Skip to main content
  • noneedit
  • Prof. Mary Jane B. Rodriguez is Assistant Professor at the Department of Filipino and Philippine Literature, College ... moreedit
Rodriguez-Tatel, Mary Jane B. 2020. "Ang Dalumat ng 'Bayan' sa Kamalayan at Kasaysayang Pilipino." Bagong Kasaysayan: Mga Pag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas. Monograf/Lathalain Blg. 15 (Revised Edition). Lungsod Quezon: Palimbagan ng... more
Rodriguez-Tatel, Mary Jane B. 2020. "Ang Dalumat ng 'Bayan' sa Kamalayan at Kasaysayang Pilipino." Bagong  Kasaysayan: Mga Pag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas.  Monograf/Lathalain Blg. 15 (Revised Edition). Lungsod Quezon: Palimbagan ng Lahi


Gamit ang domain analysis, iminamapa rito ang semantikong pagpapakahulugan  sa "bayan" bilang isang konsepto at prosesong pangkasaysayan. Bilang isang konsepto, tinatalakay ang lawak at lalim ng pagpapakahulugan sa bayan. Tampok dito ang  mga  nosyon ng  bayan bilang organikong kaisahan at kultural na kabuuan. Bilang isang proseso tinatalakay ang pag-aanyo at pagsulong ng bayan sa daloy ng kasaysayan, mula sa panahon ng Sinaunang Kabihasnan o Kabuuan  hanggang sa Krisis ng Bayan patungong panahon ng Bagong Kabuuan.
Rodriguez-Tatel, Mary Jane B. 2015. "Pagbubunyi kay Zeus A. Salazar: Muhon ng Kilusang Pilipinisasyon sa Akademya (Pilipinolohiya, Sikolohiyang Pilipino, at Pilosopiyang Pilipino)." Nasa Pantayong Pananaw: Pagyabong ng Talastasan:... more
Rodriguez-Tatel, Mary Jane B. 2015. "Pagbubunyi kay Zeus A. Salazar: Muhon ng Kilusang Pilipinisasyon sa Akademya (Pilipinolohiya, Sikolohiyang Pilipino, at Pilosopiyang Pilipino)." Nasa Pantayong Pananaw: Pagyabong ng Talastasan:  Pagbubunyi kay Zeus A. Salazar, Tomo 1,  mga pat. Atoy Navarro, Mary Jane Rodriguez, at Vicente Villan.  Lungsod Quezon: BAKAS, 140-160.

Matutunghayan natin sa bahaging ito ang mga kaisipan ni Zeus Atayza Salazar sa kanyang masigasig na pag-aambag at pakikipagtalaban sa magkakaugnay na larangan ng Pilipinolohiya, Sikolohiyang Pilipino, at Pilosopiyang Pilipino. “Pag-aaral ng Kapilipinuhan” ang temang nagbubuklod sa tatlong ito. Subalit higit pa sa isang ideya, nag-anyo ang mga pag-aaral na ito bilang isang kilusang uugit ng bagong yugto sa buhay ng isang Zeus A. Salazar. Noong 1968, sa pagtatapos ng kanyang doktorado sa Unibersidad ng Sorbonne sa Pransya (Peñalosa 2003), umuwi siya sa Pilipinas. Mula sa labas at puspusang pakikipagtagisan sa labas/Iba (Salazar 1998, xxiii), sinimulan niya ang pagpasok sa kaibuturan, sa pinaka-“loob” ng tinatawag niyang “Kapilipinuhan.” Nangahulugan ang “pagpasok” ng paglalatag ng mga bagong kaalaman, pananaw, at kaparaanan kung paano uunawain ang sariling lipunan at kalinangan. Subalit hindi lamang mga kaisipan ang nalinang, higit sa lahat ang sarili bilang iskolar. Kinailangang umugnay sa iba: makipagdebate, makipagtagisan ng kaunawaan, at makilahok sa pagpapanday ng kapantasan. Kung kaya ang “pagpasok” ay nangahulugan din ng “pagbuo” ng mga bagong ugnayan, sa mga kapwa iskolar, guro, at paham. Sa puntong ito, apat na “kapwa” o naging kabahagi ng sarili [sa pakahulugan ni Virgilio Enriquez (1978)] ang bibigyang-puwang sa hulihan. Kinukupkop sila ng dalawang pamantasang nakabahagi ng buhay sa akademya ng ating pinararangalan: sina Ramon Guillermo at Zosimo Lee ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) at Madelene Sta. Maria at Rhoderick Nuncio ng De La Salle University (DLSU)—mga “kapwa” iskolar at guro, na minsan di’y naging mag-aaral ni Salazar. Ang mga akda nila ang magiging lunsaran ng “pagdiriwang” sa “pakikipagtalaban”— pagkakaroon ng bisa sa isa’t isa—sa talastasang binigyang-daan ng mga kaisipan ni Salazar.
Navarro, Atoy, Mary Jane Rodriguez-Tatel, at Vicente Villan. 2015. Pambungad ng mga Patnugot: Pantayong Pananaw: Pagyabong ng Talastasan; Pagbubunyi kay Zeus A. Salazar. Nasa Pantayong Pananaw: Pagyabong ng Talastasan; Pagbubunyi kay... more
Navarro, Atoy, Mary Jane Rodriguez-Tatel, at Vicente Villan. 2015.  Pambungad ng mga Patnugot: Pantayong Pananaw: Pagyabong ng Talastasan; Pagbubunyi kay Zeus A. Salazar.  Nasa Pantayong Pananaw: Pagyabong ng Talastasan; Pagbubunyi kay Zeus A. Salazar; Tomo I: Araling Pangkapaligiran, Pilipinolohiya, Sikolohiyang Pilipino, Pilosopiyang Pilipino, at Araling Kabanwahan, mga pat. Atoy Navarro, Mary Jane Rodriguez-Tatel, at Vicente Villan, 1-10.  Quezon City: Bahay-Saliksikan ng Kasaysayan/Bagong Kasaysayan, Inc.

