Si Inang Bayan sa Gapan, Nueva Ecija
https://bit.ly/32W850T
BAGONG KASAYSAYAN
Lathalain Blg. 15, 2020
ISSN 0118-81-00
Copyright 2020 © ni Mary Jane B. Rodriguez-Tatel at ng Bagong Kasaysayan
RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN. Sarili ng may-akda at ng
Bagong Kasaysayan ang lahat ng Karapatan sa monograf na ito. Anumang
bahagi ay hindi maaaring kopyahin o sipiin ninuman sa anumang paraan ng
paglimbag nang walang pahintulot ng may-akda at ng pamatnugutan ng
Bagong Kasaysayan.
Isinamonograf ni
Arvin Lloyd B. Pingul
Inilathala ng
Bagong Kasaysayan, Inc. – Bahay Saliksikan ng Kasaysayan
Unit 2, No. 35A Escaler St., Loyola Heights, Quezon City
2020
ANG DALUMAT NG BAYAN
SA KAMALAYAN AT
KASAYSAYANG PILIPINO*
Mary Jane B. Rodriguez-Tatel
Bayan ang siyang lahat;
dugo at buhay, yaman at lakas,
lahat ay sa Bayan.
— Emilio Jacinto
T
ahasan, mapanindigan at makapangyarihan ang mga katagang
binitiwan ni Jacinto sa kanyang pananaw hinggil sa “bayan.”
Bakit? Ano ba ang mayroon sa katagang “bayan”? Gaano man
kasimple o kakomplikado ang usapan, maririnig mo itong inuusal.
Mula sa simpleng pangungusap na: “Pupunta ako sa bayan,” tungo sa
higit na matulain at madamdaming: “Sa aba ng abang mawalay sa
Bayan, gunita may laging sakbibi ng lumbay...” (Bonifacio sa Ileto
1979, 398) o mapanghimagsik na politikal na sigaw ng mga aktibista
sa kalye, “Bayan, bayan ko, di pa tapos ang laban mo!” Bayan din ang
isa sa mga tampok na paksa ng talastasan sa akademya lalo na nitong
mga nakaraang sampung taon ng paggunita sa mga sentenaryo ng mga
makasaysayang kaganapan sa proseso ng pagbubuo ng Kapilipinuhan. 1
At hindi lamang ito pinag-uusapan, binubuwisan din ito ng buhay.
Lahat ng ito ay buháy na katibayan kung gaano
kapundamental ang dalumat ng bayan. Samakatwid, marapat lamang
na muli natin itong suriin sa paniniwalang mula rito’y makakatas natin
B a g o n g
2|
ang mahahalagang
pagkakakilanlan.
sangkap
ng
ating
K a s a y s a y a n
pagkamamamayan
at
“BAYAN”: DALUMAT AT REYALIDAD
Dinalumat ang bayan batay sa tinatawag na domain analysis
o “pagsusuri ng kasaklawan” na babalangkasin ng “lawak,” “lalim”
at “laman” ng kataga. May dalawang pangkalahatang saklaw ng
pagsusuri: una, ang bayan bilang konsepto, at ikalawa, bilang proseso.
Sa unang saklaw matuturol ang “bayan” bilang isang kamalayan, ang
mga kahulugan at pagpapakahulugan – ang lawak at lalim ng kataga.
Matutunghayan naman sa ikalawang saklaw ang “bayan” bilang isang
prosesong pangkasaysayan i.e., ang pag-aanyo ng bayan sa daloy ng
panahon. Ang mga serye ng pangyayari sa agos ng kasaysayan ang
naglaman at nagbigay-hugis sa dalumat ng “bayan” bilang isang
“ganap na kabuuang” inaangklahan ng identidad nating mga Pilipino sa
kasalukuyan. Hinalaw mula sa mga pansariling obserbasyon,
diksyonaryo, ulatantropolohikal at historikal ang kahulugan at mga
pakahulugan ng kataga. Pinagtagni-tagni ang mga ito upang magagap
ang pinakabuod ng kultural at konseptuwal na daigdig, gayundin ang
prosesong pangkasaysayan na sinasaklaw ng bayan.
Para sa unang bahagi, tutukuyin ang mga katumbas ng bayan
sa iba’t ibang lugar sa kapuluan upang maipakita ang pagiging
pundamental nito sa kamalayang Pilipino. Titingnan din ang mga
hangong-salita (derivatives) bilang mga batis ng diwa o kaibuturan ng
“bayan.” Mula rito, iigibin ang mga espesipikong katotohanang
nakapaloob sa kataga: ang prinsipyo ng holismo (ang mapang-ugnay na
pananaw sa daigdig ng mga Pilipino) bunga ng matalik na ugnayan ng
tao at kalikasan sa kapuluan, gayundin ang mga halagahing nabubuo sa
mayayamang ugnayang pantao, i.e., ang “kaginhawahan” at
“kasarinlan.”
Sa ikalawang bahagi, ipapakita ang daloy ng pagbabanyuhay
ng bayan mula sa munting pamayanan tungo sa kanyang kaganapan —
ang BANSA, ang kabuuan ng sangka-Pilipinuhan — ang
pangkalahatang pamayanan ng mga Pilipino na gumagarantiya sa
kapakanan at integridad ng bawat bahagi.2
A n g
D a l u m a t
n g
B a y a n
|3
Isa lamang ang katagang bayan sa tatlong laganap na salita sa
buong kapuluan na tumutukoy sa isang grupo ng tao na nakapaloob sa
isang kapaligirang may sentro. Ang dalawa pa ay ang ili ng hilagang
Luzon at banua/banwa ng Timog Pilipinas (Salazar sa Alaras 1988, xii;
Salazar sa Veneracion 1990, 41; Salazar 1997 at 2006).3 Ang mga
salitang kavahayan [Ivatan] (Hidalgo 1971, 47), baley [Pangasinense],
balen [Kapampangan] (Panganiban 1973, 147), lungsod
[Sebuano](Gullas 1937), ginharian [Ilonggo](Hermosisima at Lopez
1966), inged/ingued [Manobo/Menuvu, Teduray, Maguindanaon, at
Maranao] (Sullivan 1986; Marti 1892; Gèmpa tè Kèlindaan nè Kamal
w.p.; Timuay Justice and Governance (TJG) w.p.), at bungtu/bungto
[Waray] (Bellas 1996) ang iba pang katumbas ng nasabing dalumat sa
ibang bahagi ng kapuluan (Mapa 1). Mayaman sa kahulugan ang
salitang bayan gaya ng kalinangang Tagalog4 na nilalagom nito.
Batay sa mga kontemporaryong diksyonaryo, maihahanay sa
dalawang kategorya ang kasalukuyang kahulugan ng bayan bilang
isang pangngalan: (1) lugar at (2) tao. Bilang lugar, tumutukoy ito sa
kagyat na kapaligirang ginagalawan ng tao, i.e., lupang
tinubuan/pinagmulan/ sinilangan, tirahan o pamahayan — na nag-anyo
bilang pamayanan.
Balayan ang sinasabing pinanggalingan ng salitang bayan.
Binubuo ito ng salitang ugat na “balay” o “bahay” at hulaping “-an,”
na ang ibig sabihin ay kalipunan ng mga balay/bahay o lugar na
pinagtayuan ng mga ito.5 Ganito maipaliliwanag ang pagbabago mula l
→ h. Ang katumbas ng *l sa Tagalog ay h kung kayat ang balay ay
*bah∂y sa Katagalugan. Mula sa proto-Tagalog na bah∂y, ito ay naging
“bahay” sapagkat ang katumbas ng *e sa Tagalog ay ang sentral na
tunog na a. Mula sa “bahayan” nakaltas ang penultima o pangalawang
silabol na ha dahil sa likas na katangian ng Tagalog na maging
disyllabic. Makikita ang tendensiyang ito sa mga sumusunod na
halimbawa: “mayroon” → “meron,” “maaari” → “maari,” “kaunti” →
“konti.” Batay sa pangkalahatang panuntunang pangwika sa Pilipinas
ang impit na sinasagisag ng (?), h, at y ay malayang nagpapalitan
(Salazar 1997, 4; Paz 1977).6 Sa madaling sabi, ang dalumat ng bayan
ay sadyang nakaugat sa konsepto ng tirahan/pamahayan (Salazar
1997).7 Bagama’t maituturing na magkakasingkahulugan sa
4|
B a g o n g
K a s a y s a y a n
kasalukuyan, nagkaroon ng mga partikular na pakahulugan ang
“bayan,” “ili,” at “banwa” sa agos ng kasaysayan. Kompara sa bayan
na ibinunsod ng pirmihang paninirahan sa kapuluan, sinasabing ang
ikalawa ay tumukoy noong una sa lugar na pinagkakanlungan
(kabundukan o isang pook-tanggulan) sa mga panahon ng
digmaan/labanan, habang ang huli nama’y higit na nakatuon sa ideya
ng espasyong pisikal o teritoryo [e.g., kalawakan, kagubatan,
kontinente] (Salazar 1997 at 2006; Rodriguez 2001).
Sa kabilang banda, nangangahulugan din ito ng isang
administratibong yunit, i.e., munisipalidad (town), kalipunan ng mga
barangay na may tiyak na teritoryo at sentro na tinatawag na
kabayanan/poblacion (i.e., sentro ng munisipalidad kung saan
matatagpuan ang munisipyo, palengke at simbahan — mga pisikal na
istrukturang kumakatawan sa pampulitika, pang-ekonomiya at
panrelihiyong institusyon). Kadalasan ang sentro ang tinutukoy na
bayan kung nasa loob mismo ng munisipalidad ang nagsasalita. Sa
katunayan, isang bayan sa lalawigan ng Batangas ang tinatawag na
Balayan (cf. matandang balayan o bahayan). Hinihinala ring ang
Balayan ang siya mismong sentro at unang pamayanan ng “Lupain ng
Kumintang” — ang katawagan ng mga naunang Espanyol sa rehiyon
ng Tagalog (Banas 1975, sinipi sa Odal 1999, 79).
Sa ikalawang kategorya, nangangahulugan ang “bayan” ng
isang grupo ng tao, i.e., madla, mamamayan, publiko, tanan, taumbayan
gaya ng ipinahihiwatig sa mga sumusunod na pangungusap: (1)
“Hayaang bayan ang humatol”; (2) “Isaalang-alang ang kapakanan ng
bayan” at (3) “Nagdiriwang ang bayan.”
Ginagamit din ang “bayan” bilang bansa (grupo ng tao na nasa
isang tiyak na teritoryo at iisang gobyerno; sa kaso ng Pilipinas,
tumutukoy ito sa kabuuan ng arkipelago), gaya ng sa unang linya ng
ating pambansang awit: “Bayang magiliw...”; o kung ang nagsasalita
ay nasa labas ng bansa. Kadalasan, maririnig natin sa mga kapatid
nating OFWs ang mga katagang “Mahirap mangibang-bayan” — mga
katagang ibinubulalas kapag inaatake na sila ng lungkot o
“homesickness” sa ibang bansa.
A n g
D a l u m a t
n g
B a y a n
|5
MAPA 1
KARTOGRAPIYA NG ILI, BAYAN, BANUA
at iba pang kaugnay na konsepto
Mary Jane B. Rodriguez, 1996/1997
6|
B a g o n g
K a s a y s a y a n
Gayumpaman, hindi lubos na masasapul ng simpleng
kategorisasyon lamang sa mga diksyonaryo ang ganap na lalim ng
kahulugan ng bayan. Nakapaloob sa konseptong ito ang dinamiko at
likas na ugnayan sa pagitan ng tao at lugar sa agos ng panahon. Kung
hihimay-himayin natin ang mga naturang pahayag, lumilitaw na may
dalawang lebel ng ugnayan: una, sa pagitan ng tao at kapaligirang
pisikal o “kalikasan” at ikalawa, sa pagitan ng mga tao mismo sa loob
ng isang itinakdang lugar.
Sa panloob na dinamismo ng mga ugnayang ito nalilikha ang
kalinangan. Habang pinagyayaman ng tao ang kanyang kapaligiran,
pinauunlad din niya ang kanyang sarili at ang lipunang nabuo mula sa
mga naturang interaksyon.
BAYAN: UGNAYANG TAO-KALIKASAN
Sa puntong ito, dapat kilalanin ang di-mapasusubaliang
impluwensiya ng kapaligirang pisikal sa tao, at vice versa (sapagkat
hindi rin naman tayo dapat masilo sa bitag ng geographical
determinism). Sa simula’t simula pa, mayroon nang malapit na ugnayan
sa pagitan ng tao at kalikasan. Maisasalin ang uri ng ugnayang ito sa
prinsipyo ng holismo. Holistiko ang umiiral na pananaw ng mga tao sa
isang kapaligirang malaya at bukas gaya ng kapuluan, mapagkupkop at
mapagkalinga bunsod ng yaman ng kalikasan at katangian nitong
agrikultural. Sa prinsipyong ito ng holismo nakapaloob ang iba’t ibang
anyo ng talaban ng kalikasan at tao. Dahil pinaniniwalaang lahat ng
nasa loob ng santinakpan ay may buhay at nagkakaugnay-ugnay, gaya
ng ipinahihiwatig, halimbawa, ng isang matandang kawikaang
Gaddang:
Pakatoletam yo mula a ya’da na lubag ana yo lubag akanan
detam. (We eat the plants that the earth gives us and the earth
eats us.) [Kinakain natin ang mga halamang ibinibigay sa atin
ng lupa at kinakain din tayo kapagdaka ng lupa.] (Sinipi mula
sa Wallace 1970, 1; akin ang salin sa Filipino.)
Makikita rin ito sa paniniwala ng mga sinaunang Pilipino
tungkol sa anitu na tumutukoy hindi lamang sa mga espiritu ng ninuno,
kundi maging sa mga espiritu ng kalikasan. Sa bisa ng sanlibo’t
sanlaksang ritwal, ipinahahayag ang mataas na pagpapahalaga sa mga
A n g
D a l u m a t
n g
B a y a n
|7
anitu upang magabayan sila sa lahat ng mga gawain sa lupa. May ritwal
bago magtanim, mag-ani, mangisda, magmina, manganak, mag-asawa,
magtayo ng bahay, maglibing ng namatay, makipagdigma at kung anuano pa. Dito nakasalalay ang mataas na antas ng espiritwalidad na
sinasalukan ng malalim na pakikipag-ugnayan ng tao sa kalikasan,
gayundin ng tao sa kanyang angkan at kanunununuan (Quirino at
Garcia 1958, 393). Sa bisa ng ritwal na isinasagawa ng grupo o
kolektibo, hindi lamang relihiyon o kapaniwalaan ang binabalangkas
ng pakikipag-ugnayan sa kalikasan, kundi maging ang mga ugnayang
pantao rin (Magannon 1972).
Kinikilala ang kalikasan bilang tahanan ng mga espiritung
may direktang impluwensiya at kontrol sa eksistensiya ng tao. Kung
kaya’t tinatrato “siyang” katuwang at hindi isang obhetong dapat
maniobrahin upang mabuhay. Taliwas sa konsepto ng pribadong pagaari ng lupa (na ipinakilala ng mga kanluranin), minamarapat itong
pagyamanin at hindi dapat angkinin ng isang partikular na indibidwal
lamang (gaya ng ipinahihiwatig ng pangalang “Filipinas,” na ipinadron
kay Felipe II ng Espanya). Sa iba’t ibang grupong etnolinggwistiko sa
Pilipinas, matutunghayan pa rin hanggang ngayon ang natatanging
pagpapahalaga sa lupa. Sa mga Bontok ng Kordilyera, halimbawa,
nagdaros sila ng ritwal ng sapata, isang panunumpa sa ngalan ng
espiritu ng luta (lupa) na isinasagawa ng isang taong akusado kapag
walang saksi (Brett 1987, 65). Sa ganang ito, itinuturing na banal ang
lupa. Nakabatay ang kabanalan ng lupa sa paniniwala ng maraming
Igorot, halimbawa, na nagmula ito sa Dakilang Lumikha. Maiuugnay
rin ito sa konseptong Iloko ng “Apo Daga” (sa literal, “Apo Lupa”). Sa
wikang Iloko, “Apo” ang pinakamataas na titulo ng paggalang, tanda
ng pagkilala sa banal nitong kapngyarihan, gaya ng matutunghayan sa
sumusunod na pahayag:
Agbirra koma ni Apo Daga! Alun-onenna koma dagiti soldado!
Alun-onenna koma dagiti kriminal!” (Mabibiyak sana ang lupa!
Sasakmalin niya sana ang mga sundalo! Lulunukin niya sana
ang mga kriminal!” (Agcaoili 1996, 3)
At sino nga ba ang makatatakas sa kapangyarihan ng lupa gaya
ng sinasabi sa linyang pinopopularisa ng isang mang-aawit: “nagmula
sa lupa, at sa lupa ka rin magbabalik na kusa.” Ganito rin ang mensahe
8|
B a g o n g
K a s a y s a y a n
ng bayaning Kalinga na si Macli-ing Dulag nang labanan niya ang
proyektong Chico Dam ng rehimeng Marcos noong 1980. Sangkot dito,
higit sa lahat, ang tunggalian ng likas na kapangyarihan ng lupa laban
sa awtoridad ng tao sa ngalan ng “kaunlaran.”
You ask if we own the land and mock us saying “where is your
title?”...Such arrogance to speak of owning the land,... how can
you own that which will outlive you....Land is a grace that must
be nurtured, land is sacred....[Itinatanong mo kung sa amin ang
lupa at tinutuya mo kami sa tanong na "nasaan ang inyong
titulo?…Anong kahambugang angkinin ang lupa…paano mo
maaangkin ang bagay na hihigit pa sa pamamalagi mo sa
daigdig na ito….Ang lupa ay isang biyayang dapat
pagyamanin, ang lupa ay banal.] (Akin ang salin)
Nanunuot sa mga pahayag na ito ang pamamayani ng “likas”
o sangkalikasan sa “likha” o sangkatauhan. Pamamayani itong nasa
kaibuturan ng paniniwalang ang kabuuan (holismo) ay dapat
nakasalalay sa maalwan at malapit na ugnayan (kaisahan) ng iba’t ibang
bahagi o sangkap ng nasabing kabuuan. Kung kaya may konsepto tayo
ng “sandaigdigan,” “santinakpan” at “sansinukuban.”
Sumapit ang kolonyalismo subalit hindi kailanman nawala
ang mapang-ugnay na kamalayang bayan. Kung kaya sa halip na iwaksi
o tutulan ang mga impluwensiyang mula sa labas, hinihiram ito, o higit
pa rito, inaangkin at ginagawang sariling atin. Isa na riyan ang
Katolisismo na bagama’t niyakap ng maraming Pilipino ay patuloy pa
ring nakikipagsalimbayan sa mga katutubong paniniwala gaya ng
pamahiin, anting-anting, atang (ng mga Iloko), at marami pang iba
(Rafael 1988; Pertierra 1988).
Inianak ng mapang-ugnay na pananaw ang isang saloobing
mapagtangkilik. Makikita sa ating wika ang malikhaing pagtangkilik at
pag-aangkin sa mga hinihiram na salita upang pagkatapos ay gawing
sariling atin. Halimbawa, ang salitang “saklolo” na galing sa Espanyol
na “socorro,” ang “silya” mula sa “la silla,” “bintana” mula sa “la
ventana,” “titser” mula sa Ingles na “teacher,” “dyip” mula “jeep,” at
marami pang iba. Sa isinagawang leksikal na elaborasyon makikita ang
kaluwagan, gayundin ang pleksibilidad ng mga Pilipino. Kung kaya
may salita tayong “ubra” o “pag-ubrahin” na nagpapahiwatig ng
A n g
D a l u m a t
n g
B a y a n
|9
paggagalugad ng sanlibo’t sanlaksang posibilidad, ng pagigpaw sa mga
hangganan, gaya ng makikitang katangian ng katubigan na siyang
mapagpasya sa paninirahan sa kapuluan.
Kalikasan pa rin ang mahigpit na isinaalang-alang sa
pagtatakda ng ating kaakuhan (identity). Simulan natin sa paraan ng
pagpapangalan ng ating mga bayan. Pansinin, alinsunod sa likas na
katangian ng mga lugar ang mga sinauna o prehispanikong pangalan.
Nariyan ang “Hagonoy,” mula sa hagunoy, isang uri ng ligaw na
halamang-gamot na tumutubo sa baybay; “Calumpit,” mula sa punong
kalumpit; “Maynila,” mula sa halamang “maynilad” (kapamilya ng
water lily) na lumulutang-lutang sa ilog nito; “Pasig,” paagusan
(channel) ng mabilis na daloy ng tubig (Manuel 1995, 55);
“Macabebe,” mula sa salitang ugat na “bebe” na ang ibig sabihin ay
pampang; gayundin naman ang “Bae,” na lumang kataga para sa
baybayin; at marami pang iba. At tanda ng pinakamataas na
pagpapahalagang ito ang pagkilala natin sa sarili bilang kabahagi o
kaisa pa nga ng lupang tinubuan. Ito ang matutunghayan sa
pagpapangalan natin sa mga pamayanan o grupo ng mga tao batay sa
kalikasan. Sa simula, ang bawa't grupong etnolinggwistiko sa kapuluan
ay nakahanay sa dalawang pangkalahatang uri ng pamayanang
nakabatay sa kabuuang daloy ng ilog: sa-laud (paibaba o downstream)
at sa-raya (paitaas o upstream) (Zorc 1985, 177). Nagkaroon na lamang
ng mga dialektal na variant at kogneyt (mga salitang magkakapareho
ng anyo, tunog at kahulugan) sa ibat ibang lugar: (a) “ilaya”/ “daya”
para sa paitaas o pinagmumulan ng tubig sa kabundukan at (b)
“ilawud”/”lagud”/“laud/laut” para paibabang daloy ng tubig patungong
karagatan. Nariyan ang “Tausug,” tao ng agos; “Tagakaolo,” mula sa
ulo o pinagmumulan ng tubig (headwater); “Kapampangan,” mula sa
pampang; “Iloko,” mula sa mababang bahagi ng ilog (ilawud o
downstream). Ang “Subanon”/ “Subanen” [sa literal, taga-suba (ilog)]
ng Mindanao ay ang “Tagalog” (taga-ilog, taga-alog8) naman ng
Luzon, na siya ring “Ibanag,” [“i = taga + “banag”= ilog] ng Hilagang
Luzon. May matibay na sinasandigang kultural, kung gayon, ang
panukalang katawagan nina Bonifacio at Jacinto sa atin bilang
“Katagalugan.” At may mapanlagom na kaisipang bumubukal mula
B a g o n g
10 |
K a s a y s a y a n
rito: na ang bayan ay ang likas na kaisahan ng kalikasan at ng mga taong
dito’y nananahan (Dayagram 1).
Sa kasalukuyan, habang tinatahak natin ang landas ng “pagunlad” na nakasakay sa programa ng urbanisasyon at
industriyalisasyon, madarama ang unti-unting pagkasira ng ugnayang
tao-kalikasan. Habang ang “bayan” ay nagaanyong siyudad lumuluwag
ang bigkis sa pagitan ng tao at kalikasan.
DAYAGRAM 1
Kabuuan ng Bayan
M.J.B. Rodriguez, 2000
BAYAN: UGNAYANG TAO-SA-TAO
Ang mapag-aruga at mapagkupkop na Inang Kalikasan ay
lumikha ng gayunding saloobin sa mga tao. Kung kaya, mayaman din
ang ating bokabularyo sa mga salitang nilalapian ng “pakiki” e.g.,
“pakikisama,” “pakikitungo,” “pakikisalamuha,” “pakikipag-ugnayan”
A n g
D a l u m a t
n g
B a y a n
| 11
at marami pang iba. Mga salita at konsepto itong nagpapahiwatig ng
napakaraming antas ng pagbibigay-kahulugan sa ugnayan ng mga tao.
Sa pagsuong at pag-igpaw sa samu’t saring hamon ng kapaligiran sa
kapuluan, e.g., baha, lindol, pagputok ng bulkan, bagyo, at iba pa,
nailuwal ang iba pang terminong malakas na nagpapahiwatig din ng
yaman ng mga ugnayang pantao, e.g., “malasakit,” “damayan,”
“tulungan,” “lakaran,” “bayanihan,” at “kapatiran.” Ano ang
ipinahihiwatig ng mga ito?
May umiiral na organikong pagkakaugnay-ugnay o kaisahan
ang mga taong nakapaloob sa bayan sa bisa ng pagkakawing-kawing
ng mga himaymay ng kanilang mga karanasan: politikal, ekonomiko,
panlipunan, at pangkaisipan (Iskema A).
