[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Uniberso

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang kauna-unahang litrato ng kalaliman ng Uniberso na nalitratuhan ng Teleskopyong Pangkalawakan na James Webb[1]. Tanaw ng kumpol ng galaksiyang SMACS J0723.3-7327.

Sa dalubtalaan, ang uniberso o sansinukob (Ingles: universe) ay karaniwang inilalarawan bílang kabuoan ng pag-iral[2][3][4][5] kabílang ang mga planeta, mga bituin, mga galaksiya, mga nilalaman ng intergalaktikong kalawakan, at lahat ng materya at enerhiya.[6][7] Ang mga parehong termino nitó ay kinabibilangan ng cosmos at kalikasan. Ito ay napakalaki kaya't sinusukat ng mga siyentista sa pamamagitan ng bilyon-bilyong mga taóng-liwanag na layo ng paglalakbay ng liwanag sa loob ng isang taon. Ang pinakamalayong distansiya na teoretikong posible na makita ng mga tao ay inilalarawan bílang mapagmamasdang uniberso. Ang mga obserbasyon ay nagpapakitang ang uniberso ay lumalawak sa papabilis na rate. Ang mapapagmasdang bahagi ng uniberso ay mga 93 bilyong sinag-taon sa diametro.[8] Ang mga obserbasyong ito ay nagmumungkahing ang uniberso ay pinangangasiwaan ng parehong mga batas pisikal at konstante sa buong halos saklaw at kasaysayan nitó.

Ang kosmolohiya ang tawag sa agham sa pag-aaral sa pinagmulan, pag-unlad, at kapalaran sa hinaharap ng uniberso. Ang nananaig na modelong kosmolohikal ng paglitaw at maagang pag-unlad ng uniberso ang teoryang Big Bang na ayon sa kosmolohiyang pisikal ay nangyari noong 13.798 ± 0.037 bilyong taóng nakakalipas.[9][10] May ilang mga hipotesis na multiberso na iminungkahi ng mga pisiko na ang uniberso ay maaaring isa sa maraming mga uniberso na umiiral rin.[11][12]

Kasaysayan ayon sa agham

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang uniberso ay pinaniniwalaang halos binubuo ng enerhiyang madilim at materyang madilim na hindi pa nauunawaan sa kasalukuyan. Ang kaunti ng 5% ng uniberso ay binubuo ng ordinaryong materya na isang maliit na kontribusyon dito.

Ayon sa nananaig na modelong siyentipiko ng uniberso na kilala bilang Big Bang, ang uniberso ay lumawak mula sa isang sukdulang mainit na siksik na yugtong tinatawag na Planck epoch kung saan ang lahat ng materya at enerhiya ng mapagmamasdang uniberso ay nagtipon. Mula Planck epoch, ang uniberso ay lumalawak sa kasalukuyang anyo nito na posibleng may isang maikling panahon(na kaunti sa 10−32 segundo) ng implasyong kosmiko. Ang ilang mga independiyenteng eksperimentong pagsukat ay sumusuporta sa paglawak na ito at sa teoriyang Big Bang. Ang mga kamakailang obserbasyon ay nagpapakitang ang paglawig ay papabilis nang papabilis dahil sa enerhiyang madilim gayundin na ang karamihan ng mga materya sa uniberso ay maaaring nasa anyo na enerhiyang madilim na hindi madedekta ng mga kasalukuyang instrumento ng agham.[13] Ang mga ito ay mga hindi alam na entidad na sinasabing nagpapaliwanag sa mga 95% ng densidad ng masa-enerhiya ng uniberso. Ang mga ito ay nagpapakita ng mga kasalukuyang mga kakulangan pangkonsepto at pang-obserbasyon gayundin ang mga kawalang katiyakan tungkol sa kalikasan at hulíng kapalaran ng uniberso.[14]

