[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Oseas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Propeta Oseas.

Si Oseas (Ingles: Hosea ay isang propetang nabanggit sa Lumang Tipan ng Bibliya. Siya ang sumulat ng Aklat ni Oseas. Nangangahulugang tumutulong ang Panginoon ang kaniyang pangalan.[1] Siya ang kauna-unahang manunulat sa Bibliyang naglarawan sa ugnayan ng Diyos at ng mga mamamayan ng Israel bilang isang kasal, isang gawi ng pagsasagisag na nadala rin sa Bagong Tipan, katulad ng pagtutulad ng Simbahan bilang isang "pakakasalang babae" ni Hesukristo.[2]

Si Oseas ay anak ni Beri. Nagbuhat siya sa Efraim, sa hilaga ng Kaharian ng Israel. Pinaniniwalaang isa siyang magsasaka, sapagkat ipinapahiwatig ng kaniyang sariling mga pangungusap na nasa Aklat ni Oseas. Naglahad siya ng mga hula noong panahon ni Jeroboam II at sa mga humalili sa pinunong ito. Inihahambing si Oseas kay San Juan ang Alagad. Sinasabing si Oseas ang "propeta ng pag-ibig" samantalang santo naman ng pag-ibig si San Juan.[1]

Bilang propeta

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nangaral si Oseas sa kaharian ng mga Israelita sa kapanahunan ng kaguluhan doon, bago pa bumagsak ang Samaria noong 721 BK. Siya ang kasunod ng propetang si Amos, ngunit mas nakababatang kasabayan ni Amos si Oseas.[2] Nagkaroon siya ng labis na pagkabahala sa ginagawang pagsamba ng mga mamamayan sa mga diyus-diyosan, na inihambing niya sa sariling karanasan at kaguluhan ng buhay, partikular na ang pagkakaroon ng kaugnayan kay Gomer, kaniyang dating asawa na namuhay bilang isang patutot, isang babaeng nagtaksil kay Oseas. Sa kaniyang paghahambing, katulad ng bayang Israel si Gomer.[3] Dahil sa kapabayaan, sinasabing hahatulan ang bayang Israel, ngunit mananaig pa rin ang pagpapatuloy ng pag-ibig ng Diyos sa kaniyang bayan, kaya't mahihimok pa rin ang mga mamamayang magsipagbalik-kalooban sa Diyos.[3] Ito ang talinghalaga ni Oseas nang ihambing ang sariling karanasan natamo mula kay Gomer.[2]

  1. 1.0 1.1 Abriol, Jose C. (2000). "Oseas". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 Reader's Digest (1995). "Hosea". The Reader's Digest Bible, Illustrated Edition (Condensed from the Revised Standard Version: Old and New Testaments). The Reader's Digest Association, Inc., Pleasantville, London/New York/Montreal/Sydney/Auckland/Cape Town, ISBN 0276420136.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Aklat ni Oseas". Ang Biblia/Bagong Magandang Balita Biblia (Lumang Tipan, Deuterocanonico at Bagong Tipan). Philippine Bible Society, Lungsod ng Batangas, Pilipinas. 2008.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)