[go: up one dir, main page]

Fil Link

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 116

10

Filipino
Ikaapat na Markahan

KALIPUNAN NG GAWAING
PAMPAGKATUTO
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION II – CAGAYAN VALLEY

COPYRIGHT PAGE
Learning Activity Sheet in Filipino
Grade 10
Copyright © 2020
DEPARTMENT OF EDUCATION
Regional Office No. 02 (Cagayan Valley)
Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500

“No copy of this material shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior
approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit”
This material has been developed for the implementation of K to 12 Curriculum through the Curriculum
and Learning Management Division (CLMD). It can be reproduced for educational purposes and the
source must be acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited version, an
enhancement of supplementary work are permitted provided all original works are acknowledged and
the copyright is attributed. No work may be derived from this material for commercial purposes and
profit.

Consultants:
Regional Director : BENJAMIN D. PARAGAS, PhD., CESO IV
Assistant Regional Director : JESSIE L. AMIN, EdD., CESO V
Schools Division Superintendent : RACHEL R. LLANA, PhD., CESO VI
Asst. Schools Division Superintendent : MARY JULIE A. TRUS, PhD., CESE
Chief Education Supervisor, CLMD : OCTAVIO V. CABASAG, PhD.
Chief Education Supervisor, CID : EVELYN V. RAMOS

Development Team Writers:


LEIGH DEE DIANE CARINO, DESIREE ROSE S. RODRIGO, JULIE N.
NASDOMAN, MA. PRINCESS EZEKIEL C. ARROCENA, MILLER B. LIBORIO
EDISON A. SIMON, CRISSELLE MAY V. DUQUE, MILAGROS A. FERNANDEZ
DIANA R. ANCHETA, SONIA A. BAGIW, VIVERLY KATE A. ILDEFONSO
KACY FE D. PUGUON, CHERYL L. CAMPANA, GRETCHEN LEJAO-PERALTA
MAY LANIE D. BANAWOL, DOLLY DIEGO, AILEEN C. RUZ, MAXIMINA B. OIRA
ROCHELE C. SALVADOR, SHIRLY A. BALDOS, FLORETA P. MARTIN, FEMELYN G.
CABREROS, ROMANO C. SALAZAR, JUN-JUN R. RAMOS
CYNTHIA L. CABLINAN, LINO XERNAN S. DACAYO III, G. RODEL T. YAMBALLA
JUNEL B. CACHERO, SHILBERT GAPUZ, EVA LIZA T. CALAMANAN, VERGIE B.
SALAMANCA, FRIEDA LYN Q. TEVES, FEVIA BINAY-AN, MARCELYN S. FONBEUNA

Content Editor : FEMELYN G. CABREROS, ROMANO SALAZAR, JUN-JUN R. RAMOS


ROGER S. SEBASTIAN, EPS-Filipino, Nueva Vizcaya
Language Editor : ERWIN DUMELOD, FEMELYN G. CABREROS, ROMANO C. SALAZAR,
JUN-JUN R. RAMOS
Layout Artist : CHESTER C. CORTEZ, Librarian II-LRMDS, Nueva Vizcaya
: HERMINIGILDO U. GANDEZA, PDO II
Focal Persons : ROGER S. SEBASTIAN, PhD., EPS-Filipino, Nueva Vizcaya
: BERMELITA E. GUILLERMO, PhD., Division LR Supervisor
: ROMEL COSTALE , PhD., Filipino Regional EPS
: RIZALINO D. CARONAN, PhD., Regional LR Supervisor
Address: Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500
Telephone Nos.: (078) 304-3855; (078) 396-9728
Email Address: region2@deped.gov.ph Website: region2.deped.gov.ph
Talaan ng Nilalaman

Kasanayang Pampagkatuto Koda

Kailigirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo:


Nasusuri ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring
F10PN-IVa-b-83
napakinggan tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng El
Filibusterismo
Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa
pamamagitan ng:
- pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang
akda F10PB-Iva-b-86
- pagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyong ito sa
kabuuan o ilang bahagi ng akda
pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda
Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kaligirang
F10PT-IVa-b-83
pangkasaysayan nito
Napahahalagahan ang napanood pagpapaliwanag na
kaligirang pangkasaysayan ng pagkakasulat ng El
F10PD-Iva-b-81
Filibusterismo sa pamamagitan ng pagbubuod nito
gamit ang timeline
Naisasalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa
F10PS-IVa-b-85
pagkakasulat ng El Filibusterismo
Naisusulat ang buod ng kaligirang pangkasaysayan ng EL
F10PU-IVa-b-85
Filibusterismo batay sa ginawang timeline
Naitatala ang mahahalagang impormasyon mula sa iba’t
F10WG-Iva-b-78
ibang pinagkukunang sanggunian
Nagagamit ang iba-ibang reperensya/ batis ng
F10EP-IVa-b-33
impormasyon sa pananaliksik
Natutukoy ang papel na ginampanan ng mga tauhan sa
akda sa pamamagitan ng:
- pagtunton sa mga pangyayari
F10PB-IVb-c-87
- pagtukoy sa mga tunggaliang naganap
- pagtiyak sa tagpuan
- pagtukoy sa wakas
Nabibigyang-kahulugan ang matatalingha-gang
pahayag na ginamit sa binasang kabanata ng nobela sa F10PT-IVd-e-83
pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa
Naiuugnay sa kasalukuyang mga pangyayaring
F10PD-IVb-c-82
napanood sa video clip ang pangyayari sa panahon ng
pagkakasulat ng akda
Naibabahagi ang ginawang pagsusuri sa napakinggang
buod ng binasang akda batay sa:
- katangian ng mga tauhan F10PS-IVb-c-86
- pagkamakatotohanan ng mga pangyayari
- tunggalian sa bawat kabanata

Naisusulat ang buod ng binasang mga kabanata F10PU-IVb-c-86

Nagagamit sa pagbubuod ang tamang mekaniks sa


pagsulat (baybay, bantas, at iba pa), gayundin ang F10PU-Ivb-c-86
wastong pag-uugnay ng mga pangungusap/ talata
Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga
F10PN-IVd-e-85
kaugnay ng mga kaisipang namayani sa akda
Nasusuri ang mga kaisipang lutang sa akda (Diyos,
F10PB-IVd-e-88
bayan, kapwa-tao, magulang)
Natatalakay ang mga kaisipang ito:
- kabuluhan ng edukasyon
- pamamalakad sa pamahalaan
- pagmamahal sa:
- Diyos
- Bayan
- Pamilya
- kapwa-tao
- kabayanihan
- karuwagan F10PB-IVd-e-89
- paggamit ng kapangyarihan
- kapangyarihan ng salapi
- kalupitan at pagsasaman-tala sa kapwa
- kahirapan
- karapatang pantao
- paglilibang
- kawanggawa
- paninindigan sa sariling prinsipyo
at iba pa
Naipaliliwanag ang kabuluhan ng mga kaisipang lutang
sa akda kaugnay ng :
- karanasang pansarili
F10PN-IVf-90
- gawaing pangkomunidad
- isyung pambansa
- pangyayaring pandaigdig
Naiuugnay ang kaisipang namayani sa pinanood na
bahagi ng binasang akda sa mga kaisipang namayani sa F10PD-IVd-e-83
binasang akda
Naisusulat ang pagpapaliwanag ng sariling mga
paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng mga F10PU-IVd-e-87
kaisipang namayani sa akda
Naipahahayag ang sariling paniniwala at
pagpapahalaga gamit ang angkop na mga salitang F10WG-IVd-e-80
hudyat sa paghahayag ng saloobin/ damdamin
Naisasaad ang pagkamakatotohanan ng akda sa
pamamagitan ng pag-uugnay ng ilang pangyayari sa F10PB-IVh-i-92
kasalukuyan
Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga salitang hiram sa
F10PT-IVg-h-85
wikang Espanyol
Naisusulat ang maayos na paghahambing ng binuong
F10PU-IVg-h-88
akda sa iba pang katulad na akdang binasa
Nagagamit ang angkop na mga salitang naghahambing F10WG-IVg-h-81
Nasusuri ang tauhan na may kaugnayan sa: mga
hilig/interes kawilihan/kagalakan/ kasiglahan
F10PN-IVi-j-87
/pagkainip/ pagkayamot; pagkatakot; Pagkapoot;
pagkaaliw/ pagkalibang at iba pa
Nasusuri ang nobela batay sa pananaw/ teoryang:
· romantisismo
· humanismo F10PB-IVi-j-93
· naturalistiko
· at iba pa
Nabibigyang-pansinang ilang katangiang klasiko sa
F10PB-IVi-j-94
akda
Nabibigyan ng kaukulang pagpapakahulugan ang
FLOPT-IV i-j-86
mahahalagang pahayag ng awtor/ mga tauhan
Naisusulat ang paglalarawan ng mahahalagang
pangyayari sa nobela na isinaalang- alang ang
F10PU-IVi-j-89
artistikong gamit ng may-akda sa mga salitang
panlarawan.
Nagagamit ang angkop at masining na paglalarawan ng
F10WG-IVg-h-82
tao, pangyayari at damdamin.
Nailalarawan ang mga tauhan at pangyayari sa tulong
ng mga pang-uring umaakit sa imahinasyon at mga F10PB-IVi-j-83
pandama.
FILIPINO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN

Pangalan: ________________________________________ Petsa: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Pagsusuri sa pagkakaugnay ng mga pangyayaring napakinggan tungkol sa
kaligirang pangkasaysayan ng ElFilibusterismo
Panimula (Susing Konsepto)
Ang nobelang El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal ay karugtong ng kaniyang nobelang
Noli Me Tangere. Sa murang edad ay naging saksi siya sa mapapait, masasakit, at madidilim
na bahagi ng buhay ng ating mga ninuno kaya tumimo sa kaniyang puso ang pagnanais na
mailantad ang kabuktutan ng mga mananakop. Ginamit niya ang pinakamabisang sandata sa
pagkakamit ng minimithing pagbabago at kalayaan ng mga Pilipino- ang kanyang panulat.
Kaya naman, upang mas lalong maunawaan ang obra maestra ni Rizal na El
Filibusterismo, ating suriin ang kaligirang pangkasaysayan ng nobela.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo: Nasusuri ang pagkakaugnay ng mga
pangyayaring napakinggan tungkol sa kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo.

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO

Ang ikalawang nobela ni Dr. Jose Rizal na El Filibusterismo, ang karugtong ng Noli
Me Tangere, ay sinimulan niyang isulat sa kaniyang tinubuang Calamba noong Oktubre, 1887,
sa kaparehong taon kung kailan natapos ang manuskripto at maipalimbag ang kaniyang unang
nobela. Makalipas ang halos isang taon, 1888, nirebisa ni Dr. Rizal sa London ang halos lahat
ng naisulat na niya sa ikalawang nobela. Gayunman, may mangilan-ilang sanggunian ang
nagsasabing nasimulan niyang isulat ito sa London habang tinatapos pa niya ang pagsusulat ng
Noli Me Tangere. Kung pagbabatayan naman ang talambuhay ni Dr. Rizal, tumataliwas ang
pahayag na ito dahil hindi man lamang nabanggit ang London sa mga bayang pinuntahan ni
Dr. Rizal habang sinusulat pa niya ang kaniyang unang nobela.
Ayon sa aklat na “Rizal’s Life, Works, and Writings” ni G. Gregorio F. Zaide,
sinimulang isulat ni Dr. Rizal ang unang mga kabanata ng Noli Me Tangere sa Madrid, Espanya
noong 1884; ipinagpatuloy niya ito sa Paris, Pransiya; maging sa Wilhelmsfeld, Alemanya sa
mga buwang Abril–Hunyo; at tinapos sa Berlin, Alemanya sa huling mga buwan ng 1886 at
ipinalimbag sa Berliner Buchcdrukrei Actien Gesselchaft noong 29 Marso 1887 sa halagang
Php300 para sa 2,000 kopya. Samantala, ipinagpatuloy naman niya ang pagsusulat ng El
Filibusterismo sa Paris, Madrid, at Biarritz, Pransiya. Mapapansing iba-ibang lugar ang
napuntahan ni Dr. Rizal habang sinusulat pa niya ang kaniyang mga nobela.
Para sa Noli Me Tangere, ang mga dahilan ay may kinalaman sa kaniyang pamamasyal
sa iba’t ibang bansa at sa kaniyang propesyon. Samantala, mula sa Biarritz, Pransiya kung saan
niya tinapos ang pagsusulat ng ikalawang nobela ay lumipat naman siya sa Ghent, Belgium
dahil sa dalawang bagay: (1) makaiwas kay Suzanne Jacoby na kaniyang sinisinta nang mga
oras na iyon, at (2) higit na mababa ang halaga ng palimbagan sa nasabing lugar.

Sa kabila ng silakbo ng pagmamahal, kinailangan niyang pigilin ang kaniyang


damdamin kay Suzanne Jacoby alang-alang sa maalab niyang pag-ibig sa Filipinas.
Isinakripisyo ni Dr. Rizal ang kaniyang nararamdaman sa isang babae―ang kaniyang personal
na pangangailangan―dahil higit na kailangan siya ng kaniyang mga kababayang patuloy na
nagtitiis sa panlalapastangan ng mga Espanyol. Dahil na rin sa nagsilbing aral para sa kaniya
ang masaklap na mga karanasan sa pagpalalathala ng Noli Me Tangere, nanirahan siya sa
masikip na kuwarto ng kaniyang kaibigang si Jose Alejandrino para lamang maipalimbag ang
kaniyang El Filibusterismo sa F. Meyer-Van Loo Press, No. 66 Viaanderen Street, Ghent,
Belgium.
Ayon sa isa sa mga anekdota ni Jose Alejandrino para kay Dr. Rizal, labis-labis ang
pagtitipid na ginawa niya para lamang maging matagumpay ang pagpapalimbag sa El
Filibusterismo. Ayon kay G. Alejandrino, sang-ayon sa aklat muli na “Rizal’s Life, Works, and
Writings” ni G. Gregorio F. Zaide, ang tinutuluyan nilang apartment ay may sariling canteen
pero sa halip na kumain doon, dahil sa mas mapapamahal sila, ay bumili na lamang si Rizal ng
isang latang biskuwit at ilang kape para sa mga almusal nilang dalawa sa loob ng isang buwan.
Ang ginawa pa ni Dr. Rizal, hinati niya nang pantay para sa kanilang dalawa ang mga biskuwit.
Si G. Alejandrino, dahil sa hindi nakasusunod sa kaniyang rasyon o kung ilang biskuwit lamang
ang kaniyang kailangang kainin sa isang araw, ay halos maubos na ang kaniyang mga biskuwit
sa loob lamang ng kalahating buwan.
Samantala, si Dr. Rizal ay nagawa mismong tipirin ang sarili sa pagkain para lamang
maipalimbag ang kaniyang nobela. Subalit sa hindi magandang palad, tulad sa mga nangyari
sa kaniya habang ipinapalathala ang unang nobela, muli na namang kinapos sa salapi si Dr.
Rizal. Naubos na ang perang nakuha mula sa pagsangla niya sa kaniyang mga alahas. [Hindi
lamang malinaw kung may kinita siya mula sa mga pinagbilhan ng kaniyang unang nobela.]
Muli na naman siyang humingi ng tulong sa kaniyang mga kaibigan ngunit natalagan
bago dumating kaya noong 6 Agosto 1891 ay itinigil ang paglilimbag sa nobela na noo’y nasa
ika-112 pahina na. Hindi nagtagal, tulad muli sa mga nangyari habang ipinapalimbag ang Noli
Me Tangere, ay dumating ang salaping kailangan ni Dr. Rizal mula sa isa sa kaniyang mga
kaibigan na si Valentin Ventura na noo’y nasa Paris. Sa tulong ng sugo ng Diyos, ang
ikalawang nobela ni Dr. Rizal ay natapos sa pagpapalimbag noong 18 Setyembre 1891.
Ang El Filibusterismo ay binigyan ng iba’t ibang saling-pamagat. Sa wikang Ingles, ito
ay isinalin bilang “The Filibustering”. May salin din ito sa wikang Ingles na ang pamagat ay
“The Reign of Greed” na tinumbasan naman sa wikang Tagalog ng “Ang Paghahari ng
Kasakiman”. Sa ibang aklat sa wikang Ingles, ito ay “The Subversive” na ang salin naman sa
wikang Filipino ay “Ang Subersibo”. Anuman ang pamagat, ang salitang filibusterismo ay
nanggaling sa salitang Kastila na “filibustero” na hiniram naman sa salitang Pranses na
“flibustier” na tumutukoy sa sumusunod na mga kahulugan: pirata (pirate), isang taong
mangingikil ng buwis o pag-aari ng iba (plunderer), at isang taong may kinalaman sa
rebolusyon o pumupunta pa sa ibang bayan para suportahan ang isang pag-aaklas (freebooter).
Ayon mismo kay Dr. Jose Rizal, na mababasa rin sa ginawang introduksiyon ng
kaibigan niyang si Ferdinand Blumentritt para sa kaniyang ikalawang nobela, ang “filibustero”
ay nangangahulugang “mapanganib na taong (makabayan) mamamatay kahit na anong oras”.
Ito ang kontekstuwal na pagpapakahulugan ng mga Espanyol at ilang Filipino noon na
nakaaalam ng salitang ito. Unang pagkakataon na narinig ito ni Dr. Rizal ay noong binitay ang
tatlong paring martir dahil sa pagkakadawit sa Cavite Munity. Labis-labis na pagkabalisa ang
idinulot ng salitang ito sa mga Pilipino maging sa mga nakapag-aral dahil ito ay parang
parusang bigla na lamang ipapataw ng mga Espanyol sa kung sinumang Pilipinong nais nilang
mamatay. Dahil dito, ipinagbawal mismo ni Francisco Mercado, ama ni Dr. Rizal, ang
pagbanggit ng mapanganib na salitang ito, maging ng mga salitang “Cavite” at “Burgos” (isa
sa tatlong paring martir na kaibigan ng kapatid ni Dr. Rizal na si Paciano), dahilan para kakaunti
lamang ang nakaaalam ng salitang ito.
Labing-isang taong gulang pa lamang noon si Dr. Rizal nang masaksihan niya ang
kalunos-lunos na pagbitay sa tatlong paring martir, ang GOMBURZA, na sina Mariano Gomez
de los Angeles, Jose Apolonio Burgos y Garcia, at Jacinto Zamora y del Rosario. Marami ang
nalungkot at marami ang nagalit dahil pinatay ang tatlong paring inosente na dinawit lamang
sa Cavite Mutiny. Ang Cavite Mutiny ay ang pag-aaklas noon sa Cavite ng tinatayang 200
pinagsama-samang manggagawang Pilipino at lokal na mga sundalo dahil sa sapilitang
paggawa o polo y servicio at pagkakaltas ng buwis ng mga Espanyol sa natatanggap nilang
bayad.
Gayunman, ang pag-aaklas na ito ay hindi naging matagumpay dahil lahat ng nagsipag-
aklas ay hinuli, pinarusahan, at pinatay. Sinuman ang sumubok na sumuporta at tumulong sa
pag-aaklas ay parehong kapalaran ang sinasapit. Dahil sa maraming Espanyol lalong-lalo na
ang mga prayle ang galit at naiinggit sa GOMBURZA, idinawit nila ang mga pangalan ng
tatlong pari bilang mga filibustero. Sila ay binitay sa pamamagitan ng garote sa Bagumbayan
(ngayon ay Luneta Park) noong 17 Pebrero 1872. Ang karumal-dumal na pangyayaring iyon,
kahit maraming taon na ang lumipas, ay kumintal sa isipan at bumiyak sa puso ni Dr. Rizal
kaya ang GOMBURZA ang kaniyang pinag-alayan ng pagsusulat ng nobelang El
Filibusterismo.
Ano’t anuman, nang isulat ni Dr. Rizal ang dedikasyon sa nobela ay nagkaroon ng
kaunting pagkakamali ang bayani. Sa kaniyang orihinal na sipi, naisulat niya na binitay ang
GOMBURZA noong 22 Pebrero 1872 at hindi 17 Pebrero 1872 na siyang talang
pangkasaysayan. Maging sa pagsasama ng edad ng tatlong paring martir ay nagkaroon ng
dalumat: si Mariano Gomez na namatay sa edad na 72 ay nailahad ni Dr. Rizal ng 85 taong
gulang; si Jose Burgos, ayon sa bayani ay namatay sa edad na 30 pero ayon naman sa mga
historyador ay 35 taong gulang; at si Jacinto Zamora naman ay namatay sa edad na 36 pero
ayon kay Dr. Rizal ay 35 taong gulang.
Tulad sa nabanggit sa unang bahagi ng tekstong ito: nirebisa ni Dr. Rizal sa London
ang halos lahat ng naisulat na niya sa ikalawang nobela noong 1888. Ito ay may kinalaman
mismo sa kaniyang naging mga inspirasyon sa pagsusulat; ngunit naiiba sa mga inspirasyon ng
ibang manunulat―ang kaniyang masasakit na karanasan sa totoong buhay―dahilan para
maging mabigat ang mga emosyon at mga pangyayaring mayroon sa El Filibusterismo. Ang
mga ito ay ang mga sumusunod: (1) ang pagmamalupit ng mga paring Dominiko sa mga
magsasaka ng Calamba at sa kanyang pamilya―matutunghayan sa Kabanata 4; (2) ang
pagkamatay ng dalawang Filipino sa Madrid na sina Felicisimo Gonzales at ang kaibigan
niyang si Jose Maria Panganiban; (3) ang away nilang dalawa ni [Heneral] Antonio Luna dahil
sa isang babae, si Nelly Bousted; (4) ang tunggalian sa pagitan nila ni Marcelo H. del Pilar sa
pamumuno ng samahan ng mga Kastila at mga Filipino sa Espanya―mababasa sa unang mga
bahagi ng nobela ukol sa pagpapatayo ng Akademya ng wikang Kastila; at (5) ang
pagpapakasal ng kanyang kasintahang si Leonor Rivera sa isang inhinyerong Ingles na si Henry
C. Kipping―matutunghayan sa huling mga bahagi ng nobela, sa kabanata kung saan
nagpakasal si Paulita Gomez kay Juanito Pelaez.
Tulad sa Noli Me Tangere, ang ilang tauhan sa nobelang ito ay hinango mismo ni Dr.
Rizal sa tunay na buhay: (1) ang ginagalang na paring Pilipino na si Padre Florentino ay walang
iba kundi si Padre Leoncio Lopez na malapit na kaibigang pari ni Dr. Rizal; si Isagani ay si
Vicente Ilustre na isang makata; si Paulita Gomez ay si Leonor Rivera, ang pinsan ni Dr. Rizal
na naging kasintahan niya, si Leonor Rivera din si Maria Clara sa Noli Me Tangere,
mapapansin na magkaiba ang mga katangian nina Maria Clara at Paulita Gomez pero pareho
lamang hinalaw sa iisang tao; si Simoun, ang pangunahing tauhan, ay walang iba kundi si
Simon Bolivar, ang tagapagpalaya ng Katimugang Amerika mula sa pananakop ng Espanya;
si Padre Salvi ay si Padre Antonio Piernavieja; si Donya Victorina ay si Donya Agustina Medel;
at si Kapitan Tiago ay si Kapitan Hilario Sunico.
Gawain 1
Nabuksan ang isipan at damdamin ni Rizal sa masasakit na katotohanang nagtulak sa
kaniya upang maisulat at makarating sa kamay ng mga Pilipino ang obra maestrang El
Filibusterismo. Sagutin mo nang mahusay ang mga tanong upang maipahayag mo ang iyong
pagkaunawa sa ilang bahagi ng kasaysasayan ng pagkakasulat nito.
1. Ano-ano ang mga pangyayaring nagtulak kay Rizal upang isulat ang El Filibusterismo?
2. Ano-ano ang mga suliraninng kaniyang naranasan habang isinusulat ang nobela? Paano
niya nalampasan ang mga suliraning ito?

3. Ano ang ginampanan ng GOMBURZA sa pagkakasulat ng El Filibusterismo?

Gawain 2
Maraming pangyayari sa nakalipas at kasalukuyan ang may kaugnayan sa kaligirang
pangkasaysayan ng El Filibusterismo. Magsalaysay ng ilang pangyayaring napakinggan na
maiiugnay sa ilang bahagi ng kasaysayan ng El Filibusterismo.

Pangyayari sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Nobela Kaugnay na


Pangyayaring
Napakinggan
Sa kabila ng silakbo ng pagmamahal, kinailangan niyang pigilin ang kaniyang
damdamin kay Suzanne Jacoby alang-alang sa maalab niyang pag-ibig sa
Filipinas. Isinakripisyo ni Dr. Rizal ang kaniyang nararamdaman sa isang
babae―ang kaniyang personal na pangangailangan―dahil higit na kailangan
siya ng kaniyang mga kababayang patuloy na nagtitiis sa panlalapastangan ng
mga Espanyol.
Dahil na rin sa nagsilbing aral para sa kaniya ang masaklap na mga karanasan sa
pagpalalathala ng Noli Me Tangere, nanirahan siya sa masikip na kuwarto ng
kaniyang kaibigang si Jose Alejandrino para lamang maipalimbag ang kaniyang
El Filibusterismo.
Labing-isang taong gulang pa lamang noon si Dr. Rizal nang masaksihan niya
ang kalunos-lunos na pagbitay sa tatlong paring martir, ang GOMBURZA, na
sina Mariano Gomez de los Angeles, Jose Apolonio Burgos y Garcia, at Jacinto
Zamora y del Rosario. Marami ang nalungkot at marami ang nagalit dahil pinatay
ang tatlong paring inosente na dinawit lamang sa Cavite Mutiny.
Gayunman, ang pag-aaklas na ito ay hindi naging matagumpay dahil lahat ng
nagsipag-aklas ay hinuli, pinarusahan, at pinatay. Sinuman ang sumubok na
sumuporta at tumulong sa pag-aaklas ay parehong kapalaran ang sinasapit.
FILIPINO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN

Pangalan: ________________________________________ Petsa: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Pagtiyak sa Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo

Panimula (Susing Konsepto)

Ang nobelang “El Filibusterismo” (“Ang Pilibustero” o “Ang Paghahari ng


Kasakiman”) ay ang pangalawang nobelang isinulat ng magiting na bayani ng Pilipinas na si
Dr. Jose P. Rizal at kanyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na sina Gomez,
Burgos, at Zamora, o mas kilala sa GOMBURZA. Ang mga paring ito ay lakas loob na
tumuligsa sa mga Espanyol at dahil dito ay nahatulan ng garote. Habang isinusulat ito,
maraming paghihirap ang dinanas niya tulad noong sinulat din niya ang Noli Me Tangere na
isang nobelang pagtuligsa rin sa mga Espanyol. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng
1887 habang nagsasanay ng medisina sa Calamba.
Ang nasabing nobela ay pampolitika na nagpapadama, nagpapahiwatig, at
nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagturo ng tunay na kalayaan mula sa
mga Kastila at karapatan ng bayan.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:

- pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda.


- pagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyong ito sa kabuuan o ilang bahagi
ng akda, pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda. (F10PB-
Iva-b-86)

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO

Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre 1887, marami ng
kasawiang dinanas ang kanyang mga kamag-anakan at kaibigan dahil sa pagkakasulat niya
ng Noli Me Tangere. Nang mga panahong yao’y nagdaranas din ng suliranin sa lupa ang mga
magsasaka ng Calamba. Ito ay kanilang inilapit kay Rizal na humingi naman ng tulong ang
pagdinig sa kasi ng problema sa lupa, napasabay pa sa pagdinig ng kaso ni Rizal ukol sa
pagpapalathala ng tinaguriang “makamandag” na babasahing Noli Me Tangere.
Maraming mga tuligsa at pagbabanta ang tinanggap ni Rizal. Ang kanyang pamilya ay
giniyagis din ng maraming mga panggigipit.
Sinimulan ni Rizal and nobelang El Filibusterismo sa harap
ng karanasang ito. Magkakabisa sa kanya kaipala ang mga sakit sa
loob na dinanas niya at ng kanyng pamilya. Bagaman may mga
pagpapalagay na may plano si Rizal para sa ikalawang nobela, naiba
ito ng mga pangyayaring kinasangkutan niya sa pagbabalik sa
sariling bayan. Tuwiran at di-tuwiran, naapektuhan ito ng wala pang
anim na buwang pagkamalas niya ng mga kasamaang ginagawa ng
mga pari, katulad ng “pagpapayaman sa kanilang mga asyenda,
pang- aakit sa mga babae, panggugulo, pagliligpit sa mga kaaway at
iba pa.” Nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888 dahil
sa pangamba niyang manganib ang buhay ng mga mahal sa buhay.
Katakot-takot na liham ng mga pagbabanta na karamihan
ay walang lagda ang dumarating at ipinayo ng gobernador na
bumalik siya sa ibang bansa. Ani Rizal sa isang sulat na ipinadala
niya kay Blumetritt habang naglalakbay
“Lahat ng mga punong panlalawigan at mga arsobispo a y naparoroon sa
Gobernador Heneral araw-araw upang ako’y ipagsumbong. Ang buong ahente ng
Dominiko ay sumulat ng sumbong sa mga alkalde na nakita nila akong lihim na
nakikipagpulong sa mga babae at lalaki sa itaas ng bundok. Totoong ako’y naglalakad sa
bundok kung bukangliwayway na kasama ng mga lalaki, babae at bata upang damhin ang
kalamigan ng umaga ngunit laging may kasamang tenyente ng guwardiya sibil na marunong
managalog…
Inalok ako ng salapi ng aking mga kababayan para lisanin ang pulo. Hiniling nila
ang mga bagay na ito hindi lamang sa aking kapakanan kundi sa kanila na rin sapagkat
marami akong kaibigan at kasalamuha na maaaring ipatapon kasama ko sa Balabag o
Marianas. Dahil dito kahit may kaunting karamdaman, ako’y dali- daling nagpaalam sa
aking pamilya.”
Hindi nagwakas sa paglisan ni Rizal ang suliranin. Ang
kanyang pamilya ay inusig. Umakyat ang kaso sa lupa ng mga
Mercado-Rizal hanggang Kataastaasang Hukuman ng Espanya.
Maraming kamag-anakan niya ang namatay at pinag-usig. May
isa pang tinanggihang mapalibinng sa libingang Katoliko. Sa
gitna ng mga pag-aalalang ito, ginigiyagis si Rizal ng mga
personal at pulitikal na suliranin; nangungulila siya kay Leonor
Rivera at waring walang kasiglahan ang insipirasyong dulot ng
paniningalang-pugad kay Nellie Boustead; sinasagot niya ang
kabi-kabilang tuligsang tinatamo ng Noli Me Tangere;
namatayan siya ng dalawang kaibigan at mababa ang
pagkikilalang iginagawad sa kanya ng mga kasama sa Kilusang
Propaganda. Bukod dito’y dumanas si Rizal ng suliranin sa
pananalapi. Naisiwalat ni Rizal ang kanyang paghihirap sa isang
liham na naipadala kay Jose Maria Basa:
“Ako’y nanghihinawa na sa paniniwala sa ating mga
kababayan. Parang sila’y nagkakaisa upang maging mapait ang aking buhay; pinipigilan
nila ang aking pagbabalik, nangangakong bibigyan ako ng tustos, at pagkatapos na gawin
sa loob ng isang buwan ay kalilimutan nang muli ako… Naisanla ko na ang aking mga
alahas, nakatira ako sa isang mumurahing silid, kumakain ako sa mga pangkaraniwang
restawran upang makatipid at mailathala ko ang aking aklat. Hindi naglao iyon, ititigil ko
kung walangdarating sa aking salapi. A, sasabihin ko sa iyong kung hindi lamang sa iyo,
kung hindi lamang ako naniniwalang may mga mabubuti pang Pilipino, nais kong dalhin
ang aking mga kababayan at ang lahat sa demonyo…”
Sa kabutihang palad, nang lahat ang pag-asa ni Rizal, dumating ang hindi niya
inaasahang tulong ni Valentin Ventura mula sa Paris. Ipinadala niya ang kabuuang gugol sa
pagpapalimbag ng aklat matapos mabalitaan ang pangangailangan ni Rizal sa salapi.
Natapos limbagin ang aklat noong Setyembre 18, 1891 sa Ghent, Belgium. Inihandog ni
Rizal ang nobela sa alaala ng mga paring sina Gomez, Burgos at Zamora.
Ang pagkahandog na ito sa tatlong paring martir ng ikalawang nobela ni Rizal ang
pangunahing dahilan kung bakit ito ay itinuturing na isang nobelang political. Naglalahad dito
sa isang malatalaarawang pagsasalaysay ang mga suliranin ng sistema ng pamahalaan at ang
mga kaakibat na problema: problema sa lupa, pamamahala, pamamalakad ng relihiyon at
edukasyon, katiwalian at iba pa. Tuwiran at di-tuwiran, masasalamin din ang mapapait na
karanasang gumiyagis kay Rizal sa ilang mga eksena at yugto ng nobela.
Masagisag at malarawan ang ebolusyon ni Simoun mula kay Crisostomo Ibarra,
bagaman hindi maiiwasang makilala ang mga kapaitan at kabiguan sa paraang hindi
maipagkakamali – kasama na pati ang pangungulila at pag-aasam sa pag-ibig.
Sa El Filibusterismo, ipinakilala ni Rizal ang isang
pagbabanyuhay niya bilang nobelista.
Ang nobelang El Filibusterismo (literal na “Ang Pilibusterismo“) o Ang Paghahari
ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na
si José Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa
bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora.
Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal
ng hirap habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang
akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba.
Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at
pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang
manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakumpleto niya ito noong
Marso 29, 1891, sa Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon sa Ghent. Isang nagngangalang
Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag
at mailathala nang maayos ang aklat noong Setyembre 22, 1891.
Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at
nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at
karapatan ng bayan.
Gawain 1
Suriin ang bawat pahayag at tiyakin ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa
pamamagitan ng pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda.
Iguhit ang ( ) sa linya kung ang pangyayari ay tumutukoy sa mga kondisyon sa
panahong isinulat ang El Filibusterismo at isulat sa loob ng kahon ang magpapawasto sa
pangyayari kung mali ito.
_____ 1. Ang inspirasyon ni Jose Rizal sa pagsulat ng
El Filibusterismo ay ang tatlong paring martir,
ang GomBurZa.
_____ 2. Naisipan ni Rizal na sumulat ng El
Filibusterismo dahil sa aklat na Uncle Tom’s
Cabin ni Harriet Beecher Stowe.
_____ 3. Higit na naging madali para kay Rizal ang
pagsulat ng El Filibusterismo kaysa sa Noli
Me Tangere.
_____4. Si Gobernador-Heneral Emilio Terrero ang
naluklok noong taong 1891 na siyang
nagpatapon kay Rizal sa Dapitan.
_____ 5. Ang ganda at kasiyahang hatid ng Paris ay
nagbigay inspirasyon sa kanyang tapusin na
ang kaniyang nobela sa lugar na ito.
Gawain 4

Ilahad ang mga mahahalagang kondisyong magpapatunay na umiral habang


isinusulat ni Jose P. Rizal ang nobelang El Filibusterismo sa tulong ng graphic organizer.

Gawain 5
Ilahad ang mga layunin o adhikain ni Jose P. Rizal sa pagsulat niya ng akda base sa
mga nabasa mo sa kaligirang pangkasaysayan. Punan ang mga lobo sa ibaba.
FILIPINO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN

Pangalan: ________________________________________ Petsa: ___________


Baitang at Seksiyon: _______________________________ Iskor: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Pag-uuganay ng kahulugan ng salita sa kaligirang pangkaysaysayan ng El
Filibusterismo

Panimula (Susing Konsepto)


Ang El Filibusterismo o “Ang Paghahari ng kasakiman” ay ang ikalawang obra
maestrang isinulat ni Dr. Jose P. Rizal? Naging inspirasyon ni Rizal sa pagsusulat ng nobelang
ito ang pagpanaw ng tatlong paring martyr na GomBurZa noong Pebrereo 1872. Ang nobelang
ito ang nagpakita ng mga maling pamamahala ng pamahalaang Kastila pati na rin ang mga
prayle. Ito rin ang nagpakita sa suliraning pang-edukasyon, usapin sa lupa pati na rin ang mga
kanser ng lipunan.
Pagkabalik ni Rizal sa Pilipinas noong 1887 ay agad niyang sinimulan ang pagsulat ng
nobelang Elfilibusterismo noong 1887 sa Calamba, Laguna. Ngunit, inayos lang niya ang
banghay at kaisipan ng akda noong siya’y nas London, England noong 1890. Paglipat niya sa
Bruselas, Belhika, doon niya naisulat ang malaking bahagi ng nobela. Noong 1891 ay lumipat
si Rizal mula Madrid, Spain patungong Ghent, Belguim at doon niya ipinagpatuloy ang
kanyang pagsusulat ng nobela. Natapos ni Rizal ang kanyang nobela noong Marso 29, 1891.
Naipalimbag niya ang nobelang El Filibusterismo noong Setyembre 22, 1891 sa tulong ni
Valentin Ventura sa murang palimbagang F. Meyer Van Loo Press sa Ghent, Belguim.
Nakarating ang mga Kopya ng nobela sa Hongkong at Pilipinas ngunit kinumpiska ito ng mga
Kastila dahil pinapakita rito ang kanilang maling gawain. Gayunpaman, may ilang Pilipinong
nakabasa ng nobela kaya nagising ang kanilang diwa sa paghihimagsik laban sa mga Kastila.
Nais mo bang maging kasinghusay ni Dr. Jose Rizal sa pagpapahayag? Kung ganon,
ihanda ang sarili at matutuklasan mo ang mga sikreto niya sa mga gawaing inihanda para sa
iyo. Halina’t alamin ang mga salitang hahasa pa sa iyong kaisipan.