Noong 21 Marso 2013, ang pangkat pagsasaliksik na Europeo sa likod ng Planck cosmology probe ay naglabas ng mapa ng buong kalawakan ng misyon ng cosmic microwave background.[15][16][17][18][19] Ang mapang ito ay nagmumungkahing ang uniberso ay kaunting mas matanda kesa sa pinaniwalaan. Ayon sa mapa, ang mga pagbabago-bago sa temperatura ay mababakas sa malalim na kalawakan nang ang cosmos ay mga 370,000 taong gulang. Ang bakas na ito ay sumasalamin sa mga alon na maagang lumitaw sa pag-iral ng uniberso bilang unang ika-nonilyong segundo. Maliwanag na ang mga along ito ay nagpalitaw ng kasalukuyang malawak na kosmikong sapot ng mga kumpol ng galaksiya at materyang madilim. Ayon sa pangkat na ito, ang uniberso ay 13.798 ± 0.037 bilyong taóng gulang [10][20] at naglalaman ng 4.9% ordinaryong materya, 26.8% materyang madilim at 68.3% enerhiyang madilim. Gayundin, ang konstanteng Hubble ay nasukat na 67.80 ± 0.77 (km/s)/Mpc.[15][16][17][19][20]

Mga nilalaman

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mapagmamasdang uniberso ay pinaniniwalaang naglalaman ng higit sa 100 bilyong (1011) galaksiya.[21] Ang mga tipikal na galaksiya ay sumasaklaw mula sa mga unanong galaksiya na may mga 10 milyong[22] (107) bituin hanggang sa mga higanteng galaksiya na naglalaman ng isang trilyong bituin[23] (1012) na lahat umiikot sa sentro ng masa ng galaksiya. Ang isang pag-aaral noong 2010 ng mga astronomo ay nagtantiya na ang mapagmamasdang uniberso ay naglalaman ng 300 sekstilyong (3×1023) bituin.[24]

Ang mapagmamasdang materya ay nakakalat nang pantay sa buong uniberso kapag ginawang aberahe sa mga distansiyang mas mahaba sa 300 milyong taong-liwanag.[25] Gayunpman, sa mga isklang mas maliit na haba, ang materya ay napagmasdang bumubuo ng mga kumpol. Ang mapagmamasdang uniberso ay nakakalat rin ng isotropikal na nangangahulugang walang direksiyon ng obserbasyon ay tila iba mula sa iba pa. Ang bawat rehiyon ng kalawakawan ay tinatayang may parehong nilalaman.[26] Ang uniberso ay nabababad rin sa isang mataas na isotropikong radiasyong microwave na tumutugon sa isang thermal equilibrium blackbody spectrum ng tinatayang 2.725 kelvin.[27] Ang hipotesis na ang malaking iskalang uniberso ay pantay at isotropiko ay kilala bilang prinsipyong kosmolohikal[28] na sinusuportahan ng mga astronomikal na obserbasyon.

Ang kasalukuyang kabuoang densidad ng uniberso ay napakababa na tinatayang 9.9 × 10−30 gramo kada kubikong sentimetro. Ang masa-enerhiyang ito ay lumilitaw na binubuo ng 73% enerhiyang madilim, 23% malamig na materyang madilim at 4% ordinaryong materya. Dahil dito, ang densidad ng mga atomo ay nasa order ng isang atomong hidroheno sa bawat apat na kubikong metro ng bolyum.[29] Ang mga katangian ng enerhiyang madilim at materyang madilim ay hindi pa alam. Ang materyang madilim ay naggagrabidad bílang ordinaryong materya kaya ay kumikilos upang pabagalin ang metrikong paglawak ng kalawakan. Taliwas dito, ang enerhiyang madilim ay nagpapabilis ng paglawak ng uniberso.

Ang uniberso ay hindi pareho sa lahat ng mga panahon sa kasaysayan nito. Halimbawa, ang mga relatibong populasyon ng mga quasar at galaksiya ay nagbago at ang mismong kalawakan ay lumalawak. Ang paglawak na ito ay nagpapaliwanag kung paanong namamasdan ng mga siyentipiko sa mundo ang liwang mula sa isang galaksiya ng layong 30 bilyong taong-liwanag kahit ang liwanag ay naglakbay lamang ng 13 bilyong taon. Ang pinaka-espasyo sa pagitan nila ay lumawak. Ang paglawak na ito ay umaayon sa obserbasyon na ang liwanag mula sa mga malalayong galaksiya ay nag-redshift. Ang mga photon na inilabas ay nahatak sa mas mahabang mga wavelength at mas mababang mga frequency sa kanilang paglalakbay. Ang rate ng paglawak ng kalawakang ito ay papabilis nang papabilis batay sa mga pag-aaral ng mga Type Ia supernova at sinusuportahan ng ibang mga datos.

