[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Timpani

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Timpani
Isang timpanistang tumutugtog ng mga timpani.
Instrumentong pinapalo
Other namesMga tambol na kawa, Pauken
Klasipikasyong Hornbostel–Sachs211.11-922
(Struck membranophone with membrane lapped on by a rim)
Pag-unlad12th century from the Arabic naker
Saklaw ng pagtugtog

Ranges of individual sizes[1]
Kaugnay na mga instrumento

Ang timpani, kawang tambol, o kalderong tambol (Ingles: timpani, kettledrum) ay mga instrumentong pangmusika na nasa mag-anak ng mga instrumentong perkusyon. Bilang isang uri ng tambol, binubuo ito ng isang balat na tinatawag na "ulo" na binanat sa ibabaw ng isang malaking "mangkok" na nakaugaliang yari sa tumbaga. Pinatutugtog ito sa pamamagitan ng pagpalo sa ulo ng tambol na ginagamit ang isang natatanging panambol (patpat na panambol) na tinatawag na "patpat na pangtimpani" o "malyeteng pangtimpani" (pamalo ng timpani). Umunlad ang timpani magmula sa mga tambol na pangmilitar upang maging isang pangunahin at mahalagang sangkap na instrumentong pangtugtugin ng orkestrang klasikal noong sumapit ang huling ikatlong bahagi ng ika-18 daantaon. Sa kasalukuyan, ginagamit ang mga timpani sa maraming mga uri ng mga pangkat na pangmusika na kinabibilangan ng bandang pangkonsiyerto, bandang pangmartsa, at kahit na sa ilang mga bandang pang rock.

Ang timpani ay isang pangmaramihang anyo ng salitang Italyanong pang-isahan na timpano. Subalit, sa impormal na pananalita sa wikang Ingles, madalang na tawagin ang isang instrumento bilang "timpano". Hindi rin tama na tawagin ang maraming mga timpani bilang timpanis sa Ingles. Ang isang musikerong tumutugtog ng timpani ay nakikilala bilang isang timpanista.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Samuel Z. Solomon, "How to Write for Percussion", pg. 65-66. Published by the author, 2002. ISBN 0-9744721-0-7