[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Indonesia

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Banjarmasin)
Republika ng Indonesia
Republik Indonesia (Indones)
Garuda Pancasila (Kawi) Pambansang Sagisag ng Indonesya
Garuda Pancasila (Kawi)
Pambansang Sagisag
Salawikain: Bhinneka Tunggal Ika (Kawi)
"Pagkakaisa sa Pagkakaiba"
Pambansang ideolohiya: Pancasila[1][2]
Awiting Pambansa: Indonesia Raya
"Dakilang Indonesya"
KabiseraJakarta
Pinakamalaking lungsodSurabaya, Medan, Bandung
Wikang opisyalIndonesia
Pangkat-etniko
(2000)
KatawaganIndones
PamahalaanUnitaryong pampanguluhang, republikang konstitusyonal
• Pangulo
Prabowo Subianto
Gibran Rakabuming Raka
LehislaturaPambayang Asembleang Konsultatibo
• Mataas na Kapulungan
Konseho ng mga Kinatawang Panrehiyon
• Mababang Kapulungan
Konseho ng mga Kinatawang Pambayan
Kalayaan 
mula sa Olanda
Lawak
• Kalupaan
1,904,569 km2 (735,358 mi kuw) (ika-15)
• Katubigan (%)
4.85
Populasyon
• Senso ng 2022
277,749,853[3] (ika-4)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $4.39 trilyon[3] (ika-7)
• Bawat kapita
Increase $15,855[3] (ika-98)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $1.39 trilyon[3] (ika-16)
• Bawat kapita
Increase $5,016[3] (ika-112)
Gini (2021)37.9
katamtaman
TKP (2018)Increase 0.707[4]
mataas · ika-111
SalapiRupiah (Rp) (IDR)
Sona ng orasUTC+7 hanggang +9 (paiba-iba)
Gilid ng pagmamanehokaliwa
Kodigong pantelepono+62
Internet TLD.id

Ang Indonesia,[5] opisyal na pangalan Republika ng Indonesia (Indones: Republik Indonesia), ay isang malayang estado at kapuluang bansa sa Timog-Silangang Asya na nasa kanlurang bahagi ng Karagatang Pasipiko. Ito ay binubuo ng 17,508 mga pulo, at ito ang pinakamalaking estado sa buong daigdig na binubuo ng isang kapuluan. Tinatantiya na nasa 277 milyon katao ang populasyon ng Indonesia noong 2022,[6] na pang-apat sa mga pinakamataong bansa sa mundo, at ang pinakamataong bansang Muslim; subalit walang opisyal na pananampalataya ang itinakda sa Saligang Batas ng Indonesia. Isang republika ang Indonesia, na may inihahalal na tagapagbatas (lehislatura) at pangulo. Ang kabisera ng bansa ay Jakarta. Pinapaligiran ang Indonesia ng Papua Bagong Guinea, Silangang Timor at Malaysia, at kinabibilangan rin ang Singapura, Pilipinas, Australya, at ang Kapuluan ng Andaman at Nicobar ng Indiya bilang mga kalapit na bansa at teritoryo.

Ang kapuluan ng Indonesia ay naging isang mahalagang rehiyong pangkalakalan simula pa noong ika-7 siglo, kung kailan ang Srivijaya at paglaon Majapahit ay nangangalakal sa Tsina at Indiya. Ang mga katutubong mga pinuno ay lumaong niyakap ang kulturang Indiyano, relihiyon at modelong pampulitika mula sa mga sinaunang siglo, at lumaganap ang Hinduismo at Budismo sa kapuluan. Naimpluwensiyahan rin ang kasaysayan ng Indonesia ng mga makapangyarihang banyaga dahil sa likas yaman nito. Dinala ng mga mangangalakal na Muslim ang Islam, na ngayon ay naging dominante sa kapuluan, habang ang mga makapangyarihang Europeo ang nagdala ng Kristiyanismo at nakipaglaban para monopolisahin ang kalakalan sa Kapuluang Maluku (Moluccas) noong Panahon ng Pagtuklas. Ito ay sinundan ng tatlo't kalahating siglo ng kolonyalismo sa ilalim ng mga Olandes. Natamasa ng Indonesia ang kanilang kasarinlan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang kasaysayan ng Indonesia noon pa man ay magulo, at sinubok ng maraming kalamidad, suliranin, banta ng separatismo, at ng panahon ng mabilisang pagbabago at paglago ng ekonomiya.

May magkakaibang mga pangkat na etniko, wika at diyalekto, at pananampalataya ang mga iba't-ibang pulo at kapuluan ng Indonesia, ngunit ang Habanes ang pinakamalaki – at pinakadominanteng – pangkat etniko. Bilang isang bansang unitaryo, bumuo ang Indonesia ng isang pagkakakilanlan gamit ang isang pambansang wika, dibersidad ng mga pangkat etniko, pagpapakilala sa mga ibang relihiyon kahit kung nakararami ang mga Muslim, at isang kasaysayan ng kolonyalismo at rebelyon laban dito. Ang pambansang kasabihan ng Indonesia, ang "Bhinneka tunggal ika" ("Pagkakakaisa sa Pagkakaiba", na literal na "marami, subalit isa"), na nagsasabi na ang pagkakaiba ang bumuo sa bansa. Subalit ang mga tensiyon sektarya at separatismo ay nagdulot ng marahas na paghaharap na gumimbal sa katatagan ng politika at ekonomiya. Sa kabila ng laki ng populasyon at dami ng tao sa rehiyon, malaki ang teritoryo ng Indonesia: kilala ang bansa bilang pangalawa sa mga bansang may pinakamataas na saribuhay sapagkat kay lawak ng mga parang nito. Biniyayaan ang bansa ng likas na yaman, subalit nilalarawan din ng kahirapan ang Indonesia sa kasalukuyan.

