Wangis-baka
Bovinae (Wangis-baka) Temporal na saklaw: Mioseno hanggang Kamakailan
| |
---|---|
Kalabaw ng Asya | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Hati: | Mammalia |
Orden: | Artiodactyla |
Pamilya: | Bovidae |
Subpamilya: | Bovinae Gray, 1821 |
Mga tribo | |
Ang biyolohikong kabahaging pamilya o sub-pamilyang Bovinae o mga wangis-baka ay kinabibilangan ng samu't saring pangkat ng sampung mga sari ng hindi kalakihan hanggang malalaking mga unggulado, kasama ang domestikadong mga baka, ang bison, ang kalabaw, ang yak, at ang antelopeng may apat na mga sungay at iyong may paikot na mga sungay.
Hindi malinaw ang ugnayang pang-ebolusyon sa pagitan ng mga kasapi ng pangkat na ito, at ang klasipikasyon nila sa buhaghag na mga tribo ang magpapakita ng walang katiyakang ito. Kabilang sa kanilang pangkalahatang mga katangian ang biyak na mga kuko at karaniwang may isa sa mga kasarian ng isang uri ang mayroong totoong mga sungay.
Sa karamihan ng mga bansa, ginagamit na pagkain ang mga wangis-baka. Halos kinakain ang domestikadong mga baka kahit saan, maliban na lamang sa ilang bahagi ng Indiya, kung saan itinuturing ang mga wangis-baka bilang banal ng mga Hindu.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Mamalya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.