Kasanayang Pampagkatuto
Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kaligirang pangkasaysayan nito (F10PT-
IVa-b-83)

Gawain 2
Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasalungguhit sa mga parirala sa
pamamagitan ng pagpili ng sagot sa kahon. Pagkatapos, gamitin sa pangungusap ang mga salita
kaugnay ng isyung kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan. Isulat sa patlang ang titik ng iyong
sagot.
a. Hinahabol ng batas f. Makuha
b. Kinausap upang mapapayag g. Natuwa
c. Kopya h. Sagabal
d. Mawala, maalis, matanggal i. Sumala
e. Maging delikado j. Umalis
______1. Mapanganib sa mga prayle-
______2. Hinimok na umalis
______3. Lumisan ng Pilipinas___________________________________
______4. Naaliw sa ganda ng Paris
______5. Balakid sa pagsusulat
______6. Pamilya’y pinag-uusig
______7. Lumiban sa pagkain
______8. Nasamsam na mga kopya
______9. Sipi ng mga nobela
______10. Maiwaksi sa isip

Gawain 3
Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Si Valentin Ventura ang itinuturing na tagapagligtas ng El Filibusterismo dahil sa
pagtustos sa pagpapalimbag ng nobela. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?
a. Tagapondo
b. Tagapagsalba
c. Tagakayod
d. Tagasalungat
2. Suson-susong mga kahirapan ang dinanas ni Rizal bago maipalimbag ang nobelang El
Fili. Ano ang kasingkahulugan ng salitang suson-suson?
a. Bigla-bigla
b. Maya’t maya
c. Sawang-sawa
d. Sunod-sunod
3. Tulad ng Noli Me Tangere, ang orihinal na manuskrito ng El Filibusterismo ay nakasulat
sa salitang Kastila. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?
a. Akda
b. Aklat
c. Pahina
d. Sanayang-aklat
4. Mayayaman ang nasa ibabaw ng kubyerta at nasa ilalim naman ang mahihirap. Ano ang
ibig sabihin ng kubyerta?
a. Palapag
b. Barko
c. Tuktok
d. Salumpuwit
5. Maraming Kastila ang nag-usisa sa nobela nang ipalimbag ni Jose Rizal. Ano ang
kahulugan ng salitang may salungguhit?
a. Nagulat b. Nagalit c. Nag-ulirat d. Namoblema
6. May ilang Pilipinong pinaratangan ng mga Kastila ng erehe dahil ayaw sumunod sa
kanilang batas na pinapatupad. Ano ang ibig sabihin ng erehe?
a. Kalaban ng mga pari at mamamayan
b. Kalaban ng simbahan
c. Kalaban ng pamahalaan
d. Terorista
7. Isa si Jose Rizal sa mga inakusahang pilibustero dahil sa pagsulat niya sa nobelang
ElFilibusterismo. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
a. Kalaban ng mga pari at mamamayan
b. Kalaban ng simbahan
c. Kalaban ng pamahalaan
d. Terorista
8. Batay sa kasaysayan noong panahon ng Kastila, ang Kabesa de barangay ay tagapamahala
ng barangay. Ano ang katapat nito sa kasalukuyang panahon?
a. Alkalde
b. Barangay Captain
c. Barangay Kagawad
d. Tanod
9. “Sa isang utos ng pamahalaan, maaaring maipabilanggo ang ama, asawa o kapatid”. Ano
ang ibig sabihin ng pahayag?
a. Mahilig manakot ang pamahalaan
b. Makapangyarihan ang pamahalaan
c. Nagbubulag-bulagan ang pamahalaan
d. Natatakot ang asawa, ama at kapatid sa pamahalaan.
10. “Ang kabaitan ay di tulad ng brilyante na maisasalin sa iba. Ito ay likas sa tao. Ano ang
ibig ipahiwatig ng pahayag?
a. Ang ugali ay yaman ngt tao na maaaring ipamana sa iba.
b. Ang kabaitan ay tulad ng isang brilyante
c. Hindi naibibigay ang ugali ng isang tao
d. Likas sa tao ang kabaitan

Susi sa Pagwawasto
Gawain 2
1. E 2.b 3.j 4.g 5.h 6.a 7.I 8.f 9.c 10.d
Gawain 3
1. B 2.d 3.b 4. a 5.c 6.b 7.c 8.b 9.b 10.c
FILIPINO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN

Pangalan: ________________________________________ Petsa: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Pagbubuod sa Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo

Panimula (Susing Konsepto)


Lubos na mas malalim ang iyong pagkilala sa isang tao kung ikaw ay may kaalaman at
iyong nauunawaan ang kanyang pinagmulan. Maihahalintulad natin ito sa pag-unawa sa mga
akdang kapilas ng obra maestrang El Filibusterismo na naging malaking bahagi ng kasaysayan.
Sa iyong pakiwari kapag ba iyong binasa ang El Filibusterismo ng walang sapat na
kaalaman kung kalian, paano, at bakit ito isinulat, matatarok mo kaya ang tunay na diwa at
mensaheng nais ipahatid ng akda? Dagdag pa rito, bilang lunsaran sa pagsusuri sa bawat
kabanata ng buong nobela hindi ba’t mas mainam kung pag-aralan mo muna ang mga
natatagong lihim at kaisipan sa likod ng pagsusulat nito?
Kaya naman bilang pagpapahalaga at pagpapalalim ng kaalaman sa pagsusuri sa akdang
El Filibusterismo ang mga matutunghayang mga mapanghamong gawain ay nagsisilbing
pagsubok tungo sa pagtuklas sa nagbabagang kwentog punong-puno ng gintong kaalaman sa
likod ng pagsusulat ng obra maestrang ito.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Napapahalagahan ang napanood na pagpapaliwanag ng kaligirang pangkasaysayan ng
pagkakasulat ng El Filibusterismo sa pamamagitan ng pagbubuod nito gamit ang timeline
(F10PD-Iva-b-81)

Gawain 1
Panoorin sa mga sumusunod na link ang kaligirang pangkasaysayan ng El
Filibusterimo. Pagkatapos, sagutin ang kasunod nitong mga gawain.

(a) https://www.youtube.com/watch?v=IRMOA3VmST0&t=3s
(b) https://www.youtube.com/watch?v=lB1RIAL7ZSs&t=6s
Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Pagsusulat sa El Filibusterismo

Sinimulan ni Rizal ang pagsulat ng nobela sa Calamba habang nagsasanay ng medesina


noong Oktubre, 1887. Nang sumunod na taon habang siya’y nasa London, gumawa siya ng
ilang pagbabago sa banghay at iwinasto ang ilang kabanatang naisulat na. Sa Paris at Madrid
niya isinulat ang mga karagdagang kabanata at tinapos niya ang manuskrito sa Biarritz noong
Marso 29, 1981. Sa kabuuan, halos mahigit tatlong taon ang ginugol niya sa kanyang ikalawang
nobela.
Ang kalagayan sa pamumuhay ni Dr. Rizal nang sinusulat niya ang “El Filibusterismo,”
sunod-sunod ang mga kahirapang dinaranas niya – nagtitipid siya sa kanyang pagkain, at kung
minsan ay dalawang beses lang siya kumain maghapon; napilitan siyang isangla ang kanyang
alahas at ipinagbili ang ilang gamit; nararamdaman niyang nilalayuan siya ng mga kaibigan
niya sa “La Solidaridad”; naiisip niya ang pag-uusig na dinaranas ng kanyang pamilya sa
kamay ng pamahalaang Kastila; ipikasal sa iba ang kanyang katipan na si Leonor Rivera at ang
patuloy na pagdami at paglaki ng kanyang utang mula sa malalapit na mga kaibigan. Halos
mawalan na ng pag-asa si Rizal na maipalimbag pa niya ang ikalawang nobela.
Ang mga kasawiang dinaranas ni Rizal sa pagsulat ng ikalawang nobela ay hindi naging
hadlang upang ito’y tapusin. Naghanap kaagad si Rizal ng isang imprentang makakapagbigay
ng mababang halaga para sa pagpapalimbag ng nobela. Nahikayat niya ang isang
tagapaglathala - F. Meyer-Van Loo Press, Blg. 66 kalye Viaandoren – na ilimbag ang kaniyang
aklat na patingi-tingi ang bayad. Nagsangla siya ng kanyang mga alahas upang mabigay ang
paunang bayad sa imprenta.
Halos naging desperado si Rizal nang walang perang dumarating at wala na ring tulong
pinansyal mula sa samahan (Kilusang Propaganda). Noong ika-6 ng Agosto, 1891 ay pinatigil
ni Rizal ang pagpapalimbag dahil wala siyang maibayad sa imprenta. Isinulat niya kay Basa na
binabalak niyang sunugin ang kanyang sinulat ngunit nagugunita niyang marami pa ring
mabubuting tao ang tunay na nagmamahal sa kanilang bayan. Nang mukhang wala nang pag-
asa ang lahat, dumating ang tulong mula sa isang hindi inaasahan. Nalaman ni Valentin Ventura
ang suliranin ni Rizal at kaagad siyang nagpadala ng kinakailangang pondo.
Sa wakas, noong Setyembre 18, 1891, nailabas sa imprenta ang “El Filibusterismo”.
Masayang-masaya si Rizal sa araw na ito kaya agad siyang nagpadala ng kopya sa mga
malalapit na kaibigan. Ibinigay niya ang orihinal na manuskrito kay Valentin Ventura bilang
pagkilala ng utang na loob kalakip ng isa pang kopyang nilimbag, nilagdaan niya ang sipi ng
nobela para kay Ventura. Binigyan niya rin ng komplimentaryong kopya sina Ferdinand
Blumentritt, Mariano Ponce, Graciano Lopez Jaena, T.H. Pardo de Tavera, Antonio at Juan
Luna, Sixto Lopez, Jose Ma. Basa, Marcelo H. Del Pilar at iba pang mga tapat na kaibigan.
Ang unang kopya na inilimbag sa Ghent Belguim ay ipinadala niya sa Hongkong ngunit
iyon ay nasamsam ng mga may kapangyarihan. Ang iba pang kopyang dumating sa Iloilo ay
nakuha ng pamahalaang Kastila at ipinasira nang tuluyan. May ilan-ilang kopya na nakarating
at nabasa sa Pilipinas at ang mga ito ay nakalikha ng malaking sigla sa kilusang nauukol sa
paghihimagsik.
Panuto: Hanapin mo at markahan ang labindalawang taong katuwang sa pagsusulat ng El
Filibusterismo.

Gawain 2
Basahing mabuti ang mga pahayag na nasa PAHALANG (across) at PABABA (down).
Ito ang iyong magsisilbing gabay upang matukoy ang mga mahahalagang konsepto mula sa
kaligirang pangkasaysayan ng pagsusulat ng El Filibusterismo.
Gawain 5
Sa pamamagitan ng timeline, ipakita ang kaligirang pangkasaysayan sa pagsulat ng El
Filibusterismo. Gawing gabay ang pamantayan sa ibaba.

Pamantayan sa Pagbuo ng Timeline


Kumpleto at wasto ang datos. 8
Gumamit ng mga imahe o simbolong nagpatingkad sa bawat yugto. 7
Malinaw at nauunawaan ang koneksiyon o pagkakahabi ng bawat yugto. 6
Malinis ang output. 4
Kabuuan 20

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
1. Jose Rizal 7. Ferdinand Blementritt
2. Valentin Ventura 8. Leonor Rivera
3. Jose Alejandro 9. Andres Bonifacio
4. Marcelo Del Pilar 10. Mariano Gomez
5. Graciano Lopez Jaena 11. Jose Burgos
6. Juan Luna 12. Jacinto Zamora

FILIPINO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN

Pangalan: ________________________________________ Petsa: ___________


GAWAING PAGKATUTO
Pagsasalaysay ng magkakaugnay na mga pangyayari sa pagsusulat ng El
Filibusterismo

Panimula (Susing Konsepto)


Ang El Filibusterismo ay ikalawang obra maestra ng ating bayani na si Dr. Jose Rizal.
Karugtong ito ng Noli Me Tangere na una niyang nobela. Inilahad ng nobelang ito ang mga
nangyari sa mga pangunahing tauhan ng Noli, ang malaganap na sakit ng lipunan sa Pilipinas
na dulot ng mga Espanyol, at higit sa lahat, ang maaaring kahinatnan ng hinaharap kung
ipagpapatuloy ang madugong himagsikang nabuo.
Ano ang kahulugan ng Filibusterismo? Ipinaliwanag ni Rizal sa kaniyang kaibigang si
Dr. Ferdinand Blumentritt ang kahulugan nito. Lingid pa sa mga Pilipino ang kahulugan nito
noong unang masaksihan nila ang malagim at kalunos-lunos na pagbitay sa tatlong paring
martir. Malinaw pa sa kaniyang alaala ang matinding takot na hatid ng mensahe ng salitang
Filibustero dahil mahigpit na ipinagbawal sa kanilang tahanan ang pagsambit man lamang sa
salitang ito.
Ang pilibustero ay taong kritiko, taksil, lumaban o tumutuligsa sa mga prayle at
simbahang Katolika, at sa mga pamamalakad sa pamahalaan. Tinawag ding ganito ng mga
prayle ang mga Indiong may malayang kaisipan. Ito rin ang tawag sa mga Pilipinong hindi
yumuyuko sa mga kaapihan mula sa naghaharing uri. Kalimitang ipinatatapon ang mga
pilibustero sa ibang bansa.
Labing-isang taong gulang pa lamang si Rizal noon nang marinig niya ang salitang
pilibustero. Sa murang edad ay naging saksi siya sa mapapait, masasakit, at madidilim na
bahagi ng buhay ng ating mga ninuno kaya tumimo sa kanyang puso ang pagnanais na
mailantad ang kabuktutan ng mga mananakop. Ginamit niya ang ang pinakamabisang sandata
sa pagkakamit ng minimithing pagbabago at kalayaan ng mga Pilipino - ang kanyang panulat.
Gaya nang nabanggit, ang unang obra maestra ni Rizal ay ang Noli Me Tangere ng
matagumpay na lumabas noong Marso 1887. Mraming makabayan ang nagalak at humanga sa
katapangan ni Rizal sa pagbubunyag sa mga kabuktutan at pagmamalabis ng mga Espanyol
subalit tulad ng inaasahan, nagpuyos ang damdamin ng mga makapangyarihang Espanyol
matapos matunghayan ang nilalaman nito. Bitbit ang kaba sa puso ay nagpasiya siyang bumalik
sa Pilipinas kahit batid niyang ito ay mapanganib. Noong Agosto 1887 muli nyang nakasama
ang kanyang pamilya. Ginamot niya ang mata ng kanyang ina, nakipag-usap kay Leonor
Rivera, at inalam ang pagtanggap ng mga Pilipino sa kanyang isinulat na nobelang Noli.
Nang ipinagbawal sa Pilipinas ng pamahalaan ang pag-aangkat, pagpapalimbag, at
pagpapakalat ng nobelang Noli ay nakaramdam nang higit na panganib si Rizal. Hinimok si
Rizal ni Gobernador-Heneral Emilio Terrero, isang liberal na Espanyol na bukas ang isipan sa
hangarin ni Rizal na lisanin ang bansa upang makaiwas siya at ang kanyang pamilya sa lalo
pang kapahamakan at sa pagmamalupit ng mga makapangyarihang prayle. Nagpahinuhod siya
sa payo ng gobernador-heneral at tumalilis ng Pilipinas noong Pebrero 1888. Nagtungo siya sa
iba’t ibang bansa sa Asya, Amerika, at sa Europa. Napakarami niyang natutuhan sa mga
paglalakbay na ito tulad ng katarungang panlipunan, demokrasya, at iba pa pang reporma sa
pamahalaang mababakas sa kanyang akda.
Sinimulang isulat ni Rizal ang El Fili sa London noong 1890. Ayon kay Maria Odulio
de Guzman, binalangkas ni Rizal ang pagkatha sa El Fili noong mga huling buwan ng 1884 at
mga unang buwan ng 1885 nang isinusulat pa niya ang Noli. Mababakas ditong batid ni Rizal
ang pagtutunguhan, direksyon, at kahahantungan ng mga tauhan sa nobelang gagawin.
Habang isinusulat ni Rizal ang El Fili, naisasabay rin niya ang pagbisita sa mga
kaibigan at pamamasyal sa magagandang lugar sa Europa. Lubhang nasiyahan at naaliw si
Rizal sa ganda ng Paris kaya’t napag-isipan niyang lumipat muna sa Brussels, Belgium upang
matutukang mabuti at mapag-isipan nang lubusan ang nobelang ito. Kasama ang kaibigang si
Jose Alejandro ay nanirahan sila roon. Nanggamot din siya upang matugunan ang mga
pangangailangna niya roon.
Hindi naging madali ang pagsulat ni Rizal ng El Fili. Patong-patong na suliranin ang
kanyang naranasan habang isinusulat niya ito. Kung kinulang siya sa pananalapi nang isinulat
niya ang Noli ay higit siyang kinapos nang ginagawa na niya ang El Fili kaya sadya siyang
naghipit ng sinturon. Halos lumiban siya sa pagkain makatipid lamang. Nakapagsanla rin siya
ng kanyang mga alahas upang matustusan ang pagsusulat. Batid niyang walang ibang
makatatapos ng kanyang obra kung hindi siya lamang.
Hindi lamang kawalan ng pondo ang kanyang naging suliranin upang matapos ang
nobela. Naging balakid din ang suliranin niya sa puso, sa pamilya at sa kaibigan.Nakarating sa
kanyang kaalaman na ang kanyang pinakaiibig na si Leonor Rivera ay ipinakasal ng magulang
nito sa ibang lalaki. Mababakas ang pighati niya sa pangyayaring ito sa El Fili sa bahaging
nagtalusira si Paulita sa katipang si Isagani at nagpakasal kay Juanito.
Nakarating din sa kaalaman ni Rizal na pinasakitan at inusig ng pamahalaang Espanyol
ang kanyang magulang at mga kapatid sa Clamba, Laguna dahil sa usapin sa lupa at sa maling
paratang sa kanila. Labis siyang nag-alala para sa buhay nila. Maiuugnay ito kay Kabesang
Tales sa El Fili na may ipinaglalabang usapin hinggil sa pangangamkam ng lupa ng mga prayle
kahit wala silang katibayan ng pag-aari bagkus ay nakuha pang manghingi ng buwis sa may-
aring si Kabesang Tales. Sa pagpapatuloy ng pagsusulat ni Rizal ng nobela ay nagkaroon siya
ng iba’t ibang pangitain. Ganito rin ang nangyari kay Simoun nang nag-urong-sulong siyang
isagawa ang katuparan ng kanyang plano. Nakita niya ang nagdusang ama at si Elias sa
kanyang pangitain.
Lumayo rin kay Rizal ang mga kasama niya sa La Solidaridad. Ikinalungkot din niya
ang nakitang kawalan ng pagkakaisa ng mga Pilipinong Ilustrado sa Espanya na sila sanang
pag-asa ng nakalugmok na mamamayan ng Pilipinas. Dahil sa patong-patong na suliranin
naranasan, naisip ni Rizal na sunugin na lamang ang kanyang isinulat. Sinasabing may bahagi
ng nobela ang hindi niya napigilang ihagis sa apoy sa bigat at tindi ng kanyang mga alalahanin.
Pinagtibay ni Rizal ang kanyang kalooban at dahil sa kanyang marubrob na adhikaing
imulat ang kaisipan at gisingin ang damdamain ng mga Pilipino laban sa pang-aapi at pang-
aabuso ng pamahalaang Espanyol. Ipinagpatuloy niya ito kahit kulang sa panustos mula sa
pamilya. Nang matapos ito noong Marso 20, 1891 at makahanap ng murang palimbagan sa
Ghent, Belgium ay ipinadala niya ang manuskrito sa kaibigang si Jose Alejandro. Sa
kasamaang-palad, hindi natapos ang paglilimbag ng aklat. Mahigit na isang daang pahina pa
lamang ito nang mapahinto na dahil naubos na ang kanyang pambayad mula sa salaping
kanyang natipid at nang hindi dumating ang hinihintay na salapi mula sa kanyang pamilya sa
Pilipinas. Nilimot din ng ilang mayayamang kaibigang Pilipino ang kanilang pangakong tulong
sa paglilimbag ng nobela.
Sa oras ng pangangailangang ito ay himalang dumating ang saklolo ng mayamang
kaibigang si Valentin Ventura.Siya ang gumastos upang maituloy ang nahintong paglilimbag
ng nobela noong Setyembre 1891. Dahil mabuting kaibigan si Rizal ay inialay niya ang isang
panulat at ang orihinal na manuskrito ng El Fili kasama ang isang nilimbag at nilagdaang sipi
bilang pasasalamat at pagtanaw ng malaking utang na loob sa kaibigang si Valentin Ventura.
Ipinadala ni Rizal sa Hong Kong ang karamihan ang mga aklat at ang ibang bahagi ng mga ito
ay sa Pilipinas napunta pagkatapos niyang mabigyan ng kopya ang mga kaibigang sina Juan
Luna, Marcelo H. Del Pilar, Graciano Lopez Jaena, at Dr. Ferdinand Blumentritt. Sa
kasamaang-palad, nasamsam sa Hong Kong ang mga aklat na ipinadala ni Rizal gayundin ang
mga kopyang ipinadala niya sa Pilipinas. Ipinasira ng Pamahalaang Espanyol ang mga sipi ng
nobela subalit may ilang nakalusot at nagbigay ng malaking inspirasyon sa mga naghihimagsik.
Patuloy nitong naantig at nagising ang damdamin ng mga Pilipino. Kung ang Noli ay siyang
gumising at nagpaalab sa diwa at damdamin ng mga Pilipino ukol sa mga karapatan,
nakatulong naman nang malaki ang El Fili kay Andres Bonifacio at sa katipunan upang
maiwaksi ang mga balakid na nakasasagabal sa paghihimagsik noong 1896.
Ang El Fili ay inialay ni Rizal bilang pagpupugay sa tatlong paring martir na binitay sa
Bagumbayan noong Pebrero 1872 na sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos, at Padre
Jacinto Zamora dahil lamang sa maling hinala ng mga Espanyol. Bilang paggalang at pag-alala
sa kanilang sakit at hinagpis, inihandog niya ito. Wika niya:
“Sa di pagsang-ayon ng relehiyon na alisin kayo ng karangalan sa pagkapari ay
inilagay sa alinlangan ang kasalanang ibinibintang sa inyo; sa pagbabalot ng pagkakamaling
nagawa sa isang masamang sandali, at ang buong Pilipinas, sa paggalang sa inyong alaala
at pagtawag na kayo’y mga pinagpala, ay hindi lubos kinikilala ang inyong pagkakasala.
Samantala ngang hindi maliwanag na naipakikilalang ang inyong pagkakasangkot sa
pagkakagulo sa Kabite, maging bayani man kayo o hindi, nagkaroon man o hindi ng hilig sa
kalayaan, ay may karapatan akong ihandog sa inyo, bilang ginahis ng kasamaang ibig kong
bakahin, ang aking akda. At habang hinihintay namin na kilalanin ng Espanya balang araw
ang inyong kabutihan at hindi makipanagot sa pagkakapatay sa inyo, ay maging putong na
dahong tuyo man lamang ang inyong liblib na libingan ang mga dahon ng aklat, lahat nang
walang katunayang maliwanag na umupasala sa inyong alaala ay mabahiran nawa ang
kanilang kamay ng inyong dugo”
Ayon sa pag-aaral hindi napatunayan ang pagkakasangkot ng tatlong paring martir sa
pag-aalsa sa Cavite. Hindi rin pinayagang muli ng mga Espanyol na mabuksan ang kanilang
kaso upang hindi na lumabas pa ang katotohanan.
Inihambing naman ni Ginoong Ambeth Ocampo ang Noli sa El Fili. Ayon sa kanya,
mas maraming hindi isinama si Rizal sa El Fili. May halos apat napu’t pitong (47) pahina ang
tinanggal, nilagyan ng ekis, binura, at binago. Samantalang sa Noli Me Tangere ay ang
kanabata lamang tungkol kina Elias at Salome ang hindi niya naisama sa pag-imprenta subalit
buo ito at maaring isalin at pag-aralan din. Ayon din sa kanya, noong 1925, binili ng
pamahalaan ang orihinal na koya ng nobela mula kay Valentin Ventura.

Kasanayang Pampagkatuto

Naisasalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa pagkakasulat ng El


Filibusterismo (F10PS-IVa-b-85)

Gawain 1

Isalaysay ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa pagkakasulat ng


El Filibusterismo. Isulat ang mga letrang A-J upang mapagsaunod-sunod ang mga pangyayari.

_______ 1. Ipinadala ni Rizal ang manuskrito sa kaibigan sa Ghent, Belgium upang


maipalimbag. Sa kasamaang palad, hindi ito natapos dahil naubos ang kanyang
salaping panustos para rito.

_______ 2. Pinagtibay ni Rizal ang kanyang kalooban at dahil sa kanyang marubrob na


adhikaing imulat ang kaisipan at gisingin ang damdamain ng mga Pilipino laban sa
pang-aapi at pang-aabuso ng pamahalaang Espanyol.

_______ 3. Nalaman ni Rizal na ang kanyang pamilya ay inusig at pinasakitan ng pamahalaang


Espanyol dahil sa lupa at maling paratang sa kanila.

_______ 4. Naghandog ng tulong pinansyal ang mayamang kaibigan ni Rizal na si Valentin


Ventura para sa pagpapalimbag ng nobela.

_______ 5. Ipinaliwanag ni Rizal ang kahulugan ng salitang Filibustero sa kanyang kaibigang


si Dr. Ferdinand Blumentritt.

_______ 6. Para makalikom ng sapat na salapi, sinimulang magtipid ni Rizal upang matustusan
ang pagpapalimbag ng El Filibusterismo.

_______ 7. Ipinasunog ng pamahalaang Espanya ang kopya ng nobelang El Fili sa takot nilang
makarating ito sa mamamayang Pilipino.

_______ 8. Bunga ng maraming suliranin, naisip ni Rizal na sunugin ang kanyang mga isinulat.

_______ 9. Dahil sa pakiusap ng mga taong nagmamahal kay Rizal at dahil na rin sa mga
bantang natatanggap ay nagtungo si Rizal sa London. Doon ay sinimulan niyang
isulat ang El Filibusterismo.

_______10. Si Rizal at Jose Alejandro ay nagpasyang magtungo sa Brussels, Belgium upang


matutukan at mapag-isipang mabuti ang nobela.
Gawain 3
Ilahad ang magkakaugnay na pangyayari sa pagbuo ng El Filibusterismo sa
pamamagitan ng pagkompleto sa mga pahayag.

1. Ang nasaksihang kabuktutan at pagmamalabis ng mga kastila ang


_____________________________________________________________________
2. Lumisan si Rizal patungong Brussels sa pagnanais na
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Lumayo kay Rizal ang mga kasama niya sa La Soliralidad dahil dahil
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
4. Ang kakulangan sa pondo upang matustusan ang pagpapalimbag ng nobela ang naging
rason ni Rizal para
_____________________________________________________________________
5. Sinamsam ng pamahalaang espanyol ang sipi ng El Filibusterismo dahil
_____________________________________________________________________
6.
Gawain 5
Gumupit ng mga larawan mula sa magasin o diyaryo na may kaugnayan sa mga inilahad na
pangyayari sa pagkakasulat ng nobelang El Filibusterismo. Idikit ito sa mga kahon sa ibaba. Lagyan ng
arrow upang makita ang pagkakasunod-sunod nito.

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3 Gawain 4 Gawain 5
1. H
2. G Sariling Sariling Sariling Sariling
3. E gawa ng gawa ng gawa ng gawa ng
4. I mga mag- mga mag- mga mag-
mga mag-
5. A aaral aaral aaral
aaral
6. D
7. J
8. F
9. B
10. C
FILIPINO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN

Pangalan: ________________________________________ Petsa: ___________


Baitang at Seksiyon: _______________________________ Iskor: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Pagsusulat ng buod ng El Filibusterismo batay sa ginawang timeline

Panimula (Susing Konsepto)

Inilalantad ng El Filibusterismo ang higit na madilim na larawan ng mga dekada ng ika-


19 na siglo sa Pilipinas na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na kilala sa
bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora. Nakaranas si Rizal ng hirap habang
isinusulat ito at tulad din ng Noli Me Tangere, nakasulat din ito sa Kastila. Sinimulan niya ang
akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba.

Umalis si Rizal patungong Europa upang isulat ang kauna-unahan niyang nobela ngunit
nagalit ang mga Kastila. Si Blumentritt ay isang matalik na kaibigan ni Rizal at isa siya sa mga
nakakaalam sa mga balak ni Rizal na magsulat ng El Filibusterismo.

Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at


nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at
karapatan ng bayan.

Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre 1887, marami ng
kasawiang dinanas ang kaniyang mga kamag-anakan at kaibigan dahil sa pagkakasulat niya ng
Noli Me Tangere.

Ang pagkahandog na ito sa tatlong paring martir ng ikalawang nobela ni Rizal ang
pangunahing dahilan kung bakit ito ay itinuturing na isang nobelang politikal. Naglalahad dito
sa isang mala-talaarawang pagsasalaysay ang mga suliranin ng sistema sa pamahalaan at ang
mga kaakibat na problema: problema sa lupa, pamamahala, pamamalakad ng relihiyon at
edukasyon, katiwalian atbp. Tuwiran at di-tuwiran, masasalamin din ang mapapait na
karanasang gumiyagis kay Rizal sa ilang mga eksena at yugto ng nobela.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Naisusulat ang buod ng kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo batay sa


ginawang timeline

Gawain 1
Basahin at unawaing mabuti ang ilang tala ng impormasyon tngkol sa kasaysayan ng
El Filibusterismo. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang simulain sa pagsulat ni Rizal sa El Filibusterismo?
a. himukin ang mga Pilipino na makidigma
b. iminulat ang kasamaan ng mga prayle
c. nagpasigla sa loob ng mga Pilipino sa pakikidigma
d. labanan ang pang-aalipin ng mga Kastila
2. Nakatulong sa kaniya ang nobela upang alisin ang sagabal sa paghihimagsik noong 1896.
a. Andres Bonifacio. b. Antonio Luna
c. Emilio Jacinto d. Jose Rizal
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tumutukoy sa kalagayan ni Rizal nang isinulat ang
ikalawang nobela?
a. nagtipid ng pagkain
b. napilitang magsanla ng alahas
c. nilayuan ang mga kasama sa La Solidaridad
d. nagpakasal sa kasintahan
4. Ano ang dahilan sa paglipat ni Rizal sa Ghent Belgium.
a. pinautangan siya ng per ani Ventura b. mababa ang pamumuhay doon
c. upang lumato kay Nelly Bousted d. magtago sa mga Espanyol
5. Saan sinimulan ni Rizal ang pagsulat ng El filibusterismo noong Oktubre 1887?
a. Calamba b. Espanya
c. Inglatera d. Europa
6. Sino ang tumulong upang matapos ang pagpapalimbag ng nobelang El Filibusterismo?
a. Antonio Luna b. Emilio Jacinto
c. Valentin Ventura d. Ferdinand Blumentritte
7. Ilang pahina ang ibinawas ni Dr. Rizal sa nobela dahil sa kakulangan ng pondo?
a. 3 b. 4
c. 5 d. 6
8. Saang palimbagan tinapos ang aklat ng El Filibusterismo?
a. Van Loo Press b. Meyer Van Loo Press
c. Meyer Loo Press d. Van Loo Meyer Press
9. Ano tinutukoy na sakit ng lipunan sa nobelang El Filibusmerismo?
a. korapsyon b. kanser
c. diskriminasyon d. katamaran
10. Kanino inialay ni Dr. Rizal ang El Filibusterismo?
a. katipunero b. propagandista
c.tatlong paring martir d. kababaihan sa Malolos

Gawain 2
Punan ng mahahalagang impormasyon ang timeline sa pagsulat ni Dr. Jose Rizal ng
El Filibusterismo.
TIMELINE NG EL FILIBUSTERISMO

Calamba
Oktubre 1887

Inglatera 1888

Belgium
Marso 29, 1891
Agosto 6, 1891
Belgium

Belgium
Setyembre 22,
1891

Gawain 3

Mula sa ginawang timeline, sumulat ng isang makabuluhang buod nito na naglalaman


ng mga mahahalagang tala o impormasyon sa pagsulat ni Dr. Jose Rizal sa nasabing nobela.

Pamantayan sa Pagbubuod

Kaangkupan sa Kaayusan ng mga Istilo/Paraan ng Gramatika-5 Kabuuan 20


Paksa-5 impormasyon-5 Pagbubuod-5 puntos

BUOD NG KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1

1. c 2.a 3. D 4. B 5.a 6. c 7.d 8. B 9. B 10. c


FILIPINO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN

Pangalan: ________________________________________ Petsa: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Pagtatala ng nahahalagang impormasyon mula sa sanggunian

Panimula (Susing Konsepto)


Ang tao ay natural na nakararamdam ng hinanakit sa pamilya, kaibigan,
pinagtitiwalaan, kasintahan, at kapuwa. Hinanakit na kung saan hindi maiwasang masaktan,
magtanim ng galit at gumanti. Ngunit sa huli, kalayaan at luwag ng pakiramdam ang
mamamayani.
Ang masaktan ay parte kapag ikaw ay naging mabuti sa kapuwa pero ang magtanim ng
galit at gumanti ay negatibong reaksiyon ng ating isipan na nagdudulot ng kasamaan. Ikaw ba
ay may karanasan sa ganitong sitwasyon? Nahirapan, naguluhan, at nasira ang kaayusan ng
pamumuhay. Ano ang iyomg higit na pinahalagahan upang ito ay maiwasan?
Ating ipagpapatuloy ang aralin mula sa Kabanata IV ng El Filibusterismo matapos na
mapagtagumpayang sagutan ang naunang mga gawain sa kaligirang pangkasaysayan at
makilala ang mga tauhan ng nobelang ito. Inaasahan kong kayo ay handa nanamang
makapagbigay ng panibagong kaalaman o impormasyon sa akdang pag-aaralan. Ngunit bago
tayo dumako sa ating aralin ay balikan muna natin kung ano ba ang nobela, buod at El
Filibusterismo.
Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga
pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing
sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa
kabila – isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at
magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan
sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.
Ang buod naman ay diwa, lagom o sumaryo. Ito ay pinagsama samang mahahalagang
impormasyon o pangyayari na naganap sa tekstong iyong nabasa o napanood.
Ang ibig sabihin ng El Filibusterismo ay “Ang Paghahari ng Kasakiman”. Ito ang
pangalawang aklat na isinulat ni Dr. Jose Rizal. Sinasabing ito ang karugtong ng nobelang Noli
Me Tangere. Ang El Filibusterismo ay iniaalay ng ating pambansang bayani sa tatlong paring
martir na tinaguriang Gomburza na sina Don Mariano Gomez, Don Jose Burgos, at Don Jacinto
Zamora. Ito ay kilala sa Ingles na “The Reign of Greed”.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Naitatala ang mahahalagang impormasyon mula sa iba’t ibang pinagkukunang
sanggunian (F10WG-Iva-b-78)

Gawain 2
Hanapin sa loob ng kahon ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit sa
bawat pangungusap. Pagkatapos, gamitin ang mga ito sa sariling pangungusap.
hindi sang-ayon kumbinsihin nakisali

pagkukunwari inakit sakay


sinabihan

nakulong
naagaw nagulat
a

1. Ang bus na biyaheng Cainta ay may lulan na mga bata kaya maingat ang drayber na
minaneho ito.
Sagot: ________________
Pangungusap: _______________________________________________________________
2. Natahimik ang grupo ng mga kababaihan sa isang pagtitipon nang biglang may isang
lalaking nakisalamuha sa kanila.
Sagot: ________________
Pangungusap: _______________________________________________________________
3. Ang mga tao ay nagulantang sa presyo ng mga bilihin simula nang magkaroon ng pandemya.
Sagot: ________________
Pangungusap: _______________________________________________________________
4. Si Mildred ay natigil sa kaniyang pagbabalatkayo simula nang iwanan siya ng kaniyang mga
kaibigan dahil nalaman nila ang tunay niyang na ugali.
Sagot: ________________
Pangungusap: _______________________________________________________________
5. Napakagaling na mananalita ni Karl Nadunza. Madali lang para sa kaniya at kaya niyang
himukin ang lahat ng mga taong kaniyang kinakausap.
Sagot: ________________
Pangungusap: _______________________________________________________________
6. Si Kardo ay anak ng mayamang negosyante kaya’t sinilaw niya ng salapi ang kaniyang
napupusuang babae.
Sagot: ________________
Pangungusap: _______________________________________________________________
7. Lumipat ng tirahan si Kepweng nang binalaan ng kaniyang kaaway na papatayin siya kapag
sila ay nagkita pa.
Sagot: ________________
Pangungusap: _______________________________________________________________
8. Lakas-loob na ipinamahagi ni Poldo ang kaniyang nasamsam na salapi mula sa mga
magnanakaw.
Sagot: ________________
Pangungusap: _______________________________________________________________

9. Hindi natuloy ang isang okasyon sa baryo dahil salungat ang bise mayor sa programang ito.
Sagot: ________________
Pangungusap: _______________________________________________________________
10. Ganoon na lamang ang pagyakap ng kaniyang anak nang magkita dahil sa tagal na napiit
sa bilangguan.
Sagot: ________________
Pangungusap: _______________________________________________________________
Gawain 3
Basahin at unawain ang buod ng nobela. Pagkatapos, sagutin nang buong husay at tapat
ang kasunod nitong gawain.

Buod ng El Filibusterismo
Nagbalik si Simoun sa Pilipinas makalipas ng labintatlong taon upang maghiganti sa
mga kaaway. Matagumpay na nasira ng mga kalaban ang malinis na pangalan ng mga Ibarra,
nasamsam ang kanilang kayamanan, nailayo siya sa kanyang pinakaiibig na si Maria Clara, at
nawalan ng Kalayaan. Naging matalik niyang kaibigan ang Kapitan-Heneral dahil sa
napakaraming pabor na naibigay ni Simoun sa kanya noong nagkasama sila sa Cuba. Sa
kanyang pagbabalik sa Pilipinas, naging sunod-sunuran ang Kapitan-Heneral sa bawat pag-
uudyok ni Simoun. Anupa’t naging napakamakapangyarihan ni Simoun dahil sa kanyang
koneksiyon sa naghaharing uri at dahil na rin sa taglay niyang kayamanan.

Sa Bapor Tabo, lulan ang mga Reverendos at Ilustrisimos, Indio, mga mangangalakal
na Intsik, at mga mag-aaral na magbabakasyon. Makikita rito ang paggalang ng mga lulan ng
bapor sa makapangyarihang si Simoun. Nakisalamuha siya sa mga ito at maging sa
makabagong mga mag-aaral na sina Isagani at Basilio.

Sa tahanan ni Kapitan Tiago sa San Diego, nagtuloy si Basilio na anak ni Sisa.


Nakapagsimula siyang muli nang mabigyan siya ng salapi ni Ibarra, na noon ay di niya kilala
matapos nilang magkatulungan. Inilibing ng sugatang si Ibarra si Sisa at ipinangahoy naman
siya ni Basilio upang sunugin ang bangkay ni Elias na nagligtas sa buhay ni Ibarra. Lumuwas
ng Maynila si Basilio at natagpuan si Kapitan Tiago na siyang tumulong sa kanyang makapag-
aral.

Bisperas ng Pasko noon, hindi sinasadyang nagkitang muli sina Basilio at Simoun sa
kagubatan. Nagulantang si Simoun sa paghaharap nila ni Basilio subalit nang masiguro niyang
hindi siya maipahahamak ng binata sa pamamagitan ng pagbubunyag sa kanyang
pagbabalatkayo ay pumayapa na ang kanyang kalooban. Hinimok niya si Basilio na tulungan
siyang mamagitan sa mga kabataan upang maisakatuparan ang kanyang aghikain. Magalang
na tumanggi ang mapayapang si Basilio kay Simoun sapagkat iba ang kanyang layunin – ang
iligtas sa karamdaman at sakit ang mga mamamayan at magkaroon ng masayang pamilya.

