[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Miss Universe 2022

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Miss Universe 2022
R'Bonney Gabriel, Miss Universe 2022
Petsa14 Enero 2023
Presenters
Entertainment
  • Big Freedia
  • Big Sam's Funky Nation
  • Amanda Shaw
  • Tank and the Bangas
  • Yolanda Adams
PinagdausanNew Orleans Morial Convention Center, New Orleans, Louisiana, Estados Unidos
Brodkaster
Lumahok83
Placements16
Bagong saliButan
Hindi sumali
  • Dinamarka
  • Irlanda
  • Israel
  • Kasakistan
  • Kenya
  • Maruekos
  • Noruwega
  • Rumanya
  • Suwesya
  • Unggarya
Bumalik
  • Anggola
  • Belis
  • Indonesya
  • Kirgistan
  • Libano
  • Malaysia
  • Myanmar
  • Santa Lucia
  • Seykelas
  • Suwisa
  • Trinidad at Tobago
  • Urugway
NanaloR'Bonney Gabriel
 Estados Unidos
Pinakamahusay na Pambansang KasuotanViktoria Apanasenko
Ukraine Ukranya
← 2021
2023 →

Ang Miss Universe 2022 ay ang ika-71 edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa New Orleans Morial Convention Center sa New Orleans, Louisiana, sa Estados Unidos noong 14 Enero 2023.[1][2] Ito ang pang-apat na pagkakataon sa kasaysayan ng kompetisyon na lumaktaw ng isang buong taon ang kompetisyon, kasunod ng Miss Universe 2014, Miss Universe 2016, at Miss Universe 2020.[3][4][5] Ito rin ang unang edisyon ng kompetisyon na ginanap sa ilalim ng pagmamay-ari ng JKN Global Group, na binili ang Miss Universe Organization mula sa WME/IMG noong 26 Oktubre 2022.[6][7][8]

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Harnaaz Sandhu ng Indiya si R'Bonney Gabriel ng Estados Unidos bilang Miss Universe 2022.[9][10] Ito ang ikasiyam na tagumpay ng Estados Unidos, ang pinakamarami sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Amanda Dudamel ng Beneswela, at nagtapos bilang second runner-up si Andreina Martínez ng Republikang Dominikano.[11]

Mga kandidata mula sa walumpu't-tatlong bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Miss Universe 2012 Olivia Culpo at Jeannie Mai ang kompetisyon, samantalang sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at si Zuri Hall ang nagsilbing mga backstage correspondent.[12][13] Itinampok rin sa edisyong ito ang bagong Mouawad Force for Good Crown na may 110.38 karat ng bughaw na sapiro at 48.24 karat ng puting diyamante na nagkakahalaga ng humigit-kumulang $6 milyon.[14][15]

New Orleans Morial Convention Center, ang lokasyon ng Miss Universe 2022

Lokasyon at petsa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nasa proseso ng talakayan diumano ang Miss Universe Organization upang isagawa ang kompetisyon sa Republikang Dominikano. Ang mga talakayan ay kinumpirma ng pambansang direktor ng Miss Dominican Republic na si Magli Febles. Plano ni Febles na itanghal ang kompetisyon sa Punta Cana at plano nilang ganapin ito sa katapusan ng Oktubre.[16] Subalit, hindi nagpatuloy ang plano upang isagawa ang kompetisyon sa Republikang Dominikano dahil sa kawalan ng interes sa bahagi ng Estado ng Republikang Dominikano.[17]

Noong 1 Setyembre 2022, iniulat ng pahayagang El Vocero na may isang sulatronikong ipinadala sa mga pambansang direktor na nagsasaad na ang ika-71 edisyon ng kompetisyon ay gaganapin sa unang kwarter ng 2023, dahil sa potensyal na pagsalungat ng mga petsa sa 2022 FIFA World Cup sa Nobyembre at Disyembre 2022.[18][19] Iniulat din ng pahayagan na ang Nha Trang, Biyetnam, Los Angeles, Miami, at New Orleans sa Estados Unidos ay nakita bilang mga potensyal na host city.[20] Kalaunan, sa kaparehong buwan, ipinahayag ng pangulo ng Miss Universe Organization na si Paula Shugart sa panayam ng ABS-CBN News and Current Affairs na gaganapin ang kompetisyon sa Enero 2023, na nagpapatunay na ang dahilan ng pagpapaliban ay upang maiwasan ang pagsalungat ng mga petsa sa 2022 FIFA World Cup.[21][22]

Noong 19 Setyembre 2022, opisyal na inanunsyo ng Miss Universe Organization na ang kompetisyon ay gaganapin sa 14 Enero 2023 sa New Orleans Morial Convention Center sa New Orleans, Louisiana. Inanunsyo rin ng organisasyon na ang paunang kompetisyon ay gaganapin sa 11 Enero.[23][24]

Pagpili ng mga kalahok

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga kalahok mula sa walumpu't-tatlong bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. labing-siyam na kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang bansa/teritoryo matapos maging isang runner-up sa kanilang kompetisyong pambansa. Bagamá't walumpu't-apat na kandidata ang lumahok sa paunang kompetisyon, walumpu't-tatlo lang ang lumahok para sa panghuling kompetisyon dahil sa pagbitiw ng isang kandidata sa kompetisyon.