ISKEMA A
Ang Bayan Bilang Hugpungan
ng Iba’t Ibang Aspeto ng Kalinangan
M.J.B. Rodriguez, 2000
12 |
B a g o n g
K a s a y s a y a n
Sa puntong ito, maihahalintulad ang bayan sa isang bahay. Sa
bawa’t sulok nito ay naghuhugpungan ang bawa’t integral na bahagi —
ang haligi o mga poste, ang dingding at bubong. Mapapansing
nagtatagpu-tagpo ang mga linya ng bawa’t hugis sa isang
pangkalahatang hugpungan sa gitna na kinaiikutan ng paligid. Ito ang
“sentro” — ang nagtatakda ng kabuuang estruktura o balangkas ng
kaayusan. Sa ganitong pagtataya, masasabing ang pagkakabuklod ay
hindi lamang nakabatay sa mga pisikal o biolohikal na salik (gaya ng
kamag-anakan o pagkakaroon ng iisang kapaligiran), kundi lalo’t higit
sa panloob na pagkakaugnay-ugnay at pag-uugnay ng kanilang mga
halagahin, kaugalian, kagawian, kamalayan, diwa, kaalaman,
paniniwala, i.e., sa pagkakaroon ng iisang pananaw-pandaigdig na
bumabalot sa kanilang mga partikular na karanasan, ang pananaw na
binibigyang-buhay ng wika.9 Kung kaya higit pa sa isang heo-politikal
na konsepto, ang bayan ay isang pangkalinangan/ kultural na
kabuuan.10
Ang pangkalinangang kabuuang tinutukoy rito ay hindi
nangangahulugang “kabuuang-walang-lamat” (cf. Ramon Guillermo;
Roque Ferriols). Tampok dito ang likas na “pagkakaugnay-ugnay” at
ang mga nilikhang “pag-uugnay-ugnay.” Sa proseso ng ugnayan,
sadyang sumisingaw ang mga tunggalian o hidwaan sa isang punto o
yugto nito, sapagkat dinamiko ang ugnayan. Hindi ekslusibo ni
permanente ang pangingibabaw o pagkapailalim. Subalit sa kabila nito,
may isinisilang na kaayusan o kabuuan bilang produkto ng iba’t ibang
anyo ng ugnayan. Mapasalarangan man ng kapayapaan o tunggalian,
may umiiral na kabuuan hangga’t may pagtatalaban (basahin:
pagkakaroon ng bisa sa isa’t isa) ng mga kaisipan at kahulugan. Sa
madaling sabi, nasa “kalaliman” o “kalooban” — nasa pagtatalaban ng
mga isip at damdamin ang kaisahan. Kung kaya sa kabila ng mga
hidwaang sosyo-ekonomiko-politikal, hangga’t may pagtatalastasan o
pagpapaliwanagan ng mga ideya at kaisipan upang pandayin ang
konsepto at reyalidad ng isang kaayusan/estruktura, may sisingkad pa
ring kaisahan. Sa ganang ito nagkakaroon ng “kabuluhan” ang mga
bagay-bagay. At susi rito ang papel ng wika hindi lamang bilang
kasangkapan ng talastasan kundi bilang mayamang bukal ng mga
pakahulugan.
A n g
D a l u m a t
n g
B a y a n
| 13
Paano sinasabing ang bayan ay isang kabuuang kultural?
Napakaintegral ng dalumat ng bayan sa ating buhay-pampamayanan.
Patunay rito ang dami ng mga salita (pangngalan, pandiwa, at pang-uri)
na mabubuo mula sa salitang ugat na bayan. At inilalarawan ng mga ito
ang mahahalagang aspeto ng pamumuhay ng mga tao bilang bahagi ng
isang kalipunan, gayundin ng mga yugtong dinaanan ng pagsulong ng
nasabing kalipunan. Ganito natin maimamapa ang kasaklawan ng mga
nabuong salitang galing sa “bayan.” Mula sa pinakapayak na kahulugan
ng pagiging isang pisikal na espasyo, i.e., “bayanbayan,” “bayanbayanan,” “bayanan,” “kabayanan,” “pamayanan,” “pamahalaangbayan,” “pamilihang-bayan,” “paaralang-bayan,” “bulwagangbayan,”
“bigasang-bayan,” “sasakyang-bayan”; at ng pagiging tao, i.e.,
“taumbayan,”
“sambayanan,” “mamamayan,”
“balik-bayan,”
“kababayan,” “punong-bayan,” hanggang sa mga di-materyal na aspeto
ng kalinangan, e.g., “kaalamang-bayan,” “kuwentong-bayan,”
“awiting-bayan,” “piyestang-bayan,” “lingkod-bayan,” at mga
salitang-kilos e.g., “namamayan,” “makipamayan,” “pagbayanan,”
“mamayan”; at salitang naglalarawan, e.g., “makabayan,” “pambayan,”
hanggang sa mga halagahin at higit na abstraktong konseptong nabuo
sa pakikipag-ugnayan, e.g. “pagkamamamayan,” “pagkamakabayan,”
“kagalingang-bayan,” tungo sa pinakamadamdaming dalumat ng
“Inang Bayan.”11 Iisa ang tinutuhog nitong kaisipan: ang “bayan”
bilang kultural na daigdig na ginagalawan ng indibidwal ang siyang
nagtatakda ng kanyang pagkakakilanlan. Nasa kaibuturan ng daigdig
na ito ang isang proseso ng kaganapan, i.e., “pagka” at “pagpapaka” ng
mga taong ipinanganak, lumaki, at namalagi sa bayan. Mahalaga, kung
gayon, ang konsepto ng bayan sa pagunawa ng pagkatao at
pagpapakataong Pilipino.12 Sa bahaging ito pangunahin sa
pagpapalalim ng pag-unawa sa dalumat ng bayan ang konsepto ng
“loob” na nakakabit sa pagkatao at pagpapakatao ng indibidwal.
Ang “Bayan” at ang “Loob”
Ang organikong kaisahan na siyang pinakabuod ng dalumat
ng bayan (bilang kabuuang kultural) ay dinedetermina ng ugnayang
“loob”-“labas” ng tao. Ang “loob bilang tunay na sarili ng tao” (sa
kataga ni Reynaldo Ileto, sinipi sa Alejo 1990) ay ang tumatayong
14 |
B a g o n g
K a s a y s a y a n
salalayan ng kanyang esensya (“pagka”) at resulta ng proseso ng
kanyang “pagpapaka.”13 Likas na sa tao ang pagkakaroon ng isip at
dama (na siyang nakaluklok sa kanyang kaibuturan o kalaliman, sa
madaling sabi ang kanyang esensya o “pagkatao”); subalit higit na
nalilinang ang kanyang pagkatao (kumikinang ang kanyang esensya) sa
pamamagitan ng pagkilos o pagganap sa loob ng isang kalipunan ng
mga indibidwal na nagkatagpu-tagpo sa proseso ng kaganapan. Sa
pamamagitan ng pakikipagugnayan (i.e., pakikisama, pakikisalamuha,
at pakikiisa) sa mga indibidwal na ito nagaganap ang kultural na
proseso ng “pagpapakatao.” Samakatwid, ang mga taong nakaisa niya
sa prosesong nabanggit ay hindi lamang simpleng mga indibidwal
kundi ang kanyang kapwa, ibig sabihin, taong nagiging integral na
bahagi ng sarili (loob). Sa madaling sabi ang kapwa ay isang “kaisangloob” — kaisang-isip, dama at kilos; habang ang pakikipagkapwa ay
susing elemento sa proseso ng pagpapakatao. Lapat na lapat dito ang
linya sa isang awiting pansimbahan: “Walang sinuman ang nabubuhay
para sa sarili lamang.” Kung gayon, ang kapwa ay maituturing na isang
“kapatid” (hindi sa pakahulugang biolohikal kundi sa pakahulugang
kultural); habang ang diwa o esensya ng bayan ay masasabing
nananahan sa gayong “kapatiran” — kalipunan ng mga taong napatid
sa isang “loob” o “niloloob,” i.e., layon (bilang artikulasyon ng isip at
dama) at pagpupunyagi (bilang artikulasyon naman ng kilos). Ang
“kababayan” kung gayon ay hindi lamang ipinanganak sa kaparehong
bayan kundi, lalo’t higit, nag-iisip, nag-aadhika, nakadarama at
kumikilos nang kapareho ng mga nakapaloob sa gayong bayan. Ang
ganitong pakahulugan ng “kapatiran” (o pagkakaisa) kung gayon, ay
nagbubunsod ng kaginhawahan o kagaanan at katiwasayan ng
pamumuhay. Batay diumano sa kinagisnang sikolohiya, ang ginhawa
ay isang bahagi ng “loob” na may kinalaman sa sigla, lakas, “buhay,”
“paghinga,” “hininga,” “tiyan,” “puso” hanggang sa pagkaing
kailangan upang mabuhay (Salazar 1977, 140; Abrera sa Llanes 1994,
97-98). At kung may kaginhawahan, may sapat kang lakas na tumayo
sa sariling mga paa, malaya kang makapagpapasya sa sarili,
makakikilos ayon sa sariling katinuan at katwiran; hindi basta-basta
mapapasunod o mapaiilalim sa impluwensiya ng iba, at sa gayo’y
maigigiit ang kakanyahan. Sa ganitong pagkukuro mahigpit na
magkaugnay ang kaginhawahan at kasarinlan na siyang tinuturol ng
A n g
D a l u m a t
n g
B a y a n
| 15
proseso ng kaganapan ng tao. Ang bayan bilang isang kabuuang
kultural kung gayon, ay salalayan ng “kaginhawahan” at “kasarinlan”
ng mga mamamayan (Dayagram 2). Sa mga sumusunod na paliwanag
palalalimin ang puntong iginigiit.
Diyalektikal ang relasyon sa pagitan ng tao at bayan. Ang
bayan ang daigdig kung saan nagaganap ang proseso ng pagiging tao
(likas o biolohikal) at pagpapakatao (kultural); habang
naisasakatuparan din ng bayan ang kanyang kaganapan sa magkatuhog
na prosesong ito. Integral na bahagi ng tao ang bayan, gayundin naman,
integral na bahagi ng bayan ang tao. Sa ganang ito natin maikakahon
ang pakahulugan ng “labas.”
Ang “labas” ay hindi lamang simpleng “hindi loob.” Anupa’t
sinasalamin ng huli ang una sapagkat wika nga ni Rey Ileto, “ang ‘loob’
ay may bisa sa kalikasan, sa lipunan at sa pagbabago nito.” Sa ganitong
pagtataya, hindi magkatumbalik ang “loob” at “labas.”
Bilang pagpapalawig sa interaksyong ito ng “loob” at “labas”
maaari tayong sumangguni sa ilang paham. Sang-ayon kay Jose de
Mesa, ang “loob” ay “isang konseptong relasyonal,” kung kaya,
maaaring makita ang loob sa mga panlabas na pakikipag-ugnayan ng
mga tao sa isa’t isa (Guillermo walang petsa). Sinasang-ayunan din ni
Albert Alejo (1990) ang argumentong ito sa pagsasabing ang labas ay
“pagpapakita ng loob.” Sa puntong ito, magagamit natin ang
pagpapaliwanag ng nasirang Virgilio Enriquez (hinggil sa konsepto ng
“pakikipagkapwa.” Ang “kapwa,” aniya ay nangangahulugang
“ibinahaging sarili” (“shared self”) o ang “pagkakaisa ng ‘sarili’ at
‘iba’” (“unity of the “self’ and ‘others’” at sa gayo’y ibang iba sa
salitang Ingles na “other person” [ibang tao] (1978, 4-5). Ang
pakikipagkapwa kung gayon ay ang pagtanggap at pakikitungo sa isang
tao bilang kabahagi ng sarili (Enriquez 1995, 15; Guillermo, Navarro
at Rodriguez 1997, 15-16). At dito masusukat ang lalim at lawak ng
“loob” ng Pilipino; ang bukas at mapang-ugnay na saloobing makikita,
halimbawa, sa magiliw na pakikitungo sa mga panauhin. Sa katunayan,
ang sinaunang katagang Tagalog na tawo ay maaaring tumukoy sa
kanilang sarili mismo o sa kanilang bisita; at ang pandiwang
nagagatawo ay nangangahulugang mag-anyaya ng panauhin (San
16 |
B a g o n g
K a s a y s a y a n
Buenaventura 1613, sinipi sa Scott 1994, 190). Muli, kinikilala ang
kapwa bilang salamin ng sarili. Hindi ibinubukod.
DAYAGRAM 2
Ang Bayan at ang “Loob”:
Pagpapalalim sa Dalumat ng Bayan Bilang “Kabuuang Kultural”
M.J.B. Rodriguez 1996
Kaugnay ng konsepto ng pakikipagkapwa ay ang konsepto ng
pakikiramdam. Ayon pa rin sa ilang sikologo, gayon na lamang ang
pakundangan nating mga Pilipino sa damdamin ng iba, kung kaya may
tendensiyang hindi tuwirang ipahayag ang ating nadarama — pag-ibig
o galit man ito. Ito ang nagbigay daan sa penomeno ng pakikiramdam
— isang di-hayag na prosesong pangindibidwal kung saan sinusubukan
muna nating maramdaman at maunawaan ang damdamin at intensyon
ng kapwa bago magsagawa ng kaukulang tugon at pagkilos
(Mataragnon 1987, 470). Diumano, karaniwan na nating ipinahahayag
A n g
D a l u m a t
n g
B a y a n
| 17
ang damdamin sa isang bai-baitang na pamamaraan. Hindi biglaan.
Kung ang binata ay umiibig mayroong harana at mala-prusisyong
ligawan. Kasama na rito ang paninilbihan at panunuluyan ni lalaki at
ang kanyang pamamanhikan sa buong angkan ni babae bago tuluyang
tumuloy ang magkasintahan sa simbahan. Sa kaso naman ng
magkakaibigan, ang isang masakit na batok ay hindi kaagad-agad
tinutumbasan ng suntok. Kadalasan, itinuturing ito bilang “lambing”
lang. Subalit kung maya’t mayang ginagawa, ang lambing ay nagiging
tampo. Kung paulit-ulit pang gagawin mauuwi na ito sa hinanakit na
maaaring maging sama ng loob kapag nagtagal; hanggang ang samaan
ng loob ay sumabog sa isang banatan. Bahagi umano ito ng “pagiging
di-konprontasyonal” ng mga Pilipino, ng ating pagpapahalaga sa
pagtatago ng mga salungatan. Anupa’t nagiging kadluan din ang
halagahing ito ng mga kawikaan o talinghagang kabilang sa ating
kaalamang-bayan. May ibinigay na halimbawa ng praktikal na gamit
ng kaalamang-bayan si Jaime Veneracion. Ayon sa kanya, sa sinaunang
lipunang Tagalog di-tuwirang pinupuna ang kayabangan ng isang tao
sa bisa ng bugtong na ito (Lumbera, sinipi sa Veneracion 1990, 51):
Magdalita ang niyog
houag magpapakalayog,
cun ang ouang ang omoc-oc
maobos pati obod.
Ang metaporang tulad nito ay isang mekanismo kung paano
naikukubli ang mga salungatan. Bukod dito, ang lahat ay kasama sa
paglikha at pagsasalaysay ng mga kuwento, pagbigkas ng mga bugtong
at salawikain; sa madaling sabi may kolektibong pagbabahaginan ng
kani-kaniyang talino at karanasan. Sa ganitong paraan napananatili ng
mga kaalamang bayan ang isang maalwang ugnayang inter-personal na
isang salalayan ng kabuuan.
Sang-ayon pa rin kay Ramon Guillermo, ang “loob” ay hindi
lamang tumutukoy sa relasyon ng mga tao sa isa’t isa kundi maging sa
“relasyon ng tao sa panlabas na panlipunan at pangkalikasang
reyalidad.” Dagdag pa niya, “ang loob ay parating nakadirekta palabas
sa daigdig na sosyal o pangkalikasan.” Batay rito, maaari tayong
magsuri ng ilang sentral na konseptong hinalaw o ikinabit sa bayan
18 |
B a g o n g
K a s a y s a y a n
(i.e., punong-bayan, sasakyang-bayan, at pamilihang-bayan). Ito ay
upang mapag-ibayo ang pagkaunawa sa iba pa nitong katangian.
Ilang tala hinggil sa dalumat ng punong-bayan ang
makapagpapakilala sa atin kung anong pananaw o kamalayan ang
nakapaloob sa bayan sa aspeto ng ugnayang sosyo-politikal. Ang
pinuno ng bayan noong sinaunang panahon, ay hindi lamang isang
“datu” sa espesipiko nitong kahulugan. “Datu-bagani” ang isa pang
titulong ibinibigay sa kanya. Malaman ang “bagani” (kogneyt ng
“bayani” ng Tagalog). Tinuturol nito ang isang aspeto ng pamumunong
tahasang nagkakawing sa pinuno at bayan: ang pagkabayani o
kabayanihan.14
Ang bayani, batay sa kasalukuyang pakahulugan, ay isang
taong nagbigay ng libreng tulong sa isang pangkatang gawain o
pagpupunyagi (Panganiban 1973, 148). Ang “libreng tulong” na
tinutukoy rito ay isang anyo ng kusang-loob na pagganap, i.e., likas at
walang hinihintay na kapalit, samakatwid, isang bagay na bahagi ng
“loob” (“sarili”). Ibig sabihin, ang pagiging bayani ay isang
paghahandog o pagbabahagi ng sarili para sa kapakinabangan ng kapwa
sa isang partikular na kabuuan, i.e., ang bayan. Kung kaya, higit pa sa
simpleng tulong, ang “kaloob” ng isang bayani ay “kaginhawahan” o
“buhay.” Ang pagiging bayani, sa madaling sabi, ay pagbibigay ng
buhay para sa karamihan o kalipunan — ang kaginhawahan. Maaaring
tumukoy ang konsepto ng kaginhawahan sa ganang ito sa dalawang
bagay: (1) bilang kondisyon o kalagayan kung saan nadarama ang
kagaanan ng pamumuhay at (2) ang pagkakakabigkis-bigkis ng mga
“ginhawa” (o buhay) ng mga tao na nagbubunga ng nasabing
kondisyon. Kung ano’t anuman, mahalaga ang papel ng bayani kapwa
sa una at ikalawa. Ang kanyang mga pagpupunyagi ay nagdudulot ng
katiwasayan ng pamumuhay ng mga tao; gayundin naman, bilang
pinuno, siya ang nag-uugnay-ugnay sa buhay ng mga tao. Sa
pamamagitan nito napananatili niya ang kabuuan.
May dalawang batis na maaaring pagkunan ng buhay o
“ginhawa”: (1) mula sa loob o sarili mismo, ibig sabihin, ang
pagmamalasakit, pagpapakasakit o pagpapakamatay alang-alang sa
bayan, at (2) mula sa labas, na nangangahulugang pagpatay ng mga
A n g
D a l u m a t
n g
B a y a n
| 19
kaaway ng bayan. Sa una, makikita ang anyo ng bayani bilang
sakripisyo (Salazar 1995 at 1997); habang sa ikalawa, ang bayani
bilang tagapaghandog ng sakripisyo (Abrera 1998, 149-156).
Ang ikalawang kategorya ay may kinalaman sa sinaunang
pakahulugan ng bayani/bagani/bahani — ang pagiging mandirigma
(Salazar 1997; Nolasco 1997; Bauzon 1997; Hayase 1984). Bilang
isang mahusay na mandirigma, kaligtasan ang dulot niya sa kabuuan.
Batay sa mga tala, hindi niya lamang pinapatay ang kalaban, kailangang
pugutan niya ito ng ulo. Sa pamumugot ng ulo, tuwirang nasusubukan
ang kanilang katapangan at kagitingan, sa madaling sabi, ang kanilang
“pagkabayani.” Isa umano, itong laganap na tradisyon sa sinaunang
lipunang Pilipino na maaaring iugnay sa kapaniwalaan hinggil sa
“kaluluwa” at “ginhawa.” Ang “kaluluwa” bilang bukal ng moral at
pangkaisipang kapangyarihan ng tao na nagbibigay sa kanya ng malay
at katinuan ay nakaluklok diumano sa ulo (Salazar 1977). Samakatwid,
ang pamumugot ng ulo ay isang simbolikong pagbibigay ng
karagdagang “kapangyarihan” at lakas sa bayan. Sa pamamagitan ng
pagpatay sa mga kaaway ng bayan (na sa katunayan ay paghahandog
din ng buhay mula sa labas tungo sa loob), dinaragdagan ng bayani ang
“ginhawa” ng Bayan. Napangangalagaan ang lipunan mula sa banta ng
mga taga-labas, kung gayon napananatili ang lakas ng loob at kaayusan
ng bayan. Sa ganang ito, tinitingnan ang pamumugot ng ulo sa
sinaunang lipunan bilang isang antas ng pagsasagawa ng ritwal ng
sandugo — ang pakikipagsandugo ng indibidwal sa bayan (Abrera
1993). Kung kaya, itinuturing na banal ang gawaing ito. Anupa’t bahagi
rin ito, umano, ng ritwal-panrelihiyong sinasandigan ng pagpapanatili
nila ng katarungan. May katarungan kung may kapantayan. Sa pagkuha
ng ulo ng magkabilang panig na naglalaban nagpapatas ang laban;
naibabalik ang balanse. Kung kaya, nagagarantiyahan ang kapantayan;
nakakamtan ang katarungan. Ganito rin ang “lohikang” ibinibigay sa
kaso ng maingel (Kalinga), maarmet (Bontok), o ulul (Benguet) – ang
mga katumbas na salita ng bagani sa ilang grupo sa Kordilyera.
Magkakaiba man ng katawagan pare-pareho ang esensya ng kanilang
tungkulin sa lipunan: bilang mandirigmang namumugot ng ulo.
Hanggang ngayon, sa lipunang Bagobo, nagpapatuloy ang
taumbayan sa taong matatapang, taglay ang lakas ng loob upang
20 |
B a g o n g
K a s a y s a y a n
ipagtanggol ang bayan. Ang posisyong ito ay hindi namamana bagkus
ay pinaghihirapan. Ang kanyang lakas ay pinaniniwalaang kaloob ng
banal na espiritu bunga ng pagganap niya ng mahahalagang tungkulin
sa komunidad gaya ng pagiging datu, tagapagpayapa sa mga nag-aaway
at bilang manggagamot. Huwaran siya ng mga tao sa lipunan dahil sa
kanyang mga angat na katangian gaya ng kahusayan sa pananalita,
pagiging makatwiran sa pagpapasya at kakayanang makisama sa mga
karaniwang tao sa lahat ng pagkakataon.15 Anupa’t sa panahon ng
kapayapaan, kumikilos na isang ordinaryong tao lamang ang bagani.
Hindi siya ang tipo ng bayaning nakadambana sa toreng garing. Ang
bagani ay nakaapak sa lupa, kasa-kasama ng bayan (Salazar 1997;
Nolasco 1997).
Ang nabanggit na gampanin ng datu-bagani ay susi sa
pagdalumat ng salitang “punong-bayan.” Batay sa pagpapaliwanag sa
itaas mahihinuhang ang pangunahing batayan sa pamumuno ay ang
kakayanan ng isang tao na makapaghandog ng “ginhawa” (o buhay) sa
bayan. Mula sa salitang ugat na “puno” na nangangahulugang “simula”
o “pinagmumulan,” ang pinuno ang siyang nagpapasimula ng mga
bagay na ikagagaling ng karamihan. Gayundin naman, isa rin siyang
tagapamagitan na nagsasaayos ng alitan sa loob ng pangkat. Kung
ibabatay ang paghahambing sa isang punong-kahoy, siya ang
nagsisilbing “puno” (trunk) na namamagitan sa iba’t ibang parte (i.e.,
mga ugat at dahon) nito (Veneracion 1990, 49).
Bilang pagdidiin, ang pinagsamang salitang “punong-bayan”
ay nakaangkla sa esensya ng kabayanihan noong unang panahon. Sa
pagsapit ng panahong kolonyal, unti-unting luluwag ang bigkis sa
pagitan ng dalawang konsepto (“puno” at “bayan”) hanggang sa
tuluyang magkahiwalay. Sa mga bayang pagtatayuan ng pueblo
(“bayang Indio”), mapapalitan ang “datu” ng titulong “don” (sa bisa ng
bago nilang katayuan bilang mga principales). Tanda ito ng unti-unting
“pagkahiwalay” ng mga dating pinuno sa likas na kabuuang kasama
ang taumbayan. Habang ang “pagkapinuno” ay itinatakda na ng politika
ng kolonya, ang “pagkabayani” naman ay itinatakda pa rin ng bayan.
Ang kabayanihan, sa ganang ito, ay magiging larangan ng bayan sa
pagsagupa nito sa mga hamon ng kolonyalismo.
A n g
D a l u m a t
n g
B a y a n
| 21
Sa pagsusuring ito sa konsepto ng bayani, malinaw na
makikita ang dinamikong pagtatalaban ng “loob” at “labas” (ang “loob”
bilang sarili o indibidwal at ang “labas” bilang bayan, “ang kultural na
daigdig na tagapagtakda ng “pagka” at “pagpapaka” ng isang tao).
Walang bayani kung walang bayan. Ang bayan ang nagtatakda ng
pagkabayani; ang bayani naman ang nagpapanatili ng kabuuan ng
bayan. Samakatwid, wala sa antas na indibidwal ang “pagkabayani” at
“kabayanihan.” Ang kabayanihan ay hindi monopolyo ng iilan. Kung
kaya, may mga kataga tayong “bayanihan” at “lingkod-bayan.”