Nabalitaan ni Basilio ang nangyari sa pamilya ni Kabesang Tales na ama ni Juli. Si Juli
ang kanyang kasintahan at plano na niyang pakasalan ito pagkatapos makuha ang kanyang
diploma sa pagiging doctor. Nang makituloy ang mayamang si Simoun sa tahanan ni Kabesang
Tales ay malugod siyang tinanggap ng kabesa sa kabila ng matinding suliranin sa pananalapi
dahil sa pakikipaglaban nito sa makapangyarihang mga prayle. Dala ang mga hiyas,
nakapagbenta si Simoun sa mga taga-San Diego at Tiani. Naiba ang priyoridad ng ilang
pamilya sa mga bayang ito dahil lumabas ang nakatagong salapi makabili lamang ng
magaganda at mamahaling alahas. May ibang motibo ang ilang mamimili ng alahas dito. Nais
din nilang mapalapit sa mag-aalahas dahil alam nilang matalik itong kaibigan ng Kapitan
Heneral. Ang galanteng si Kapitan Basilio ay gumastos ng napakalaking halaga nang magpabili
ang kura, ang alperes, at iba pang prayle ng mga mamahaling alahas na hindi niya pinabayaran
upang siya ay mailigtas sa anumang magiging suliranin sa mga ito pagdating ng panahon.
Tunay na bakas kay Simoun ang paghihiganti. Sinilaw niya si Kabesang Tales sa
kapangyarihan ng kanyang baril at nang palihim na kinuha ito ng kabesa ay natuwa si Simoun
dahil nakakita siya ng kakampi.
Dinalaw ni Simoun si Basilio nang makabalik ito ng Maynila upang muling himukin
ang binatang sumapi sa rebolusyon dahil naihanda na ni Simoun ang lahat – ang dalawang
panig na susuporta sa kanyang adhikain mula sa pamahalaan at mula sa mga tulisan subalit-
matibay ang paninindigan ni Basiliong pisikal na karamdaman ang nais niyang gamutin, hindi
ang sakit ng lipunan. Binalaan siya ng mag-aalahas at sa dakong huli ay napahinuhod na rin
siya. Nalaman niya mula kay Simoun na ang magiging misyon niya ay ang iligtas si Maria
Clara. Si Simoun ang nanlumo sa ibinalita nito sa kanya, patay na ang dalaga. Sa matinding
pighati, hindi naibigay ni Simoun ang hudyat sa kanyang mga kapanalig nang gabing
napagkasunduan kaya hindi natuloy ang rebolusyon.
Samantala, ang mga makabagong mag-aaral na nais matuto ng wikang Kastila ay
umaasang magtagumpay dahil naihanda na lahat-ang guro, paaralan, at pondong gagamitin.
Hinihintay na lamang nila ang pagpasa nito. Alam ng mga mag-aaral na may mali sa Sistema
ng edukasyon. Humingi sila ng tulong kay padre Irene upang mamagitan subalit sa kasamaang-
palad, hindi sila nagtagumpay dahil salungat dito ang vice-rector ng unibersidad na si Padre
Sibyla. Si Don Custodio ang siyang huling nagpasiya. Upang palipasin ang matinding sama ng
loob, sa pangunguna nina Makaraig at Isagani ay nagkita-kita ang mga mag-aaral sa isang
pansitan. Inilabas nila ang kanilang hinaing sa mga taong sangkot sa pagbabasura ng kanilang
panukala. Kinabukasan naparatangan at nabilanggo ang lahat ng mga mag-aaral sa isa raw
pakana na hindi naman napatunayan.

Si Basilio na mapayapang tao ay hindi nakaligtas sa suliranin at pighati. Nadamay siya


at nakulong dahil sa kung ano-anong babasahing nasamsam sa kanyang tirahan na sinasabing
laban sa pamahalaang Kastila. Hindi naglaon, ang mga makabagong mag-aaral na napiit ay
nakalaya rin. Tanging ang inosenteng si Basilio ang naiwan sa kulungan dahil walang
padrinong nais mamagitan at matulungan siyang mailabas dito. Inilapit ng Mataas na Kawani
ang kaso ni Basilio sa Kapitan Heneral subalit walang nangyari. Ayaw makinig ng Kapitan
Heneral sa Mataas na Kawani. Sa Tiani, hindi maintindihan ni Juli kung ano ang gagawin
upang matulungan si Basilio sa kanyang kagipitan. Ang tanging “pagbisita” niya sa kumbento
ni Padre Camorra ang magpapalaya sa katipang si Basilio. Labag sa kanyang kalooban ang
gagawing pagpapatulong kay Padre Camorra subalit nais niyang tumanaw ng utang na loob sa
katipan sa pagtubos nito sa kanya sa pagiging alila ni Hermana Pechang nang magkautang ang
pamilya ng dalaga rito.

Malinaw na nailarawan ang nobelang ito kung ano ang nangyari sa mga kabataang
nakalaya lalo na kay Basilio. Alamin kung anong bahagi ang gagampanang papel ni Basilio sa
muling paglulunsad ni Simoun ng ikalawang rebolusyon laban sa pamahalaan.
Kapananabikang malaman kung paano niya naisagawa ang mga ito at kung nagtagumpay ba si
Simoun sa kanyang paghihiganti.

Panuto: Gamit ang “Story Worm”, ibahagi ang iyong kaalaman sa pagbibigay ng banghay ng
nobelang binasa at magtala ng dalawang mahahalagang pangyayaring naganap sa buod ng El
Filibusterismo. Gawin ito sa isang buong papel.
Pangalawang Mahalagang
Pangyayari

Unang Mahalagang
Pangyayari
Konklusyon

Tagpuan

Pangunahing Tauhan

Gawain 4
Base sa nabasang buod ng El Filibusterismo, sagutin ang mga sumusunod na gabay na
tanong.
Mga Tanong Sagot
1. Paano mo maihahalintulad ang >
pamahalaan noon at ngayon?
2. Ano ang katangian ng bawat tauhan na >
makikita pa rin sa mga tao sa kasalukuyan?
3. Makatarungan ba ang paghihiganti upang >
makamit ang kalayaan na inaasam?
Ipaliwanag.

Susi sa Pagwawasto

Gawain 2:
1. sakay 6. inakit
2. nakisali 7. sinabihan
3. nagulat 8. naagaw
4. pagkukunwari 9. hindi sang-ayon
5. kumbinsihin 10. Nakulong
FILIPINO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN

Pangalan: ________________________________________ Petsa: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Paggamit ng iba-ibang reperensiya/batis ng impormasyon sa pananaliksik

Panimula (Susing Konsepto)

Ang pananaliksik ay ang sistematikong paghahanap ng mahahalagang impormasyon


hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin. Kung ikaw ay sasabihang manaliksik tungkol sa
isang paksa, alam mo ba kung saan-saan makakukuha ng mga impormasyon o datos para
maisagawa ito? Mahalagang malaman ng isang mag-aaral kung ano-ano o kung saan-saan
makakukuha ng datos para maging komprehensibo at sistematiko ang gagawing pananaliksik.
Bahagi na ng buhay ng bawat mag-aaral ang pagsasagawa ng sistematikong pananaliksik para
sa iba’t ibang pangangailangang akademiko. Mahalaga kung gayon na alam ng mag-aaral ang
kanyang gagawin at paghahanapan upang maging matagumpay siya sa malalimang
pananaliksik. Napakaraming impormasyong maaaring makuha sa Internet man o sa silid-
aklatan kaya madalas, ang isang mag-aaral na nananaliksik ay karaniwang nakadarama ng
kalituhan sa dami ng impormasyon at sa huli’y nahihirapang magdesisyon kung alin sa mga ito
ang karapat-dapat isama sa kanyang binubuong papel pang-akademiko.
Reperensya/Batis Ng Impormasyon

Ayon kina Mosura, et al. (1999), ang mga hanguang primarya (primary sources) ay:

a. Mga individwal, awtoridad,


b. Mga grupo o organisasyon tulad ng pamilya, asosasyon, unyon, fraternity, katutubo o
mga minorya, bisnes, samahan, simbahan at gobyerno,
c. Mga kinagawiang kaugalian tulad ng relihiyon at pag-aasawa, sistemang legal at
ekonomik at iba pa, at
d. Mga pampublikong kasulatan o dokumento tulad ng konstitusyon, batas-kautusan,
treaty o kontrata at ang lahat ng orihinal na tala, katitikan sa korte, sulat, jornal at
taalarawan o dayari.

Ang mga Hanguang Sekondarya (secondary sources) naman ay:

a. Mga aklat tulad ng diksyunaryo, ensaklopidya, taunang-ulat o yearbook, almanac at


atlas,
b. Mga nalathalang artikulo sa jornal, magazin, pahayagan, at newsletter,
c. Mga tisis, disertasyon at pag-aaral ng fisibiliti, nailathala man ang mga ito o hindi, at
d. Mga monograf, manwal, polyeto, manuskrito at iba pa.

Hanguang Elektroniko o Internet


Maituturing ang Internet ngayon bilang isa sa pinakamalawak at pinakamabilis na
hanguan ng mga impormasyon o datos. Sa isang pindot lamang ng daliri ay may mayamang
impormasyon ka nang makukuha. Ang teknolohiyang ito ay bunga ng kumbinasyon ng
servisyong postal, telefono, at silad-aklatan. Sa internet ay maari ka ring magpadala ng liham-
elektroniko o e-mail sa alin mang panig ng mundo.
Samakatuwid, mas mainam ito kumpara sa pagpapadala ng impormasyon sa
pamamagitan ng koreo na aabutin ng ilang araw at sa pagpunta sa mga silid-aklatan sa
malalayong lugar o kaya’y pangangalap ng mga datos gamit ang telepono.
Kung ang internet ay maaaring pagkunan ng impormasyon o datos, nangangahulugan
lamang na malaking tulong ito sa pananaliksik.
May ilan lamang katanungan sa kawastuhan ng paggamit nito, gaya lamang ng mga
sumusunod:
• Gaano kahalaga ang impormasyong manggagaling sa internet?
• Ano-ano ang sukatan ng kahalagahan nito?
Walang paraan para masala ang mga impormasyong nailathala sa internet, subalit sa
panahon ng makabagong teknolohiya, ito pa rin ang unang tinutungo ng mga mag-aaral na
nananaliksik lalo na kung wala silang oras para makagalugad ng mga aklat sa silid-aklatan.
Mahalaga kung gayon na magsagawa ng pananaliksik sa tatlong lugar sa internet para ma-
beripika, mapalalim, at makakuha ng mapagkakatiwalaang impormasyon. Kailangang
maghanap ng impormasyon sa mga Open Web, Gated Web, at sa mga Hidden Web.

➢ Open web ang tawag sa impormasyong agad-agad lumalabas at nakukuha mula sa mga
search engine tulad ng Google, Yahoo, at iba pa. Ang mga impormasyong ito ay libre
at maaaring mabasa ng sinuman. Gayunpaman, ang mga impormasyon ay hindi nasala
at walang kasiguraduhan kung tama ba o hindi dahil hindi tiyak kung ang nilalaman ay
dumaan sa pagsusuri ng mga eksperto para matukoy ang kawastuhan o kaangkupan.
➢ Gated Web ang tawag sa mga impormasyong makukuha mo lamang kapag ikaw ay
miyembro kaya’t nangangailangan ng log-in at password bago makapasok. Karaniwang
nagbabayad ang mga taong nais makapagsaliksik sa mga gated web dahil ang mga
impormasyong makikita rito ay mga naka-copyright. Ang malalaking aklatan ay
nagbabayad sa mga publisher ng mga gated web para ma-access ng kanilang mga mag-
aaral ang mga impormasyong ito gamit ang kanilang mga detalye tulad ng student
number, at iba pa. Ang bayad ng mga mag-aaral ay isinasama na sa kanilang library
fee.
➢ Ang Hidden Web na tinatawag ding Deep Web o Invisible Web ay nagtataglay ng mga
hindi naka-html na dokumento tulad ng mga naka-PDF, makikita rin ditto ang mga
gated site, at mga inter-aktibong aplikasyon tulad ng mapa, mortgage calculator, at iba
pa. Ang Hidden Web o Deep Web ay napakalaki at sa katunaya’y nasa 500 hanggang
700 daang beses na mas Malaki kaysa sa mga gated web at katatagpuan ng biyon-
bilyong dokumento. Kung tutuosin, para itong isang higanteng aklatang mabubuksan
lamang kung ikaw ay konektado sa Internet at nagtataglay ng mahalagang susi, ang
iyong log-in name at password.

Samakatwid, para sa epektibong pananaliksik, mahalaga ang paggamit ng mga batis ng


impormasyon kagayan ng aklatan at internet. Maraming bagong impormasyon at dokumento
ang posibleng hindi pa nailalathala sa mga aklat, gayundin naman, hindi lang dapat umasa sa
mga impormasyong dala ng internet lalo kung galing sa mga Open Web dahil sa kawalan ng
kasiguraduhan na ang mga ito’y tama at beripikado. Kung gayon, ang paggamit ng aklatan
kung saan may access sa impormasyong taglay ng mga gated at hidden web ang
pinakamabuting gamit sa pananaliksik upang matiyak na maayos, tama, kompleto, at
beripikado ang mga datos na isasama mo sa bubuoing papel pang-akademiko. Huwag ding
kalimutang magbigay ng kredito sa may-ari o manunulat ng ginamit mong sanggunian.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nagagamit ang iba-ibang reperensya/batis ng impormasyon sa pananaliksik (F10EP-IVa-b-33)

Gawain 1
Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa sagutang papel ang mga kasagutan.

1. Nasubukan mo na bang manaliksik? Alin ang ginamit mong reperensiya, ang hanguang
primarya, sekundarya, o ang internet? Bakit?
2. Ano-ano ang kabutihang maidudulot ng pananaliksik sa internet? Ano-ano naman ang
kabutihang maidudulot ng pananaliksik sa iba pang hanguan o batis ng impormasyon?
3. Batay sa iyong mga isinagot, bakit mahalagang gamiting pareho sa pananaliksik ang
mga batis ng impormasyon at ang internet sa pangangalap ng datos at impormasyon?
4. Paano nagkaiba-iba ang open web, gated web, at hidden web? Paano makatutulong na
mula sa tatlong ito manggagaling ang mga datos na kukunin sa internet?
5. Ano ang maipapayo mo sa isang taong magsasagawa ng isang pananaliksik tungkol sa
El Filibusterismo upang matiyak na maayos, tama, at beripikado ang mga datos na
ilalahad niya?
Gawain 2
Magsaliksik tungkol sa naging epekto o nagawa ng nobelang El Filibusterismo para sa
iba’t ibang Pilipino sa panahon ng himagsikan. Ilahad sa isang ulat ang iyong mga nasaliksik
at bigyang-diin ang naging papel ng mga taong nagising ang diwang makabayan sa
pamamagitan ng nobela. Isulat sa sagutang-papel ang iyong ulat.
Gamiting gabay ang pamantayan sa ibaba para sa iyong gagawin.

Puntos Pamantayan
5 Lubhang napakalinaw ng nilalaman dahil kompleto sa basehan at patunay na
nagmula sa pananaliksik.
4 Malinaw ang nilalaman dahil taglay ang mga basehang mula sa pananaliksik.
3 Bahagyang malinaw ang nilalaman dahil taglay ang ilang basehang mula sa
pananaliksik.
2 Kulang na kulang sa kalinawan ang nilalaman dahil taglay lamang ang isang
basehan sa pananaliksik.
1 Hindi naging malinaw ang nilalaman dahil kulang ang ginawang
pananaliksik.

FILIPINO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN

Pangalan: ________________________________________ Petsa: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Pagtukoy sa papel na ginagampanan ng tauhan sa nobela

Panimula (Susing Konsepto)

Ang mga tauhan ang nagsisilbing mukha ng isang akdang pampanitikan. Nagbibigay
ito ng kagandahan, saysay, at bisa ng akda sa pamamagitan ng mga makukulay na salitang
panlarawang ginagamit upang ilarawan ang mga ito.
Ang mga salitang panlarawan ang gumigising at bumubuhay sa imahinasyon ng
mambabasa upang maging interesado ang mambabasa sa akda. Maliban sa panghihikayat ng
mga mambabasa, ang mga tauhan ay maaari ring maging simbolismo sa isang bagay tulad ng
pagkapositibo, pagkayabang, at iba pa. Maaari ring maging representasyon ng isang grupo ang
tauhan na pwede pang manghikayat ng mas marami pang mambabasa dahil sa tauhang iyon.
Ang tauhan ang siyang kumikilos sa kuwento. Siya ang gumagawa ng mga desisyon na
nagpapatakbo sa salaysay. Ang tauhan ay maaaring tao (bata o matanda, babae o lalaki, mula
sa totoong daigdig o lugar na likhang-isip lamang), hayop, (gaya nina Pagong at Matsing),
halaman (mga nagsasalitang puno, gulay, o bulaklak) o mga bagay (lumilipad na aklat,
nagsasayat na kutsara at tinidor, mga larawang nabubuhay pagsapit ng takdang oras). Tao man
o hindi ang tauhan, sila ay kailangang magkaroon ng mga katangiang pantao. Ibig sabihin, may
kakayahang ipahayag ang niloloob, nakapagdedesisyon, nakakikilos, at may damdamin.
Epektibo ang pagtuturo at pagkatuto sa pagtalakay ng ikalawang nobela ni Dr. Jose P.
Rizal, ang El Filibusterismo, kung lubusan nating nakikilala at natutukoy ang mga tauhan nito.
Upang lubusan itong maunawaan, kailangan nating magkaroon ng malawak na kaalaman sa
mga katangian, layunin, at galaw ng mga tauhan, nang sa ganoon ay higit na matutuhan at
mapahalagahan ng mga mag-aaral ang nakatagong yamang pangkaisipan, at pagkamakabayan
ng nasabing akda.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Natutukoy ang papel na ginagampanan ng mga tauhan sa akda sa pamamagitan ng;


a. Pagtunton ng mga pangyayari
b. Pagtalakay sa mga tunggaliang naganap
c. Pagtiyak ng tagpuan
d. Pagtukoy sa wakas
Gawain 1
Basahin at unawaing mabuti ang kabanata III. Suriin ang bawat pangyayari upang
makilala ang mga tauhan. Pagkatapos, sagutin ang kasunod nitong gawain.

Kabanata III
Ang mga Alamat
Dinatnan ni Padre Florentino na nagtatawanan na ang nangasa kubyerta. Nagdaraingan
ang mga prayle sa pagkamulat ng mga Pilipino at pag-uusig sa mga bayarin sa simbahan.
Dumating si Simoun. Sayang daw at di nakita ni Simoun ang mga dinaanan ng bapor. Kung
wala raw alamat ay walang kuwenta sa kanya ang alinmang pook ayon kay Simoun. Isinalaysay
ng kapitan ang alamat ng Malapad-na-bato. Ito raw ay banal sa mga katutubo noong una bilang
tahanan ng mga espiritu. Nang panahanan daw ng mga tulisan ay nawala ang takot sa espiritu,
nasalin sa mga tulisan.
Sinabi ng Kapitan na may isa pang alamat na ukol kay Donya Geronima. Si Padre
Florentino ang nahingang magkuwento. May magkasintahan daw sa Espanya. Naging
arsobispo sa Maynila ang lalaki. Nagbabalatkayo ang babae. Naparito at hinihiling sa arsobispo
na sundin nito ang pangako pakasal sila. Iba ang naisip ng arsobispo. Itinira ang babae sa isang
yungib na malapit sa Ilog Pasig.
Nagandahan si Ben Zayb sa alamat. Nainggit si Donya Victorina na ibig ding
manirahan sa kuweba. Tinanong ni Simoun si Padre Salvi. Sa inyong palagay, hindi ba higit
na mainam ay ilagay sa isang beateryo tulad ni Sta. Clara? Hindi raw siya makakahatol sa mga
ginawa ng isang arsobispo, ayon kay padre Salvi. At upang mabago ang paksa ay isinalaysay
ang alamat ni San Nicolas na nagligtas sa isang Intsik sa pagkamatay sa mga buwayang naging
bato nang dasalan ng intsik ang santo.
Nang datnan nila ang lawa ay nagtanong si Ben Zayb sa Kapitan kung saan sa lawa
napatay ang isang Guevarra, Navarra o Ibarra.
Itinuro ng Kapitan. Naghanap si Donya Victorina ng bakas ng pagkamatay ng tubig
labingtatalong taon matapos mangyari iyon. Nakasama raw ng ama ang bangkay ng anak, ani
Padre Sibyla. Iyon daw ang pinakamurang libing, ayon kay Ben Zayb. Nagtawanan ng iba! Si
Simoun ay namumutla at walang kibo. Ipinalagay ng Kapitan na si Simoun ay nahilo dahil sa
paglalakabay.

1. Ayon sa kanya, ang pagkamatay ni Ibarra ay pinakamurang libing.


A. Ben Zayb B. Kapitan C. Pade Sibayla D. Simoun
2. Ipinalagay ng kapitan na siya ay nahilo sa paglalakbay.
A. Ben Zayb B. Kapitan C. Donya Victorina D. Padre Florentino
3. Hinanap niya ang bakas ng pagkamatay ni Ibarra sa Ilog Pasig.
A. Padre Florentino B. Prayle C. Kapitan D. Donya Victorina
4. Idinaraing ng mga ito ang pagkamulat ng mga Pilipino.
A. Indiyo B. Prayle C. Tulisan D. Katutubo
5. Isinalaysay niya ang Alamat ni Donya Geronima.
A. Padre Florentino B. Prayle C. Kapitan D. Donya Geronima
6. Walang kuwenta ang isang pook kung walang Alamat ayon sa kanya.
A. Ben Zayb B. Kapitan C. Pade Sibayla D. Simoun
7. Ang malapad na bato para sa kanila ay banal.
A. Prayle B. Katutubo C. tulisan D. arsobispo
8. Nang sila ay tumira sa batong buhay nawala ang takot sa mga espiritu.
A. Prayle B. espiritu C. tulisan D. arsobispo
9. Ito ang mga unang nanirahan sa malapad na Bato.
A. intsik B. espiritu C. tulisan D. arsobispo

10. Iniligtas ni San Nicolas sa Ilog Pasig nang siya ay dasalan nang magpakita ang isang
buwaya.
A. intsik B. espiritu C. tulisan D. arsobispo

Gawain 2
Basahin at unawaing mabuti ang kabanata IV: Kabesang Tales. Sagutin ang gawain sa
ibaba ukol sa binasa.
Kabanata IV
Kabesang Tales
Si Tandang Selong umampon kay Basilio sa gubat ay matanda na. Ang ama ng dalagang
si Lucia, si Kabesang Tales, na anak ni Tandang Selo, ay isa nang kabesa de barangay.
Yumaman ito dahil sa tiyaga. Nakisama muna sa isang namumuhunan sa bukid. Nang
makaipon ng kaunti ay naghawaan ng gubat na nang ipagtanong niya ay walang may-ari, ar
ginawa niyang tubuhan. Inisip niyang pag-aralin na sa kolehiyo si Huli upang mapantay kay
Basilio na kasintahn nito. Nang ang bukid ay umunlad ito ay inangkin ng mga prayle.
Pinabuwis si Kabesang Tales. Tinaasan nang tinaasan ang pabuwis. Di na nakaya ni Kabesang
Tales. Nakipag-asunto sa mga prayle.
Matigas ang sabi ni Kabesang Tales. Ipinakita ng mga prayle ang kanilang titulo sa
lupa. Wala. Naging kawal si Tano. Di ibinayad ng kapalit ang anak. Anya: Binungkal ko’t
tinamnan ang lupang ito, namatay at nalibing dito ang aking asawa’t anak na dalaga {si Lucia}
sa pagtulong sa akin kaya’t di ko maibibigay ang lupang ito kundi sa sino mang didilig muna
rito ng kanyang dugo at maglilibing muna ng kanyang asawa’t mga anak. At anya pa rin ukol
sa pagiging kawal ni Tano, ako’y bumabayad sa abogado. Kung mananalo ako sa asunto ay
alam ko na ang aking gagawin upang siya’y mapabalik; nguni’t kung ako’y matalo, di ko na
kailangan ang anak.
Tinanuran ni Kabesang Tales ang kanyang bukid. Lagi siyang may pasang baril. Di
makapasok doon ang sino man dahil balita si Kabesang Tales sa pagbaril. Nagdala siya ng
gulok. Balita sa arnis ang kabesa. Ipinagbawal ang gulok. Nagdala siya ng palakol. Si Kabesang
Tales ay nahulog sa kamay ng mga tulisan at ipinatubos. Isinanla ni Huli ang kanyang mga
hiyas liban sa isang locket o agnos na bigay sa kanya ni Basilio. Hindi rin nakasapat ang
panubos. Ipinasyang mangutang kay Hermana Penchang at maglingkod dito bilang utusan.
Noon ay bisperas ng Pasko. Kinabukasan. Araw ng Pasko ay maglilingkod na siyang alila.
Masalimuot ang naging panaginip ni Huli nang gabing iyon.

Panuto: Hanapin sa hanay B ang tauhang tinutukoy sa Hanay A. Isulat sa patlang ang TITIK
ng tamang sagot.

HANAY A HANAY B
____1. upang mapantay kay Basilio pinag-aa-ral siya sa kolehiyo A. Kabesang Tales

_____2. matandang umampon kay Basilio sa gubat B. tulisan


_____3. lagi siyang may pasang baril C. Hermana
Penchang
_____4. tinaasan nang tinaaasan nila ang buwis D.Tata Selo
_____5. namatay na asawa ni Tales dahil sa pagtatanim E. Lucia

_____6. ipinatutubos nila si Tales F. Basilio


_____7. paglilingkuran ni Huli bilang utusan G. namumuhunan
_____8. nagbigay ng agnos H. kabesa
_____9. unang sinamahan ni Tales I.Tano
_____10. kawal na apo ni Tales J. prayle
K. Huli

Gawain 4
Basahin at unawaing mabuti ang Kabanata V: Ang Noche Buena ng Isang Kutsero.
Sagutin ang gawain sa ibaba ukol sa binasa.

Kabanata V
Ang Noche Buena ng Isang Kutsero

Gabi na’t inilalakad na ang prusisyong pang-noche buena nang dumating si Basilio sa
San Diego. Naabala sila sa daan dahil nalimutan ng kutsero ang sedula nito at ito’y
kinakailangang bugbugin muna ng mga guwardiya sibil.
Idinaan ang imahen ni Metusalem, ang pinaka-matandang taong nabuhay sa mundo.
Kasunod na idinaan ang mga imahen ng tatlong Haring Mago. Nakapagpaalaala kay Sinang
ang itim na Haring Melchor. Itinanong kay Basilio kung nakawala na ang kanang paa ni
Bernardo Carpio na naipit sa kabundukan ng San Mateo. Kasunod sa prusisyon ang mga batang
malulngkot sa pag-ilaw. Si San Jose naman. Kasunod naman ay mga batang may mga parol.
Nasa dulo ng prusisyon ang Birhen.
Natapos ang prusisyon. Napuna ng mga sibil na walang ilaw an parol ng karitela.
Pinarusahan uli ng mga sibil ang kutsroong si Sinong. Naglakad na lamang si Basilio.
Tanging bahay ni Kap. Basilio ang tila masaya sa mga nadaraanan ni Basilio. May mga
manok na pinapatay. Nasilip ni Basilio na ang Kapitan ay nakikipag-usap sa kura, sa alperes,
at kay Simoun.
“Nagkakaunawaan na tayo, G. Simuon,” ani Kapitan Basilio. “Tutungo tayo sa Tiani
upang tingnan ang inyong mga alahas. Nagbilin ng isang kairel sa relo ang alperes. Isang pares
na hikaw naman ang ipinakikibili’ ng kura.”
Nasabi ni Basilio sa sarili na si Simuon ay may kasindak-sindak na pagkatao. Ang lahat
ay nakapaghahanap-buhay sa bayang ito maliban sa amin.
Sa bahay ni Kap. Tiyago ay iginagalang si Basilio, lalo na ng matandang utusan, nang
makitang tumistis ng isang maysakit si Basilio na parang walang ano man.
Ibinigay ng mga utusan ang mga ulat. Mga kalabaw na namatay, mga katulong na
napipiit at namatay ang matandang nagtatanod sa gubat. Nanghinayang si Basilio nang mabatid
na sa katandaan namatay ang matanda. Ibig niyang makatistis ng tao. Ang huling balita’y ukol
sa pagkadukot ng mga tulisan kay Kab. Tales. Di nakakain ng hapunan si Basilio.

Gawain 5. Panuto: Sa pamamagitan ng Chararter Analysis, ilarawan ang mga tauhan ayon sa
mga pangyayari sa isang tagpuan.

BASILIO

Napansin patungong San Diego

Napansin sa Bisperas ng Pasko sa San


Napansin sa pagdiriwang ng Pasko sa
Diego
San Diego

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
1.a 2.b 3.d 4.b 5.b 6.d 7.b 8.c 9.c 10.a

Gawain 2.
1.K 2.D 3.A 4.J 5.E 6.B 7.C. 8.F 9.G 10.J
FILIPINO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN

Pangalan: ________________________________________ Petsa: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Pagbibigay-kahulugan sa matatangligang pahayag

Panimula (Susing Konsepto)

Ang El Filibusterismo ay nobelang panlipunan na isinulat ni Dr. Jose Rizal at isa sa


mga pangunahing akdang pampanitikan ng Pilipinas. Sa bawat pahina ng aklat nito ay
dumadaloy ang karanasan ng mga Pilipino sa panahon ng Kastila tulad ng kalungkutan,
pagsupil sa mga karapatang pantao, talamak na sakit ng lipunan, maling pamamalakad ng
pamahalaan gayundin ng simbahan, pagsasamantala sa kamangmangan ng mga Pilipino at mga
hinaing ng mga mamamayan sa pagnanasa na pakinggan sila ng mga maykapangyarihan.
Sa pagbabasa ng akdang ito ay makakatagpo ka ng mga maririkit at matatalinhagang
salita o pahayag kung saan ay may mga malalalim na kahulugan. Kung kaya’t higit mong
kakailanganin ang diksyunaryo upang maunawaan ang nilalaman, ideya, at bawat kaisipang
dumadaloy sa akda.
Halina’t basahin at tuklasin ang ipinahihiwatig ng mga matatalinghagang pahayag na
nakapaloob sa piling kabanata ng nobela upang mapagyaman ang ating kaalaman at
bokabularyo.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang pahayag na ginamit sa binasang
kabanata ng nobela sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa (F10PT-IVd-e-83)

Panuto: Basahin, unawain at suriin ang isang bahagi ng obra maestra ni Dr. Rizal na
nagpapayaman sa panitikan ng Pilipino. Sagutin nang wasto ang mga nakahandang gawain.

EL FILIBUSTERISMO
Kabanata II: Sa Ilalim ng Kubyerta

Ibang-iba ang tanawin sa ilalim ng kubyerta. Nagtambak ang mga maleta, tampipi,
bakol at iba pang kargamentong may ilang hakbang lamang ang layo sa mainit na makina ng
bapor. Nakaupo ang ilan sa mga bangkong karamihan ay walang sandalan. Kakaibang amoy
rin ang malalanghap na dulot ng tao, mabahong langis at mga dala-dalahan ng mga
manlalakbay. Nakasasakit ng ulo ang ingay na mula sa ugong ng makina, bulwak ng
hinahalukay na tubig, walang tigil na paswit ng bapor, sigaw ng kapitan at harutan ng mga
estudyanteng nagsasaya dahil sa bakasyon. Nasa isang sulok naman ang mga negosyanteng
Intsik na malapit sa mainit na makina. Halatang ang iba’y nahihilo, namumutla at naliligo sa
sarili nilang pawis.
Sa isang dako naman, naroroon ang dalawang makisig na estudyante. Nakaitim ang
may gulang na sa dalawa, isang mag-aaral ng medisina na balita na sa kahusayang
manggamot… si Basilio. Isagani naman ang isa na may kalusugan ang pangangatawan at
mataas nang kaunti, itinuturing na makata ng Ateneo, balat-sibuyas at may di-karaniwang
ugali. Ang matanda namang kausap nila ay si Kapitan Basilio ng San Diego, isang
mangangalakal na kagagaling lamang sa Maynila.
“Balikan natin ang sinasabi ninyong Akademya ng Wikang Kastila. Parang hindi ko
mapaniwalaang ito’y inyong maisasagawa,” ang ika ni Kapitan Basilio.
“Palagay ko po’y diyan kayo namamali. Pahintulot na po lamang ang aming hinihintay
mula sa heneral. Dalawang kabayo ang aming ipinagkaloob kay Pari Irene para tulungan
lamang kaming makakuha ng permiso mula sa pamahalaan,” tugon ni Isagani.
“Subalit tutol si Pari Sibyla sa inyong nilalakad. Tiyak na sasalungatin kayo ng Bise
Rektor.”
“Hindi po kami natitigatig bagamat alam naming tutungo siya sa Los Baños upang
makapulong ang heneral,” at pasuntok pang pinagkiskis ni Basilio ang dalawang kamay.
“Sabihin na nating… napahintulutan kayo, may pagkukunan ba naman kayo ng pondo?
At ang mga magtuturo?”
“Nagkasundo ang mga estudyanteng mag-ambagan para rito. Ang mga magtuturo…
kalahati po’y Kastila, kalahati’y Pilipino. Ipinangako rin ng mayamang si Makaraig ang isa sa
kaniyang mga bahay bilang gusali ng paaralan.”
Napatangu-tango ang matanda. Nakuro niyang naihanda na nga ang lahat ng mga
pangangailangan. Pagkatapos ay tumalikod na ito at naiwang naiiling ang magkaibigan.
“Ano naman ang sabi ng amain mo kay Paulita?” ang natatawang tanong ni Basilio.
Nagkulay-makopa ang mukha ni Isagani sa tinuran ng kausap. “Wala naman,
pinaalalahanan lamang ako sa pagpili ng mapapangasawa. Wika ko nama’y wala siyang kapara
ng ganda, bukod pa sa may pinag-aralan.”
“Hindi lamang iyan, mayamang-mayaman pa, masayahin at walang maipipintas kundi
ang pagkakaroon ng mapagbalat-kayong tiyahin na nakayayamot,” ang humahalakhak na
dagdag ni Basilio na ikinatawa rin ng binatang taga-Ataneo.
“Alam mo bang ibinilin sa akin ni Donya Victorina na hanapin ko ang kaniyang asawa?
Sa bahay ng amain ko ito nagtatago. Sapagkat matalino ang aking amain, ayaw pumunta sa
itaas ng barko sa pag-aalalang itanong sa kaniya ng donya si Don Tiburcio,” sambit ni Isagani.
Dumating si Simoun. Nang matanaw ang magkaibigan ay lumapit ito at magiliw na
binati si Basilio. “Kumusta ang lalawigan?” ang tanong ni Simoun.
“At bakit hindi po ninyo alam?”
“Paano ko malalaman, hindi ko pa naman iyon nararating? Balita ko nga’y maralita ang
mga tagaroon at hindi bumibili ng mga alahas.”
“Hindi kami bumibili sapagkat hindi namin kailangan,” ang buong pagmamalaking
tugon ng binata. Napangiti si Simoun. “Huwag mong damdamin ang sinabi ko, binata. Wala
akong iniisip na masama. Subalit umiba na tayo ng usapan… uminom tayo sa pag-unlad ng
inyong lalawigan,” ang banayad na wika ni Simoun.
Magalang na tumanggi ang magkaibigan at sinabing hindi sila umiinom ng serbesa.
“Mabuti sa katawan ang serbesa. Sabi nga kaninang umaga ni Pari Camorra kaya raw
kulang sa sigla ang mga mamamayan ng lupaing ito ay dahil sa pag-inom ng napakaraming
tubig,” ang wika ni Simoun.
Napatuwid ng tayo si Isagani at sinabing, “Pakisabi po ninyo kay Pari Camorra na kung
siya ay mag-iinom ng tubig sa halip na alak, kami ay magtatagumpay at walang maririnig na
mga alingasngas. Ipaabot din ninyong matabang ang tubig at naiinom, ngunit nakapapawi ng
alak at serbesa, pumapatay ng apoy; kapag pinagalit ay nagiging dagat na malawak na minsan
nang nagwasak ng sandaigdigan at yumanig sa sangkatauhan.”
Kahit na walang mababasang ano man sa mga matang nakakanlungan ng kulay asul at
makapal na salamin, halata pa rin ang paghanga ni Simoun sa tinuran ng binata.
“Magaling. Subalit mahirap papaniwalain si Pari Camorra at mangutya pa,” ang
marahang pakli ni Simoun.
“Kapag siya’y pinainit … kapag ang maliliit na ilug-ilugan kahit na hiwa-hiwalay ay
minsan nang bumuhos sa banging hinuhukay ng taong itinaboy ng kaniyang mga kasawian,”
ang matigas at madamdaming sagot ni Isagani.
Pilit ginawang biro ni Basilio ang usapan, “Ginoong Simoun, buti pa’y pakiulit na
lamang ninyo kay Pari Camorra ang tula ng aking katoto.”

“Kung tubig man kami’t kayo’y apoy Mangag-ingat kayo’t nang di madapuan
naman Ng sunog na hindi tayo nagkatuwang
Nasa isip ninyo’t sariling palagay! Higit na mabuting tayo’y magkakatambal
Ng dunong sa dibdib ng kalderong iyan Na magiging buhay, sulo’t kabihasnan
Walain ang galit, ang diri, ang suklam Na sa ating mundo ay magpapagalaw,”
At nang magkasamang lumikha ng singaw

“Pangarap… Oo… isang pangarap!” ang walang damdaming tugon ng mag-aalahas.


“Mabuti pa’y inumin ko na ang aking serbesa,” at tumalikod na nang walang lingong-likod.
“Nanghihilakbot ako sa taong iyan,” sambit ni Isagani.
Makikita naman sa isa sa mga hulihang bangko ang isang kapita-pitagang paring
Tagalog. Payapa itong nagmamasid sa mga tanawing nagdaraan sa kaniyang paningin. Hindi
palakibo ang matanda bagamat masasabing hindi ito udyok ng hindi magandang pag-uugali.
Nasa kaaya-aya niyang mukha ang pang-akit sa mga taong bumabati na kaniyang tinutugon
naman niya nang buong lugod.
Mabibilang sa mga daliri ang mga tulad niyang paring Indio na nang mga panahong
iyon ay pansamantalang tagapangasiwa lamang ang tungkulin sa simbahan.
Nasa kabuuan ng kaniyang personalidad ang matibay na pagpapahalaga sa karangalan
ng kaniyang pagkatao at kabanalan ng kaniyang tungkulin. Masasabing siya ay kabilang sa
ibang panahon, sa ibang salinlahing ang mga lalaki ay malaya at hindi busabos, may
matalinong kaisipan at hindi sunud-sunuran ang damdamin.
Mababasa sa kaniyang kaaya-ayang mukha ang katiwasayan ng budhing pinatatag ng
matalinong pagkukuro at sinubok ng maraming pinagdaanang kasawian. Maikli at payak ang
kasaysayan ng amain ni Isagani subalit kaaanigan ng makatotohanang larawan ng buhay.
Mayaman at kilala sa lipunan ang kaniyang mga magulang. Hindi kailanman pumasok
sa kaniyang isip ang pagpapari. Sa katunayan, mayroon na siyang katipan nang ipasiya ng
kaniyang inang pasukin niya ang ganitong bokasyon. Ano mang pagtutol at pangangatuwiran
ang ginawa niya, umiral pa rin ang katigasan ng loob ng inang naniniwalang kalooban ng Diyos
na si Florentino ay maging isang pari.
Bago idinaos ang kaniyang unang misa, nagpakasal ang kaniyang kasintahan. Sumugat
nang gayon na lamang sa damdamin ni Florentino na wari’y wala nang paggaling nang
sumunod na namatay ang kaniyang ina. Marahil, kung hindi malaki ang pagsasaalang-alang sa
tungkulin at sa likas na kabaitan, natulad na rin siya sa di-iilang katulad niya noon na nabulid
sa bangin ng kawalang-dangal. Ginamot na pilit ang sarili sa pagbubuhos ng panahon sa
tungkulin at sa pag-aaral ng mga likas na karunungan.
Namuhay siya sa may baybayin ng Pasipiko, isa sa mga lupaing minana sa magulang.
Noon niya nakasama si Isagani, anak ng isa niyang pinsang babaing taga-Maynila. Ngunit para
sa mga may mahahabang dila, ito raw ay anak niya sa nabiyudang dating katipan.
Mula sa ibabaw ng kubyerta, sinabihan niya kaniyang pamangkin na iwasang makita
ang kapitan sapagkat baka ito ay anyayahan din.
“Talagang makuskus-balungos ang aking amain. Ayaw lamang niyang makausap ko si
Donya Victorina,” ang sambit ni Isagani sa sarili.