Sa pambungad na ito, bahagyang babalik-tanawin natin ang naging buhay at karera ni Zeus A. Salazar bilang natatanging paham. Gayundin, aabot-tanawin natin ang mga lalamanin ng libro na nagsisilbing festschrift at pagbubunyi kay Salazar.
Beddeng Ken Pakasaritaan: Salaysay ng Ili ng Paracelis, Mt. Province sa Hugpungang Kailokuan-Kaigorotan sa Kontemporaryong Panahon." Nasa Kasaysayang Pampook: Pananaw, Pananaliksik, Pagtuturo, mga pat. Atoy Navarro, Ma. Florina Y.... more
Beddeng Ken Pakasaritaan: Salaysay ng Ili ng Paracelis, Mt. Province sa Hugpungang Kailokuan-Kaigorotan sa Kontemporaryong Panahon."  Nasa Kasaysayang Pampook: Pananaw, Pananaliksik, Pagtuturo, mga pat. Atoy Navarro, Ma. Florina Y. Orillos-Juan, Janet Reguindin at Adonis Elumbre.  Lungsod Quezon:  LIKAS,  2012, 339-376.

Dadalhin ng pag-aaral na ito ang masalimuot na usapin ng pagbubuo ng bansa sa pamamagitan ng paglilinaw sa dalumat ng “bayan” sa ispesipikong konteksto ng “ili” sa Amianan, hindi lamang bilang pundamental na bahagi ng estado, bagkus bilang diwang buod ng ating pambansang kakanyahan. Sa gitna ng kasalimuotan, itatampok ang ugnayan, na kung tutuusi’y isang “hugpungang” kapatagan (sa-laud)–kabundukan (sa-raya) na bumabalangkas sa kasaysayan ng mga bayan sa kapuluan. Mapasalarangan man ito ng tunggalian o kapayapaan, ang nabanggit na ugnayan ay mapagpasyang puwersang humahabi sa salaysay ng ili ng Paracelis bilang integral na bahagi ng Kapilipinuhan. Sa ganang ito makabuluhang itanong, paano ba kinikilala ng mga taga-Paracelis ang kanilang bayan bilang bahagi ng kultural na daigdig ng (1) Kaigorotan at (2) Kailokuan? At kaugnay nito, paano titingnan ang usapin ng etnisidad, sa partikular, ang hugpungang Iloko-Igorot na siyang pinakabuod ng ili ng Paracelis bilang isang kabuuang pangkalinangan?
Kung kaya, higit pa sa simpleng ambag sa labis na kakulangan ng mga batis hinggil sa kasaysayang bayan sa pangkalahatan, isang konseptuwal na balangkas na nakaugat sa dalumat at karanasan ng “ili” ang idinudulog ng panimulang pag- aaral na ito. Ito ay upang mapalalim ang pagkaunawa sa masalimuot na usapin ng ating pambansang kakanyahan na batbat ng mga dikotomiyang pinasidhi at patuloy na pinasisidhi ng kamalayang nakabilanggo pa rin sa kolonyal na balangkas ng kaisipan. Isa na nga rito ang dikotomiyang kapatagan-kabundukan.
Rodriguez-Tatel, Mary Jane B. 2008. Lingkod-aral at Kasaysayang Bayan: Isang Salaysay ng Paglilingkod. Nasa Kaalaman at Pamamaraan sa Pagtuturo ng Kasaysayan, mga pat. Atoy M. Navarro, Allan D. Campomanes, at John Lee P. Candelaria.... more
Rodriguez-Tatel, Mary Jane B. 2008. Lingkod-aral at Kasaysayang Bayan:  Isang Salaysay ng Paglilingkod. Nasa Kaalaman at Pamamaraan sa Pagtuturo ng Kasaysayan, mga pat. Atoy M. Navarro, Allan D. Campomanes, at John Lee P. Candelaria. Lungsod Quezon: UP LIKAS, 160-164.