Tumutukoy sa kolektibong paggawa o pagtatrabaho nang
walang bayad, ang bayanihan at lingkod-bayan ay pagtutulungan para
sa kabutihan ng lahat o ng isang partikular na kasapi ng pangkat. Isa
itong paghuhugpung-hugpong ng mga “loob” (“kalooban”) ng mga
indibidwal, sa diwa ng damayan. Mula sa salitang ugat na “damay” —
malasakit o pagdama sa kalagayan ng kapwa, ang damayan ay
pagbabahagi ng “loob” sa isang taong nangangailangan. Ito’y kusa at
walang hinihintay na kapalit. Sapagkat kinikilala ang kapwa bilang
bahagi ng sarili, at sa gayo’y dapat kalingain. Ngunit hindi sapat ang
awa o habag — mga konseptong mula sa “loob.” Inilalabas ang
damdaming ito sa pamamagitan ng hayag na pagkilos, gaya ng sa
bayanihan o paglilingkod-bayan na isang kontemporaryong anyo ng
“kabayanihan.”
Samakatwid, iisa ang tinutuhog na kaisipan ng mga nabanggit
na hangongsalita (derivatives). Ang pagkabuo ng bayan ay nagsisimula
sa kusang pagbubukas ng loob ng bawa’t indibidwal, sa kanyang
pagkamulat na susundan ng pagganap sa “pangkalikasan at
panlipunang reyalidad.”
Maging sa konsepto ng sasakyang-bayan may makakatas ding
karagdagang kaisipang magpapalalim sa dalumat ng “bayan.” Sa lahat
ng pampublikong sasakyan sa Pilipinas, dyipni ang pinakamalaganap.
Bagama’t ipinakilala ito ng mga Amerikano noong panahon ng Hapon,
muli itong isinaayos ng mga Pilipino ayon sa sariling estilo upang
magkaroon ng “Pinoy-na-Pinoy na dating.” Ang loob at labas ng
sasakyan ay kakikitaan ng pagiging masaklaw at mapang-ugnay ng
kulturang kumukupkop dito. Sa loob, samu’t saring kuwento at
22 |
B a g o n g
K a s a y s a y a n
pagkatao ay nagkakadaupang-palad kahit saglit lang. Sapagkat
isinaayos ito sa paraang ang mga pasahero ay nakaupo nang harapan...
may puwang para sa direktang usapan. Kadalasan, dito mo masasagap
ang mga pinakahuling balita (tunay o tsismis man) sa komunidad.
Kapansin-pansin din ang sapat na luwang ng bintana at ang haba nitong
umaabot hanggang dulo — kitang kita ang nasa labas. At sa labas,
bubulaga sa iyo ang sari-saring disenyo at palamuti, pati kulay ng
pintura. Ang lahat ay “umuubra” wika nga. Partikular na sa probinsya,
isa nang karaniwang tagpo ang pagdaraan ng mga dyip na punung-puno
ng pasahero at kargada, pati na ang bubungan ay maylulang tao o sakusako ng bigas, semento, at yero. Sige lang ang pagpapasakay ng drayber
hangga’t may espasyo. Maging ang pinto nito ay nilalagyan ng tablang
may sapat na lapad upang maupuan. Sa pag-arangkada nito’y
magsisimula na rin ang di-magkamayaw na kuwentuhan. At ang lahat
ng lulan (tao o bagay man) ay nagkakaugnay-ugnay. Ang dyip kung
gayon ay matapat na naglalarawan ng masaklaw at mapang-ugnay na
pananaw ng bayan na ibinunga ng malayang daigdig ng kapuluan.
Tayo ang grupo ng taong napakahilig sa koneksyon, ayon nga
sa obserbasyon ni Felipe de Leon, Jr., ang dating Tagapangulo ng
National Commission for Culture and the Arts (NCCA). Ang ating
talasalitaan, aniya, ay “highly relational.” Mayroon tayong konsepto ng
“hirap at ginhawa,” “tamis-asim,” o “tamis-anghang,” “bantaysalakay,” at iba pa. Makikita rin ang ganitong tendensiya sa konsepto
natin ng “sari-sari store” — kung saan napagsasamasama ng tindera
ang lahat ng maaaring ibenta nang tingi sa isang espasyo lang.
Gayundin sa ating mga tiangge at tinatawag na pamilihang-bayan.
Bukod pa sa buhay na buhay na interaksyong ito sa pagitan ng tao at
espasyo, masusulyapan din ang aktibong interaksyon sa pagitan ng mga
tao mismo. Sa gitna ng hindi magkamayaw na tawaran nalilinang o
napagtitibay ang ugnayan sa pagitan ng mga mamimili at tindera. At
ang resulta: ang penomeno ng “suki” — isang ugnayang nakasalalay sa
matapat at palagiang pagtangkilik ng tindera at ng mamimili sa isa’t isa.
Kagyat na iba ito sa reyalidad ng supermarket kung saan higit na
indibidwalistiko ang kilos ng mga tao. Habang pindot nang pindot ang
kahera sa kaharap na makina, dampot na lamang nang dampot ng mga
produkto ang mga mamimili sa eskaparate. Nababawasan, kung gayon,
A n g
D a l u m a t
n g
B a y a n
| 23
ang pagkakataon para sa interaksyon. Sa pagkawala ng tawaran, higit
ngang napapabilis ang daloy ng transaksyon subalit hungkag naman sa
pakikipag-ugnayan — sa diwa ng “bayan.”
Bilang pagbubuod sa bahaging ito, ang “bayan” ay ang
panlabas na kapaligiran kung saan tuwirang ipinapahayag ng bawa’t
indibidwal ang kanyang kalooban habang iniuugnay o ikinakabit ito sa
iba pang “loob.” Kung gayon, ang bayan ay ang dinamikong
pagdadaop ng mga “loob” (kalooban) ng mga tao — ang
pagkakawing-kawing ng kanilang mga pagpupunyagi upang
maisakatuparan ang kanilang kaganapan. Kaya’t mayroon tayong
kawikaang “ang sakit ng kalingkingan damdam ng buong katawan.”
Malinaw na ipinapakita nito ang isang kulturang likas na nagsasaalangalang sa bawa’t bahagi bilang batayan ng kolektibo o kalipunan.
Hangga’t hindi natin binabalikan at pinamamayani ang diwang ito
mananatiling artipisyal ang politikal na kabuuang pinaghahari ng
kasalukuyang estado.
ANG BAYAN SA KANYANG PAGBABANYUHAY
Itatampok sa bahaging ito ang prosesong pinagdaanan ng
bayan sa salaysay ng kanyang pagbabanyuhay16 (Dayagram 3).
Nagkaroon ng iba’t ibang antas ng pakahulugan ang dalumat ng
“bayan” sa agos ng panahon. Una, ang bayan bilang pamayanan, (ca.
250,000 bago si Kristo hanggang 1588 mula kay Kristo).
Matutunghayan sa bahaging ito ang pagkabuo ng sinaunang
kabihasnang Pilipino na magiging pundasyon ng kabansaan.
Nakapaloob sa panahong ito ang pag-aanyo ng mga munting
pamayanan (i.e., kumpulan ng kamag-anakan) tungo sa pagiging isang
“estadong etniko/bayan.” Dalawang bagay ang tinutukoy rito: (1) ang
estadong etniko bilang sentrong pangkomersyo at pampolitika at (2)
estadong etniko bilang “kabayanan” — kalipunan ng mga bayang
magkakawika/magkakakultura, isang grupong etnolinggwistiko.
Ikalawa, mapipino ang konsepto ng bayan (bilang estadong
bayan) mula ika-16 na dantaon hanggang sa mag-anyo itong isang
“estadong pangkapuluan” o “pambansa” pagdating ng ika-19 na
dantaon. Sa loob ng yugtong ito, 1588-1896, makakatagpo at
24 |
B a g o n g
K a s a y s a y a n
makakatunggali ng bayan ang estadong kolonyal. Sa ganang ito,
dalawang tradisyon ng pagbubuo ng bansa ang magsasalimbayan at
magkakaniig. Ang tradisyon ng bayan na nakaugat na sa katutubong
kalinangan at patuloy na nililinang ng taumbayan sa malikhain nilang
pagtugon sa mga hamon ng kolonyal na panahon versus ang tradisyon
ng nación na hiniram ng mga propagandista mula sa kanluraning
sistema.
Ang ikatlo at huling yugto, mula ika-19 na dantaon hanggang
sa kasalukuyan, ay ang bayan bilang “Inang Bayan” — ang bersyon ng
BANSA ng tradisyong panghimagsikang nilikha ng Kataastaasan,
Kagalang-galangang Katipunan ng mga “Anak ng Bayan.” Ang “Inang
Bayan” ay nabuo bilang tanda ng pagkakaisa ng lahat ng bayang
tumubo sa buong kapuluan alinsunod sa prinsipyo ng kapatiran.17 Sa
kabila ng samu’t saring suliraning sosyo-ekonomiko-politikalkultural,
tampok na rito ang patuloy na pakikipagsalpukan sa tradisyon ng
“nasyon” iginigiit ng bayan ang kanyang adhikain para sa ganap na
kasarinlan at kaginhawahan.
A n g
D a l u m a t
n g
B a y a n
DAYAGRAM 3
Prosesong Pangkasaysayan:
Mula sa Dating mga Kabuuang
Sosyo-Politikal Tungo sa Pambansang Pagbubuo
| 25
26 |
B a g o n g
K a s a y s a y a n
Ang bawa’t lebel na nabanggit ay isang hakbang o baitang sa
pagbabanyuhay tungong bansa. Sa ginawang pagbubulay-bulay batay
sa pagteteorisa ng maraming iskolar hinggil sa dalumat ng “loob”
masasabing ang bayan ay ang pagtatagpu-tagpo, pagniniig, at pag-iisa
ng mga “loob” ng bawa’t tao tungo sa pagpapabuti ng kultural na
daigdig na kanilang kinapapalooban. Sa madaling sabi, ito ay isang
proseso ng pagbubuo. Isang proseso tungo sa isang antas ng pag-unlad
na matatawag nating kabihasnan, ang napinong kaparaanan ng mga tao
sa pag-igpaw sa anumang hamon o mga limitasyon ng kapaligiran.
Susing konsepto rito ang salitang ugat na bihasa na nagmumungkahi
ng kahusayan sa pag-angkop sa anumang sitwasyon. Anupa’t ang
pagkabuo ng “bayan” ang itinakdang pananda sa “pormal na pagpasok
ng mga Pilipino sa panahon ng kabihasnan” (Veneracion 1990, 41).
Ang “bayan” kung gayon ang pundamental na ekspresyon ng
kabihasnang ito. Kung kaya, sa “bayan” inuugat ng mga tao ang
kanilang pagkakakilanlan. May patunay hinggil dito si W. H. Scott sa
kanyang pagsisipi kay Padre Juan de Oliver sa akda nitong Declaracion
de la doctrina Christiana en idioma Tagalog (1590): “A Tagalog’s
primary identity was with his bayan (town or community) and loyalty
to his kababayan [townmates]” (1994, 190).
“Sa-laud—Sa-raya”:18
Ang Salaysay ng Bayan sa Panahon ng Sinaunang Kabihasnan
Taliwas sa sinasabi ng mga kolonisador, mayroon nang isang
partikular na kabihasnan ang mga sinaunang Pilipino sa bisperas ng
kolonyalismo. Nakaorganisa sila sa tinatawag nilang “bayan,” i.e.,
isang pamahayan o pamayanan. Taglay ng bayan ang isang
komplikadong pamunuang tinatawag ngayong “estadong bayan” o
“estadong etniko” (Salazar 1993) na nasa anyo ng kaharian, karahaan,
at sultanato. Kung ano’t anuman, dalawang pangkalahatang uri ng
pamayanan ang matutukoy sa kapuluan: sa-laud at sa-raya. Habang ang
una ay tumutukoy sa mga pamayanang nasa baybay-dagat o tabingilog, ang huli naman ay mga pamayanan sa interyor o malapit sa
bundok. Dapat alalahaning ang mga designasyong ito ay heograpikal at
hindi nagmumungkahi ng ano pa mang politikal o kultural na
dikotomiya. Sa katunayan, taga-bundok o taga-patag man, taga-ilog o
A n g
D a l u m a t
n g
B a y a n
| 27
taga-parang, nakapaloob pa rin sila sa iisang magkakaugnay na
kalinangan. Ang pagkakaugnay-ugnay na ito ang tinatawag na
batayang kabihasnan: “isang kabihasnang sumibol sa katubigan” ng
mundong Austronesyano (Veneracion 1990, 47).19 Tingnan ang Mapa
2. Paano nagkaroon ng isang batayang kabihasnan?
Tatlong bagay ang nagbigay-daan dito: (a) ang likas na
malayang daigdig ng kapuluan na nagpahintulot sa malaya ring
paggalaw ng mga tao sa iba’t ibang dako nito, (b) ang pag-unlad ng
teknolohiya bunga ng pagiging likas na mapanuklas ng tao, at (c) ang
iba’t ibang anyo ng ugnayan: pangkamaganakan, pangkalakalan, at
pandigmaan.
Katubigan: ang mga ilog at dagat ang kumukupkop sa
kalupaan sa malayang daigdig ng kapuluan. Mula rito tumubo ang mga
mumunting pamayanang uugit ng salaysay ng mga magiging “estadong
bayan” sa panahon ng sinaunang kabihasnan. Ipinapalagay na
nakakabit ang mga “estadong bayang” ito sa mga sistema ng kailugang
nag-uugnay sa mga pamayanang sa-raya/ilaya at sa-laud/ ilawud at
malalaking bayan sa mga baybay-dagat o sa pagitan ng mga bayan sa
mga pulo at iba pang lugar (Salazar 2012, 101).20
28 |
B a g o n g
K a s a y s a y a n
MAPA 2
Ang Kasakupan ng Mundong Austronesyano
“Proto-Austronesian and the Major Austronesian
Subgroups. (Tryon 1995, 18)
A n g
D a l u m a t
n g
B a y a n
| 29
Mahalaga ang mga sistema ng kailugan sa ugnayan ng mga
tao sa loob at labas ng kapuluan. Mula sa mga nagtataasang
kabundukan dumadaloy ang mga pangunahing ilog pababa ng
kapatagan hanggang sa lumabas at sumanib sa kalawakan ng karagatan.
Kasabay ng daloy na ito ang samu’t saring galaw ng mga tao sa-laud at
sa-raya upang mabuhay. Sa dinamismo ng mga ugnayang ito sa loob
ng mga pulo at sa pagitan ng mga pulo at ibayong-dagat mahuhulma
ang sinaunang kabuuan. Tampok sa dinamismong ito ang pag-iibayo
ng kalakalan, tunggalian at mga institusyon ng kasunduang
pangkapayapaan, kasama na rito ang pagkakamag-anakan upang
magbanyuhay ang mga bayan bilang mga panimulang “estado,” i.e.,
“kabayanan,” isang “hugpungan” ng mga ugnayang pangkabuhayan at
pampolitika (Rodriguez 2000). “Sentro” ang kasalukuyang tawag natin
dito.
Magsisimula ang proseso sa pag-unlad ng teknolohiya. Kung
isasaalang-alang ang salitang ugat na “bihasa” at ang higit na simpleng
ugat na “hasa” higit na magiging malinaw ang batayang teknolohikal
sa pagkakaroon ng kabihasnan, i.e., paggamit ng metal, partikular na
ang bakal. Nang matutunan ng taong gumawa at gumamit ng
kasangkapan at sandatang yari sa metal, kawingkawing na pag-unlad
ang natunghayan sa kabuhayan. Lalo na nang gamitin ang bakal,
maraming lugar ang nahawan. Lumawak ang mga lupang nililinang.
Lumaki ang produksyon. Kapanabay nito ay ang pagdami ng
populasyon na lumikha naman ng iba pang mga pangangailangan.
Hindi lahat ay maaaring kuhanin sa isang lugar. Halimbawa, ang asin
sa mga baybaying-dagat ay mahirap makuha ng mga taga-bundok.
Samantala, sa kapatagan, kapos o kundima’y walang punong-kahoy na
magagamit sa paggawa ng mga bahay, lalo na para sa dumaraming
bilang ng mga naninirahan. At ano ang lulutas sa mga ganitong
limitasyon? Nagkaroon ng intensibong palitan ng mga produktong
hango o yari mismo sa kanilang lugar. Kapanabay ng espesyalisasyon
ng mga kalakal ay lumawig ang mga ugnayan sa pagitan ng iba’t ibang
lugar. Sa simula ay ang kalakalang panloob (ugnayang sa-laud — saraya). Nang malaunan ay ang kalakalang panlabas sa pagitan ng mga
pulo at taga-ibayong-dagat, i.e., Tsina at iba pang karatig-pook sa
Timog Silangang Asya (Mapa 3).
30 |
B a g o n g
K a s a y s a y a n
MAPA 3
Mga Pangunahing Estadong Etniko
Kaugnay ng Ruta ng Kalakalan
Pagsapit ng ika-13 hanggang ika-16 na dantaon, nag-ibayo
ang kalakalang panloob at panlabas. Nagkaroon ng mas maraming
oportunidad para sa mga ugnayan sa loob at labas ng kapuluan na
A n g
D a l u m a t
n g
B a y a n
| 31
nagpahintulot sa pagkakaugnay-ugnay o pag-uugnay-ugnay ng mga
kalinangang-bayan sa isang partikular na pook-kultural.
Kaakibat ng pagsigla ng kalakalan, magiging masalimuot din
ang ugnayan ng mga tao sa isa’t isa sa loob at labas ng bayan. Sa loob,
kinakailangang pag-usapan kung paano pangangasiwaan ang
kabuhayan — ang paggamit ng mga pinagkukunang-yaman, at ang
produksyon at alokasyon ng mga ito. Pangunahing usapin dito ay ang
paggigiit ng kanilang mga karapatan sa paggamit ng lupa bilang
pangunahing kuhanan ng ikabubuhay. Kung kaya, mahalagang
maitakda ang mga hangganan. Sa harap ng mga banyaga o tagalabas,
kinakailangang magarantiyahan ang katatagan at kaayusan ng
pamayanan para sa mas madulas na daloy ng transaksyon. Mahalaga
ring kontrolin ang mga ruta o sentro ng kalakalan sapagkat ang
kapangyarihan ay yaman at ang yaman ay kabuhayan. Lahat ng ito, para
sa higit na kapakinabangang dapat tamasahin ng komunidad.
Minamarapat kung gayon, ang isang sistema ng pamunuang may sapat
na mekanismo upang matutukan ang samu’t saring pangangailangang
ibinunsod ng masalimuot na ugnayan. Espesyalisasyon ng
panunungkulan ang katapat ng espesyalisasyon sa larangang
pangkabuhayan. Subalit may mga pagkakataong hindi nakukuha sa
mabuting usapan ang mga bagay-bagay; kung kaya’t dinadaan na
lamang sa “santong paspasan,” wika nga nila. Sa ganang ito
sumisingaw ang mga tunggalian. Kinakailangan ang digmaan upang
maitakda ang mga hangganang teritoryal at kontrol sa mga
pinagkukunang-yaman-at-kabuhayan. Gayumpaman, dalawang-mukha
ang digmaan. Bukod pa sa pagtatakda ng dominyon at dominasyon,
pook din ito ng pagsasaayos ng mga sanhi ng salungatan. Winawakasan
ito ng mga kasunduang pangkapayapaan kung saan napanunumbalik,
napag-iibayo, at napipino ang mga ugnayan. Ilan sa halimbawa nito ay
ang sandugo ng mga Tagalog, pechen ng mga Bontok, bodong ng mga
Kalinga, podon ng mga Ibaloi, at pakang ng mga Manobo (Abrera
1992; Brett 1987, 1992 at 1995; Bacdayan 1967; Manuel 2000).
Kung tutuusin, sadyang integral sa gawaing-ekonomiko ng
mga tao ang mga pananalakay. Pangangayaw ang katutubong taguri
dito. Sa mga bayan sa baybay-dagat, tumutukoy ito sa pamimihag ng
mga aliping ibebenta sa ibang bayan upang maging bahagi ng kanilang
32 |
B a g o n g
K a s a y s a y a n
lakas-paggawa. Sa mga pamayanan naman sa kabundukan, katumbas
ito ng pamumugot ng ulo para sa kanilang ritwal kaugnay ng
pagpapayaman ng lupa at pagpapasagana ng ani (Tonsay 1998).
Bagama’t higit na nakatuon ito, diumano, sa gawaing panrelihiyon,
kabuhayan pa rin ang isa sa pangunahing nag-uudyok ng “kayaw” sa
kabundukan.
Isa ring napakahalagang salik sa pagtatatag ng estado ang
pagpapalawak ng saklaw ng kamag-anakan. Kung tutuusin,
pundamental ang kamag-anakan sa pagbubuo ng bayan. Wika nga ni
Salazar (1996): “Ang dalumat mismo ng bayan ay nakabatay sa maganak, kamag-anakan at angkan na nagkakasama-sama sa bahay bilang
mga kasambahay, kasama ng kaalipinan at di-ibang tao (Bikol: sadiring
tawo) na matatanggap o mapapasilong dito.” Nagsimula ang proseso sa
pagtatagpo at pag-iisang-loob ng babae at lalaki. Ang mag-anak ang
simula ng pamayanan. Ito ang pundamental na haligi ng bayan, kundi
man ang siyang buod ng bayan.
Kung huhukayin natin ang ugat ng pagtatao (peopling) sa
kapuluan babalik tayo sa panahong Neolitiko kung kailan naganap ang
makasaysayang paglalakbay ng mga Austronesyano — ang
kinikilalang ninuno nating mga Pilipino, sampu ng mga kalapit-bansa
natin sa Kapuluang Timog Silangang Asya. Mula Timog Tsina,
naglayag sila sa karagatan patungo sa mga kapuluan ng Timog
Silangang Asya at Pasipiko, lulan ng malalaking bangka (balanghay)
na naglalaman ng 30 hanggang 100 pamilya. Nang sumalta sila sa
kapuluan nagtayo sila ng mga bahayan (sambahayan) — ang sinaunang
pamayanan na nasa ilalim ng isang datu. Sa pagdaraan ng panahon ang
pagpapangasawahan (intermarriage) ay nakapagpalawak ng saklaw ng
bayan, gayundin ng konsepto ng kababayan. Anupa’t ang estadong
bayan ang implikasyong politikal ng lumawak na saklaw ng kamaganakan.
Hindi lamang personal ang kasal. Politikal din ito sa konteksto
ng pagpapalawak ng kamag-anakan tungong estadong bayan. Naging
mabisang kaparaanan ang pagpapangasawahan (intermarriage) bilang
isang anyo ng alyansa sa hanay ng mga kabayanan. Sa bisa ng kasal,
nabubuo o di-kaya’y napanunumbalik ang katiwasayan at napagtitibay
A n g
D a l u m a t
n g
B a y a n
| 33
ang mga ugnayan sa pagitan ng mga pamayanan. Hindi lamang ito
integral na bahagi ng kasunduang pangkapayapaan, kung minsan,
naitutumbas din ito sa mga kasunduang pangkapayapaan.21 Maaalalang
sa epikong Aliguyon ng mga Ifugaw, halimbawa, ang pag-iisang-dibdib
nina Aliguyon ng Daligdigan at Bugan ng Hannanga ang
nagpanumbalik ng kapayapaan sa buong komunidad matapos ang isa at
kalahating taong labanan (Ventura-Castro et al. 1983, 7-56).
Pinagtitibay ng kuwentong-bayang ito ang isang partikular na batas ng
kaasalan sa nasabing lugar. Kung naiigiban ng katotohanan ang mga
tradisyong pasalitang gaya ng epiko, binabanggit din sa mga nakasulat
na salaysay na isang buhay na reyalidad ang bisa ng kasal sa pagbubuo
ng mga alyansang politikal maging sa pagitan ng mga taga-loob at tagalabas ng kapuluan. Binabanggit ni Tome Pires sa kanyang Summa
Oriental (1515) na “Iisang tao,” ibig sabihin, “magkababayan,
diumano, dahil magkakamag-anak” ang turing sa ilang pamilyang
Tagalog at taga-Borneo” (sinipi sa Scott 1994, 193). Kilala rin natin si
Rajah/Ladyang Matanda ng Maynila bilang apo ng Sultan Bulkeiah ng
Brunei. Si Banaw Lakandula naman ng Longos (Tondo — sa hilaga ng
Ilog Pasig) ay pinsan ng matandang Ladya. May naitalang limang
daang Tagalog na naninirahan sa Minjam, sa kanlurang baybayin ng
Tangway Malaya sa panahong ito. Gayundin naman, marami na,
diumano, ang mga taga-Luzon na naninirahan sa Malacca sa mga
panahong ito. Ilan sa kanila ay mga tanyag na mangangalakal gaya ni
Regimo Diraja na itinalagang temenggong [mahistrado o komisyoner
na pulis]. Subalit hindi lamang politikal ang usaping ito ng paglawak
ng saklaw ng kamag-anakan. May aspeto rin itong ekonomiko. Sangayon pa rin kay Pires, napansin ng mga Tsino na ang bulak-Mindoro ay
isa na sa mga pangunahing kalakal noong siglo labingapat sa Malacca
(194). Samakatwid, malawak na ang saklaw ng ugnayang base sa
kamag-anakan sa pagitan ng mga Malayo at Tagalog bago pa man
sumapit ang kolonyalismong Espanyol. Gayundin sa kaso ng mga tagaTernate at Maguindanao. Pagsapit ng ika-16 na dantaon, mahihinuhang
malakas na ang mga nabanggit na ugnayang pampamilya, dahil sa mga
alyansang ito huhugutin ng mga Pilipino ang lakas ng kanilang kontraopensiba laban sa pamaya’t mayang kampanyang militar ng mga
Espanyol pagdating ng oras. Ang Ternate sa partikular ay tatanghaling
sagisag ng kalakasan at kapangyarihan sa buong Molukas ayon sa ulat
34 |
B a g o n g
K a s a y s a y a n
ni Bartolome de Argensolo (1609, sinipi sa Blair at Robertson 1906,
241, 244 at 252-253).