Gawain 1
Buuin ang kahulugan ng italisadong salita sa pangungusap. Punan ng nawawalang titik
ang mga kahon.

1. Hindi natitigatig ang mga kabataan sa pagtutol


ng pari sa kanilang plano. a b b s
2. Nayayamot si Basilio sa tiyahin ni Paulita Gomez. n i n
3. Matatanaw sa isang sulok ang magkaibigan. k i t
4. Ayon kay Simoun, maralita ang isang lalawigan
kung hindi sila bumibili ng mga alahas. m i a
5. Natitiyak ni Isagani na magtatagumpay ang kanilang
plano at hindi mauuwi sa alingasngas. k h y n

Gawain 2
Isulat sa ikalawang hanay ang kahulugan ng bawat matatalinhagang salitang hango sa
nobela at gamitin sa isang makabuluhang pangungusap.

SALITA KAHULUGAN PANGUNGUSAP


1. balat-sibuyas
2. kapita-pitagang
3. makuskos-balungos
4. mahabang-dila

5. balat-kayo

Gawain 4
Ibigay ang natatagong kahulugan ng mga sumusunod na pahayag.

1.
_________________________________________________
_________________________________________________
malaya at hindi
_________________________________________________
busabos
_________________________________________________

2.
_________________________________________________
_________________________________________________
nabulid sa bangin ng _________________________________________________
kawalang-dangal _________________________________________________

3. _________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
sinubok ng maraming
pinagdaanang kasawian
4.

_________________________________________________
matalinong kaisipan at _________________________________________________
hindi sunud-sunuran _________________________________________________
ang damdamin _________________________________________________

5.

_________________________________________________
katiwasayan ng budhing _________________________________________________
pinatatag ng matalinong _________________________________________________
pagkukuro _________________________________________________

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
1. natitigatig – nababalisa
2. nayayamot – naiinis
3. matatanaw – makikita
4. maralita – mahirap alingasngas – kahihiya

Gawain 2
1. Kahulugan: sensitibo
2. Kahulugan: kagalang-galang
3. Maraming posibleng kahulugan. Narito ang mungkahing sagot:
- Pagbibigay ng maraming rason
4. Kahulugan: madaldal
5. Kahulugan: mapagkunwari
(Ang guro na ang bahalang magpasiya sa kawastuhan ng binuong pangungusap ng
mga mag-aaral.
FILIPINO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN

Pangalan: ________________________________________ Petsa: ___________


Baitang at Seksiyon: _______________________________ Iskor: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Pag-uugnay ng mga pangyayari sa akda sa napanood na video clip
Panimula (Susing Konsepto)

Ang El Filibusterismo ay ang ikalawang obra maestra ng ating pambansang bayaning


si Dr. Jose Rizal. Lingid pa sa kaalaman ng mga Pilipino ang kahulugan ng Filibusterismo
noong una hanggang sa masaksihan nila ang malagim at kalunus-lunos na pagbitay sa tatlong
paring martir. Malinaw pa sa kanyang alaala ang matinding takot na hatid ng mensahe ng
salitang Filibusterismo dahil mahigpit na ipinagbabawal sa kanilang tahanan ang pagsambit sa
salitang ito. Sa murang edad ay naging saksi si Rizal sa mapait, masasakit at madidilim na
bahagi ng buhay ng ating mga ninuno kaya tumimo sa kanyang puso ang pagnanais na
mailantad ang kabaluktutan ng mga mananakop.
Sinimulang isulat ni Rizal ang El Fili sa London noong 1890. Hindi naging madali ang
pagkatha niya sa obrang ito sapagkat patung-patong na suliranin ang kanyang naranasan. Kung
kinulang siya sa pananalapi nang isinusulat niya ang Noli ay higit siyang kinapos nang
isinusulat na niya ang el Fili kaya sadya siyang naghigpit ng sinturon. Halos lumiban siya sa
pagkain makatipid lamang. Nakapagsanla rin siya ng kanyang mga alahas upang matustusan
ang pagsusulat. Matindi ang pagnanais niyang tapusin agad ang nobea dahil maging sa kanyang
pagtulog ay napapanaginipan niyang may namamatay sa kanyang mga mahal sa buhay.
Hindi lamang kawalan ng pondo ang kanyang naging suliranin upang matapos ang
nobela. Naging balakid din ang suliranin niya sa puso, sa pamilya at sa mga kaibigan.
Nakarating sa kanyang kaalaman na ang kaniyang pinakaiibig na si Leonor Rivera ay
ipinakasal ng magulang nito sa ibang lalaki. Nabatid din niyang ang kaniyang mga magulang
at mga kapatid ay pinasasakitan at pinag-uusig ng pamahalaang Espanyol dahil sa usapin sa
lupa at sa maling paratang. Sa pagpapatuloy ng pagsusulat ni Rizal ng nobela ay nagkaroon
siya ng iba’t ibang pangitain. Lumayo rin kay Rizal ang kaniyang mga kasamahan sa La
Solidaridad. Ikinalungkot din niya ng nakitang kawalan ng pagkakaisa ng mga Pilipinong
Ilustrado sa Espanya na sila sanang pag-asa ng nakalugmok na mamamayan ng Pilipinas. Dahil
sa samu’t saring suliraning naranasan, naisip ni Rizal na sunugin na lamang ang kaniyang mga
isinulat. Sinasabing may bahagi sa nobela ang hindi niya napigilang ihagis sa apoy dahil sa
bigat at tindi ng kanyang alalahanin.
Dahil sa labis na pagmamahal ni Rizal sa bayan at sa mga kapwa Pilipino, pinagtibay
niya ang kaniyang kalooban upang ipagpatuloy at tapusin ang nobela kahit kulang sa panustos
mula sa pamilya.
Totoong binagtas ni Dr. Jose Rizal ang napakatinik na daan tungo sa kanyang adhikain
subalit siya’y nagtagumpay. Nakarating sa pinagpalang mga kamay ang ikalawang obra
maestrang El Filibusterismo na nagsilbi at patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa lahat ng
Pilipino sa bansa at maging sa mga Pilipinong nasa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Katulad ng mga pangyayaring makikita sa kanyang obra, naipakita niya rito ang mga
pangyayaring maaaring nagaganap pa rin sa kasalukuyan gaya ng pagtatagumpay dahil sa
kasipagan, pagmamalabis sa katungkulan at kapangyarihan, pakikipaglaban sa abot ng
makakaya upang mapagtagumpayan ang isang bagay, pakikipagsapalaran, diskriminasyon at
iba pang sitwasyon.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Naiuugnay sa kasalukuyang mga pangyayaring napanood sa video clip ang pangyayari


sa panahon ng pagkakasulat ng akda (F10PD-IVb-c-82)

Panuto
Panoorin ang isang video clip ukol sa kuwento ng 25 taong gulang na binata mula sa
Makati City na tinawag ng Kagawaran ng Kalusugan na PH15. Isa siya sa pinakaunang
nagpositibo sa sakit na COVID- 19 sa Pilipinas. Tignan ito sa link na
https://youtu.be/ebT71uMDskY. Para sa mga walang akses sa internet, narito ang kabuuang
testimonya ni PH15.

“Noong February 29, nilagnat na ako. Undocumented siya pero feel ko talaga may
lagnat ako kasi nga hindi ako makatayo, hindi ako makalakad and all. Inuubo na rin ako and
may kasabay na rin siyang sipon. Medyo masama na ang pakiramdam ko noon hanggang sa
kinabukasan, nawala naman ‘yong lagnat ko pero ‘yong ubo at sipon ko, ‘yon ‘yong hindi
nawawala.”
Dahil mainit pa ang isyu at maaari siyang ma-discriminate, nakiusap si PH15 na huwag
ipakita ang kaniyang mukha at huwag banggitin ang kaniyang pangalan.
“Dry ‘yong ubo ko kasi walang plemang mailabas, so hirap din makatulog. “Iyon ‘yong
medyo mahirap. Tapos ‘yong sa ilong nga din medyo barado, so nagnagsasabay siya, very
uncomfortable sa part ko.”
Simpleng ubo at sipon lang ang akala ni PH15 sa kondisyon niya kaya inabot pa ng
isang linggo bago siya nagpakonsulta sa ospital.
“Sabi ko, gusto ko na gumaling ‘yong pagkawala ng panlasa ko saka pang-amoy ko
and then ‘yong ubo ko rin kasi isang linggo na hindi pa rin nawawala. Medyo nakapagtataka
na rin so baka kailangan na ring gamutin. Noong nagpunta na nga ako ng ospital, hindi ko
naman lubos akalain na maging Person Under Investigation ako dahil na sa galing ako ng ibang
bansa within that 14 days.”
Bumiyahe ng 12 na araw sa United Arab Emirates si PH15. Dahil may sintomas ng
COVID- 19 at bumiyahe abroad, kinunan siya ng specimen sa Makati Medical Center para
masuri kung positibo siya sa COVID-19. Pagkatapos ng 2 araw, lumabas ang resulta.
“Ang daming pumasok sa isipan ko na masasama na bakit ako out of 105 million
Filipino people. Nalungkot ako. Sobrang nalungkot ako na hindi ko alam ‘yong gagawin ko.
Naiisip ko na, “gagaling ba ako?”, ganyan. Baka mag-develop ako ng mga other complications
sa lungs ko. “
Na-confine sa Makati Medical Center si PH15. Paracetamol, antiviral drug at vitamins
ang ipinainom ng doktor sa kaniya.
“Pinainom ako ng cough suppressant kasi nga inuubo ako nang inuubo. Medyo mahirap
matulog ‘pag inuubo. Syempre body pains din kasi syempre iniisip mo ‘yong stress, ‘yong
anxiety na meron ka ngang COVID-19. Pero hindi naman ako nagkaroon ng fever thankfully.
So ‘yon lang talaga ‘yong binabantayan, ‘yong ubo ko, ‘yong sipon ko and then ‘yong body
pains din. Pero other than that, wala naman akong ibang naramdaman na disease thankfully.
Walong araw na na-isolate sa ospital si PH15. Bukod sa mga sintomas ng COVID-19,
mahirap din daw labanan ang lungkot habang mag-isa sa ospital.
“As in ikaw kasi bawal talagang pumasok ‘yong doktor, bawal pumasok ‘yong mga
nurses lagi. So may mga oras talaga na pumapasok sila para magbigay ng gamut and icheck ka
personally.
Pamilya, kaibigan at mga katrabaho ang nagpalakas ng loob niya. Sinabihan din niya
ang maaaring naging direct contact niya para tingnan kung may sintomas din sila ng sakit.
“Nagbabasa rin ako ng mga news articles regarding recoveries sa iba’t ibang bansa
kasi nakatulong din siya sa akin mentally kasi alam ko na may pag-asa pa pala na hindi siya
dead end para sa mga magpa-positive for COVID- 19. ‘Yon nga, may pag-asa na gumaling so
doon ako nagpokus.
Patunay si PH15 na hindi dead end ang COVID-19 at may gumagaling mula rito.
“March 15, pumunta ‘yong doktor and in-inform ako na I tested negative twice for
COVID- 19. On that moment, sobrang saya. Sobrang tuwa, sobrang ginhawa. Alam mo ‘yong
feeling na para kang nahimasmasan ka talaga na ‘yong pag-asa, meron pa talaga.
Nagpapasalamat ako, yoon. “Great relief” kumbaga.
Mas mabuti na ang pakiramdam niya ngayon at wala na siyang ubo at sipon. Tuloy ang
pag- inom niya ng gamot na inireseta sa kanya ng doktor.
“Huwag tayong mag-alala kasi kung malakas ‘yong resistensya mo, kung wala ka
namang ibang sakit na iniinda o wala ka namang mga asthma, pneumonia and etc., dapat
huwag kang mag-alala. Mas mag-alala ka doon sa mga nakatatanda, lalo na sa may mga pre-
existing conditions.”
Nakalabas na ng ospital si PH15. Inirekomenda ng doktor na sumailalim muna siya sa
14-day home quarantine. Hindi muna siya umuwi sa probinsya para maprotektahan ang
kaniyang pamilya.
“Iyong mga frontliners natin, health workers. Nagpapasalamat ako sa kanila for their
selfless service to us. Ang advice ko talaga ay magkaroon ng social distancing,
napakaimportante niyan. ‘Wag na ‘wag nating i-ignore ‘yong mga preventive measures na
sinasabi ng government sa atin kasi, it’s very important to contain this disease talaga.”

Gawain 1

Gamit ang graphic organizer sa ibaba, isulat kung paano mag-isip, kumilos, nadarama
at magdesisyon si PH15 sa kaniyang naging kalagayan.
Isip

Damdamin

Desisyon
Gawain 2
Mula sa naging karanasan ni PH15, tukuyin mo ang pagkakatulad nito sa mga
pangyayari sa pagkakasulat ng nobela. Gayahin ang graphic organizer sa ibaba.

Tema Pangyayari sa buhay ni PH15 Pangyayari sa panahon ng


pagkakasulat ng akda
Tagumpay Gumaling mula sa kaniyang sakit Naipamahagi ang mga naipalimbag
sa kabila ng walang kasiguruhang na kopya ng akda sa kabila ng
sitwasyon dahil sa kawalan ng pagkompiska ng mga Espanyol.
bakuna para sa COVID-19.

Gawain 3
Ilahad ang iyong ideya batay sa mahalagang tanong sa ibaba.

Anong mahalagang bagay ang pinatutunayan ng mga naging karanasan ni PH15 at Dr.
Jose Rizal?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Gawain 4
Maglahad ng makatotohanang pangyayari sa panahon ng pagkakasulat ng akda na
nararanasan pa rin natin sa kasalukuyan.
Pangyayari Patunay
FILIPINO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN

Pangalan: ________________________________________ Petsa: ___________


GAWAING PAGKATUTO
Sa Bahay ng Mga Mag-aaral

Panimula (Susing Konsepto)

Hindi ba’t kay gandang isipin na sa loob ng paaralan, ang mga mag-aaral ay nagkakaisa
para sa isang magandang mithiin? Ano ang mararamdaman mo kung may isang tao ang
humahadlang sa inyong mga plano?
Sa ating tatalakaying kabanata sa El Filibusterismo, ang kabanata 14, malalaman mo
ang kuwento tungkol sa mga mag-aaral na nais makapagpatupad ng isang plano tungkol sa
Akademiya sa Wikang Kastila. At matutunghayan mo rin dito kung paano nila maaayos ang
kaunting problemang lumitaw sa kalagitnaan ng pagpupulong.
Kaya naman, mas mauunawan niyo ang nilalaman ng kabanatang ito sa pamamagitan
ng pagsasagot sa mga gawaing nasa baba na makatutulong sa iyong intindihin ang bawat
pangyayaring naganap.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Naibabahagi ang ginawang pagsusuri sa napakinggang buod ng binasang akda batay


sa:
- katangian ng mga tauhan
- pagkamakatotohanan ng mga pangyayari
- tunggalian sa bawat kabanata (F10PS-IVb-c-86)

Panuto

Basahin ang kasunod na akda at pagkatapos ay sagutin ang mga nakahandang


gawain sa susunod na pahina.

Kabanata 14:
Sa Bahay ng mga Mag-aaral
(Buod)
245
Malaki ang bahay na tinitirahan ng estudyanteng si Makaraig. Maluwag ang bahay
na ito at puro binata ang nakatira na pawang nangangasera. Iba-iba ang kanilang edad at
pag-uugali.

Si Makaraig ay isang mayamang mag-aaral ng abogasya at pinuno ng kilusan ukol


sa isyu sa Akademya ng wikang Kastila. Ang pangunahing estudyante na sina Isagani,
Sandoval, Pecson at Pelaez ay inimbitahan ni Makaraig upang pag-usapan ang kanilang
pakay. Mananalig sina Isagani at Sandoval na pagbibigyan hiling, samantalang nag-
aalinlangan si Pecson. Si Sandoval ay larawan ng mga Kastilang may malasakit at
pagpapahalaga sa mga Pilipino.

\ May dalang magandang balita si Makaraig. Ibinalita nila na si Padre Irene ay ang
nagtatanggol sa kanila laban sa mga sumalungat sa kanilang adhikain. Kailangan ng grupo
ang pagkiling ni Don Custodio, isa sa mga kataas-taasang lipon ng paaralan sa kanilang
panig. Dalawang paraan ang kanilang naisipang pumanig sa kanila si Don Custodio,
si G. Pasta isang manananggol at si Pepay na isang mananayaw na matalik na kaibigan ni
Don Custodio. Napagkaisahan ng lahat na piliin ang manananggol upang maging marangal
ang kapamaraanan.

Gawain 1
Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag at tukuyin kung ang mga sumusunod
na mga pangyayari ay makikita sa akda. Isulat sa nakalaang patlang ang salitang TAMA kung
ito ay TAMA at MALI naman kung ito ay MALI.
__________1. Si Makaraig ay isang mabuting mag-aaral ng abogasiya.
__________2. Si Isagani ang nagmamay-ari ng maganda at malaking bahay na tinutuluyan ng
mga mag-aaral.
__________3. Inimbitahan ni Makaraig sina Sandoval, Isagani, Pecson at Basilio para sa
mahalagang pagpupulong tungkol sa nais nilang Akademiya sa wikang Kastila.
__________4. Sumang-ayon sina Sandoval at Isagani sa plano ni Makaraig at nagduda naman
si Pecson.
__________5. Masayang ibinalita ni Makaraig na Si Padre Damaso ang nagtanggol at pumanig
sa kanilang plano.
__________6. Kailangang mapapayag nila si Don Custodio para maisakatuparan ang kanilang
plano.
__________7. May isa lamang na paraan ang kanilang naiisip upang mapapayag si Don
Custodio.
__________8. Si Pepay ay ang tagapagtanggol at si Ginoong Pasta naman ang taga-aliw.
__________9. Si Pepay at Ginoong Pasta ay malapit sa mga pari.
__________10. Napagdesisyunan nila na si Ginoong Pasta na lang ang kanilang kakausapin at
hihingan ng tulong para sa mapapayag si Don Custodio.

Gawain 2
Ang mga sumusunod na pahayag ay naglalaman ng mga katangian ng mga tauhan mula
sa akdang iyong binasa. Pangalanan kung sino ang tinutukoy sa bawat pahayag. Isulat ang
iyong sagot sa nakalaang patlang.

___________________1. Siya ang pinuno ng samahan ng mga mag-aaral. Siya ay matalino,


makisig, at kinagigiliwan ng lahat. Siya rin ay nabibilang sa
mayamang pamilya.
___________________2. Isang banyagang mag-aaral at isang magaling na tagapagsalita at
lubos na natutuwa kapag maraming nakikinig sa kanyang talumpati.
___________________3. Isang makatang mag-aaral na sumang-ayon sa adhikain ni Macaraig.
___________________4. Isa sa mga bahagi ng lipon ng paaralan na kinakailangang
mapapayag ng mga mag-aaral para sa kanilang adhikain.
___________________5. Siya ay kuba at meztisong mag-aaral. Kasama siya sa pagbuo ng
samahan ng mga mag-aaral na magkaroon ng akademiya ng wikang
Espanyol.
Susi sa Pagwawasto
GAWAIN 1
1. Tama 2 Mali 3 Mali 4Tama 5Mali 6Tama 7Mali 8Mali 9Tama 10 Tama

GAWAIN 2
1. Macaraig 2.Sandoval 3.Isagani 4. Don Custodio 5. Juanito Pelaez

FILIPINO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN

Pangalan: ________________________________________ Petsa: ___________


Baitang at Seksiyon: _______________________________ Iskor: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Pagbubuod ng binasang kabanata
Panimula (Susing Konsepto)
Ang pagbubuod ay ang pagsasalaysay ng mga mahahalagang pangyayari na naganap
sa isang kuwento, nobela, epiko at iba pang anyo ng panitikan sa paraang mas madali itong
maintindihan ng mga mambabasa.
Mga hakbang sa pagsulat ng buod
1. Basahin at unawaing mabuti ang binasa o pinakinggan.
2. Tukuyin ang pangungusap na nagpapahayag ng pangunahin at pinakamahalagang
kaisipan ng talata.
3. Alamin ang kasagutan sa mga tanong na ano, sino, kailan at bakit.
4. Iwasan ang pagdaragdag ng sariling opinyon.
5. Ilahad ito sa maliwanag at magalang na pamamaraan.
6. Gawing payak at tuwiran ang paglalahad.
7. Hindi dapat lumayo sa diwa at estilo ng orihinal na akda.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Naisusulat ang buod ng binasang mga kabanata (F10PU-IVb-c-86 )

Gawain 1
Suriin ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa binasang buod sa pamamagitan
ng paglalagay ng bilang 1-10 sa loob ng kahon.
Nabalam si Basilio sa kaniyang pag-uwi sa tahanan ni Kapitan Tiyago dahil nahuli
ang kutserong si Sinong sa iba’t-ibang paglabag nito sa batas. Nadakip, dinala at
sinaktan ang kutsero sa kuwartel kaya naglakad na lamang si Basilio.
Naghugas – kamay ang mga taong may kasalanan sa masasakit at mapapait na nangyari
sa buhay ni Kabesang Tales.
Binalikan ni Basilio ang puntod ng ina at muli niyang nagunita ang masaklap na
nangyari sa kanilang buhay.
Pasko nang umalis si Juli upang manilbihan at nang mapunan ang kulang sa salaping
pantubos sa mga tulisang bumihag sa amang si Tales.
Nagdatingan at naglabas ng natatagong salapi ang mga Taga -Tiani at taga – San Diego
upang bumili ng mga mamahaling alahas kay Simoun gayong ang iba ay halos walang
naani sa sakahan.
Sa dating lupain ng mga Ibarra na pag-aari na ni Kapitan Tiyago ay natuklasan ni
Basilio ang lihim ni Simoun. Gayong ito ay iginagalang at kinikilalang malapit sa
Kapitan Heneral ay nalaman niyang nangungumbinsi pala ito ng mga taong
mapapabilang sa inoorganisa niyang himagsikan.
Masipag at mapayapang mamamayan si Kabesang Tales subalit naging marahas at
napilitan pang kumitil ng buhay, nagawa pang pumatay nang mawala ang lahat sa kanya
dahil sa kawalang katarungang natamo niya at ng kanyang pamilya.
Masayang naghuhuntahan ang matataas at kilalang tao ng lipunan sa itaas ng Bapor
Tabo.
Makasaysayan ang Ilog Pasig dahil iba’t-ibang kuwento ang narinig dito ng mga
pasahero mula sa kapitan ng barko, Padre Salvi, at Padre Florentino.
Hindi alintana ng mga pasaheho ang init, siksikan, ingay at iba pang kaguluhan sa ibaba
ng barko kaya nakapag-usap pa ng masinsinan ang magkaibigang Basilio at Isagani.
Gawain 2
Hanapin sa hanay B ang kaugnay na mga pangyayari sa hanay A upang mabuo ang
pangyayari sa bawat kabanata.
HANAY A HANAY B
1. Nakadetalye na ang gagawin ni Basilio. A. Isang saksi ang nagpatunay sa balita at
Bibisitahin niya ang kanyang mga pasyente; sinabihang ipinid ang bibig ng mga naroon
aalamin sa unibersidad ang tungkol sa subalit naibunyag rin nga sa usapan nilang
kanyang pagtapos; at manghihiram ng ito.
salaping kailangan kay Makaraig.
2. Bigo si Simoun na maisakatuparan ang B. Dahil si Padre Irene ang tagapangasiwa at
kanyang paghihiganti. tagapagpatupad ng huling habilin ng
namayapang si Kapitan Tiago, hindi nasunod
ang mga suhestiyon ng iba kung ano ang
ipasusuot sa namatay.
3. Malaki ang paggalang nina Padre C. Hindi siya natulog hanggat hindi ito
Fernandez at Isagani sa isa't isa subalit natatapos subalit pinabago kaagad-agad ito
dumating ang napakahigpit na pangyayaring ng patnugoy pagkatapos niyang maipasa.
kailangan nilang harapin at pag-usapan ang
suliranin ng mga mag-aaral sa kanilang
korporasyon.
4. Tila lawin sa talas ang mga mata si D. Subsob sa sariling akalahanin kaya hindi
Kabesang Tales kaya Matanglawin ang niya pansin ang tensiyon ng mga mag-aaral
naging bansag sa kanya. at kakaibang nangyayari sa kanyang paligid
5. Humangos na umuwi si Ben Zayb sa E. Iisa lamang ang iniisip ng lahat na
kanyang tinutuluyan kahit hindi pa tapos ang maaaring maging padrino at makatulong kay
piging upang isulat ang natatangi niyang Basilio, ang kura parokong si Padre
lathalain na pumupuri sa katapangan ng Camorra.
kapitan at ng mga prayle sa nabigong
"nakawan".
6. Mataas ang pagpapahalaga ng Mataas na F. Dinoble ang pag-iingat ng karamihan ng
Kawani sa mga Pilipino. mga may negosyo, may katungkulan; ng mga
makapangyarihan; at maging ng kataas-
taasan. Sa ganitong kaguluhan si Simoun ay
hindi masilayan.
7. Nakikinig lamang si Isagani sa mga G. Sa mapagkalingang kamay ni Padre
alingasngas tungkol sa nangyari sa piging. Florentino siya nagkanlong at humingi ng
sagot sa kanyang pag-aalinlangan.
8. Napakasaklap na balita ang dumating kay H. Siya ang nagtanggol kay Basilio at nais
Juli patungkol sa pagkakakulong ni Basilio. siyang tulungan nitong mailabas ng kulungan
subalit higit na nadidiin si Basilio dahil
tahasang sinasalungat ng Kapitan Heneral
ang lahat ng mungkahi ng Mataas na
Kawani. Si Basilio lamang ang naiwan sa
piitan dahil walang padrino.
9. Nang sumakabilang buhay si Kapitan I. Naging mabangis ang dating mapayapang
Tiago ay maraming naging usap-usapan tao.
tungkol sa kanya -- ang gawaing pamisa sa
kanya, paboritong pagkain, bisyo, at
hanggang kung ano ang isusuot o idadamit sa
kanya.
10. Pagkatakot ang bunga sa lahat ng J. Kinatawan ni Padre Fernandez ang mga
balitang maghihimagsik ang mensahe ng prayle sa bansa at si Isagani, ang mga mag-
paskin lalo na nang kumalat ang balitang aaral na Pilipino.
may umawaan ang mga mag-aaral at ang
mga tulisan sa kabundukan.

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1: Suriin Mo! Gawain 2: Ihanay mo!

1. 4 1. d
2. 8 2. g
3. 5 3. j
4. 7 4. i
5. 9 5. c
6. 6 6. h
7. 10 7. a
8. 1 8. e
9. 3 9. b
10. 2 10. f
FILIPINO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN

Pangalan: ________________________________________ Petsa: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Tamang Mekaniks sa Pagsulat

Panimula (Susing Konsepto)

Ang mga bantas (punctuation) ay mga simbolo na nagpapakita ng kayarian at kaayusan


ng nakasulat na wika, pati na ang intonasyon at paghintong sandali (pagtigil na sandali) na
gagawin kapag nagbabasa nang malakas. Ang bantas ay mahalaga upang maging malinaw ang
kahulugan ng mga pangungusap. Ang mga panuntunan ng pagbabantas ay pabago-bago ayon
sa wika, lokasyon, rehistro at panahon (oras) at patuloy na umuunlad at nagbabago.
Ang bantas ay ginagamit upang maunawaan ang diwa ng komunikasyon sa anyong
pasulat. Maraming bantas ang maaaring gamitin sa pagsulat.
Isa ring ginagamit upang mas maging malinaw ang pagpapaliwanang ng anumang
argumento ay ang paggamit ng pang-ugnay. Makatutulong ito nang malaki upang maging
mabisa ang pagpapaliwanag. Ilan sa mga ito ay ang mga pang-angkop, pang-ukol, at pangatnig
na ginagamit bilang pang-ugnay upang mapadulas ang pagbigkas sa mga salita. Ilan sa mga
halimbawa ng pang-ugnay na ginagamit sa pangungusap ay sana, subalit, sapagkat, palibhasa,
maging, datapwat, kaya at iba pa.
Mabilis ang pag-unlad at pagbabago ng wikang Filipino na ipinamalas ng pagpasok ng
mga salita mula sa iba’t ibang katutubo at banyaga, at dahil na rin sa pagdaragdag ng
alpabetong Filipino ng mga letrang hiram upang makasabay sa progresong pagsulong ng wika.
Isa sa alituntunin nito ay “Kung anong bigkas ay siyang baybay.” Tingnan ang halimbawa kung
paanong tinumbasan sa wikang Filipino ang mga salitang hiram.
Halimbawa:
salitang hiram katumbas na baybay sa Filipino

christmas tree krismas tri


smuggle ismagel
queso keso

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nagagamit sa pagbubuod ang tamang mekaniks sa pagsulat (baybay, bantas, at iba pa),
gayundin ang wastong pag-uugnay ng mga pangungusap/ talata (F10PU-Ivb-c-86)

Gawain 1
Basahin ang bawat pahayag sa ibaba. Lagyan ng tamang bantas ang mga na pahayag
upang maging malinaw ang diwang nais nitong ipahayag.

Halimbawa: Sa umagang iyon may natanggap ang pari na sulat na nagsasabing dadakpin nila
ang kaniyang kaibigan sa ika 8 ng gabi Akala ni Don Tiburcio na siya iyon kaya siya umalis
ngunit alam ni Padre Florentino na ang pinaghahanap ay ang mag aalahas na si Simoun
Sagot: Sa umagang iyon, may natanggap ang pari na sulat na nagsasabing dadakpin nila
ang kaniyang kaibigan sa ika-8 ng gabi. Akala ni Don Tiburcio na siya iyon kaya siya
umalis, ngunit alam ni Padre Florentino na ang pinaghahanap ay ang mag-aalahas na si
Simoun.

1. Aray ang sakit naman ng iyong ginawa


2. Ayon kay Rizal ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop
at malansang isda
3. Siyay isang uliran at totoong kaibigan
4. Paborito kong artista si Christine Hermosa kaya lahat ng kaniyang pelikula ay
inaabangan ko
5. Ang buong sanlibutan ngayon ay pare-parehong nahaharap sa isang pandemyang
tinatawag na Covid 19 na ikinamatay ng libo libong katao sa mundo.
6. Lumagay siya parang amot tagapagtanggol ngunit siyay naniniwalang may
ipinanganak upang mag utos at ang ibay upang sumunod.
7. Kinabukasan wala na si Kabesang Tales Gayundin ang rebolber ng mag aalahas wala
sa kaluban at ang naroroon ay isang sulat at kwintas ni Maria Clara.
8. Nag isip si Basilio Sino sa dalawang lalaking ito ang namatay o ang buhay na
nagbubuhay kay Simoun-ang si Ibarra
9. Nasabi ni Basilio sa sarili na si Smoun ay may kasindak sindak na pagkatao ang lahat
ay naghahanap buhay maliban sa amin.
10. Nasilip ni Basilio na ang Kapitan ay nakikipag usap sa Kura sa Alperes at kay
Simoun… nagkaunawaan na tayo G Simoun ani Kapitan Basilio tutungo tayo sa Tiani
upang tignan ang iyong alahas.

Gawain 2
Baybayin nang wasto ang mga salitang hiram sa wikang Filipino ayon sa alituntuning
napag-aralan.
Halimbawa: A. cake- keyk B. jeep- dyip C. scholar- iskolar

Mga salitang Hiram Katumbas na baybay sa Filipino


1. Calle
2. Chocolate
3. Leader
4. Jacket
5. Liquido
6. Check
7. Janitor
8. Cementerio
9. Truck
10. Tricycle

May tatlong bahagi ng pananalita na ginagamit sa pag-uugnay ng mga salita at parirala. ito ay
ang pangatnig, pag-ukol at pang-angkop

Halimbawa
1. Ang pagsugpo sa bisyo at krimen ay puspusang isinasagawa ng mga bisig ng batas.
2. Binalak nilang gawin iyon subalit walang may gustong bumili hanggang may isang
taong nagpahiram ng kailangan halaga kapalit ang paninilbihan ni Juli.

Gawain 4

Punan ng angkop na pang-ugnay upang mabuo ang diwa ng talata. Piliin ang sagot mula
sa loob ng kahon. Gayundin, lagyan ng tamang bantas ang mga salita, impormasyon at
pangungusap upang maging mas malinaw ang nilalaman ng talata.
At Kaya Kapag upang
Dahil sa Laban sa Ngunit Subalit
maging Maliban Para sa Sapagkat

Ang Pilipinas ay natanghal sa Israel 1___________ isang pinay caregiver na may


natatanging talent sa pag awit. Siya ay si Rose Osang Fostanses, ang nagwagi sa X Factor Israel
noong Enero 2014. Halos dalawampung taon na siyang nagtatrabaho sa Israel 2 ____________
ngayon lang nagkaroon ng malaking pagbabago sa kanyang buhay. Hindi naging hadlang ang
kalagayan at edad niya 3 _____________ upang ipakita ang taglay niyang talento. Sa unay
kabado siya 4 ____________ sumubok pa rin siyang mag audition. Nakatutuwang isiping
lumulutang ang talent niya 5 ____________ mga mas batang kalahok. Hindi siya sumuko
6 ____________ sa huli ay nakamit niya ang tagumpay. Hinangaan sa buong mundo
ang kanyang talent 7 _____________ determinasyon. 8 ______________ nakausap ko si
Osang ay ipararating ko sa kanya ang aking paghanga. Napatunayan niyang 9 ____________
sa pagiging mabuting caregiver ay may kaya pang gawing ang mga Pilipinong tulad niya.
10 ____________ lahat ng Pilipino ang tagumpay na ito ni Osang

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
1. Aray! ang sakit naman ng iyong ginawa.
2. Ayon kay Rizal, “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa
hayop at malansang isda”.
3. Siya’y isang uliran at totoong kaibigan.
4. “Paborito kong artista si Christine Hermosa kaya lahat ng kanyang pelikula ay
inaabangan ko”.
5. Ang buong sanlibutan ngayon ay pare-parehong nahaharap sa isang pandemyang
tinatawag na Corona Virus (Covid 19) na ikinamatay ng libo-libong katao sa mundo.
6. Lumagay siya parang amo’t tagapagtanggol ngunit siya’y naniniwalang may
ipinanganak upang mag-utos at ang ibay upang sumunod.
7. Kinabukasan wala na si Kabesang Tales. Gayundin ang rebolber ng mag-aalahas wala
sa kaluban at ang naroroon ay isang sulat at kwintas ni Maria Clara.
8. Nag-isip si Basilio, Sino sa dalawang lalaking ito ang namatay o ang buhay na
nagbubuhay kay Simoun-ang si Ibarra?
9. Nasabi ni Basilio sa sarili na si Simoun ay may kasindak- sindak na pagkatao ang
lahat ay naghahanap-buhay maliban sa amin.
10. Nasilip ni Basilio na ang Kapitan ay nakikipag-usap sa Kura sa Alperes at kay
Simoun… nagkaunawaan na tayo G. Simoun ani Kapitan Basilio, tutungo tayo sa
Tiani upang tignan ang iyong alahas.

Gawain 2
1. kalye 6. tseke
2. tsokolate 7. dyanitor
3. lider 8. sementeryo
4. dyaket 9. trak
5. likido 10. traysikel

Gawain 4: Pang-ugnay
1. dahil sa 6. kaya
2. ngunit 7. at
3. upang 8. kapag
4. subalit 9. maliban sa
5. laban sa 10. para sa
FILIPINO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN

Pangalan: ________________________________________ Petsa: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Kabanata 11: Los Baňos

Panimula (Susing Konsepto)


Ang El Filibusterismo ay isang nobelang obra maestra na isinulat ni Dr. Jose Rizal
upang magising ang mga Pilipino sa nangyayari sa lipunan. Isinulat niya ito upang makita ng
bawat isa ang nakatagong suliranin o sakit ng lipunan. Ang obra maestrang ito ay hindi
naluluma sapagkat hanggang sa kasalukuyan ay makikita parin ang mga suliranin hanggang sa
ngayon.
Ang kabanatang iyong babasahin ay Kabanata 11 na may pamagat na Los Baňos kung
saan pinag-uusapan ang mga suliranin sa lipunan ng mga makapangyarihang tao. Mababasa at
mauunawaan mo na ang mga suliraning ito ay hindi naluluma at patuloy pa ring umiiral sa
kasalukuyan. Iyong unawain ang buod ng kabanatang ito upang makapagbigay ka ng mga
mungkahing solusyon sa sakit ng lipunang nabanggit sa iyong binasa.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng mga kaisipang
namayani sa akda (F10PN-IVd-e-85)

Panuto
Basahin ang buod ng kabanata 11 ng El Filibusterismo na “Los Baňos” at sagutin ang
kasunod nitong mga gawain.
Kabanata 11: Los Baňos

Nangaso ang Kapitan Heneral sa Boso-Boso ngunit wala siyang nahuli dahil natatakot
ang mga hayop sa dala niyang musiko. Ikinatuwa naman ito ng Heneral dahil ayaw niyang
malaman ng mga kasama na wala siyang alam sa pangangaso. Kaya naman sila ay umuwi na
lamang sa bahay ng Kapitan Heneral.
Sa isang bahay aliwan sa Los Baňos ay naglalaro ng baraha sina Padre Irene, Padre
Sybila, at ang Kapitan. Naiinis naman si Padre Camora dahil lagi siyang talo. Hindi nagtagal
ay pinalitan siya ni Simoun sa paglalaro. Pumayag si Simoun na itaya ang kanyang mga alahas
sa kondisyong ipupusta ng mga prayle ang pangakong magpapakasama sa loob ng limang araw.
Sa Kapitan Heneral naman ay pagbibigay ng kapangyarihan kay Simoun na magpakulong at
magpatapon ng kahit na sinong kanyang nanaisin.
Dahil sa mga kakaibang kondisyong ito ay napalapit si Don Custodio, Padre Fernandez
at ang mataas na kawani. Ang mataas na Kawani ay nagtanong kung ano ang mapapala ni
Sinoun sa kanyang mga hiling. Tinugon ito ni Simoun na para daw luminis ang bayan at maalis
lahat ng masasamang damo. Iniisip ng mga nakarinig na kaya ganun na lamang ang kaisipan
ni Simoun ay dahil sa pagkaharang sa kanya ng mga tulisan.
Ayon naman kay Simoun, walang kinuha sa kanya kundi ang dalawa niyang rebolber
at mga bala. Kinamusta pa nga daw ng mga ito ang Kapitan Heneral at sinabing marami raw
baril ang mga tulisan. Tumugon naman ang Heneral at sinabing ipagbabawal ang mga sandata,
katuwiran naman ni Simoun ay marangal ang mga tulisan.
Dagdag pa ni Simoun “Halimbawa, pawawalan ba ninyo ako nang ‘di man lang
kukunin ang aking mga alahas? Ang kasamaan ay wala sa mga tulisan sa bundok, nasa mga
tulisan sa bayan at siyudad.” “Gaya ninyo”, ani Padreng Sybilang nakatawa. “Gaya natin”,
ganti ni Simoun, “tayo nga lamang ang di-hayagang tulisan.”
Kalahating oras na lamang at magtatanghalian na kaya tinigil na ng Kapitan Heneral
ang laro. Maraming suliranin pa silang pinag-usapan. Isa na dito ang pagbabawal ng Heneral
sa armas de salon. Tutol man ang mataas na kawani dito ngunit wala siyang nagawa. Nagbigay
pa ng payo si Simoun na huwag ipagbawal ang armas de salon sa halip magkaroon na lamang
ng iisang sukat na kasalukuyang nabibili noon. At ito ang nasunod.
Sumunod na pinag-usapan ay ang paaralan sa Tiyani. Iminungkahi ni Don Custodio na
gawing paaralan ang sabungan kahit sa loob ng isang araw sa isang linggo na tinutulan kaagad
ng Kapitan Heneral. Ang ilang mga pari ay tutol sa pagpapatayo ng Akademya dahil sa ito’y
makakaapekto sa karapatan, isang paghihimagsikan at dapat raw ay hindi nag-aaral ang mag
Indiyo.
Sumang-ayon ditto si Simoun at sinabio na ito ay kahinahinala. Kaya naman pinutol na
ng Heneral ang usapin at sinabing pag-iisipan niya nag mga bagay na iyon. Pamaya-maya pa
ay dumating ang kura ng Los Baňos na nagsasabing handa na ang pagkain.
Gawain 1
Hanapin at bilugan ang tauhan at/o salitang may kaugnayan sa binasang kabanata.