Sa artikulong ito tinatalakay ang paglilingkod-bayan sa konteksto ng  programang ekstensiyon ng UP Pahinungod bilang isang lunsaran kung paano mananaliksik sa lokal na kasaysayan.
Guillermo, Ramon, Atoy Navarro, at Mary Jane Rodriguez. 1998. Pag-iibigan sa Katipunan: Isang Paglingon sa Panitikan ng Himagsikan. Nasa Wika, Panitikan, Sining at Himagsikan, mga pat. Atoy Navarro at Raymund Arthur Abejo, 93-107.... more
Guillermo, Ramon, Atoy Navarro, at Mary Jane Rodriguez. 1998.  Pag-iibigan sa Katipunan: Isang Paglingon sa Panitikan ng Himagsikan.  Nasa Wika, Panitikan, Sining at Himagsikan, mga pat. Atoy Navarro at Raymund Arthur Abejo, 93-107.  Quezon City: Limbagang Pangkasaysayan.

Sa artikulong ito, nakapaloob sa tatlong pangunahing bahagi ang pagtalakay sa mga anyo ng pag-iibigan sa Katipunan: Pag-ibig sa Maykapal, Pag-ibig sa Inang Bayang Tinubuan, at Pag-ibig sa Kapwa.
Navarro, Atoy, Mary Jane Rodriguez, at Vicente Villan. 1997. Konklusyon: Pantayong Pananaw: Kalagayan at Tunguhin; Ang Kaso ng UP Departamento ng Kasaysayan. Nasa Pantayong Pananaw: Ugat at Kabuluhan; Pambungad sa Pag-aaral ng Bagong... more
Navarro, Atoy, Mary Jane Rodriguez, at Vicente Villan. 1997.  Konklusyon: Pantayong Pananaw: Kalagayan at Tunguhin; Ang Kaso ng UP Departamento ng Kasaysayan.  Nasa Pantayong Pananaw: Ugat at Kabuluhan; Pambungad sa Pag-aaral ng Bagong Kasaysayan, mga pat. Atoy Navarro, Mary Jane Rodriguez, at Vicente Villan, 187-192.  Mandaluyong City: Palimbagang Kalawakan.

Sa pangwakas na ito, tinatalakay ang mga naging pagpupunyagi para sa pantayong pananaw sa University of the Philippines (UP) Departamento ng Kasaysayan.
Navarro, Atoy, Mary Jane Rodriguez, at Vicente Villan. 1997. Kasaysayan ng Pilipinas: Isang Balangkas (c.a. 250,000 B.K. – 1992); Pagbubuod ng mga Patnugot. Nasa Pantayong Pananaw: Ugat at Kabuluhan; Pambungad sa Pag-aaral ng Bagong... more
Navarro, Atoy, Mary Jane Rodriguez, at Vicente Villan. 1997.  Kasaysayan ng Pilipinas: Isang Balangkas (c.a. 250,000 B.K. – 1992); Pagbubuod ng mga Patnugot.  Nasa Pantayong Pananaw: Ugat at Kabuluhan; Pambungad sa Pag-aaral ng Bagong Kasaysayan, mga pat. Atoy Navarro, Mary Jane Rodriguez, at Vicente Villan, 127-134.  Mandaluyong City: Palimbagang Kalawakan.