Mula sa mga kasalimuotang nabanggit sa iba’t ibang anyo ng
ugnayan, lilitaw ang isang bagong kaayusan at kayarian: ang “estadong
bayan.”
Sa pagtatatag ng estadong bayan higit pa sa pag-unlad ng
materyal na kondisyon ang nasaksihan. Kapanabay nito ay umunlad din
ang kamalayang sosyo-politikal-kultural. Anupa’t ang estadong bayan
ay bukluran ng mga bayan sa ngalan ng interdependensya. Sa pagkilala
sa pangangailangan ng mga bayan para sa isa’t isa nagkakahugpunghupong din ang kanilang mga hangarin: ang mabuhay at magpatuloy
ang lahi. Partikular sa larangan ng kalakalan, hindi lamang simpleng
kalakal ang pinagpapalitan kundi maging ang kanilang gawi at wika,
kasama na rito ang diwa. Samakatwid, ang kalakalan ay isa ring
pagkakawing-kawing ng mga kaparaanan ng mga tao upang makahabi
ng isang kabihasnan. Ito ang nagluwal sa konsepto ng bayan bilang
“estadong etniko” — ang sentro ng komersyo o politika. Ipinapalagay
na sa simula, ang “sentro” ay nasa mga pamayanaan sa-raya bilang
lunan ng mga produksyong agrikultural. Nang lumakas ang pakikipagugnayang panlabas naging higit na mahalaga ang mga pamayanan salaud bilang tagpuan ng mga tao sa loob at labas ng kapuluan. Sa mga
pamayanan sa baybay-dagat o dili kaya’y pampang ng ilog nagtagputagpo at nagkaniig ang mga katutubo at dayo, sampu ng kanilang mga
isipan, maging ito man ay sa larangan ng kalakalan o labanan (cf.
pangangayaw).
Tinagurian din itong “kabayanan” — na ipinapakahulugan din
ni Salazar (1993) bilang isang grupong etnolinggwistiko e.g.,
Katagalugan, Kailokuan, Kabisayaan, Katausugan, atbp. (Dayagram
4). Sa kabila nito, kinikilala pa rin ang mga espesipikong katawagan ng
bawa’t maliliit na bayan (gaya ng Taal, Meycauayan, Balayan, atbp.)
sa loob mismo ng kabuuan ng bayang Tagalog o “Katagalugan.”
Interesante ring banggitin sa puntong ito ang ideya ng “bangsa” ng mga
Tausug sa Mindanao. Sang-ayon kay Dante Ambrosio (2000) batay sa
isinagawa niyang fieldwork sa Tawi-Tawi noong Mayo 1999, “bangsa”
ang popular na katawagan para sa pangkat-etnikong kanilang
A n g
D a l u m a t
n g
B a y a n
| 35
kinabibilangan. Kung kaya, masasabing higit na nakaangkla ang
dalumat ng “bangsa” (ng mga “Moro”/Pilipinong Muslim) sa kanilang
kabuuang etnolinggwistiko, i.e., ang sinaunang bayan. Samantala, ang
bangsa naman sa mga Maranao ay isang linya ng angkan, i.e., grupo ng
mga mag-anak na kinapapalooban ng kamag-anakan ng ama at ina. Ang
pagsasama-sama ng mga angkan ay tinataguriang pangampong o
kampong.
Dayagram 4
Mga Wikang Filipino:
Pagkabuo at Pagkakahiwa-Hiwalay (Mula 1300 B.K. - 100 B.K.)
36 |
B a g o n g
K a s a y s a y a n
Hindi pa man pambansa ang saklaw ng “kabayanan” bilang
isang kabuuang pangkalinangan, may tiyak na itong pinatutunguhan:
ang paglampas ng kamalayang-bayan mula sa saklaw ng barangay. Ang
dalumat ng bayan sa kontekstong ito ay isa nang “kabihasnan” sa
pakahulugan nito bilang magkakaugnay na kalinangan ng iba’t ibang
grupong etnolinggwistiko na tinanggap na ng lahat (Salazar et. al.,
1990, 3).22
Lumawak man ang saklaw ng kahulugan nito nanatili pa rin
ang mga pundamental na halagahing nakapaloob sa katagang bayan.
Mula sa isang holistikong perspektibo, may iisang temang nakaangat
sa pagsusuri sa bayan bilang isang kabihasnan: ang pagkakaugnayugnay ng iba’t ibang aspeto ng kanilang kultura (pang-ekonomiya,
pampulitika, panlipunan, at panrelihiyon) sa diwa ng kamag-anakan.
Sa esensyang ito nakasalalay ang mga lantay na katangian ng sinaunang
kabuuan.
Kalagayang Politikal
Sa panahong ito, lumilitaw na may dalawang lebel ng pagunlad na kinakatawan ng bayan bilang isang politikal na organisasyon:
(1) ang bayan bilang kalipunan ng maliliit na barangay (balanghay na
nakalimita lamang sa kamag-anakan) at (2) ang koalisyon ng mga
bayan na may mga pangunahing hari o raha para sa ilang lugar, e.g.,
Maynila, Maguindanao. Hindi maglalaon at ang karadyahan sa
Mindanao ay mahahalinhan ng sultanato sa paglaganap ng Islam
(Rodriguez 1996, 2). Ang ugnayan ng mga sumusunod ay makikita sa
Iskema B.23
Kaharian,24 Karahaan o Sultanato ang politikal na ekspresyon
ng alyansa ng mga bayan. Batay sa estruktura lumalabas na ang
direksyon ng pag-unlad ay tungo sa pagkakaroon ng “sentralisasyon ng
kapangyarihan.” Subalit ang higit na dapat isaalang-alang ay ang
ugnayan pa rin ng kapangyarihan, lalo na sa lebel ng barangay.
Inilarawan ito ng mga unang Espanyol na kronikler bilang “malakas na
katapatan o kaisahan” sa pagitan ng datu at mga tao. “Datu-sacop” ang
ugnayang itinawag dito dahil sang-ayon sa Pransiskanong si Juan de
Plasencia (1589, sa Blair at Robertson 1903-1909; Salazar 1975, 5) sa
A n g
D a l u m a t
n g
B a y a n
| 37
kanyang pag-aaral ng kostumbre ng mga Tagalog, ang “barangay” ay
“mga taong nakapailalim sa isang datu.” Dagdag pa ni Juan Francisco
de San Antonio (1738, sa Salazar 1975, 5), ang batayan ng malakas na
ugnayang ito sa pagitan ng pinuno at pinamumunuan ay “hindi isang
mabagsik na batas, kundi pagkakaibigan.” Maaaring maunawaan ito
batay sa isa sa umiiral na halagahing katutubo – ang palitang-kaloob
(reciprocity) sa pagitan ng magkabilang panig. Tiwala, paglilingkod, at
katapatan ang ipinagkakaloob ng “sakop” sa datung gumaganap ng
mahahalagang tungkulin sa komunidad, i.e., bilang tagapagpaganap,
mambabatas, at hukom. Pangunahin sa mga tungkuling ito ang
sumusunod: una, pamunuan ang mga tao; ikalawa, kalingain sila sa
panahon ng pangangailangan at ipagtanggol sa panahon ng digmaan; at
ikatlo, bilang hukom, dinggin ang mga inihaharap na kaso nang may
matalinong pagpapasya sa tulong ng sanggunian ng katandaan at sa
harap ng taumbayan (Scott 1994, 221).
ISKEMA B
Balangkas ng Estadong Bayan
M.J.B. Rodriguez 1996
38 |
B a g o n g
K a s a y s a y a n
Dahil dito, itinuturing siya ng taumbayan bilang “ama ng
komunidad.” Mahihinuha rito ang isang “paternalistikong” ugnayang
“lubos na kinalulugdan ng mga katutubo.” Kung kaya’t ang anyong ito
ng pamahalaan, diumano ay umiiral sa lahat ng mga pamayanan” (de
San Antonio 1738). Anupa’t sa ugnayang ito, diumano, humuhugot ng
lakas ang isang bayan. Bagama’t nagiging datu ang iba sa pamamagitan
ng pagmamana, “hindi nila basta-basta nakukuha ang gayong
tungkulin.” Ang magkasanib na bisa ng dugo at kakayanang gumawa
para sa kabutihang panlahat ang nag-uudyok ng pagsunod ng mga tao
sa pinuno. Higit pa sa kayamanan, ang katandaan (maturity) at
karunungang hinutok ng mga karanasan ang sukatan ng kakayanang ito.
Sapagkat magkakaugnay ang lahat, nakukuha rin ang mataas
na katayuan sa lipunan sa pamamagitan ng pagdaraos ng mga
relihiyosong ritwal at serye ng piging o kapistahan, lalo na matapos ang
anihan. Tinitingnan itong isang kaparaanan kung paano naibabahagi sa
komunidad ang mga bunga ng kanilang sama-samang pinagpaguran.
Alinsunod ito sa prinsipyo ng muling pamumudmod o pagantinghandog ng mga pinuno sa mga taumbayan bilang tanda ng kanilang
kakayanang magarantiyahan ang kasapatan at kaginhawahan ng
komunidad. Sa bisa nito muling napagtitibay ng mga datu ang kanilang
karapatan sa pamunuan.
May umiiral na “alyansa” o damayan sa pagitan ng mga bayan
lalo na sa panahon ng mga labanan. Sa pagharap sa isang kaaway o
pakikipag-ugnayan sa mga banyaga, halimbawa, lalong napag-iibayo
ang bukluran ng mga magkakalapit-bayan. Binigyang-daan nito ang
pagkabuo ng mga tinatawag na “supra-barangay.” Nang malaunan,
tinawag itong kaharian o karadyahan at para sa mag-aangkin ng
impluwensiyang Islamiko, sultanato. Kung uusisain ang ugnayan ng
kapangyarihan sa nabanggit na estrukturang politikal, masasabing
paternalistiko ito. Sa madaling sabi, ang hari o raha, maging ang sultan
na may pinakamatibay na saligang pilosopikal sa kanyang
pagkapinuno, ay hindi pa rin nagtatamasa ng absolutong
kapangyarihan. Sa reyalidad, isa lamang silang katiwala ng integridad
ng alyansa ng mga datu; sa madaling sabi, isang “malaking datu” (kung
tawagin ng mga Espanyol)25 na namamagitan sa “maliliit” na datu. At
sa bawa’t kasaping bayan ng mga nasabing kadatuhan nananatili pa rin
A n g
D a l u m a t
n g
B a y a n
| 39
diumano, ang higit na katapatan at pagtangkilik ng taumbayan sa kanikanilang pinunong lokal. Mahihiwatigan ang katotohanang ito sa
tinuran ni Raha Soliman kay Legazpi matapos magapi ang una sa
nangyaring sagupaan ng mga Espanyol at katutubo:
Alam mo na marahil na walang hari26 at iisang kapangyarihan
sa bayang ito; bawa’t isa ay may sariling pananaw at haka-haka
at ginagawa ang nais. Mayroong ilan na mas makapangyarihan
kaysa sa akin, na walang pahintulot ko ay winasak ang
kapayapaan at pagkakaibigan; kaya’t napagdiskitahan akong
nagkasala sa paglimot ng aking tungkulin. Kung hindi
nagkagayon at ginawa nila ito nang ayon sa aking pagsang-ayon
o payo, nararapat lamang na ako ay parusahan. Kung hari ako
rito sa halip na amo lamang ng aking sakop, ang aking salita
sana ay hindi mababali. (Blair at Roberston 1903, sinipi sa
Veneracion 1990, 71-72)
Samantala, maging ang sultan na kinikilalang tagapagmana ng
kapangyarihang espiritwal ng propetang si Muhammad ay tampulan
din ng panunudyo o katatawanan sa mga kuwento ni Pusung/Pusong.
Sampu ng iba pang kasapi ng uring nobilidad sa Sulu, tinutuligsa ang
sultan sa kanyang mga kahinaan. Ang ganitong motif ay matatagpuan
din sa isa pang bersyon nasabing kuwentong bayan, i.e., ang mga
kuwento ni Pilandok na laging napaglalalangan ang isang tusong sultan
(Eugenio 1982, 336-338). Sa kasalukuyan, kapansin-pansin din ang
paggamit natin ng iba’t ibang popular na katawagan o bansag sa
matataas na pinuno ng ating bayan. Nariyan ang “Tita Cory” para kay
dating Presidente Crazon Aquino kahit hindi naman matukoy ang
pagiging kaanak ng taong tumatawag. At parang kabarkada lang ng
bayan ang dating Pangulong Joseph Estrada sa alyas niyang “Erap.”
Ang bagong-hirang na bayaning Bulakenyo ay kapatid ng lahat sa
tawag sa kanyang “Ka Blas.” Mga katawagan itong higit na personal at
pamilyar, pinapawi ang agwat sa pagitan ng pinuno at taumbayan.
Ugnayang Panlipunan
Walang iisang de-kahong estrukturang panlipunan. Bagamat
binabanggit sa mga tala nina Miguel de Loarca, Juan de Plasencia,
Francisco Colin at ng iba pang mga Europeong historyador na mayroon
nang mga uring panlipunan (“castas” o “clases”), ang mga ito ay
40 |
B a g o n g
K a s a y s a y a n
pawang katawagang nakabatay lamang sa kanilang katayuan (status) sa
lipunan at hindi eksklusibo lamang sa larangan ng produksyon. Sa
madaling sabi, magkaiba ang “uri” sa “katayuan.” Bagama’t isang
batayan ng mataas na uri sa lipunan ang materyal na yaman,
pinagtitibay ang mataas na katayuan sa pamamagitan ng pagkilala ng
taumbayan. Nakukuha lamang ng isang “mataas” na tao ang
pagkilalang ito kung may sapat siyang kakayahang mapanatili ang
kaayusan sa kanyang komunidad. Sa huling pagsusuri, hindi lang salapi
kundi ugali, i.e., mabuting pakikisama ang higit na mapagpasyang salik
sa pagiging isang pinuno. Ito ang ipinahihiwatig ng taguri o titulong
“maguinoo” sa namumunong uri (ruling class) — katawagang
nakabatay sa paggalang o pagpipitagan.
May puwang ba para sa pagsasamantala laban sa
nakabababang uri? Ayaw nating mabulid sa bitag ng romantisasyon sa
nakaraang pre-hispaniko, sapagkat wala naman talagang lipunang
mala-paraiso. May sistema ng pang-aalipin sa sinaunang lipunan
bunsod ng mga digmaan (pangangayaw/pangayaw) at pagkakautang.
Integral na bahagi rin ito ng kalakalan (Junker 2000; Villan 2009).
Gayumpaman, hindi sing-estrikto ng sistemang esclavitud ng Europa at
ng iba pang lipunan ang umiiral sa kapuluan. Sa isang lipunang labis
na pinahahalagahan ng mga tao ang pag-asa, may karapatan ang mga
aliping mabawi ang kanilang kalayaan. Anupa’t isa lamang diumano,
itong uri ng paninilbihan (servitude) (Phelan 1959, 22).
Sa mga pagpapasya para sa buong komunidad, buhay na
buhay ang espiritu ng kolektibismong nakapaloob sa kamag-anakan.
Matutunghayan ang ilang halimbawa nito sa ilang katutubong
institusyon ng pamunuan, e.g., tongtong ng Ibaloy, dap-ay ng Kankanaey, ator ng Bontok, timfada limud ng Teduray, kevurunan te kamal ng
Menuvu. Bagama’t may itinuturing na pangkalahatang pinunong
tinatawag na datu/timuey/timuay sa mga grupo sa Mindanao,
isinasagawa ito sa tulong ng mga sanggunian ng nakatatanda. Sa mga
Teduray, Lambangian at Erumanen ne Menuvu, mayroon silang
minted sa inged o konseho ng mga timuay/timuey kasama ng mga
fekilukesan/pekilukesan o nakatatanda bilang kanilang tagapayo
(Gempa w.p.; TJG w.p.). Samantala sa Kordilyera, kilala ang nasabing
sanggunian bilang panglakayen ng Iloko, amam-a ng Bontok at
A n g
D a l u m a t
n g
B a y a n
| 41
Kankana-ey ng Sagada), lallakay ng Tinggian at Kankana-ey, at
impanamana-ama ng Ibaloy (Brett 1995). Sa mga sangguniang ito, ang
interes ng mga indibidwal at mag-anak ay ipinaiilalim sa kapasyahan
ng lupon ng mga pinuno.
Nanunuot ang diwa ng relatibong kapantayan sa mga
ugnayang panlipunan. Maiuugnay ito sa obserbasyon ng iskolar na
Kalinga na si Esteban Magannon (2000) hinggil sa pagkakaiba ng
“hierarchy” at “stratification” sa konteksto ng tradisyonal na lipunang
Kalinga. Aniya, “...‘hierarchy’ connotes the ordinal positioning of
things whereas ‘stratification’ is based on subordination and
domination.” Sa madaling sabi, ang hirarkiya sa lipunan ay nakatuon
sa ideya ng pagkakasunud-sunod batay sa bigat ng tungkuling
ginagampanan; hindi sa pagkakahati-hati (stratification). Bukod dito,
bawa’t indibidwal, anumang uri ang kanyang kinabibilangan, ay may
pagkakataong umangat o bumaba ng katayuan batay sa pagtupad o dipagtupad ng mga tungkuling iniatas at inaasahan sa kanya ng lipunan.
Sa madaling salita, sa “bayan” o mga ugnayang pantao — sa kalipunan
at hindi lamang sa iilan, dinudukal ang batayan ng katayuan at
kapangyarihan.
Makikita rin ang gayong sistema sa mga ugnayang
pangkasarian. Saksi ang samu’t saring talâ (etnograpiko at historikal
man) hinggil sa kagyat na pagka-egalitaryan ng sinaunang lipunan.
Simulan natin sa ating kolektibong gunita. Sa alamat ng mga unang tao
sa kapuluan, e.g., “Sicalac at Sicavay” ng mga Ilonggo, o “Si Malakas
at si Maganda” ng mga Tagalog, magkasabay silang lumabas sa buho
ng kawayan, at sa gayo’y magkapantay. Ibang-iba ito sa kuwento sa
Bibliya kung saan si Eba ay hinugot lamang sa tadyang ni Adan at sa
gayo’y tinitingnang mas mahina. Masusukat din ang egalitarianismo sa
ganang relasyong babae-lalaki, sa antas ng pagpapahalagang ibinibigay
sa una. Hindi rin pipi ang mga dokumentong pangkasaysayan tungkol
sa “kalayaan” at mataas na katayuan ng katutubong kababaihan sa
sinaunang lipunan. Mariing pinuna ng conquistador na si Miguel Lopez
de Loarca (1582, nasa Blair at Robertson 1903-1909), ang diumano’y
kapangahasan at di-pagpapahalaga ng kababaihan ng Panay sa kanilang
pagiging birhen. Aniya, ang mga “babaeng katutubo ay malalaswa at
malilibog (unchaste).” Ganito nga marahil ang ipapalagay ng isang
42 |
B a g o n g
K a s a y s a y a n
estrangherong nagmula sa isang lipunang macho, konserbatibo, at
patriyarkal nang makita niya ang mga kababaihang nasasaplutan
lamang umano, ng nakalugay nilang buhok sa kanilang dibdib. Lalo pa
kung mapag-aalamang malaya silang nakikipagtalik sa kanilang
kasintahan. Subalit hindi ito usapin ng pagiging birhen (virginity) na
itinakda ng mahigpit na pamatayan ng moralidad ng Edad Media sa
Europa. Mahihiwatigan dito ang layang magpasya at ang pagkakaroon
ng kontrol ng kababaihan sa kanilang katawan. Lumilitaw din sa iba
pang talâ ng mga Espanyol na kronikler na nagtatamasa rin sila ng
pantay na karapatan sa pagpili ng mapapangasawa, diborsyo, at
pagmamana. Higit sa lahat humahawak sila ng isa sa mga pinakasusing
posisyon sa lipunan. Bilang pari ng sinaunang relihiyon (babaylan o
katalonan) itinuturing silang “haligi” ng sinaunang kabihasnan,
kahanay ng datu, panday, at bagani (Salazar 1999). Bilang liderespiritwal, ang mga babaylan ang nilalapitan sa oras ng karamdaman;
sapagkat hindi lamang katawan ang pinagagaling sa katutubong
sistema ng panggagamot, kundi, lalo’t higit ang isipan kung saan
diumano, nananahan ang “kaluluwa.” Impluwensiyal, kung gayon, ang
tungkulin nila mula sa usapin ng pagsilang at kamatayan. Dahil sa
napakaimpluwensiyal na papel na ito, taglay nila ang kaalaman sa
buong komunidad, kung kaya sila rin ang nagsisilbing sinaunang
mananalaysay na inatasan ng napakahalagang papel sa pagpapanatili ng
lipi, i.e., ang pagbigkas ng epiko. Nakabatay ang mataas na
pagpapahalagang ito sa kababaihan sa labis na pagkilala sa
pinakapundamental nilang papel sa lipunan, ang pagiging ina.
Napakahalaga ng papel ng mga ina sa pagbubuo ng bayan. Sila
ang nagluluwal ng mga bayaning mandirigma upang maipagpatuloy
ang lahi. Kalabisan nang sabihing sila ang “tagapagpatuloy ng lahi.” Sa
kanyang pagluluwal at pag-aaruga sa anak, hinuhubog ng ina ang
pagkatao at pagpapakatao ng bawa’t mamamayan upang
mapakinabangan ng bayan. Sa ganang ito, direkta na silang nakaugnay
sa bayan. Ito, diumano, ang dahilan kung bakit karaniwang kalalakihan
ang mga mandirigmang bayani. Kailangan pa ng kalalakihang
magbuwis ng buhay o mag-alay ng buhay ng kaaway upang makalahok
sa mahalagang tungkulin ng pagpapanatili ng kabuuan. Samantala, sa
bisa ng kakayanang manganak, tahasan nang nakaugnay ang
A n g
D a l u m a t
n g
B a y a n
| 43
kababaihan sa kabuuan, kundi ma’y sila ang tinitingnang metapora ng
kabuuan (Abrera 1995, 5).
Naimortalisa sapagkat habambuhay na naitatak, ang
pagpapahalaga sa kababaihan sa pamamagitan ng isang anyo ng
katutubong sining, ang pagtatatu o batek/batik27 sa wikang bernakular.
Ang taong “batikan” ay magaling at pinagpipitaganan. Ayon sa
etnograpiyang Espanyol, tinatatatuan ang mga taong kinikilala sa
kanilang kahusayan, galing, at mahalagang papel na ginagampanan –
isang sagisag ng katayuan (status symbol).
Kakabit ng imahen ng ina ay ang anak. Kung kaya,
pinahahalagahan din ang bigkis ng ina at anak. Isa itong motif na
matutunghayan sa mga katutubong epikong gaya ng Hudhud hi
Aliguyon sa kaso ni Aliguyon at ng kanyang inang si Dumulao sa isang
banda, at ni Pumbakhayon at ng nanay naman niyang si Dangunay. Sa
Biag ni Lam-ang¸tampok din ang ugnayan ni Lam-ang at ng kanyang
inang si Namongan. Masasabing napakalalim na ng bigkis na ito sa
kamalayan ng mga Pilipino sa simula pa man, kung kaya inunawa,
tinangkilik at sa proseso’y natanggap natin ang Pasyon ni Hesukristo
pagsapit ng kolonyalismo, hindi dahil sa kagyat na husay ng
pamamaraan ng mga misyonero, kundi dahil sa napakaraming imaheng
umaapila sa katutubong sensibilidad. Isa na nga rito ang malapit at
madamdaming ugnayang ina-anak, sa pagkakataong ito, nina Birheng
Maria at Hesus. Sa ganang ito, ang pasyon ay naging isang lunan din
ng talaban at tagisan ng mga pagpapakahulugan ng mga kolonisador at
kolonisado (Ileto 1979).
Pagdating ng oras hindi na nga maiiwasang ang kabuuan ng
Bayan ay itawid din sa talinghaga ng ina, ng isang babae (Abrera 1995,
5). “Inang Bayan” ang dalumat na kakatawan sa panghimagsikang
tradisyon ng bayan tanda ng pinakamataas na pagpapahalaga ng mga
“anak ng bayan” sa kababaihan. Kaugnay nito, isasakay rin ang
Himagsikan sa talinghaga ng ugnayang “ina-anak” (Rodriguez 1999).
