Elam
Ang Elam ay isang makasaysayang kabihasnan na ang mga guho ay matatagpuan sa Timog-Kanluran ng Iran. Sa heograpiya, ito ay nasa isang patag na lupa sa Khuzestan at Lalawigang Ilam (ang pangalan ay galing sa Elam). Ang lawak nito ay umaabot sa Jiroft sa lalawigang Kerman at sa Sunog na Lungsod sa Zabol, hanggang sa ilang bahagi ng timog ng Irak. Ang Susa ay ang pangunahing lungsod ng Elam. Sa kasalukuyan, ang Susa ay naging lungsod ng Shush.
Sinaunang Mesopotamia |
---|
Eufrates · Tigris |
Mga Imperyo/Lungsod |
Sumerya |
Eridu · Kish · Uruk · Ur Lagash · Nippur · Ngirsu |
Elam |
Susa |
Imperyong Akkadiano |
Akkad · Mari |
Amorreo |
Isin · Larsa |
Babilonya |
Babilonya · Caldea |
Asiria |
Assur · Nimrud Dur-Sharrukin · Nineve |
Lokasyong Heograpikal
baguhinMatatagpuan sa silangan ng Mesopotamya, bahagi ang Elam ng maagang urbansisayon, sa mga kalunsuran ng Sinaunang Malapit na Silangan. noong Kalkolitiko. Sumasabay din sa kasaysayan ng Mesopotamya ang paglitaw ng mga nasusulat na mga tala mula 3,000 BK. Sa panahon ng Matang Elamite (Panggitnang Panahon ng Tanso), binubuo ang Elam ng mga kaharian sa talampas ng Iran, na nakalunday sa Anshan; at mula sa gitna ng ikalawang milenyong BK, ang Susa ang sentro nito na nasa mababang lupain ng Khuzestan. Nagkaroon ng mahalagang gampanin ang kalinangan nit sa Imperyong Gutian, natatangi na sa panahon ng dinastiyang Achaemenid na siyang kapalit nito, kung kailan nanatili ang wikang Elamite sa mga opisyal na wikang ginamit.
Walang naitalagang mga kaugnay ang wikang Elamite sa iba pang mga wika, at tila isa itong wikang nakahiwalay katulad ng Sumeryo; ngunit may ilang mga mananaliksik na naghanay sa pagkakaroon ng mas malawak na pangkat na kilala bilang Elamo-Dravidiano.[1]
Relihiyon
baguhinPoleitesmo ang naging kulturang-panrelihiyon ng mga Elamito; sumamba rin sila sa mga imahe. Isang tanyag na artifact na natagpuan sa lugar nila ay ang imahe ng diyosa nila na si Kiririsha, na ang pangalan ay mahahanap sa mga sistema nila ng pananampalataya at nang ibang tao sa buong rehiyon (hanggang Susa).
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Mercado, Michael (2007). Sulyap sa Kasaysayan ng Asya. Araling Panlipunan Serye Aklat II. St. Bernadette Publishing Corporation. ISBN 978-971-621-448-2.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Kalinangan at Wika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.