Sa artikulong ito, ibinubuod ang "Kasaysayan ng Pilipinas: Isang Balangkas (c.a. 250,000 B.K. – 1992)" ni Dr. Zeus Salazar.
Navarro, Atoy, Mary Jane Rodriguez, at Vicente Villan. 1997. Introduksyon: Pantayong Pananaw: Ugat at Kabuluhan; Pambungad sa Pag-aaral ng Bagong Kasaysayan. Nasa Pantayong Pananaw: Ugat at Kabuluhan; Pambungad sa Pag-aaral ng Bagong... more
Navarro, Atoy, Mary Jane Rodriguez, at Vicente Villan. 1997.  Introduksyon: Pantayong Pananaw: Ugat at Kabuluhan; Pambungad sa Pag-aaral ng Bagong Kasaysayan.  Nasa Pantayong Pananaw: Ugat at Kabuluhan; Pambungad sa Pag-aaral ng Bagong Kasaysayan, mga pat. Atoy Navarro, Mary Jane Rodriguez, at Vicente Villan, 1-8.  Mandaluyong City: Palimbagang Kalawakan.

Sa pambungad na ito, ipinakikila ang pantayong pananaw at ang pangunahing tagapagsulong nito na si Dr. Zeus Salazar.
Nais kong linawin sa papel na ito kung ano ang Indigenous Research (IR) o Indigenous Research Methodology (IRM) sa konteksto ng politika ng pagtatakda ng sarili (self-determination) ng mga "katutubong Pilipino." Sentral as tinaguriang... more
Nais kong linawin sa papel na ito kung ano ang Indigenous Research (IR) o Indigenous Research Methodology (IRM) sa konteksto ng politika ng pagtatakda ng sarili (self-determination) ng mga "katutubong Pilipino." Sentral as tinaguriang "Indigenous Research Agenda" ang pag-usisa, pag-unawa, at pagtatanghal ng "indigenous identity" o "pagkakakilanlang katutubo" hindi lamang bilang paksa kundi bilang isang ganap na paradaym ng pananaliksik na nagsisilbing alternatibo sa mga dominanteng paradaym ng Kanluran. Kung kaya, higit pa sa produksyon ng kaalamang akademiko, at metodolohiya ng pananaliksik, nakasalig ang IRM sa pagpapatampok ng buong sistema ng katutubong karunungan at praktika (IKSP) na nilalagom ng diwa ng "partnership": pagbabahaginan at pananagutan sa isa't isa.
Sentral din dito ang isang mapagpalayang adyenda kung paanong ang kaalaman ay kakasangkapanin upang tugunan ang mga usapin ng paggigit ng kanilang mga karapatan sa lupaing ninuno, panlipunang katarungan, kultural na integridad at sariling pagpapasya.

Mula man sa karanasan ng mga "indigenous peoples/IPs" ng mundong Anglo-Amerikano-Europeo, naghahain ng isang matinding hamon ang IR upang masiyasat ang "katutubo" as kontekstong Pilipino. Partikular as konteksto ng Pilipinong pananaliksik, paano isasagawa ang nasabing adyenda ng "katutubong identidad" sa gitna ng mga pagtatanong at kalituhan sa nasabing kategorya? Paano rin maihuhugpong ang nasabing identidad: sa mas malawak na pagkakakilanlang pambansa? Sa ganang ito, maisasalin at maipopook ang IR/IRM bilang "Metodolohiya ng Katutubong Pananaliksik' (MKP) sa karanasang Pilipino.

