Wikimania
Itsura
Wikimania | |
---|---|
Katayuan | Aktibo |
Lokasyon |
|
Unang kaganapan | 2005 |
Nag-organisa | Local volunteer teams |
Katayuan sa pag-file | Non-profit |
Opisyal na websayt | wikimania.wikimedia.org |
Ang Wikimania ay ang taunang pagtitipong pandaigdig ng mga tagagamit ng mga proyektong pinatatakbo ng Pundasyong Wikimedia, katulad ng Wikipedia at ang mga magkakapatid na proyekto nito. Unang itinipon ang Wikimania sa Frankfurt, Alemanya noong 2005, at naitipon na ang Wikimania sa lahat ng kontinente ng mundo, maliban na sa Australya.
Kasama sa mga paksang pinag-uusapan sa Wikimania ang mga proyektong Wikimedia, ang mga aspektong teknikal at panlipunan nito, malayang nilalaman at ang pagpapalaganap nito, at ang bukas na software.
Tala ng mga Wikimania
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 2005: Frankfurt, Alemanya
- 2006: Cambridge, Estados Unidos
- 2007: Taipei, Republika ng Tsina (Taiwan)
- 2008: Alexandria, Ehipto
- 2009: Buenos Aires, Arhentina
- 2010: Gdańsk, Polonya
- 2011: Haifa, Israel
- 2012: Washington, D.C., Estados Unidos
- 2013: Hong Kong, Republikang Popular ng Tsina
- 2014: Londres, Reino Unido
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.