The Vampire Diaries
The Vampire Diaries | |
---|---|
Uri | |
Batay sa | The Vampire Diaries by L. J. Smith |
Nagsaayos | |
Pinangungunahan ni/nina | |
Kompositor | Michael Suby |
Bansang pinagmulan | United States |
Wika | English |
Bilang ng season | 7 |
Bilang ng kabanata | 148 (List of The Vampire Diaries episodes) |
Paggawa | |
Prodyuser tagapagpaganap |
|
Lokasyon | |
Patnugot |
|
Oras ng pagpapalabas | 41-44 minutes |
Kompanya | |
Distributor | Warner Bros. Television Distribution |
Pagsasahimpapawid | |
Picture format | 480i (4:3 SDTV) 1080i (16:9 HDTV) |
Orihinal na pagsasapahimpapawid | 10 Setyembre 2009 10 Marso 2017 | –
Kronolohiya | |
Kaugnay na palabas | The Originals |
Website | |
Opisyal | |
Production |
Ang The Vampire Diaries ("Mga Talaarawan ng Bampira") ay isang palabas sa Amerika hango sa nobela ni L. J. Smith. Una itong ipinalabas sa The CW Television Network noong 10 Setyembre 2009, at ngaun ay natapos na ang pangalawang season nito noong 12 Mayo 2011.[1] Ang palabas ay tungkol sa mga pangyayari sa bayan ng Mystic Falls, Virginia, isang kathang-isip na bayan na pinamumugaran ng kung ano-anong elemento. Ito ay tungkol din sa love triangle ng bidang si Elena Gilbert (Nina Dobrev), ni Stefan at ni Damon na may madilim na nakaraan. Hindi kalaunan ay matutuklasan ang mysteryosong nakaraan ng bayan kabilang ang masamang doppelgänger ni Elena na si Katherine na nais maghiganti sa bayan, kay Stefan, kay Damon, at kay Elena.
Noong 26 Abril 2011, inihayag ng The CW na magkakaroon ng pangatlong season ang palabas na inaasahang magsisimula sa 15 Setyembre 2011 [6]. Ito ay kasalukuyang ipinapalabas sa Pilipinas sa ETC.
Maikling Buod
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang palabas ay tungkol sa buhay ni Elena Gilbert (Nina Dobrev), 17-taong-gulang na umibig sa isang 162-taong-gulang na bampirang nagngangalang Stefan Salvatore (Paul Wesley). Naging kumplikado ang kanilang relasyon nang bumalik sa Mystic Falls ang nakatatandang kapatid ni Stefan na si Damon (Ian Somerhalder) upang maghiganti at sirain ang bayan at ang buhay ni Stefan. Parehong nagkagusto ang magkapatid kay Elena dahil sa kamuka nito ang isang babae sa kanilang nakaraan na pareho din nila inibig. Malalaman sa huli na si Elena pala ay malayong kamag-anak at doppelganger ni Katherine na bumalik din upang maghiganti sa tatlo.
Ang istorya ay naganap sa kathang-isip na bayan ng Mystic Falls, Virginia, isang bayan na may di ordinaryong kasaysayan simula ng nanirahan dito ang mga tao mula sa New England noong dulo ng ika-17 century. Kasama din sa kuwento ang nakababatang kapatid ni Elena na si Jeremy Gilbert (Steven R. McQueen), ang matalik niyang kaibigan na si Bonnie Bennett (Katerina Graham), ang kaibigan ni Elena na si, Caroline Forbes (Candice Accola), ang kababata ni Elena na si, Tyler Lockwood (Michael Trevino) at ang kababata at dating nobyo ni Elena na si Matt Donovan (Zach Roerig). Ang politika sa bayang ito ay isinaaaus ng mga kamag-anak ng mga unang nagtayo ng bayan na tinatawag bilang "Founders' Council". Kabilang sa founding families ng Mystic Falls ang mga Salvatores, ang mga Gilberts, ang mga Fells, ang mga Forbes at ang mga Lockwoods. Binabantayan nila ang bayan mula sa mga bampira.
