[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Yano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Yano
PinagmulanMaynila, Pilipinas
GenreAlternatibong rock, Musikang Pambayan, Punk rock, Pinoy rock
Taong aktibo1993 - 1997, 2007 - kasalukuyan
MiyembroEric Gancio
Charlie Comendador
Jan Najera
Dating miyembroDong Abay
Onie Badiang
Nowie Favila
Nonong Timbalopez
Harley Alarcon
Jun Nogoy

Ang Yano ay isang pambayan/punk rock na banda sa Pilipinas na binuo noong 1993. Binubuo ang orihinal na kasapi sina Dong Abay (bokalista) at Eric Gancio (gitara). Sumama din sa kalaunan si Onie Badiang bilang bahista; si Nowie Favila ang karaniwang tagapagtambol ngunit tumangging sumali sa pangkat dahil sa mga lagak sa Ang Grupong Pendong. Kabilang sa mga ibang tagapagtambol sina Nonong Timbalopez, Harley Alarcon and Jun Nogoy. Nakuha ng banda ang kanilang pangalan sa pamamagitan ng isang lahok na salita sa "Talahulugang Pilipino", isang lumang Talahuluganang Tagalog. Nangangahulugan ang salitang "yano" sa Tagalog bilang "payak" o "simple". Sa diyalektong Tagalog, partikular sa lalawigan ng Quezon, ang salitang "yano" ay maaaring nangangahulugang "sukdulan" o "kainaman". Nawala ang Yano noong 1997 pagkatapos umalis ni Abay.

Noong 2007, binalik muli ni Gancio ang Yano bilang nag-iisang-taong banda, bagaman, magkakaroon ng mga pang-suportang musikero sa mga palabas na buhay.[1] Sa taong 2008, maglalabas siya ng isang bagong album, na sinasalarawan niya bilang pang-apat na album ng Yano sa halip na pangalawang album niya.[1]

Noong 1992, nagkakilala sina Dong Abay, Eric Gancio at Larry Mapolon sa Patatag, isang progresibong pantinig na pangkat. Pagkatapos ng isang taon, pinasyahan nilang bumuo ng isang banda na pinangalang NG (binibigkas bilang en-dyi at hinango sa digrapong Ng, na kasama sa alpabetong Filipino) kasama ang tagapagtambol na si Renmin Nadela. Nanatili sina Abay at Gancio at inanib sa grupo ang nag-aareglo ng musika at bahistang si Onie Badiang. Sa kalaunan, napalitan ang pangalan ng banda sa Yano. Noong Hunyo 1993, nag-rekord sila ng isang awiting pagpapakita sa tahanang istudyo ng alternatibong manunugtog na si Joey Ayala. Isa mga awitin ang "Kumusta Na?," isang awitin patungkol sa Rebolusyong EDSA ng 1986, na napatugtog sa mga himpilan ng radyo kung saan unang narinig ang pangkat. Ito ang naging daan upang maging aktibo ang Yano sa mga lokal na klab. Isa sa mga unang klab na tumutugtog sila ang Mayrics, Club Dredd, 70s Bistro. Kabilang sina Nowie Favila (Ang Grupong Pendong), Nonong Timbalopez (Put3Ska, Ex President's Combo), Jun Nogoy (Coffeebreak Island) at Harley Alarcon (Rizal Underground) sa mga tagapagtambol ng Yano.

Noong 1994, nilabas nila ang kanilang unang album na Yano at kabilang sa mga awitin na napapaloob dito ang "Banal Na Aso, Santong Kabayo" , "Tsinelas" at "Esem" (patukoy sa SM o Shoemart mall) na naging sikat na mga awiting noong dekada 1990. Sinundan ito ng mga matagumpay na konsiyerto sa buong kapuluan. Umabot sa apat-na-beses na platinum noong 1994 ang kanilang unang album sa ilalim ng Alpha records (na nilabas muli ng BMG). Pagkatapos maglabas ng tatlong mga istudiyong album, umalis si Abay noong huling bahagi ng dekada 1990 dahil sa presyon ng pagiging sikat. Nabuwag sa kalaunan ang pangkat pagkatapos umalis ni Abay.

Pagkatapos umalis ng banda, nilabanan ni Abay ang isang matinding kalungkutan (clinical depression) at nanatili lamang sa kanyang silid-tulugan sa loob ng limang taon.[2] Nakaalis lamang siya sa kalungkutan habang sumusulat ng mga bagong awitin sa anyong tula. Sa kalaunan, tinawag niya si Badiang upang manghiram ng gitara at nakipagtugtugan. Hindi nagtagal at bumuo sila ng isa pang banda, ang Pan, kasama sina Mila Duane Cruz bilang bahista at Melvin Leyson bilang tagapagtambol. Nakuha ni Abay ang katagang Pan pagkatapos mabasa ang nobelang Jitterbug Perfume ni Tom Robbins. Noong 2003, inilabas nila ang kanilang unang album na pinamagatang Parnaso Ng Payaso. Nabuwag din ang Pan sa kalaunan dahil nagbalik si Abay sa Unibersidad ng Pilipinas upang mag-aral muli. Noong 2005, naglabas si Abay ng isang EP na pinamagatang Sampol, na naging ganap na album na pinangalang Flipino noong Mayo 2006. Kasalukuyang tinatamo niya ang isang karera bilang malayang mang-aawit at manunugtog.

