Web komiks
Ang Web Komiks, Online Komiks o Internet Komiks ay mga komiks na inililimbag sa isang website. Bagamat marami sa mga web komiks ay inililimbag ng pang-website lamang, mayroon ring mga inililimbag sa mga magasin, dyaryo o minsa’y sa sariling ipinalimbag na mga libro.
Ang web komiks ay maaaring ikumpara sa mga inilathalang komiks sa kahulugan na maaari itong isulat, iguhit at ipalimbag ng kahit sinong may gustong gumawa nito. Malawak ang saklaw na mga hanay ng web komiks, mula sa mga tradisyunal na katawa-tawang komik strips hanggang sa mga nobelang grapiko at sinasaklaw rin nito ang maraming hanay ng mga uri at paksa. Bihira na kumita ng malaking pera sa mga komiks na ito.
Ang Daluyan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Porma
[baguhin | baguhin ang wikitext]May ilang mga pagkakaiba ang web komiks at inilathalang komiks dahil sa kawalan ng mga pormal na mga paghihigpit sa tradisyunal na mga dyaryo at magasin na hindi na kailangang sundin paginilimbag ang komiks sa internet. Dahil dito, nagagawa ng mga mangguguhit na gamitin ang ilang mga natatanging kakayahan ng internet at ng web. Si Scott McCloud, isa sa mga unang tagapagtaguyod ng web komiks, ang nangunang ibunsod ang konsepto ng walang katapusang canvas, kung saan sa halip na maging limitado sa karaniwang sukat ng paglalathala, malaya ang artista na pumunta sa lahat ng direksiyon ng walang limitasyon sa kanilang mga komiks.
Gayunpaman, ang ayos at estilo ng karamihan, kundiman lahat, ng web komiks at pareho pa rin ng matatagpuan sa tradisyunal na mga komiks sa dyaryo tulad ng Peanuts. Karaniwang binubuo ng apat na panel ang mga komiks na ito. Tulad ng mga pa-librong komiks, manga at nobelang grapiko, maraming web komiks ay nakaayos sa proma ng pahina sa halip na pahabang piraso o strip at karaniwang binibigyang-diin ang pabguo ng isang kuwento imbis na ang pagpapatawa.
Ang Clip Art o Palitratong Komiks (na kinikilala rin bilang Fumetti) ay isang uri ng web komiks na gumagamit ng di-tradisyunal na likhang-sining. Ang web komiks na A Softer World ay isang halimbawa nito. Gumagamit ito ng pinagtabing mga litrato na may nakapatong na mga tekstong mukhang naka-makinilya sa mga pahabang piraso ng papel. Sa tradisyon naman ng Napilitang Komiks o Constrained Comics, may iilang komiks tulad ng Dinosaur Comics ni Ryan North, na nilikha gamit ang isang template na hindi nagbabago ang mga iginuuhit ng artista ngunit ang nagbabagong teksto naman ang nagbibigay saysay sa bawat bagong komiks. Mayroon ring Pixel Art na inilikha ni Richard Stevens ng Diesel Sweeties, na maihahalintulad sa Sprite Comics pero sa halip na sprites ay gumagamit ng mga litrato at imaheng mababa ang resolution na likha mismo ng artista.
Madalas na ipalimbag ng mga artista ng web komiks ang koleksiyon ng kanilang mga ipinalathala kapag umabot na sila sa natatamang dami ng nalikhang komiks. Gayunpaman, madalas mahirapan sa pagkakaayos ng mga pahina ang mga artistang gumagamit ng di-karaniwang proma sa kanilang mga web komiks. Nilalaman
Nilalaman
[baguhin | baguhin ang wikitext]Hindi nalilimita ng mga pagbabawal ng palimbagan at sindikato ng dyaryo ang mga malayang ipinalilimbag na web komiks kaya’t tinatamasa ng mga artista nito ang kalayaang pang-sining kadalasa’y para sa mga palihim at napamimiliang komiks lamang. May ilang web komiks na isinasagad ang mga limitasyon ng panlasa ng mga mambabasa dahil sa katunayang halos walang pagsensura sa internet lalo na sa mga bansa tulad ng Estados Unidos. Ang mga nilalaman ng mga web komiks ay maaaris pa ring magdulot ng problema tulad ng kunwariang laban sa laban sa droga ng Disco Dom and the RAvE Squad ni W.A. Silverback. Kasama rin ang Leisure Town ni Tristan Farnon na nagdulot ng kaso laban sa kaniya dahil sa paggawa niya ng erotikang-bading na patawa ng tauhang si Dilbert. Nagprotesta rin ang Catholic League laban kay Eric Monster Millikin dahil sa kaniyang “mapaglapastangan na pagtatalakay kay Hesus”.
Mga Naunang mga Web Komiks
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Witches and Stiches ang pinaka-unang online na komiks. Ipinalimbag ito ng CompuServ noong 1985. Sinundan ito ng T.H.E. Fox na ipinalimbag naman ng CompuServ at Quantum Link noong 1986.