Gawain 2
Mula sa binasang buod ng Kabanata 11, tukuyin kung ang pahayag o suliranin sa bawat
bilang ay nabanggit sa binasa. Bilugan ang mukhang nakangiti kung ito ay nabanggit,
mukhang galit naman kung hindi nabanggit.
1. Maling sistema ng edukasyon .
2. Pandaraya sa kapwa.
3. Pakikipagrelasyon sa nakababata.
4. Panunuhol.
5. Pabubukas ng sabungan
6. Suliranin sa kalikasan
7. Paggamit ng armas
8. Maling sistema ng pamahalaan
9. Pagbibigay ng kaukulang parusa sa maysala
10. Kampihan ng mga makapangyarihang pinuno

Gawain 4
Buuin ang crossword puzzle sa pamamagitan ng pagbibigay ng kasingkahulugan o
kahulugan ng mga salitang mababasa sa pahalang at pababa. Isulat ang iyong sagot sa puzzle
upang mabuo ito.
Pahalang
1.Uri ng baril
3.Mapipigil
5. Seryosong usapan
8. Paghamak

Pababa
2. Paghihimagsik
4. Dumagok
6. Bala
7. Rebelde; magnanakaw
9. Pangangamkam
10. Sandatang pambulgaw
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1 Gawain 2 Gawain 4
Pahalang
1. 1.Rebolber
2. 3.Masusugpo
3. 5. Masinsinan
4. 8. Pag-aalipusta
5.
6. Pababa
7. 2. Pag-aalsa
8. 4. Suntukin
9. 6. Punglo
10. 7. Tulisan
9. Pagkuha
10. Armas de Salon
FILIPINO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN

Pangalan: ________________________________________ Petsa: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Pagsusuri sa Kaisipan ng Akda

Panimula (Susing Konsepto)

Ang pagbabasa ng isang akda ay isang kapaki-pakinabang na gawain. Maliban sa tayo


ay nalilibang sa pagbabasa ay marami rin tayong natututuhan. Ngunit sa pagbabasa ay may
mga kinakailangang ikonsidera. Nararapat lamang na magkaroon ng masusing pagsusuri sa
akdang binabasa. Nararapat ding malaman kung masasalamin ba ang pagpapahalaga at
paniniwala ng mga tauhan sa Diyos, bayan, kapwa-tao at magulang sa pamamagitan ng
kanilang ipinakitang kilos o gawi sa akdang binabasa nang sa gayon ay iyong maunawaan nang
mabuti ang akda.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nasusuri ang mga kaisipang lutang sa akda (Diyos, bayan, kapwa-tao, magulang)
(F10PB-IVd-e-88)

Gawain 1
Balikan ang mga kabanatang nabasa at sagutin nang mahusay ang palaisipan.

Pahalan

Pababa

Gawain 2
Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan hinggil sa binasang mga
kabanata at sagutin nang maikli ngunit makabuluhan.

1. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na mahirap ibangga ang palayok sa kawali? Ano ang
ibig palitawin ni Dr. Jose P. Rizal sa bahaging ito ng nobela?

2. Ano ang paniniwala ni Kabesang Tales tungkol sa mga hukom? Tama ba ito? Bakit?
_____________________________________________________________________
3. Anong konsepto tungkol sa kalagayan ng mga Pilipino noon ang nais palitawin ni Rizal
sa buhay ni Kabesang Tales?
_____________________________________________________________________

4. Kung ikaw si Kabesang Tales gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa na sumama sa
mga tulisan at pumatay ng tatlong tao? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________

5. Para sa iyo, alin ang higit na mahalaga, ang lupang iyong pinaghirapang linangin, ang
paghahanap ng katarungan o ang isang buo at tahimik na pamilya? Pangatwiranan.
_____________________________________________________________________

Gawain 3
Maglista ng dalawang matatalinghagang pahayag na maiuugnay sa kaisipan ng mga
sumusunod na kabanatang binasa.

Kabanata IV – Si
Kabesang Tales

Kabanata VII - Si
Simoun

Kabanata VIII –
Maligayang Pasko

Kabanata X –
Kayamana’t
Karalitaan

Kabanata XXX – Si
Huli

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
1. Selo 2.Tales 3. Basilio 4. Hermana 5. Simoun
6. Sinang 7.Camorra 8.Rebolber 9.Kabite 10.Tiyago
FILIPINO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN

Pangalan: ________________________________________ Petsa: ___________


GAWAING PAGKATUTO
Pagtalakay sa mga kaisipan lumutang sa binasa

Panimula (Susing Konsepto)

Naging biktima ka na rin ba ng mga taong mapang-api o mapang-abuso? Naranasan mo


na rin ba ang mga pasakit maging ang mawalan ng mahal sa buhay at nagtangkang maghiganti
para sa mga ito? O isa ka sa mga taong nagpaubaya na lamang at ipinagpasa-Diyos ang kanilang
mga kasalanan?
Ang bawat bahagi o kabanata ng El Filibusterismo ay nagtataglay ng mga kapana-
panabik na bahagi na kinapapalooban ng mga kaisipang maiuugnay sa kalagayan ng Pilipinas
sa panahong tayo’y alipin ng mga banyaga. Inilahad dito ang paraan ng pamamalakad ng
pamahalaan, gayundin ang kahalagahan ng edukasyon sa mga kabataan. Ang kalupitang
natanggap ni Kabesang Tales dahil sa pagmamahal niya sa kaniyang lupaing kaniyang
pinaghirapan. Pangingibabaw ng mga may kapangyarihan at salapi, at nariyan pa ang
kahirapang danas ng mga Indio. Ang pagbabalik ni Simoun sa San Diego upang maghiganti sa
mapait na sinapit mula sa kanyang nakaraan. Ngunit sa kabila ng mga ito’y may mga tao pa
ring may hangaring mabuti para sa kapwa tulad nina Isagani at Sandoval. Ang pagmamahal sa
bayan, pamilya, kapwa-tao at sa Diyos ay ipinakita rin ni Basilio. Patunay na kung may
masama ay mayroon din namang mabuti. Ngayon ay masusubok ang iyong husay sa paglalahad
ng opinyon at pagtalakay ng mga kaisipan sa akdang iyong binasa.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Natatalakay ang mga kaisipang ito: kabuluhan ng edukasyon, pamamalakad sa


pamahalaan, pagmamahal sa: Diyos, bayan, pamilya, kapwa-tao, kabayanihan, karuwagan,
paggamit ng kapangyarihan, kapangyarihan ng salapi, kalupitan at pagsasamantala sa kapwa,
kahirapan, karapatang pantao, paglilibang, kawanggawa, paninindigan sa sarililing prinsipyo
at iba pa (F10PB-IVd-e-89)

Gawain 1
Hanapin sa kahon ang tinutukoy ng bawat bilang. Isulat ang wastong sagot sa patlang.

Edukasyon Bayan Diyos Pamilya


Kapangyarihan Kawanggawa Salapi Karuwagan
Kahirapan Kabayanihan Paglilibang Kapwa

__________1. Ang pinakamataas na persona sa daigdig na ito.


__________2. Isa sa mga mabigat na problemang kinahaharap ng ating bansa.
__________3. Pagsuko sa hamon dahil sa kawalan ng tiwala sa sarili o sa iba.
__________4. Ang tinaguriang pinakamaliit na sangay ng lipunan.
__________5. Ginagamit na tagapamagitan sa transaksiyon ng sambahayan at bahay-kalakal
at iba pang sektor ng ekonomiya upang ang produkto ay maipalit sa ibang
produkto.
__________6. Binubuo ito ng isang pinangkat na mga barangay. Nilikha ito upang mas
mahusay na mapamahalaan ng gobyerno ang mga pamayanan at magsisilbing
pangunahing daluyan ng paghahatid ng batayang serbisyo sa mga
mamamayan.
__________7. Madalas na taglay ito ng mga namumuno. Ginagamit upang mapasunod at
kilalanin sila ng kanilang mga nasasakupan.
__________8. Ang kusang-loob na pagbibigay ng tulong sa mga nanga-ngailangan nang
walang hinihinging kapalit bilang isang makataong gawain.
__________9. Isang sistema ng pag-iipon ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang bagay na
inaasahang makabubuti sa pagkatao at kinabukasan ng indibidual.
__________10. Pagpapakita ng paglilingkod o pagmamahal sa sariling bayan. May kaugnayan
din ito sa pagiging magiting o matapang.

Gawain 2
Talakayin ang ilang pangyayari o pahayag sa binasang akda na may kaugnayan sa
Diyos, pamilya, bayan at kapwa-tao. Ilahad din ang iyong opinyon kung paano mapagtitibay
ang pagmamahal sa mga ito.

• (Hermana Penchang sa nangyari kay Tandang Selo)


“Madalas na iparanas ng Diyos ang bagay na ito sapagkat ang tao’y
makasalanan. Sapagkat mayroon tayong mga kamag-anak na makasalanan na
dapat sana’y tinuruan natin ng kabanalan upang maging malapit sa Diyos
subalit hindi natin ginawa.”

Pagmamahal sa Diyos

• Ang hindi pagkawala sa isip ni Basilio ng kanyang ina at kapatid at Ang


pagpapaalila ni Juli para sa amang si Kabesang Tales at lolong si Tata Selo.

Pagmamahal sa Pamilya

• Ang pagbabalik nina Basilio at Simoun sa bayan ng San Diego.

Pagmamahal sa Bayan
• (Ang sinasabi ni Padre Florentino kay Isagani)
“Isipino mo ang iyong kapwa katulad ng pag-iisip mo sa iyong sarili.”

Pagmamahal sa Kapwa-tao

Susi ng Pagwawasto

Gawain 1
1. Diyos
2. Kahirapan
3. Salapi
4. Bayan
5. Kapangyarihan
6. Kawanggawa
7. Karuwagan
8. Pamilya
9. Edukasyon
10. Kabayanihan
Gawain 2
Maaaring magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral.
Gawain 3
Kaisipan
1. Pamamalakad sa pamahalaan
2. Kabayanihan
3. Kabuluhan ng edukasyon
4. Kawanggawa
5. Karuwagan
6. Paggamit ng kapangyarihan
7. Karapatang pantao
8. Kapangyarihan ng salapi
9. Paninindigan sa sariling opinion
10. Paglilibang
FILIPINO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN

Pangalan: ________________________________________ Petsa: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Kabanata XVIII: Ang Kadayaan
Panimula (Susing Konsepto)
Isa sa tanyag na obra maestra ni Dr. Jose Rizal ang El Filibusterismo. Ito ay karugtong
ng Noli Me Tangere na una niyang isinulat. Sa obrang ito ipinakita ang iba’t ibang pangyayari
sa lipunan.
Sa kabanata XVIII na iyo nang nalaman sa mga nakaraang aralin ay napagtanto mong
lumutang ang iba’t ibang kaisipan tulad ng karanasang pansarili, gawaing pangkomunidad,
isyung pambansa, at pangyayaring pandaigdig. Maraming kaisipan ang lumutang sa bawat
kabanata ng aralin na ito at karamihan sa kanila ay mga kamaliang nararapat na iwasto, na
kapag ito’y hindi naiwasto ay magiging sakit ito ng lipunan na tatatak sa salinlahi. Sa
katunayan, ang ilan sa mga ito ay nananatili, nakikita, at nararamdaman pa rin sa kasalukuyan.
Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
- Maling Pamamalakad at Pamumuno
- Kawalan ng Pakialam sa dapat na ipaglaban
- Panggigipit
- Pagpapahirap sa kapwa
- Pagmamalabis
Ngayon ay ating sariwain ang kuwento ng “Kadayaan” sa Kabanata XVIII na iyo nang
nalaman sa mga nakaraang aralin, upang sa ganoo’y mas malinang pa ang iyong kaalaman at
pag-intindi hinggil sa kabanatang ito.
BUOD NG KABANATA XVIII
ANG KADAYAAN
Sinalubong ni Mr. Leeds ang mga panauhin sa kanyang perya. Bago nagsimula ang
palabas, nagsiyasat si Ben Zayb upang makita ang salamin sa kanyang inaasahang
matagpuan, ngunit wala siyang nakita.
Pumasok si Mr. Leeds sa isang pinto at may dalang kahong kahoy sa kanyang
pagbabalik. Ipinaliwanag niya na ito ay natagpuan a niya sa isang libingang nasa-piramid
ni Khufu, isang Paraon ng Ehipto. Ang kahon ay may lamang abo at kapirasong papiro na
kinasusulatan ng dalawang salita. Sa pamamagitan ng pagbigkas ng unang salita ang abo ay
nabubuhay at nakakausap ang isang ulo at pagbanggit ng ikalawang salita ito ay babalik sa
dating kinalalagyan nito.
Bumigkas ng isang salita si Mr. Leeds, lumabas ang isang ulo at sinabi nitong siya si
Imuthis. Siya ay umuwi sa sariling bayan pagkatapos ng pag-aaral at mahabang
paglalakbay. Sa kanyang pagdaraan sa Babilonia ay nabati niya ang isang lihim
na hindi ang tunay na Sumerdis ang namamahala doon kundi si Gautama, isang
magnanakaw ng kapangyarihan at namamahala sa tulong ng pandaraya. Sa katakutang
isumbong siya kay Cambises ay binalak ang ikakasawi ni Imuthus sa tulong ng mga
saserdoteng Taga-Ehipto na siyang nakapangyayari noon sa kanilang bayan. Siya ay umibig
sa isang anak ng pari at naging kaagaw niya rito ang pari sa Abidos. Nagpanukala ang pari
ng kaguluhan at siya ang sinangkalan. Isinakdal siya at napiit, tumakas at napatay. Ayon sa
ulo siya ay nabuhay muli upang ihayag ang gayong kataksilan. Titig na titig kay Padre Salvi
ang espinghe habang nagsasalita ito. Dahil sa takot hinimatay ang prayle.
Kinabukasan, nagpalabas ng utos ang Gobernador na nagbabawal sa palabas ngunit
wala na si Mr. Leeds, nagtungo ito sa Hongkong dala ang kanyang lihim.

MGA KAISIPANG LUMUTANG SA PAKSA


Malaki ang papel na ginampanan ng kabanata XVIII sa bawat mambabasa ng nobelang El
Filibusterismo sapagkat napagtanto rito ang kabuluhan ng mga kaisipang lumutang sa
paksa na maaaring mayroong kinalaman sa nakaraan o may koneksiyon sa kasalukuyan.

• KARANASANG PANSARILI - Ipinakita sa aralin na maaaring ang mga nangyari


rito’y maaaring nangyari o mangyayari sa atin na magsisilbing karanasan nating
pansarili. Tulad na lamang sa kabanata XVIII na kung saan ang ulo sa kwento
(Imuthis) ay napagbintangan ng maling gawi, nilapastangan atbp.

• GAWAING PANGKOMUNIDAD- Ipinakita rin sa aralin na ang mga gawing


isinalaysay ni Imuthis sa nobela ay maaari ring nangyari o nangyayari sa komunidad
tulad na lang ng maling paggamit ng kapangyarihan, hindi pagsasabi ng totoo,
pagpapahirap sa kapwa, paggawa ng masama upang maagaw ang minamahal o
makuha ang mithiin.

• ISYUNG PAMBANSA- Masasabi rin na sa kabanata ng nobelang ito ay ipinakita


ang mga isyung pambansa noon na maaari ring isyu hanggang ngayon ng ating bansa
tulad ng kaisipang pagmamalabis, paggamit sa posisyon para sa pansariling interes
at iba’t ibang klase ng pagpapahirap sa kapwa.

• PANGYAYARING PANDAIGDIG- Sa kabuuan, ang mga pangyayari o ipinakita sa


kabanata ng nobela ay hindi maikakailang ito’y nangyayari sa daigdig
magpasahanggang ngayon gamit ang iba’t ibang pamamaraan.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Naipaliliwanag ang kabuluhan ng mga kaisipang lutang sa akda kaugnay ng karanasang
pansarili, gawaing pangkomunidad, isyung pambansa, at pangyayaring pandaigdig.
(F10PN-IVf-90)
Gawain 1
Sa nabasa mong kabanata ng El Filibusterismo, tukuyin kung tama o mali ang
pangyayari o pahayag na naibigay. Isulat ang TAMA kung ang bawat pahayag ay naglalahad
ng katotohanan at MALI naman kung taliwas ang kaisipang naibigay.

_____________1. Ipinakita sa paksa na nangyayari ang pagpapahirap sa mga taong walang


kapangyarihan o sinasabi sa lipunan noon.
_____________2. Sa pagkahimatay ni Padre Salvi ay nagpakita lamang nang pagmamalabis
ng mga prayle noon.
_____________3. Sa mga naranasan ni Imuthis ay hindi maikakailang nangyayari pa rin ito
ngayon sa lipunan.
_____________4. Hindi natakot si padre Salvi sa paksa sapagkat malinis ang kaniyang
konsensya.
_____________5. Mahirap makabangga o makalaban ang mga mayayaman noon kahit pa
ikaw ang nasa tama.
Gawain 2
Punan ang patlang base sa angkop na hinihingi ng bawat pahayag. Piliin sa kahon ang
kasagutan.
gobernador Leeds rebelde panggigipit pagkahimatay

1. Sa kaniyang ______________ pinatunayan niya lamang na siya’y takot at mali ang


kaniyang gawi.

2. Si Imuthis ay pinagbintangang _________________ dahil siya’y umibig sa isang dalaga


na anak ng isang pari at naging kaagaw niya rito ang isang pari sa Abidos.

3. Nakamamangha ang ginawa ni Mr. __________________ upang isiwalat ang mga maling
gawi ng ibang tao noon.

4. Ang mga pagmamalabis, pagpapahirap at _____________________ay mababakas pa rin


maging sa kasalukuyan.
5. Nagpalabas ng utos ang _________________ na ipagbawal ang ganitong uri ng mga
palabas na nagpapakita lamang ng pag-iwas sa mgausaping tumutuligsa.

Gawain 4
Sa kabanata XVIII, iyong naunawaan ang mga pangyayari noon sa lipunan na maaari
ring masalamin sa kasalukuyan. Maaaring ito’y iyong naranasan, ginagawa sa komunidad, isyu
pa rin sa lipunan hanggang ngayon, o nangyayari pa rin sa daigdig sa kasalukuyan. Kaugnay
nito’y iyong alalahanin ang mga pangyayari sa kasalukuyan na nangyari na rin sa kabanatang
iyong nabasa at ipaliwanag ang aral na mapupulot rito. Magbigay lamang ng dalawang
pangyayari at tukuyin kung ito ba’y pansarling karanasan, gawaing Pangkomunidad, isyu sa
lipunan o pangyayaring pandaigdig.

NOON
NGAYON

ARAL
Susi Sa Pagwawasto
Gawain 1. Tama o Mali
1. Tama
2.Tama
3.Tama
4.Mali
5.Tama
FILIPINO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN

Pangalan: ________________________________________ Petsa: ___________


GAWAING PAGKATUTO
Si Kabesang Tales

Panimula (Susing Konsepto)

Ano ang gagawin mo kung ang mga bagay na pinaghirapan mong makamit ay
aangkinin na lang sa iyo ng iba? Paano mo ipaglalaban ang iyong karapatan?

Sa kabanatang ito ng nobelang El Filibusterismo ay matutunghayan mo ng kuwento ng


isang taong nagsumikap upang makamit ang mga minimithing bagay subalit ito ay inangkin
lamang ng mga taong nasa kapangyarihan.

Nawa ay makatulong sa iyo ang mga nakalaang gawain upang makapagdesisyon sa


buhay kung sakali mang ikaw ay malagay sa katayuan ng tauhan sa akda. Higit sa lahat,
magiging daan ang mga gawing inihanda tungo sa iyong lubos na pag-unawa at pagkatuto.

Kasanayang Pampagkatuto o Koda


Naiuugnay ang kaisipang namayani sa pinanood na bahagi ng binasang akda sa mga
kaisipang namayani sa binasang akda. (F10PD-IVd-e-83)

Gawain 1 Basahin, unawain, at suriin ang buong ng piling kabanata ng El


Filibusterismo na susubok at magbabalik sa inyo sa inyong mga nakaraan, karanasan at
kuwentong buhay. Sagutin ang mga kasunod nitong mga gawain nang may katapatan.

Gawain 1
Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa iyong pag-unawa sa binasang kabanata.
1. Ano-anong kasawian ang sinapit ni Kabesang Tales gayong isa siyang mabuti at
marangal na tao ng Tiani?
__________________________________________________________________

2. Kung ikaw si Kabesang Tales, sasang-ayon ka rin ba sa pagbubuwis sa iyong


sariling nilinang na lupa? Susunod ka rin ba sa payo ng iyong ama na huwag
lumaban sa maykapangyarihan? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________

3. Bakit nagbago si Kabesang Tales mula sa pagiging isang mapayapa at masunuring


mamamayan patungo sa pagiging mabangis na nilalang?
__________________________________________________________________
Gawain 2
Iugnay ang mga kaisipang namayani sa binasang akda sa mga kaisipang namayani sa
isang napanood na teleserye o pelikula. Paghambingin ang mga kaisipan at pangyayari dito.
Mga Kaisipan at Pangyayari sa Kabanata Mga Kaisipan at Pangyayari sa
Napanood

Gawain 3
Gamit ang Venn Diagram, iugnay ang mga katangiang taglay ni Kabesang Tales sa mga
taong kagaya niya sa kasalukuyan.

Si Kabesang Tales Noon Si Kabesang Tales Ngayon

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1 – 4. Maaring iba’t-iba ang sagot ng mga mag-aaral.
FILIPINO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN

Pangalan: ________________________________________ Petsa: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Kabanata 37: Ang Hiwaga

Panimula (Susing Konsepto)


“May pakpak ang balita at may tainga ang lupa.”
Bahagi na ng kulturang Pilipino ang tsismis o pagpapalitan ng hindi pa kumpirmado
at hindi pa tiyak na balita. Nagbubunga ito madalas sa kalituhan ng mga tao at nakadaragdag
pa sa suliranin at problema.
Ang paggawa ng masama ay hindi magiging mabuti sa mga taong may sala o sa mga
taong nakagawa ng kamalian. Ang mga nagkasala ay may kaakibat na kaparusahan sa anumang
paraan base sa pagkakasalang nagawa.
Ang Kabanata 37: Ang Hiwaga ng El Filibusterismo ay naglalahad ng kaisipan
tungkol sa mga lihim pati na rin ang kabutihan at kasamaang dulot ng isang naisagawang
bagay. Naipahayag din sa kabanatang ito kung gaano kabilis ang paglaganap at pagkalat ng
mga balita’t usap-usapan.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Naisusulat ang pagpapaliwanag ng sariling mga paniniwala at pagpapahalaga kaugnay
ng mga kaisipang namayani sa akda (F10PU-IVd-e-87)

Panuto
Basahin nang may pag-unawa at suriin ang Kabanata 37: Ang Hiwaga ng El
Filibusterismo. Pagkatapos, sagutin ang mga kasunod nitong mga gawain nang buong husay at
tapat.
Kabanata 37: Ang Hiwaga
Walang lihim ang hindi nabunyag. Kumalat ang bulung -bulungan. Lamang malaki na
ang kaibahan sa talagang totoo. Kung hindi kulang ay may dagdag.
Nang sumunod na gabi, iyon ang paksa ng usapan sa bahay ng mga Orenda sa Sta.
Cruz, isang pamilya ng mag-aalahas. Walang naglalaro ni tumutugtog ng piyano. Maging
dati’y nakikipaglaro sa kanya kahit na madalas niyang dayain ay tahimik at buong lungkot na
nakikinig sa ibinabalita ni Chichoy. Anumang tawag ang kanyang mag-isang paglalaro ng
sungka. Si Isaganing dati’y nnakikipaglaro sa kanya kahit na madalas niyang dayain ay tahimik
at buong lungkot na nakikinig sa ibinabalita ni Chichoy. Anumang tawag ang kanyang gawin
ay parang di naririnig ng binata. Maging ang magkasintahang Momoy at Sensia, ang
magandang dalaga ng mga Orenda ay wala sa bintanang paraanan nila ng matatamis na sandali.
Mataimtim ding nakikinig sa pinag-uusapan ng magkakaharap.
Masipag at matalino si Kapitana Loleng.Hawak-hawak niya ang aklat tuusan subalit
hindi naman sumusulat o bumabasa nito. Kaharap din ang isang pinggan ng perlas at brilyante.
Nakaukol ang buong pansin sa usapan. Pati ang asawang si Kapitan Toringgoy (palayaw ng
Domingo) na wala ng ginawa kundi ang magbihis, kumain, mamasyal at makipagsatsatan sa
mga kaidad ay hindi umalis ng bahay at nakinig sa makapanindig-balahibong balita sa Chichoy.
Ang payat na si Chichoy ang naghatid kay Don Timoteo ng paggawa nitong isang pares
na hikaw panregalo sa bagong manugang. Naroon siya nang ginigiba ang kioskong kakanan ng
mga diyosew. Namumutla at pinanginginigan ng tinig si Chichoy habang nagbalita.
“Naku! Sako-sakong pulbura ang nasa ilalim ng sahig, sa bubungan at ilalim ng mga
mes, sa lahat halos ng dako. Kung may isa lang magngagawang bagsigarilyo….”, ang
namamaus-maos na salaysay nito.
“At sino naman kaya ang may kagagawan niyon?” ang tanong ni Kapitana Loleng na
hindi takot at lalong hindi namumutlang tulad ni Momoy. Bakit nga’y dumalo ito at lumapit pa
sa kioskong pagmumulan sana na pagsabog.
Walang makapagsabi bagamat, nagpahayag ng iniisip si Ginoong Pasta na nagkataong
dumalaw noon. “Isa raw sa mga kaaway ni Don Timoteo o isang kaagaw ni Juanito,” ani
Chichoy.
Napabaling ang tingin ang mga dalaga kay Isagani na ngumiti lamang at di nagbitiw ng
kahit na anong salita.
Si Kapitana Loleng ang nagwika ng, “Magtago kayo at maaaring kayo ang
pagbintangan.”
Isang ngiting mahiwaga ang itinugon ng binata at di uli nagsalita gaputok man.
Nagpatuloy ng pagsasalaysay si Chichoy. Hindi raw nalaman ni Don Timoteo kung
kanino ibabagsak ang sisi. Sila lang ni Simon ang namamahala sa mga gawain. Nagkakagulo
pa sa bahay nang dumating ang tinyente ng mga sibil.Matapos bilinan ang lahat na ilihim ito,
pinaalis na ako.Kung natuloy ang pagsabog,sa mga oras na ito’y wala na tayong heneral,
arsobispo o mga kawani kaya. Lahat ng naroon ay tiyak na sasabog.”
“Susmaryosep…naroon pa naman ang mga may utang sa akin. At malapit doon ang isa
sa mga bahay natin. Sino nga kaya ang dapat na magdusa?”
May kani-kanyang akala at hinala ang magkakaharap. May pumakling si Quiroga, may
nagsabing si Makaraig, may nag-akalang ang mga estudyante.
Naubo si Kapitan Toringgoy at sumulyap kay Isagana.Sa bandang huli’y nasabing si
Simon daw, ang diwang maitim ng heneral ang posibleng nasa likod ng naturang balak.
“Hindi ba’t nasa piging din si Simon?”, ang tanong ni Sensia. “Teka…naisip ko na.
Umalis siya at nangakong babalik din kaagad.Kukunin daw lamang niya ang ihahandog sa mga
bagong kasal. Bago maghapunan nagpaalam ang taong ito.”
Subalit kaibigan siya ng heneral! Kasosya pa ni Don TImoteo.
“Ganoon nga…nakisosyo nga upang mapatay ang lahat ng mga Kastila!”
“Ngayon, na naniniwala na kayo kay Tia Tentay. Hindi ba’t sinabi niyang demonyo si
Simon na nakabili ng kaluluwa ng lahat ng mga Kastila?”. Ang sabi ng magandang si Sensia.
“Pinaghahanap ngayon ang mga sibil si Simon” ang dagdag pa ni Chichoy.
“Naalala ko na! Nagkagulo kagabi pagkat mamamatay ang ilaw sa kakanan ng heneral
at mga kasama nito. Isa raw na di kilalang tao ang nagnakaw ng lampara.” Halos pabulong na
saysay ni Momoy.
“Tumalon ito sa ilog, at wala nang nakakita sa kanya. Sabi’y isa raw Kastila, ang iba’y
Intsik daw. May nag-aakala ring isa itong Indio.”
“Ang hinala ng iba, ang lamparang iyon ang pagmumulan ng pagsabog ng buong
bahay,” ang sagot ni Chichoy.
Nang mapalapit si Moymoy kay Isagani, may sinabi ang taga-Ateneo. “Ang kumuha
ng hindi kanyang sariling ari ay kasalanan. Marahil, hindi gagawin iyon ng magnanakaw kung
nalaman niya kung para sa ano ang lampara, hindi niya ginawa iyon. Ano man ang ipalit, hindi
ako lalagay sa kalagayang iyon,” ang pakli ni Isagani na ngumiti na naman nang makahulugan.
Nagpatuloy ang magkakaharap sa pagbibigay ng mga pahayag. Makaraan ang isa pang
oras, nagpaalam na si Isagani upang umuwi sa piling ng amain at doon na pamalagiang
pamumuhay.
Gawain 1
Ayusin ang mga ginulong titik sa loob ng panaklong upang mabuo ang diwa ng
pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

________1. Ngunit upang hindi na bumalik pa sa kanyang maani.


________2. Lalong nabuo sa isip ng mga kababaihan ang pagiging yomoden ni
Simoun na nagkakatawang-tao.
________3. Nabatid din ng dalam, sa likod ng pagpigil sa balita, ang mga
Pagbabangon at mga supot ng pulbura.
________4. Tinataya raw ng mga maykapangyarihan na ang ilawan ay siyang
balkisapapgam sa pulbura.
________5. Gan-adnatna sa takot ang lahat ng matanda at babae.
________6. Ngatukatnihan gayon na lamang si Momoy.
________7. Naalala uli ni Momoy ang pagkakaagaw sa ilawan ni Simoun na nuo’y
namamatayan ng sagnin.
________8. Si Chikoy kasi, payat na platero. Ay nagdala ng hikaw para kay Paulita nang
tinatanggal na ang mga itumalap at mga hapag sa bahay ni Kapitan
Tiyago at nakita niya mismo ang suput-supot na pulbura sa ilalim ng mesa, sa
silonsa bubungan, sa likod ng mga upuan.
________9. Ito ang naging paksa ng usapan ng lahat – hamilip nga lamang.
________10. Naalala ni Momoy, isang dumalo sa ipingg, ang pagalis ni Simoun
sa bahay bago magsimula ang hapunan.
________11. Nabatid din ng madla, sa likod ng pagpigil sa balita, ang mga pagbabangon at
mga supot ng plaburu.
________12. Si Chikoy kasi, payat na platero. Ay nagdala ng hikaw para kay Paulita nang
tinatanggal na ang mga palamuti at mga hapag sa bahay ni Kapitan Tiyago at
Nakita niya mismo ang suput-supot na pulbura sa ilalim ng mesa, sa slnoig
sa bubungan, sa likod ng mga upuan.
Gawain 2
Sagutin ang mga mahahalagang tanong na hango sa kabanata. Isulat ang iyong sagot
sa kahong katapat ng mga tanong.

Mga Tanong Mga Sagot


1. Ano-ano ang mga kumalat na balita
kinabukasan sa mataong lugar ng mga
Orenda tungkol sa nagdaang kasalan?
2. Ano-ano ang nakita nang alisin ang
kioskong nagsisilbing kainan ng mga
panauhing pandagat? Ano ang ibig
ipahiwatig ng mga tanawing ito?

3. Inutusan ang lahat ng naroon sa piging na


ilihim ang mga nakita at nalaman. Ano ang
nais iparating ni Rizal sa pangyayaring ito?

4. Bakit kaya pinili ng may-akdang hindi


ituloy ang malagim na kamatayan ng
masamang Espanyol? Ano ang nais ibahagi
ng may-akda sa pagkabigo ni Simoun?
Iugnay ito sa prinsipyo ni Rizal sa
paglulunsad ng pagbabago.

5. Ano kaya ang maaaring maging posibleng


takbo ng nobela kung natuloy ang pagsabog
na siyang plano ni Simon?

Gawain 3
Ipahayag at pangatwiranan ang iyong damdamin sa mga sitwasyong nakapaloob sa
kabanata.

1. Ang hiwagang naganap sa kasalan ay hindi na lingid sa kaalaman ng bayan. Ganoon pa man
ang kaso ng pagtatangkang pagpatay sa mga dumalo sa okasyon ay nanatiling nakapinid at
tila wala ng panahon upang ito’y imbestigahan at litisin.
Tanong: Paano mapapatunayan ang kasabihang, “Justice delay, justice denied.” Patunayan.
___________________________________________________________________________
2. Ang pagkalat ng mga bali-balita o tsismis ay kalimitang nakalikha ng kaguluhan sa
katahimikan at seguridad ng bansa, lalo na’t walang sapat at matibay na batayan.
Tanong: May ganito pa bang pangyayari na natutulad sa kasalukuyan? Paano ito nakaaaapekto
sa kabuhayan at katatagan ng bansa?
___________________________________________________________________________
Susi sa Pagwasto
Gawain 1.
1. amain 6.nahintakutan 11.pulbura
2. demonyo 7.ningas 12.silong
3.madla 8.palamuti
4.magpasiklab 9.palihim
5.nag-antanda 10.piging

Gawain 2
1. Kumakalat na si Isagani ang magnanakaw na kumuha ng lampara at si Simon ang
pinaghihinalaang nagpasabog ng lampara dahil sa bigla niyang pagkawala.
2. Pulbura. Papasabugin para patayin ang lahat ng dumalo sa kasalan.
3.Para hindi mag-aklas ang mga Pilipino
4.Dahil magkakaroon ng kaguluhan. (Magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral.)
5. Pagiging Malaya ng mga Pilipino.
FILIPINO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN

Pangalan: ________________________________________ Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Mga salitang hudyat sa paghahayag ng damdamin o saloobin

Panimula (Susing Konsepto)

Kumusta ka na? Natitiyak kong naranasan mo ring malito sa tunay na emosyon


o damdamin ng mga nakausap mo, tama ba? May mga pagkakataon bang hindi mo
alam kung paano ihayag ang tunay mong nararamdaman? Totoo na karapatan ng bawat
isa ang maghayag ng saloobin, ideya, opinyon o damdamin. Ngunit iba-iba ang
damdamin ng tao. Kaya minsan hindi ka sigurado kung ang kausap mo ay galit o hindi.
Hindi sigurado kung ang pamamaraan ng kaniyang pagpapahayag ng damdamin ay
tuwiran o hindi.
Sa panahon ngayon, usong-uso ang paggamit ng social media ng mga
kabataang tulad mo sa pagpapahayag ng saloobin. Gayunpaman, dapat maikintal sa
isipan ng bawat isa na kaakibat ng kalayaan ay responsibilidad. Instrumento ang wika
sa pagpapahayag ng ating gawi at paniniwala. Ginagamit ito upang mapalutang ang
karakter ng nagsasalita at naipapahayag ang nadarama sa kapwa.
Isang kaligayahan na para sa tao ang siya’y maintindihan nang lubos. Kung
kaya, malaking tulong ang araling ito upang maintindihan ang wastong gamit at mga
angkop na mga salitang hudyat sa pagpapahayag ng damdamin o saloobin.
Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Damdamin o Saloobin
1. Pangungusap na Padamdam-ito ay mga pangungusap na nagpapahayag ng
matinding emosyon. Ginagamitan ng tandang padamdam (!)
Halimbawa: Naku po, nahulog ang mama sa kanal!
Ginagamit din minsan ang panandang pananong (?) sa pagpapahayag ng
damdamin lalo na kung ito ay may halong pagtataka.
2. Maikling Sambitla – ito ay mga sambitlang iisahin o dadalawahing pantig na
nagpapahayag ng matinding damdamin.
Halimbawa: Wow! Napakagara ang bago mong sasakyan.
3. Mga Pangungusap ng Nagsasaad ng Tiyak na Damdamin o Emosyon ng Isang
Tao – ito ay mga pangungusap na pasalaysay kaya’t hindi nagsasaad ng
matinding damdamin, ngunit ito ay nagpapakita ng tiyak na emosyon.
Halimbawa:
Pagkatuwa: Yahey! Dumating na din sa wakas ang regalong matagal
kong hinihintay
Pagtataka: Huh? Totoo ba ang sinabi niya?
Pagkalungkot: Naku, kawawa naman, nahawa tuloy sa sakit dahil
nakasalamuha ang tita niyang positibo sa CoVid-19.
Pagkagalit: Hindi dapat kinikitil ang buhay na regalo ng Diyos
Pagsang-ayon: Tama lamang ang pagsuot ng face mask sa
pampublikong lugar.
Pag-asa: Malalampasan din natin ang pagsubok na ito nang sama-sama.
Pagtanggi: Dinaramdam ko, hindi ako makadadalo sa kaarawan mo
dahil takot akong lumabas at makihalubilo sa maraming tao.
4. Mga Pangungusap na Nagpapahiwatig ng Damdamin sa Hindi Tuwirang
Paraan – ito ay mga pangungusap na gumagamit ng matatalinghagang salita sa
halip na tuwirang paraan.
Halimbawa: Kumukulo ang dugo ko sa tuwing naiisip ang mapagsamantalang
tao sa panahon ng kagipitan. (Ang ibig sabihin ng kumukulo ang dugo ay galit
na galit).
Maliban sa mga paraang nabanggit, nandito din ang mga hudyat na maaaring
gamitin sa mga pahayag para maipabatid ang paniniwala at pagpapahalaga.
1. Sa pakiwari ko
Halimbawa: Sa pakiwari ko, marami na sa mga kabataan ngayon ang
naghuhugas ng kanilang kamay gamit ang sabon at tubig sa loob ng 20 segundo
o mahigit pa.
2. Sa aking pananaw
Halimbawa: Sa aking pananaw, dapat lamang mag suot ng face mask sa tuwing
lalabas ng bahay.
3. Base sa aking karanasan
Halimbawa: Base sa aking karanasan, ang pag-eehersisyo ng hindi bababa sa 15
minuto kada araw ay nakakatulong sa pagpapalakas ng resistensya.
4. Kung hindi ako nagkakamali
Halimbawa: Kung hindi ako nagkakamali, ang tamang pag-disinfect, pagtakip
ng ilong at bibig sa tuwing uubo at pagpapanatiling malinis ang mga kamay ay
mga paraan upang makaiwas sa posibleng pagkalat ng Covid-19.
5. Ako ay sigurado
Halimbawa: Ako ay sigurado na ang virus ay naiiwan sa ibabaw ng mga
kagamitan.
6. Hindi maikakatwa na
Halimbawa: Hindi maikakatwa ang pagbaba ng ekonomiya ng ating bansa
dulot ng pandemya.
7. Sa pagkakaintindi ko
Halimbawa: Sa pagkakaintindi ko, ang kapulisan ay patuloy sa nagbibigay ng
buong lakas na seguridad hanggat wala pang lunas sa coronavirus.
8. Aminado ako
Halimbawa: Aminado ako na takot akong lumabas at makapitan ng
lumalaganap na virus sa bansa.
9. Sa nakikita ko
Halimbawa: Sa nakikita ko, ang mga awtoridad sa buong mundo ay naghihigpit
sa paglalakbay upang makontrol ang paglaganap ng pandemya.