Iniluklok ang first runner-up ng Miss Bolivia 2022 na si Camila Sanabria bilang kandidata ng Bulibya sa Miss Universe matapos na mapatalsik si Miss Bolivia 2022 Fernanda Pavisic para sa pangungutya sa mga headshot ng ibang kandidata sa Miss Universe sa kanyang mga Instagram story.[25] Iniluklok ng Miss Universe Colombia Organization si María Fernanda Aristizábal, Senorita Colombia 2019, bilang kinatawan ng Kolombya sa Miss Universe.[26] Si Aristizábal ang orihinal na kandidata ng Kolombya sa Miss Universe 2020, subalit siya ay hindi kumalahok sa kompetisyon matapos mawalan ng prangkisa ng Miss Universe ang Senorita Colombia Organization.[27] Iniluklok ang first runner-up ng Miss Universe Cayman Islands 2022 na si Chloe Powery-Doxey bilang kandidata ng Kapuluang Kayman sa Miss Universe dahil nahaharap sa mga kasong kriminal ang orihinal na Miss Universe Cayman Islands 2022 na si Tiffany Conolly.[28][29] Iniluklok ang first runner-up ng Miss France 2022 na si Floriane Bascou bilang kandidata ng Pransiya sa Miss Universe matapos na pinili ni Miss France 2022 Diane Leyre na huwag munang sumali sa kahit anong internasyonal na kompetisyon dahil sa kakulangan sa oras sa paghahanda.[30][31] Si Miss Dominican Republic 2021 Andreina Martínez ay iniluklok upang kumatawan sa Republikang Dominikano sa edisyong ito. Siya ay dapat na kakalahok sa Miss Universe 2021, ngunit siya ay nagpositibo sa COVID-19 bago ang kompetisyon.[32][33]

Mga unang pagsali at pag-urong sa kompetisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Unang sumali sa edisyong ito ang bansang Butan,[34] at bumalik ang mga bansang Anggola, Belis, Guam, Indonesya, Kirgistan, Libano, Malaysia, Miyanmar, Santa Lucia, Seykelas, Suwisa, Trinidad at Tobago, at Urugway.[35] Huling sumali noong 1995 ang Seykelas, noong 2017 ang Trinidad at Tobago, noong 2018 ang Libano at Suwisa, noong 2019 ang Anggola at Santa Lucia, at noong 2020 ang Belis, Indonesya, Malaysia, Miyanmar, at Urugway.[36] Hindi sumali ang mga bansang Dinamarka, Irlanda, Israel, Kasakistan, Kenya, Moroko, Noruwega, Rumanya, Suwesya, at Unggarya sa edisyong ito.[37][38] Hindi sumali si Diana Tashimbetova ng Kasakistan dahil sa kakulangan ng suportang pinansyal mula sa license holder.[39]

Simula sa ika-72 edisyon ng kompetisyon, pinahihintulutan ng Miss Universe Organization ang mga ina at may-asawa na kumalahok sa kompetisyon. Gayunpaman, nanatili pa rin ang age limit na 18 hanggang 28 taong gulang.[40][41][42]

Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss Universe 2022 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pagkakalagay Kandidata
Miss Universe 2022
1st runner-up
2nd runner-up
Top 5
Top 16

Mga espesyal na parangal

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Parangal (Mga) Nagwagi
Miss Congeniality
Best National Costume
Spirit of Carnival Award
Social Impact Award
Swimsuit Cape Vote

Pormat ng kompetisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ilang mga pagbabago sa pormat ng kompetisyon ang ipinatupad ng Miss Universe. Tulad noong 2021, labing-anim na semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon at mga closed-door interview. Isinagawa ang internet voting kung saan ang mga manonood ay maaaring bumoto para sa isa pang kandidata upang umabante sa semi-finals. Lumahok ang labing-anim na semi-finalist sa swimsuit competition, kung saan ang mga kapa ay kanilang idinisenyo, at evening gown.[48] Mula sa labing-anim, limang pinalista ang sumabak sa paunang question-and-answer round, at tatlong pinalista naman ang sumabak sa final word at final walk.[49]

Komite sa pagpili

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Ximena NavarreteMiss Universe 2010 mula sa Mehiko[50][51]
  • Big Freedia – rapper at tagaganap na Amerikano[50][51]
  • Mara Martin – modelong Amerikana[50][51]
  • Wendy Fitzwilliam – Miss Universe 1998 mula sa Trinidad at Tobago[50][51]
  • Emily Austin – aktres at mamamahayag na Amerikano[50][51]
  • Olivia Quido – CEO at tagapagtatag ng O Skin Med Spa[50][51]
  • Myrka Dellanos – Amerikanang awtor, mamamahayag, at host sa telebisyon at radyo[50][51]
  • Sweta Patel – awtor, miyembro ng Forbes council at tagapagtatag ng Healveda[50][51]
  • Olivia Jordan – Miss USA 2015 mula sa Oklahoma (bilang hurado sa gabi ng koronasyon lamang)[50][51]
  • Kathleen Ventrella – Chief Marketing Officer ng Impact WayV (bilang hurado sa gabi ng koronasyon lamang)[50][51]

Mga kandidata

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Walumpu't-tatlong kandidata ang lumahok para sa titulo.[52]