Gamit ang dalumat ng Sikolohiyang Pilipinong "kapwa" at ang partikular na katutubong metodo ng pakikipagkuwentuhan, pinagpunyagian kong ipook at siyasatin ang IR bilang MKP sa kasagsagan ng kampanya sa Bangsamoro Basic Law (BBL) noong 2015. Bilang konteksto, naghain ang panukalang BBL ng mayamang usapan upang linawin ang mga kategoryang inaangklahan ng "katutubong identidad" at ng kinapapalooban nitong pakikibaka para as "self-determination." Sa mga "katutubo" sino nga ba ang "sarili" vis-à-vis "iba"? Hindi lamang ito usapin ng pagtatakda ng pangalan at katawagan, kundi pati na rin ng teritoryo at mga rekursong nakapaloob dito. Sa madaling sabi, ng kabuhayan at kinabukasan ng mga sangkot na grupong etniko. Kung kaya, gayon na lamang kahalaga kung ano ang pananaw, damdamin, at saloobin ng mga "katutubo" sa "sarili" na pamayat mayang hinuhulma ng kanilang mga ugnayan at pakikipag-ugnayan. Samantala, pinahintulutan naman ako ng dalumat ng "kapwa" na makatawid sa kanilang diskurso upang masipat ang kasalimuotan ng mga internal na ugnayan. Sa mga kuwento at pakikipagkuwentuhan, napalitaw kung paano nila tinitingnan ang mga pundamental na relasyong nagtatakda ng kanilang pagkakakilanlan: mula sa loob, ang "Sarili" patungo as labas, ang "Iba" bilang "Kapwa" - kapwa katutubo at kapwa Pilipino. Pangunahin na ang ugnayan sa "loob" - sa kanilang hanay mismo, i.e., "katutubo vis-à-vis katutubo" - - na may dalawang uri sa konteksto ng Mindanao: "Lumad" at  "Moro". Ikalawa, ang ugnayang "katutubo" vis-à-vis mga tinataguriang "di-katutubo"/ "non-IP" o "di-Muslim," sa madaling salita, "Kristiyano": "setler" man sila o iba pang "stakeholders" (miyembro ng simbahan, civil society, akademya, gobyerno, atbp.) na maya't mayang nakikipag-ugnayan sa mga katutubong komunidad sa anumang kadahilanan. Sa ganang pangalawa, tinangka kong umugnay at makilahok (ie., "makipagkuwentuhan") sa diskurso ng kanilang "Sarili." Isang puwang at pagkakataon itong nagsilbing lunsaran ng repleksiyon kung paano nga ba natin maaaring balangkasin ang isang "hugpungan" o"sérepungan" (sa wikang Erumanen nè Menuvu)- - sa diwa ng "kapwa." Pagpupunyagi itong maghain ng alternatibong proyekto ng pagsasabansa na kumikilala, nagbibigay-galang, at nagbubunyi, hindi natatakot at nababahala, sa pagkakaiba-iba bilang batayan ng yaman at katatagan ng mas malaking "SARILI,"' ang Kapilipinuhan.
Since its inception as an area studies program instituted by the United States after World War II, Philippine Studies in the University of the Philippines has undergone a radical transformation. From being a neo-colonial program designed... more
Since its inception as an area studies program instituted by the United States after World War II, Philippine Studies in the University of the Philippines has undergone a radical transformation. From being a neo-colonial program designed to create a venue for the Americans to perpetuate their hegemony in Philippine scholarship, it has become a springboard from which some progressive Filipino intellectuals particularly in the 1970’s formally launched the indigenization (read: Filipinization) movement in the Philippine academic community. Recontextualized and reconceptualized as part of the nationalist project, the program, since then, would become a site of engagement of Filipino scholars in the development of our own scholarly tradition. It would take on significant epistemological and methodological shifts emphasizing the vital role of Filipino language as primary tool of knowledge production.
To map out the extent of this paradigm shift, knowledge production in Filipino both at the undergraduate and graduate levels of the Philippine Studies program is analyzed. Two general directions based on Virgilio Enriquez’s SP construct are discernible along this line: (a) “indigenization from within” or the development of our own analytical tool and conceptual framework using our indigenous language and culture as source; and (b) “indigenization from without” or appropriation/adaptation of foreign formulations to local realities. Such production is viewed in the larger context of the development of a “Philippine studies” envisioned by Rizal in the 19th century and carried on by Filipino scholars over the last five decades in their efforts to construct a more meaningful framework for understanding Filipino psyche, culture and society. It is hoped that a fully-developed Filipino academic discourse shall be our signif icant contribution to a truly universal scientific tradition.
Rodriguez-Tatel, Mary Jane B. 2019. "Kanya-Kanyang Rizal": Diskurso ng Kabayanihan sa Pelikulang Rizal. Daluyan: Journal ng Wikang Filipino, Tomo 25, Blg. 1-2, 11-39. Ipinopook sa artikulong ito ang iba’t ibang pag-unawa at... more
Rodriguez-Tatel, Mary Jane B. 2019. "Kanya-Kanyang Rizal": Diskurso ng Kabayanihan sa Pelikulang Rizal. Daluyan: Journal ng Wikang Filipino, Tomo 25, Blg. 1-2, 11-39.

Ipinopook sa artikulong ito ang iba’t ibang pag-unawa at pagpapakahulugan sa diskurso ng kabayanihan ni Rizal. Sa ganang ito, kinasangkapan ang pelikulang “Bayaning Third World” bilang isang makapangyarihang teksto ng nasabing diskurso. Gamit ang mga salitang “sipat,” “suri,” at siyasat,” hinimay-himay ang teksto upang maitampok ang tatlong mahahalagang punto sa pelíkula at kasaysayan ng pagsasapelikula sa buhay ng bayani.