Sumunod ang iba pang mga online comics noong maagang bahagi ng 90's. ipinalimbag sa FTP at usenet noong 1991 ang Where the Buffalo Roam, ang Doctor Fun naman noong 1993 at NetBoy noong 1994. Isa sa pinakamahabang-tumatakbong web komiks ay ang Rogues of Clwyd-Rhan (isang Olandes na komiks na nagsimula noong Nobyembre 1994).
Sa bandang dulo ng 90’s, nakita ng industriya ang biglang pagtaas ng numero ng mga web komiks. Ang Melonpool ay unang ipinalimbag noong Abril 1996. Noong Abril 1997, lumabas ang Goats na kasunod ang Sluggy Freelance (Agosto), Roomies! (Setyembre), Piled Higher and Deeper (Oktubre), User Friendly (Nobyembre), Penny Arcade at Pokey the Penguin makalipas ang isang taon.
Mga Samahan ng Web Komiks
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noon Marso 1995 inilunsad ni Bebe Williams and Art Comics Daily, isang tanghalan ng mga web comics na matatagpuan sa internet.
Noong Marso 2000 sinimulan ni Chris Crosby, Teri Crosby (ang ina ni Chris), at ni Darren Bleuel and lagusan ng web komiks na Keenspot. Sinimulan rin nila ang isang libreng hosting service para sa web komiks noong Hulyo 2000 na tinawag noon na KeenSpace ngunit nagging Comic Genesis noong 2005.
Noon Hulyo 2000 inilunsad ni Austin Osueke ang eigoMANGA, isang lagusan ng web komiks na nagtatanghal at naglilimbag ng mga orihinal na online manga o web manga. Sa loob ng taong ito, nagawa ng eigoMANGA na bigyan-pansin ng industriya ng komiks ang web komiks matapos ito matampok sa maraming magasin tungkol sa komiks at tuluyang maisama sa isyu ng popular na Wizard Magazine noong Marso 2001.
Noong 2001 inilunsad ang website na Cool Beans World, isang site na de-suskripsyon para sa web komiks, matapos ang isang malawak na kampanyang pampublisidad. Nanalo ito ng parangal na “Site of the Month” ng Internet Magazine noong Oktubre 2001. Kasama sa mga kontribyutor dito ang mangguguhit ng komiks na taga-UK na sina Pat Mills, Simon Bisley, John Bolton at Kevin O’Neill at ang kilalang awtor na si Clive Barker. Kasama sa mga nilalamang nabigyan ng serye ay ang Scarlet Traces at Marshal Law.
Noong Marso 2001 inilunsad ni Shannon Denton at Patrick Coyle ang Komikwerks.com na nagpapamigay ng libreng kopya ng orihinal na gawain ng mga propesyonal na artista. Naglunsad ang site na ito ng siyam na titulo kasama ang Astounding Space Thrills ni Steve Conely, Buzzboy ni John Gallagher, at Johnny Smackpants ni Patrick Coyle.
Noong 2 Marso 2002 itinatag ni Joey Manley ang Modern Tales na nagbibigay ng serbisyong de-suskripsyon na web komiks. Sumunod ang pagkabigay ng serye sa Modern Tales noong Oktubre 2002 at sumunod pa rito ang Girlamatic at Graphic Smash noong Marso 2003 at Setyembre 2003.
Pagdating ng 2005, naging laganap na negosyo na ang pagtatanghal ng mga web komiks sa internet dahil sa mga sites na tulad ng Comic Genesis, Drunk Duck at Webcomics Nation.
Habang nandyan na ang mga sindikato ng mga komiks noong kalagitaan ng 1990’s, ang mga tradisyunal na tagapaglimbag ng mga komiks tulad ng Marvel at Slave Labour Graphics ay nagsimula lamang magkaroon ng seryosong pagsisikap sa larangnang digital na komiks noong 2006 at 2007. Inilunsad ng DC Comics ang kanilang palimbagan ng web komiks sa internet na Zuda Comics noong Oktubre 2007. Tampok sa site na ito ang kompetisyon ng mga komiks na isinusumite ng mga manggagamit para mapanalunan ang isang propesyonal na kontrata para gumawa ng komiks para sa DC. Ipinasara ang Zuda Comics noong Hulyo 2010.
Negosyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Dumadami ang bilang ng mga artista na ginagamit ang kinikita nila sa paggawa ng web komiks para sustentuhan ang kanilang araw-araw na pamumuhay. Ilan sa kanila ay sina Mike Krahulik at Jerry Holkins ng Penny Arcade, Tim Buckley ng Ctrl+Alt+Del, Pete Abrams ng Sluggy Freelance at si Randall Munroe ng XKCD. Kung saan ang mga tagapaglikha ng web komiks ay dating nakikita bilang isang hiwalay at natatanging grupo ng artista, lumalabo na ang kanilang pagkakahiwalay dahil sa mga tradisyunal na tagapaglikha ng komiks na nagsimulang magdala kani-kanilang mga malayang gawain sa internet. Kumikita ang mga online na komiks sa pag-aanunsiyo ng mga isponsor, orihinal na likha, merchandising, pagbenta ng koleksiyon ng mga naipalathala and ang paggamit ng indibidwal na pagmamay-aring intelektwal. Kapansin-pansin na hindi rin ito gaanong naiiba sa paraan ng pagkita ng mga tradisyunal na artista.