Ang pangalang Indonesia ay mula sa salitang Latin na Indus, na nangangahulugang "India", at salitang Griyego na nesos, na nangangahululgang "pulo", kaparehas ng pangalan ng India.[7] Ang pangalan ay halaw pa noong ika-18 dantaon, malayo pang taon bago pa naging malaya ang Indonesia.[8] Noong 1850, Si George Earl, isang Ingles na etnologo, ay iminungkahi ang salitang Indunesians — dahil sa paggamit ng Malayunesians — para sa mga taong nakatira sa "Kapuluang Indiyan" o "Kapuluang Malay".[9] sa publikasyong ding iyon, ang isang estudyante ni Earl, si James Richardson Logan, ay ginamit ang Indonesia bilang kasingkahulugan ng Kapuluan ng Indiya.[10] Subalit ang mga sulat akademiko ng mga Olandes sa mga nilimbag sa Silangang Indiyas ay iwas sa paggamit ng Indonesia. Imbis ay ginamit nila ang salitang "Kapuluang Malay" (Maleische Archipel); ang Netherlands East Indies (Nederlandsch Oost Indië), ang tanyag Indië; ang silangang (de Oost); at pati na ang Insulinde.[11] na

Simula noong 1900, naging karaniwan ang paggamit ng "Indonesia" bilang pantukoy sa bansa ng akademya sa labas ng Olanda, at ginamit rin ito ng mga nasyonalistang Indones para sa kanilang mga pampolitikang pamamahayag.[12] Pinatanyag ni Adolf Bastian, ng Pamantasang Humboldt ng Berlin, ang termino sa kanyang aklat na Indonesien oder die Inseln des Malayischen Archipels, 1884–1894. Ang unang iskolar na Indones na gumamit ng termino ay si Suwardi Suryaningrat (Ki Hajar Dewantara), nang siya ay magtayo ng isang press bureau sa Olanda na may pangalang Indonesisch Pers-bureau noong 1913.[8]

Sinaunang panahon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang halamang moskada (nutmeg) ay katutubo sa Pulo ng Banda ng Indonesia. Minsang naging isa sa pinakamahalang pangangailangan ng daigdig, na naging dahilan ng unang kapangyarihang kolonyalismong Europeo sa Indonesia.

Ang mga labing posil o kusilba ng Homo erectus, na mas tanyag bilang ang mga Taong Haba, ay nagmumungkahi na ang kapuluang Indonesia ay tinirhan na noong dalawang mlyong hanggang 500,000 taon na ang nakalilipas.[13] Ang mga Austronesyo, na bumuo sa karamihan ng mga makabagong tao, ay nagtungo sa Timog Silangang Asya mula Taiwan. Sila ay dumating sa Indonesia noong tinatayang 2000  BCE, at inilayo ang mga katutubong Melanesyo sa malayong silangang rehiyon habang sila ay dumadami.[14] Sa tamang kondisyong agrikultural, at ang pagkabihasa sa pagtatanim sa mga palayan [15] ay nagbigay daan sa mga barangay, bayan at maliliit na mga kaharian na umusbong sa unang dantaon CE. Ang magandang baybaying posisyon ng Indonesia ay nagbigay daan sa kalakalang sa mga kalapit pulo at sa iba pang mga lugar. Halimbawa ng mga kalakalang nabuo ay parehong sa mga Kahariang Indiyano at sa Tsina na nabuo mga ilang dantaon BCE.[16] Mula noon, ang pangangalakal ay napakahalaga sa paghuhugis ng kasaysayan ng Indonesia.[17]

Mula noong ika-7 dantaon CE, ang makapangyarhing Kahariang pandagat ng Srivijaya ay umusbong sapagkat sa kalakalang nabuo at sa mga impluwensiya ng Hinduismo at Budhismo na nakuha ng Kaharian mula roon.[18] Sa pagitan ng ika-8 hanggang ika-10 dantaon CE, ang dinastiyang agrikultural na Budhistang Sailendra at ang dinastiyang Hindu na Mataram ay umunlad at bumagsak sa Haba, kung saan naiwan nila ang mga grandiyosong mga monumentong relihiyoso gaya ng Borobudur ng Sailendra at ang Prambanan ng Mataram. Ang kahariang Hindu na Madyapahit ay nabuo sa silangang Java sa huling bahagi ng ika-13 dantaon, sa ilalim ni Gajah Mada, na nakaimpluwensiya sa kabuuan ng Indonesia; ang panahong ito ay kadalasang tinatawag na "Gintong Panahon" sa kasaysayan ng Indonesia.[19]

Panahon ng mga Olandes

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kahit na ang mga mangangalakal na Muslim ay unang naglakbay sa Timog-silangang Asya noong unang bahagi ng panahong Islamiko, ang pinakaunang katibayan ng pagsasa-Islamiko ng populasyon ay noong ika-13 dantaon sa hilagang Sumatra.[20] Naglaon ang ibang mga lugar sa Indonesia ay niyakap ang paniniwalang Islam, at naging dominanteng relihiyon sa Java at Sumatra sa huling bahagi ng ika-16 na dantaon. Sa halos karamihang bahagi, ang Islam ay nagbago at humalo sa mga nabuong mga kultura at mga impluwensiyang relihiyoso, kung saan hinubog nito ang pangunahing anyo ng Islam sa Indonesia, lalo na sa Java.[21] Ang unang Europeo na dumating sa Indonesia noong 1512, ay nang ang mga mangangalakal na Portuges, na pinamunuan ni Francisco Serrão, ay ninais na monopolahin ang mga mapagkukunan ng moskada (nutmeg), clove, at mga paminta sa Maluku.[22] Sumunod sa kanila ang mga Olandes at mga Ingles. Itinayo ng mga Olandes noong 1602 ang Kompanyang Olandes ng Silangang India (VOC) at naging makapangyarhing Europeo sa lugar. Pagkatapos nitong mabangkarote, ang VOC ay pormal na nagsara noong 1800, at ang pamahalaan ng Olanda ay bumuo ng Silangang Indiya ng Olanda bilang isang pambansang kolonya.[23]

