[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Castries

Mga koordinado: 14°01′N 60°59′W / 14.02°N 60.98°W / 14.02; -60.98
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Castries
Watawat ng Castries
Watawat
Map
Mga koordinado: 14°01′N 60°59′W / 14.02°N 60.98°W / 14.02; -60.98
Bansa Santa Lucia
LokasyonCastries Quarter, Santa Lucia
Itinatag1650
Lawak
 • Kabuuan79 km2 (31 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2013)
 • Kabuuan70,000
 • Kapal890/km2 (2,300/milya kuwadrado)
Websaythttp://www.castriescitycouncil.org/

Ang Castries /kəˈstrz/ ay ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod ng Santa Lucia, isang pulong bansa sa Karibe. May populasyon ang urbanong lugar ng tinatayang 20,000, habang may populasyon ang eponimong distrito ng 70,000 noong Mayo 23, 2013. May sukat ang lungsod ng 80 km2 (31 mi kuw).[1][2][3]

Nasa kapatagang baha ang Castries at nakatayo sa reklamadong lupa. Narito ang luklukan ng pamahalaan at punong tanggapan ng maraming negosyong banyaga at domestiko. Nakalatag ang lungsod sa huwarang kuwadrikula (o grid pattern). Tumatanggap ang nakatakip na daungan nito ng sasakyang-pandagat pangkargamento, lantsang bangka, at bapor panliliwaliw. Mayroon itong mga pasilidad pampamilihan walang buwis (o duty-free) tulad ng Point Seraphine at La Place Carenage. Maayos na pinagsisilbihan ang lungsod ng isang sistemang bus at serbisyong taksi. Narito rin ang pangunahing tanggapan ng koreo.

Sa Castries ipinanganak ang nanalo ng Pang-alaalang Premyong Nobel sa Ekonomika ng 1979 na si Arthur Lewis], gayon din si Derek Walcott, ang nanalo noong 1992 ng Premyong Nobel para sa Panitikan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Castries". GeoNames (sa wikang Ingles). Nakuha noong Agosto 12, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Map of Castries" (PDF). The Central Statistical Office of Saint Lucia (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 13, 2021. Nakuha noong Agosto 17, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Law, Gwillim (2015). "Districts of Saint Lucia". Statoids (sa wikang Ingles). Nakuha noong Agosto 10, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)