Mga Artista at Tauhan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kahit na base ang palabas sa aklat na may parehong pamagat, marami sa mga tauhan ang binago, ngunit ang pinakabuod ng nobela ay nanatili. Si Nina Dobrev ay gumaganap bilang Elena Gilbert, bida, at bilang Katherine Pierce, mas kilala bilang Katerina Petrova, isa sa mga kontrabida.[7] Si Paul Wesley ay gumaganap bilang Stefan Salvatore,[8] ang mapagmahal at may mabuting puso sa dalawang magkapatid na bampira, kabaliktaran ng kanyang nakatatandang kapatid na si Damon Salvatore (Ian Somerhalder),[9] ang masamang bampira na sa simula ay isa sa mga kontrabida ngunit sa huli ay nagpapakita na ng kabaitan.
Ang iba pang mga artista sa palabas ay sina Steven R. McQueen, bilang Jeremy Gilbert,[10] nakababatang kapatid ni Elena ngunit sa huli ay malalaman niyang pinsan niya pala ito, Sara Canning bilang tita at legal guardian nina Elena at Jeremy na si Jenna Sommers.[11] Katerina Graham bilang Bonnie Bennett, ang matalik na kaibigan ni Elena na isang mangkukulam.[12] Candice Accola bilang Caroline Forbes,[13] kaibigan ni Elena na minsan ay nakakatunggali niya sa mga bagay bagay na sa pangalawang season ay naging bampira. Zach Roerig bilang Matt Donovan,[14] kababata at dating nobyo ni Elena na sa huli ay nagkagusto kay Caroline. Michael Trevino bilang Tyler Lockwood,[15] isang taong lobo, matalik na kaibigan ni Matt at anak ng mayor ng Mystic Fall. Kayla Ewell bilang Vicki Donovan,[16] kapatid ni Matt na di kalaunan ay nagging bampira at namatay. Kabilang din si Matthew Davis na gumaganap bilang Alaric Saltzman,[17] isang guro sa kasaysayan at tagahuli ng bampira na di kalaunan ay magkakagusto kay Jenna.
Pagsisimula ng Palabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa simula ay halos walang balak si Kevin Williamson na gawin ang palabas dahil sa maaaring ito ay maging pareho lamang sa mga ibang kuwento tungkol sa bampira. Ngunit, sa pagpilit ni Julie Plec, sinimulan niyang basahin ang nobela at nagsimulang maging interesado sa kuwento: "I began to realize that it was a story about a small town, about that town's underbelly and about what lurks under the surface."[18] Sinabi ni Williamson na ang kuwento ng lugar ang pangunahing pagtutuunan sa kuwento sa halip na ang high school. Noong 6 Pebrero 2009, ipinahayag ng Variety na ang The CW ay nagbigay na ng hudyat upang simulan ang The Vampire Diaries kung saan sina Williamson at Julie Plec ang mga head writers at executive producers.[20] Noong 19 Mayo 2009, opisyal nang naisakatuparag ang paggawa ng palabas ng mga episodes para sa 2009-2010.[21]
Ang panimulang episode ay kinunan sa Vancouver, British Columbia, ngunit ang mga nalalabing episode ay kinunan sa Covington, Georgia (Mystic Falls, Virginia) at ibat ibang lugar sa Greater Atlanta.[22]
Noong 16 Pebrero 2010, inihayag ng The CW na magkakaroon ng panagalawang season ang palabas na isinahimpapawid mula 9 Setyembre 2010.[25]
Noong 26 Abril 2011, inihayag ng CW na magkakaroong ng pangatlong season ang palabas na inaasahang magsisimula sa 15 Setyembre 2011.[6]
Pagtanggap sa Palabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ibinigay ng Vampire Diaries noong 10 Setyembre 2009 ang pinakamataas na series premiere scoring, 4.9 milyong manunuod, sa kasaysayan ng CW.[26] Ang palabas na The Vampire Diaries ay nakatanggap ng magkahalong review sa simula. Binigyan ng Metacritic ang palabas ng Metascore na 50 base sa 22 critical reviews, nagsasaad ng halo hanggang katamtamang review.[28] Ang Entertainment Weekly ay binigyan ng rating n B+ ang unang episode at sinabi pa na ang palabas "signals a welcome return to form for writer-producer Kevin Williamson". Tinapos naman ni Ken Tucker ang kanyang review sa isang pahayag na "Diaries promises us a season of sharp-tongued amusement."