[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Leksikograpiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang leksikograpiya ay ang pag-aaral ng mga leksiko, at nahahati ito sa dalawang magkahiwalay na disiplinang akademiko. Sining ito ng pagsasama-sama ng mga diksyunaryo.[1]

  • Leksikograpiyang praktikal ay ang sining o kasanayan ng pagsama-sama, pagsulat at pagpatnugot ng mga diksyunaryo.
  • Leksikograpiyang teoretikal ay ang paham na pag-aaral ng mga katangiang semantiko, orthograpiko, sintagmatiko at paradigmatiko ng mga leksema ng leksiko (bokabularyo) ng isang wika, pagbuo ng mga teorya ng mga bahagi ng diksyunaryo at istruktura na nag-uugnay sa datos sa mga diksyunaryo, ang mga pangangailangan para sa impormasyon ng mga gumagamit sa mga partikular na uri ng situwasyon, at kung paano pinakamahusay na makukuha ng mga tagagamit ang datos na kasama sa mga nakalimbag at elektronikong diksyunaryo. Minsan na tinutukoy ito bilang "metaleksikograpiya".

Mayroong ilang hindi pagkakasundo sa kahulugan ng leksikolohiya, na naiiba sa leksikograpiya. Ginagamit ng ilan ang "leksikolohiya" bilang kasingkahulugan ng leksikograpiyang teoretikal; ginagamit ito ng iba bilang tukuyin ang isang sangay ng linggwistika na nauukol sa imbentaryo ng mga salita sa isang partikular na wika.

Tinatawag na leksikograpo ang isang taong nakatuon sa leksikograpiya at, ayon sa isang biro ni Samuel Johnson, isang "hindi nakakapinsalang nagtatrabaho".[2][3]

Nagmula ang salitang "leksikograpiya" sa Griyegong λεξικογράφος (lexikographos), "leksikograpo",[4] mula sa λεξικόν (lexicon), neut. ng λεξικός lexikos, "ng o para sa mga salita",[5] mula sa λέξις (lexis), "pananalita", "salita"[6] (mula naman sa λέγω (lego), "sabihin", "magsalita"[7]) at γράφω (grapho), "bakatan, imarka, isulat".[8]

Ang praktikal na gawaing leksikograpikal ay kinabibilangan ng ilang aktibidad, at ang pagsasama-sama ng mahusay na pagkakagawa ng mga diksyunaryo ay nangangailangan ng maingat na pagsasaalang-alang sa lahat o ilan sa mga sumusunod na aspeto:

  • pagbalangkas sa mga nilalayong gumagamit (ibig sabihin, mga kakayahang lingguwistiko at di-lingguwistiko) at pagtukoy sa kanilang mga pangangailangan
  • pagtukoy sa mga tungkuling pangkomunikatibo at nagbibigay-malay ng diksyunaryo
  • pagpili at pagsasaayos ng mga bahagi ng diksyunaryo
  • pagpili ng naaangkop na istruktura para sa paglalahad ng datos sa diksyunaryo (ibig sabihin, istraktura ng banghay, istraktura ng distribusyon, istrakturang distribusyon, makro-istraktura, mikro-istraktura at istrakturang cross-reference)
  • pagpili ng mga salita at panlapi para sa sistematisasyon bilang mga lahok
  • pagpili ng mga kolokasyon, parirala at halimbawa
  • pagpili ng mga anyong lemma para sa bawat salita o bahagi ng salita na gagawing lemmatiso
  • pagtukoy ng mga salita
  • pagsasaayos ng mga kahulugan
  • pagtukoy sa pagbigkas ng mga salita
  • pagtatak ng mga kahulugan at pagbigkas para sa rehistro at diyalekto, kung saan naaangkop ito
  • pagpili ng mga katumbas sa bilingguwal at multilingguwal na mga diksyunaryo
  • pagsasalin ng mga kolokasyon, parirala at mga halimbawa sa bilingguwal at multilingguwal na mga diksyunaryo
  • pagdidisenyo ng pinakamahusay na paraan kung saan makukuha ng mga tagagamit ang datos sa mga nakalimbag at elektronikong diksyunaryo

Sa pag-imbento at paglaganap ng palimbagan ni Gutenberg noong ika-15 dantaon, umunlad ang leksikograpiya. Lalong lumaganap ang mga diksyunaryo, at ang kanilang layunin ay lumipat mula sa leksikal na paraan upang mag-imbak ng kaalaman tungo sa leksikal na paraan ng pagpapalaganap ng impormasyon. Nagsimulang nahubog ang mga makabagong kasanayang pang-leksikograpiya noong ika-18 at ika-19 na daantaon, na pinamunuan ng mga kilalang leksikograpo gaya nina Samuel Johnson, Vladimir Dal, the Brothers Grimm, Noah Webster, James Murray, Peter Mark Roget, Joseph Emerson Worcester, at iba pa..[9][10][11]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Jackson, Howard (2017-10-02), "English lexicography in the Internet era", The Routledge Handbook of Lexicography, Routledge, pp. 540–553, doi:10.4324/9781315104942-34, ISBN 978-1-315-10494-2, nakuha noong 2022-09-16{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Johnson, Samuel (1785). A Dictionary of the English Language (sa wikang Ingles). London: J.F. and C. Rivington, et al.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Lexicographer job profile | Prospects.ac.uk". www.prospects.ac.uk (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-10-29. Nakuha noong 2018-10-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Henry George Liddell, Robert Scott, A Greek-English Lexicon, λεξι^κογράφος". www.perseus.tufts.edu (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-03-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Henry George Liddell, Robert Scott, A Greek-English Lexicon, λεξικο^ς". www.perseus.tufts.edu (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-03-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Henry George Liddell, Robert Scott, A Greek-English Lexicon, λέξις". www.perseus.tufts.edu (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-03-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Henry George Liddell, Robert Scott, An Intermediate Greek-English Lexicon, λέγω3". www.perseus.tufts.edu (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-03-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Henry George Liddell, Robert Scott, A Greek-English Lexicon, γράφω". www.perseus.tufts.edu (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-03-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Durkin, Philip (2015). The Oxford Handbook of Lexicography (sa wikang Ingles) (ika-online (na) edisyon). Oxford Academic. pp. 605–615.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Hartmann, Reinhard (1986). The History of Lexicography (sa wikang Ingles). Amsterdam: John Benjamins Publishing Co. p. 24.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Hans, Patrick (1 Hulyo 2013). The Oxford Handbook of the History of Linguistics (sa wikang Ingles) (ika-online (na) edisyon). Oxford Academic. pp. 506–521.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)