Aspetong Panrelihiyon
May tatak din ang mag-anak maging sa larangan ng
kapaniwalaan at pananampalataya. Tinatawag na “anituismo/anitismo”
44 |
B a g o n g
K a s a y s a y a n
ng mga Espanyol, ang sinaunang relihiyon ng mga Pilipino, diumano,
ay isang uri ng “pagsamba sa espiritu ng mga yumao.” Sa paningin ng
mga taga-labas na hindi nakakaunawa, ito na marahil ang simplistikong
pakahulugang maibibigay nila. Subalit hindi ito basta maikakahon sa
gayong depenisyon. Kung tutuusin, ang anito, na sa orihinal na
pakahulugan ay tumutukoy sa espiritu ng ninuno, ay nagsisilbing
tagapamagitan lamang ng mga taong buhay sa kanilang Dakilang
Lumikha (“Bathala” para sa mga Tagalog, “Apo Kabunian” para sa
mga Igorot, Gugurang, sa Bikol at Laon sa Bisaya). Taliwas sa sinasabi
ng ilang dayuhang iskolar, hindi ito “pagsamba” (ayon sa kanilang
sariling konteksto) kundi isang anyo lamang ng pagpapahalaga,
partikular sa mga yumaong miyembro ng pamilya. Wika pa ng isang
historyador, “Ang anitu ang sagisag ng pinakamagandang katangiang
pinahahalagahan ng lipi” (Veneracion 1990, 54).
Tumutukoy hindi lamang sa espiritu ng yumao, kundi pati na
rin sa espiritu ng kalikasan, nagsisilbing tagapamagitan ng mga tao ang
mga anitu sa Poong Maykapal. Binabanggit sa ulat ng isang Espanyol
ang praktikal na dahilan ng mga tao sa likod ng ganitong paniniwala.
Anila, masyadong malayo si Bathala; samantalang ang mga yumao,
bagama’t pumanaw na ay nagbabalik upang muli silang makapiling.
Naniniwala ang mga sinaunang Pilipino na walang kamatayan ang
kaluluwa na siyang esensiya ng tao, sumasakabilang-buhay lang.
Gayundin naman, ang anumang bahagi ng kalikasan ay may “anima”28
o espiritu, may buhay sapagkat nagbibigay ito sa kanila ng buhay.
Balikan natin ang “kabilang buhay.” Kagyat na mababanaag
dito ang holistikong pagtingin ng mga sinaunang Pilipino sa uniberso.
Walang malinaw na pagkakahati sa pagitan ng daigdig ng mga espiritu
at mortal sapagkat may direktang impluwensiya ang una sa huli: mula
sa usapin ng panganganak, kalusugan o karamdaman, hanggang
kamatayan. Pinaniniwalaang sa mga espiritung ito nakasalalay ang
kaligtasan ng sino man. At bilang pagkilala sa napakahalagang papel
ng mga anito, nagdaraos sila ng mga ritwal na pinamumunuan ng mga
katutubong pari. Babaylan (Bisaya), katalonan (Tagalog) o mombaki
(Ifugaw), mabunni (Baliwon/Ga’dang) ang ilan sa mga katawagan para
sa katutubong pari.
A n g
D a l u m a t
n g
B a y a n
| 45
Halos umiikot sa relihiyon ang buhay ng mga sinaunang
Pilipino. Sa larangang ito nagkakadugtung-dugtong ang iba’t ibang
hibla ng kanilang pamumuhay. Ang pagsasagawa ng ritwal,
halimbawa, ay isang lugar para sa mabunying pagdiriwang kung saan
nagkakasalu-salo ang mga miyembro ng buong komunidad, at sa
gayo’y napag-iibayo ang espiritu ng kaisahan. Politikal din ang silbi ng
ritwal sapagkat karaniwan nang ginagawa ito sa bahay ng mga pinuno
upang mapanatili ang kanilang malakas na impluwensiya sa lipunan.
Samakatwid, buo na ang pananaw-pandaigdig ng mga
sinaunang Pilipino sa yugtong ito ng ating kasaysayan bagama’t
nakalimita pa rin ito sa lokal na pook-pangkasaysayang kanilang
kinapapalooban. Hindi pa man pambansa ang saklaw ng sinaunang
kabuuan subalit may tiyak na itong pinatutunguhan: ang paglampas ng
kamalayang bayan mula sa lokal nitong saklaw. Muli, ang “kabuuang”
tinutukoy rito ay kultural hindi politikal, ibig sabihin, mayroon nang
isang tradisyong pangkabihasnang nag-uugnay-ugnay sa mga
kalinangan ng iba’t ibang bayan. Gayumpaman, naunsyami ang
kalakarang ito pagpasok ng kolonyalismong Espanyol. Itatatag ng mga
kolonyalista ang pueblo (ang bayang “Indio”) sa “loob” ng “bayang
sawi” (cf. Balagtas) upang sirain ang umiiral na kabuuan at palitan ng
bago.
Ang Bayan sa “Gilid” ng “Sentrong Pueblo”: Paghahari ng (Tunay
na) “Labas” sa (Tunay na) “Loob”
Sa pagpasok ng mga konseptong kolonyal na Espanyol gaya
ng pueblo at iba pang kaugnay na estruktura nito, i.e.,
municipalidad/municipality, ciudad, villa, poblacion, (cabecera-plaza
complex), sitio/barrio, at nacion nabulabog ang daloy ng likas na
kaisahan. Sapagkat nananalaytay sa hibla ng mga terminong ito ang
kolonyal na kamalayang mapagtangi (exclusivist) at mapanghati
(divisive). Bunga ng patakaran ng reduccion alinsunod sa kolonyal na
dictum na “hatiin at pamunuan” (“divide and rule”) isinilang ang
dikotomiyang “sentro-kagiliran,” “loob-labas” ng bayan. Sa akda ni
Francisco “Balagtas” Baltazar, malinaw na isinatitik ang bisa ng
dikotomiyang ito sa kanyang mga katagang “Sa loob at labas ng Bayan
kong sawi.” Resulta ito ng mga artipisyal na estrukturang pilit isinaklob
46 |
B a g o n g
K a s a y s a y a n
ng mga Espanyol, (na ipinagpatuloy naman ng mga Amerikano nang
malaunan at tinatangkilik pa rin ng mga Pilipinong utak-dayuhan sa
kasalukuyan). Artipisyal sapagkat hindi tunay na nakaugat sa ating
batayang kalinangan bukod pa sa katotohanang kakikitaan ito ng
pamamanginoon ng iilan at pagkaalipin naman ng karamihan (ng
taumbayan). Muling isinaayos ang lipunang Pilipino alinsunod sa
imahen at motibo ng mga kolonyalista. Ibang-iba sa “bayan” ang
“pueblo.” Ipinadron ito sa konsepto at estruktura ng “polis” na
umaandar sa bisa ng napakasentralisadong sistema ng kontrol. Upang
mapadali ang pamahahala, ibinalangkas ito sa napaka-rigid na grid
pattern. Sa gitna nito ay ang plaza complex, ang poblacion, na
sumagisag sa bagong sentro ng kapangyarihan. Nakagitna rito ang
simbahan, ang institusyong panrelihiyon, bilang pangunahing
tagapagbalangkas ng buhay sa komunidad. Mapapansing pagpapatuloy
lamang ito ng katutubong pagpapahalaga sa relihiyon, subalit may
malaki ring pagkakaiba. Sa harap ng bagong kaayusan, nilikha ang
mitong sa ilalim lamang ng batingaw (debajo de la campana) iiral ang
“la vida civil y politica” (“ang buhay na maayos at payapa”).
Habang ang “itinakdang” “sentro” ay idinambana bilang
imahen ng kaayusan, kapangyarihan, at katotohanan, inalipusta naman
ang kanayunan (pamayanan sa-raya o malapit sa bundok) bilang
katumbalikan ng lahat ng nasa loob: “gentes salvajes/feroces,” “dilehitimo,” “labag sa batas, pugad ng kasinungalingan.” Sa katunayan,
ang maaanghang na panlalait na ito’y kagyat na manipestasyon ng
kahinaan ng mga kolonisador. Hindi nila makontrol ang mga
pamayanang ito sa labas ng pueblo. Gayumpaman, sa paningin nila
saklaw pa rin ito ng kanilang paghahari-harian. Tinawag ang mga
dating nayon na sitio29 kakabit ng mga derogatoryong pakahulugan
nito: nakaasa o umaasa (dependiente), nasa labas (fuera), iba (otro) sa
itinakdang poblacion — ang “sentro” (basahin: “dayong loob”) ng
kaayusan at kasaklawang kolonyal. Dahil “isinagilid,” tiningnan
lamang na obheto itong magsisilbi o aninong susunod sa anumang
galaw ng sentro. Ito ang malinaw na ipinahihiwatig ng pandiwang
sitiar, cercar a uno cerrandole todas las salidas para cogerle o rendir
su voluntad (Real Academia Española 1950). Sa paglikha ng mga
administatibong yunit na tulad nito, makakaramdam na ang mga tao ng
A n g
D a l u m a t
n g
B a y a n
| 47
alyenasyon o pagkatiwalag sa loob ng bagong kairalan at
kapangyarihan. May magkaibang damdaming ibinubulalas ang mga
konseptong nayon (maliit na bayan) at baryo (maliit na bahagi ng
pueblo) bagama’t magkasingkahulugan lamang ang mga ito sa
diksyonaryo. Nasa dalumat pa rin ng “nayon” ang diwa ng sinaunang
kabuuan na naging tampulan ng ideyalisasyon o nostalhiya ng mga
taong di-masiyahan sa tiwaling sistema ng kasalukuyan. Sa ganang ito
mauunawaan ang katawagang “Nayong Pilipino” sa isang pasyalang
may ikinikintal na pagmamalaki para sa ating katutubong kalinangan.
Samantala, sa dalumat ng baryo may konotasyon na ng kawalang-pagunlad, gaya ng ipinahihiwatig ng salitang balbal na “barriotic.”
Ang Tradisyong Bayan bilang Artikulasyon ng Pakikibaka
Nakahabi sa salaysay ng pagkilos ng bayan ang malaon nang
tradisyon ng pakikibaka. Sa pakikipagniig ng mga taga-loob sa tagalabas nagkaroon ng militanteng karakter ang bayan. Ang kolonyalismo
ay hindi lamang usaping pang-ekonomiya at pampulitika bagkus ay
pangkalinangan din. Pundamental sa konsolidasyon ng mga
estrukturang kolonyal ang mga saligang ideolohikal na hinahango mula
sa pook-kultural nito. Sa gitna ng “terorismong kultural”30 na inihasik
ng kolonyalismo, nagbanyuhay ang kalinangang-bayan bilang “kontrakultura” na naging kaban ng “kontra-kamalayang” pumatnubay sa
pakikibakang ekonomiko-politiko-kultural ng bayan. Ibig sabihin,
mula sa iba’t ibang aspeto ng sinaunang kabihasnan hinugot ng
taumbayan ang wika, kamalayan/ kaisipan, at kaparaanan ng paggigiit
para sa kasarinlan. May dalawang anyo ng paglaban: hayag at di-hayag.
Habang ang una ay tumutukoy sa mga armadong pagkilos na
naglalayong ibalik ang dating pamunuan at kaayusan, ang ikalawa
nama’y isang mapanlikhang paraan ng paggigiit sa katutubong
kalinangan. May dalawang mukha ang mga katuluyang ito
(continuities). Una, ang malakas na pagtataguyod ng estruktura ng
sinaunang kabihasnan (kaakibat ng higit na selektibong pag-aangkin ng
mga dayuhang impluwensiya) ng mga tinaguriang lipunang “minorya”
o “indigenous peoples” (IPs). At ikalawa, ang pag-aangkin ng ilang
elemento ng kulturang Hispaniko upang isangkap sa umiiral nang
paraan ng pamumuhay sa kaso ng sa-laud (“bayan” bilang sentro).
48 |
B a g o n g
K a s a y s a y a n
Kung ano’t anuman ang naging tugon sa iba’t ibang dako ng kapuluan,
sa kabundukan o kapatagan man, ang lahat ng ito ay mapanlikhang
kaparaanan ng bayan upang igiit ang kanyang kakayanang humayo at
sumulong. At dahil sa Katagalugan namugad ang kolonyalismo, ang
bayan dito ang nahamon nang husto at hayagang nanguna sa
pagbabanyuhay tungo sa mas malaking “kabuuan” — ang bansa.
Ang ikatlong yugto ng pag-unlad ay nakapaloob sa dalumat
ng “bayan” bilang “Inang Bayan” na tumutukoy sa kaganapan ng
pagkabuo ng Sangkapilipinuhan. Ang pagkabuo ng kamalayang “Inang
Bayan” ay nakakabit sa mga kaganapang historikal noong siglo 19.
Pangunahin na rito ang mga pagbabagong demograpiko,
pangkabuhayan, sosyo-politikal at pangkamalayan na nagkapanapanabay upang bigyang-daan ang mga puwersa tungo sa pagbubuo ng
tatawaging “bansa.” Sa panahon ng Himagsikang 1896, isinatitik at
isinatinig nina Bonifacio at Jacinto ang dalumat ng Inang Bayan bilang
isang proyekto ng pagbubuong nakasalalay sa prinsipyo ng isang
kapatiran hindi lamang sa aspetong panlipunan kundi gayundin sa
pakahulugang kultural, i.e., isang “pangkalinangang kabuuan.”
Mahihiwatigan natin ito sa tinuran ni Jacinto:
Ang Bayan na dito’y sinasabi ko ay hindi ang kapisanan ng mga
tawong nananahan sa gayong lugal, kung di ang katipunan ng
lahat ng tagalog ng lahat ng tumubo sa Sangkapuluan. (1896,
sinipi sa Almario 1993, 156; akin ang diin)
Tampok dito ang panibagong pagpapakahulugan sa katagang
“Tagalog” bilang pantukoy sa “lahat ng tumubo sa Sangkapuluang ito...
Bisaya man, Iloko man, Kapampangan man, atbp., ay Tagalog din”
(Jacinto 1896, sipi sa Almario 1993, 156). Kung nabubuhay ngayon si
Jacinto, baka pagtaasan din siya ng kilay at akusahan ng
“imperialismong Tagalog.” Subalit dapat tandaang wala pa si Quezon
sa panahong ito at hindi pa namamayagpag ang diumano’y “politika”
ng wikang pambansang nakabase sa Tagalog. Kung uunawain ang
oryentasyong pinanggagalingan ni Jacinto, babalik at babalik tayo sa
sentralidad ng tubig o kailugan sa pagbubuo ng mga sinaunang
pamayanan. Sa ganang ito natin masasabing ang gayong pahayag ay
manipestasyon lamang ng pagpapatuloy, ano pa nga’t paggigiit ng pilitsinupil na kamalayang bayan ng kulturang Hispaniko-kolonyal.
A n g
D a l u m a t
n g
B a y a n
| 49
“Katagalugan” versus “Las Islas Filipinas” – hindi lamang ito usapin
ng pagpapangalan, higit lalo na ng sariling pagtatakda, ng kakanyahan.
Mula pamunuan hanggang sa kasapian, malinaw na Pambansa na ang
saklaw ng dalumat ng Bayang dumadaloy sa iginigiit na pangalan at
identidad. Tunghayan ang ibayong paglilinaw sa “Paghihimagsik Nang
1896-1897” [di-limbag na tala-gunita (memoir)] ni Carlos V.
Ronquillo, isang rebolusyonaryong Caviteño, sa katagang Tagalog:
...sa tawag naming tagalog na makikita sa bawa’t dahon halos
ng kasaysayang ito, ay di ang ibig naming sabihi’y ang paris ng
palagay ng iba, na iniuukol lamang sa mga tubong Maynila,
Kabite at Bulakan, at iba pa., hinde kundi ang ibig naming
tukuyin ay Filipinas. ...(ito) ay walang ibang kahulugan kundi
‘tagailog’ na sa tuwirang paghuhulo ay taong maibiging manira
sa tabi ng ilog, bagay na di maikakaila na siyang talagang hilig
ng tanang anak ng Pilipinas, saa’t saan mang pulo at bayan.
Mababanaagan dito ang pagtingin sa Bayan na lampas na sa
makitid na rehiyonalismong inihasik ng estratehiyang divide et impera
ng mga kolonyalista. Gayundin, sa paggamit ng katagang
“Katagalugan” sa halip na “Filipinas,” hinubdan ng kasuotang kolonyal
ang Bayan upang itakwil ang ipinangalandakang katotohanang tayo ay
pag-aari ng Hari ng Espanya. Mula rito lamang mapalilitaw ang tunay
na kakanyahan. Muli, “isang kalinangang sumibol sa katubigan” — ito
ang kakanyahang nakasakay sa dalumat ng “Katagalugan.”
50 |
B a g o n g
K a s a y s a y a n
Bukod dito, ibinanghay din ni Bonifacio ang Bayan sa diwa
ng mag-anak. Nang tanungin siya kung ano ang ibig sabihin ng titik
“K” sa bandila ng
DAYAGRAM 5
Katipunan, ay kanyang
winika ang ganito:
“....mula sa Kataastaasang Pamunuan ng
Katipunan, hanggang sa
kababa-babaan
ay
nagkakaisang
gumagalang
sa
pagkakapatiran
at
pagkakapantay-pantay”
(akin ang diin.) Kung
kaya minarapat niyang
isalin ang “Madre
España” sa “Inang
Bayan” (Dayagram 5).
Ang pagsasalin sa
ganang ito ay hindi
lamang
simpleng
paggamit
ng
katutubong wika kundi
isang ganap na pagpihit
ng pananaw at pook
mula Espanya tungong
sariling Bayan. May
dalawang partikular na
akda ang Supremo na
magpapaliwanag sa atin
ng “pagpihit” sa pagitan ng dalawang “ina.”
Matatandaang noong 1888, isinulat ni Hermenegildo Flores,
ang Bulakenyong makata (na nang malauna’y namuno ng himagsikan
sa Marinduque), ang “Hibik nang Filipinas sa Inang España.” Tila
litanya ng mga pasakit na natamo sa mga diumano’y katiwalang prayle,
ang tula’y sumbong at panawagan ng kaawa-awang anak (Pilipinas) sa
A n g
D a l u m a t
n g
B a y a n
| 51
Inang Espanya. Sa Europa noong 1889, kinatha naman ni Plaridel ang
“Sagot nang España sa Hibik nang Filipinas.” Isang parikala ang
matutunghayan sa tulang ito. Habang labis na kinahahabagan ng Ina(ng
Espanya) ang anak (na Filipinas) hindi naman niya ito kayang
matapunan ng lingap at kalinga dahil sa mga katiwalang prayle. At sa
huli’y ipinauubaya na lamang niya sa anak ang sariling pagpapasya sa
landas na tatahakin: ang kanyang kaligtasan o ang patuloy na
pagkaalipin. Tumugon si Bonifacio sa sagutang ito. Muli niyang
pinagsalita ang Pilipinas upang tapusin ang “paghibik” sa “Katapusang
Hibik nang Filipinas.”31 Dalawang mahahalagang pagkilos ang
iminumungkahi niya sa tula: una, itakwil ang inainahang “pabaya’t
sukaban” at ikalawa, ipaglaban ang sariling kalayaan. Saan humugot si
Bonifacio ng lakas na itakwil ang “inang sukaban”? Sa liwanag ng
katwiran na nagpaunawa sa kanya kung sino ang tunay na ina – at wala
na nga’t dili iba kundi ang tinubuang bayan. Kakawing ng pagkilalang
ito sa tunay na ina ang timyas ng pag-ibig sa kanya. Ito naman ang
pinakadiwa ng tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Bayan” (Almario 1993,
141-142). Ang pag-ibig sa kanya, anang tula, ang siya nang “pinaka.”
Tunghayan ang sumusunod na sipi:
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinub’ang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
Bakit napakahalaga ng pag-ibig na ito? Ani Bonifacio (141):
Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan
Siya’y ina’t tangi na kinamulatan
Ng kawili-wiling liwanag ng araw
Na nagbigay-init sa lunong katawan.
Sa kanya’y utang ang unang pagtanggap
Ng simoy ng hanging nagbibigay-lunas
Sa inis na puso na sisinghap-singhap
Sa balong malalim ng siphayo’t hirap.
Utang na loob sa bayan ang lahat -- buhay, pag-iisip (kamulatan)
at lakas, ang pagkatao at pagpapakatao, kung kaya’t ang mga ito rin ang
sa kanya’y dapat ialay.
52 |
B a g o n g
K a s a y s a y a n
Walang mahalagang hindi inihandog
Ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop
Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,
Buhay may abuting magkalagot-lagot.
Kung kaya, dagdag pa ni Bonifacio (141), banal na pag-ibig ang pagibig sa bayan:
Banal na pag-ibig! Pag ikaw ang nukal
Sa tapat na puso ng sino’t alinman.
Imbi’t taong-gubat, maralita’t mangmang,
Nagiging dakila at iginagalang.
Magkatapat kung gayon ang dalawang akda at nagsisilbing
pook-tagisan ng mga imahen ng Madre Espanya at Inang Bayan:
“pabaya’t
sukaban,”
“walang
habag” vs. “nagkupkop,”
“pinagkakautangan ng buhay, muni, at kamulatan.” Gayundin ang mga
imahen ng “pagtatakwil” sa una vs. “pagpupuring lubos,” at
“ginugugulan ng buhay na iwi” sa ikalawa.
Sa puntong ito, mas makabuluhang sabihing, ang lakas ng
pagtatakwil sa sukabang ina ay lakas din ng pagbubulalas ng bagsik
nina Bonifacio sa Himagsikan, lakas itong higit ang pinagkukunan
kaysa sa “hamak” na galit lamang sa kaaway. At saan nga ba ito
dinudukal? Walang iba kundi sa napakatimyas na pagkilala at pag-ibig
sa bayan. Minsan pa’y tahasan nang naipahayag ito sa atin ng Supremo
sa kanyang “Katipunang Mararahas ng mga Anak ng Bayan”:
Sa lahat ng ito, nang malubos ang kabanalan at kapurihan ng
ating lahi, nang tanghalin ng sandaigdigan ang kamahalan ng
ating kalooban, ay huwag nating tularan ang ating mga kalaban
sa pagkahamak na asal.... Huwag tayong makipaghamok sa
kaibigan lamang na pumatay kundi sa pagtatanggol ng kalayaan
ng ating Bayan.... Mabuhay ang Haring Bayang Katagalugan!
(Bonifacio, sinipi sa Almario 1993, 155)
Damhin ang subteksto ng nasabing sipi: nakabatay sa
kagandahang asal ang “paghahari ng Bayan.” Kung kaya higit sa ano
pa man, ang pakikipagdigmaan ay isang banal at kapuri-puring gawain
kung para sa Bayan.
A n g
D a l u m a t
n g
B a y a n
| 53
Sa ganang ito nabibigyang-katwiran ang pagpatay at
pagpapakamatay, ang pag-aalay ng buhay (ng sarili at ng iba). Muli,
matutunghayan dito ang dalumat ng bayani at kabayanihan sa
sinaunang lipunan. Isa itong kabayanihang lalahukan hindi lamang ng
isa o iilang indibidwal kundi ng lahat ng mga “anak ng Bayan.”
Bilang pamalit sa konsepto ng “Madre España” o “Nacion
Filipina,” sumasagisag ang dalumat ng “Inang Bayan” sa hugpungan o
pagkakaugnay-ugnay at pag-uugnay-ugnay ng lahat ng mga
bayan/pamayanang kinukupkop ng kapuluan. Ang “hugpungang”
tinutukoy rito ay hindi lamang isang “panahong pangkasaysayan”
kundi sinasaklaw din nito ang elemento ng espasyo o pook na
humuhulma sa mga ugnayan ng iba’t ibang bayan. At mula sa mga likas
at/o sinadyang ugnayan, pumipintig ang kaisahan. Dapat linawing hindi
ito yaong kaisahang nakabatay sa unipormidad o paggalaw sa iisang
kumpas. Mekanikal at artipisyal ang gayong kaisahan. Kaisahan itong
bunga ng pagbabahaginan ng karanasan sa kabila ng mga espesipikong
pagkakaiba o (pilit na) pag-iba-iba. Batay sa imahen ng ina, ang
pagkakaisang tinuturol dito ay tumutulay sa mga talinghaga ng
kapatiran at kamag-anakan.