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan
Albanya Albanya Deta Kokomani[53] 21 Durrës
Alemanya Alemanya Soraya Kolhmann[54] 24 Leipzig
Angola Anggola Swelia Antonio[55] 24 Luanda
Arhentina Arhentina Bárbara Cabrera[56] 22 Buenos Aires
Armenya Armenya Kristina Ayanian[57] 25 Ereban
Aruba Aruba Kiara Arends[58] 23 Oranjestad
Australia Australya Monique Riley[59] 18 Sydney
Bahamas Bahamas Angel Cartwright[60] 27 Long Island
Bahrain Bahreyn Evlin Khalifa[61] 24 Riffa
Belhika Belhika Chayenne Van Aarle[62] 23 Amberes
Belize Belis Ashley Lightburn[63] 22 Lungsod ng Belis
Venezuela Beneswela Amanda Dudamel[64] 23 Mérida
Vietnam Biyetnam Nguyễn Thị Ngọc Châu[65] 28 Tây Ninh
Brazil Brasil Mia Mamede[66] 26 Vitória
Bulgaria Bulgarya Kristina Plamenova[67] 26 Sopiya
Bolivia Bulibya Camila Sanabria[68] 28 Santa Cruz
Bhutan Butan Tashi Choden[69] 23 Wangdue Phodrang
Curaçao Curaçao Gabriëla Dos Santos[70] 20 Willemstad
Ecuador Ekwador Nayelhi González[71] 26 Esmeraldas
El Salvador El Salbador Alejandra Guajardo[72] 26 Cabañas
Slovakia Eslobakya Karolina Michálčiková[73] 23 Trenčín
Espanya Espanya Alicia Faubel[74] 25 Alicante
Estados Unidos Estados Unidos R'Bonney Gabriel[75] 28 Houston
Ghana Gana Engracia Afua Mofuman[76] 27 Kumasi
Equatorial Guinea Gineang Ekwatoriyal Alba Isabel Obama[77] 21 Mbini
United Kingdom Gran Britanya Noky Simbani[78] 25 Derby
Greece Gresya Korina Emmanouilidou[79] 24 Kozani
Guatemala Guwatemala Ivana Batchelor[80] 21 Quetzaltenango
Jamaica Hamayka Toshami Calvin[81] 26 Saint Thomas
Hapon Hapon Marybelen Sakamoto[82] 23 Chiba
Haiti Hayti Mideline Phelizor[83] 27 Port-au-Prince
Honduras Honduras Rebeca Rodríguez[84] 20 San Pedro Sula
India Indiya Divita Rai[85] 25 Mangalore
Indonesia Indonesya Laksmi De-Neefe Suardana[86] 26 Ubud
Italya Italya Virginia Stablum[87] 24 Trento
Cambodia Kambodya Manita Hang[88] 23 Nom Pen
Cameroon Kamerun Mouketey Lynette Jelly[89] 26 Buea
Canada Kanada Amelia Tu[90] 20 Vancouver
Kapuluang Birheng Britaniko Kapuluang Birheng Britaniko Lia Claxton[91] 18 Tortola
Cayman Islands Kapuluang Kayman Chloe Powery-Doxey[92] 25 George Town
Kyrgyzstan Kirgistan Altynai Botoyarova[93] 18 Biskek
Colombia Kolombya María Fernanda Aristizábal[26] 24 Armenia
Kosovo Kosobo Roksana Ibrahimi[94] 21 Pristina
Costa Rica Kosta Rika Fernanda Rodríguez[95] 24 Quesada
Croatia Kroasya Arijana Podgajski[96] 19 Krapina
 Laos Payengxa Lor[97] 21 Vientiane
Lebanon Libano Yasmina Zaytoun[98] 20 Kfarchouba
Iceland Lupangyelo Hrafnhildur Haraldsdóttir[99] 18 Reikiavik
Malaysia Malaysia Lesley Cheam[100] 26 Semenyih
Malta Malta Maxine Formosa[101] 21 St. Julian's
Mauritius Mawrisyo Alexandrine Belle-Étoile[102] 25 Curepipe
Mexico Mehiko Irma Miranda[103] 26 Ciudad Obregon
Myanmar Miyanmar Zar Li Moe[104] 20 Bhamo
Namibia Namibya Cassia Sharpley[105] 21 Windhoek
Nepal Nepal Sophiya Bhujel[106] 27 Katmandu
Niherya Niherya Montana Felix[107] 21 Edo
Nicaragua Nikaragwa Norma Huembes[108] 24 San Marcos
Netherlands Olanda Ona Moody[109] 25 Amsterdam
Panama Panama Solaris Barba[110] 23 Herrera
Paraguay Paragway Leah Ashmore[111] 27 Villarrica
Peru Peru Alessia Rovegno[112] 24 Lima
Pilipinas Pilipinas Celeste Cortesi[113] 24 Pasay
Finland Pinlandiya Petra Hämäläinen[114] 26 Savonlinna
Poland Polonya Aleksandra Klepaczka[115] 22 Łódź
Puerto Rico Porto Riko Ashley Cariño[116] 28 Fajardo
Portugal Portugal Telma Madeira[117] 22 Lisbon
Pransiya Pransiya Floriane Bascou[118] 20 Le Lamentin
Republikang Dominikano Republikang Dominikano Andreina Martínez[119] 24 Santiago
Republikang Tseko Republikang Tseko Sára Mikulenková[120] 20 Valašské Mezirící
Rusya Rusya Anna Linnikova[121] 22 Orenburg
Saint Lucia Santa Lucia Sheris Paul[122] 26 Castries
Seychelles Seykelas Gabriella Gonthier[123] 24 Mahé
Singapore Singapura Carissa Yap[124] 22 Singapura
Switzerland Suwisa Alia Giundi[125] 19 Valais
Thailand Taylandiya Anna Sueangam-iam[126] 23 Bangkok
South Africa Timog Aprika Ndavi Nokeri[127] 23 Tzaneen
Timog Korea Timog Korea Hanna Kim[128] 26 Seoul
Trinidad at Tobago Trinidad at Tobago Tya Janè Ramey[129] 24 Port of Spain
Chile Tsile Sofia Depassier[130] 22 Santiago
Republikang Bayan ng Tsina Tsina Jiang Sichen[131] 26 Shanghai
Turkey Turkiya Aleyna Şirin[132] 21 Istanbul
Ukraine Ukranya Viktoria Apanasenko[133] 27 Chernihiv
Uruguay Urugway Carla Romero[134] 24 Montevideo
  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Next Miss Universe pageant to be broadcast from New Orleans". ABC News (sa wikang Ingles). 21 Setyembre 2022. Nakuha noong 18 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Miss Universe 2022 to be held in USA". Rappler (sa wikang Ingles). 20 Setyembre 2022. Nakuha noong 18 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Miss Universe 2014 will take place in 2015". Rappler (sa wikang Ingles). 8 Oktubre 2014. Nakuha noong 26 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "It's official: Miss Universe in PH will push through—DOT". Lifestyle.INQ (sa wikang Ingles). 3 Nobyembre 2016. Nakuha noong 26 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Bracamonte, Earl D. C. (4 Marso 2021). "Miss Universe 2020 date, venue announced; 2021 pageant also reportedly set". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 26 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Thai businesswoman buys Miss Universe pageant for $20 mln". Reuters (sa wikang Ingles). 26 Oktubre 2022. Nakuha noong 26 Oktubre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Pirommuang, Tassanun (27 Oktubre 2022). "แอน จักรพงษ์ ประกาศ Miss Universe เตรียมฉายช่อง JKN18". Bright Today (sa wikang Thai). Nakuha noong 29 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Bellamy-Walker, Tat (27 Oktubre 2022). "Transgender businesswoman buys Miss Universe pageant for $20M". NBC (sa wikang Ingles). Nakuha noong 27 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Miss USA R'Bonney Gabriel crowned Miss Universe 2022". NBC News (sa wikang Ingles). 15 Enero 2023. Nakuha noong 15 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 10.2 10.3 "USA's R'Bonney Gabriel is Miss Universe 2022". Rappler (sa wikang Ingles). 15 Enero 2023. Nakuha noong 15 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Filipino-American R'Bonney Gabriel claims Miss Universe 2022 title". CNN Philippines (sa wikang Ingles). 15 Enero 2023. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Enero 2023. Nakuha noong 15 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Schneider, Michael (4 Enero 2023). "Olivia Culpo, Jeannie Mai Jenkins to Host 71st Miss Universe Telecast (EXCLUSIVE)". Variety (sa wikang Ingles). Nakuha noong 5 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Gabinete, Jojo (5 Enero 2023). "Miss Universe 2012 Olivia Culpo returns as co-host of Miss Universe 2022". PEP.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 5 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Severo, Jan Milo (20 Disyembre 2022). "Miss Universe unveils new crown worth almost $6M". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Viernes, Franchesca (19 Disyembre 2022). "Miss Universe unveils Mouawad 'Force for Good' crown made of sapphires, diamonds". GMA News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Miss Universe Myanmar 2022 Finale Held In Yangon". African News Agency (sa wikang Ingles). 1 Oktubre 2022. Nakuha noong 2 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Magali Febles: las condiciones están dadas para que RD sea sede de Miss Universo". Diario Libre (sa wikang Kastila). 31 Mayo 2022. Nakuha noong 28 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Figueroa Roqué, Jan (1 Setyembre 2022). "Aplazado Miss Universe para 2023 y suena Puerto Rico como sede". El Vocero de Puerto Rico (sa wikang Kastila). Nakuha noong 2 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Requintina, Robert (6 Setyembre 2022). "No Miss Universe pageant this year?". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Tusing, David (5 Setyembre 2022). "Miss Universe 2022 postponed to next year". The National (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Tagala, Don (16 Setyembre 2022). "Miss Universe Organization president talks pageant changes, 'for sale' report". ABS-CBN News. Nakuha noong 17 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Gabinete, Jojo (2 Setyembre 2022). "Miss Universe 2022, sa 2023 pa gaganapin; Miss Universe, gusto nang ibenta". PEP.ph. Nakuha noong 10 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Bracamonte, Earl D. C. (19 Setyembre 2022). "Miss Universe 2022 reveals date, venue; confirms moms, wives can join". Philippine Star. Nakuha noong 20 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Requintina, Robert (20 Setyembre 2022). "Date and venue of 2022 Miss Universe Competition revealed!". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. "Promociones Gloria nombra a María Camila Sanabria como Miss Bolivia Universo tras destitución de Pavisic". Opinión Bolivia (sa wikang Kastila). 1 Disyembre 2022. Nakuha noong 5 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. 26.0 26.1 "María Fernanda Aristizábal representará a Colombia en el Miss Universo 2022". El Heraldo (sa wikang Kastila). 6 Abril 2022. Nakuha noong 14 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. "María Fernanda Aristizábal ya no representará a Colombia en Miss Universo". Noticias Caracol (sa wikang Kastila). 3 Hunyo 2020. Nakuha noong 26 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. Wheaton, Vicki (7 Agosto 2022). "Tiffany Conolly crowned Miss Cayman Islands Universe 2022". Cayman Compass (sa wikang Ingles). Nakuha noong 7 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. "Chloe officially heading to pageant in New Orleans". Cayman News Service (sa wikang Ingles). 9 Nobyembre 2022. Nakuha noong 12 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. "Diane Leyre, Miss France 2022, renonce à participer à Miss Monde et Miss Univers". Closer Magazine (sa wikang Pranses). 12 Oktubre 2022. Nakuha noong 28 Oktubre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Yahoo! News.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. Bernard, Louise; Delinger, Solène (12 Oktubre 2022). "Diane Leyre ne participe pas à Miss Univers et Miss Monde : qui sont ses remplaçantes ?". Europe 1 (sa wikang Pranses). Nakuha noong 28 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. "¿Quién es Debbie Aflalo Vargas, la nueva representante dominicana al Miss Universo?". Diario Libre (sa wikang Kastila). 