[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Ron Paul

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ron Paul
Miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos mula sa ika-14 na distrito ng Texas
Nasa puwesto
3 Enero 1997 – 3 Enero 2013
Nakaraang sinundanGreg Laughlin
Sinundan niRandy Weber
Miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos mula sa ika-22 na distrito ng Texas
Nasa puwesto
3 Enero 1979 – 3 Enero 1985
Nakaraang sinundanRobert Gammage
Sinundan niTom DeLay
Nasa puwesto
3 Abril 1976 – 3 Enero 1977
Nakaraang sinundanRobert R. Casey
Sinundan niRobert Gammage
Personal na detalye
Isinilang
Ronald Ernest Paul

(1935-08-20) 20 Agosto 1935 (edad 89)
Pittsburgh, Pennsylvania
Partidong pampolitikaRepublican (1976–1988)
Libertarian (1988)
Republican (1988–kasalukuyan)
AsawaCarolyn "Carol" Paul
AnakRonald "Ronnie" Paul, Jr.
Lori Paul Pyeatt
Randal "Rand" Paul
Robert Paul
Joy Paul-LeBlanc
TahananLake Jackson, Texas
Alma materGettysburg College (B.S.)
Duke University (M.D.)
PropesyonDoktor, Politiko
Pirma
WebsitioTanggapan ni Ron Paul
Serbisyo sa militar
Sangay/SerbisyoUnited States Air Force
United States Air National Guard
Taon sa lingkod1963–1965
1965–1968

Si Ronald Ernest "Ron" Paul (ipinanganak noong 20 Agosto 1935) ay isang Amerikanong manggagamot at dating kongresista mula sa partidong Republican na kumatawan sa ika-14 na distrito ng Texas mula 1997 hanggang 2013. Bilang isang mambabatas, siya ay naging miyembro ng House Foreign Affairs Committee, ng Joint Economic Committee, at ng Committee on Financial Services. Nagsilbi rin siya bilang pinuno ng House Financial Services Subcommittee on Domestic Monetary Policy, kung saan siya ay isang kilalang kritiko sa kasalukuyang pamamalakad sa ekonomiya at sa ugnayang panlabas ng Estados Unidos.

Si Paul ay isang gradwado sa Gettysburg College at sa Duke University School of Medicine, kung saan nakamit niya ang digri para sa medisina. Si Paul ay naging flight surgeon para sa Hukbong Himpapawid ng Estados Unidos mula 1963 hanggang 1968, sa kalagitnaang ng Digmaang Biyetnam. Siya ay nagtrabaho bilang manggagamot para sa obstetriks at hinekolohiya sa dekadang 1960s at 1970s, at nagpaanak ng halos 4,000 sanggol, bago pumasok sa politika noong 1976.

Si Paul ang nagtatag ng grupong Campaign for Liberty at ang kanyang mga ideya ay inilahad sa di mabilang na mga artikulo at libro, kabilang ang Liberty Defined: 50 Essential Issues That Affect Our Freedom (2011), End The Fed (2009), The Revolution: A Manifesto (2008), Pillars of Prosperity (2008), A Foreign Policy of Freedom: Peace, Commerce, and Honest Friendship (2007), at The Case for Gold (1982). Ayon kay Keith Poole, isang siyentipikong pampolitika mula sa University of Georgia, si Paul ang may pinakakonserbatibong voting record ng kahit sinong miyembro ng Kongreso ng Estados Unidos mula 1937. Ang kanyang anak na si Rand Paul ay inihalal bilang Senador ng Estados Unidos para sa estado ng Kentucky noong 2011, at bilang resulta ay ang nakatatandang Paul ang naging kauna-unahang mambabatas sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos na nanunungkulan kasabay ang kanyang anak sa Senado ng Estado Unidos.

Si Paul ay binansagang "intellectual godfather" ng kilusang Tea Party. Siya ay naging kilala sa kanyang mga posisyong libertaryan sa ilang isyung pampolitika, at madalas siyang nagkakabanggaan sa mga pinuno ng mga partidong Republican at Democratic dahil sa mga posisyong ito. Minsang tumakbo si Paul para sa pagka-Pangulo ng Estados Unidos noong 1988 bilang nominado ng partidong Libertarian, at noong 2008 at 2012 bilang kandidato para sa nominasyon ng partidong Republican.

Mga Kawing Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]