Hindi mapasusubalian ang kagyat na pagkakaiba-iba ng mga
grupong etnolinggwistiko sa kapuluan. Gayundin naman hindi
matatawaran ang katotohanang sinamantala ito ng mga dayuhan upang
magkapuwang ang agenda nila ng estadong kolonyal. Kung kaya,
marapat lamang na itampok ang ating pagkakatulad, o kundi ma’y ang
ating pagkakaugnay-ugnay kung nais nating lumaya sa artipisyal na
kabuuang nilikha ng kolonyalismo. Wika nga ni Edilberto N. Alegre
(1996, 39): “Kung pagkakaisa ang hinahanap natin, commonalities ang
ating tukuyin.” Nagkaroon man ng mga espesipikong kaibahan ang
iba’t ibang grupong etnolinggwistiko sa kapuluan, ang mga ito’y
magkakaugnay pa rin; ibig sabihin “magkakapatid” sa bisa ng iisang
ninunong wika-at-kalinangang Austronesyano, isang pangkapuluang
kapaligirang kanilang pinamahayan at pinamayanan, at sa bisa ng
walang-patid na mga ugnayang pangkalakalan at pandigmaan sa agos
ng kasaysayan. Samakatwid, hindi lamang teritoryal ni heo-politikal
ang saklaw nito kundi pangkalinangan — ang kabuuan ng ating pagkaPilipino at pagpapaka-Pilipino sa daloy ng kasaysayan.
54 |
B a g o n g
K a s a y s a y a n
“Nación/Nation/Nasyon” at “Inang Bayan”: Pagtatagpo, Pagniig at
Pagtutuos
Halos kapanabay ng pagsulong ng dalumat ng bayan ang
pagsilang naman ng konsepto ng “nación/nation/nasyon” para sa
pagbubuo ng bansa (Dayagram 6). Habang ang una ay nakatuon sa mga
panlipunang halagahin gaya ng kapatiran, damayan, pantay na
karapatan, at ganap na kasarinlan ang ikalawa nama’y nakatutok sa
ideya ng politikal na pagbabago (independencia), ang pagkakaroon ng
gobyernong patatakbuhin mismo ng mga Pilipino. Obra ito ng mga
hispanisado o akulturadong Pilipinong elit na nagtaguyod ng Kilusang
Panreporma. Nang hindi umubra ang reporma, sumanib sila sa
malawakang pagkilos ng bayan para sa kabansaan.
“Bansa” ang kabuuang iniluwal ng pagtatagpo at pagniniig ng
mga tradisyon ng bayan at nasyon sa Himagsikang 1896.
Gayumpaman, higit pa sa isang armadong pakikibaka at pagbubulalas
ng poot laban sa kaaway, ang himagsikan ng Bayan na dinalumat ng
Katipunan ay isa ring lugar para sa panloob na pagbabago na
binigyang-diin nina Bonifacio, Jainto, at Mabini sa kanilang mga akda.
A n g
D a l u m a t
n g
B a y a n
| 55
DAYAGRAM 6
Pagkakaiba ng Nación at Bayan
Nagkaroon ng katuparan ang layon, subalit panandalian lang
ang tagumpay. Binasag ng mga inggitan, kasakiman at pagkakanulo sa
prinsipyo ng kapatiran ang kasisilang pa lamang na pambansang
kabuuan (Dayagram 7).
56 |
B a g o n g
K a s a y s a y a n
DAYAGRAM 7
Sa Ibayo ng Pagkanulo Kay Inang Bayan
Ang ginawang pagpaslang ng ilang “anak ng bayan” sa
kapatid na Andres Bonifacio na tagapag-isang simbolo ng bayan, ay isa
ring pagpaslang sa matimyas na adhikain ng Katipunan bilang
pambansang kapatiran. Kaya’t isang malaking kabalintunaang sa gitna
A n g
D a l u m a t
n g
B a y a n
| 57
ng burol ni Inang Bayan isinilang ang Republica Filipina — ang
itinampok na kauna-unahang pambansang estado. Ibig sabihin,
nagtagumpay ang simulain ng nación. Natamo ang independencia ng
isang “Nación Filipina” subalit hindi ang kasarinlan ng Bayan. Pinagiiba ang dalumat ng kasarinlan kontra independensiya. Habang
nakalimita lamang ang huli sa kalayaang politikal na isinulong ng mga
Pilipinong elit, isang ganap at holistikong kalayaan naman ang
sinasagisag ng “kasarinlan.” Galing sa salitang ugat na “sarili,” tampok
dito ang sariling pagtatakdang ginagabayan ng katwiran. Ito ang
mensahe ni Bonifacio sa “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog”:
Itinuturo ng katwiran na huwag nating sayangin ang panahon sa
pag-asa sa ipinangakong kaginhawahan na hindi darating at
hindi mangyayari. Itinuturo ng katwiran na tayo’y umasa sa
ating sarili at huwag antayin sa iba ang ating kabuhayan.
Itinuturo ng katwiran na tayo’y magkaisang-loob, magkaisang
isip at akala, at nang tayo’y magkalakas na maihanap ang
naghaharing kasamaan sa ating Bayan. ... Ating idilat ang bulag
na kaisipan at kusang igugol sa kagalingan ang ating lakas, sa
tunay at lubos na pag-asa na magtagumpay sa nilalayong
kaginhawahan ng bayang tinubuan. (Almario 1993, 153; Reyes
1995; akin ang diin)
Dalawang bagay ang makakatas mula rito: una, ang kasarinlan
ay makakamtan hindi lamang sa armadong pakikibaka kundi, higit lalo
na, sa pamamagitan ng pagbabagong panloob: isip at akala; at ikalawa,
magkakaroon lamang ng pagbabagong panloob kung lalaya tayo mula
sa isang saloobing palaasa sa mga tagalabas bunsod ng “bulag na
kaisipan” at magtitiwala sa ating sariling lakas.
Masaklap isiping walang nangyaring paglilinis at pagbabago
ng “loob.” Taong 1897 nang patayin ang Supremo ng sarili ring
“kapatid” sa kilusan. Pagkatapos nito’y marami pang sumunod na
krimen (ng pagpatay, paglapastangan sa kababaihan, na magrururok sa
pagkakanulo sa simulain ng Katipunan) ang isinagawa ng marami sa
mga rebolusyonaryong hindi nagpakatotoo sa taguring “anak ng
Bayan.” Nabigo ang laban para sa kasarinlan, kung kaya’t nagpatuloy
ang kalbaryo ng mga mamamayan.
58 |
B a g o n g
K a s a y s a y a n
Sa ilalim ng rehimeng Amerikano, ipinakilala naman ang
konsepto ng town upang ipalit sa pueblo, subalit wala rin itong ipinagiba sa huli. Sa esensya, pagpapatuloy lamang ito ng estrukturang
kolonyal ng mga Espanyol. Nagpatuloy ang institusyonalisasyon ng
mga anyo ng dikotomiya, partikular sa pagitan ng akulturadong
(basahin: Amerikanisadong) elit kontra bayan; gayundin ng mga
tinaguriang “di-Kristiyano” kontra “Kristiyano” (Rodriguez- Tatel
2010). Isinilang din ang iba pang dalumat na magpapa-“Iba” sa
kalinangang bayan, i.e., “popular culture,” “folk culture” at “ethnic
culture.” Hanggang sa mainstitusyonalisa ang “ethnic differentiation”
na wala’t dili iba kundi “pinolitikang pagkakaiba-iba” ng mga
kalinangan ng iba’t ibang grupong etnolinggwistiko. Taglay nito ang
partikular na pagkiling laban sa mga “di- Kristiyanong tribo” na nang
malauna’y tatagurian ng estado bilang “minorities.”
Sa pagpapalit ng sentrong-pueblo sa town binuwag ang
kaisahan ng estado at simbahan. Nangibabaw ang politikal o sekular na
kapangyarihan laban sa relihiyoso. Sa isang lipunang likas na
nakasandig sa relihiyon, nagbunga ang nasabing kalakaran ng ibayong
paglaki ng puwang sa pagitan ng estado/gobyerno at taumbayan. Sa
kasamaang palad, minana ng kasalukuyang establisimyento ang
naturang kalakaran.
“Bayan, bayan, bayan ko... di pa tapos ang laban mo!”
Patuloy ang bayan sa paglikha ng salaysay ng
pakikipagtunggali. Ito ang kasaysayang naging pandayan ng kakayahan
ng bayan upang maigiit ang kanyang kasarinlan laban sa gahum ng iba’t
ibang anyo ng mapagsamantalang “ismo.”
Armadong pakikibaka ang pinamayagpag na tradisyon ng
isang bahagi ng bayang sumabak nang tuwiran sa bakbakang
komunismo kontra imperyalismo/burukrata-kapitalismo/pyudalismo
(ayon sa pagbasa ng Pambansang Demokrasya] (Sison 1966a, 1966b,
at 1967). Pinaalingawngaw nila ang panawagan para sa “di-pa-tapos na
rebolusyon” sa panahon ng kasagsagan ng aktibismo sa mga kalye at
lansangan noong panahon ng Unang Sigwa. May bumitbit ng
ideolohiyang hiniram, at inangkin ng mga “makabayang” intelektuwal
A n g
D a l u m a t
n g
B a y a n
| 59
mula
sa
Marxismo-Leninismo-Kaisipang-Mao-Zedong.
Ang
ideolohiyang ito ang tinuntungan ng Partido Komunista ng Pilipinas na
dumapo sa bayang nagtaguyod ng “organisadong armadong pagkilos.”
Hindi maitatatwang ang ideolohiyang ito ang pumatnubay sa bayang
kumapit at nakipagtalaban nang hayagan sa patalim ng imperyalismo
at kulturang neoliberal sa kontekstong global.
Magiging militante rin ang mga bayang Muslim. Sa kanilang
hanay, isinilang noong dekada 1970 ang dalumat ng “Bangsa Moro”
bilang isang bagong politikal na identidad, taglay ang radikal na
paggigiit para sa sariling pagtatakda (self-determination). Noong una,
nasa sukdulang anyo ito ng separatismo hanggang sa tumungo sa
awtonomiya. Kaisa nila rito ang mga bayang “Igorot” (ili) ng
Kordilyera at inged ng mga “Lumad” ng Mindanao. Nakatahi sa
kanilang laban ang ganap na rekognisyon ng kanilang mga karapatan,
pangunahin na rito ang sa lupaing ninuno (ancestral land). Sa kabila ng
pamamayagpag ng mga “bayang’” ito sa larangan ng armadong
pakikipagtunggali, makikibahagi rin sila sa bayang sumasalok ng lakas
mula sa kaibuturan ng sariling kalinangan.32
Lampas pa sa mga hangganan ng kolonyalismo, parating
umiigpaw ang bayan upang ipadama, hayag o hindi man, ang angkin
nitong lakas. Mula sa kalooban ng bayan, patuloy ang paggalaw at
pagkilos, ang malilikhaing tugon ng pakikiangkop, pakikibagay,
maging ng pakikipagtunggali sa mga hamon ng panahon. Sapagkat may
likas na dinamismo ang bayan. “Organisado” o hindi man, pamaya’t
mayang hinahamon nito ang pangingibabaw (hegemony) ng mga
nagpapatuloy na bakas at simbolo ng estrukturang kolonyal. Makikita,
halimbawa, ang di-hayag na paggigiit ng (“di-organisadong”) bayan sa
pagtatayo ng mga rebulto ng ating bayani sa loob mismo ng plaza, ang
luklukan ng kolonyal na kapangyarihan. Sa larangan ng paninimbolo o
pagpapakahulugan, pilit iginugupo ng bayan ang diskurso ng
kapangyarihan at kaayusan sa espasyong kolonyal/malakolonyal.
Interesante ring sipatin ang Birhen ng Balintawak na may kasamang
Sto. Niñong ang hawak ay tabak (cf. Ileto 1979; Gealogo 2010). Muling
nilikha ng mga Pilipino ang mga hiram na imaheng ito upang angkinin
at gawing “banal na representasyon” ng Inang Bayan habang ang niño
nama’y sumasagisag sa mga “anak ng Bayan.” Sang-ayon kay Gregorio
B a g o n g
60 |
K a s a y s a y a n
Aglipay ng Iglesia Filipina Independiente, nais ipaalala ng mga ito sa
atin na ang pakikibaka para sa kalayaan ay isang gawaing banal
(Aglipay 1925, sipi sa Gealogo 2010, 147). Bahagi ito ng
“radikalisasyon” ng relihiyon na maiuugnay sa sinasabi ni Ponciano
Bennagen:
Human beings in the course of their struggles for survival and
fulfillment try, consciously or not, to make sense of their
feelings, their thoughts, their actions – they construct
meanings... either to keep society as it is, at least for sometime,
or to escape from it or to change it. (Bennagen sinipi sa
McAndrew 1987, vii; akin ang diin)
Sa ano pa mang kaparaanan, ipinadarama ng bayan na patuloy
ang pag-iral ng kanyang kalinangan. Nag-angkin man sila ng mga
elementong kultural mula sa labas, nakatindig pa rin sila sa sariling
kakanyahan. Sa ganang ito, nariyan din ang mga kilusang bayang
binansagang “mesyaniko”/“milenaryo” o “kulto” pa nga — mga
pamansag na tanda ng malay na pagtitiwalag sa kanila ng mga
naghaharing uri sa itinakda nilang “sentro.” Mula sa mga tinig na
diumano’y “isinagilid,” “ipinailalim” o “inilabas” patuloy ang
pagpintig ng matalinghagang pagdadalumat sa bayan: “Bagong
Herusalem,” “Ciudad Mistica de Dios” (Ocampo 2011), “Nawaglit na
Paraiso” (Paluga 1999), “Tipan sa Mahal na Ina” (Alaras 1988) — mga
dalumat ng bayang idinambana sa retablo ng kabanalan. Kapansinpansin dito ang tuwirang paggamit sa relihiyon bilang idioma o wika
ng patuloy na pag-aadhika at pakikibaka para sa bayang
pinamamayanihan ng kaginhawahan at kasarinlan. Muli, ibinabalik
tayo nito sa katutubong pananaw sa daigdig: na ang kabuua’y nasa
hugpungan ng daigdig ng espiritu at mortal, ng ideya at materya, ng
“kaluluwa” at “katawan.” Samakatwid, patuloy ang paggigiit sa
holistikong pakahulugan sa “bayan.”
PAGLALAGOM
Tatlong batayan ang sinasandigan ng pag-unawa sa dalumat
ng bayan bilang kamalayan at prosesong pangkasaysayan. Una, may
batayan itong heograpikal. Ang paninirahan sa malayang daigdig ng
kapuluan ay lumikha ng pananaw at saloobing bukas at mapagtangkilik,
A n g
D a l u m a t
n g
B a y a n
| 61
mapang-ugnay at mapang-angkop, madaling makibagay. Sapagkat
hindi nahahangganan ang sarili, hindi natutuldukan ang mga
posibilidad.
Bunsod nito, tampok din ang batayan nitong personal
(panloob). Sa kanyang pamaya’t mayang pagsuong sa hamon ng
kalikasan: lindol, pagsabog ng bulkan, baha at bagyo, nalinang ang
labis na pagpapahalaga sa mga ugnayang pinaghuhugutan ng tao ng
lakas sa mga oras ng kagipitan. Sa pagitan man ito ng tao at kalikasan
(pisikal na kapaligiran) o sa hanay ng mga tao mismo (kalipunan),
palagi nang itinatampok ang pagpapahalaga sa mga ugnayan. Walang
malinaw na mga hati at hangganan. Nagsasalaminan ang “sarili” at
“iba” sa konsepto ng “kapwa”; kung kaya ang “loob” ay “labas” at ang
“labas” ay “loob din.” Sa ganang ito, lahat ay tinatratong may buhay at
magkakaugnay, mula sa kasangkapang ginagamit sa pagtatanim,
hanggang sa galaw ng hangin at mga miyembro ng pamilyang
pumanaw na.
Matutunghayan din ang pag-iral ng batayang personal maging
sa prosesong pangkasaysayan ng pagbabanyuhay ng bayan tungong
“Inang Bayan.” Damang-dama sa dalumat ng bayan bilang ina ang
pagtatangkang papagsimulain sa sarili, sa “loob” o kaibuturan ng
pagkatao, ang inaadhikang malawak na kabuuan. Wala nang lalalim pa
sa ugnayang nakabatay sa talinghaga ng pagiging magkadugo dahil
galing sa iisang sinapupunan. Sa bisa ng “Inang Bayan” hindi lamang
simpleng mamamayan ang taumbayan, na pinagbubuklod ng isang
kaayusang sibil; higit pa rito, sila’y “mga anak ng Bayan” at sa gayo’y
“magkakapatid.” Kung gayon, “Inang Bayan” ang panloob na
artikulasyon ng pakikipagtunggali sa kaayusang nagtangi-tangi at
naghahati-hati. Ito ang malikhaing tugon ng kalinangang bayan sa krisis
ng sinaunang kabuuang natunghayan sa: (1) puwang sa pagitan ng tao
at kalikasan (ang mga patakarang kolonyal at neo-kolonyal ang salarin
sa pagkasira ng ating kalikasan), (2) mga pinunong kolonyal vs.
taumbayan, at (3) mga hayag at di-hayag na tunggaliang sentro vs.
kagiliran/kanayunan (“loob” vs. “labas”), patag kontra bundok,
“Kristiyano” kontra “Moro”/ “di-Kristiyano,” “mayorya vs. minorya”
at iba pa.
62 |
B a g o n g
K a s a y s a y a n
Imahen ng “ina” ang sinakyan ng mga aspirasyon sa diwa ng
kapatiran –ang “pagsasandugo” sa lebel na pambansa. Ang tinutukoy
na “kapatiran” ay isa ring hugpungan o ugnayang nakabatay hindi
lamang sa likas na pagkakaugnay-ugnay ng mga tao sa isang pook,
kundi ng mga nililikha, sadya at malay na pag-uugnayan o
pagtuturingan sa isa’t isa bilang magkakapatid. Ito ang
pinagpunyagiang ipalit sa artipisyal na kabuuang iniluwal ng mito ng
sandugo sa “Madre España” ng mga Espanyol. Taliwas sa ideya ng
isang makinis at mapanaklaw (hegemonic) na kabuuang lumulusaw sa
mga kaibahan, ang ideya ng kapatiran ay nagdiriwang sa pagkakaibaiba ng bawat bahagi. Nagpapahiwatig ito ng pagkalagot o pagkaputol
(i.e., “napatid”) mula sa iisang pinanggalingan. Sa pagkapatid na ito,
nabibigyang-daan ang kaakuhan o kakanyahan (na isa ring kabuuan) ng
bawa’t bahagi (kaputol). At mula sa maliliit na kabuuang ito,
paghuhugpung-hugpungin ang mga karanasan, adhikain, at pagkilos
upang isilang ang mas dakilang KABUUAN. Ibig sabihin, kinikilala at
iginagalang ang integridad ng bawa’t “kabahagi” bilang batayan ng
yaman at lakas ng kabansaan.
Samakatwid, hindi lamang pakikibakang politikal at
ekonomiko ang pinag-uusapan dito. Malalim, nasa kaibuturan ng sarili,
nasa kalooban, ang batayan ng bayan sa “Inang Bayan.” Nananahan sa
dalumat na ito ang pagpupunyaging mabuo at maigiit ang pinakabuod
ng kakanyahan ng Kapilipinuhan sa harap ng sanlibo’t sanlaksang
hamon, hindi lamang ng kolonyalismo at iba pang “ismo,” kundi ng
nagbabagong panahon.
At panghuli, taglay rin ng bayan ang isang batayang moral
kaugnay pa rin ng pakikipag-ugnayan ng sarili o “loob” sa “labas” na
naging kapwa (o kabahagi ng sarili, “di-iba”). Sa mga nalinang na
ugnayan, mahigpit ang pagsasaalang-alang sa batas ng katwiran ng
kinagisnang kaugalian at kaasalan. Dahil sa huli’t huli, ang kabutihang
asal o kadalisayan ng hangarin o kalooban pa rin ang sinasandigan ng
tunay na katatagan ng “kabuuan.”
Samakatwid, may partikular na lalim at lawak ang dalumat ng
bayan. Taglay nito ang holistikong pananaw sa daigdig ng mga tao sa
kapuluan bunga ng matalik na pakikipag-ugnayan sa kalikasan
A n g
D a l u m a t
n g
B a y a n
| 63
(kapaligirang pisikal) at kalipunan (kapaligirang panlipunan).
Lumalagpas ito sa mga parametrong politikal upang saklawin ang
kultural na kabuuan ng Sangkapilipinuhan. Buhay na buhay na
nananahan dito ang mga halagahing labis na nagsasaalang-alang sa
bawat bahagi: ang paggalang sa kalikasan at yumao na naisasalin bilang
anituismo, at ang pakikipagkapwa na batayan ng pakikisama,
malasakit, damayan, at kapatiran sa hanay ng mga tao. Sa madaling
sabi, kongkretong nararanasan ang diwa ng bayan — binubuo ito ng
mga taong may buhay at kalamnan. Ang bagay na ito marahil ang
ikinaiba ng “makabayan” sa konseptong kanluraning “demokratiko.”
Maaari kang maging demokratiko sa pakahulugan nitong sumusunod
sa kagustuhan ng nakararami, subalit hindi nito nasasapul ang tunay na
esensya ng katagang “makabayan.” Kung tatanungin si Jacinto, ang
“bayan” ay hindi lamang “ang karamihan,” kundi “ang pagsasamasama ng mga taong may pag-ibig sa isa’t isa.” Dagdag pa niya:
Ang Bayan, nakakikilala at umiibig sa matuwid, na inaakay ng
kabaitan at mahal ang kaasalan ay di pababahala sa kangino pa
mang panginoon, di paiilalim sa kapangyarihan ng lakas at
daya. (Sinipi sa Almario 1993, 174; akin ang diin)
Kung gayon, hindi nasasapul ng “demokrasya” ang antas ng
ugnayang nakapaloob sa mga dalumat natin ng “malasakit,” “kapwa,”
at “damay” na bumubukal mula sa sinasabi ni Jacinto na “pag-ibig sa
isa’t isa.” Bilang paglilinaw sa puntong ito, tingnan natin ang kaso ng
kapulungan sa Tejeros. Maituturing na demokratiko ang nangyaring
eleksyon subalit hindi ito papasa sa kategoryang “makabayan.” Ang
pagkahalal kay Emilio Aguinaldo bilang Presidente ng bagong
Pamahalaang Rebolusyonaryo ay alinsunod sa kagustuhan ng
karamihang naroon sa kapulungan. Subalit hindi ito alinsunod sa
kalooban ng bayan sapagkat wala roon ang Bayan. Simple lang ang
puntong tinutumbok nito: ang konsepto ng bayan, makabayan o
pagkamakabayan ay malalim na nakaugat sa sensibilidad, sa kultural
na daigdig ng mga Pilipino, at sa gayo’y hindi basta-basta
mamamaniobra upang ilapat sa mga kategorya o padron ng kaisipan ng
mga dayuhan. Hindi ito maililimita sa isang higit na espesipikong
sitwasyon at pangkat (i.e., exclusivist). Hindi rin ito ganap na
mailalapat sa konseptong “demokrasya” na maaari pa lang baguhin ng
B a g o n g
64 |
K a s a y s a y a n
sinumang may hawak ng politikal na kapangyarihan dahil may
tinatawag tayo sa Ingles na “elite democracy”. Kung hindi ganap na
nararanasan
ng
taumbayan,
mananatiling
hungkag
ang
ipinangangalandakang “demokrasya” sa kasalukuyan.
Hangga’t hindi nagkakaroon ng muling pagbubuklud-buklod
at paglilinis ng “kalooban,” mananatiling lehitimo ang panawagan sa
mga bundok at parang. Subalit hindi lamang ito ang pamamaraan.
Maraming anyo ang kalaban kung kaya’t marami ring anyo ng
paglaban. At ang mga pagmumuni-muni sa akdang ito ay isa ring
makabuluhang paraan tungo sa ganap na “kapatiran” ng iba’t ibang
grupong etnolinggwistiko at sektor panlipunan sa sinapupunan ni Inang
Bayan.
*
Unang dinalumat ang paksang ito sa kursong Anthropological
Linguistics sa ilalim ni Dr. Prospero R. Covar, UP Diliman, Tag-init,
Akademikong Taon 1995-1996. Nirebisa ito para basahin sa “Pagdadalumat sa
Panitikang-Bayan, Pagdadalumat ng Bayan sa Panitikan,” Pambansang
Kumperensya sa Panitikan, Nobyembre 30, 2000, Pulungang Claro M. Recto,
Bulwagang Rizal, UP Diliman, Lungsod Quezon. Una itong nailathala sa
Bagong Kasaysayan: Mga pag-aaral sa kasaysayan ng Pilipinas, 2006, blg.
15: 1-70. Muling nirebisa para sa publikasyong ito.
1
Sinimulan ng UP Dalubhasaan ng Agham Panlipunan at Pilosopiya
ang kilusan ng Pilipinisasyon sa akademya na naghawan ng landas para sa
malawak na kaalaman at malalim na pag-unawa sa ating pagka-Pilipino. Sa
kontekstong ito maipopook ang mga pananaliksik, pagsusulat, at paglalathala
ng mga paksang nagpalawak at nagpalalim nang husto sa pagdadalumat ng
“bayan.” Tatlong tradisyon sa hanay ng mga akademiko ang sumuhay sa
pagpupunyaging ito: (1) “Sikolohiyang Pilipino,” ng Departamento ng
Sikolohiya, (2) “Bagong Kasaysayan” na nakaangkla sa “Pantayong Pananaw”
ng Departamento ng Kasaysayan at (3) “Pilipinolohiya” ng Departamento ng
Antropolohiya (cf. Bautista at Pe-pua 1991; Navarro, Rodriguez, at Villan
1997/2000); Aquino 1999; Mendoza 2002; Navarro at Lagbao-Bolante 2007).