Sa halos buong panahong ng kolonyalismo sa Indonesia, ang pamamahala ng mga Olandes sa mga teritoryo nito ay mahina; noon lamang unang bahagi ng ika-20 dantaon naging dominante ang mga Olandes sa kung ano ang mga hangganan ng Indonesia ngayon.[24] Ang pananakop ng mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang mga sumunod na mga pananakop ang nagpawakas sa pamamahala ng mga Olandes,[25] at muling pinasigla ang mga pinigil na kilusang pangkalayaan ng mga Indones. Dalawang araw pagkatapos sumuko ang Hapon noong Agosto 1945, si Sukarno, isang maimpluwensiyang pinunong nasyonalista, ay inihayag ang kalayaan at itinalagang pangulo.[26] sinubukan ng Olanda na muling itayo ang kanilang pamamahala, at dahil sa panggigipit ng ibang mga bansa, kinilala na ang kalayaan ng Indonesia ng mga Olandes at ang kaguluhan sandatahan at diplomatiko ay nagwakas noong Disyembre 1949.[27](maliban lang sa teritoryong Olandes ng Kanlurang Bagong Ginea, kung saan ay isinama sa Kasunduan sa New York noong 1962, at sa pinamamahalan ng mga Nagkakaisang Bansa na Act of Free Choice).

Si Sukarno, ang unang pangulo ng Indonesia

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Sukarno ang nagsimula sa demokrasya patungong awtoritaryanismo, at pinanatili ang kanyang kapangyarihan sa pagbalanse sa mga lumalabang puwersang militar, at ang mga Partido Komunista ng Indonesia (PKI).[28] Isang pagtatangkang coup noong 30 Setyembre 1965 ang napiligan ng mga sundalo, na nagdulot sa isang marahas na pagpapa-alis sa mga anti-komunista, kung saan pinagbintangan ang PKI sa tangkang coup.[29] Nasa pagitan ng 500,000 at isang milyon ang namatay.[30] Ang pinuno ng militar, si Heneral Suharto, ay minaubra ang pahinang pamumuno ni Sukarno, at pormal na itinalaga bilang pangulo noong Marso 1968. Ang kanyang Administrasyong Bagong Kaayusan[31] ay sinuportahan ng pamahalaang Estados Unidos,[32] at pinag-igi ang mga pamumuhunan ng mga dayuhan sa Indonesia, na naging mahalagang dahilan sa katamtamang pag-unlad ng ekonomiya noong sumunod na tatlong dekada.[33] Subalit ang awtoritaryang "Bagong Kaayusan" ay malakawang inakusahan ng korupsiyon at supresyon ng mga taga-oposisyon.

Noong 1997 at 1998, ang Indonesia ang pinakalabis na tinamaan ng Krisis Pananalapi sa Asya.[34] Ito ang nakadagdag sa malawakang pagkadismaya sa Bagong Kaayusan.[35] at nagdulot ng malawakang protesta. Nagbitiw si Suharto noong 21 Mayo 1998.[36] Noong 1999, ang Silangang Timor ay bumotong humiwalay sa Indonesia, pagkatapos ng dalawampu't limang taong pananakop militar na kinondena ng iba't ibang bansa dahil sa kalupitan sa mga taga-Silangang Timor.[37] Ang panahon ng Repormasyon, pagkatapos ng pagbibitiw ni Suharto, ay nagbunga ng mas matibay na mga prosesong demokratiko, kasama ang mga programang autonomiyang rehiyunal, at ang sa unang pagkakataon ay nagkaroon ng halalang pang-panguluhan noong 2004. Ang mga instabilidad sa politika at ekonomiya, kaguluhan, korupsiyon, at terorismo ay nagpabagal sa pag-unlad. Datapwat ang relasyon sa iba't ibang mga relihiyon at mga pangkat etniko ay mapayapa sa kabuuan, may mangilan ilan na sekta ang hindi kuntento at ang pagkakaroon ng kaguluhan sa ilang mga lugar ay patuloy pa ring suliranin ng bansa.[38] Isang pagsasaayos pampolitika sa mga separatistang sandatahan sa Aceh natamasa noong 2005.[39]

Mapa ng Indonesia

Ang Indonesia ay binubuo ng 17,508 pulo, na tinatayang nasa 6,000 ang tinitirhan.[40] Ang mga ito ay nakakalat sa parehong bahagi ng ekwador. Ang limang pinakamalaking pulo ay ang Haba (Java), Sumatra, Kalimantan (ang bahaging Indones ng Borneo), Bagong Ginea (na kahati ang Papua Bagong Ginea), at Selebes. Ang Indonesia ay nakikihati ng hangganan sa Malaysia sa pulo ng Borneo at Sebatik, sa Papua Bagong Ginea sa pulo ng Bagong Ginea, at sa Silangang Timor sa pulo ng Timor. Nakikihati rin ito ng hangganan sa Singapore, Malaysia, Pilipinas sa hilaga, at sa Australya sa mga katimugang bahagi ng mga dagat nito. Ang kabisera nito, ang Jakarta, ay matatagpuan sa Haba at ang pinakamalaking lungsod ng bansa, na sinundan ng Surabaya, Bandung, Medan, and Semarang.[41]

Ang Bulkang Semeru at Bulkang Bromo sa Silangang Haba. Ang mga aktibidad bulkaniko sa Indonesia ay isa sa pinakamataas sa buong daigdig.

Sa 1,919,440 kilometro parisukat (741,050 mi parisukat), Ang Indonesia ay naging ika-16 na pinakamalaking bansa, ayon sa laki ng lupang sakop.[42] Ang average na kapal ng populasyon ng tao ay 134 tao bawat kilometrong parisukat (347 bawat milyang parisukat), ang ika-79 sa daigdig,[43] kahit na ang Java ang pinakamataong pulo sa buong mundo,[44] na may densidad ng populasyon na 940 tao bawat km parisukat (2,435 bawat mi parisukat). Sa taas 4,884 metro (16,024 talampakan), ang Puncak Jaya sa Papua ay ang pinakamataas na tuktok sa Indonesia, at ang Lawa ng Toba sa Sumatra ay ang pinakamalaking lawa, na may sukat na 1,145 km parisukat (442 mi parisukat). Ang pinakamalaking ilog ay nasa Kalimantan, kasama rito ang Mahakam at Barito; Ang mga ilog na ito ang nagiging pandugtong transportasyon sa pagitan ng mga bayan sa paligid nito.[45]

