[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Mentha pulegium

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Pennyroyal
("maharlikang kusing")
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
(walang ranggo):
(walang ranggo):
(walang ranggo):
Orden:
Pamilya:
Sari:
Espesye:
M. pulegium
Pangalang binomial
Mentha pulegium

Ang yerbang Mentha pulegium o peniroyal, na nagmula sa katawagan nito sa Ingles na pennyroyal[1] (literal na "kusing na maharlika") ay isang yerba buwenang kasapi sa sari ng mga menta na nasa pamilyang Lamiaceae). Ginagamit sa aromaterapiya ang katas ng langis na nakukuha mula rito. Nagiiwan ng isang malakas at matapong na samyo o bango ang mga pinisang dahon nito. Isa itong tradisyonal o nakaugaliang gamot, lason, at pampalaglag ng namumuo pang sanggol (nakasasanhi ng aborsyon). Mataas ang bilang ng mga pulegone sa langis nito, na isang matapang na lasong nakasisira sa atay at nakakapagpasigla ng galaw ng bahay-bata. Dahil sa katangian nito bilang nakakasanhi ng aborsyon, ipinagbabawal ang pagbebenta nito sa ilang mga pook, katulad ng sa maraming mga estado ng Estados Unidos.[2]

Ginagamit din ang langis nito bilang isang gamot pantahanan na panlaban o pangsugpo sa paghilab ng tiyan (koliko), pagkakaroon ng kabag, at pag-utot. Nakapapambugaw din ng mga pesteng kulisap ang kalahati hanggang isang kutsaritang langis nito na inihahalo sa isang onsa ng langis ng olibo o kaya baselina, sa pamamagitan ng pagpapahid na nakabuyangyang o nakalantad na bahagi ng katawan ng tao.[2]

  1. Gaboy, Luciano L. Pennyroyal - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. 2.0 2.1 Robinson, Victor, pat. (1939). "Pennyroyal". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 572.

Halaman Ang lathalaing ito na tungkol sa Halaman ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.