16 Nobyembre 2021. Nakuha noong 27 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. "Ahora sí, Andreina Martínez representará a República Dominicana en Miss Universo 2022". Listin Diario (sa wikang Kastila). 27 Abril 2022. Nakuha noong 27 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. Dema, Choni (7 Mayo 2022). Gyaltshen, Yeshi (pat.). "Winner of Miss Bhutan to compete in Miss Universe beauty pageant". Bhutan Broadcasting Service (sa wikang Ingles). Nakuha noong 27 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. Keane, Devyn (19 Setyembre 2022). "New Orleans to host Miss Universe Competition in 2023". WWL-TV (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. Tan, Thomas (10 Abril 2022). "Miss Universe Malaysia 2022 Top 15 finalists unveiled". Citizens Journal (sa wikang Ingles). Nakuha noong 27 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. Bracamonte, Earl D. C. (16 Nobyembre 2022). "Miss Israel pageant halts after 70 years following Miss Universe ownership, rules change". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. Requintina, Robert (29 Mayo 2022). "Romania pulls out of 2022 Miss Universe Competition". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong 27 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. "Hoa hậu Hoàn vũ Kazakhstan bị tước vương miện". Báo điện tử Tiền Phong (sa wikang Biyetnames). 3 Enero 2023. Nakuha noong 5 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. Bracamonte, Earl D. C. (12 Agosto 2022). "Miss Universe allows moms, wives to join starting 2023". Philippine Star. Nakuha noong 10 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. "Латвию на конкурсе "Мисс Вселенная" представит рижанка Кате Алексеева". Tvnet.lv (sa wikang Ruso). 13 Oktubre 2022. Nakuha noong 18 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. DeNiazi, Daniel (14 Agosto 2022). "Ida Anette Hauan vant Miss Norway". Extraavisen (sa wikang Noruwegong Bokmål). Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Agosto 2022. Nakuha noong 14 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. 43.0 43.1 Severo, Jan Milo (15 Enero 2023). "FULL TEXT: Miss Universe 2022 Top 5 Q&A portion". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 15 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  44. 44.00 44.01 44.02 44.03 44.04 44.05 44.06 44.07 44.08 44.09 44.10 "Philippines' Celeste Cortesi finishes Miss Universe 2022 journey early". Rappler (sa wikang Ingles). 15 Enero 2023. Nakuha noong 15 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. 45.0 45.1 45.2 45.3 Tinoco, Armando (15 Enero 2023). "Miss Universe Winner: USA Representative R'Bonney Gabriel Takes Crown". Deadline (sa wikang Ingles). Nakuha noong 15 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  46. Bracamonte, Earl D. C. (16 Marso 2023). "Ukraine declared Miss Universe 2022 National Costume winner". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 16 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  47. Cao, Tan (19 Enero 2023). "Nguyen Thi Ngoc Chau wins best swimsuit cape competition at 2023 Miss Universe". VnExpress International (sa wikang Ingles). Nakuha noong 16 Mayo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  48. "Miss Universe discloses details pertaining changes in the upcoming edition!". The Times of India (sa wikang Ingles). 30 Nobyembre 2022. Nakuha noong 11 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  49. Llemit, Kathleen A. (14 Enero 2023). "From 16 to 5: Catriona Gray, Celeste Cortesi confirm drastic semifinal cut at Miss Universe 2022". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 15 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  50. 50.00 50.01 50.02 50.03 50.04 50.05 50.06 50.07 50.08 50.09 Tuazon, Nikko (11 Enero 2023). "Olivia Quido-Co joins Miss Universe 2022 selection committee". PEP.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 11 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  51. 51.00 51.01 51.02 51.03 51.04 51.05 51.06 51.07 51.08 51.09 "LOOK: Miss Universe unveils all-female selection committee for 2022 pageant". Rappler (sa wikang Ingles). 11 Enero 2023. Nakuha noong 16 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  52. Purnell, Kristofer (12 Enero 2023). "LIST: Meet the Miss Universe 2022 candidates". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 16 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  53. "Zgjedhet Miss Universe Albania 2022". Klan Kosova (sa wikang Albanes). 10 Hunyo 2022. Nakuha noong 11 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  54. "Sie ist die neue "Miss Universe Germany": Soraya Kohlmann holt wieder ein krönchen nach Leipzig". Tag24 (sa wikang Aleman). 3 Hulyo 2022. Nakuha noong 4 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  55. "Miss Angola-Holanda, Swelia António é a Miss Universo Angola 2022". Jornal de Angola (sa wikang Portuges). 7 Agosto 2022. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Abril 2023. Nakuha noong 7 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  56. "Bárbara Cabrera, la representante argentina para Miss Universo: "Quiero traer la corona"". Caras Argentina (sa wikang Kastila). 