawigan ng Laguna - 47%
- Lalawigan ng Rizal - 45%
- Timog Katagalugan (Southern Tagalog)
- MIMAROPA (Rehiyon ng 4-B)
(Salitang Palawenyo, (Mangyan) Mindoro na nahaluan ng wikang "Ilokano").
- Lalawigan ng Kanlurang Mindoro - 44%
- Lalawigan ng Silangang Mindoro - 43%
- Lalawigan ng Palawan - 40%
Mindanaw
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Chavacano, Bisaya (Western Cebuano)
(Salitang mayroong halong "Chavacano Zamboanga", at nahaluan ng wikang "Ilokano" at kasama ang ka-Musliman).
- Tangway ng Zamboanga (Rehiyon ng 9)
- Lalawigan ng Zamboanga Sibugay - 39%
- Lungsod ng Zamboanga - 38%
- Bisdak, Bl'aan, Manobo, Muslim (Southern Cebuano)
(Salitang "Mababaw na Bisaya" (Bisdak), at nahaluan ng wikang "Ilokano" at kasama ang Ka-musliman).
- SOCCSKSARGEN (Rehiyon ng 12)
- Lalawigan ng Cotabato - 37%
- Lalawigan ng Sarangani - 36%
- Lalawigan ng Sultan Kudarat - 50%
- Lalawigan ng Timog Cotabato - 35%
- Lungsod ng Heneral Santos - 33%
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Philippine Census, 2000. Table 11. Household Population by Ethnicity, Sex and Region: 2000
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- iluko.com Naka-arkibo 2019-08-16 sa Wayback Machine. - kauna-unahang portal na Iloko
- dadapilan.com Naka-arkibo 2007-02-16 sa Wayback Machine. - natatanging portal para sa panitikang Iloko
- ilocano.org - tagpuan ng mga Ilokano