Una, bilang isang meta-pelikula, masisipat dito ang isang malikhaing kaparaanang mailahok at maisangkot ang manonood sa isang dinamikong proseso ng patuloy na reproduksiyon ng buhay at kabayanihan ni Rizal.



Ikalawa, hindi lamang ito malikhain, politikal din. Ipinakita kung paano pinahihintulutan ng pelikula ang mga mambabasa na mabalikan at masuri ang mas malawak na kontekstong inaangklahan ng walang kamatayang debate sa kabayanihan ni Rizal: ang politika ng retraktasyon. At sa huli, muling binuhay ang bayani bilang mensahe ng pagpatay sa isyu ng pagbawi.



Ikatlo, siniyasat ang subteksto, ang nakabaong pakahulugan ng teksto sa pariralang ”kanya-kanyang Rizal” kaugnay ng pamagat na “Bayaning Third World.” “Third World” ang diskursibong anyo ng bayang nagluwal sa isang Rizal. Diskursibo ang bayang ito sapagkat lunan ng mga tunggalian. Subalit hindi lamang ito pasibong espasyong ginaganapan ng kilos at galaw ng kapangyarihan. Isa rin itong aktibong kalahok sa diskurso. Ibig sabihin, nakikipagtalaban. “Bayaning Third World”—bayani ng diskursibong bayan—ang nagsisilbing ekspresyon ng pakikipagtalaban ng Bayan sa bayani. Sinasapul ang pakikipagtalabang ito ng pariralang “Kanya-kanyang Rizal” na binigyang-daan ng pelikula. Sa pamamagitan nito, higit na itinatampok ang kakayahan ng Bayan na angkinin at muling likhain ang kanyang bayani upang ganap na itanghal ang kanyang kapangyarihan sa larang ng pagpapakahulugan.



Mga susing salita: diskurso, Araling Rizal, panunuring pampelikula, discourse

analysis



ABSTRACT



This article explores the various ways of understanding Rizal as the core theme in the discourse about kabayanihan. The movie, “Bayaning Third World,” serves as a text upon which we can examine the said discourse. Using the keywords, “sipat,” “suri,” and “siyasat” which all pertain to different modes of “looking,” this article attempts to provide a more nuanced critique of the film.



First, from the vantage point of “meta-film” the article demonstrates how the movie narrates not just the life and death of the hero but the historical and creative processes behind the filming of his heroism. As it actively engages the audience or the people in such creativity, the text has become a discursive site.



Second, the article demonstrates the political nature of this creative process as it locates the film in the re-examination of the retraction controversy. This is the larger context which sets the stage and backdrop of the critique. It highlights the figurative coming back to life of Rizal in the movie that sends a powerful message: retraction controversy is dead.



Finally, the article teases out the subtext of the title “Bayaning Third World” in relation to the catch-phrase “Kanya-Kanyang Rizal.” “Third World” billing of the Philippines in the world political-economic order underscores the discursive character of the “bayan” or the people that it represents. “Bayaning Third World” albeit, redirects our attention from the “bayani” to the “Bayan” not just as an “embattled terrain” but an active participant in the discourse of meaning-making. “Kanya-kanyang Rizal” succinctly captures the truth behind this “making and remaking” of Rizal by the Bayan, which is indeed empowering.



