Ur
Ang Ur ay isang estadong lungsod na itinatag ng mga Sumeryo noong mga 3000 BCE. Matatagpuan ang mga guho o labi nito sa katimugang Irak, kalapit ng Ilog ng Euprates.[1]
أور (sa Arabe) | |
Kinaroroonan | Tell el-Muqayyar, Dhi Qar Province, Iraq |
---|---|
Rehiyon | Mesopotamia |
Klase | Settlement |
Sinaunang Mesopotamia |
---|
Eufrates · Tigris |
Mga Imperyo/Lungsod |
Sumerya |
Eridu · Kish · Uruk · Ur Lagash · Nippur · Ngirsu |
Elam |
Susa |
Imperyong Akkadiano |
Akkad · Mari |
Amorreo |
Isin · Larsa |
Babilonya |
Babilonya · Caldea |
Asiria |
Assur · Nimrud Dur-Sharrukin · Nineve |
Kasaysayan
baguhinNawasak ng isang malaking baha, ang Malaking Pagbaha na tinutukoy sa Bibliya (basahin din ang Epiko ni Gilgamesh at Arka ni Noe), ang isang maagang maliit na pamayanan sa Ur. Pagkaraan ng bahang ito, namuhay sa Ur ang isang pangkat ng mga Sumeryong may angking mataas na antas ng kabihasnan, na binubuo ng mga manlililok, tagagawa ng mga paso, tagagawa ng mga metal, at mga tagapagtayo ng mga gusali.[1]
Mga labi
baguhinNoong mga 1920, nahukay mula sa Ur ang isang maharlika o royal na libingang naglalaman ng ginto, pilak, at tansong-pula o bronse. Inilibing ang mga hari at reyna ng Ur na kasama ang isang malaking bilang ng mga alalay sa korte o alipores. Nilason ang mga kampon sa korteng ito dahil sa paghahangad o pag-asang paglilingkuran sila ng mga ito sa "kabilang daigdig" o "kasunod na mundo".[1]
Sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who Lived at Ur?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 10.