[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Ulo ng titi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ulo ng titi
Ulo ng titi
Mga detalye
LatinGlans penis
Arteryang uretral
Mga pagkakakilanlan
Anatomiya ni Grayp.1248
Dorlands
/Elsevier
Glans penis
TAA09.4.01.007
FMA18247

Ang ulo ng titi o dulo ng titi (Ingles: glans penis, o glans lamang) ay ang maselan o sensitibong dulo ng titi na kahugis ng bumbilya. Ang ulo ng titi ay katumbas ng dulo ng tinggil o ulo ng tinggil ng isang babae. Kung minsan, buo o bahagya itong natatakpan ng prepusyo ng titi, maliban na lamang sa mga lalaking buo ang pagkakatuli.

Bukod sa pagtawag sa glans penis bilang "ulo ng titi", kabilang din sa katawagan nito ang "helmet", "dulo ng hawakan ng pinto", o "dulo ng kampana" dahil sa natatanging hugis nito. Ang katawagang pangmedisina ay nagmula sa Latin na glans o "acorn" sa Ingles + penis o "ng titi" o "pang-titi" – ang henitibong Latin ng salita ay may kahalintulad na anyo sa nominatibo. Sa salitang balbal, tinatawag ang ulo ng titi bilang burat o turat.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]