Dahil matatagpuan ito sa ekwador, ang Indonesia ay may klimang tropikal, na may dalawang panahon na tag-ulan at tag-init. Ang karaniwang antas na pag-ulan sa mga mababang lugar ay nasa 1,780-3,175 milimetro (70–125 pulgada), at hanggang 6,100 milimetro (240 pulgada) sa mga rehiyong mabubundok, o sa mga lugar na mabundok—lalo na sa kanlurang bahagi ng Sumatra, Kanlurang Haba, Kalimantan, Selebes at Papua—ang nakakaranas ng mataas na pag-ulan. Ang alinsangan ay pangkalahatang mataas, na karaniwa'y nasa 80%, at unti lang ang pagkakaiba ng galaw ng temperatura sa buong taon; ang karaniwang temperatura araw-araw sa Jakarta ay nasa 26-30 °C (79–86 °F).[46]

Pamahalaan at Politika

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Isang sesyon ng Konseho ng mga Kinatawang Pambayan sa Jakarta

Ang Indonesia ay isang republika na may sistemang pangpanguluhan. Bilang isang estadong unitaryo, ang kapangyarihan ay nasa pambansang pamahalaan lamang. Pagkatapos ng pagbibitiw ni Pangulong Suharto noong 1998. Ang istrukturang pangpamahalaan at pampolitika ng Indonesia ay sumailalim sa isang malawakang reporma. Apat na pagbabago sa Saligang Batas ng Indonesia[47] ang nagbago sa sangay tagapagpaganap, tagapaghukom at tagapagbatas.[48] Ang pangulo ng Indonesia ay ang pinuno ng estado, punong kumander ng Sandatahan ng Indonesia at ang direktor ng mga pamahalaang lokal, paggawa ng mga batas at ng ugnayang panlabas. Ang pangulo ay nagtatalaga ng isang konseho ng mga ministro, na hindi kailangang halal na kasapi ng lehislatura. Ang halalang pangpanguluan noong 2004 ay ang unang pagkakataon na makahalal ng direkta ang mga tao ng kanilang pangulo at pangalawang pangulo.[49] Ang pangulo ay maaaring maglingkod ng hindi hihigit sa dalawang magkasunod na limang taong termino.[50]

Ang pinakamataas na katawang pangkinatawan sa pambansang antas ay ang People's Consultative Assembly (MPR). Ang pangunahing layunin nito ay suportahan at amendiyahan ang saligang batas, inagurahan ang pangulo, at pagsasaayos ng malawak na balangkas ng patakarang pang-estado. Ito ay may kapangyarihang litisin ang pangulo.[51] Ang MPR ay binubuo ng dalawang kapulungan; ang Konseho ng mga Kinatawang Pambayan (DPR), na may 550 kasapi, at ang Konseho ng mga Kinatawang Panrehiyon (DPD), na may 128 kasapi. Ang DPR ang napapasa ng mga batas at ang nagbabantay sa sangay tagapagpaganap; ang mga kasapi ay inihahalal para sa limang taong termino sa pamamagitan ng representasyong proporsyunal.[48] Ang mga repormang nagsimula noong 1998 ay nagmarka sa pagtaas ng katayuan ng DPR sa pambansang pamamahala.[52] Ang DPD ay isang bagong kapulungan para sa mga usaping pamamahalang rehiyonal.[53]

Karamihan sa mga sigalot sibil ay inihaharap sa Hukuman ng Estado; ang apela ay dinidinig sa harap ng Mataas na Hukuman; Ang Kataastaasang Hukuman ay ang pinakamataas na Hukuman sa bansa, at dinidinig ang huling pagbasa, at nagsasagawa ng pagsusuri sa mga kaso. Ang ibang hukuman ay kinabibilangan ng Hukumang Pangkalakalan (commercial), na humahawak sa mga kasong pagkabangkarote at pagkalugi; isang Hukumang Administratibo ng Estado upang dinggin ang mga kasong administratibo laban sa pamahalaan; isang Hukumang Pangsaligang batas upang dinggin ang mga sigalot na may kinalaman sa legalidad ng abtas, pangkahalatang halalan, at pagsasawalang bisa ng mga partidong pampolitika, at ang saklaw ng otoridad ng institusyon ng estado; at ang Hukumang Panrelihiyon na umaayos sa mga kasong may kinalaman sa mga kasong panrelihiyon.[54]

Pagkakahating pampangasiwaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga lalawigan ng Indonesia

Binubuo ang Indonesia ng 34 lalawigan, kung saan lima rito ay may natatanging katayuan. Ang bawat lalawigan ay may sariling tagapagbatas at gobernador. Ang lalawigan ay hinahati naman sa mga bayan (kabupaten) at mga lungsod (kota), na hinahati pa sa mga maliliit na distrito (kecamatan), at pati na rin sa mga barangay (desa o kelurahan). Pagkatapos ipatupad noong 2001 ang rehiyonal na pagsasarili (autonomiya), ang mga bayan at lungsod ay ang naging pinakamahalagang sangay pampangasiwaan, na responsable sa pagbibigay ng paglilingkod-bayan. Ang pamahalaang barangay naman ang pinakamakaimpluwensiya sa pang-araw-araw na buhay ng mga nasasakupan nito, na humahawak sa mga usaping pambarangay na pinamumunuan ng halal na punong barangay na tinatawag na lurah o kepala desa.

Ang mga lalawigan ng Aceh, Jakarta, Yogyakarta, Papua, at Kanlurang Papua ay may mas maraming pribilehiyo at mas mataas na antas ng pagsasarili mula sa pambansang pamahalaan kaysa sa ibang mga lalawigan. Halimbawa, may karapatang bumuo ang pamahalaan ng Aceh ng isang malayang sistemang pambatas; noong 2003, ipinatupad nito ang paggamit ng Sharia (batas Islam) bilang bahagi ng hurisprudensiya nito.[55] Ang Yogyakarta naman ay binigyan ng katayuang "Natatanging Rehiyon" bilang pagkilala sa ginampanan nito sa pag-suporta sa mga rebolusyonaryong Indones noong panahon ng himagsikan nito sa wakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigsig.[56] Ang Papua, na dating tinatawag na Irian Jaya, ay binigyan ng katayuan ng natatanging pagsasarili noong 2001,[57] at ang Jakarta naman ay isang natatanging punong rehiyon bilang kabisera ng bansa.