Keywords: discourse, Rizal Studies, film criticism, discourse analysis
The term "tribu"/ "tribe" as a colonial construct has spawned a highly politicized understanding of differences among various ethnolinguistic groups in the Philippines. It was used both by the Spanish and American colonizers to create the... more
The term "tribu"/ "tribe" as a colonial construct has spawned a highly politicized understanding of differences among various ethnolinguistic groups in the Philippines. It was used both by the Spanish and American colonizers to create the image of the colonized as a disparate group of people unworthy of becoming a nation. It has also been used in the contemporary discourse among Filipinos as an apellation to ethnic groups who have been marginalized and minoritized on account of their resistance to the homogenizing "political, social and cultural inroads of colonization " (Republic Act 8371). As the study probes into the nuances of "tribe" as it underwent the process of textualization and reproduction from the colonial to the post-colonial context, it aims to contribute to the emerging discourses in children's literature as it intersects with the politics of representation and ethnicity. At this juncture, it may be asked: How does one make sense of "tribe" in the contemporary children's literature, both as an ethnic category engendered by our colonial experience and as a discourse that generated certain images of the "indigenous"? Have the "colonial imaging and imaginings" been reproduced to perpetuate the prevailing notions of "physical isolation," "backwardness," "inferiority" and "savagery"? Or has "tribe" been redef ined to provide a counter-image and challenge the status quo? The study analyzes fifteen (15) stories for children that feature representations of indigenous children during the first decade of the present century. Two things are taken into account: textual and visual representations. The former necessitates a closer look into how the narratives either reinforce or contradict the dominant imaging of the so-called tribal children. On the other hand, the
Rodriguez-Tatel, Mary Jane B. 2017. "Araling Etniko sa Wikang Filipino: Pagpapaibayo ng Pilipinolohiya/Araling Pilipino.." Saliksik E-Journal, Tomo 6, Blg. 1: 1-37. Pinag-iibayo ng Araling Etniko sa wikang Filipino ang diskurso ng... more
Rodriguez-Tatel, Mary Jane B. 2017. "Araling Etniko sa Wikang Filipino: Pagpapaibayo ng Pilipinolohiya/Araling Pilipino.." Saliksik E-Journal, Tomo 6, Blg. 1: 1-37.

Pinag-iibayo ng Araling Etniko sa wikang Filipino ang diskurso ng “sariling pagtatakda” na ibinabantayog ng Pilipinolohiya/Araling Pilipino (AP).  Ipinag-iiba sa Ethnic Studies ng tradisyong Europeo-Anglo-Amerikano, higit na pinahahalagahan sa Araling Etniko ang masisiglang talaban:  una, sa pagitan ng mga bahaging kalinangang etniko at kabuuang kabihasnang pambansa; at ikalawa, sa pagitan ng tradisyon ng kapantasan at pambansang wika.  Pagkakaugat at pagkakaugnay-ugnay ang diwang bumabalangkas sa mga nasabing talaban.  Mula sa perspektiba ng pagsasabansa, tinitingnang makabuluhan ang mga grupong etniko/etnolinggwistiko o “bayan” bilang mga ugat ng nililinang na pambansang diskursong pangkabihasnan.  Higit na nagiging makatuturan ang mga bahaging ito kung napag-uugnay-ugnay sa bisa ng iisang wikang komon sa lahat.  Kung kaya, sa unang isyu ng ika-anim na tomo ng SALIKSIK E-Journal, matutunghayan sa mga itinampok na exemplar (tesis at disertasyon) at mga iniambag na akda kung paano bumubuo ng isang pambansang tradisyon ng kapantasan tungkol sa kalinangan, kamalayan, at kasaysayan ng mga grupong etnolinggwistiko gamit ang wikang Filipino, gayundin naman, kung paano pinauunlad ng iba’t ibang kaalamang etniko/bayan ang wikang ito.  Sa pamamagitan ng Filipino bilang daluyan at Pilipinolohiya/AP bilang kabuuang larangan at paradaym, tumatawid ang mga aralin at pag-aakda mula sa paggigiit ng iba’t ibang kakanyahang etniko o “pagkabayan”  patungong magkakaugnay na mga kakanyahan sa balangkas ng “pagkabansa.”
Rodriguez-Tatel, Mary Jane. 2015. Philippine Studies/Araling Pilipino/Pilipinolohiya sa Wikang Filipino: Pagpopook at Pagdadalumat sa Loob ng Kapantasang Pilipino. Humanities Diliman 12, blg. 2, 110-179. Since its inception as an area... more
Rodriguez-Tatel, Mary Jane. 2015. Philippine Studies/Araling Pilipino/Pilipinolohiya sa Wikang Filipino: Pagpopook at Pagdadalumat sa Loob ng Kapantasang Pilipino. Humanities Diliman 12, blg. 2, 110-179.

Since its inception as an area studies program instituted by the United States after World War II, Philippine Studies in the University of the Philippines has undergone a radical transformation. From being a neo-colonial program designed to create a venue for the Americans to perpetuate their hegemony in Philippine scholarship, it has become a springboard from which some progressive Filipino intellectuals particularly in the 1970’s formally launched the indigenization (read: Filipinization) movement in the Philippine academic community. Recontextualized and reconceptualized as part of the nationalist project, the program, since then, would become a site of engagement of Filipino scholars in the development of our own scholarly tradition. It would take on significant epistemological and methodological shifts emphasizing the vital role of Filipino language as primary tool of knowledge production.

