[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Yehud Medinata

Mga koordinado: 31°47′N 35°13′E / 31.783°N 35.217°E / 31.783; 35.217
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Yehud Medinata
Probinsiya ng Juda
c. 539 BCE–332 BCE
Watawat ng Yehud Medinata
Pamantayan ni Dakilang Ciro

Obverse of a silver coin of Jewish Yehud from the Persian period
Ang Yehud Medinata (pink) sa ilalim ng Imperyong Akemenida
Ang Yehud Medinata (pink) sa ilalim ng Imperyong Akemenida
KatayuanLalawigan ng Imperyong Akemenida
KabiseraHerusalem
31°47′N 35°13′E / 31.783°N 35.217°E / 31.783; 35.217
Karaniwang wikaAramaiko, Hebreo, Lumang Persiyano
Relihiyon
Hudaismong Ikalawang Templo, Samaritanismo
KatawaganHudyo, Judeano, JudahitaIsraelita
PanahonPanahong Aksiyal
c. 539 BCE
539 BCE
• Ang kautusan ng Ciro ay nagtapos sa Pagpapatapon sa Babilonya
538 BCE
• Pagbabalik sa Zion
538 BCE
520–515 BCE
• Mga Digmaan ni Dakilang Alejandro
332 BCE
SalapiDaric, siglos
Pinalitan
Pumalit
Yehud (probinsiya ng Babilonya)
Coele-Syria
Bahagi ngayon ng

Ang Yehud Medinata o Probinsiyang Yehud Medinata[1][2][3][4][5][a] (lit. na 'Province of Judah') ay isang administratibong probinsiya ng Imperyong Akemenida sa rehiyon ng Judea bilang isang nanngangasiwa sa sariling rehiyon sa ilalim ng populasyong Hudyo. Ang lalawigang ito ay bahagi ng Satrapiyang Persiyano ng Eber-Nari at umiral sa dalawang siglo hanggang isama sa mga imperyong Helenistini kasunod ng pananakop ni Dakilang Alejandro. Ito ang pumalit sa Yehud (probinsiya ng Babilonya)