4 Oktubre 2022. Nakuha noong 8 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  57. Nguyen, Chi (3 Nobyembre 2022). "Bại trận trước Thùy Tiên, 'Miss tuột giày' đại diện Armenia tham dự Hoa hậu Hoàn vũ". Saostar.vn (sa wikang Biyetnames). Nakuha noong 3 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  58. "Kiara Arends corona como Miss Universe Aruba 2022". Diario Aruba (sa wikang Papiamento). 2 Agosto 2022. Nakuha noong 5 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  59. George, Owen (9 Setyembre 2022). "Monique Riley is your Miss Universe Australia 2022". gcmag.com.au (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  60. Moss, Shavaughn (5 Agosto 2022). "Destiny fulfilled". The Nassau Guardian (sa wikang Ingles). Nakuha noong 7 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  61. Gillett, Katy (11 Setyembre 2022). "Evlin Khalifa crowned Miss Universe Bahrain 2022". The National (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  62. Boeckx, Jolien (26 Marso 2022). "Chayenne Van Aarle (23) uit Antwerpen is Miss België 2022". Het Laatste Nieuws (sa wikang Olandes). Nakuha noong 2 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  63. "Ashley Lightburn, advocate for women in Science, Technology, Engineering and Math (STEM)". Breaking Belize News (sa wikang Ingles). 13 Agosto 2022. Nakuha noong 14 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  64. "Ella es la hija de Rafael Dudamel que fue coronada Miss Venezuela". El Heraldo (sa wikang Kastila). 29 Oktubre 2021. Nakuha noong 5 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  65. "Ngọc Châu - quán quân Top Model thành Hoa hậu Hoàn vũ Việt Nam" [Ngoc Chau - Top Model winner becomes Miss Universe Vietnam]. VnExpress (sa wikang Biyetnames). 26 Hunyo 2022. Nakuha noong 5 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  66. Santana, Caio (19 Hulyo 2022). "Espírito Santo vence Miss Brasil pela 1ª vez na história com Mia Mamede". Universo Online (sa wikang Portuges). Nakuha noong 20 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  67. "Miss Bulgaria: Kristina Plamenova". Telemundo (sa wikang Kastila). 30 Nobyembre 2022. Nakuha noong 9 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  68. Suarez Ramirez, Marcelo (2 Disyembre 2022). "Quitan la corona a Pavisic; Camila Sanabria es la nueva miss Bolivia". El Deber (sa wikang Kastila). Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Disyembre 2022. Nakuha noong 3 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  69. "Tashi Choden from Wangdue Phodrang crowned Miss Universe Bhutan 2022". Bhutan Broadcasting Service (sa wikang Ingles). 6 Hunyo 2022. Nakuha noong 10 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  70. Hart, Rick (28 Mayo 2022). "Gabriela Dos Santos Miss Curaçao 2022". nu.CW (sa wikang Olandes). Nakuha noong 7 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  71. León, Diana (4 Setyembre 2022). "Nayelhi González, de Esmeraldas, fue coronada como la nueva Miss Ecuador". El Universo (sa wikang Kastila). Nakuha noong 4 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  72. Orellana, Óscar (14 Agosto 2022). "FOTOS: Ella es la nueva Miss Universo El Salvador 2022". El Diario de Hoy (sa wikang Kastila). Nakuha noong 25 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  73. "Miss Universe Slovakia 2022: Po korunovácii prišlo obrovské prekvapenie! Žiadosť o ruku pred stovkami očí". Nový Čas (sa wikang Eslobako). 12 Setyembre 2022. Nakuha noong 17 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  74. "Alicia Faubel, modelo valenciana de 25 años aficionada al boxeo y la interpretación, nueva representante de España en Miss Universo". 20 minutos (sa wikang Kastila). 12 Setyembre 2022. Nakuha noong 17 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  75. Su, Amanda (4 Oktubre 2022). "For the first time, Texas represented by Asian American women in Miss USA and Miss America pageants". ABC News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 4 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  76. "Tears flow as Engracia Afua Mofuman crowned Miss Universe Ghana 2022". Pulse (sa wikang Ingles). 22 Disyembre 2021. Nakuha noong 24 Pebrero 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  77. Mbuy, Fernando Abeso Edu (19 Setyembre 2022). "Las representantes de Mbini, Ebebiyin y Akonibe se coronan en la gala Miss Guinea Ecuatorial 2022". Revista Real Equatorial Guinea (sa wikang Kastila). Nakuha noong 3 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  78. Loffreda, Daniela (23 Hulyo 2022). "Meet the Derbyshire woman representing Great Britain at Miss Universe 2022". Derby Telegraph (sa wikang Ingles). ISSN 0307-1235. Nakuha noong 7 Agosto 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  79. "Η Κορίνα Εμμανουηλίδου STAR GS HELLAS 2022!". Chaniotika Nea (sa wikang Griyego). 3 Oktubre 2022. Nakuha noong 8 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  80. Quiñónez, Edgar (5 Hunyo 2022). "Ivana Batchelor fue coronada como la nueva Miss Guatemala Universo 2022". República (sa wikang Kastila). Nakuha noong 14 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  81. Makyn, Ricardo (3 Setyembre 2022). "Toshami Calvin is Miss Universe Jamaica 2022". The Gleaner (sa wikang Ingles). Nakuha noong 4 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  82. "グランプリに坂本さん輝く「2022 ミス・ユニバース ジャパン ファイナル」". Sports Nippon (sa wikang Hapones). 