Talaan ng mga lalawigan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

(Nasa loob ng panaklong ang mga pangalan sa Indones kapag magkaiba ito sa Tagalog)
Ipinapakita ng † ang mga lalawigang may natatanging katayuan

Ang pambansang populasyon mula sa 2000 pambansang sensus ay nasa 206 milyon,[58] at ang Kawanihang Sentral Pang-Estadistika ng Indonesia at Statistics Indonesia ay tinaya ang populasyon na nasa 222 milyon noong 2006.[59] 130 milyon katao ang nakatira sa Java, ang pinakamataong pulo sa buong daigdig.[60] Kahit na medyo epektibo ang programang pagpaplano ng pamilya na ginawa pa noong dekada '60, ang populasyon ay inaaasahang lalago sa humigit kumulang 315 milyong sa taong 2035, batay sa kasalukuyang taya ng taunang pagtaas na 1.25%.[61]

Isang babaeng Minangkabau sa kasuotang tradisyunal

Karamihan sa mga Indones ay mula sa mga Austronesyo mga tao na mula sa Taiwan. Ang iba pang pangunahing pangkat ay ang mga Melanesiano, na naninirahan sa silangang Indonesia.[62] Mayroong 300 na natatanging mga katutubong lahi sa Indonesia, at 742 na iba't ibang wika at diyalekto.[63] Ang pinakamalaki ay ang mga Habanes, na bumubuo sa 42% ng populasyon, at pampolitika at kultural na dominante sa bansa.[64] Ang mga Sundanes, mga etnikong Malay, at mga Madures naman ay ang ibang malalaking pangkat na sunod sa mga Habanes.[65] A sense of Indonesian nationhood exists alongside strongly maintained regional identities.[66] Pangkalahatang maayos ang lipunan, subalit ang mga tensiyong panlipunan, panrelihiyon at etniko ay nagpapasimula ng matinding kaguluhan.[67] Ang mga Tsinong Indones ay isang etnik maynoriting may-impluwensiya sa Indonesia. Mas konti sa 5% sila ng populasyon. Ang mga Tsinong Indones ay nag-aari ng maraming pribadong kayamanan at kanegosyohan,[68] kaya may hinanakit sa kanila; nangyaring nagkaroon ng karahasan laban sa mga Tsinong Indones.[69]

Ang opisyal na pambansang wika, ang wikang Indones, ay tinuturo sa lahat ng mga paaralan, at sinasalita ng halos lahat ng mga Indones. Ito ang wika ng kalakalan, politika, pambansang medya, edukasyon, at akademya. Ito ay binuo mula sa lingguwa prangka na malawak na ginagamit sa rehiyon, at may malaking ugnayan sa wikang Malay na opisyal na wika ng Malaysia, Brunei at Singapore. Ang wikang Indones ay unang itinaguyod ng mga makabansa noong dekada '20, at inihayag bilang opisyal na wika noong pagpapahayag ng kalayaan noong 1945. Karamihan sa mga Indones ay nakakapagsalita ng isa o higit pa sa mahigit isang daan lokal na mga wika (bahasa daerah), na madalas ay ang kanilang unang wika. Sa mga ito, ang wikang Habanes ang pinamalawak na sinasalitang wika ng pinakamalaking pangkat etniko.[70] Sa kabilang banda, ang Papua ay may mahigit 270 katutubong wika at wikang Austronesyo,[71] sa rehiyon na may 2.7 milyong katao. May mangilan-ngilan ding dami ng tao na nag-aral bago ang kalayaan ang maalam manalita ng wikang Olandes.[72]

Ang critically endangered na Sumatran Orangutan, isang great ape' endemiko sa Indonesia

Ang sukat, klimang tropikal, at heograpiyang kapuluan ng Indonesia, ang naging dahilan para maging ikalawang pinaka biodiverse na bansa ito sa buong mundo, pangalawa sa Brazil,[73] at flora at fauna nito ay maghalong mga specie na Asyano at Australyano.[74] Minsan naging bahagi ng kalupaang Asyano, ang mga pulo ng Sunda Shelf (Sumatra, Java, Borneo, at Bali) ay may mga yaman ng fauna ng Asya. Ang mga malalaking species gaya ng Tigreng Sumatra, rhinoceros, orangutan, Elepanteng Asyano, at leopard, ay minsang naging laganap hanggang sa dulong silangan sa Bali, subalit ang bilang nito ay mabilis ding bumaba. Ang sakop ng mga kagubatan ay umaabot sa tinatayang 60% ng bansa.[75] Sa Sumatra at Kalimantan, ay katatagpuan halos ng mga species na Asyano. Subalit, ang mga kagubatan ng mga maliliit, at mas mataong pulo ng Java, ay malawakang inalis para sa paninirahan ng mga tao at pansakahan. Ang Sulawesi, Nusa Tenggara, at Maluku—na matagal nang nakahiwalay sa kontinenteng Asya—ay nakabuo ng sariling bukod tanging flora at fauna.[76]


Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Indonesya" (ika-Mga Pag-aaral sa mga bansa (na) edisyon). Silid-aklatan ng Kongreso ng Estados Unidos. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)
  2. Vickers, p. 117
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 "Indonesia". International Monetary Fund. Nakuha noong 25 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Human Development Report 2011". 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-11-05. Nakuha noong 2 Nobyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Virgilio S. Almario, pat. (2010). UP Diksiyonaryong Filipino (ika-Ika-2 (na) edisyon). Anvil Publishing. p. 499. {{cite book}}: Unknown parameter |city= ignored (|location= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Indonesia". The World Factbook. Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos. 2008-11-20. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-12-10. Nakuha noong 5 Disyembre 2008. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)
  7. Tomascik, T; Mah, J.A., Nontji, A., Moosa, M.K. (1996). The Ecology of the Indonesian Seas - Part One. Hong Kong: Periplus Editions Ltd. ISBN 962-593-078-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  8. 8.0 8.1 (sa Indones) Anshory, Irfan (2004-08-16). "Asal Usul Nama Indonesia". Pikiran Rakyat. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-12-15. Nakuha noong 2006-10-05.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Earl, George S. W. (1850). "On The Leading Characteristics of the Papuan, Australian and Malay-Polynesian Nations". Journal of the Indian Archipelago and Eastern Asia (JIAEA): 119.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Logan, James Richardson (1850). "The Ethnology of the Indian Archipelago: Embracing Enquiries into the Continental Relations of the Indo-Pacific Islanders". Journal of the Indian Archipelago and Eastern Asia (JIAEA): 4:252–347.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link); Earl, George S. W. (1850). "On The Leading Characteristics of the Papuan, Australian and Malay-Polynesian Nations". Journal of the Indian Archipelago and Eastern Asia (JIAEA): 254, 277–278.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. (This term was introduced in 1860 in the influential novel Max Havelaar (1859), written by Multatuli, critical of Dutch colonialism). Justus M. van der Kroef (1951). "The Term Indonesia: Its Origin and Usage". Journal of the American Oriental Society. 71 (3): 166–171. doi:10.2307/595186. ISSN 0003-0279.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Jusuf M. van der Kroef (1951). "The Term Indonesia: Its Origin and Usage". Journal of the American Oriental Society. 71 (3): 166–171. doi:10.2307/595186.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Pope (1988). "Recent advances in far eastern paleoanthropology". Annual Review of Anthropology. 17: 43–77. doi:10.1146/annurev.an.17.100188.000355.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) cited in Whitten, T; Soeriaatmadja, R. E., Suraya A. A. (1996). The Ecology of Java and Bali. Hong Kong: Periplus Editions Ltd. pp. 309–312.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link); Pope, G (15 Agosto 1983). "Evidence on the Age of the Asian Hominidae". Proceedings of the National Academy of Sciences of the United States of America. 80 (16): 4, 988–4992. doi:10.1073/pnas.80.16.4988. PMID 6410399.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) cited in Whitten, T; Soeriaatmadja, R. E., Suraya A. A. (1996). The Ecology of Java and Bali. Hong Kong: Periplus Editions Ltd. p. 309.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link); de Vos, J.P.; P.Y. Sondaar, (9 Disyembre 1994). "Dating hominid sites in Indonesia" (PDF). Science Magazine. 266 (16): 4, 988–4992. doi:10.1126/science.7992059.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: extra punctuation (link) cited in Whitten, T; Soeriaatmadja, R. E., Suraya A. A. (1996). The Ecology of Java and Bali. Hong Kong: Periplus Editions Ltd. p. 309.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  14. Taylor (2003),pahina 5–7
  15. Taylor, Jean Gelman. Indonesia. New Haven and London: Yale University Press. pp. 8–9. ISBN 0-300-10518-5.
  16. Taylor, Jean Gelman. Indonesia. New Haven and London: Yale University Press. pp. 15–18. ISBN 0-300-10518-5.
  17. Taylor (2003), pages 3, 9, 10–11, 13, 14–15, 18–20, 22–23; Vickers (2005), pages 18–20, 60, 133–134
  18. Taylor (2003), pahina 22–26; Ricklefs (1991), pahina 3
  19. Peter Lewis (1982). "The next great empire". Futures. 14 (1): 47–61. doi:10.1016/0016-3287(82)90071-4.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Ricklefs (1991), pages 3 to 14
  21. Ricklefs (1991), pages 12–14
  22. Ricklefs, M.C (1993). A History of Modern Indonesia Since c.1300, second edition. London: MacMillan. pp. 22–24. ISBN 0-333-57689-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Ricklefs (1991), page 24
  24. Dutch troops were constantly engaged in quelling rebellions both on and off Java. The influence of local leaders such as Prince Diponegoro in central Java, Imam Bonjol in central Sumatra and Pattimura in Maluku, and a bloody thirty-year war in Aceh weakened the Dutch and tied up the colonial military forces.(Schwartz 1999, pages 3–4) Despite major internal political, social and sectarian divisions during the National Revolution, Indonesians, on the whole, found unity in their fight for independence.
  25. Gert Oostindie and Bert Paasman (1998). "Dutch Attitudes towards Colonial Empires, Indigenous Cultures, and Slaves". Eighteenth-Century Studies. 31 (3): 349–355. doi:10.1353/ecs.1998.0021.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link); Ricklefs, M.C. (1993). History of Modern Indonesia Since c.1300, second edition. London: MacMillan. ISBN 0-333-57689-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. H. J. Van Mook (1949). "Indonesia". Royal Institute of International Affairs. 25 (3): 274–285.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link); Charles Bidien (5 Disyembre 1945). "Independence the Issue". Far Eastern Survey. 14 (24): 345–348. doi:10.1525/as.1945.14.24.01p17062.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link); Taylor, Jean Gelman (2003). Indonesia: Peoples and History. Yale University Press. p. 325. ISBN 0-300-10518-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link); Reid (1973), page 30
  27. Charles Bidien (5 Disyembre 1945). "Independence the Issue". Far Eastern Survey. 14 (24): 345–348. doi:10.1525/as.1945.14.24.01p17062.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link); "Indonesian War of Independence"". Military. GlobalSecurity.org. Nakuha noong 2006-12-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. Ricklefs (1991), pages 237 - 280
  29. Friend (2003), pages 107–109; Chris Hilton (writer and director) (2001). Shadowplay (Television documentary). Vagabond Films and Hilton Cordell Productions.{{cite midyang AV}}: CS1 maint: date auto-translated (link); Ricklefs (1991), pages 280–283, 284, 287–290