To map out the extent of this paradigm shift, knowledge production in Filipino both at the undergraduate and graduate levels of the Philippine Studies program is analyzed. Two general directions based on Virgilio Enriquez’s SP construct are discernible along this line: (a) “indigenization from within” or the development of our own analytical tool and conceptual framework using our indigenous language and culture as source; and (b) “indigenization from without” or appropriation/adaptation of foreign formulations to local realities. Such production is viewed in the larger context of the development of a “Philippine studies” envisioned by Rizal in the 19th century and carried on by Filipino scholars over the last five decades in their efforts to construct a more meaningful framework for understanding Filipino psyche, culture and society. It is hoped that a fully-developed Filipino academic discourse shall be our significant contribution to a truly universal scientific tradition.

Keywords: Philippine studies, indigenization, Filipinization, language and knowledge production
Rodriguez-Tatel, Mary Jane B. 2014. "Dalumat ng “Inang Bayan” at ang Pananaw ni Andres Bonifacio sa Kababaihan." Saliksik E-Journal, Tomo 3, Blg 2: 214-237. Itinatampok sa papel na ito ang pagdadalumat sa “Inang Bayan” bilang lunan ng... more
Rodriguez-Tatel, Mary Jane B. 2014. "Dalumat ng “Inang Bayan” at ang Pananaw ni Andres Bonifacio sa Kababaihan." Saliksik E-Journal, Tomo 3, Blg 2: 214-237.

Itinatampok sa papel na ito ang pagdadalumat sa “Inang Bayan”  bilang lunan ng mataas na pagkilala ni Andres Bonifacio sa kababaihan.  Nais ipakita ang talaban ng konteksto at tekstong nagbigay-daan sa nasabing konseptuwalisasyon.  Konteksto ito ng kamalayan at kalinangang nag-ugat sa kapuluan.  Teksto o mga pag-aakda itong nakaugat sa nasabing kamalayan at kalinangan.  Sa huli, masasabing makabuluhan ang pagdadalumat na ito  upang suhayan ang asersyong orihinal at hindi angkat ang kaisipan ni Bonifacio patungkol sa magkakawing na tungkulin ng pagpapalaya at pagbubuo ng bansa.  Gayundin naman, hindi lamang politikal ang mga tungkuling ito, bagkus ay pangkalinangan at pangkasarian din.
Rodriguez, Mary Jane B. 2010. "Reading a Colonial Bureau: The Politics of Cultural Investigation of the Non-Christian Filipinos." Social Science Diliman, Vol 6, No. 1: 1-27. Ethnography, as a scientific method of describing people,... more
Rodriguez, Mary Jane B. 2010. "Reading a Colonial Bureau: The Politics of Cultural Investigation of the  Non-Christian Filipinos." Social Science Diliman, Vol 6, No. 1: 1-27.


Ethnography, as a scientific method of describing people, played a significant role in the policy of integration undertaken by the newly established American colonial government as regards the non-Christian population of the Philippines in the early 1900s.  Such an assertion requires an interrogation of the colonial institution, the Bureau of Non-Christian Tribes, which was tasked, among other things, to conduct “special investigation” of the different ethnic groups (“pagans” and “Mohammedans”) living in the far-flung areas of the archipelago. This paper underscores the politics of ethnological research of the Bureau, and critiques its methodology using David Prescott Barrows’ guidelines for fieldworkers as a lens through which to examine the conduct of research. It analyzes the implications of the racialized methodology for the colonial policy of the United States towards the Philippines, and attempts to explore how such investigation, with the colonial knowledge that it produced, was translated into the native discourse.


In its dual capacity as an agent of science and advocate of change, the Bureau of Non-Christian Tribes stands in history as the precursor of the Philippine government agencies that established a highly contested policy of integration of the so-called “ethnic minorities” into the main body politic.  The ‘expert knowledge’ that it produced was deemed instrumental in the material and moral uplift of colonial subjects, particularly the non-Christians. The “scientific expeditions” of the bureau generated data which eventually formed the corpus of knowledge for state legislation concerning the newly colonized peoples. However, the bureau advanced notions of racial typologies derived from the assumption of Western civilization as a standard for cultural evolution. Far from its professed agenda, the bureau also created artificial and heightened ethnic differences among Filipinos that easily translated into institutionalized dichotomies.


Keywords

Ethnography, Ethnicity, Colonialism