Ang relatibong mga praksiyon ng mga iba't ibang elementong kimikal partikular na ang mga pinakamagaang na mga atomo gaya ng hidroheno, deuterium at helium — ay tila magkatulad sa buong uniberso at sa buong mapagmamasdang kasaysayan nito.[30] Ang uniberso ay tila ay may higit na mas maraming materya kesa antimaterya na isang asimetriyang posibleng nauugnay sa mga obserbasyon ng paglabag na CP.[31] Ang uniberso ay lumilitaw na walang net na kargang elektriko at kaya ang grabidad ay lumilitaw na nananaig na interaksiyon sa mga isklang habang kosmolohikal. Ang uniberso ay lumilitaw rin na walang net momentum o angular momentum. Ang kawalan ng net na karga at momentum ay sumusunod sa mga tinatanggap na batas na pisikal(na respektibong batas ni Gauss at sa hindi-diberhensiya ng stress-energy-momentum pseudotensor) kung ang uniberso ay may hangganan.[32]

Ang uniberso ay lumilitaw na may isang makinis na continuum na espasyo-panahon na binubuo ng tatlong mga dimensiyong pang-espasyo at isang dimensiyong panahon. Sa aberahe, ang kalawakan ay napagmamasdang napakahalos patag(malapit sa serong kurbada) na nangangahulugan ang heometriyang Euclidean ay totoong eksperimental sa buong halos ng uniberso.[33] Ang espasyo-panahon ay lumilitaw rin na mayroong simpleng magkadugtong na topolohiya kahit papaano sa iskalang haba ng mapapagmasdang uniberso. Gayunpaman, ang mga kasalukuyang obserbasyon ay hindi maaaring hindi magsama ng mga posibilidad na ang uniberso ay may mas maraming mga dimensiyon at ang espasyo-panahon nito ay may isang maraming magkakadugton na global na topolohiya sa analohiya sa mga silindrikal o toroidal na mga topolohiya ng mga espasyong dalawang dimensiyonal.[34]

Ang hugis o heometriya ng uniberso ay kinabibilangan ng parehong lokal na heometriya sa mapagmamasdang uniberso at global na heometriya na maaari o hindi maaaring masukat. Ang hugis ay maaaring tumukoy sa kurbada at topolohiya. Ang paksa ay nag-iimbestiga kung aling 3-manifold ang tumutugma sa seksiyong pangespasyo sa kapwa gumagalaw na mga koordinado ng apat na dimensiyonal na espasyo-panahon ng uniberso. Ang mga kosmologo ay normal na gumagawa sa isang ibinigay na tulad ng espasyong hiwa ng espasyo-panahon na tinatawag na kapwa gumagalaw na mga koordinado. Sa mga modelong Friedmann–Lemaître–Robertson–Walker (FLRW), ang kasalukuyang pinakasikat na hugis ng uniberso na natagpuang umaayon sa mga datos ng obserbasyon ayon sa mga kosmologo ang modelong walang hangganang patag.[35] Ang ibang mga modelong FLRW ay kinabibilangan ng espasyong Poincaré dodecahedral [36][37] at Picard horn.[10][38][39]

Ang kosmolohiyang relihiyoso ang mga katawan ng paniniwala sa iba't ibang mga tradisyong relihiyoso at mitolohikal na nagtatangkang magpaliwanag ng pinagmulan ng uniberso.

Ang pag-iral ng multiberso o maraming mga uniberso ay isang hipotesis sa kosmolohiya, pisika, astronomiya, pilosopiya, sikolohiya, musika at mga piksiyon sa siyensiya at maging kuwento sa pantasiya. Ito ay tinatawag sa mga pangalang "mga unibersong paralelo", "mga unibersong alternatibo", "mga unibersong quantum", at iba iba. Ito ay batay sa interpretasyong maraming mga mundo ng mekanikang quantum.