2
“Taumbayan” (people o nation) ang bansa sa sinauna o ProtoPilipinong anyo (Costenoble 1979, 56). Sa karaniwang pakahulugan sa
kasalukuyan, ginagamit ito bilang katumbas ng “nation” upang tukuyin ang
kabuuang may isang estado/gobyerno, mamamayan, teritoryo at wikang
lumalagom sa pangkasaysayan at pangkalinangang tradisyon/karanasan ng
mga tao. Iba naman ang pakahulugan ni Salazar hinggil dito. Aniya, ito ang
inaadhikang pagsasanib ng dalawang proyektong sosyo-politikalpangkalinangan hinggil sa pagbubuo ng Kapilipinuhan sa agos ng kasaysayan:
A n g
D a l u m a t
n g
B a y a n
| 65
(1) ang tradisyon ng “bayan” (na nakasakay sa konsepto ng “Inang Bayan”) at
(2) ang tradisyon ng “elit” (na nakaangkas sa konseptong “nación” o “nation”
ng Kanluran). Mula 1913 hanggang sa kasalukuyan ang dalumat na ito ang
ginamit ng elit upang ipamalit sa “nasyon.” Subalit sa konteksto ng
pagsasakasaysayan (basahin: pagaaral at pagsusulat ng kasaysayan),
ipinakahulugan ito ni Salazar bilang “tunguhin natin sa hinaharap.” Sa
madaling sabi, wala pa ring ganap na “bansa” bilang isang kabuuang sosyopolitikal-kultural (Salazar sa Navarro at Abejo 1998, 11-92; Salazar 1999, 178).
3
Kung tutuusin ang banwa at ili ang mga sinaunang katawagan para
sa “bayan” sa buong Pilipinas (Costenoble 1979: 115). Kung titingnan sa
konteksto ng kaayusang kolonyal, ang “bayan” ng Katagalugan ang bahagi ng
kabuuang nakipagtalaban nang husto sa mga dayuhan. Sa harap ng matinding
hamong ito mula sa labas, pumailalim ang dalumat ng “bayan” (vis-a-vis “ili,”
“banwa,” atbp.) sa kagyat na mabilis na proseso ng pagbubuong politikal na
pangkapuluan (Salazar 1997, 28).
4
Katagalugan ang rehiyon ng “bayan.” Sumasaklaw ito sa malawak
na kapatagan ng mga lalawigan ng Gitnang Luzon, Timog Katagalugan kasama
na ang Maynila, Marinduque at ilang bahagi ng Mindoro. Bunga ng
pandarayuhan ng mga Tagalog at impluwensiya ng pambansang gobyerno at
midya (lalo na sa kasalukuyang panahon), lumaganap nang husto ito sa buong
kapuluan. Batay sa sensus ng 1975, pumapangalawa ito sa Sebuano bilang
pinakamalaking grupong pangwika sa Pilipinas. Ganito inilarawan ni
McFarland ang kasaklawan ng Tagalog sa kapuluan. Ito ang pangunahing wika
sa apat na probinsya ng Bulacan, Batangas, Laguna at Marinduque. Wika
naman ito ng nakararami sa Maynila at pitong lalawigan ng Bataan, Nueva
Ecija, Cavite, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Quezon at Rizal.
Malaking minorya umano naman ito sa Zambales at Camarines Norte.
Nakaabot din ito sa Benguet, La Union, Pangasinan, Cagayan, Isabela, Kalinga,
Apayao, Nueva Vizcaya, Quirino, Pampanga, Tarlac, Camarines Sur, Aklan,
Basilan, Zamboanga del Sur, Davao del Sur, Hilaga at Timog Cotabato,
Maguindanao at Sultan Kudarat bilang wikang minorya. Kung ano’t anuman,
ang unang anyo ng Pilipinong kinilala bilang pambansang wika ay maituturing,
diumano, na isang “pormalisadong Tagalog.” Bukod pa sa mga nabanggit na
dahilan sa itaas, may saligang linggwistika ang mabilis na paglaganap ng
Tagalog. Hindi umano ito maituturing na isang “subgroup” ng anumang iisang
wika. Manapa’y bahagi ito ng grupong Central Philippines at sa gayo’y malapit
na kaugnay ng mga wika sa Bikol at Hilagang Kabisayaan (McFarland 1970,
80-81).
5
Sa katunayan, isang bayan sa lalawigan ng Batangas ang tinatawag
na Balayan (cf. matandang balayan o bahayan). Hinihinala rin na ang Balayan
ang siya mismong sentro at unang pamayanan ng “Lupain ng Kumintang” —
ang itinawag ng mga naunang Kastila sa rehiyon ng Tagalog. Tingnan ang:
Raymundo C. Banas, Pilipino Music and Theater, Lunsod Quezon: Manlapaz
66 |
B a g o n g
K a s a y s a y a n
Publishing Co., 1975, pah. 82 — sipi sa Grace P. Odal, “Inang Tubig: Ang
Diwa ng Ba’i sa Kalinangang Bayan,” Kasaysayang Bayan, Blg. 1, 1999, pah.
79.
6
Magkatuwang na dinalumat nina Frieda-Marie Bonus-Adeva at
Mary Jane B. Rodriguez, ayon sa mga panuntunang linggwistika alinsunod sa
mga kaisipan nina Salazar at Paz.
7
Ang tuwirang pagkakaugnay ng bayan sa bahay ay higit na
kapansin-pansin sa Ivatan, kung saan ang bayan ay tinatawag na kavahayan.
8
Para sa kaukulang pagtalakay hinggil sa dalumat ng “Tagalog”
sumangguni sa Lars Raymund Ubaldo, “Tungo sa Pagdadalumat ng ‘Tagalog’
(1571-1907).” Ph.D. disertasyon sa Kasaysayan (Lungsod Quezon:
Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, 2009).
9
Sa kasaysayan ng historiograpiyang Pilipino, dinalumat ni Salazar
ang panloob na pag-uugnay at pagkakaugnay-ugnay na ito bilang “Pantayong
Pananaw” (Salazar, sinipi sa Bautista at Pe-pua 1991, 46-72; Navarro,
Rodriguez at Villan 1997, 1, 77-125).
10
Ito ang diwang makakatas sa depinisyon ng “pantayong pananaw”
(Navarro, Rodriguez at Villan 1997, 1). May paglilinaw si Ramon Guillermo
hinggil sa konsepto ng “kabuuang walang lamat” (Guillermo 1999, 107-108;
2000, 51, 78-79; at 2009).
11
Batay sa obserbasyon ng may-akda bilang isang Tagalog. (cf.
Panganiban, 1973, pah.147).
12
Gamit ang kaalamang bayan ipinakita ni Prospero Covar kung
paano mauunawaan ang “pagkatao” ng mga Pilipino. Sa kanyang konsepto ng
tambalang “loob” at “labas” ipinakita niya kung paanong ang mga
kapaniwalaan ukol sa panlabas na hitsura ng isang tao ay nakaaapekto sa
pagkilala sa kanyang mga katangiang panloob. Halimbawa, ang pagkakaroon
ng malapad na noo ay iniuugnay sa pagiging matalino, salubong ang kilay —
mainitin ang ulo, atbp. (Covar 1993, 1-16).
13
May malalim at malawakang pagtalakay si Albert Alejo, S.J.
hinggil sa konsepto ng “loob.” Ang mga sumusunod ay mga hermeneutika ng
“loob” batay sa pagbasa ni Alejo sa iba’t ibang iskolar: (a) Ang Loob Bilang
Yungib ng Kaisipang Pilipino (Emmanuel Lacaba, 1974); (b) Ang Loob Bilang
Holistikong Sarili ng Pilipino (P. Leonardo N. Mercado, SVD, 1974); (k) Ang
Loob Bilang Lagay ng Damdamin at Katangiang Ubod (Zeus A. Salazar, 1977,
1981); (d) Ang Loob Bilang Tunay na Sarili ng Tao (Reynaldo C. Ileto, 1979);
(e) Ang Loob bilang Tao sa Kanyang Kalaliman (P. Ferriols, S.J., 1984); at (g)
Ang Loob Bilang Pinakabuod ng Pagkatao at Daigdig ng Pagkanilikha [Jose
M. de Mesa, 1984] (Alejo 1990, 10-36).
14
Dalawang akda ang nagpalalim nang husto sa pag-unawa ng
kabayanihang Pilipino sa pamamagitan ng mga lapit historikal at linggwistiko:
ang Zeus A. Salazar, “Si Andres Bonifacio at ang Kabayanihang Pilipino,” sa
Bagong Kasaysayan (BAKAS); at Ricardo Ma. Nolasco, “Pinagmulan ng
Salitang Bayani,” sa Diliman Review, Tomo 45, Blg. 2-3, 1997, pah. 14-18.
A n g
D a l u m a t
n g
B a y a n
| 67
Gayumpaman, mapapansing hindi sa lahat ng pagkakataon, ang datu ay
bagani/bayani (o pangunahing mandirigma) at vice versa. Kung ang lipunan ay
higit na lantad sa pakikipagtunggali, nagkakaroon ng pagsasalimbayan ng
dalawang nasabing katungkulan sa katauhan ng isang indibidwal lamang. Sa
mga bayang nasa baybay-dagat, e.g., Katagalugan, ang esensyang ito ng datubagani ay maitutumbas sa titulong “raja-muda/raja-mura/raja-laut” o “rahang
bata” na gumaganap bilang pinunong pandigma (isang admiral) sa tuwing
magkakaroon ng labanan.
15
Halaw sa eksibit hinggil sa mga Bagobo sa “Museo ng
Etnograpiya,” Nayong Pilipino, Pebrero 1997.
16
Hinalaw mula sa peryodisasyon ni Salazar sa Kasaysayan ng
Pilipinas: Isang Balangkas (1993) ang prosesong pangkasaysayang tatalakayin
sa susunod na bahagi ng papel na ito. Gayumpaman, bahagya itong binago
partikular na sa panahon ng “BANSA.” Sa halip na 1913 (base sa pagdadalumat
ni Salazar) 1896 ang petsang itinakda ng may-akda bilang simula ng pag-aanyo
ng bayan bilang BANSA. Taong 1896 nang nagsimulang sumiklab ang
Himagsikang Pilipino bilang kagampan ng dalumat ng “Inang Bayan” na
binigyang-daan ng Katipunan bilang pamalit sa konsepto ng “Madre España”
ng mga repormista. Samantala, sa masusing pagsusuri sa kamalayang
nakapaloob sa ritwal ng sandugo sa Katipunan tahasang iniugnay ni Abrera ang
pagbubuo ng Kapilipinuhan sa konsepto ng “Inang Bayang” pinasimulan ng
Katipunan (Abrera 1992, 203). Kung kaya sa kasaysayan ng ating
pagsasabansa, mahalaga ang Himagsikang nakasalig sa dalumat ng “Inang
Bayan.”
17
Bukod sa “Inang Bayan,” may isa pang susing konseptong
itinutumbas sa bayan bilang bansa, i.e., “sambayanan.” Ayon kay Jaime B.
Veneracion, ang sambayanan bilang isang bayan ay isa pa ring tunguhin
(katumbas ng “Bansa” sa pakahulugan ni Salazar). Isa itong proyekto ng
pagbubuo na pangunahing nakasalalay sa “isang pangkabuhayang magsasaad
ng pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan.” Ang masa hindi ang
gobyerno, aniya, “ang makapagpapatibay” sa kabuuang ito (1990, 193). Ayon
naman kay Salazar, ang “sambayanan” ay hindi pa ang “ganap na kabuuan,”
kundi ang kumikilos na entidad o puwersang nagpapakilos sa proseso ng
pagbubuo ng bansa. Sa kanyang artikulong Wika ng Himagsikan, Lengguwahe
ng Rebolusyon (1998) higit niyang nilinaw ang konseptong “sambayanan”
bilang “...‘pagtitipon’ o ‘pagsasama-sama’ ng mga bayan....upang magsagawa
ng sosyo-politikal na pagbabago” (partikular sa pakahulugan ng “Kaliwa”) at
para sa layuning panrelihiyon [cf. “Sambayanang makatao at Kristiyano na
nagbabago at nagkakaisa sa pagdadalisay ng Espiritu Santo”] (sipi sa Navarro
at Abejo 1998, 35). Samantala, pagsasama-sama at pag-iisa ng mga bayan “...na
binubuo ng magkakaiba, ngunit magkakaugnay na uri, lipi, relihiyon, kasarian,
at gulang na may sari-sariling katangiang Pilipino” ang isa pa ring naiangat na
pakahulugan sa “sambayanan” (Navarro 1999, 47).
B a g o n g
68 |
18
K a s a y s a y a n
Para sa ugnayang sa-laud at sa-raya bilang batayan ng sinaunang
kabihasnan dito sa kapuluan tingnan ang mga nauna nang pagtalakay sa
Salazar, Kasaysayan ng Pilipinas…, at Veneracion, Agos…. “Sa-ilud” ang isa
pang baryasyon ng “sa-laud” na ginamit sa huling akda. “Ilawud” (paibaba) at
“ilaya” (paitaas)/ “idaya” naman ito sa iba pang grupong etniko. (Zorc 1985,
177). Sa wikang Iloko, ang “laud” ay nangangahulugan din ng kanluran,
samantalang ang “daya” na kogneyt ng “ilaya” ay tumutukoy naman sa
“silangan.” Sa talasalitaan naman ng mga Ifugaw, ang “daya” ay
nangangahulugang “langit.” Pinaniniwalaan nilang ito ang hantungan ng mga
bayani o matatapang na mandirigma at ng mga makapangyarihang anito o
diwata (Newell 1993, 727). Anupa’t sa mitolohiya ng ilang grupo sa
Kordilyera, ang langit ay iniuugnay sa bundok. Ang “chayya” ng mga Bontok
ay cognate din ng “daya.” Dito diumano nananahan si Lumawig, ang
pinakadakilang espiritu sa santinakpan (Jenks 1905, 200). Sa pag-aaral din ni
Reynaldo Ileto ng ika-19 na dantaon sa Magindanaw, ibinatay niya ang umiiral
na kompigurasyon ng kapangyarihan sa ugnayang “sa-ilud – sa-raya” (1980, 115).
19
“Austronesyano” ang taguring ipinamalit ni Padre Wilhelm
Schmidt sa dating taguring “Malayo-Polynesian” upang ipantukoy sa malawak
na daigdig ng mga pulo gayundin sa pangunahing pamilya ng wika dito na
binubuo ng Kapuluang Timog-Silangang Asya (a.k.a. Kanlurang Austronesya
o Indonesya), Mikronesya, Melanesya at Polinesya (Manuel 1994, 10). Itong
huling tatlo ay tinatawag ding Silangang Austronesya o Osyanya o “Ibayong
Timog Silangang Asya” (Salazar, Veneracion, Tamayo, at Pastores 1990, 102103, 106).
20
Mga pamayanang dinadaluyan ng mga pangunahing sistema ng
kailugang nakaugnay sa ruta ng kalakalan: (Tingnan ang Mapa 3)
1. sa Ilog Cagayan: Lal-lo
2. sa Ilog Abra: Vigan
3. sa Ilog Agno: Angarian/Layog na Caboloan ni Ari Kasikis.
4. sa Ilog Pampanga: Karahaan ni Lakandula
5. sa Ilog Pasig: Maynila (Kaharian ng Namayan, Karahaan ni Soliman)
6. Rehiyon ng Sugbu at Bohol
7. sa Ilog Agusan: Karajahan ng Butuan
8. sa Ilog Pulangi o Rio Grande de Mindanao: Sultanato ng Maguindanao,
9. Kapuluang Sulu: Sultanato ng Sulu
21
Isang masinop na pag-aaral hinggil sa pagkakaugnay-ugnay ng
digmaan, kasunduang pangkapayapaan at pagpapangasawahan ang June PrillBrett, Bontok Warfare, Tesis Masterado sa Antropolohiya, UP Diliman, 1975.
22
“Kabihasnan” ang dalumat na ipinantutukoy ng mga historyador
sa “pinagsama-samang kultura ng iba’t ibang pangkat, tribo o nasyon na
tinanggap na ng lahat.”
A n g
D a l u m a t
n g
B a y a n
| 69
Kung isasaalang-alang ang salitang ugat na “bihasa” at ang higit na
simpleng ugat na “hasa” higit na magiging malinaw ang batayang teknolohikal
sa pagkakaroon ng kabihasnan, i.e., paggamit ng metal, partikular na ang bakal.
23
Ang kapangyarihan sa loob ng karadyahan ay nahahati sa dalawang
pinuno: (1) ang pangkalahatang radya (si Rajah Matanda) at (2) ang “rajah
bata” o mura/muda (si Rajah Soliman) na siyang namamahala sa plota. Itong
huli ang gumaganap ng papel bilang pinunong pandigma, at sa gayo’y haharap
sa puwersang Espanyol (sa pamumuno ni Legazpi) pagdating ng araw. Sa kaso
ng Maguindanao, katumbas ito ng kapitan laut o Rajah Kachil/Kechil na si
Kudarat sa bukana ng Ilog Pulangi. Bagama’t magkapareho ng istruktura ng
kapangyarihan, mas kumplikado ang karadyahan sa Maynila kaysa sa
Maguindanao. Tatluhan ang power configuration o sentro sa una: (1) ang
Maynila mismo, (2) ang Tondo at (3) ang parte ng Bulakan hanggang
Pampanga. Samantala, sa kaso ng Maguindanao dalawahan lang: (1) ang
Buayan o “sa-raya” na nasa ilalim ng pamumuno ni Rajah Sirongan (bilang
Raja Matanda), at (2) ang bukana/delta ng Ilog Pulangi—ang “sa-laud” sa
pamumuno ni Datu Buisan na papalitan ni Kechil (i.e., “Raja muda” o Batang
Radya) Kudarat noong siglo 17 sa panahon ng mga Espanyol.
24
Sa pag-aaral ni Salazar, ang kaharian, diumano ang tinatayang
kauna-unahang anyo at konsepto ng estadong bayan sa kapuluan. Galing ito sa
salitang “ha(n)di”— ang proto-anyo ng salitang “hari” na nasa talasalitaang
Austronesyano na sa simula’t simula pa. Kung kaya, laganap ang katagang
“hari” sa Pilipinas (sa iba’t ibang anyo nito), maging sa ibang bahagi ng
kapuluang Indo-Pasipiko. “Ari” ito sa mga Iloko at Pangasinan; “hadi” naman
sa Bikol at Ilonggo. Kaangkang-wika (cognate) rin nito ang titulong “raden”
sa Javanese, “andriana” o “andriang” sa Madagascar. Tumutukoy ito sa
pinakamataas na diyos o anito: “andrianamanitr.” (Salazar 1968).
Sa isinagawang pananaliksik sa larangan (fieldwork) ni Ma. Crisanta
Nelmida-Flores, matutunghayan ang isang buháy na patunay hinggil sa pag-iral
ng kaharian sa hangganan o hugpungang Lingayen-Binalatongan ng
Pangasinan. Sa kasalukuyan, dito matatagpuan ang kung tawagin ay Barangay
Angarian. Kasalukuyang nasa hurisdiksyon ng Lingayen, ang ngalan ng
nasabing barangay ay literal na nangangahulugang “pinagharian” o lugar kung
saan nagkaroon ng “ari” (hari sa Pangasinense). Binabanggit din sa isang
dokumentong Espanyol ang Binalatongan bilang “sentro ng Luyag na
Caboloan” na isa umanong “prehispanic kingdom” (Flores 2000; Keesing
1962, 30).
25
Halos pipi ang mga dokumentong Espanyol hinggil sa katagang
“hari.” Panay “datu” ang ginagamit upang tukuyin ang taal na taguri sa pinuno
ng “barangay” – ang diumano’y “tanging organisasyong politikal” na umiiral
sa kapuluan. Gayumpaman, may mga banggit hinggil sa “kings of pre-Hispanic
times” na ipinantutukoy sa “reyezuelos” ng Cebu at Maynila (Phelan 1959, 9,
15-16). Ano ang ibig sabihin nito? Mula sa mga lamat sa ulat, masisilip natin
ang ilang sinupil na katotohanan. Una, sa kabila ng mga labanan na karaniwan
70 |
B a g o n g
K a s a y s a y a n
di-umanong nauuwi sa “pugutan ng ulo,” may mga “samahan o kooperasyong
inter-barangay.” Ito’y isang “supra-barangay” o “malaking barangay” na
pinamumunuan ng isang “malakas na datu.” Ikalawa, sa pagsisipi ni Phelan sa
ulat ni Pigafetta, mahihiwatigang isinalin ng interpreter ang katutubong
katagang “hari” sa pakahulugang Europeo, i.e., “king” sa Ingles. Subalit hindi
nila ito maipantay sa konsepto nila ng “rey”/“king” kung kaya “reyezuelo” na
nasa diminutibong anyo ang ginamit, ibig sabihin, “maliit na hari” o “hariharian” lang. May tono ng paghamak ang katagang “reyezuelo” sa isang
kulturang “iba” sa mga kanluranin, at sa gayo’y hindi nila nauunawaan. Sa
madaling salita, ang kaharian ay wala’t dili iba kundi ang “kadatuhan,”
bukluran o pagsasama-sama ng mga datu ng barangay.
26
Sa pakahulugang Europeo na ang ibig sabihin ay nagtatamasa ng
absolutong kapangyarihan.
27
Matutunghayan sa disertasyon ni Vicente C. Villan ang kaukulang
pagtalakay sa mga dalumat ng “batik” “abtikan” (metatesis ng “batikan”) sa
konteksto ng lipunan-at-kalinangang Panayanhon. Tingnan ang kanyang
disertasyon: “Pintados: mga Hukbong Bisaya sa Armadong Ekspedisyong
Espanyol sa Kapuluang Pilipinas, 1565-1898.” Ph.D. Kasaysayan, Unibersidad
ng Pilipinas-Diliman, Lungsod Quezon.
28
Ang animismo ay galing sa salitang ugat na animo o anima,
singkahulugan ng “loob” (Salazar 1997, 6).
29
Sp. m. paraje o terreno a proposito para alguna cosa; o barrio, Sp.
cada una de las partes en que se dividen los pueblos grandes o sus distritos;
grupo de casas o aldehuela dependiente de otra poblacion, aunque este
apartado de ella; arrabal — barrio fuera del recinto de la poblacion, el otro
mundo. (Akin ang diin.) Real Academia Española, Diccionario Manual é
Ilustrado de la Lengua Española, Madrid: Espasa-Calpe, S.A., 1950.
30
Salin ng “cultural terrrorism” ni Ponciano L. Bennagen na
tinutukoy rin niya bilang “cultural violence (as)...a complement of political and
economic terrorism inflicted not only upon the unsuspecting powerless member
of the society but on humanity itself.” May kinalaman ito sa paglikha ng
kahulugan (meaning construction), ng mga simbolo bilang isang larangan ng
tunggalian ng mga naghaharing uri at ng pinaghahariang bayan (1987, vii-xi).
31
Maipopook ang isinagawang artikulasyon ni Bonifacio hinggil sa
proseso ng pagkilala sa “Inang Bayan” sa nangyaring patulang sagutan sa
pagitan nila nina Hermenegildo Flores at Marcelo H. Del Pilar (Plaridel). Ito
ang kumakatawan sa “the historic poetic triad” ani Elenita Mabanglo, sa
kasaysayan ng panitikan sa Pilipinas. Maaaring ugatin ang naganap na sagutang
ito sa katutubong tradisyon ng panitikang pabigkas sa Pilipinas, gaya
halimbawa ng duplo, soliranin, dalit at talingdao na pawang nilalahukan ng
dalawa o higit pang mambibigkas/mang-aawit na nagsasagutan. Sa kanyang
akdang Panitikan ng Rebolusyong 1896, iginigiit ni Almario (1993) na ang mga
akda ni Bonifacio ay nakapaloob sa mahaba nang tradisyon ng panitikang
bayan.
A n g
D a l u m a t
n g
B a y a n
| 71
32
Ilan sa mga monumental na akdang pumapatungkol dito ay ang
mga sumusunod: (1) Nenita D. Pambid, Ang Semiotika ng Anting-anting, Tesis
Masteral sa Araling Pilipino, Kolehiyo ng Arte at Literatura (KAL),
Unibersidad ng Pilipinas, Oktubre 1989.; (2) Ma. Bernadette G.L. Abrera,
“Ang Numismatika ng Anting-Anting,” Tesis Masteral sa Kasaysayan, UP
Diliman, Lungsod Quezon: Bahay Saliksikan ng Pilipinolohiyang Simulain,
1992; (3) Consolacion R. Alaras, Pamathalaan: Ang Pagbubukas sa Tipan ng
Mahal na Ina, Kolonya: Bahay-Saliksikan ng Kasaysayan, 1988; (4) Guillermo
M. Pesigan, Dulang-buhay ng Bundok Banahaw: Karanasan ng Ciudad
Mistica, Quezon City: Bahay Saliksikan ng Pilipinolohiyang Simulain sa
tulong ng Toyota Foundation, 1992.
