Halal
Ang halal (Arabe: حلال, ḥalāl) ay isang salitang Arabe na may kahulugang "pinapayagan" sa wikang Tagalog. Sa Koran, sinasalungat ang salitang halal sa haram (ipinagbabawal). Ipinalawig itong binaryong oposisyon na maging mas komprehensibong pag-uuri na kilala bilang "ang limang desisyon": sapilitan, inirerekomenda, neutral, kasisisisi at ipinagbabawal.[1] Pinagtatalunan ng mga hukom sa Islam kung sinasaklaw ng salitang halal ang unang dalawa o unang apat ng mga kategoryang ito.[1] Nitong nakaraang mga taon, binibigyang-diin ng mga kilusang Islam na naghahangad na magpakilos ng masa at mga sumusulat para sa pangkalahatang publiko ang mas simpleng pagkakaiba ng halal at haram.[2][3]
Karniwang nag-uugnay ang salitang halal sa mga batas sa pagkain sa Islam at lalo na sa karneng pinoproseso at inihahanda alinsunod sa mga kahilingang iyon.
Pagkain
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa pangkalahatan, itinuturing ng Islam na halal ang lahat ng pagkain maliban kung ito ay ipinagbabawal sa hadith o Koran.[4] Kung magiging tiyak, ang mga pagkaing halal ay:
- Ginawa, ipinrodyus, niyari, ipinroseso, at inimbak gamit ang mga makinarya, kagamitan, at/o kasangkapan na nilinis ayon sa batas ng Islam (sharia).
- Malaya mula sa anumang sangkap na hindi maaaring kainin ng mga Muslim ayon sa batas ng Islam.[5]
Karne ng baboy ang pinakakaraniwang halimbawa ng pagkaing haram (di-halal). Habang baboy ang tanging karne na tiyakang hindi makakain ng mga Muslim (ipinagbabawal ito ng Koran,[6] Surah 2:173 at 16:115)[7][8] kinokonsiderang haram ang mga ibang pagkain na wala sa kalagayan ng kadalisayan. Kabilang sa mga pamantayan para sa mga pagkaing di-baboy ang pinagmulan nito, dahilan ng pagkamatay ng hayop at kung paano ito ipinroseso. Itinuturing ng karamihan ng Islamikong iskolar na halal ang molusko at iba pang pagkaing-dagat.[9] Halal ang lutuing behetaryano kung wala itong inuming nakakalasing.[10]
Kailangan ding siguraduhin ng mga Muslim na halal ang lahat ng pagkain (lalo na ang mga pinrosesong pagkain), pati ang mga bagay na di-pagkain tulad ng mga kosmetiko at gamot.[11][12] Kadalasan, naglalaman ang mga produktong ito ng mga kakambal na produkto na de-hayop o mga ibang sangkap na hindi maaaring kainin o gamitin ng mga Muslim sa kanilang mga katawan. Kabilang sa mga pagkain na hindi kinokonsiderang halal para sa mga Muslim na ikonsumo ang dugo[13] at mga nakalalasing tulad ng mga inuming alkoholiko.[14]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Vikør, Knut S. (2014). "Ḥalāl". Sa Emad El-Din Shahin (pat.). Sharīʿah. The Oxford Encyclopedia of Islam and Politics (sa wikang Ingles). Oxford University Press. ISBN 978-0-19-530513-5. Nakuha noong 18 Mayo 2017.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ensiklopedya ng Islam (2009). "Halal" [e]. Sa Juan Eduardo Campo (pat.). Encyclopedia of Islam (sa wikang Ingles). Infobase Publishing. p. 284.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lowry, Joseph E (2006). "Lawful and Unlawful" [Ensiklopedya ng Koran]. Sa Jane Dammen McAuliffe (pat.). Encyclopaedia of the Qurʾān (sa wikang Ingles). Brill. doi:10.1163/1875-3922_q3_EQCOM_00107.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Definition of Halal" [Kahulugan ng halal]. Halal Monitoring Committee U.K. (sa wikang Ingles).
- ↑ "What is Halal? A Guide for Non-Muslims" [Ano ang Halal? Isang Gabay para sa Mga Di-Muslim]. Islamic Council of Victoria (ICV) (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Abril 2022. Nakuha noong 22 Pebrero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Pork (لَحم الخنزير) From the Quranic Arabic Corpus – Ontology of Quranic Concepts" [Baboy (لَحم الخنزير) Mula sa Korpus ng Koranikong Arabe – Ontolohiya ng Mga Konseptong Koraniko] (sa wikang Ingles). Nakuha noong 29 Disyembre 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Surah Al-Baqarah [2:173]". Surah Al-Baqarah [2:173] (sa wikang Ingles). Nakuha noong 7 Setyembre 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Surah An-Nahl - 115". Quran.com.
- ↑ "You searched for seafood • Muslimversity".
- ↑ "Is Vegetarian Cuisine always Halal?" [Palagi Bang Halal Ang Lutuing Behetaryano?]. Islamic Services of America (ISA) (sa wikang Ingles). 24 Hunyo 2020. Nakuha noong 22 Pebrero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kenji Sugibayashi, Eddy Yusuf, Hiroaki Todo, Sabrina Dahlizar, Pajaree Sakdiset, Florencio JrArce, and Gerard Lee See (1 Hulyo 2019). "Halal Cosmetics: A Review on Ingredients, Production, and Testing Methods" [Kosmetikong Halal: Isang Pagsusuri sa Mga Sangkap, Produksiyon, at Paraan ng Pagsisiyasat]. Cosmetics (sa wikang Ingles). 6 (3): 37. doi:10.3390/cosmetics6030037.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ "Halal for health: Scaling up halal pharmaceuticals" [Halal para sa kalusugan: Pagse-scale up ng parmasyutikang halal] (PDF). The Economist (sa wikang Ingles). Nakuha noong 22 Pebrero 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Quran Surah Al-Maaida ( Verse 3 )
- ↑ Quran Surah Al-Maidah ( Verse 90 )