Nagbalik si Gancio sa kanyang bayang sinilangan sa Davao pagkatapos mabuwag ang Yano. Noong 2004, naglabas siya ng solo album na pinamagatang Sa Bandang Huli. Si Gancio ang gumawa lahat ng instrumento sa kanyang album na malayang inilabas at hinalo niya ang musika sa isang software na pang-kompyuter. Noong 2007, binalik ni Gancio ang Yano bilang nag-iisang taong banda at nagpapatugtog bilang Yano sa Davao kasama ang dalawang manunugtog na sina Dave Ibao bilang bahista at Jan Najera bilang tagapagtambol. Maglalabas siya ng isang album, na, sang-ayon kay Gancio, magiging "ika-apat na album ng Yano" sa halip na ikalawang album niya.

Tumutugtog naman si Badiang bilang bahista sa bandang Asin. Kasalukuyan siyang bumalik sa Bagong Lumad ni Joey Ayala samantalang si tumutugtog naman si Favila sa labas ng Pilipinas.

Kilala ang musika ng Yano sa mga politikal at panlipunang mga tema. Pinupuna ng mga awitin nila ang mga relihiyosong mapagpaimbabaw sa "Banal Na Aso, Santong Kabayo", mga politikong masasama sa "Trapo" (pinaikling traditional politician), ang mga salita ng mga elitistang Pilipino sa sa "Coño Ka P’re" at mga abusadong mga kapitalista sa "Mc’Jo" (pinapahiwatig ang kainang McDonald's kung saan nakapagtrabaho si Abay).

Sinasalaysay din ng Yano sa kanilang mga awiting ang kalagayan ng lipunan ng Pilipinas noong dekada 1990. Nilalahad ng "Kumusta Na?" ang kalagayan ng masang Pilipino pagkatapos ng Rebolusyong EDSA ng 1986 samantalang ang mala-novelty na awiting "Kaka" ay nagkukuwento ng isang taong nagngangalang Kaka, na nahihirapang maghanap ng mga bagay sa dilim dahil sa kawalan ng kuryente, isang patukoy sa madalas na blackout o pagkawala ng kuryente sa Pilipinas noong unang bahagi ng dekada 1990. Tungkol naman ang awiting "Bawal" sa mga epekto ng mga patakaran o batas na may labis na pagbabawal sa puntong napipigilan na ang kalayaan at pag-ibig. Binibigay pansin naman ng "Abno" (pinaikling Abnormal Environmental) ang tungkol sa kapaligiran samantalang tungkol naman sa pagmaltrato ng mga guro sa kanilang mga mag-aaral ang awiting "Kaklase". Isa pang panlipunang awitin ang "Mercy", na naglalahad ng isang kuwento tungkol sa lumalakong baliw na kilala bilang "taong-grasa".

Nakasulat si Abay ng mga awiting patungkol sa kanyang pamantasan ang Unibersidad ng Pilipinas dahil sa mga karanasan niya dito. Ang awiting "State U" na tungkol sa pagkadismaya ni Abay sa kalagayan ng UP habang patungkol naman "Esem" sa nakakainis na buhay habang tumatambay sa SM City North EDSA mall na mga isang milya lamang ang layo mula sa kampus ng UP Diliman. Gayon din naman ang awiting "Iskolar na Bayan" na patungkol din sa UP. Gumawa din naman sila ng mga awiting tungkol sa pag-ibig. Isa na dito ang "Senti" (pinaikling sentimental) at "Paalam Sampaguita" na nilalahad din ang mga migranteng Pilipino na naghahanap na maunlad na buhay sa ibang bansa.

Mga istudiyong album

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Taon Pamagat Naglabas
1994 Yano Alpha Records at nilabas muli ng BMG
1996 Bawal BMG
1997 Tara
2001 Best of Yano

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Gancio relaunches Yano". Mindanao Times. 19 Disyembre 2007. {{cite web}}: Unknown parameter |accessmonthday= ignored (tulong); Unknown parameter |accessyear= ignored (|access-date= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  2. "Dong Abay's Pan: Another Gem". MTV Asia News. 2006-01-16. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-09-26. Nakuha noong 2008-01-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)