May ilang mga mangguguhit tulad nina Phil at Kaja Foglio ng Girl Genius na tumitigil sa pagpapalimbag ng tradisyunal na komiks at gumagawa na lamang ng serye ng mga web komiks upang maabot ang mas malawak at mas maraming mambabasa. Kapag naging popular web komik, ito ay kadalasang ginagawang trade paperback.
Mayroon ring ilang web komiks tulad ng Helen, Sweetheart of the Internet, Macanudo, Van Von Hunter at Diesel Sweeting na kinukuha ng mga sindikato upang ipalimbag sa komiks na seksiyon ng mga dyaryo. Ang iba naman tulad ng Perry Bible Fellowship at PartiallyClips ay inililimbag sa mas maliliit na mapagpipiliang dyaryo o inilalathala sa mga magasin tulad ng The Order of the Stick sa Dragon Magazine at Get Your War On sa Rolling Stone.
Mga Parangal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Maraming artista ng web komiks ang nananalo ng parangal para kanilang mga likha. Noon 2006, ang nobelang grapiko na American Born Chinese ni Gene Luen Yang ang unang nobelang grapiko na hinirang para sa parangal na Pambansang Libro. Napanalunan naman ng maikling animadong pelikula na Everything Will Be Ok ni Don Hertzfeldt (naka-base ito sa kaniyang web komiks) ang parangal na 2007 Sundance Film Festival Jury Award in Short Filmmaking. Bihira ibigay ang parangal na ito sa mga animadong pelikula.
Marami na ring mga parangal na ipinamimigay ang mga tradisyunal na organisasyon ng mga inilathalang komiks para sa kategorya ng komiks na ipinalilimbag sa web. Itinaguyod ng Eagle Awards ang kategoryang Paboritong Web-based na Komiks noong 2000 at sumunod naman ang Ignatz Awards na ipinakilala ang parangal para sa Tanyag na Online na Komiks noong 2001. Matapos maghirang ng mga web komiks para sa ilan sa kanilang mga parangal para sa tradisyunal na komiks, sinimulan na rin ng Eisner Awards na magbigay parangal sa mga komiks na nasa kategoryang Pinakamagaling na Digital Comic noong 2005. Noong 2006 naman itinaguyod ng Harvey Awards ang Pinakamagaling na Komiks na Ginawa Online at noong 2007 naman nagsimulang magbigay parangal ang Shuster Awards sa Tanyag na Tagapaglikha ng Komiks na taga-Kanada.
Mayroon pang ibang mga parangal na nakatutok lamang sa larangan ng web komiks. Ang Web Cartoonist’s Choice Awards ay binubuo ng ilang parangal na ibinibigay bawat taon mula 2001 hanggang 2008. Ibinibigay naman ang Clickburg Webcomic Awards or Clickies bawat taon mula pa noong 2005 tuwing dinadaos ang Stripdagen Haarlem comic festival. Upang mapanalunan ang parangal na ito, kinakailangan na aktibo ang artista sa mga bansang Benelux maliban sa isang parangal na pandaigdig.
Mga Libro Tungkol sa Web Komiks
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinalimbag ang librong Scott McCloud’s Reinventing Comics noong Agosoto 2000 kung saan halahati ng nilalaman ay tungkol sa mga kasunduang pang-web komiks. Bagaman minsa’y pinagtatalunan, si McCloud ay isa sa mga unang tumangkilik sa digital na komiks at nananatiling maimpluwensiya sa larangan ng web komiks. Madalas madala ang kaniyang mga teorya sa mga debate tungkol sa kinabukasan ng web komiks at tungkol sa pagbibigay kahulugan dito. Ang pagtangkilik rin ni McCloud sa konsepto ng micropayment ay isa ring mainit na paksa ng mga debate sa komunidad ng web komiks.
Noon Hunyo 2006 itinutok ni Ted Rall, ang mangguguhit ng editoryal ng Universal Press Syndicate, ang kaniyang pansin sa larangan ng web komiks at kaniyang binigayng pansin ang mga likhang The Perry Bible Fellowship, Cat and Girl at ang likhang A Lesson is Learned But The Damage is Irreversible.
Noong 2008 naman ipinalimbag ng Image Comics ang librong How to Make Webcomics nina brad Guigar, Dave Kellett, Scott Kurz at Kris Straub. Sinaklaw ng libro ang marami sa mga praktikal na bagay sa larangan ng paglikha ng web komiks at kung paano kumita ng pera rito tulad ng web design, pagpapalimbag at merchandising.
Tingnan Rin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Isinalin mula sa http://en.wikipedia.org/wiki/Web_comic