Kasanayang Pampagkatuto at koda


Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang angkop na mga
salitang hudyat sa paghahayag ng saloobin/damdamin. (F10WG-IVd-e-80)
Gawain 1
Suriin ang paraan ng pagpapahayag ng damdamin ni Simoun mula sa akdang El
Filibusterismo. Piliin ang titik lamang ng sagot mula sa kahon at isulat sa patlang.
A. Padamdam C. Tiyak na Damdamin
B. Maikling Sambitla D. Hindi Tuwiran
_______1. Napakabuti. Paunlarin ninyo ang katutubong ugali.
_______2. Ano ang magagawa ng isang tinig sa karamihan?
_______3. Habang nagmamaramot sila sa pagbibigay ng karaptan sa inyo lalong malaki ang
matatamo ninyo pagkatapos, upang ibagsak sila at gantihan ng sama ang sama.
_______4. Ayaw ituro sa inyo ang kanilang wika, paunlarin ang isang katutubong wikain nang
mawala ang pagtatangi-tangi at magkaroon ng layuning pambansa.
_______5. Huwag hayaang magpalagay ang Kastila na sila ang panginoon dito at sila’y bahagi
ng bayang ito kundi manlulupig at dayuhan.
_______6. Sa gayo’y matatamo ang paglaya. Iyan ang dahilan at binayaan ko kayong
mabuhay!
_______7. Magaling. Ano ang mapapala kung sila’y ipaghihiganti?
_______8. At magkaanak ng mababait na alipin ang mga damdaming mabuti o masama ay
namamana ng anak.
_______9. Isang dakot isang bigas. Iyan ang mithiin ng marami sa Pilipinas.
_______10. Ikaw at ako ay uhaw sa katarungan. Dapat tayong magtulungan.

Gawain 2
Basahin ang mga pahayag ni Simoun at ayusin ang bawat titik sa loob ng kahon na
tumutukoy sa paraan ng pagpapahayag ng damdamin o saloobin sa tulong ng mga clue. Isulat
ang sagot sa patlang.

ndinutariwhi 1. Gusto kong luminis ang bayan at maalis na lahat ang


masasamang damo. _________________
maaiIktlsiangb 2. Huwag. Ang tulisan ay marangal. _________________
mitI
3. Sila ang tanging marangal na kumikita ng ikabubuhay
kayit na dadmm nila. _________________
anIm

maddapam
4. Pawawalan ba ninyo ako nang di man lang kukunin ang aking
mga alahas? _________________
idhninarwitu 5. Ang kasamaan ay wala sa mga tulisan sa bundok nasa mga
tulisan sa bayan at siyudad. _________________

Gawain 3
Ayusin ang mga titik sa loob ng bilog upang mabuo ang damdaming naihayag sa bawat
pangungusap.

1. Totoo ba? Marami ang hindi nakasulit sa eksaming ibinigay ng serbisyo sibil?
Sagot: ______________
ap t t a
2. “Nakakainis. Buti pa ang maglimayon o kaya’y masaka”, bulong ng mga magulang
pagkarinig ng balita.
Sagot: ______________ ip a k g a l a g t

ka g a
3. “Ikinalulungkot ko, hindi muna ako mag-aaral ngayong taon”, ang sabi ni Makaraig sa
kanyang mga magulang “Mangingibang bansa ako, sa Europa”.
Sagot: ______________
gpagtgain

4. “Yipee! Hindi ako pumasa,” ang sigaw ni Tadeo at sinigaan ang kanyang mga aklat.
Sagot: ______________ t
uapgwak
a
5. Nabalitaan ni Basilio sa selda ang nangyari, “Tama lang pala na hindi muna
ako nakakuha ng pagsusulit. Baka hindi rin ako pumasa,” pg
Sagot: ______________ sangoay
ng an

Susi sa Pagwawasto

Gawain 2
Gawain 1 1.Hindi Tuwiran
1. B 2. Maikling Sambitla
2. A 3. Tiyak na Damdamin
3. C 4. Padamdam ng
3. 4. C 5. Hindi Tuwiran
4. 5. D
5. 6. A
6. 7. B Gawain 3
8. D 1. Pagtataka
9. D 2. Pagkagalit
10. C 3. Pagtanggi
4. Pagkatuwa
5. Pagsang-ayon
FILIPINO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN

Pangalan: ________________________________________ Petsa: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Pagsasaad ng pagkamakatotohanan ng akda

Panimula (Susing Konsepto)


Naniniwala ka bang ang iyong buhay ay makatotohanang nobela na kapupulutan at
kasasalaminan ng iyong lahi’t bansang kinabibilangan? Maaari mong hanguin ang mga
pangyayari sa iyong buhay o paligid para mabuo ang sariling nobela kagaya ng nobelang
sinulat ni Rizal na naging pamana nito sa atin.
Sa mga akda ni Rizal, mababanaag na marubdob ang pagnanasa niyang itanghal ang
sakit na kanser na pinaghambingan sa sitwasyon ng lipunang kaniyang ginagalawan. Itong
dinaranas din ng bansang lagi’t lagi niyang nililingon, lalo na nang nasa Europa siya at binabata
ang lamig at pangungulila: “nilulunggati ko ang iyong kalusugan, na kalusugan din namin, at
hinahanap ang pinakamabuting paglunas.” Ginamit niya ang talinghaga ng mga sinaunang tao
na naglalantad ng mga maysakit sa “baitang ng templo, upang makapangmungkahi ng lunas
ang sinumang dumating na mananawagan sa Bathala.”
Malinaw ang nasa ni Rizal sa pagsulat ng nobela. Nais niyang “ilarawan” ang kalagayan
ng bayan “nang buong tapat at walang pangingimi.” Sa pagkasangkapan ng imahen ng lambong
na “tumatabing sa karamdaman,” sinisikap na ibunyag ni Rizal ang mga pagdurusa ng kaniyang
bayan. Sa buod ng mga kabanatang ito sa nobela, mamamalas ang ganitong pagtatanghal ng
kalagayang-bayan, lalo na ang paghahari ng iilan sa mga sangay ng lipunan.
Ang nobelang El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal ay karugtong ng kanyang Noli Me
Tangere. Ito’y akdang pampanitikan na bunga ng kaniyang pagpupunyagi na gisingin ang
damdaming makabayan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng panulat. Nauukol ang mga
kabanata sa kalagayang politikal at panlipunang pangyayari na maiuugnay sa kasalukuyang
kalagayan ng ating bayan. Nakatutulong ang nobelang ito upang malinaw na maunawaan ang
ating kasaysayan maging kung paano harapin ang mga suliraning panlipunan at bigyang
solusyon.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Natitiyak ang pagkamakatotohanan ng akda sa pamamagitan ng pag-uugnay ng ilang
pangyayari sa kasalukuyan. (F10PB-IVh-i-92)

Panuto
Bagaman inaasahang nabasa na ang buong nobela na El Filibusterismo mas mainam
kung iyong basahin, suriin at unawaing mabuti ang buod ng El Filibusterismo para masagutan
ng maayos ang mga kaugnay na gawain.

Buod ng El Filibusterismo

Ang Bapor Tabo ay naglalakbay patungong Laguna mula sa Maynila at hirap na hirap
sa pagsalunga sa agos ng Ilog Pasig. Kabilang sa mga pasahero ang mga reverendos, ang
makatang si Isagani, ang manunulat na si Ben Zayb, Donya Victorina, ang ating kilala nang
sina Basilio at Simoun- ang nagbabalat kayong mag-aalahas na walang iba kundi si Ibarra. Si
Basilio, sa tulong ni Kapitan Tiyago ay nakapag-aral ng medisina. Tuwing uuwi siya sa Sa San
Diego ay hindi nakaligtaang dalawin ang libingan ng kanyang ina. Minsan, sa isang di-
sinasadyang pagkakataon, sa kanyang pagdalaw ay nakatagpo niya si Simoun sa libingan na
bagamat nagbabalatkayo ay nakilala niyang ito ay si Ibarra. Sa simula ay tinangka ni Simoun
na patayin si Basilio upang ang lihim na kanyang pagbabalatkayo ay di-mabunyag subalit
nakapaghunosdili siya at sa halip ay hinimok niya ang binatang maghiganti sa pamahalaang
Kastila ngunit ito ay tumanggi sa dahilang nais iyang makapagtapos ng pag-aaral.
Ang mga estudyanteng Pilipino, sa pamamagitan nina pare Irene at Don Custodio ay
naghain ng kahilingan sa Kapitan Heneral upang magtatag ng Akademya ng Wikang Kastila.
Ito ay di-pinagtibay ayon san ais ng mga estudyante sapagkat ang mamamahala nito ay mga
prayle at ang mga estuyante ay magiging tagapangilak lamang.
Samakatuwid sila ay mawawalan ng karapatan sa ano mang pamamakalakad ng
nabanggit na akademya. Samantala, si Simoun ay muling nakipagkita kay Basilio upang
hikayatin ang binatang umanib sa binabalak na paghihimagsik at manggulo sa gagawing
paglusob sa kumbento ng Santa Clara upang itakas si Maria Clara ngunit ganoon na lamang
ang panlulumo ng mag-aalahas nang malamang ang kanilang itatakas ay namatay na nang
hapong yaon sanhi ng matinding karamdaman.
Ang mga estudyante, dahil sa tinamong kabiguan sa panukalang pagtatatag ng
Akademyan ng Wikang Kastila at upang mapawi ang sama ng loob ay nagdaos ng isang salu-
salo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto. Habang kumakain ang mga estudyante ay
nagkaroon ng talumpatian at sa talumpating binigkas ay tinuligsang mabuti ang mga prayle
ngunit may nagmamanman pala sa kanilang ginagawa sa labas ng pansiteria. Sabihin pa, ang
pagtuligsang ito ay nakarating sa mga prayle. Kaya kinabukasan, diumano ay may nakitang
nakadikit na mga paskin sa pinto ng unibersidad na naglalaman ng babala, pagtuligsa, at
paghihimagsik. Ang pagdidikit na mga ito ay ibinintang sa mga kasapi ng samahan ng mga
estudyante kaya sila ay ipinadakip at naparamay si Basilio.
Nilakad ng mga kamag-anak ng mga estdyanteng mapawalang-sala ito kaya sila ay
nakalaya, bukod tangi si Basilio, dahil sa walang tumulong sapagkat patay na si Kapitan
Tiyago. Si Juli, ang kasintahan ni Basilio, ay nakiusap kay pare Camorra na tulungan ang binata
upang makalaya subalit ito pa ang naging sanhi ng pagkamatay ng dalaga sa pamamagitan g
paglundag niya sa bintana ng kumbento dahil sa ginawang panghahalay ng pari.
Si Paulita, ang maganda at mayamang dalagang katipan ni Isagani, ay nakipagtalusira
sa binata dahil sa kusang pagpapakulong nito upang makiisa sa mga estudyanteng gayong hindi
naman siya dapat makulong at sanhi rin magkaibang simulain sa buhay. Sinamantala ito ni
Simoun at gumawa ng paraan upang maipagkasundo niyang ipakasal si Juanito kay Paulita.
Nakipagsama siya sa negosyo kay Don Timoteo Pelaez- ang ama ni Juanito, upang
maisagawa ang balak na paghihiganti. Sa tulong ni Simoun ay nabili ni Don Timoteo ang dating
bahay ni Kapitan Tiyago, ipinaayos ito ng mag-aalahas sapagkat dito gaganapin ang handaan
pagkatapos ng kasal. Kumbidadong lahat ang may matataas na katungkulan sa pamahaalaan,
mga tanyag na tao sa lungsod, at ang magiging ninong sa kasal ay ang Kapitan Heneral.
Sa tulong ni Simoun ay nakalaya rin si Basilio pagkatapos ng dalawang buwang
pagkapiit. Kaagad siyang tumungo kay Simoun upang sumama sa paghihimagsik. Ipinagtapat
sa kanya ng mag-aalahas ang kanyang balak sa gabi ng kasal. Ipinakita nito ang isang lampara
na hugis Granada at kasinlaki ng ulo ng tao-ang magarang ilawang ito ang magiging handog
niya sa ikakasal. Ilalagay ang lamparang ito sa gitna ng kiyoskong kakainan at walang
makaliligtas sa mga naroroon. Ang pagsabog ng dinamita sa lampara ay magiging hudyat
upang simulant ang paghihimagsik sa pamumuno ni Simoun.
Samantala nag gabing iyon sa tapat ng bahay ng ikakasal ay nagtatalo ang loob ni
Basilio, namamayani pa rin ang kabaitan sapagkat naisip niya ang maraming taong madadamay
sa pagsabog ng lampara subalit ng mamataan ang dalawang paring kumbidado sa kasal ay nag-
init ang kanyang damdamin sapagkat naalala niya ang sinapit ng kanyang kasintahan. Di-
kawasa ay nakita niyang nanaog si Simoun upang lisanin ang bahay ng yaon, susundan sana
niya ito subalit nakita niyang dumarating ang kaibigan si Isagani upang mag-ukol ng huling
sulyap sa dating kasintahan. Pinagsabihan ito ni Basilio na tumatakas at lumayo sa tahanang
iyon ngunit ayaw siyangg pansinin nito. Napilitan tuloy si Basilio na ipagtapat ang tungkol sas
lampara.
Nang namataan ni Isagani na lumalamlam na ang lampara ay buong bilis itong pumasok
sa tahanan at sinambilat ang ilawan at inihagis sa ilog.
Dahil sa pangyayari ay nawalan ng bisa ang pakana ni Simoun at ang balak na
paghihimagsik.
Napag-alamang ang may pakana ng lahat ay walang iba kundi si Simounkaya siya ay
pinag-usig ng maykapangyarihan. Tumakas siya at nakituloy sa bahay ni Pari Florentino sa
may baybayin ng Dagat Pasipiko. Ayaw niyang pahuli ng buhay kaya uminom siya ng lason.
Ipinagtapat niya sa pari ang tunay niyang pangalan at pagkato. Nasa kasiglahan siya ng buhay,
galling sa Europa, puno ng pag-asa at pangarap, nilimot ang masasamang pangyayari sa kanya
nang dahil sa pag-ibig na inaasahang magkakaroon ng katuparan. Isang kaguluhang gawa-gawa
ng kanyang mga lihim na kaaway na nagnakaw ng kanilang pag-ibig, yaman, laya, at
kinabukasan. Salamat at nailigtas siya ng isang tapat na kaibigan sa bilangguan. Dahil dito, ang
paghihiganting nilimot na minsan ay isasakatuparan sa takdang panahon. Tumakas siya dala
ang kayamanan ng angkang nakabaon sa gubat, nangibang bansa, at doon nagpayaman.
Nakilahok sa digmaan sa Cuba sa pagtulong sa magkabilang panig na pareho niyang
pinakinabangan. Noon niya nakilala ang heneral na komandante pa lamang. Sa pamamagitan
ng salapi, nagawa niyang maitalaga ito sa kapuluan. Nang naririto na, ginawa niyang tau-
tauhan, pinainan ng salapi kaya lalong nag-ulol ang kasakiman nito. Nagbalatkayo siyang isang
mag-aalahas sa layuning maigupo ang pamahalaan at makapaghiganti sa pamamagitan ng
paghihimagsik. Pagkatapos ng mahabang pangungumpisal ay namatay na si Simoun.
Samantala, ang kayamanang naiwan ni Simoun ay inihagis ng pari sa dagat. Habang
pinagmamasdan ang talampas ng dagat na iyon ay muling masusumpungan ng tao ang kanyang
itinapon sa kapahintulutan ng Diyos… kapag dakila at banal ang kanyang layunin. Ngunit
makabubuti pa ngang mananahan muna ito sa pusod ng dagat kasama ng mga perlas at korales
upang di na ito makapagliko ng katuwiran at mag-udyok ng kasamaan.

Gawain 1

Piliin ang titik ng pinakatamang sagot saka itiman ang angkop na bilog bago ang bilang.

ⓐⓑⓒⓓ1. “Ang likas na laman ng tao at puso ay walang katumbas sa wikang banyaga.” Sa
nobelang El Filibusterismo sino ang nagpahayag nito?
a. Basilio b.Ben Zayb c. Paulita d. Simoun

ⓐⓑⓒⓓ2. “Ang karunungan ay hindi siyang hantungan ng tao.” Sino ang nagsalaysay ng
pahayag na ito?
a. Basilio b.Ben Zayb c. Huli d. Simoun

ⓐⓑⓒⓓ3. Sa kasalukuyang panahon hindi maikakaila na mayroon pa rin ang mga taong
magaspang ag ugali at ikinakahiya ang lahi o tribong pinagmulan. Sa akdang El
Filibusterismo sino ang kagaya ng mga ito na magaspang ang ugali at itinakwil ang
pagka-Pilipino?

a. Donya Loleng b. Donya Victorina c. Paulita d. Sinang

ⓐⓑⓒⓓ 4. “Sa isang utos ng pamahalaan, maaaring maipabilanggo ang ama, asawa, o
kapatid.” Ano ang ibig sabihin ng pahayag?
a. Mahilig manakot ang pamahalaan.
b. Makapangyarihan ang pamahalaan.
c. Magbubulag-bulagan ang pamahalaan.
d. Natatakot ang ama, asawa, o kapatid sa pamahalaan.

ⓐⓑⓒⓓ 5. “Ang kabaitan ay di tulad ng mga brilyante na maisasalin sa iba. Ito ay likas sa
tao.” Kung ating iuugnay ang pahayag sa kasalukuyan, ano ang nais nitong
iparating?

a. Likas sa tao ang kabaitan.


b. Hindi naibibigay ang ugali ng isang tao.
c. Ang kabaitan ay tulad ng isang brilyante.
d. Ang ugali ay yaman ng tao na maaaring ipamana sa iba.

ⓐⓑⓒⓓ 6. Sa kabanatang ikadalawamput lima ano ang lutang na lutang na damdamin sa


mga mag-aaral kahit sila ay nagbibiruan at nagtatawanan?
a. Matinding takot
b. Matinding pagsisisi
c. Pilit na kasiyahan
d. Sobrang kasiyahan

Gawain 2
Muling balikan at suriin ang buod ng nobela at iugnay ito sa kasalukuyang panahon sa
tulong ng window chart.

EL FILIBUSTERISMO
Sino ang pinakamahalagang tauhan para Ano ang pinakamahalagang pangyayari?
sayo? Bakit?

Saan matatagpuan ang pinakamahalagang Bakit mahalagang basahin ang El


tagpuan? Bakit? Filibusterismo?

Kailan dapat magbasa ng El Filibusterismo? Paano mo wawakasan ang El


Bakit? Filibusterismo?

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
1. D
2. D
3. B
4. B
5. B
6. C
FILIPINO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN

Pangalan: ________________________________________ Petsa: ___________


GAWAING PAGKATUTO
Mga Salitang Hiram sa Wikang Espanyol
Panimula (Susing Konsepto)
Kung bibigyan ka ng pagkakataong mag-aral ng foreign language, ano ang nanaisin
mong pag-aralan? Nais mo rin bang bigkasin ang “Saranghaeyo” tulad ng mga koreano, o di
naman kaya’y “Ohayou gazaimasu” na wikang Nihonggo? O baka “Te Quiero” na may
kahulugang “Mahal Kita” sa wikang Kastila.
Sa nobelang El Filibusterismo, ang pagmamahal hindi lamang sa Wikang Filipino
kundi maging sa wikang Kastila ang isa sa nag-udyok sa mga kabataang Pilipino tulad nila
Basilio, Isagani, Makaraig, Pecson at iba pa kung kaya’t naglakas-loob silang ipinanukala ang
pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila. Nais nilang makasabay sa edukasyon sapagkat
madalas hindi nila nauunawaan ang mga pinag-aaralan dahil itinuturo ito sa wikang Espanyol.
Marami nga tayong mababasang iba’t ibang salita na ginamit ni Gat. Jose Rizal tulad
ng wikang Pranses, Latin, Italyano at Espanyol sa kaniyang pagsusulat ng nobelang El
Filibusterismo.
Narito ang ilan sa mga salitang mababasa sa nobela at malimit nating gamitin sa pang-
araw-araw nating pamumuhay sa kasalukuyan.

SALITANG HIRAM SA WIKANG ESPANYOL

• Reverendos- Kagalang-galang • Cueresma-Mahal na Araw


• Parroquia- Parokya • Servidor- Utusan
• Baston- Tungkod • Parque- Parke
• Agua Bendita- Banal naTubig • Calle- Kalye
• Indio- Tawag sa mga Pilipino • Indulgencia- Indulhensiya
• Cabeza- Kabesa • Dios- Panginoon
• Semana Santa - Banal na linggo • Plaza- Plasa

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga salitang hiram sa wikang Espanyol (F10PT-
IVg-h-85)
Gawain 1
Basahin ang mga piling salitang-hiram sa akda. Isulat ang titik ng tamang katumbas na
kahulugan nito sa Filipino.
a. Narito ang mga mananayaw ngayong linggo.
b. Sino ba ang may pakialam kay Serpolette?
c. Pakinggan mo, aking kuneho!
d. Ang mga kampana ng Corneville
e. Nakaupo kami sa ibabaw ng ilog Babylon!
f. Ang pagkagusto ay napapagaling din ng pagkagusto.
g. Manahimik ka, Lily! Ako ang Papa rito.

____ 1. Quoi v’la tous les cancans d’la s’ maine


____ 2. Hein qui parle de Sepolette?
____ 3. Tais pas d’tapage, Lily! Il faut m’ respecter! Suis ici L’ Pape.
____ 4. Les Cloches de Corneville
____ 5. Super flumina Babylonis sedimus!
____6. Similia similibus curantur.

Gawain 2
Basahin ang bawat pangungusap at tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang
italisado. Piliin ang titik ng wastong sagot sa kahon.

a. Klerk d. indulhensya
b. Parokya e. salakot
c. Kagalang-galang f. mahal na araw

____ 1. Kailangang may bongo de copa sa ulo ang magkaibigang Tiyo Kiko at
Camaroncocido upang makaiwas sa matinding init at basa ng ulan.
____ 2. Magpupunta sa Parroquia si Placido upang makipag-usap sa prayle.
____ 3. Tuwing mahal na araw maraming nag-iindulgencia upang mabawasan daw ang
kasalanan.
____ 4. Nagtitika at nagngingilin ang mga katoliko tuwing cuaresma.
____ 5. Ang mga reverendos sa simbahan ay patuloy na naniningil ng buwis sa
mamamayan.

Gawain 4
Buuin ang Palaisipan sa tulong ng mga kahulugang nakalahad sa wikang Filipino.
Salungguhitan ang mahahanap na salita sa kahon. At pagkatapos, isulat ito sa katumbas na
kahulugan sa itaas.
KATUMBAS NA KAHULUGAN SA FILIPINO

1. Pista-
2. Banal na Linggo
3. Itim-
4. Artikulo-
5. Parke-
6. tubig-banal-
7. tungkod-
8. kapitan/ pinuno-
9. Suwail/ kalaban ng simbahan-
10. tawag sa Pilipino/mangmang-
SALITANG ESPANYOL
A G U A B E N D I T A A F T D
E A R D E I S I F S T P I O E
U S E R V I D O R S K L L E C
Q K V G I N E E E E S E I S O
R M E N S O I I Q I E M B L L
A N R B I T F S U R I Q U H C
P O E C N S R T E T G C S O A
Q R N A D A R V L H I F T Y L
O G C Z I B E U O T E R E T L
U E I E O R L E R S A Q R I E
A N A B S M I A E P S A O U P
R T I A I S E N O R B E I N I
E A D C E T N E Y B I R K S E
S E M A N A S A N T A C A L E

Susi ng Pagwawasto

Gawain 1.
1. A 2. B 3. G 4. D 5. E 6.F

Gawain 2
1. E 2. B 3.D 4. F 5.C

Gawain 4

KATUMBAS NA KAHULUGAN SA FILIPINO

1. Pista- fiesta
2. Banal na Linggo- Semana Santa
3. Itim- negro
4. Artikulo- articulo
5. Parke- parque
6. Tubig- banal- agua bendita
7. Tungkod- baston
8. Kapitan/ Pinuno- cabeza
9. Suwail- Filibustero
10. Tawag sa Pilipino/mangmang- Indio
FILIPINO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN

Pangalan: ________________________________________ Petsa: ___________

GAWAING PAGKATUTO
El Filibusterismo at Sariling Akda: Isang Paghahambing

Panimula (Susing Konsepto)


Naranasan mo na bang gumawa ng kabayanihan sa iyong simpleng paraan? O kaya
naman ay may mga pangyayari ba sa iyong buhay kung saan lumabas ang iyong kamalayan sa
mga nangyayari sa ating bayan na maihahambing sa mga pangyayari sa El Filibusterismo?
Ang nobela ni Dr. Jose Rizal na pinamagatang El Filibusterismo ay nauukol sa
kalagayang politikal at panlipunan ng bansa. Ito ay isinulat upang gisingin ang damdaming
makabayan ng mga Pilipino.
Sa modyul na ito, iyong isasalaysay ang mga pangyayari sa iyong buhay kung saan
ikaw ay nakagawa ng kabayanihan at naipamalas ang kamalayan sa mga pangyayari sa ating
bayan. Ito rin ay iyong ihahambing sa nobelang El Filibusterismo.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Naisusulat ang maayos na paghahambing ng binuong akda sa iba pang katulad na
akdang binasa (F10PU-IVg-h-88)
Gawain 1
Isulat sa mga kahon ang mga pangyayari sa El Filibusterismo na may kinalaman sa
kabayanihan at kamalayan sa mga nangyayari sa bayan.

May hindi kilalang kumuha ng lampara at itinapon ito sa ilog


1 nang sa ganoon ay hindi masabugan ang mga inosenteng tao
na nasa pista.

2
3

Gawain 2
Isulat sa mga puso ang mga pangyayari sa iyong akdang isinulat sa gawain 2 na
nagpapakita ng kabayanihang iyong ginawa para sa bayan.

1. 2.

3.

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1: Iba-iba ang kasagutan para sa gawaing ito.


Gawain 2: Iba-iba ang kasagutan para sa gawaing ito.
FILIPINO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN

Pangalan: ________________________________________ Petsa: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Mga Salitang Naghahambing

Panimula (Susing Konsepto)

Kumusta ka? Malugod ka naming tinatanggap sa daigdig ng pagbasa, pagsulat at pag-


unawa sa mga aralin. Umupo, maglibang, at humanda sa kaligayahang mapapasaiyo sa
pagtuklas ng mga salita na nakapaloob sa mga gawaing ito. Ngayon, ating kilalanin ang mga
angkop na salitang naghahambing.
Ang paghahambing ay isang paraan ng paglalahad. Nakakatulong ito sa pagbibigay –
linaw sa isang paksa sa pamamagitan ng paglalahad ng pagkakatulad at pagkakaiba ng
dalawang bagay na pinaghahambing. Ito rin ay paglalarawan ng antas o lebel ng katangian ng
tao, bagay, ideya at pangyayari. Ang paghahambing ay pagkaklasipika kung anong meron ang
isang bagay na wala sa ibang bagay.

Dalawang Uri ng Paghahambing


A. Pahambing o Komparatibo – ginagamit kung naghahambing ng dalawang magkaibang
antas o lebel ng katangian ng tao, bagay, ideya, pangyayari, at iba pa. May dalawang uri
ang kaantasang pahambing

1. Paghahambing na magkatulad – Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing


ay may patas na katangian. Ginagamitan ito ng mga panlaping ka, magka, ga, sing,
kasing, magsing, magkasing at mga salitang paris, wangis/kawangis, gaya, tulad,
hawig/kahawig, mukha/kamukha, kapwa at pareho.
Halimbawa:
Magkamukha ang mag-inang Sisa at Basilio.
Magkasingganda sina Paulita at Juli.
Kasimbilis ng kidlat ang pagsulong ng bayang ito sapagkat sila ang
sentro ng teknolohiya.
2. Paghahambing na di magkatulad - Ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay may
magkaibang katangian. May dalawang uri ang hambingang di magkatulad:
a. Hambingang pasahol- May mahigit na katangian ang pinaghahambingan sa
bagay na inihahambing. Ginagamit ang mga sumusunod upang maipakita ang
ganitong uri ng paghahambing: lalo, di gasino, di gaano, di totoo.
Halimbawa:
Lalo siyang tumangkad nang uminom siya ng bitamina kaysa noong
hindi pa siya umiinom.
Si Tony ay di gasinong pilyo tulad ni Jimmy.

b. Hambingang palamang- may mahigit na katangian ang inihahambing sa


bagay na pinaghahambingan. Naipakikita ito sa tulong ng sumusunod: lalo,
higit/mas…kaysa/kaysa sa /kay, labis, di hamak.
Halimbawa:
Lalong maunlad ang isa kaysa sa isa.
Di hamak na mapuputi ang Amerikano sa mga Tsino.
B. Pasukdol – Ang paglalarawan o paghahambing ay nakatuon sa higit sa dalawang bagay o
tao. Ang paglalarawan o paghahambing ay maaaring pinakamababa o pinakamataas. Ang
paglalarawan ay masidhi kung kaya maaaring gumamit ng mga katagang sobra, ubod, tunay
talaga, saksakan, hari ng, at kung minsa’y pag-ulit ng pang -uri. (pinaka-, walang kasing-)
Halimbawa:
Ubod ng tamis ang ngiti ng mga taong tunay na malaya.
Pinakatanyag ang aming seksyon dito sa paaralan.

Sa mga tayutay, mayroon ding ginagamit na mga salitang paghahambing katulad ng


mga sumusunod:

Uri ng Tayutay na may Paghahambing


1. Pagtutulad (Simile) – ang pagtutulad ay tuwirang paghahambing ng dalawang bagay na
hindi magkatulad. Ginagamitan ito ng: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, kawangis,
sing-/sim-,
magkasing-/ magkasim-, atb.
Halimbawa:
Ang kanyang pisngi ay tila makopa sa kapulahan.
2. Pagwawangis (Metaphor) – Ito’y ginagamit sa tuwirang paghahambing ng dalawang
bagay na hindi magkatulad. Hindi nangangailangan ng pangatnig na nabanggit sa
pagtutulad. Ngunit ito’y nagpapahayag ng kahambingan sa mga paglalapat ng
pangalan, tawag, katangian o gawain ng isang bagay na inihahambing.
Halimbawa:
Ang ina ay ilaw ng tahanan.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nagagamit ang angkop na mga salitang naghahambing (F10WG-IVg-h-81)

Gawain 1
Basahin at suriing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang M kung
magkatulad at DM naman kung di magkatulad ang hambingang ginamit. Isulat sa patlang ang
tamang sagot.

______1. Kapwa sila mahusay sa pag- awit ng Kundiman.


______2. Di gasinong buntunghininga ang ginawa ng nagkakamot na drayber.
______3. Parehong paborito niya ang sopas at lumpiya.
______4. Kamukha ni Tandang Celo ang ama niya.
______5. Sariwa ang simoy ng hangin sa bukid, di tulad ng hangin sa lungsod.
______6. Kapwa maputi sina Mr. Leeds at Makaraig.
______7. Di gaanong mainam binabalak ng mga mag-aaral.
______8. Mabuting di hamak ang hangarin ni Basilio kaysa sa ibang kabataan.
______9. Mas malayo ang Isabela kaysa Nueva Vizcaya kung manggagaling sa Maynila.
______10. Magsindunong ang magtiyuhing Isagani at Padre Florentino.

Gawain 2
Punan ng wastong pahayag na nagpapakita ng paghahambing ang mga patlang upang
mabuo ang diwa ng teksto. Piliin ang tamang sagot sa kahon sa ibaba.

Sariwa ang hanging umiihip sa karagatan. Mas masarap ang pakiramdam ko ngayon 1.
___________ noong nakaraang buwan. Kapansin- pansin din ang tubig na umaalon sa dagat
na maituturing kong 2.__________________ng kristal. 3. __________________mang
maingay dito, wala man ang ingay na matagal ko nang kinagisnan, alam kong masasanay rin
ako. Naalala ko tuloy ang pook na pinasyalan namin ni inay noong bata pa ako.
4.________________________ ang pook na iyon at ang lugar na kinatatayuan ko ngayon.
5.____________________________rin ng bulak ang buhangin doon.
Akala ko iyon na ang una at huling araw na makadadalaw ako sa ganoong klaseng lugar.
Sa mura ko kasing edad noon, alam ko na ang hirap na pinagdadaanan ng aming pamilya.
Napilitan akong magbanat ng buto kahit wala pa sa panahon. Buti na lang kinaawaan ako ng
Poong Maykapal. Inialis ako sa nakasusulasok na lugar at dinala ako sa lugar na singganda ng
paraiso. Salamat at nakilala ko si Sir James Bossier. Pansamantala man ang panahon ko dito,
batid ko na sa aking pagpupursige kasama ng aking pamilya ay makababalik ako dito upang
manirahan.

Simputi kaysa Magkasingganda Di tulad

singganda kasinlinaw Di gasino Pinakatanyag

Gawain 3
Isulat ang titik L sa patlang kung ang paghahambing sa pangungusap ay palamang.
Isulat ang titik S kung ito ay pasahol.
______1. Si Donya Victorina ay higit na maawain kaysa kay Hermana Penchang.
______2. Ang ate niya ay di gasinong masipag tulad ng pinsan mo.
______3. Ang karne ng pabo ay higit na masustansiya kaysa sa karne ng baboy.
______4. Ang bayan nila ay higit na malayo kaysa sa bayan ninyo.
______5. Ang biyahe sa eroplano ay di hamak na maikli kaysa biyahe sa barko.
______6. Di gaanong mahal ang mansanas tulad ng ubas.
______7. Mas marami ang kinakain ko sa agahan kaysa hapunan.
______8. Di gasinong matabil si Sandoval tulad ni Quiroga.
______9. Ang panahon sa Mayo ay higit na mainit kaysa panahon ng Disyembre.
______10. Ang bunso ay di lubhang palakibo tulad ng panganay na anak.

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
1. M 2.DM 3. M 4. M 5.DM
6.M 7.DM 8.M 9. DM 10.M

Gawain 2

1. Kaysa 2. Kasinlinaw 3. Di- gasino 4.Magkasingganda 5.Simputi

Gawain 3

1. L 2.S 3.L 4.L 5.L


6. S 7.L 8.S 9.L 10.S
FILIPINO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN

Pangalan: ________________________________________ Petsa: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Pagsusuri sa tauhan

Panimula (Susing Konsepto)


Sa patuloy na pagbabago ng panahon, patuloy rin ang pagtaas ng kaso ng depresyon sa
mundo. Ayon sa World Health Organization, mahigit sa 100 milyong indibidwal ang
nakararanas ng sitwasyong ito. Sa kabila nito, ang depresyon ay isang malawakang sakit na
hindi matukoy. Nakaaapekto ang banayad na depresyon sa pang-araw-araw na gawain ng isang
tao habang maaaring humantong ang malubhang depresyon sa mga pagtatangkang
pagpapatiwakal. Gayunman, maaaring magamot ang karamihang kaso nito sa pamamagitan ng
maagang pagpapagamot.
Si Juli ay isang babaeng pinagsakluban ng langit at lupa. Humantong sa kasawiang-
palad ng problema’y hindi niya kinaya. Ang tanong ngayon, wasto ba ang kanyang piniling
desisyon sa buhay?
Iyong tunghayan ang mga pangyayaring gumimbal sa buhay ni Juli sa kabanatang ito.
Pagkatapos ay iyong ipahayag nang malaya ang iyong saloobin sa mga inihandang gawain para
sa iyo.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nasusuri ang tauhan na may kaugnayan sa: mga hilig/interes kawilihan/kagalakan/


kasiglahan /pagkainip/ pagkayamot; pagkatakot; Pagkapoot; pagkaaliw/ pagkalibang at iba pa
(F10PN-IVi-j-87)

Panuto
Basahin ang kasunod na bahagi ng nobela. Pagkatapos ay sagutin ang mga gawain sa
ibaba.

