Jan Hus
Si Jan Hus (bigkas sa wikang Tseko: [ˈjan ˈɦus] ( pakinggan); c. 1369 – 6 Hulyo 1415), na kadalasang tinutukoy sa Ingles bilang John Hus o John Huss ay isang paring Czech (Tseko), pilosopo, repormer at maestro ng Charles University sa Prague. Pagkatapos ni John Wycliffe na teorista ng eklesiastikal na repormasyon, si Hus ay itinuturing na unang repormer ng simbahan na nabuhay bago kay Luther, Calvin, at Zwingli. Siya ay kilala sa pagpapasunog sa kanya ng buhay sa isang poste ng Simbahang Katoliko Romano para sa erehiya laban sa mga doktrina ng Simbahang Katoliko Romano kabilang ang sa eklesiyolohiya, Eukaristiya at iba pang mga paksang teolohikal. Siya ay isang mahalagang predesesor ng kilusang Protestante ng ika-16 siglo. Ang kanyang mga katuruan ay may malakas na impluwensiya sa mga estado ng Europa na pinakaagaran sa pag-aaproba ng isang repormistang Bohemianong denominasyong Kristiyano at sa kalaunang higit sa isang siglo kay Martin Luther.[1]
Ibang mga pangalan | John Hus, John Huss, o Jan Huss |
---|---|
Ipinanganak | 1369 Husinec, Kaharian ng Bohemia |
Namatay | Pinatay noong 6 Hulyo 1415 (na ang edad ay tinatayang nasa 45) Konstanz, Kaobispuhan ng Constancia, Banal na Imperyong Romano |
Panahon | Pilosopiya ng renasimiyento |
Rehiyon | Kanluraning pilosopiya |
Eskwela ng pilosopiya | Hussite |
Mga pangunahing interes | Teolohiya |
Naimpluwensiyahan ni
| |
Nakaimpluwensiya kay
|
Sa pagitan ng 1420 at 1431, ang mga pwersang Hussite ay tumalo sa limang mga magkakasunod na mga krusada ng papa laban sa mga tagasunod ni Hus. Ang kanilang pagtatanggol at paghihimagsik laban sa mga Romano Katoliko ay nakilalal bilang Mga digmaang Hussite.[2] Pagkatapos ng isang siglo, ang kasing rami ng mga 90% ng mga mamamayan ng mga lupaing Czech ay hindi Katoliko Romano at sumunod sa mga katuruan ni Hus at kanyang mga tagasunod.[3]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Luther: man between God and the Devil". Heiko Augustinus Oberman, Eileen Walliser-Schwarzbart (2006). Yale University Press. pp. 54–55; ISBN 0-300-10313-1
- ↑ "Sigismund of Luxembourg". Radio Prague
- ↑ Václavík, David (2010). Náboženství a moderní česká společnost. Grada Publishing a.s.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)