  30. John Roosa and Joseph Nevins (5 Nobyembre 2005). "40 Years Later: The Mass Killings in Indonesia". Counterpunch. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-12-07. Nakuha noong 2006-11-12.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link); Robert Cribb (2002). "Unresolved Problems in the Indonesian Killings of 1965-1966". Asian Survey. 42 (4): 550–563. doi:10.1525/as.2002.42.4.550.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. John D. Legge (1968). "General Suharto's New Order". Royal Institute of International Affairs. 44 (1): 40–47.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. US National Archives, RG 59 Records of Department of State; cable no. 868, ref: Embtel 852, 5 Oktubre 1965. [1]; Adrian Vickers, A History of Modern Indonesia. Cambridge University Press, p. 163; 2005; David Slater, Geopolitics and the Post-Colonial: Rethinking North-South Relations, London: Blackwell, p. 70
  33. Vickers, Adrian (2005). A History of Modern Indonesia. Cambridge University Press. ISBN 0-521-54262-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link); Schwarz, A. (1994). A Nation in Waiting: Indonesia in the 1990s. Westview Press. ISBN 1-86373-635-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link); Ricklefs, M. C. (1991). A History of Modern Indonesia since c.1300, Second Edition. MacMillan. ISBN 0-333-57689-X. {{cite book}}: Check |isbn= value: checksum (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. Delhaise, Philippe F. (1998). Asia in Crisis: The Implosion of the Banking and Finance Systems. Willey. pp. 123. ISBN 0-471-83450-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. Jonathan Pincus and Rizal Ramli (1998). "Indonesia: from showcase to basket case". Cambridge Journal of Economics. 22 (6): 723–734. doi:10.1093/cje/22.6.723.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. "President Suharto resigns". BBC. 21 Mayo 1998. Nakuha noong 2006-11-12.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. Burr, W.; Evans, M.L. (6 Disyembre 2001). "Ford and Kissinger Gave Green Light to Indonesia's Invasion of East Timor, 1975: New Documents Detail Conversations with Suharto". National Security Archive Electronic Briefing Book No. 62. National Security Archive, The George Washington University, Washington, DC. Nakuha noong 2006-09-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link); "International Religious Freedom Report". Bureau of Democracy, Human Rights, and Labor. U.S. Department of State. 2002-10-17. Nakuha noong 2006-09-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. Robert W. Hefner (2000). "Religious Ironies in East Timor". Religion in the News. 3 (1). Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-01-07. Nakuha noong 2006-12-12.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. "Aceh rebels sign peace agreement". BBC. 15 Agosto 2005. Nakuha noong 2006-12-12.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. "World Economic Outlook Database". International Monetary Fund. Abril 2006. Nakuha noong 2006-10-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link); "Indonesia Regions". Indonesia Business Directory. Nakuha noong 2007-04-24. {{cite web}}: |first= missing |last= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. Witton, Patrick (2003). Indonesia. Melbourne: Lonely Planet. pp. 139, 181, 251, 435. ISBN 1-74059-154-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. Central Intelligence Agency (2006-10-17). "Rank Order Area". The World Factbook. US CIA, Washington, DC. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-02-09. Nakuha noong 2006-11-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. "Population density - Persons per km² 2006". CIA world factbook. Photius Coutsoukis. 2006. Nakuha noong 2006-10-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  44. Calder, Joshua (3 Mayo 2006). "Most Populous Islands". World Island Information. Nakuha noong 2006-09-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. "Republic of Indonesia". Encarta. Microsoft. 2006. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-11-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  46. "About Jakarta And Depok". University of Indonesia. University of Indonesia. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-06-17. Nakuha noong 2007-04-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  47. Noong 1998 hanggang 2001
  48. 48.0 48.1 Susi Dwi Harijanti and Tim Lindsey (2006). "Indonesia: General elections test the amended Constitution and the new Constitutional Court". International Journal of Constitutional Law. 4 (1): 138–150. doi:10.1093/icon/moi055.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  49. "The Carter Center 2004 Indonesia Election Report" (PDF) (Nilabas sa mamamahayag). The Carter Center. 2004. Nakuha noong 2006-12-13.{{cite nilabas sa mamamhayag}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  50. _ (2002), The fourth Amendment of 1945 Indonesia Constitution, Chapter III – The Executive Power, Art. 7.
  51. (sa Indones) People's Consultative Assembly (MPR-RI). Ketetapan MPR-RI Nomor II/MPR/2000 tentang Perubahan Kedua Peraturan Tata Tertib Majelis Permusyawaratan Rakyat Republik Indonesia (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2011-07-21. Nakuha noong 2006-11-07.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  52. Reforms include total control of statutes production without executive branch interventions; all members are now elected (reserved seats for military representatives have now been removed); and the introduction of fundamental rights exclusive to the DPR. (see Harijanti and Lindsey 2006)
  53. Batay sa amendiya sa saligang batas ng 2001, ang DPD ay binubuo ng apat na halal na kasaping non-partisan para sa bawat tatlongput tatlong lalawigan para sa pambansang pangkinatawang pampolitika People's Consultative Assembly (MPR-RI). Third Amendment to the 1945 Constitution of The Republic of Indonesia (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2006-12-01. Nakuha noong 2006-12-13.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  54. "Country Profile: Indonesia" (PDF). U.S Library of Congress. 2004. Nakuha noong 2006-12-09. {{cite web}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  55. Michelle Ann Miller (2004). "The Nanggroe Aceh Darussalam law: a serious response to Acehnese separatism?". Asian Ethnicity. 5 (3): 333–351. doi:10.1080/1463136042000259789.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  56. Inuuna muna ang mga kamag-anak ng mga ninuno ng Sultan ng Yogyakarta at Paku Alam para sa posisyon ng gobernador at nang kanyang pangalawang gobernador. Elucidation on the Indonesia Law No. 22/1999 Regarding Regional Governance. People's Representative Council (1999). Chapter XIV Other Provisions, Art. 122; Indonesia Law No. 5/1974 Concerning Basic Principles on Administration in the RegionPDF (146 KB) (translated version). The President of Republic of Indonesia (1974). Chapter VII Transitional Provisions, Art. 91
