Parirala
Ang parirala ay mga lipon ng salita na walang simuno at panaguri at ginagamit lamang sa bahagi ng pangungusap.
Uri ng Parirala
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pariralang pandiwa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ito ay pariralang binubuo ng pandiwa at pang-uri o lipon nito.
Pariralang Pang-ukol
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ito ay binubuo ng pang-ukol at ang layon nito.
- Halimbawa: Huwag kayong gagawa ng labag sa batas.
Pariralang Pawatas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ito ay pagsasama ng pawatas na anyo ng pandiwa at ng layon nito.
- Halimbawa: Ang magsabi ng katotohanan ay mahirap gawin minsan.
Parirala sa Pangngalang Diwa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagsasama ng panlaping pag + salitang ugat + pag-uulit ng unang pantig ng salitang ugat + layon nito.
- Halimbawa: Ang paglalakad sa batuhan ay mahirap.
Pariralang Pandiwa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagsasama ng panlaping naka + salitang ugat + layon nito o kaya ay pagsasama ng pantukoy na ang + pang-ngalang diwa + layon nito. Tumutukoy sa aksyon.
- Halimbawa: Ang nakatayo sa unahan ng klasrum ay ang pinakamahusay na mag-aaral.
Gamit ng Parirala sa Pangungusap
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pariralang Pangngalan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang parirala ay ginagamit bilang isang pangngalan.
- Halimbawa: Ang tanging pinahahalagahan ni Mayie ay "ang pagmamahalan nila ng kanyang kasintahan."
Simuno
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang parirala ang pangunahing diwa ng pangungusap.
- Halimbawa: Laging' tinatandaan ni Domeng ang ukol sa kanyang kinabukasan
ang mabuting mamayan ay nagbabayad ng buwis
Kaganapang Pansimuno
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang parirala ay ipinapakilala ang simuno
- Halimbawa: Ang tinalakay nina Feliz at Edward ay tungkol sa ikauunlad ng bayan.
Pamuno sa Simuno
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang simuno at ang pariralang nasa bahagi ng paksa ay iisa lamang.
- Halimbawa: Si Gail, ang pinuno ng aming klase, ay isang manunulat na.
Pariralang Pang-uri
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang parirala ay ginagamit upang mag-bigay turing sa pangngalan o panghalip.
- Halimabawa: Si Bianca ay isang babaeng may kalukuhan.
Pariralang Pang-abay
[baguhin | baguhin ang wikitext]ang parirala ay sumasagot sa tanong na saan at kailan.
- Halimbawa: Ang bata ay pupunta sa parke.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.