Juli
(Kabanata 30)
Ngunit marami ang nagsasabing di dapat mangyari iyon kay Basilio. Naghihiganti
raw lamang ang mga prayle dahil sa pagkakatubos ni Basilio kay Huli na anak ng tulisang si
Tales. Nanghiram ang dalaga sa mga kaanak ngunit ito ay di naging tapat. Nagtungo siya sa
isang kawani dahil ito ay nirekomenda ni Hermana bali . Sinabe ng Kawani na siya ay
magpunta sa Hukom-Pamayapa dahil higit na siyay matutulungan nito. Pagkadating sa
Hukom ay ipinayo nitong humingi ng tulong kay Padre Camorra. At may kung anong
nagbulong sa kanya na mag patulong kay Padre Camorra, ang nakapagpalaya kay Tandang
Selo. Kung sabagay, nang pasalamatan niya ang kura ay di ito nasiyahan. Humingi ito ng
“pagpapasakit”. Mula noo’y iniwasan na ito ni Huli.
Mula noo’y naging malungkutin si Huli. Minsa’y naitanong kay Hermana Bali kung
nahuhulog sa impiyerno ang nagpapakamatay. Di natuloy ang balak niya. Natakot siyang
mapunta sa impiyerno.
Ipinayo ni Hermana Bali na magtanong sila sa tribunal. Kaunting pabagsak lang daw
at papayuhan na sila nito. Ngunit ang tagasulat ay walang nagawa o naipayo kundi
patunguhin ang dalawang babae sa hukom pamayapa o juez de paz. Sa wakas ay nagpayo
ang hukom: “Ang tanging makapagliligtas kay Basilio ay si Padre Cammora – kung iibigin
niya”, sabay turo kay Huli.
Hindi kumibo si Huli. Inaakala ni Hermana Bali na tumpak ang payo. Ayaw ni Huli
na magtuloy sila sa kumbento. Batid ni Hermana Bali ang dahilan. Si Padre Cammora ay
tinaguriang Si Kabayo – sadyang malikot sa babae.
Nakiusap si Huli na ang manang na lamang sana pumasakumbento. Wika ng hukom
ay higit na mabisa ang pamanhikin ng isang dalagang may mukhang sariwa kaysa mukha ng
isang matanda. Nanaog ang dalawa. Nang nasa daan na’y ayaw na naman ni Huli. Ang
pagpapakasakit na hinihingi ni Padre Camorra ay pinagbingihan ni Huli mangahulugan ng
di kapatawaran ng sariling ama. Ngayon ba’y gagawin niya iyon dahil kay Basilio? Magiging
isa siyang lusak. Maging si Basilio’y mandidiri sa kanya. May ilang nagparunggit na di siya
papatulan ng kura. Maraming dalaga sa bayan. Aanhin nito ang isang taganayon lamang. At
babarilin si Basilio!
Binangungot si Huli nang gabing iyon. Dugo! Sindak! putok. Nakita ang ama. Si
Basilio’y naghihingalo.
Kinahapunan ng sumunod ng araw ay kumalat ang balitang may mga binaril na sa
mga estudyante. Ipinasiya ni Huli na kinabukasan uli ay magsasadya na siya sa kumbento,
mangyari na ang mangyari. Ngunit nang mag-uumaga na’y di rin siya nagtungo sa kumbento.
Dumaan ang mga araw. Umasa si Huli sa isang himala. Gabi-gabi’y di siya pinatulog ng mga
pangamba.
Sa wakas ay dumating ang balita mula sa Maynila na si Basilio na lamang ang
nabibilanggo. Nakalaya ng lahat ang kasamahan. Ipatatapon na raw sa Carolinas si Basilio.
Ito ang nag-udyok kay Huli na hanapin si Hermana Bali. Nagbihis ng pinakamahusay na
damit.
Kinagabihan ay naging usap-usapan ang nangyari kay Huli nang hapong iyon.
Pinagsamantalahan ni Padre Camorra si Juli. Dahil sa pangyayari, si Huli ay tumalon sa
bintana ng kumbento at patay na dinampot sa batong nakabunton sa ibaba. Si Hermana Bali
ay patakbong bumaba sa pinto ng kumbento at nilibot ang daan at nagsisigaw.

Gawain 1
Basahin at unawain ang bawat pahayag. Tukuyin ang kahulugan ng salitang may
salungguhit batay sa konteksto ng pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa mga linya. Ang
ilang titik at ang inaasahang bilang ng titik para sa salita ay ibinigay na upang maging gabay
mo.
_a__t_k__ 1. Nasisindak sa Juli sa mga pangyayaring nagaganap sa
kanyang buhay.
na___i__s 2. Ang akusasyon ng mga tao kay Basilio ay sadyang
nakayayamot.
na_gh__a__n_ 3. Inaalala ni Juli ang mga sandaling si Basilio’y nananapatan sa
kanya.
_ma__s 4. Bumalong ang luha sa mga mata ni Hermana Bali ng malaman
niya ang kagimbal gimbal na nangyari kay Juli.
i _ i n a _ m _ _ _ l a _ _ 5. Ang pagiging maka- Diyos ni Hermana Penchang ay kanyang
ipinagpaparangya dadapwat taliwas naman ito sa kanyang
ipinapakita.

Gawain 2
Sa iyong binasang bahagi ng nobela, batid kong nakilala mo nang lubusan ang mga
tauhan. Sa bahaging ito, punan ang talahanayan sa ibaba hinggil sa namayaning katangian ng
bawat isa. Pagkatapos ay magbigay ng maikling pagpapaliwanag.
TAUHAN KATANGIAN PALIWANAG
Hal. Hermana Penchang Mapangmata Pangungutya sa buhay ni Juli
at sa pamilya nito sa mga
nagaganap na kasawiang-
palad

Susi ng Pagwawasto:
Gawain 1
1. natatakot
2. nakaiinis
3. nanghaharana
4. umagos
5. ipinagmamalaki
FILIPINO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN

Pangalan: ________________________________________ Petsa: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Pagsusuri gamit ang iba’t ibang teoryang pampanitikan

Panimula (Susing Konsepto)


Ang panunuri ay isa sa mga mabisang paraan sa lalong malalim na pang-unawa sa
anumang akdang ating binabasa. Sa pamamagitan ng pagsusuri, nararamdaman natin ang
naramdaman ng mga tauhan, nararanasan natin ang kanilang mga karanasan sa bawat tagpuan
at napapalitaw natin ang mga aral na nais iparating ng may-akda sa kaniyang sulatin.
Ito ay isang malalim na paghihimay sa mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng
paglalapat ng iba’t ibang dulog ng kritisismo para sa mas mabisang pag-unawa sa malikhaing
manunulat at katha. Maaaring gamitin ang iba’t ibang pananalig gaya ng romantisismo,
realismo, naturalismo, humanismo at iba pang teoryang pampanitikan
Binibigyang-halaga ng romantisismo ang indibidwalismo, rebolusyon, imahinasyon at
likas na pagtakas mula sa realidad o katotohanan. Nagpapakita ng pagmamahal ng tao sa
kanyang kapwa at bayan.
Ang katotohanan naman ang binibigyang- diin sa realismo. Ito ay may layuning ilahad
ang tunay na buhay. Pinapaksa nito ang kalagayan ng lipunan tulad ng kurapsyoon, katiwalian,
kahirapan at diskriminasyon.
Ang naturalismo ay naniniwalang walang malayang kagustuhan ang isang tao dahil ang
kaniyang buhay ay hinuhubog lamang ng kaniyang herediti at kapaligiran. Nagpapakita ito ng
mga pangyayaring natural at nakatutulong ang mga piling salita at mga pahayag upang
pangibabawin ang mga ito. Ipinapakita rin ang epekto ng kapangitan ng kalagayan katulad ng
kahirapan at kawalan ng katarungan sa mga tauhan nito.
Samantala, ang humanismo naman ay naniniwalang ang tao ang sentro ng daigdig.
Binibigyang-pansin nito ang kakayahan o katangian ng tao sa maraming bagay.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nasusuri ang nobela batay sa pananaw/teoryang: romantisismo, humanismo
naturalistiko at iba pa (F10PB-IVi-j-93)

Panuto
Basahin, suriin at unawain ang mga inihandang gawain na may kinalaman sa pagkuha
ng argumento. Sagutin ito nang may katapatan.

Miliminas: Taong 0069 (Sanaysay/Hiligaynon)


Salin ni Ruby V. Gamboa-Alcantara mula sa “Miliminas: Taong 0069” ni Nilo Par.
Pamonang

MILIMINAS, Ito ang pangkat ng mga pulo na matatagpuan sa kalagitnaan ng Dagat


Pasipiko bago pa magkaroon ng malaking pagbaha. Ito ay binubuo ng higit sa pitong libo at
dalawang daang mga pulo. Ang Miliminas – ito ang tawag sa mga mamamayan ng nasabing
kapuluan – ay katulad din ang mga balat at hitsura. Ang kanilang pananalita ay tulad din ng sa
atin. Ngunit dahilan sa nahuhuli sila sa sibilisasyon, may mga pag-uugali sila at pagsasalita na
kaiba rin sa atin. Mik ang tawag sa kanilang pera. At ang tawag nila sa isang taong may isang
milyong mik, o sobra pa, ay mikinaryo. Sa pagbibihis, malaki ang pagkakaiba natin sa kanila.
Ang kanilang tawag sa pormal na damit para sa mga babae ay ang katumbas sa atin ngayon ng
bathing suit at kamiseta at korto para naman sa mga lalaki. Para mapangalagaan ang kanilang
moralidad sa pagbibihis, may batas silang ipinatutupad na hulihin ang sinumang magdadamit
nang mahaba pa sa mini-skirt at micro-mini-skirt. Ang upuan sa kanilang mga sasakyan ay
nilalagyan ng kiluhan upang masukat ang timbang ng mga pasahero dahil ito ang pagbabatayan
ng kanilang pamasahe. Ito ang tinatawag ng kanilang Public Disservice Commission na
equality before the kilo. Tungkol naman sa pamamalakad ng trapiko ay may ordinansa sila na
nagpaparusa sa mabagal magpatakbo. Ang kasalanan nang mabagal magpatakbo ay tinatawag
na not overspeeding.

Mayroon din silang serbisyo sa tubig na tinatawag na nawasdak. Ang ahensyang ito ay
may tatlong uri ng tubo. Ang una ay nilalabasan ng malinis na tubig; ang ikalawa ay nilalabasan
ng maruming tubig; at ang ikatlo, walang tubig kundi hangin lamang. Nakapagtataka? Ito ang
pag-uuri ng quatwasdak*. Ang gripo na may malinis na tubig ay mahal ang bayad, para sa
mayayaman lamang; ang may maruming tubig, para sa lahat ng marunong magtrabaho o kung
mayaman naman, gustong magtrabaho; at ang pangatlo, para sa mga mahirap at ito ay walang
bayad. Mayroon ding nagmomonopolyo ng kuryente. Ito ang Patay Electric Company. Tatlo
rin ang uri ng serbisyo nito sa publiko. Ito ang light service, brownout service at blackout
service. Ang light service ay nagibigay ng ilaw sa araw at gabi. Ang brownout service ay
nagbibigay ng ilaw kung hindi mo kailangan at mawawala kung kailangan mo ng ilaw sa
pagkain ng hapunan at pagbabasa kung gabi. Kung gusto mo lang ng pandekorasyon, ang dapat
mong ipakabit ay iyong blackout service. Ang sidewalk sa kanilang lungsod ay higit na
malalapad kaysa sa atin. Bakit nga ba? Ang dahilan ay sapagkat ang mga bazaar ang umuukupa
ng mga sidewalk at ang mga nagtitinda ng sigarilyo at kung anu-ano ang siyang umuukupa ng
mga kwartu-kwarto ng mga bazaar. At sabihin pa, ang mga may-ari ng mga bazaar ang hinuhuli
ng mga pulis sa kanilang pagtitinda sa mga sidewalk. Ang mga opisyal sa bansa na tumaba
habang sila ay nasa serbisyo ay pinapatawan ng sala o akusasyon sa kanilang mga resolution,
genuine na mga batas, at iba pa. Upang mapagkatiwalaan ang mga matataas na opisyal ng
bansa, itinatag ang antigenuine commission para sa paghuli ng mga nagpaparami ng pag-aari
o tumatanggap ng mga lagay na genuine, tulad ng genuine na resolutions, genuine na pera,
genuine na batas, at iba pa. Ang pinakamalaking tindahan ay tinatawag na super blackmarket.
May pintura itong itim. Dito ipinagbibili ang mga bagay na ngayon ay ipinagbabawal tulad ng
blusil na sigarilyo, apyan, mga bagay na ninakaw, at mga ipinagbibiling pekeng bagay. Ang
mga genuine na bagay ay ipinagbibili nang patago at tigkakaunti lamang dahil laging hinuhuli
ng mga alagad ng katiwalian ang nagbebenta ng mga ito at kinukumpiska pa ang kanilang mga
paninda. Katiwalian ang tawag nila sa kanilang batas, at ang nagpapatupad nito ay tinatawag
nilang alagad ng katiwalian. Ang mga baril ng mga alagad ng katiwalian ay paltik. Dahil sa
ang nag-aari ng lisensyadong baril ay hinuhuli at pinapatawan ng salang illegal possession of
genuine firearm. Sa panahong ito ay uso rin ang kickback na kaunti lang ang ikinaiba sa ating
tinatawag na kickback ngayon. Ang mga buwaya ng bansa (ito ang tawag sa mataas na opisyal
sa pamahalaan) ay sinisipa sa likod para sa bawat gatas o milk na tanggaping suhol sa kanyang
mga transaksyon. Ang mga buwaya ng bansa ay tumitigil sa pagpapasipa kapag makapal na
ang kanilang likod dahil ito ang magiging isang batayan sa pagpili ng isang outstanding buwaya
of the year. Dalawang klase ng batas ang ipinalalabas ng kanilang batasan na tinatawag na
Circus of Miliminas. Ang isang batas ay para sa mga mayayaman at ang isa ay para sa
mahihirap. Ang mga alagad ng bansa ay maliit lang ang sweldo pero malaki naman ang
kanilang maaaring gastusing representasyon. Ang mga mamamayan ng Miliminas ay
masyadong relihiyoso. Tatlo ang paborito
nilang mga santo – ang mik (ang pera mismo), ang buwaya, at si Santasa, isang taong may
sungay at buntot katulad ng tinatawag natin ngayong satanas. Ang pinakamalaking kasalanang
magagawa ay ang hindi pagpatay, hindi pagtataksil sa asawa at hindi pagangkin sa yaman ng
iba, kundi ang pagkaawa sa mahihirap at ang hindi pagbibigay ng anumang hingin sa kanila ng
mga buwaya ng bansa. Ang mga malaking transaksyon ng pamahalaan ay pinagkakasunduan
sa ilalim ng puno, at tinatawag nila itong shady transactions. Ang iba naman ay binubuo sa
ilalim ng mga mesa ng mga opisyal ng pamahalaan. Dahil dito, ang mga mesa ay matataas para
hindi mauntog ang ulo ng mga opisyal kapag sumusuot sila sa ilalim nito. Ang mga hues de
pas natin ngayon ay tinatawag nila na hues de paupas. Parang nakakatawa, ano? Pero iyan ang
katotohanan. At isa pang nakapagtataka, ang ginugwardyahan ay ang mga walang kasalanan.
Bakit ganoon ang pamamalakad ng hustisya rito? Iyan ang batas. At ang balak ay mapili ng
hues de paupas kung sinu-sino sa mga mamamayan ang palaaway at iskandaloso at sino ang
mababait. Pagkatapos ng bista at bumaba na ang hatol, ibinibilanggo ang mga walang sala
upang ihiwalay sa maraming mga nakalalayang masasamang tao. Sabihin pa, malalaki pa ang
bilangguan dito at kumpleto sa mga kasangkapan kaysa sa labas. Ang lahat ng bilanggo ay
tinatawag na VIP (Very Important Prisoner). Kung tungkol sa sistema ng pagpili ng mga
opisyal, ibang-iba sa atin. Simula pa lang ng kampanya, magkakaharap na sa entablado ang
magkakalaban sa politika. Nagbabatuhan ng putik. Sa atin ngayon ang “mudslinging” ay
pasaring lamang sa mga talumpati samantalang sa kanila ay talagang ginagawa. Ang bawat
kandidato ay dapat magsinungaling, magmura, mambato ng putik sa kalaban, mangako ng mga
hindi matutupad, dahil kung hindi niya ito gagawin ay pawawalan ng bisa ang kanyang
kandidatura ng Komisyon ng Kalokohan, ang ahensyang namamahala sa eleksyon. Sa araw ay
namimili rin ang tao ng iboboto kahit na ang isinusulat sa balota ay hindi na nila pinag-iisipan.
Ang iniisip nila ay ang naipon na bala ng mga kandidato, at mga napatay ng kanilang mga
kampon, at ang may pinakamaraming pera. Ang kanilang ibinoto ay tinatawag na ibinoto sa
bala at hindi ibinoto sa balota. Ang mga politika at ang kanilang mga kampon ay hindi natatakot
mapatay at pumatay sa panahon ng kampanya at eleksyon dahilan sa kanilang paniniwalang
ito ang magdadala as kanilang kaluluwa sa impyerno kung saan mabubuhay sila nang maligaya
kasama si Santasa, ang kanilang paboritong santo. Ang eleksyon ay tuwing ikalawang taon.
Kung gayon ay masasabi natin na madaling maubos ang mga mamamayan rito kung madali
ang patayan sa panahon ng eleksyon. Subalit nababawi rin ito ng imbensyon ng isang bantog
na baliw (ito ang tawag nila sa kanilang henyo) na nakabuo ng isang tableta na kung iinumin
ng mag-asawa ay magkakaanak ang babae ng tinatawag na instant baby, na ipinagbubuntis sa
loob lamang ng dalawampu’t apat na oras. Napakadali ng pagpapalilt-palit ng kapangyarihan
sa Miliminas. Patuloy din ang pag-iral ng mga bayang kontento na sa klase ng pamamalakad
dito na sa ngayong panahon ay masasabing kabaligtaran ng mga pangyayari. Ipinagmamalaki
pa ng mga mataas ang katungkulan sa pamahalaan ang pagsasamantala sa kabuhayan ng mga
mamamayan. Ang bagong Milimino, ang mga bayaning gumagala sa kapuluan, sila ang
magigiting na tumatanggap ng mga papuri na maririnig mo sa bibig ng nakaraang
administrasyon. At sino ang kanilang pinatutungkulan? Ang pinatutungkulan nila ng mga
papuri ay ang mga ismagler, mga namomorsiyento, mga kickback artist, mga mayaman na
nang-aapi sa mga mahihirap, mga nang-aagaw ng lupa ng may lupa, mga alagad ng katiwalian
na nang-aabuso sa mga mamamayan, mga hues de paupas at mga pislak (piskal) na hindi
tumitingin sa kislap ng espada ng katarungan, at timbangan ng katotohanan kundi tumitingin
sa kalansing ng pilak at timbangan ng malalakas at maykapangyarihan, mga walang ginagawa
sa bayan kundi aksayahin ang kaban ng bansa sa halip na gamitin ang kanilang katungkulan sa
pagsisilbi sa publiko ay ginagamit pa ito sa pangangamkam ng yaman. Ang ilan sa mga alagad
ng bayan na sa ngayon ay masasabi nating gumagawa ng mabuti ay nagtatago, nahihiya dahil
pinagtatawanan sila ng kanilang mga kasamahan. Hindi lang iyan, kinukutya pa sila, at kung
mahuli ng kanilang hepe, ay kinagagalitan pa at inaalis sa trabaho. May ilang kabataan na
malawak ang pag-iisip na tumawag ng isang pulong kung saan ipinaliwanag nila ang kaibhan
ng pamamahala na kanilang isinasagawa. Ang kanilang prinsipyo ay humihingi ng isang klase
ng pag-uugnayan ng mga namamahala at pinamamahalaan. Noong simula ay tinatawanan
lamang sila ng mga pinuno. Ngunit nang lumaon ay dumami na ang dumadalo sa kanilang
pulong, bukod pa sa mga mahirap. Ipinagbawal ng pamahalaan ang pagdaraos ng pulong ng
grupong ito ng mga kabataan na tinawag nilang dungis ng lipunan. Ang simpatiya ng mga
mahirap ay nakuha ng mga kabataan. At ang pagbabawal sa kalayaan ng mga ito, at nang
lumaon ay pagpatay ng ilan sa kanila ang naging dahilan ng pagkagalit ng mga mayaman at ng
mga may katungkulan. Sumiklab ang isang rebolusyon na lumaganap sa buong kapuluan ng
Miliminas. Bilang parusa sa kanila ng kanilang diyos na si Santasa, dumating ang isang
malaking baha, nagkaroon ng malakas na paglindol hanggang sa pumutok ang isang malaking
bulkan sa kailaliman ng dagat sa gitna ng kapuluan na siyang naging dahilan ng paglalaho ng
Miliminas sa sanlibutan.

Gawain 1
Ang salitang may salungguhit sa HANAY A ay mga mahihirap na salita na ginamit sa
akda. Hanapin mo ang katumbas na kahulugan nito sa HANAY B. Titik lamang ang isulat.

HANAY A HANAY B
1. nahuli sa sibilisasyon a. pinagbibintangan
2. may ordinansa sila b. kasamaan
3. pinapatawan ng sala c. kalinangan
4. maraming katiwalian d. regalo/lagay
5. suhol na ibinigay e. batas

Gawain 2
Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Miliminas ang tawag sa mamamayan ng nasabing kapuluan; may pag-uugali sila sa


pagsasalilta at kakaiba sa atin na naging dahilan sa pagiging huli nila sa:
a. kabuhayan b. sibilisasyon c. edukasyon d. tradisyon
2. “Miliminas: Taong 0069”. Ang taong tinutukoy rito ay:
a. Panahon ng Kastila c. Panahon ng Hapon
b. Panahon ng Intsik d. Panahon ng Amerikano
3. Laganap pa rin hanggang ngayon ang pagkakaroon ng kickback. Nangangahulugan itong:
a. kitang paumit b. kitang-kita c. dagdag kita d. kayang-kaya
4. Mik ang tawag sa kanilang pera, kaya kung marami kang mik o kaya’y milyong mik ikaw
ay:
a. milyonaryo b. mikinaryo c. makinarya d. mimikinaryo

5. Ang tawag sa mataas na opisyal sa pamahalaan na karaniwang tumatanggap ng suhol sa mga


transaksyon ay:
a. kickback b. under the table c. buwaya d. mga illegal
6. Sa mga pahayag na nakapaloob sa akda, ang di kapani-paniwala ay ang:
a. pag-imbento ng tableta na kung iinumin ay magkakaroon ng instant
baby
b. pagpapatungkol ng papuri sa mga ismagler
c. pagbabatuhan ng maaanghang na salita
d. pagboto na ang isinusulat sa balota ay din na nila pag-iisipan
7. Ang “Miliminas” ay isang ________
a. maikling kuwento b. nobela c. anekdota d. sanaysay
8. Sumisimbolo ang “Miliminas 0069” sa:
a. isang pamayanan
b. bagong lipunan
c. Pilipinas noong unang panahon
d. Mga katutubo
9. Ano kaya ang iyong gagawin kung buhay ka na noong panahon ng Miliminas 0069?
a. magkaroon ng sariling sistema
b. matutong tanggapin ang pamamalakad
c. makipagkasundo sa mga pinuno
d. manguna sa pagbabago
10. Pinatunayan sa akda na may:
a. pagkakahawig ang pamamalakad noon sa ngayon
b. mga katiwalian ding nangyayari noon sa ngayon
c. pinupuri at binabatikos noon at ngayon
d. maaaring ang lahat ng nabanggit

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
1. B
2. A
3. C
4. D
5. B

FILIPINO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN

Pangalan: ________________________________________ Petsa: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Mga Ibinunga ng mga Paskin
(Kabanata XXXII)
Panimula (Susing Konsepto)
Masasalamin sa akdang klasiko ang tungkol sa buhay – pag-ibig, galit, paghihiganti,
pananampalataya at pamumuhay. Ito ay nagpapahayag ng katotohanan at kagandahang kahit
malaon nang nangyari o naisulat ay makakaugnay pa rin sa mambabasa ng kasalukuyang
panahon. Totoo, angkop, at napapanahon pa rin ang pinapaksa kahit daang taon na ang lumipas
mula nang ito’y unang naisulat. Ang mga katangiang ito ay taglay ng akdang El Filibusterismo
kaya naman itinuturing itong isang klasiko ng panitikang Pilipino.
Ang klasikong akda ay isa sa mga teoryang pampanitikan. Ito ay kilala din sa tawag na
klasismo.
Ang katangian ng klasikong akda ay ang mga sumusunod: pagkamalinaw,
pagkamarangal, pagkapayak, pagkamatimpi, pagkaobhebtibo, pagkakasunod-sunod at
pagkakaroon ng hangganan.
Makikita ang mga katangiang ito sa tatalakayin nating kabanata ng El Filibusterismo
na may pamagat na “Ang mga Ibinunga ng Paskin”.
Ang paskin ay kartel na karaniwang gawa sa papel, tela o anumang bagay na nilalagyan
ng dibuho o anumang nakasulat na nagpapahayag ng balita o patalastas na maaaring idikit sa
pader. Ang paskin na naging sanhi ng kasawian ng mga mag-aaral. Sino kaya ang nasa likod
nito? Ano-ano ang mga nangyari pagkatapos matuklasan ang mga ito?
Halina’t basahin ang obra maestra ng ating pambansang bayani na si Dr Jose Rizal na
El Filibusterismo, ang kabanata 32, “Ang mga Ibinunga ng Paskin”. Alam kong handa ka nang
tuklasin ang mga karunungan na iyong matututuhan sa mga gawaing naihanda.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nabibigyang-pansin ang ilang katangiang klasiko sa akda. (F10PB-IVi-j-94)
Panuto
Basahin at unawain buod ng Kabanata XXXII. Sagutin ang mga kasunod na gawain
nang buong katapatan.

Ang mga Ibinunga ng mga Paskil


(Talata bilang 1-10)

1 Dahil sa mga pangyayaring kinasasangkutan ng mga estudyante, maraming mga


magulang ang nagpahinto sa kanilang mga anak sa pag-aaral. Ninais pa nilang magsaka na
lamang ang kanilang mga anak o kaya ay maglakwatsa kaysa mag-aral.

2 Sa mga estudyanteng kumuha ng eksamen sa ibinigay ng serbisyo sibil, marami ang


hindi nakapasa tulad nina Pecon, Tadeo at Juanito Pelaez. Si Tadeo ay natawa pa at sinunog
ang lahat ng kanyang mga aklat at sinabing papasok na lamang siya bilang opisyal sa alin mang
hukuman. Si Juanito Pelaez naman ay hindi nasiyahan nang hindi makapasa sa eksamen.
Nangangahulugan kasi na siya ang magbabantay sa tindahan ng ama. Samantala, si Macaraig
ay kaagad na nagpunta ng Europa pagkatapos ng pangyayari. Tanging sina Isagani at Sandoval
lamang ang mga nakapasa ngunit ang una ay pumasa lamang sa asignatura ni Padre Fernandez
at bumagsak siya sa ibang asignatura. Si Sandoval ay pumasa sa lahat ng asignatura dahil sa
kanyang mahusay na talumpati.

3 Si Basilio, na nasa bilanguan pa, ay hindi nakakuha ng eksamen. Sa bilangguan niya


nabalitaan ang nagyari sa Tiani, ang pagkamatay ng kanyang kasintahang si Huli at ang
pagkawala ni Tandang Selo. Ang kutserong si Sinong na naghatid sa kanya sa San Diego at
binugbog ng mga guwardiya sibil ang nagbalita sa kanya.

4 Samantala, si Simoun ay magaling na. Ito ang balita sa pahayagan ni Ben Zayb. Ayon
pa sa mamamahayag, si Simoun ay magdaraos ng malaking pista na hindi pa nasasaksihan
kailanman bilang pasasalamat sa kanyang paggaling at bilang pamamaalam. Ang mag-aalahas
ay sasabay sa pag-alis ng Kapitan Heneral. Matatapos na sa Mayo ang panunungkulan ng
Heneral kaya tinangka ni Simoun na lakarin sa Madrid na patagalin pa ang kanyang
panunungkulan sa Pilipinas ngunit pinigilan siya ng Heneral. Ito ang dahilan kaya nagpasiya
si Simoun sa idaos ang pista na lalong madaling panahon.

5 Sa tindahan ni Don Timoteo Pelaez, ama ni Juanito, madalas makita si Simoun. Si G.


Pelaez ang nakabili ng bahay ni Kapitan Tiago. Ayon sa mga bali-balita, kasosyo na sa negosyo
ni Simoun si G. Pelaez. Ilang lingo pa ang nakaraan, buwan ng Abril, kumalat ang balitang
ikakasal na si Juanito kay Paulita Gomez.
6 “Sadyang napakapalad ni Ginoong Timoteo Pelaez!” ang sabi ng isang negosyante.
“Nabili na niya ang bahay ni Kapitan Tiago na murang-mura, naipagbili pa niya nang mahal
ang kanyang paninda. Bukod pa rito ay nakasosyo pa niya sa negosyo si Simoun at ngayon ay
ikakasal ang kanyang anak kay Paulita.”

7 Totoong ikakasal si Paulita kay Juanito. Nawala ang pag-ibig ng dalaga kay Isagani
nang kusang isinuong ng binata ang sarili sa kapahamakan samantalang nagtatago ang kanyang
mga kasamahan. Naisip rin ni Paulita na si Isagani ay Indiyong taga-probinsiya at walang
magandang bukas na maibibigay sa kanya samantalang si Juanito ay dugong Kastila at anak ng
mayamang negosyante sa Maynila.

8 Natapos ang Mahal na Araw, walang nangyaring kaguluhan maliban sa pagpapagiba


ng mga bahay na pawid. May mga dumaing at ang iba ay umiyak ngunit iyon lamang ang
kanilang nagawa. Dinalaw sila ni Simoun at sinabing, “Kayo ay makakatulog na nang payapa.”

9 Sa mga huling araw ng Abril, wala nang takot sa mga mamamayan. Hinihintay na
lamang nila ang gaganaping pista sa bahay ni Don Timoteo Pelaez. Dito idaraos ang kasal nina
Juanito at Paulita at ninong pa ang Kapitan Heneral. Balitang si Simoun ang nag-aasikaso sa
lahat. Ang pista ay idaraos dalawang araw bago umalis ang Kapitan Heneral. Bali-balita ring
magpapagaw ng mga brilyante at perlas si Simoun bilang parangal kay Juanito na anak ng
kanyang kasosyong si Don Timoteo Pelaez. Ang araw ng kasal nina Juanito at Paulita ay ang
araw rin ng pamamaalam ni Simoun, isang pamamalam na gugulat sa sambayanang Pilipino.

10 Ang lahat ay umaasang maaanyayahan. Marami ang nais makipagkaibigan kay Simoun.
Marami ring lalaki ang hinihikayat ng kani-kanilang mga asawa na bumili ng bakal at siim sa
tindahan ni Don Timoteo Pelaez kahit hindi nila kailangan upang makaibigan lamang ang ama
ni Juanito.

Gawain 1
Suriin ang binasang kabanata sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na
tanong.
1. Ano-ano ang ibinunga ng mga paskin sa buhay ng mga mag-aaral na nasangkot
dito?
2. Bakit kaya pumayag si Paulita na makasal sa isang tulad ni Juanito – kuba, tamad
mag-aral at iba pang di kanais-nais na ugali – na halos wala sa kalahati ang
katangiang taglay ni Isagani?
3. Ano ang masasabi mo sa katauhan ni Paulita? Anong mensahe ang nais iparating
ng may-akda sa mambabasa tungkol sa mga babaeng tulad niya?
4. Bakit gayon na lamang ang pagnanais ng bawat mamamayan sa Maynila na
maanyayahan sa malaking pagtitipon?
5. Anong katangian ng mga Pilipino ang ipinakikita ng ganitong kaugalian?
Nangyayari pa ba ito sa kasalukuyan? Patunayan.

Gawain 3

Basahin at unawaing mabuti ang mga bahagi ng akdang nakalahad sa ibaba. Tukuyin
at ipaliwanag kung ang mga pangyayari ito ay nangyayari pa rin sa kasalukuyan. Iugnay ito sa
isang pangyayaring maaaring nangyari sa tunay na buhay, nabasa, narinig o napanood.
1. Kinabukasan, maagang-maagang nagising si Basilio. Magtutungo siya sa
ospital. Nakatakda na ang lahat ng kaniyang gagawin. Bibisitahin niya ang
kaniyang mga pasyente. Pagkatapos, tutungo siya sa unibersidad upang alamin
ang ilang mga bagay tungkol sa kaniyang pagtatapos at makikipagkita siya kay
Macaraig tungkol sa mga gugugulin dito. Halos naubos ang natitipon niya sa
pagtubos kay Juli at pagpapatayo ng isang bahay na matitirhan nito at ang
kanyang ingkong. Hindi siya nangahas na lumapit kay Kapitan Tiago.
Nangingilag siya na mawika nito na humihingi siya ng paunang bayad sa
mamamanahing lagi nang ipinangangako sa kanya.

Maiuugnay ko ang bahaging ito sa pangyayari sa kasalukuyan sa……


_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

2. “Hindi kapani-paniwala, mga ginoo. Totoong hindi kapani-paniwala na dahil sa maliit


na pangyayari na walang kabagay-bagay ay magkakawatak tayo ng parang mga maya sa
harap ng isang panakot-ibon. Ngayon lamang ba nangyaring ang kabataan ay nabilanggo
sa ngalan ng kalayaan? Nasaan ang mga patay? Ang mga nabaril? Bakit tayo tatalikod sa
ating mga paninindigan?
Maiuugnay ko ang bahaging ito sa pangyayari sa kasalukuyan sa ……
______________________________________________________________________________

3. Ang matalinong si Paulita ay hindi maaaring umibig sa isang binatang mali ang
pagkakakilala sa lipunan at sinisisi ng lahat. Napag-isip-isip niya na si Juanito ay matalino,
maliksi, masaya, anak ng isang mayamang mangangalakal sa Maynila na may dugong
Kastila. At kung paniniwalaan si Don Timoteo, si Juanito ay tunay na Kastila. Samantalang
si Isagani ay isang Indiong taga-lalawigan, nangangarap sa kanyang kagubatang puno ng
linta, mapag-alinlangan ang angkang pinagmulan at ang amaing pari na walang
kinaanibang orden. Maaaaring laban ito sa mga karangyaan at kasiyahan na siya namang
labis na kinagigiliwan ng dalaga. Hindi kataka-taka na isang umaga, napaghulo niyang
napakahangal niya na piliin si Isagani kaysa kay Pelaez. Mula noon, lalong naging
kapansin-pansin ang pagkakuba ni Pelaez. Di namamalayan ni Paulita, sinusunod niya ang
batas na natuklasan ni Darwin. Ibinibigay ng babae ang kanyang sarili sa lalaking may
lalong may kasanayan at marunong makibagay sa kanyang kapaligiran. Wala nang hihigit
pa kay Pelaez!

Maiuugnay ko ang bahaging ito sa pangyayari sa kasalukuyan sa ………


______________________________________________________________________________
Susi sa Pagwawasto
Gawain 2
1. Dahil sa mga pangyayaring kinasasangkutan ng mga estudyante, maraming mga
magulang ang nagpahinto sa kanilang mga anak sa pag-aaral. Ninais pa nilang magsaka
na lamang ang kanilang mga anak o kaya ay maglakwatsa kaysa mag-aral.
(Pagkapayak)

2. Sa mga estudyanteng kumuha ng eksamen sa ibinigay ng serbisyo sibil, marami ang


hindi nakapasa tulad nina Pecon, Tadeo at Juanito Pelaez. Si Tadeo ay natawa pa at
sinunog ang lahat ng kanyang mga aklat at sinabing papasok na lamang siya bilang
opisyal sa alin mang hukuman. Si Juanito Pelaez naman ay hindi nasiyahan nang hindi
makapasa sa eksamen. Nangangahulugan kasi na siya ang magbabantay sa tindahan ng
ama. Samantala, si Macaraig ay kaagad na nagpunta ng Europa pagkatapos ng
pangyayari. Tanging sina Isagani at Sandoval lamang ang mga nakapasa ngunit ang una
ay pumasa lamang sa asignatura ni Padre Fernandez at bumagsak siya sa ibang
asignatura. Si Sandoval ay pumasa sa lahat ng asignatura dahil sa kanyang mahusay na
talumpati (Pagkakasunod-sunod)

3. Totoong ikakasal si Paulita kay Juanito. Nawala ang pag-ibig ng dalaga kay Isagani
nang kusang isinuong ng binata ang sarili sa kapahamakan samantalang nagtatago ang
kanyang mga kasamahan. Naisip rin ni Paulita na si Isagani ay Indiyong taga-probinsiya
at walang magandang bukas na maibibigay sa kanya samantalang si Juanito ay dugong
Kastila at anak ng mayamang negosyante sa Maynila. (Pagkamalinaw)

4. Natapos ang Mahal na Araw, walang nangyaring kaguluhan maliban sa pagpapagiba


ng mga bahay na pawid. May mga dumaing at ang iba ay umiyak ngunit iyon lamang
ang kanilang nagawa. Dinalaw sila ni Simoun at sinabing, “Kayo ay makakatulog na
nang payapa.” (Pagkamatimpi)

5. Sa mga huling araw ng Abril, wala nang takot sa mga mamamayan. Hinihintay na
lamang nila ang gaganaping pista sa bahay ni Don Timoteo Pelaez. Dito idaraos ang
kasal nina Juanito at Paulita at ninong pa ang Kapitan Heneral. Balitang si Simoun ang
nag-aasikaso sa lahat. Ang pista ay idaraos dalawang araw bago umalis ang Kapitan
Heneral. Bali-balita ring magpapagaw ng mga brilyante at perlas si Simoun bilang
parangal kay Juanito na anak ng kanyang kasosyong si Don Timoteo Pelaez. Ang araw
ng kasal nina Juanito at Paulita ay ang araw rin ng pamamaalam ni Simoun, isang
pamamalam na gugulat sa sambayanang Pilipino. (Pagkakaroon ng hangganan)
FILIPINO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN

Pangalan: ________________________________________ Petsa: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Pagbibigay- kahulugan sa pahayag ng awtor/tauhan

Panimula (Susing Konsepto)


Ayon sa ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal, Ang kabataan ang pag-asa ng
bayan. Sa kanyang pangalawang obra-maestrang nobela na El Filibusterismo, nais niyang
ipabatid sa mga kabataan na kailangang magsikhay sa pag-aaral upang makamit ang
edukasyon. Ito ang daan sa kanilang ikatatagumpay sa buhay lalo’t sila ang susunod na
magiging lider ng bansa. Iwasan lamang ng mga kabataan ang maging alipin ng kanilang
kaisipang pinagyayaman ngayon sa paaralan.
Wika pa ng ating bayani, walang mang –aalipin kung walang magpapaalipin. Gamit
ang mensaheng ito, sinisikap ng awtor na maihatid ang mensahe ng kaniyang nobela.
Naipakilala rin niya ang mga tauhan na nagtataglay ng iba’t ibang katangian, na siyang
bumuhay sa nobela, mga tauhang buhay na buhay pa rin sa kasalukuyang panahon.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nabibigyan ng kaukulang pagpapakahulugan ang mahahalagang pagpapahayag ng
awtor /mga tauhan (FLOPT-IV i-j-86)

Kabanata 27: Ang Prayle at ang Pilipino


Nagkaroon ng pagtatalo sina Isagani at Pari Fernandez hinggil sa mga suliranin at
kahilingan ng mga estudyante .Nais ng binatang tuparin ng mga pari ang kanilang tungkuling
turuan at akayin ang mga kabataan sa maayos na landas .Hiniling ni Isaganing bigyan sila ng
kalayaang makalikha ng isang bayang marangal ,matalino at matapat.Sinalungat ito ni Pari
Fernandez sa pagsasabing ginagawa nila ang kahilingan ng mga kabataan .Ipinagtanggol ng
pari na hindi sila nagpapabaya sa tungkulin bagkus ang kabutihan ng mga estudyante ang lagi
nilang iniisip.Hindi sumang –ayon dito si Isagani. Tanging si Pari Fernandez lamang ang
namumukod-tanging nagpapahalaga sa mga Pilipino. Binatikos ng binata ang paraan ng
pamamalakad ng pamahalaan at simbahan. Bagama’t may pag –aalinlangan si Pari Fernandez
sa mga katuwiran ng kaniyang mag-aaral, lihim itong humanga sa binata at kinainggitan ang
mga paring Hesuwitang nagturo sa binata.