26 Agosto 2022. Nakuha noong 26 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  83. "Mideline Phelizor, Miss Haiti 2022". Le Nouvelliste (sa wikang Ingles). 12 Agosto 2022. Nakuha noong 14 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  84. "Rebeca Rodríguez, de San Pedro Sula, es la nueva Miss Honduras Universo 2022". La Prensa (sa wikang Kastila). 1 Hulyo 2022. Nakuha noong 1 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  85. "Karnataka's Divita Rai crowned LIVA Miss Diva 2022". The Times of India. 28 Agosto 2022. Nakuha noong 29 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  86. "Berkenalan dengan Laksmi Suardana, Puteri Indonesia 2022". CNN Indonesia (sa wikang Indones). 28 Mayo 2022. Nakuha noong 14 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  87. "La trentina Virginia Stablum eletta Miss Universe Italy 2022". La Stampa (sa wikang Italyano). 19 Setyembre 2022. Nakuha noong 19 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  88. "Miss Universe Cambodia 2022 crowned last night". Khmer Times (sa wikang Ingles). 15 Hunyo 2022. Nakuha noong 14 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  89. "Miss Camerún: Mouketey Lynette Monalisa Jelly". Telemundo (sa wikang Kastila). 6 Disyembre 2022. Nakuha noong 9 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  90. Papineau, Chelsea (18 Mayo 2022). "Sudbury woman wins Miss International Canada title". CTV News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 14 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  91. "Tortola beauty crowned Miss British Virgin Islands Universe". Loop News (sa wikang Ingles). 17 Oktubre 2022. Nakuha noong 18 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  92. Harris, Andrel (8 Nobyembre 2022). "Chloe Powery-Doxey to represent Cayman at Miss Universe pageant". Cayman Compass (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  93. Masalieva, Jazgul (1 Oktubre 2021). "Altynai Botoyarova becomes Miss Kyrgyzstan 2021". 24.kg (sa wikang Ingles). Nakuha noong 22 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  94. "Roksana Ibrahimi shpallet "Miss Universe Kosova 2022"". Telegrafi (sa wikang Albanes). 11 Hunyo 2022. Nakuha noong 11 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  95. Matarrita Chaves, Fernanda (28 Setyembre 2022). "María Fernanda Rodríguez, Miss Costa Rica 2022: 'Pasé 11 años de mi vida soñando esta corona'". La Nación (sa wikang Kastila). Nakuha noong 30 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  96. Kučković, Đenada (23 Mayo 2022). "Arijana Podgajski (19) je nova Miss Universe Hrvatske! Pogledajte veliku fotogaleriju s prestižnog natjecanja". Jutarnji list (sa wikang Kroato). Nakuha noong 14 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  97. "First Hmong woman named Miss Universe Laos, will compete in New Orleans". CBS News (sa wikang Ingles). 8 Oktubre 2022. Nakuha noong 9 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  98. Wanganoo, Anusha (25 Hulyo 2022). "Yasmina Zaytoun Has Been Crowned Miss Lebanon 2022". Harper's Bazaar Arabia (sa wikang Ingles). Nakuha noong 14 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  99. Davíðsdóttir, Erla María (24 Agosto 2022). "Hrafnhildur er Miss Universe Iceland 2022". Fréttablaðið (sa wikang Islandes). Nakuha noong 25 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  100. Joseph, Georgie (8 Oktubre 2022). "Miss Universe Malaysia 2022 milik Lesley Cheam". Harian Metro (sa wikang Malay). Nakuha noong 22 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  101. Aquilina, Wayne (10 Abril 2022). "Miss Universe Malta 2022 titħabbar b'mod differenti. Maxine ser tirrapreżenta lil Malta!". One Malta (sa wikang Maltese). Nakuha noong 14 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  102. "Alexandrine Belle-Étoile: I Want To Shine More At The Miss Universe Contest". Le Matinal (sa wikang Ingles). 24 Hulyo 2022. Nakuha noong 14 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  103. Gutierrez, Celeste (23 Mayo 2022). "Irma Miranda: FOTOS en bikini que muestran la gran belleza de la ganadora de Mexicana Universal". El Heraldo de México (sa wikang Kastila). Nakuha noong 14 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  104. "Miss Universe Myanmar 2022 finale held in Yangon". Xinhua News Agency. 1 Oktubre 2022. Nakuha noong 2 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  105. "Thank you, Namibia – Cassia Sharpley". The Namibian (sa wikang Ingles). 16 Enero 2023. Nakuha noong 10 Mayo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  106. "Sophiya Bhujel wins the title of Miss Universe Nepal 2022". Republica (sa wikang Ingles). 26 Agosto 2022. Nakuha noong 27 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  107. "…And The 2022 Most Beautiful Girl in Nigeria (MBGN) Is Ada Eme". BellaNaija (sa wikang Ingles). 22 Oktubre 2022. Nakuha noong 22 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  108. "Una licenciada en contaduría pública es elegida Miss Nicaragua 2022". Swissinfo (sa wikang Kastila). 7 Agosto 2022. Nakuha noong 7 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  109. "25-jarige Amsterdamse Ona Moody is Miss Nederland 2022". RTL Boulevard (sa wikang Olandes). 