Sanggunian
Abrera, Ma. Bernadette L. 1994. Ang sandugo sa Katipunan. Nasa Katipunan:
Isang pambansang kilusan, pat. Ferdinand C. Llanes, 97-98.
Lungsod Quezon: Trinitas Publishing, Inc.
Abrera, Ma. Bernadette L. 1995. Ang babae, bayan, at kabayanihan. Diliman
Review 43, blg. 3 at 4.
Abrera, Bernadette L. 1992. Ang numismatika ng anting-anting: Panimulang
paghahawan ng isang landas tungo sa pag-unawa ng kasaysayan at
kalinangang Pilipino. Lungsod Quezon: Tanggapan sa Paglalathala,
Tanggapan ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (DAPP).
Abrera, Bernadette L. 1993. Ang babae sa pahiwatig ng sandugo. Papel na
binasa sa Ikatlong Pambansang Kumperensya ng ADHIKA,
Nobyembre 29 - Disyembre 1, sa Lungsod ng Baguio.
Abrera, Bernadette L., Dante L. Ambrosio, Rowena Reyes-Boquiren,
Ferdinand C. Llanes at Jaime B. Veneracion, mga pat. 2001.
Kasaysayang bayan: Sampung Aralin sa Kasaysayang Pilipino.
Lungsod Maynila: National Historical Institute at ADHIKA ng
Pilipinas, Inc.
Abrera, Ma. Bernadette L. 1998. Ritwal ng pagsapi sa Katipunan: Isang
pagunawa sa ilang sangkap. Nasa Tayabas: Pagmumulat sa
kasaysayan at sentenaryo, mga pat. Atoy Navarro at Ryan Palad,
149-156. Lungsod Quezon: Limbagang Pangkasaysayan.
Agcaoili, Ariel S. 1996. Bannuar, ang libing ng araw: Isang etnograpik na
pagaaral sa pilosopiya ng buhay ng mga Ilokano, 1971-1991. Ph.D.
Dissertation, University of the Philippines.
Alaras, Consolacion R. 1988. Pamathalaan: Ang pagbubukas sa tipan ng
mahal na ina. Kolonya: Bahay-Saliksikan ng Kasaysayan.
72 |
B a g o n g
K a s a y s a y a n
Alegre, Edilberto. 1996. Biyaheng timog. Nasa Sulyap Kultura Quarterly 2, 3539.
Alejo, Albert E. 1990. Tao po! Tuloy! Lungsod Quezon: Office of Research
and Publications, Ateneo de Manila University.
Almario, Virgilio S. 1993. Panitikan ng rebolusyon(g 1896): Isang paglingon
at katipunan ng mga akda nina Bonifacio at Jacinto. Lungsod
Quezon: UP Press.
Aquino, Clemen C. 1999. Mula sa kinaroroonan: Kapwa, kapatiran at bayan sa
agham panlipunan. Lekturang Propesoryal sa ilalim ng Gawad
Philippine National Oil Company Professorial Chair sa Sosyolohiya,
Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon.
Argensolo, Bartolome de. 1609. Conquista de la isla Molucas. Nasa The
Philippine islands, 1493-1898, mga pat. at tsln. Emma Helen Blair at
James Alexander Robertson, tom. 16, 241-253. Cleveland, Ohio: The
Arthur and Clark Co., 1903-1909.
Banas, Raymundo C. 1975. Pilipino music and theater. Lungsod Quezon:
Manlapaz Publishing Co.
Bauzon, Leslie E. 1997. The bagani as folk hero among the Lumads of
northeastern Mindanao. Diliman Review 45, blg. 2-3: 50-58.
Bellas, Rebecca. 1996. Panayam kay Rebecca Bellas ni Mary Jane B.
Rodriguez, Sanggumay Residence Hall, U.P. Diliman, Abril 7.
Bennagen, Ponciano. 1987. Constructing and reconstructing meanings by
whom and for whom? Nasa: Monks, dreamers, preachers, and
rebels: Religious solutions to the problem of meaning in a peripheral
capitalist society, pat. John P. McAndrew. Manila: Asian Social
Institute, Inc.
Costenoble, Henry. 1979. Dictionary of proto-Philippine. Tsln. Cecilio Lopez,
pat. Ernesto Constantino. Lungsod Quezon: Archives of Philippine
Languages and Dialects and the Philippine Linguistics Circle, UP
Diliman.
Covar, Prospero R. 1993. Kaalamang bayang dalumat ng pagkataong Pilipino.
Lekturang Propesoryal, Bulwagang Rizal, Unibersidad ng Pilipinas,
Diliman, Lungsod Quezon, Marso 3.
Enriquez, Virgilio G. 1994. Pagbabangong dangal: Indigenous psychology
and cultural empowerment. Lungsod Quezon: Akademya ng Kultura
at Sikolohiyang Pilipino.
Eugenio, Damiana, pat. 1982. Philippine folk literature: An anthology. Quezon
City: Folklore Studies Program and UP Folklorists, Inc.
A n g
D a l u m a t
n g
B a y a n
| 73
Ferriols, Roque. 1984. Pambungad sa pilosopiya ng mga sinaunang Griyego.
Gealogo, Francis. 2010. Time, identity, and nation in the Aglipayan Novenario
ng Balintawak and Calendariong Maanghang. Journal of Philippine
Studies 58, blg. 1 at 2: 147-168.
Gèmpa tè Kèlindaan nè Kamal, walang petsa (w.p.) Customary law of the
Erumanen ne Menuvu. Nasa Tribung pamumuno, Lumad
Development Center, Inc. (LDCI), 234-287.
Guillermo, Ramon. Walang petsa. Isang panimulang pagbubuo ng konseptwal
na balangkas ng sulat ni Rizal sa mga kababaihan ng Malolos. Dilimbag na manuskrito.
Guillermo, Ramon, Mary Jane Rodriguez, at Atoy Navarro. 1997. Ang pag-ibig
sa Katipunan. FILMAG, Setyembre 22.
Guillermo, Ramon. 1999. Pook at paninindigan sa pagpapakahulugan. Tesis
Masterado. Unibersidad ng Pilipinas.
Guillermo, Ramon. 2000. Pook at paninindigan: Mga ugat ng talastasang
sosyalista sa rebolusyong Pilipino. Lungsod Quezon: Limbag
Potopot at Amado V. Hernandez Resource Center.
Guillermo, Ramon. 2009. Pook at paninindigan: Kritika ng pantayong
pananaw. Lungsod Quezon: University of the Philippines Press.
Gullas, Vicente. 1953. English-Visayan-Spanish dictionary, 3rd edition. Cebu
City: La Prensa Press.
Hayase. Shinzo. 1984. Tribes, settlers, and administrators on a frontier:
Economic development and social change in Davao, Southeastern
Mindanao, the Philippines, 1899-1941.
Hermosisima, Tomas V. at Pedro S. Lopez, Jr. 1966. Bisayan-English-Tagalog
dictionary. Manila: Pedro Ayuda Co.
Hidalgo, Cesar at Araceli Hidalgo. 1971. A tagmemic grammar of Ivatan.
Manila: Linguistic Society of the Philippines.
Ileto, Reynaldo. 1979. Tagalog poetry and image of the past during the war
against Spain. Nasa Perceptions of the past in Southeast Asia, mga
pat. Anthony Reid and David Marr. Singapore: Heinemann
Educational Books, Ltd.
Ileto, Reynaldo. 1979. Pasyon and revolution: popular movements in the
Philippines, 1840-1910. Quezon City: Ateneo de Manila University
Press.
Ileto, Reynaldo. 1980. Maguindanao: 1860-1888, The career of Datu Utto of
Buayan. Marawi City: University Research Center, Mindanao State
74 |
B a g o n g
K a s a y s a y a n
University. Muling inilimbag, Quezon City: Anvil Publishing, Inc.,
2007.
Juanmarti, Jacinto. 1892. Diccionario Moro-Maguindanao-Español. Manila:
Tipografia "Amigos del pais".
Jenks, Albert E. 1905. The Bontoc Igorots. Manila: Bureau of Public Printing.
Keesing, Felix. 1962. Ethnohistory of northern Luzon. California: Stanford
University Press.
Loarca, Miguel de. 1582. Relation of the Philippine Islands. Nasa The
Philippine Islands, 1493-1898, mga pat. at tsln. Emma Helen Blair at
James Alexander Robertson, tom. 5, 34-187. Cleveland, Ohio: The
Arthur and Clark Company, 1903-1909.
Lumbera, Bienvenido. 1986. Tagalog Poetry, 1570-1898: Tradition and
influences in its development. Lungsod Quezon: Ateneo de Manila
University Press.
Magannon, Esteban. 2000. Austronesian kinship system. Lekturang idinaos
noong Hulyo 7, sa Environmental Science, Uniberisidad ng Pilipinas,
Diliman, Lungsod Quezon.
Manuel, E. Arsenio. 2000. Manuvu’ social organization. Quezon City:
University of the Philippines Press.
Manuel, E. Arsenio. 1994. Documenting Philippineasian. Quezon City:
Filipiniana Publications.
Mataragnon, Rita H. 1987. Pakikiramdam in Filipino social interaction. Nasa
Foundations of Behavioral Sciences: A Book of Readings, inihanda
ng Social Science 1 Committe, koordineytor, Elizabeth Ventura.
Quezon City: College of Social Sciences and Philosophy.
McFarland, Curtis B., tagapagtipon. 1970. A linguistic atlas of the Philippines.
Manila: The Filipiniana Book Guild.
Mendoza, Lily. 2002. Between the homeland and the diaspora: The politics of
theorizing Filipino and Filipino American identities. New York:
Routledge. Philippine edition, Manila: UST Publishing House, 2006.
Navarro, Atoy M., Mary Jane B. Rodriguez, at Vicente C. Villan, mga pat.
1997. Pantayong pananaw: Ugat at kabuluhan; pambungad sa pagaaral ng bagong kasaysayan. Mandaluyong: Palimbagang
Kalawakan. Binagong edisyon, Lungsod Quezon: Palimbagan ng
Lahi, 2000.
Navarro, Atoy. 1999. Kasaysayan at talastasang bayan sa wikang Filipino: Sa
duyan ng pagbubuo ng inang bayan, bansa, at sambayanan. ADHIKA
1: 25-52.
A n g
D a l u m a t
n g
B a y a n
| 75
Nelmida-Flores, Ma. Crisanta. 2000. Taga-baibay –Taga-alog dichotomy:
Confluence and divergence of Pangasinan coastal communities and
“Caboloan” inland plains. Papel na isinumite para sa Kasaysayan
330, Ika-2ng Semestre, sa ilalim ni Dr. Zeus A. Salazar, Marso 1.
Nelmida-Flores, Ma. Crisanta. 2006. Ideolohiyang anacbanua: Pagtatakda ng
baley/sentro ng doxa at kamalayang makabansa sa kasaysayan at
panitikan ng Pangasinan. Bagong Kasaysayan 13.
Newell, Leonard E. 1993. Batad Ifugao dictionary (with ethnographic notes).
Manila: Linguistics Society of the Philippines.
Nolasco, Ricardo Ma. 1997. Pinagmulan ng salitang “bayani.” Diliman Review
45, blg. 2-3: 14-18.
Ocampo, Nilo S. 1995. Mga bagong Herusalem: Mga pangkat Rizalista sa
Quezon at Zamboanga. Papel na binasa sa Kumperensiya ’95 ng
ADHIKA, Nobyembre 28-30, sa Lungsod ng Zamboanga.
Ocampo, Nilo S. 2011. Kristong Pilipino: Pananampalataya kay Jose Rizal.
Lungsod Quezon: Bagong Kasaysayan.
Odal, Grace P. 1999. Inang tubig: Ang diwa ng ba’i sa kalinangang bayan.
Kasaysayang Bayan 1.
Paluga, Myfel Joseph D. 1999. Gahum at araw ng New Israel: Mga pananaw at
simbolismo ng alpha at omega sa perspektibong historiko-kultural.
Bagong Kasaysayan 9.
Panganiban, Jose Villa. 1973. Diksyunaryo-tesauro Pilipino-Ingles. Lungsod
Quezon: Manlapaz Publishing Co.
Paz, Consuelo J. 1977. A reconstruction of proto-Philippine phonemes and
morphemes. The Archive 3. Quezon City: Philippine Linguistics
Circle.
Phelan, John Leddy. 1959. The hispanization of the Philippines: Spanish aims
and Filipino responses, 1565-1700. Madison: University of
Wisconsin Press. Muling inilimbag, Manila: Cacho Hermanos, Inc.
Plasencia, Juan de. 1589. Customs of the Tagalogs. Nasa The Philippine
Islands, 1493-1898, mga pat. at tsln. Emma Helen Blair at James
Alexander Robertson, tom. 7, 173-196. Cleveland, Ohio: The Arthur
and Clark Co., 1903-1909.
Prill-Brett, June. 1975. Bontok warfare. Tesis Masterado, Unibersidad ng
Pilipinas.
Prill-Brett, June. 1987. Landholding and indigenous corporate group among the
Bontok of Mountain Province. Ph.D. Dissertation, University of the
Philippines.
76 |
B a g o n g
K a s a y s a y a n
Prill-Brett, June. 1992. Ibaloy customary law on land resources. Baguio City:
Cordillera Studies Center University of the Philippines College
Baguio.
Prill-Brett, June. 1995. A survey of Cordillera indigenous political institutions.
Cordillera Studies Center (CSC) Working Paper, No. 5.
Reyes, Ed Aurelio C. 1995. Bonifacio: Siya ba ay kilala ko? Maynila: Ed
Aurelio C. Reyes.
Robert, Sullivan. 1986. Maguindanaon dictionary. Cotabato: Notre Dame
University Institute of Cotabato Cultures.
Rodriguez, Mary Jane B. 1996a. Katitikan ng klase sa Kasaysayan 202: Ang
Pilipinas sa ika-16 na dantaon, sa ilalim ni Dr. Zeus A. Salazar,
Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon, Enero 5.
Rodriguez, Mary Jane B. 1996b. Maingel, maarmet, ulul: Ilang
preliminaryong tala hinggil sa diskurso ng kabayanihan sa Cordillera.
Papel na binasa sa Ika-6 na Pambansang Kumperensya ng ADHIKA,
Nobyembre 29- Disyembre 1, sa Malolos, Bulacan.
Rodriguez, Mary Jane B. 2001. Ili ti Amianan: Kamalayang bayan sa
panghimagsikang tradisyon ng hugpungang Kailokuan-Kaigorotan,
(1589-1913). M.A. Tesis, Unibersidad ng Pilipinas.
Rodriguez, Mary Jane B. 2000. Pagtatatag ng estadong bayan. Papel na
inihanda para sa Eskwela sa Tag-init, Linangan ng Kasaysayang
Bayan (LikasBayan) ng Asosasyon ng mga Dalubhasa, May Hilig at
Interes sa Kasaysayan (ADHIKA), Inc. Abril 10, sa Lungsod Baguio.
Salazar, Zeus, Jaime Veneracion, Wilfredo Tamayo, at Elizabeth Pastores.
1990. Kabihasnang Asyano, Lungsod Quezon: Abiva Publishing
House Inc.
Salazar, Zeus A. 1968. Le concept AC* ‘anitu’ dans le monde austronesien:
Vers l’etude comparative des religions ethniques austronesiennes.
MS Dissertation, Sorbonne (Université de Paris).
Salazar, Zeus A. 1975. The barangay in present perspective. Pamana
(Disyembre 19): 5-9.
Salazar, Zeus A. 1977. Ang kamalayan at kaluluwa: Isang paglilinaw ng ilang
konsepto sa kinagisnang sikolohiya, Nasa Ulat ng ikalawang
pambansang kumperensya sa sikolohiyang Pilipino: Ang
kahalagahan ng sikolohiyang Pilipino sa pambansang kamulatan,
mga pat. Lilia A. Antonio, Laura L. Samson, Esther S. Reyes, at Ma.
Elena A. Paguio, 131- 144. Lungsod Quezon: Pambansang Samahan
sa Sikolohiyang Pilipino.
A n g
D a l u m a t
n g
B a y a n
| 77
Salazar, Zeus A. 1991. Ang pantayong pananaw sa kasaysayan bilang isang
diskursong pangkabihasnan. Nasa Pilipinolohiya: Kasaysayan,
pilosopiya, at pananaliksik, mga pat. Violeta Bautista at Rogelia Pepua, 46-74. Maynila: Kalikasan Press. Ikalawang edisyon, 1993.
Muling nailathala sa Pantayong pananaw: Ugat at kabuluhan;
pambungad sa pag-aaral ng bagong kasaysayan, mga pat. Atoy M.
Navarro, Mary Jane B. Rodriguez, at Vicente C. Villan.
Mandaluyong: Palimbagang Kalawakan, 1997. Binagong edisyon,
Lungsod Quezon: Palimbagan ng Lahi, 2000.
Salazar, Zeus. 1993. Kasaysayan ng Pilipinas (ca. 250,000 BK – 1992): Isang
balangkas. Lungsod Quezon: UP Departamento ng Kasaysayan.
Salazar, Zeus A. 1995. Kabayanihan at rebolusyong Pilipino. Papel na binasa
sa Talakayan ukol sa Kabayanihan at Rebolusyong Pilipino, Agosto
15, sa Unibersidad ng Pilipinas, Los Baños, Laguna.
Salazar, Zeus A. 1996. Anak, mag-anak, kamag-anakan, bayan: Ugnayan ng
lalaki at babae sa sinaunang panahon. Papel na binasa sa 3rd National
Conference on Women Studies, Women Studies Association of the
Philippines, Oktubre 18, sa Lungsod ng Cebu.
Salazar, Zeus A. 1997. Si Andres Bonifacio at ang kabayanihang Pilipino,
Bagong Kasaysayan 2.
Salazar, Zeus A. 1998. Wika ng himagsikan, lengguwahe ng rebolusyon: Mga
suliranin ng pagpapakahulugan sa pagbubuo ng bansa. Nasa Wika,
panitikan, sining, at himagsikan, mga pat. Atoy Navarro at Raymund
Abejo, 11-92. Lungsod Quezon: Limbagang Pangkasaysayan.
Muling inilathala sa Bagong Kasaysayan 8.
Salazar, Zeus A. 1999. Ang babaylan sa kasaysayan ng Pilipinas. Bagong
Kasaysayan 4.
Salazar, Zeus A. 2005. Ang Pilipinong banwa/banua sa mundong MelanoPolynesiano. Lungsod Quezon: Palimbagan ng Lahi.
Salazar, Zeus A., Edward Yulo, at Atoy Navarro. 1995. Talaarawan 1996.
Quezon City: Miranda Bookstore.
Scott, William Henry. 1994. Barangay, sixteenth century Philippine culture
and society. Lungsod Quezon: Ateneo de Manila University Press.
Sison, Jose Ma. 1966a. The national democratic movement and the political
activist. Nasa On national democracy. Lungsod Quezon: Aklatang
Gising Na!
Sison, Jose Ma. 1966b. Land reform and national democracy. Nasa On national
democracy. Lungsod Quezon: Aklatang Gising Na!
78 |
B a g o n g
K a s a y s a y a n
Sison, Jose Ma. 1967. National democracy and socialism. Nasa On national
democracy. Lungsod Quezon: Aklatang Gising Na!
Timuay Justice and Governance, walang petsa (w.p.) Customary law of the
Teduray-Lambangian. Nasa Tribung pamumuno, Lumad
Development Center, Inc. (LDCI), 15-53.
Tonsay, Omar L. 1998. Pakikidigmang ampibyo: Pag-uugat sa kasaysayan ng
Pilipinas (800 BK – 1946). Tesis Masterado, Unibersidad ng
Pilipinas.
Tryon, Darell. 1995. Proto-Austronesian and the major Austronesian
subgroups. Nasa The Austronesians: Historical and Comparative
Perspectives, mga pat. Peter Bellwood, James J. Fox, and Darrell
Tryon, 19-41. Canberra: Department of Anthropology as part of the
Comparative Austronesian Project, Research School of Pacific and
Asian Studies, Australian National Univeristy.
Ubaldo, Lars Raymund. 2009. Tungo sa pagdadalumat ng “Tagalog” (15711907). Ph.D. Disertasyon, Unibersidad ng Pilipinas.
Veneracion, Jaime. 1990. Agos ng dugong kayumanggi. Lungsod Quezon:
Abiva Publishing House, Inc.
Veneracion, Jaime B. 1986. Kasaysayan ng Bulakan. Lungsod Quezon: BahaySaliksikan ng Kasaysayan.
Ventura-Castro, Jovita, et al., mga pat. 1983. Anthology of ASEAN literatures:
Epics of the Philippines. Manila: Jovita Ventura-Castro et al., at
ASEAN Committee on Culture and Information.
Villan, Vicente C. 2009. Pintados: Mga hukbong Bisaya sa armadong
ekspedisyong Espanyol sa kapuluang Pilipinas, 1565-1898. Ph.D.
Disertasyon, Unibersidad ng Pilipinas.
Wallace, Benjamin. 1970. Shifting cultivation and plow agriculture in two
pagan Gaddang settlements. Manila: National Institute of Science
and Technology.
Zorc, R. David Paul. 1985. Core etymological dictionary of Filipino. Fascicle
4 (January).
A n g
D a l u m a t
n g
B a y a n
| 79
“RURAY FUSAKA”
[Himno ng mga Teduray-Lambangian para sa kanilang
Fusaka Inged (Lupaing Ninuno)]
[Tala ng May-akda: Inged ang bayan para sa mga Teduray-Lambangian ng
Maguindanao; fusaka ang pamana. Sa dalumat ng Fusaka Inged o lupaing ninuno
pinag-uugnay ang lupa (ang materya) at ninuno (ang gunita) -- lumilikha ng
dayalogo sa pagitan ng nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap. Ito ang dalumat ng
bayang ipinagkakaloob sa mga anak ng bayang isisilang pa lamang. Sa mga anak
ng kinabukasan, inaasahang ipagpapatuloy ang “sumfat lowoh brab fërënawa” (matalik
na ugnayan at kaisahan ng tao sa kalikasan). Nasa ugnayang ito ang tunay na
“yaman ng lupa” (ruray fusaka) na hindi natutumbasan ng salapi o ano pa mang
materyal
na
bagay
sapagkat
nagmula kay Tulus, ang
Dakilang
Lumikha. Nakatindig sa ugnayang ito ang tao bilang tanod at tagapangalaga ng
nasabing yaman na isinasakay sa talinghaga ng “Inang Kalikasan.” Maging buhay
man ay iaalay para sa nasabing tungkulin sapagkat buhay din ang ibinibigay ng
bayan/lupang tinubuan. Sa balangkas ng kaisipang Teduray-Lambangian,
nagtatalaban ang BAYAN, KALIKASAN, at DAKILANG LUMIKHA. Ito
ang diwang buod ng “Ruray Fusaka.”]
I.
III.
Riruk sisoy guwede
Mamalu gefe safa
Fanabiyab mégubar
Ségita nékey beem
Tulus gumba mériyang
Fasad méntuléng geyén
Kénogon linaw-linaw
Kéntédémo gitoon
Tunggu léndag liyunén
Safa gey baul geye
Solo témikuf réndaw
Fanduga gey so beem
Solo léminaw-linaw
Ramfung légawlaw laway
IV.
Sugu-i soonomon
II.
Bungkaséni fégalad
Ingéd gey sénsafaan
Mantu néto kirmon
Dakél foy buku geye
Témawagén fégérang
Sambuli man undoyén go
Amuk sémusow dara
Safa gey giyar geye
Tad foy furay sénule
Fusa ékéy beem
Diyunén say fénuwo we
Dait kétororén sa ké
Téduray, Lambangian
Mégukuleb Fusaka
B a g o n g
80 |
V.
K a s a y s a y a n
VI.
Lundaan Timfada Limud
Findégo key bandera
Kago séfébénalani
Fusaka geye Ingéd
Tamay ruray Fusaka-e
Kéntédomo gitoon
Témawagén lémugén
Réndawi kéadatan
Ukit Kitab Tégudon
Senfésulangi fatukeb
Kago dowoyén begey
Dilék tanda-i aras
Daitén sa dowoyén
Gitoon solo mubod
San bay medusa-dusa we
Tanda ké baya-baya
Séfet tégelibakén
Kagoy mantu we ganad
Beroy uleoy lolow
Féimu sen bé Fusaka
(Repeat IV)
--Komposisyon ni Alim M. Bandara (sa tulong ni Fintailan Bun Segundo)
Miyembro, Minted sa Inged ng Timuay Justice and Governance
(Katutubong Pamahalaan ng mga Teduray-Lambangian)
A n g
D a l u m a t
n g
B a y a n
Iskultura ni Guillermo Tolentino
https://bit.ly/3g8o53w
| 79
80 |
B a g o n g
Bantayog ni Gabriela Silang sa Makati
https://bit.ly/2P86Cwj
K a s a y s a y a n