Ayons sa pisikong teoretikal na Nobel laureate na si Steven Weinberg, kung ang multiberso o maraming uniberso ay umiiral, ang paghahanap ng makatwirang paliwanag para sa mga tiyak na mga halaga ng mga masa ng mga quark ng Pamantayang Modelo ay mawawasak sapagka't ang kanilang ang mga halaga ay isang aksidente ng partikular na bahagi ng multiberso na ating tinitirhan.[40]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. https://www.nasa.gov/image-feature/goddard/2022/nasa-s-webb-delivers-deepest-infrared-image-of-universe-yet
  2. Universe. 2010. {{cite book}}: |work= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Universe". Encyclopedia Britannica. the whole cosmic system of matter and energy of which Earth, and therefore the human race, is a part
  4. "Universe". Dictionary.com. Nakuha noong 2012-09-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Universe". Merriam-Webster Dictionary. Nakuha noong 2012-09-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. The American Heritage Dictionary of the English Language (ika-4th (na) edisyon). Houghton Mifflin Harcourt Publishing Company. 2010.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Cambridge Advanced Learner's Dictionary.
  8. Itzhak Bars; John Terning (Nobyembre 2009). Extra Dimensions in Space and Time. Springer. pp. 27–. ISBN 978-0-387-77637-8. Nakuha noong 2011-05-01.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Planck reveals an almost perfect universe". Planck. ESA. 2013-03-21. Nakuha noong 2013-03-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 10.2 Planck collaboration (2013). "Planck 2013 results. XVI. Cosmological parameters". Submitted to Astronomy & Astrophysics. arXiv:1303.5076.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. multiverse Naka-arkibo 2011-09-24 sa Wayback Machine.. Astronomy.pomona.edu. Retrieved 2011-11-28.
  12. Palmer, Jason. (2011-08-03) BBC News – 'Multiverse' theory suggested by microwave background. Retrieved 2011-11-28.
  13. In contrast to dark energy, which is expansive ("negative pressure"), the dark matter leads to "clumping" through gravitation.
  14. Universe, ed. Martin Rees, pp. 54–55, Dorling Kindersley Publishing, New York 2005, ISBN 978-0-7566-1364-8
  15. 15.0 15.1 Staff (21 Marso 2013). "Planck Reveals An Almost Perfect Universe". ESA. Nakuha noong 2013-03-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. 16.0 16.1 Clavin, Whitney; Harrington, J.D. (21 Marso 2013). "Planck Mission Brings Universe Into Sharp Focus". NASA. Nakuha noong 2013-03-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. 17.0 17.1 Overbye, Dennis (21 Marso 2013). "An Infant Universe, Born Before We Knew". New York Times. Nakuha noong 2013-03-21.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Staff (21 Marso 2013). "Mapping the Early Universe". New York Times. Nakuha noong 2013-03-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. 19.0 19.1 Boyle, Alan (21 Marso 2013). "Planck probe's cosmic 'baby picture' revises universe's vital statistics". NBC News. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-03-23. Nakuha noong 2013-03-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. 20.0 20.1 Ade, P. A. R.; Aghanim, N.; Armitage-Caplan, C.; et al. (Planck Collaboration) (20 Marso 2013). "Planck 2013 results. I. Overview of products and scientific results" (PDF). Astronomy & Astrophysics (submitted). arXiv:1303.5062. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 7 Abril 2020. Nakuha noong 4 Hunyo 2013. {{cite journal}}: Italic or bold markup not allowed in: |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Mackie, Glen (Pebrero 1, 2002). "To see the Universe in a Grain of Taranaki Sand". Swinburne University. Nakuha noong 2006-12-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "Unveiling the Secret of a Virgo Dwarf Galaxy". ESO. 2000-05-03. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-29. Nakuha noong 2007-01-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "Hubble's Largest Galaxy Portrait Offers a New High-Definition View". NASA. 2006-02-28. Nakuha noong 2007-01-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Vergano, Dan (1 Disyembre 2010). "Universe holds billions more stars than previously thought". USA Today. Nakuha noong 2010-12-14.