  57. As part of the autonomy package was the introduction of the Papuan People's Council tasked with arbitration and speaking on behalf of Papuan tribal customs, however, the implementation of the autonomy measures has been criticized as half-hearted and incomplete. Dursin, Richel; Kafil Yamin (2004-11-18). "Another Fine Mess in Papua". Editorial. The Jakarta Post. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-01-15. Nakuha noong 2006-10-05.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link); "Papua Chronology Confusing Signals from Jakarta". The Jakarta Post. 2004-11-18. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-01-15. Nakuha noong 2006-10-05.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  58. "2000 Population Statistics" (Nilabas sa mamamahayag). Indonesian Central Statistics Bureau. 30 Hunyo 2000. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-07-25. Nakuha noong 2006-10-05.{{cite nilabas sa mamamhayag}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  59. "Tingkat Kemiskinan di Indonesia Tahun 2005–2006" (PDF) (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Indonesian). Indonesian Central Statistics Bureau. 1 Setyembre 2006. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2006-09-27. Nakuha noong 2006-09-26.{{cite nilabas sa mamamhayag}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: unrecognized language (link)
  60. Calder, Joshua (3 Mayo 2006). "Most Populous Islands". World Island Information. Nakuha noong 2006-09-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  61. Witton, Patrick (2003). Indonesia. Melbourne: Lonely Planet. p. 47. ISBN 1-74059-154-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  62. Taylor (2003), pages 5–7, Dawson, B.; Gillow, J. (1994). The Traditional Architecture of Indonesia. London: Thames and Hudson Ltd. p. 7. ISBN 0-500-34132-X.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link); Witton, Patrick (2003). Indonesia. Melbourne: Lonely Planet. pp. 139, 181, 251, 435. ISBN 1-74059-154-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  63. "An Overview of Indonesia". Living in Indonesia, A Site for Expatriates. Expat Web Site Association. Nakuha noong 2006-10-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link); Merdekawaty, E. (2006-07-06). ""Bahasa Indonesia" and languages of Indonesia" (PDF). UNIBZ - Introduction to Linguistics. Free University of Bozen. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2008-01-02. Nakuha noong 2006-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  64. Kingsbury, Damien. Autonomy and Disintegration in Indonesia. Routledge. p. 131. ISBN 0-415-29737-0.
  65. Small but significant populations of ethnic Chinese, Indians, Europeans and Arabs are concentrated mostly in urban areas.
  66. Ricklefs (1991), page 256
  67. Domestic migration (including the official Transmigrasi program) are a cause of violence such as the massacre of hundreds of Madurese by a local Dayak community in West Kalimantan, and conflicts in Maluku, Central Sulawesi, and parts of Papua and West Papua T.N. Pudjiastuti. "Migration & Conflict in Indonesia" (PDF). International Union for the Scientific Study of Population (IUSSP), Paris. Kinuha noong 2006-09-17. Naka-arkibo 2012-02-09 sa Wayback Machine. "Archive copy" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2012-02-09. Nakuha noong 2009-01-25.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)"Archive copy" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2012-02-09. Nakuha noong 2009-01-25.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link); "Kalimantan The Conflict". Program on Humanitarian Policy and Conflict Research. Conflict Prevention Initiative, Harvard University. Nakuha noong 2007-01-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link); J.W. Ajawaila; M.J. Papilaya; Tonny D. Pariela; F. Nahusona; G. Leasa; T. Soumokil; James Lalaun and W. R. Sihasale (1999). "Proposal Pemecahan Masalah Kerusuhan di Ambon". Report on Church and Human Rights Persecution in Indonesia. Ambon, Indonesia: Fica-Net. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-05-27. Nakuha noong 2006-09-29. {{cite conference}}: Unknown parameter |booktitle= ignored (|book-title= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link); Kyoto University: Sulawesi Kaken Team & Center for Southeast Asian Studies Bugis SailorsPDF (124 KB)
  68. Schwarz (1994), pages 53, 80–81; Friend (2003), pages 85–87, 164–165, 233–237
  69. M. F. Swasono (1997). "Indigenous Cultures in the Development of Indonesia". Integration of endogenous cultural dimension into development. Indira Gandhi National Centre for the Arts, New Delhi. Nakuha noong 2006-09-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link); "The Overseas Chinese". Prospect Magazine. 9 Abril 1998. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-08-21. Nakuha noong 2006-09-17. {{cite web}}: |first= missing |last= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) The riots in Jakarta in 1998—much of which were aimed at the Chinese—were, in part, expressions of this resentment. M. Ocorandi (28 Mayo 1998). "An Analysis of the Implication of Suharto's resignation for Chinese Indonesians". Worldwide HuaRen Peace Mission. Nakuha noong 2006-09-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link); F.H. Winarta (2004). "Bhinneka Tunggal Ika Belum Menjadi Kenyataan Menjelang HUT Kemerdekaan RI Ke-59" (sa wikang Indones). Komisi Hukum Nasional Republik Indonesia (National Law Commission, Republic of Indonesia), Jakarta. {{cite web}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: unrecognized language (link)
  70. Central Intelligence Agency (2009). "Indonesia". The World Factbook. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Disyembre 2008. Nakuha noong 27 Enero 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  71. http://www.ethnologue.com/show_country.asp?name=IDP
  72. taalunieversum
  73. Lester, Brown, R (and 1997). State of the World 1997: A Worldwatch Institute Report on Progress Toward a Sustainable Society (14th edition). New York: W. W. Norton & Company. p. 7. ISBN 0393040089. {{cite book}}: Check date values in: |year= (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  74. "Indonesia's Natural Wealth: The Right of a Nation and Her People". Islam Online. 2003-05-22. Nakuha noong 2006-10-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  75. "Globalis-Indonesia". Globalis, an interactive world map. Global Virtual University. Nakuha noong 2007-05-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  76. Whitten, T.; Henderson, G., Mustafa, M. (1996). The Ecology of Sulawesi. Hong Kong: Periplus Editions Ltd. ISBN 962-593-075-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link); Monk,, K.A.; Fretes, Y., Reksodiharjo-Lilley, G. (1996). The Ecology of Nusa Tenggara and Maluku. Hong Kong: Periplus Editions Ltd. ISBN 962-593-076-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: extra punctuation (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)