Gawain 1
Tukuyin kung sino kina Isagani at Padre Fernandez ang nagwika ng mga sumusunod
na pahayag. Isulat sa patlang ang sagot.
__________1. “May mga naninira sa amin ng talikuran ngunit sa harapan ay humahalik sa
aming kamay”
__________2. “Ngunit tahasan nilang inihahayag na hindi kami dapat matuto pagkat balang-
araw ay hahangarin namin ang paglaya.”
__________3. “Ang kalayaan ay para sa tao, ang pagkatuto ay sa isipan.”
__________4. “Naniniwala ka ba na hindi namin inaalala, na hindi namin isinasaloob ang
aming mga tungkulin?”
__________5. “Hindi ako ang pamahalaan. Wala akong pananagutan sa kanyang ikinikilos.”

Gawain 3
Suriin ang nais ipakahulugan ng awtor o tauhan sa mahahalagang pahayag o pangyayari
may salungguhit. Tukuyin at bilugan ang tamang sagot.

1. “Kung gayon, ipinapayo ko sa iyong tumiwalang agad. Punitin at itapon ang lahat ng
papeles na magpapahamak sa iyo,” ang wika ng propesor kay Basilio.
A. ebidensiya B. titulo C. resibo
2. “Hindi kapani-paniwala, mga ginoo. Totoong hindi kapani-paniwala na dahil sa pangyayari
na walang kabagay-bagay ay magkakawatak tayo na parang mga maya sa harap ng isang
panakot-ibon.” Ito ang matapang na wika ni Isagani sa harap ng mga mag-aaral sa unibersidad.
A. maliit at halos hindi makita B. takot at mahihina C. mabibilis at mapagsamantala
3. “Hindi rin kita pinararatangan. Malaya mong masasabi kung ano ang palagay mo sa mga
Dominiko.” Ang wika ni Padre Fernandez kay Isagani.
A. Maging maligoy B. Maging mapagmalki C. Maging prangka
4. “Kung hindi ako dumating at nagpayo ng magpakahinahon ay dumanak na sana ang dugo
ngayon,” ang wika ni Padre Irene sa malubhang si Kapitan Tiago.
A. bumaha sa lugar kung saan naganap ang pangyayari
B. magkagulo at marami ang nasaktan
C. nagsigawan at nagkasayahan
5. Mula noon, iniiwasan na ni Juli na makatagpo ang prayle (si Padre Camorra) ngunit kapag
sila ay nagkakasalubong, pinahahalik siya sa kamay habang kumikindat na nanunudyo at
tumatawa, hinihipo sa ilong, sa pisngi, at kukurutin siyang muli.
A. pinagmamano B. pinabebendisyuhan C. pinupuri

Gawain 4

Read React
(Limiing mabuti ang mga pahayag at ang ibig tukuyin ng (Ibigay aang iyong reaksiyon
nagsabi nito.) habang nangyayari ang
pahayag at iugnay rin ito sa
kasalukuyang sitwasyon)
1. Tuparin ang inyong tungkuling iniatang ninyo sa inyong
sarili lalo na ang mga Dominiko na siyang tanging
namamahala sa pagtuturo ng mga kabataang Pilipino ay
may pananagutan na hubungin sa lalong mabuting paraan
ang pangangatawan at pag-uugali ng mga kabataan upang
maakay sila sa kanilang kaligayahan, lumikha ng isang
bayang marangal, maunlad, matalino, mabait, dakila, at
tapat.
2.Ang kalayaan ay para sa tao: ang pagkatuto ay sa isipan.
Ang katarungan ay ipinagkaloob lamang sa sadyang
karapat–dapat pagkalooban. Ang ipagkaloob iyan sa mga
taong walang malinis na kalooban at mabuting asal ay
kahalay- halay lamang.
3. Upang pigilin ang isang munting kasamaan, maglalagda
ng lalong maraming batas na nagiging sanhi ng marami pang
kasamahaan. Ang bayan ay lalong sumasama kung
nakaraming mga batas.
4. Sapangkat ang mabuting pangangatawan ay naghahatid
ng masayang isipan at ang kaligayahan ay nagpapabuti sa
tao.
5. Binawi raw ni Kapitan Tiago ang pamanang dalawampu’t
limang piso kay Basilio dahil sa kawalan ng utang na loob
nang mga huling araw niya. Ngunit ipinahayag ni Padre
Irene na bilang pagtupad sa ipinag-uutos ng kaniyang
konsiyensiya, susundin ni Padre Irene ito. Kukunin niya ang
halagang iyon mula sa kanyang bulsa

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1 Gawain 3
1.Padre Fernandez 1.A
2.Isagani 2.B
3. Isagani 3.C
4. Padre Fernandez 4.B
5.Padre Fernandez 5.A
FILIPINO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN

Pangalan: ________________________________________ Petsa: ___________

GAWAING PAGKATUTO
El Filibusterismo: Kabanata XXXI-XXXIX

Panimula (Susing Konsepto)

Ibang-iba ang gawaing pagbabasa sa panonood. Kapag nagbabasa, inilalarawan lamang


ng mga salita ang larawan sa iyong imahinasyon. Mahalagang katangian ng manunulat ang
kakayahan niyang mabuo ang isang malinaw at tiyak na larawang nais niyang makita ng
kaniyang mambabasa. Pag-aralan natin ang mga salitang maaaring gamitin sa masisining na
paglalarawan ng tao, pangyayari, at damdamin.
Ginagamit ang mga pang-uri at pang-abay sa pagbibigay-katangian sa inilalarawan.
Ginagamit din ang tayutay at mga salitang nagpapahiwatig upang higit na maging masining
ang paglalarawan. Basahin ang mga nasa talahanayan.

a. Paglalarawan ng Tao
Kaanyuang Pisikal Kilos/ Ugali/ Pakikitungo Saloobin/ Damdamin
matangkad, malit, masayahin, mahinhin, masaya, maayos,
hindi katangkaran, mapagmahal, maawain, payapa, sabik, kalmado,
katamtaman mapaniwalain, panatag, pagmamalaki,
ang taas, parang matulungin, malinis, paghanga, malambing,
kawayan, tila poste, malakas, matalino, mapagpatawad,
payat, patpatin, marunong, maunawain labis na kasiyahan/
mataba, maganda madaling umunawa, pagkatuwa, mahalaga,
ang pangangatawan, mabait kausap, magaan mapagpasalamat,
maskulado, ang loob, maaasahan, kuntento, mainamn,
balingkinitan, palangiti, palabiro, malugod, kaligayahan,
maganda, makinis, mapaglaro, kahanga- kasiglahan, nabuhayan
mala-porselana, hanga, malaya, ng loob, katapangan,
maputi, matangos magalang, mapitagan,
ang ilong, matatag, may tiwala
kayumanggi, sa sarili, interesado,
mamula-mula, matalino, mapag-isip
maitim, kulay-uling,
guwapo, mala-
Adonis, parang rosas
mala-Venus
mayabang, galit, malungkot, sakit,
malupit, matamlay, takot, pagkamuhi,
mapanghamak, malamig na pakikitungo,
masungit, mapagwalang mahina, maramdamin,
bahala, mapanakot, katamlayan, pagkabigo,
marumi, pangit, walang pagkasawi, pagkapahiya,
modo, pala-reklam0, walang alam,
mainisin, malungkutin, pagkagulat, pagkabigla,
matatakutin, nerbiyoso, paghihimagsik,
magaslaw, magaspang, mapagtanim ng samma
mapanghimagsik, hindi ng loob, makasarili,
madaling makasundo mahiyain, mapang-
api, hindi mapalagay/
mapakali, hindi kanais-
nais, miserable, walang-
gana, masama ang
loob, walang kuwenta,
walang magawa, walang
direksiyon, maapoy,
matamlay, takot na takot,
lubhang pagod, labis na
pag-aalala, mapaghinala,

b. Paglalarawan ng Pangyayari
Sa paglalarawan ng mga pangyayari, maaaring banggitin ang lokasyon nito, ang
reaksiyon ng tao, ang sanhi at bunga ng kaganapan.
1. Kapag ang inilalarawan ay tungkol sa lokasyon o direksiyon ng kaganapan, maaaring
gamitin ang mga salitang nagtuturo ng direksiyon tulad ng sa kanan, sa itaas, sa tabi, sa
dulo, sa gitna, sa loob, malapit sa, sa timog, sa hilaga, sa silangan, sa kanluran, at iba pang
tulad nito.
2. Kapag ang pinag-uusapan ay dami o lawak, ang ginagamit na mga salita ay may kaugnayan
sa bilang. Maaari itong maging tiyak o hindi tiyak. Ang mga tiyak na bilang ay tulad ng
lima, kalahati, sangkapat, isang batalyon, sampu, sanlibo, at iba pa. Samantala, sa di-tiyak
na paglalarawan, maaaring gamitin ang ilan-ilan, kaunti, marami, sanlaksa, di-mahulugang
karayom, at iba pang kauri nito.
3. Maaari ring gamitin ang mga salitang tulad ng kahindik-hindik, karima-rimarim, kahila-
hilakbot, kagulat-gulat, kahanga-hanga, kagila-gilalas, kasumpa-sumpa, hindi
magkamayaw, hindi kapani-paniwala, kalungkot-lungkot, kakatwa, katuwa-tuwa, masaya,
masigla, at iba pang tulad nito.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Naisusulat ang paglalarawan ng mahahalagang pangyayari sa nobela na isinaalang-


alang ang artistikong gamit ng may-akda sa mga salitang panlarawan

Panuto
Basahin at unawain ang sumusunod na akda. Pagkatapos ay suriin at sagutin ang mga
kasunod na naihandang gawain. Sagutin ito ng may katapatan.

Huhubugin ng kasaysayan at karanasan ang ating pagkatao. Maaaring sirain o buuin


tayo nito. Nasa atin ang desisyon. Lagi tayong may pagpipilian. "Life is what we make it," wika
nga.
Walang magulang, walang kaibigan. lyan si Basilio. Nabigyan ng pagkakataong
makapag-aral. Nagsikap, nagpakabuti subalit may mga hamong kailangang pagdaanan.
Nabigo. Inap. Naghananap ng katarungan. Ano ang naging reaksiyon niya?
Mapaghimagsik, mabalasik, at mapanghamon ang katauhan ni Simoun kaya
kinatatakutan at tila pinapanginoon ng iba. Pagkatapos ng kaguluhan, nang nagliwanag na ang
lahat, nasaan si Simoun? Ano ang sinapit niya?
Sila at ang iba pang mga tauhan ay magpapasiya at hahatulan ng kapalaran, ng tadhana
at ng kanila mismong sarili. Maghihimagsik ang kanilang diwa ngunit sa huli, maghahanap din
sila ng kaliwanagang espiritwal.

El Filibusterismo: Kabanata XXXI-XXXIX


Maraming mga balitang lumabas sa mga pahayagan ngunit wala ni sa man ang tungkol
sa dalagang tumalon sa bintana ng kumbento. May mga bulong-bulangan na sadyang malabo
ngunit ang higit na malinaw ay ang pag-alls ni Padre Camorra para lumipat ibang nayon.
Nabawi na rin ng mga mag-aaral na nasa piitan ang kanilang Kalayaan bunga ng pakiusap ng
mga kamag-anak, pagbabayad at pagbibigay ng regalo. Unang nakalaya si Makaraig at huli si
Isaganil. Tanging si Basilio ang hindi nakalaya at nadagdagan pa ang mga kasalanan dahil sa
pagtatago umano ng mga ipinagbabanal na aklat. Walang ibang maghahabol sa kanya at upang
masabing may halimbawang hindi dapat pamarisan ng mga mag ara, iniwan siya sa piitan.
Tanging ang Mataas na Kawani ang tumayong tagapagtanggol niya sa Kapitan Heneral
pagkatapos ng isang matinding pagtatalo. Hindi pinansin ng Kapitan Heneral ang sigasig ng
kawani sa pagtatanggol sa binatang nakatakda sanang magtapos ng medisina. Sa huli, nanaig
pa rin ang pasya ng Kapitan Heneral. Sa pangyayaring ito, nagbitiw sa katungkulan ang Mataas
na Kawani na isa ring Kastila.
Maraming ina ang dagliang nagpauwi sa kanilang mga anak upang magbakasyon o
magsaka na lamang upang mailayo sila sa kapahamakan. Nang sumapit ang eksamen,
maraming bumagsak tulad nina Pecson na nanindigang papasok na lamang bilang
empleyado sa opisina ng hukurman. Si Isagani ay sa asignatura lamang ni Padre Ferandez
pumasa. Hindi nakakuha ng eksamen si Basilio dahil nasa bilangguan pa. Doon din niya
nabalitaan ang nangyari kay Juli at pagkawala ni Tandang Selo. Si Tadeo naman ay tuwang-
tuwa dahil mahabang lakwatsa iyon para sa kanya. Sa katuwaan, sinunog niya ang kanyang
mga aklat. Si Makaraig ay nanahimik, kumuha ng pasaporte at nuagtungo agad sa Espanya. Si
Sandoval ay hindi nabilanggo dahil nalito ang mga umuusig sa husay niang magsalita.
Samantala, magaling na raw si Simoun at magdaraos pa raw ng pista bilang pasasalamat sa
kanyang paggaling at bilang despedida sa Kapitan Heneral na nakatakdang umalis ng Plipinas.
Ngunit sa lahat, ang pinakamasuwerte ay si Don Timoteo Pelaez na nakabili ng bahay ni
Kapitan Tiyago sa murang halaga. Naging kasosyo din siya ni Simoun sa negosyo at ikakasal
pa ang kanyang anak na si Juanito sa napakayamang si Paulta Gomez. Nawala ang pag-ibig
dalaga kay Isagani matapos mapagtanto ang kaibahan ng dating nobyo sa binatang
pakakasalan. At ang ilan, upang maanyayahan sa isang napakalaking kasalang magaganap ay
kinaibigan ang negosyante, bumili ng pako, yero at bakal sa tindahan ng mga Pelaez.
Matapos ang mahigit tatlong buwang pagkakakulong, nakalaya si Baslio sa tulong ni
Simoun. lbang-iba na ang dating tahimik na binata. Nang umagang iyon, inaayos ng mag-
aalahas ang kanyang mga gamit dahil nakatakda na siyang umalis kasama ng Kapitan Heneral.
Pinuntahan naman siya ni Basilio na kalalaya pa lamang. Mapapansin ang malaking pagbabago
sa mukha nito, humpak na humpak ang mga pisngi, gusot ang damit at gulo ang buhok.
Mababakas sa mga mata niya ang lumbay at ang madilim na lagablab. Nahabag ang mag-alahas
sa sawimpalad na binatang binawian ng lahat-lahat ng mayroon siya. Nagpasalamat si Basilio
sa pagtulong ni Simoun sa kanyang paglaya. Inilahad din niya ang kagustuhang
makapaghiganti at lumahok sa himagsikan. Ipinakita ni Simoun kay Basilio ang nitro-
gliserinang gagamitin sa isang malagim na pagpapasabog na papatay sa maraming tao.
Ipinaliwanag niya kay Basilio ang magiging papel ng dinamitang nasa loob ng lampara. Aniya,
ilalagay ito sa gitna ng isang kiyoskong ipinasadya ni Simoun sa bahay na pagdarausan ng
isang pista. Pagkaraan ng dalawampung minuto, lalamlam ang ilaw nito at kapag itinaas ang
mitsa ay bigla na lang itong sasabog. Wala ni isa mang makaliligtas dahil puno ng mga sako
ng pulbura ang mga sahig at bubong. Ito rin ang magiging hudyat ng pagsabog upang sabay-
sabay na lumusob ang mga nasa karatig-nayon at bundok. Si Basilio naman ang gagabay sa
mga mamamayang mahihintakutan upang pumunta sa bahay ni Quiroga kung saan nakaimbak
ang mga armas.
Matapos marinig ang mga plano, naglakad-lakad si Basilio habang iniisip ang maaaring
maganap nang gabing yon. Dalawang oras pa bago ang nakatakdang sakuna. Nagbalik siya sa
dating bahay ni Kapitan Tiyago upang kuhanin ang ilang gamit. Laking gulat niya nang
malamang ang pagdiriwang na tinutukoy ni Simoun ay ang kasal nina Paulita at Juanito na
gaganapin doon. Bumaba mula sa karuwahe ang mga bagong kasal at mga bisita. Nakaramdam
siya ng pagkahabag sa kaibigang si Isagani. Sumagi sa kanyang isip na kung hindi siya
nakulong, lisensyado na siyang doktor at maaring kasal na rin sa kasintahang si Juli. Lalong
sumidhi ang nararamdamang galit ng binata.
Nanatili pa ng ilang sandali Basilio sa harap ng bahay ni Kapitan Tiyago. Naawa siya
sa bawat bumababa sa karuwahe na nakatakda nang mamatay. Subalit nawala ito nang makita
niya sina Padre Salvi at Irene. Nakita rin niyang dumating ang Kapitan Heneral kasama si
Simoun. Umiral ang likas na kabutihang-loob ng binata. lbig nyang iligtas ang maraming
buhay. Tinangka niyang pumasok sa bahay ngunit pinigil dahil sa kasuotan. Nang makita niya
si Simoun na namumutlang bumaba, nagmadaling umalis na rin si Basilio at lumayo sa lugar
na iyon. Magkakaroon ng pagsabog anumang oras. Sa gitna ng mga kaganapan, nakita ni
Basilio si Isagani na nakamasid sa tahanan. Malalamlam ang mata habang pinagmamasdan
ang mga bagong kasal. Binalaan n Basilio Isagani sa maaring mangyari ngunit hindi natinag sa
pagkakatayo ang huli. Ilang sandali pa siyang nakatulala at hindi maunawaan ang nangyayari.
Nang mapagtanto na niya ang mga maaring masanap wala siyang sinayang na sandali at
nagmamadaling tinungo ang banay.
Samantala habang nagaganap ang piging, isang mahiwagang sulat ang pinagpasa-
pasahan. May mensahe itong Mane Thecel Phares na nangangahulugang Ang kapangyarihan
mo'y tapos na, ang araw mo'y nabibilang na. Sa laki ng panghihilakbot ng lahat, nakapirma ang
isang lalaking labintatlong taon nang namatay, si Juan Crisostomo Ibarra. Waring nawalan ng
lakas at nahintakutan sa isang masamang biro ang mga naroroong niakakikilala sa nakalagdla
sa sulat. Mayamaya pa'y lumamlam ang ilaw ng lampara at lumapit si Padre Irene upang itaas
ang mitsa nito. Mula kung saan, isang lalaking mabilis pa sa kidlat ang kumuha ng lampara,
inihagis ito sa ilog at nagdilim ang paligid.
Pagkatapos ng mga pangyayari sa kasalan, nagmamadaling umuwi i Ben Zayb upang
isulat ang mga kaganapan. Pinuno niya ito ng mabubulaklak na pananalita. Sa kanyang lathala,
pinuri at itinanghal na isang bayani ang Kataas-taasan, habang ang pagsuot n Padre Irene sa
ilalim ng mesa ay tanda raw ng katapangan dahil nais nitong hulihin ang kriminal. Ayon sa
kanya, hinimatay raw si Padre Salvi dala ng matinding sama ng loob sa mga Indio na hindi
natuto sa kanyang sermon. Pinahaba niya ang artikulo, dinagdagan ng mga palabok at bago
magbukang-liwayway ay ipinadala na sa patnugutan. Laking pagkadismaya niya kinabukasan
nang bumalik ang artikulo. Hindi pinahintulutan ng Kapitan Heneral ang paglalabas ng kahit
na anong may kinalaman sa mga kaganapan sa kasalan Dala ng labis na paghihinagpis sa
pagkamatay sa isang napakahusay na artikulo, hiniling ni Ben Zayb na magkaroon ng isang
napakalaking krimen. At hindi siya nabigo, may ulat siyang natanggap tungkol sa isang
pagsalakay. Dali-daling silyang nagtungo sa lugar at nalamang si Padre Camorra pala ang
nasaktang prayle sa insidente. Sinadya ni Ben Zayb na gawing eksaherado ang pag-uulat.
Dinagdagan ang halagang nakuha sa biktima, pinarami ang mga tulisan at ginawang higit na
maaksyon upang maging malaki ang balita.
Napag- alaman sa nahuling tulisan na ang lumusob kay Padre Camorra ay sina Matang
Lawin o mas kilala sa pangalang Kabesang Tales. Nagbigay siya ng salaysay na ang lahat ay
alinsunod sa utos ng sang lalaki. Batay sa paglalarawan ay napagtantong si Simoun ang
tinutukoy ng nahuli. Nakatakda raw nilang lusubin ang mga kumbento at bahay ng mga
mayayaman upang magnakaw sa hudyat ng isang putok. Ngunit dahil hindi nila narinig ang
hudyat, nagbalikan ang iba sa bundok at nangakong maghihiganti sa taong nanlinlang sa kanila,
Ang naiwang ilan ay kumilos para sa kanilang mga sarili. Samantala, kumalat ang balita sa
Escolta tungkol sa pagkawala ni Simoun matapos matagpuan ang mga sako ng pulbura sa
kanyang bahay.
Gayunman, kahit na anong pagtatago ang gawin, umabot pa rin sa madla ang mga
kaganapan at mga bulong-bulungang marami nang naidagdag o naibawas. Ito ang naging paksa
ng usapan sa bahay ng mayamang pamilya ng mga Orenda, mga alahero sa Sta. Cruz. Mataman
namang nakikinig si Isagani sa mga kuwentuhan at komentaryo ng pamilya. Nalaman nila mula
kay Chichoy ang ilang impormasyon. Nang magtungo siya sa bahay ng mga Pelaez pang ihatid
sana ang ipinagawang ilang pares ng hikaw para sa bagong kasal, punong-puno pala ng pulbura
ang kiyoskong ipinatayo para sa nakaraang pagdiriwang. Ang itinuturo ng lahat ng mga
insidenteng ito ay ang mag-aalahas na si Simoun. Matapos mapagtagni-tagni ang mga
pangyayari, naunawan nila ang kahindik-hindik na mga pangyayaring naganap sana kung
natuloy ang pagsabog. Ang magnanakaw, ang lampara at mga sako ng pulbura, lahat ay
konektado sa isa't isa. Sa huli, sinisi ng mga naroroon ang magnanakaw na pumigil sa isa
sanang napakalaking sakuna ngunit nanatiling mahiwaga ang katauhan ng taong iyon.
Nagsalaysay ang mga huling kabanata tungkol sa mga sawimpalad na magtatapos sa
kasaysayan ng ilang tauhan. Isang araw habang naglalakad sa kagubatan ang mga guwardiya
sibil kasama ang mga pinaghihinalaang mga tulisan lumusob ang pangkat ni Tales. Nabaril ng
mga sundalo ang isang lalaki sa may batuhan at bumagsak ito. Nagkaroon ng pagpapalitan ng
putok. May isang lalaking lumitaw mula sa ibabaw ng isang malapad na bato na iwinawasiwas
ang dalang sibat. May isinisigaw sa habang nakaturo sa may batuhang binagsakan ng naunang
lalaki ngunit hindi nila ito maunawaan. lnutusan si Carolino ng kabo na gamitin ang kanyang
pagiging asintado. Nag-alinlangan si Carolino ng maaninag ang anyo ng lalaki subalit wala
siyang nagawa nang pagalit na siyang utusan ng kabo na asintahin ito. Kung hindi siya susunod,
siya ang igagapos.Inasinta niya ang lalaki hanggang magpagulong-gulong ito sa batuhan. Huli
na nang malaman niyang ang lalaking naghihingalo ay walang iba kundi ang kanyang lolo.
Natulala si Carolino o Tano ang anak ni Kabesang Tales, nang makita si Tandang Selo na kahit
bangkay na ay nakaturo pa rin sa may batuhan. Ang itinuturo pala nito ay ang kanyang ama.
Sa huling kabanata ng nobela, inilahad ang kinahinatnan ng mga tauhan. Si Don
Tiburcio na asawa ni Doña Victorina na gagamot sana kay Simoun ay nagmamadaling umalis
sa tahanan ni Padre Florentino. Nabasa niya ang isang sulat na may mga guwardiya sibil na
paparoon upang hulihin ang kaibigan nitong nagtatago sa tahanan. Sa pag-aakalang siya ang
tinutukoy ng sulat dahil sa ginawang paghambalos at pagtatago sa asawa, umalis siya at hindi
nagpapigil pa. Ang totoo, ang tinutukoy sa sulat ay si Simoun na kasalukuyang nagtatago sa
tahanan ng mabuting pari. Hindi niya nalalaman ang nangyari kay Simoun. Basta't dumating
siya nang sugatan na dala ang kanyang maleta. Hindi niya inalintana ang magaspang na
pakiktungo nito sa kanya nang mga nakaraang araw. Malugod na tinatanggap ng mabait na
matanda ang panauhin. Nang araw ding iyon, nanghilakbot siya sa naging hakbang ni Simoun.
Uminom ng lason ang mag-aalahas dahil ayaw nitong magpahuli ng buhay. Bago siya tuluyang
bawian ng buhay, inilahad nito pari ang kanyang tunay na pagkatao at pagkatapos ay
nangumpisal.
Nang bawian ng buhay si Simoun o ang nagpakilalang Ibarra, buong lakas na inihagis
ni Padre Florentino sa dagat Pasipiko ang maletang puno ng mga alahas na naiwan ni Simoun
at nagwika, "Itago ka nawa ng kalikasan sa kalalim-laliman ng dagat, na kasama ng mga
korales at mga perlas sa walang katapusang dagat. Kung sa isang banal at dakilang layunin ay
kakailanganin ka ng tao, mantutuhan kang kunin ng Diyos sa sinapupunan ng mga alon.
Samantala, diyan ay hindi ka maghahasik ng kasamaan, hindi mo ililiko ang katwiran, at hindi
ka mag-uudyok ng kasakiman."

Gawain 1
A. Bilugan ang mga salita at pariralang naglalarawan sa mga tauhan at pangyayaring inilahad
sa talata.

Ang totoo, ang tinutukoy sa sulat ay si Simoun na kasalukuyang nagtatago sa


tahanan ng mabuting pari. Hindi niya nalalaman ang nangyari kay Simoun. Basta't
dumating siya nang sugatan na dala ang kanyang maleta. Hindi niya inalintana ang
magaspang na pakikitungo nito sa kanya nang mga nakaraang araw. Malugod na
tinanggap ng mabait na matanda ang panauhin. Nang araw ding iyon, nanghilakbot siya
sa naging hakbang ni Simoun. Sa loob ng silid, uminom ng lason ang mag-aalahas dahil
ayaw nitong magpahuli ng buhay. Bago siya tuluyang bawian ng buhay, inilahad nito
sa pari ang kanyang tunay na pagkatao at pagkatapos ay nangumpisal.

Gawain 2
Tukuyin ang mga pangyayari at mga papel na ginampanan ng mga tauhan sa mga
sumusunod na pangyayari sa binasa.
Planong Himagsikan si Simoun

Mga Paghahanda ni Simoun


1. ______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. ______________________________________________________________
______________________________________________________________
3. ______________________________________________________________
______________________________________________________________
4. ______________________________________________________________
______________________________________________________________

Papel ni Basilio: Ginawa ni Isagani:


_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
____

Mga Paghahanda ni Simoun


1. ______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. ______________________________________________________________
______________________________________________________________
3. ______________________________________________________________
______________________________________________________________
4. ______________________________________________________________
______________________________________________________________
Gawain 3
Basahin ang talatang hinati sa apat na bahagi. Mula sa paglalarawan, bumuo ng isang
komiks istrip sa espasyong nakalaan sa ibaba. Ayusin ayon sa pagkakasunod-sunod ng
pangyayari.
1. Isang araw habang naglalakad sa kagubatan ang mga guwardiya sibil kasama ang mga
pinaghihinalaang mga tulisan, lumusob ang pangkat ni Tales. Nabaril ng mga sundalo ang
isang lalaki sa may batuhan at bumagsak ito. Nagkaroon ng pagpapalitan ng putok.
2. May isang lalaking lumitaw mula sa ibabaw ng isang malapad na bato na iwinawasiwas
ang dalang sibat. May isinisigaw siya habang nakaturo sa may batuhang binagsakan ng
naunang lalaki ngunit hindi nila ito maunawaan. Inutusan si Carolino ng kabo na gamitin
ang kanyang pagiging asintado.
3. Nag-alinlangan si Carolino nang maaninag ang anyo ng lalaki subalit wala siyang nagawa
nang pagalit na siyang utusan ng kabo na asintahin ito. Kung hindi siya susunod, siya ang
igagapos. Inasinta niya ang lalaki hanggang magpagulong-gulong ito sa batuhan.
4. Huli na nang malaman niyang ang lalaking naghihingalo ay walang iba kundi ang kanyang
lolo. Natulala si Carolino o Tano, ang anak ni Kabesang Tales, nang makita si Tandang
Selo na kahit bangkay na ay nakaturo pa rin sa may batuhan. Ang itinuturo pala nito ay ang
kanyang ama.

Gawain 4
Sumulat ng bagong salaysay sa buhay ng pamilya ni Kabesang Tales sa pamamagitan
ng graphic organizer na Story Map sa ibaba. Sa unang kahon, isulat ang simula ng mga
pangyayari. Sa ikalawang kahon, bigyang-diin ang aral na nakuha sa pamamagitan ng
pagsasalaysay sa mga pangyayaring nagbigay ng kakintalan mula sa kanilang mga naging
karanasan. At sa ikatlong kahon, maglahad ng ibang katapusan ng kabanata.

Susi ng Pagwawasto

Gawain 1
1. mabuti
2. magaspang
3. mabait
4. nanghilakbot
5. sa loob
FILIPINO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN

Pangalan: ________________________________________ Petsa: ___________


GAWAING PAGKATUTO
Tayutay

Panimula (Susing Konsepto)

Napapaligiran tayo ng napakaraming halimbawa ng masining na pagpapahayag. Sa


araw-araw nating pakikisalamuha sa iba, sa simpleng paglalakbay o panonood ng TV, tiyak na
nakarinig o nakabasa tayo ng mga halimbawa nito. Siguradong ikaw mismo ay may nasambit
na ring mga opinyon o ekspresyong malikhain. Dahil pangkaraniwan ito sa ating buhay,
madalas hindi ito napapansin o nasisiyasat.
Sa pagsulat ng anumang sulatin gamit ang masining na paglalarawan, gumagamit tayo
ng mga paraan sa pagdebelop ng sulatin tulad ng paggamit ng matatalinghagang salita katulad
ng mga tayutay. Ito ay ang sadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang
gawing mabisa, matalinghaga, makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag.
Narito ang mga ilang uri nito:
1. Pagtutulad (Simile)-payak at lantad na paghahambing, karaniwang ginagamitan ng
mga pariralang katulad ng, tulad sa, para ng, animo’y, anaki, gaya ng, at iba pa.
2. Pagwawangis (Metapora)-tuwiran ding paghahambing ngunit di na ginagamitan ng
mga pariralang nabanggit sa itaas ngunit nagpapahayag ng hambingan sa paglapat ng
pangalan, tawag o katangian o gawain ng isang bagay sa bagay na inihahambing.
3. Pagsasatao (Personipikasyon)-nagkakapit ng katauhan sa mga bagay na walang
buhay o sa mga katangiang pinapangarap ng tao.
4. Pagmamalabis (hyperbole)-pagpapaalpas sa haraya (imagination) sa mahinahong
larawan ng katotohanan.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nagagamit ang angkop at masining na paglalarawan ng tao, pangyayari at damdamin.
(F10WG-IVg-h-82)

Gawain 1
Ang mga salitang nasa Hanay B ay mga salitang ginagamit sa masining na
paglalarawan. Bigyang-kahulugan ang mga ito sa pamamagitan ng pagpili ng kahulugan nito
sa Hanay C. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang sa Hanay A.

Hanay A Hanay B Hanay C


_________ 1. Makipaglaro ng a. Sinisinta, asawa, o sinumang minamahal na nais
apoy/Naglalaro ng apoy pakasalan.
_________ 2. Kabiyak ng puso b. Isang anak, kapatid, o miyembro ng pamilya ay
suwail o mayroong mga hindi ginagawang mabuti.
_________ 3. Pag-iisang dibdib c.Tumutukoy sa isang ina o nanay ng isang
pamilya.
_________ 4. Naniningalang-pugad d. Pagtataksil sa asawa o karelasyon o anumang
gawain na makapaglalagay sa alanagnin ng isang
relasyon.
_________ 5. Haba ng buhok e. Kasal o wagas na pagssama ng magkasintahan.
__________ 6.Namamangka sa f. Tumutukoy sa isang tao na ipinagpalit lamang o
dalawang ilog ginawang kahalili ng isang tao/bagay.
__________ 7. Lumagay sa tahimik g. Ang isang tao ay mayroong nararanasan na
nagbibigay sa kaniya ng pakiramdam na siya ay
maganda o espesyal.
__________ 8. Panakip-butas h. Tumutukoy sa dalawang tao o magkasintahan na
magpapakasal o mag-aasawa na.
_______ 9. Ilaw ng tahanan i. Tumutukoy sa isang taong nag-uumpisa nang
magparamdam ng kanyang damdamin sa
napupusuan niya.
_______ 10. Itim na tupa j. Mayroong ginagawang pagtataksil sa kaniyang
minamahal o pinagsasabay niya ang dalawang
karelasyon.

Gawain 2
Piliin sa loob ng kahon ang uri ng tayutay na ginamit sa mga sumusunod na
pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.

a. Pagtutulad (Simile) b.Pagwawangis (Metapora)


c. Pagtatao (Personipikasyon)
d. Pagmamalabis (Hyperbole)

___1. Ikaw ay tulad ng bituin.


___2. Si Elena ay isang magandang bulaklak.
___3. Sapagkat ang haring may hangad sa yaman ay mariing hampas ng langit sa bayan.
___4. Sa ilalim ng mga dayuhan, ang Pilipinas ay naging parang kalabaw.
___5. Humagulgol ang hangin.
___6. Bumaha ang dugo sa mga larangan, salapi’y umulan halos araw-araw.
___7. Ang bandila sa hangin ay kawangis ng malaking ibon na nakaladlad ang pakpak.
___8. Si Miguel ay hulog ng langit.
___9. Napangiti ang bulaklak sa aking pagdating.

___10. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.


FILIPINO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN

Pangalan: ________________________________________ Petsa: ___________


GAWAING PAGKATUTO
Paglalarawan ng mga tauhan at pangyayari sa tulong ng mga pang-uri

Panimula (Susing Konsepto)


Sa ikaapat na bahagi ng Modyul para sa Filipino 10 binigyang-tuon ang talambuhay ni
Dr. Jose Rizal, kaligirang pangkasaysayan ng nobelang El Filibusterismo, at mga
mahahalagang tauhan ng nobelang ito.
Ang pag-aaralan mo ngayon ay tungkol sa paglalarawan ng mga tauhan at pangyayari
na nakapaloob sa akda. Natitiyak kong kilala mo na ang mga mahahalagang tauhan ng nobelang
ito, ang kanilang ugali, paniniwala at paninindigan sa buhay. Gayon na rin ang mga pangyayari
sa binasa.
Sa tulong ng mga pang-uring umaakit sa imahinasyon at mga pandama ay mailalarawan
mo ang mga tauhan at pangyayari sa nasabing nobela.
Kalakip ng gawaing pagkatuto ang pagtalakay sa pang-uri. Ito ang tawag sa lipon ng
mga salita na naglalarawan o nagbibigay-turing sa tao, bagay, pook at pangyayari. Isa sa mga
uri ng pang-uri ay panglarawan. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay masipag, pula, maganda,
kalbo, mabango, palakaibigan, mahiyain at iba pa. Nagpapakilala ito ng pangngalan at
panghalip. Layunin nitong maglarawan ng katangian, kulay, lasa, anyo, hugis, at laki. May mga
paraan ng paglalarawan; una batay sa pandama-nakita, naamoy, nalasahan, nahawakan at
narinig, ikalawa batay sa damdamin-bugso ng damdamin at batay sa imahinasyon-likha ng
malikot na guni-guni.
Tiyak na magiging kawili-wili ang araling ito para sa iyo sapagkat makatutulong nang
Malaki sa lalo pang pang-unawa mo sa mga kabanata ng nobelang ito, at maugnay mo sa
kasalukuyang kaganapan maging sa iyong karanasan.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nailalarawan ang mga tauhan at pangyayari sa tulong ng mga pang-uring umaakit sa
imahinasyon at mga pandama (F10PB-IVi-j-83)

Gawain 1
Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng
wastong sagot.

_____1. Nagsisigawan na ang mga tao dahil lampas na sa oras ay hindi pa nagsisimula ang
palabras. Ang kilos ay maiuugnay sa _________ ng mga tao.
a. pagkagulat b. pagkainis
c. panghihinayang d. pagkainip

_____2. Sa pahayag ni Basilio na “Ay! Huli na kayo!” ay nangangahulugang?


a. patay na si Maria Clara b. hindi na siya sasama sa himagsikan
c. malala na si Kapitan Tiyago d.tapos na siya sa gawain
_____3. Hindi siya mapalagay at nais niyang alimurain ang katipan na kausap si Juanito
Pelaez. Ang kaugnay na salitang mailalapat sa pahayag ay ______?
a. pag-aalala b. pagkagalit
c. panibugho d. pagdaramdam
_____4. Alin sa mga sumusunod ang may kabisaan sa kasalukuyan?
a. ang pakikisangkot sa mga mahahalagang kaganapan
b. ang panonood ng dayuhang pagtatanghal
c. ang pangarap ni Isagani
d. ang panibugho ni Isagani
_____5. Sa pahayag ni Simoun na “kalat na ang salot ng apyan kay Kapitan Tiyago ay
katulad ng pamahalaan. Nais nitong sabihin na _______?
a. malala na ang kaguluhan sa bansa
b. malapit na itong bumagsak sa kamay ng mga dayuhan
c. hindi na ito uunlad tulad ng ibang bansa
d. wala nang aasahang pagbabago pa

Gawain 2
Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang Tama kung nangyari
ito sa nobela at Mali kung hindi.

__________1. Si Padre Irene ay naging tapat at mabuting tagapangasiwa at tagapagpatupad


ng huling habilin ni Kapitan Tiyago.
__________2. Iminungkahi ni Quiroga na damit na Pransiskano ang ipasuot kay Kapitan
Tiyago.
__________3. Isang bagong-bagong prak ang ipinasuot kay Kapitan Tiyago sa kanyang
huling hantungan.
__________4. Napakasaklap na balita ang dumating kay Juli patungkol sa pagkakakulong
kay Basilio
__________5. Ang pagkamatay ni Kapitan Tiyago at ang pagkabilanggo ni Basilio ay
madaling napabalita sa kanilang lalawigan.

Gawain 3
Ilarawan ang mga mahahalagang tauhan sa akda at mga pangyayaring kinasangkutan
nila sa tulong ng mga pang-uri. Gamitin ang iyong imahinasyon at pandama upang mapalutang
ang paglalarawan.

Tauhan Paglalarawan ng Katangian Paglalarawan sa pangyayaring


kinasangkutan
Simoun
Basilio
Isagani
Juli
Paulita

Gawain 1
1.d 2.c 3.c 4.a 5.a
Gawain 2.
1. Mali 2. Tama 3. Mali 4.Tama 5.Tama
1

You might also like