4 Setyembre 2022. Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-09-04. Nakuha noong 6 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  110. Hernández, Elizabeth (25 Mayo 2022). "Solaris Barba representará a Panamá en el Miss Universo 2022". La Estrella de Panamá (sa wikang Kastila). Nakuha noong 25 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  111. "En medio de polémicas fue coronada Leah Ashmore como Miss Universo Paraguay 2022". La Nación (sa wikang Kastila). 27 Agosto 2022. Nakuha noong 27 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  112. "Miss Perú 2022: Alessia Rovegno se llevó la corona y nos representará en el Miss Universo". Radio Programas del Perú (sa wikang Kastila). 14 Hunyo 2022. Nakuha noong 15 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  113. "Pasay's Celeste Cortesi crowned Miss Universe Philippines 2022". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 30 Abril 2022. Nakuha noong 1 Mayo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  114. Julkunen, Emmi (17 Setyembre 2022). "Petra Hämäläinen on uusi Miss Suomi!". Ilta-Sanomat (sa wikang Pinlandes). Nakuha noong 18 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  115. "Miss Polski 2022 wybrana! Kim jest Aleksandra Klepaczka?". Onet.pl (sa wikang Polako). 17 Hulyo 2022. Nakuha noong 25 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  116. "Miss Fajardo, Ashley Ann Cariño Barreto, se corona como Miss Universe Puerto Rico 2022". El Nuevo Día (sa wikang Kastila). 12 Agosto 2022. Nakuha noong 12 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  117. "Telma Madeira é Miss Universo Portugal". Norte Litoral TV (sa wikang Portuges). 9 Hulyo 2022. Nakuha noong 25 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  118. Etienne, Guy (11 Oktubre 2022). "Deux antillaises aux concours Miss Univers et Miss Monde 2023 : Floriane Bascou et Clémence Botino". La Première (sa wikang Pranses). Nakuha noong 12 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  119. "Conoce a la representante de República Dominicana en Miss Universo 2022". Diario Libre (sa wikang Kastila). 27 Abril 2022. Nakuha noong 11 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  120. "Na Miss Universe mohou soutěžit vdané i těhotné. Česko vyšle tuto dívku". iDNES.cz (sa wikang Tseko). 4 Nobyembre 2022. Nakuha noong 5 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  121. "Анна Линникова из Оренбурга стала мисс Россия — 2022". News.ru (sa wikang Ruso). 25 Hulyo 2022. Nakuha noong 25 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  122. Harris, Edward (3 Setyembre 2022). "There Must Be a Better Way – Time for Divine Intervention". The Voice Saint Lucia (sa wikang Ingles). Nakuha noong 7 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  123. Karapetyan, Salifa (19 Hunyo 2022). Bonnelame, Betymie (pat.). "Tropical island beauty: Gabriella Gonthier to represent Seychelles at Miss Universe 2022". Seychelles News Agency (sa wikang Ingles). Nakuha noong 25 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  124. "Nhan sắc Hoa hậu Hoàn vũ Singapore 2022". ZingNews.vn (sa wikang Biyetnames). 18 Oktubre 2022. Nakuha noong 18 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  125. Jaccard, Ludovic (4 Setyembre 2022). "Une Valaisanne en lice pour Miss Univers". 20 Minuten (sa wikang Pranses). Nakuha noong 7 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  126. "มงลง! "แอนนา เสืองามเอี่ยม" คว้าตำแหน่ง Miss Universe Thailand 2022". PPTV (sa wikang Thai). 30 Hulyo 2022. Nakuha noong 31 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  127. McKay, Bronwyn (13 Agosto 2022). "Miss South Africa 2022 crowned". Channel 24 (sa wikang Ingles). Nakuha noong 14 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  128. "Đại diện Hàn Quốc tại Miss Universe 2022: Chiều cao khủng 1m83, xinh như idol, liệu có giật crown?". Saostar.vn (sa wikang Biyetnames). 26 Hulyo 2022. Nakuha noong 25 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  129. Gioannetti, Andrew (13 Setyembre 2022). "Tya Jané Ramey is Miss Universe Trinidad and Tobago". Trinidad and Tobago Newsday (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  130. "Quién es Sofía Depassier, la nueva Miss Universo Chile 2022". Terra (sa wikang Kastila). 27 Hunyo 2022. Nakuha noong 25 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  131. Qingyang, Sun (21 Nobyembre 2022). "与美共冕 剑桥研究生问鼎环姐桂冠 70届环球小姐上海总决赛完美收官". Sina (sa wikang Tsino). Nakuha noong 3 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  132. "Aleyna Şirin kimdir? Miss Turkey Universe Aleyna Şirin kaç yaşında, ne iş yapıyor?". Milliyet (sa wikang Turko). 21 Setyembre 2022. Nakuha noong 21 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  133. Baibhawi, Riya (18 Hunyo 2022). "Civil worker Viktoria Apanasenko to represent Ukraine at the 2022 Miss Universe pageant". Republic TV (sa wikang Ingles). Nakuha noong 25 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  134. Scherz Brener, Tatiana (23 Oktubre 2022). "Miss Universo desde dentro: cómo lo ven las participantes uruguayas". Diario El Pais (sa wikang Kastila). Nakuha noong 28 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]