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. N. Mandolesi, P. Calzolari, S. Cortiglioni, F. Delpino, G. Sironi (1986). "Large-scale homogeneity of the Universe measured by the microwave background". Letters to Nature. 319 (6056): 751–753. Bibcode:1986Natur.319..751M. doi:10.1038/319751a0.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  26. Hinshaw, Gary (Nobyembre 29, 2006). "New Three Year Results on the Oldest Light in the Universe". NASA WMAP. Nakuha noong 2006-08-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. Hinshaw, Gary (Disyembre 15, 2005). "Tests of the Big Bang: The CMB". NASA WMAP. Nakuha noong 2007-01-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. Rindler (1977), p. 202.
  29. Hinshaw, Gary (Pebrero 10, 2006). "What is the Universe Made Of?". NASA WMAP. Nakuha noong 2007-01-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. Wright, Edward L. (Setyembre 12, 2004). "Big Bang Nucleosynthesis". UCLA. Nakuha noong 2007-01-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
    M. Harwit, M. Spaans (2003). "Chemical Composition of the Early Universe". The Astrophysical Journal. 589 (1): 53–57. arXiv:astro-ph/0302259. Bibcode:2003ApJ...589...53H. doi:10.1086/374415.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
    C. Kobulnicky, E. D. Skillman; Skillman (1997). "Chemical Composition of the Early Universe". Bulletin of the American Astronomical Society. 29: 1329. Bibcode:1997AAS...191.7603K.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. "Antimatter". Particle Physics and Astronomy Research Council. Oktubre 28, 2003. Inarkibo mula sa orihinal noong 2004-03-07. Nakuha noong 2006-08-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. Landau and Lifshitz (1975), p. 361.
  33. WMAP Mission: Results – Age of the Universe. Map.gsfc.nasa.gov. Retrieved 2011-11-28.
  34. Luminet, Jean-Pierre (1999). "Topology of the Universe: Theory and Observations". Proceedings of Cosmology School held at Cargese, Corsica, August 1998. arXiv:astro-ph/9901364. {{cite conference}}: Unknown parameter |booktitle= ignored (|book-title= suggested) (tulong); Unknown parameter |coauthors= ignored (|author= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
    Luminet, Jean-Pierre; J. Weeks, A. Riazuelo, R. Lehoucq, J.-P. Uzan (2003). "Dodecahedral space topology as an explanation for weak wide-angle temperature correlations in the cosmic microwave background". Nature. 425 (6958): 593–595. arXiv:astro-ph/0310253. Bibcode:2003Natur.425..593L. doi:10.1038/nature01944. PMID 14534579.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  35. Luminet, Jean-Pierre; Jeff Weeks, Alain Riazuelo, Roland Lehoucq, Jean-Phillipe Uzan (2003-10-09). "Dodecahedral space topology as an explanation for weak wide-angle temperature correlations in the cosmic microwave background". Nature. 425 (6958): 593–5. arXiv:astro-ph/0310253. Bibcode:2003Natur.425..593L. doi:10.1038/nature01944. PMID 14534579.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  36. Roukema, Boudewijn; Zbigniew Buliński, Agnieszka Szaniewska, Nicolas E. Gaudin (2008). "A test of the Poincare dodecahedral space topology hypothesis with the WMAP CMB data". Astronomy and Astrophysics. 482 (3): 747. arXiv:0801.0006. Bibcode:2008A&A...482..747L. doi:10.1051/0004-6361:20078777.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  37. Aurich, Ralf; Lustig, S., Steiner, F., Then, H. (2004). "Hyperbolic Universes with a Horned Topology and the CMB Anisotropy". Classical and Quantum Gravity. 21 (21): 4901–4926. arXiv:astro-ph/0403597. Bibcode:2004CQGra..21.4901A. doi:10.1088/0264-9381/21/21/010.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  38. "Planck reveals 'almost perfect' universe". Michael Banks. Physics World. 2013-03-21. Nakuha noong 2013-03-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. Weinberg, Steven (20 Nobyembre 2007). "Physics: What we do and don't know". The New York Review of Books.{{cite magazine}}: CS1 maint: date auto-translated (link)