[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Pangatnig

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa balarila, ang pangatnig ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, sugnay o pangungusap.

Sa balarilang Filipino, ang pangatnig ay maaring magbukod (katulad ng "o," "ni", "habang" at "maging"), manalungat (katulad ng "ngunit," "habang" at "bagamat"), maglinaw (katulad ng "kaya," "kung" at "gayon"), manubali (katulad ng "kapag" at "sana"), magbigay halintulad (katulad ng "kung saan" at "gayon din"), magbigay sanhi (katulad ng "sapagkat" at "dahil") at magbigay ng pagtatapos (katulad ng "sa wakas" at "upang").

Halimbawa

at

Ito ay ginagamit na pang-ugnay sa dalawang salita, parirala o pangungusap na pagkaugnay.

Halimbawa: "ina at ama", "Aalis ako ngayon at bukas na ako babalik."

Isa pang halimbawa: "Pupunta ako sa parke kasama sina Liza at Remy."

ngunit, subalit, pero, datapwat, kaso

Ito ay ginagamit na pang-ugnay ng dalawang kaisipang magkakontra o magkasalungat.

Halimbawa: "Gusto kong maligo pero wala namang tubig."

Isa pang halimbawa: "Kailangan ko lumabas, kaso nawawala ang quarantine pass ko."

o

Ito ay ginagamit na pang-ugnay ng mga salita o kaisipang pinagpipilian.

Halimbawa: "mahal ko o mahal ako", "Alin sa mga ito ang gusto mo, pula, puti o asul?"

Iba pang halimbawa

Narito ang mga iba pang uri ng pangatnig:

  • ni- pang ugnay sa pangalang ng tao
  • kaya
  • maging
  • man
  • saka
  • pati
  • di kaya
  • gayundin
  • kung alin
  • bagkus
  • samantala
  • habang
  • maliban
  • bagaman
  • kung
  • sa bagay
  • kundi
  • kapag
  • sakali
  • sana
  • sapagkat
  • kasi
  • kung kaya
  • palibhasa
  • dahil sa
  • sanhi ng
  • samakatuwid
  • sa madaling salita
  • Habang

Mga Sanggunian

Mga Pinagkukunan

  • Pinagyamang Pluma 9, by Ailene G. Baisa-Julian, Mary Grace G. del Rosario, Nestor S. Lontoc ISBN 978-971-06-3652-5, pp. 87

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.