Kuwento ayon sa Bibliya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sinuportahan ni Paraon Necho II ang humihinang Imperyong Neo-Asirya laban sa lumalakas na Babilonya at Medes. Noong 609 BCE, si Necho II ay nagmartsa sa Syria upang tulungan ang pinuno (tinawag na hari ngunit hindi pinangalanan sa Bibliya) ng Asirya na si Ashur-uballit II. Ayon sa 2 Hari 23, hinarang at pinilit ni Josias na hari ng Kaharian ng Juda na labanan si Neco II sa Megiddo kung saan pinatay ni Necho II si Josias. Ayon sa Tekstong Masoretiko ng 2 Hari 23:39, nilabanan ni Necho II ang hari ng Asirya. Dahil sa kamaliang ito, ito ay binago at ginawang "tinulungan ni Necho II ang hari ng Asirya" sa NIV. Ang mga hukbo ni Necho II at mga hukbo ng Asirya ay tumawid sa Ilog Eufrates upang bawiin ang Harran na itinatag ni Ashur-ubbalit II matapos bumagsak ang Nineveh sa magkasanib na puwersa ng Babilonya at Medes noong 612 BCE. Ang Asirya at Ehipto ay nabigo at umurong sa puwersang Babilonya at Medes na humantong sa pagtatapos ng Imperyong Neo-Asirya. Ayon sa 2 Hari, sa pagbalik ni Necho II sa Ehipto, pinalitan niya ang haring si Jehoahaz na anak ni Josias ng isa pang anak ni Josias na si Jehoiakim. Si Jehiakim ay naging isang basalyo ng Ehipto at nagbibigay ng tributo dito.(2 Hari 23:35). Nang matalo ang Ehipto ng Babilonya sa Labanan ng Carcemish noong 605 BCE, kinubkob ni Nabucodonosor II ang Herusalem na nagtulak kay Jehoiakim na lumipat ng katapatan tungo sa Babilonya at naging basalyo nito sa loob ng 3 taon. Nang mabigo ang mga Babilonyo na muling sakupin ang Ehipto, lumipat si Jehoiakim na katapatan tungo sa Ehipto. Noong 598 BCE, kinubkob ni Nabudonosor ang Herusalem sa loob ng 3 at si Jehoiakim ay tinakilaan upang dalhin ni Nabudonosor II sa Babilonya(2 Kronika 36:6) ngunit namatay at hinalinhan ng kanyang anak na si Jeconias. Pagkatapos ng 3 buwan sa ika-7 ni Nabucodonosor II sa buwan ng Kislev 598 BCE, ipinatapon ni Nabucodonosor si Jeconias at mga mamamayan ng Kaharian ng Juda sa Babilonya at nilagay na kapalit ni Jeconias si Zedekias na maging hari ng Kaharian ng Juda. Si Zedekias ay nag-alsa laban sa Babilonya at nakipag-alyansa sa Paraong si Apries. Dahil dito, kinubkob ni Nabudonosor II ang Juda na tumagal ng 30 buwan at pagkatapos ng 11 taong paghahari ni Zedekias, nagwagi si Nabudonosor II sa pananakop sa Juda kung saan pinatay ni Nabucodonosor II ang mga anak ni Zedekias at si Zedekias ay binulag at tinakilaan at dinala sa Babilonya kung saan siya naging bilanggo hanggang sa kanyang kamatayan(Jeremias 52:10-14). Ang Herusalem at Templo ni Solomon ay winasak ng mga Babilonyo noong ca. 587/586 BCE(Jer 52:13-14).Pagkatapos bumagsak ang hari ng Babilonya na si Nabonidus kay Dakilang Ciro noong ca. 539 BCE, pinabalik niya ang mga taga-Juda sa Herusalem at pinayagan ang mga ito na muling itayo ang templo ni Solomon noong 516 BCE. Ang Juda ay naging probinsiya ng Imperyong Persiya bilang Yehud Medinata. Ayon sa mga iskolar, dito napakilala at naimpluwensiyahan ng mga Persiyano at relhiiyong Zoroastrianismo ang mga Hudyo sa kanilang mga paniniwalang gaya ng mga anghel, demonyo, dualismo at mesiyas at tagapagligtas(Saoshyant).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Crotty, Robert Brian (2017). The Christian Survivor: How Roman Christianity Defeated Its Early Competitors. Springer. p. 25 f.n. 4. ISBN 9789811032141. Nakuha noong 28 Setyembre 2020. The Babylonians translated the Hebrew name [Judah] into Aramaic as Yehud Medinata ('Ang Probinsiya ng Juda') or simply 'Yehud' and made it a new Babylonian province. This was inherited by the Persians. Under the Greeks, Yehud was translated as Judaea and this was taken over by the Romans. After the Jewish rebellion of 135 CE, the Romans renamed the area Syria Palaestina or simply Palestine. The area described by these land titles differed to some extent in the different periods.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Spolsky, Bernard (2014). The Languages of the Jews: A Sociolinguistic History. Cambridge University Press. p. 39. ISBN 978-1-107-05544-5. Nakuha noong 4 Mayo 2020.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Gooder, Paula (2013). The Bible: A Beginner's Guide. Beginner's Guides. Oneworld Publications. p. 27. ISBN 978-1-78074-239-7. Nakuha noong 4 Mayo 2020.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "medinah". Bible Hub: Search, Read, Study the Bible in Many Languages. Nakuha noong 4 Mayo 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Philologos (21 Marso 2003). "The Jews of Old-Time Medina". Forward. The Forward Association. Nakuha noong 4 Mayo 2020. ...in the book of Esther,...the opening verse of the Hebrew text tells us that King Ahasuerus ruled over 127 medinas from India to Ethiopia — which the Targum, the canonical Jewish translation of the Bible into Aramaic, renders not as medinata, "cities," but as pilkhin, "provinces."{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Kalimi, Isaac (2005). An Ancient Israelite Historian: Studies in the Chronicler, His Time, Place and Writing. Studia Semitica Neerlandica. BRILL. pp. 12, 16, 89, 133, 157. ISBN 9789004358768. Nakuha noong 28 Setyembre 2020.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Bar-Asher, Moshe (2014). Studies in Classical Hebrew. Studia Judaica, Volume 71 (ika-reprint (na) edisyon). Walter de Gruyter. p. 76. ISBN 978-3-11-030039-0. ISSN 0585-5306. Nakuha noong 28 Setyembre 2020.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Fleishman, Joseph (2009). Gershon Galil; Markham Geller; Alan Millard (mga pat.). To stop Nehemiah from building the Jerusalem wall: Jewish aristocrats triggered an economic crisis. pp. 361-390 [369, 374, 376, 377, 384]. ISBN 9789047441243. Nakuha noong 28 Setyembre 2020. {{cite book}}: |work= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Kochman, Michael (1981). Status and Territory of 'Yehud Medinta' in the Persian Period (dissertation) (sa wikang Ebreo). Hebrew University of Jerusalem. p. 247. ISBN 9783161452406. Nakuha noong 28 Setyembre 2020 – sa pamamagitan ni/ng "Bibliography" (p. 247; just the work's title) in Kasher, Aryeh. "Jews, Idumaeans, and Ancient Arabs: Relations of the Jews in Eretz-Israel with the Nations of the Frontier and the Desert During the Hellenistic and Roman Era (332 BCE-70 CE)". Mohr Siebeck, 1988, Texts and Studies in Ancient Judaism Series (Volume 18), ISBN 9783161452406.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


Maling banggit (May <ref> tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/> tag para rito); $2