[29] Binigyan naman ni Linda Stasi ng New York Post ng perfect score ang palabas, at sinabi pang siya ay na- "hooked after one episode". Pinuri ni Stasi ang pacing ng episode at ang "vicious, bloody vamp action", na "starts in the opening scene and continues throughout The Vampire Diaries with such ferocity and speed that it's truly scary."[30] Binigyan ni Tim Goodman ng San Francisco Chronicle's ang episode ng mababang grado at tinawag pa ang palabas na "awful". Hindi niya nagustuhan ang mga dialogo at umaasa na ang mga extra sa Buffy the Vampire Slayer ay mag- "return en masse to eat the cast of Vampire Diaries, plus any remaining scripts."[31]
Maraming TV critics ang nagsabi na ang palabas ay mas humuhusay sa bawat episode. Ayon kay Sarah Hughes ng The Independent, ang The Vampire Diaries ay nagbago patungo sa isang mahusay at interesanteng palabas, sa kabila ng di kagandahang panimulang episode.[18] Pinuri din ng New York Post ang pagganap sa tauhan ni Elena, isang babaeng matibay at matalino na hindi hinahayaan kontrolin siya ng kanyang pagmamahal sa kanyang nobyo.[32] Ayon kay Karla Peterson ng The San Diego Union-Tribune, "the supernatural drama is a first-class production, featuring an insanely gorgeous cast, sharp scripts and a brooding vibe that is hard for even the most levelheaded adult to resist."[33] Binigyan ni Mike Hale ng The New York Times ang palabas ng honorable mention sa kanyang listahan ng nangungunang palabas sa 2009.[34]
Ang reviews ng pangalawang season ay mas positibo. Binigyan ng Metacritic ang pangalawang season ng Metascore na 74/100, nagsasaad ng magandang kabuuhang review.[35]
Ratings
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang sumusunod ay isang table para sa seasonal ranking, base sa tinatayang dami ng tagapanuod kada episode, ng "The Vampire Diaries" sa The CW. Ang "Rank" ay tumutukoy sa grado ng "the Vampire Diaries" kung ikukumpara sa ibang television series na ipinapalabas sa parehong oras.
Season | Timeslot (ET/PT) | # Ep. | Premiered | Ended | Rank | Viewers (in millions) | ||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Date | Premiere Viewers (in millions) |
Date | Finale Viewers (in millions) | |||||
Season 1 | Thursday 8/7c | 22 | 10 Setyembre 2009[1] | 4.91[2] | 13 Mayo 2010[3] | 3.47[4] | #118[3] | 3.60[3] |
Season 2 | 22 | 9 Setyembre 2010[5] | 3.36[6] | 12 Mayo 2011[7] | 2.86[8] | #193[9] | 4.08[10] | |
Season 3 | TBC | 15 Setyembre 2011 | — | May, 2012 | — | — | — |
Mga Parangal
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pitong Teen Choice Awards ang napanalunan ng The Vampire Diaries sa taong 2010 kabilang ang Choice TV Show: Fantasy/Sci-Fi, Choice TV Actor: Fantasy/Sci-Fi: Paul Wesley, Choice TV Actress: Fantasy/Sci-Fi: Nina Dobrev, Choice TV: Villain: Ian Somerhalder, Choice TV: Breakout Show, Choice TV: Female Breakout Star: Nina Dobrev at Choice TV: Male Breakout Star: Paul Wesley. Ang iba pang mga nomination ay ang Choice Male Hottie (Ian Somerhalder) at Choice Scene Stealer (Katerina Graham).[44] Ang palabas ay nanalo din ng parangal bilang Favorite New TV Drama sa 2010 People's Choice Awards at nakatanggap ng nominasyon bilang Favorite Sci-Fi/Fantasy Show.[45] Nakatanggap din ito ng nominasyon para sa Saturn Award bilang Best Network TV Series.[46] Noong 9 Nobyembre 2010, nakatanggap ito ng nominasyon bilang Favourite Sci-Fi/Fantasy Show at Favourite TV Drama at maging ang nominasyon para kay Ian Somerhalder sa TV Drama Actor category at sa 2011 People's Choice Awards.
Home Release
[baguhin | baguhin ang wikitext]Inilabas ang unang season sa DVD sa Rehiyon 1,2 at 4 at sa Blu-ray sa Rehiyon A at B. Ang mga bersiyong ito sa Estados Unidos ay parehong naglalaman ng comentaryo mula sa bumubuo ng mga piling episodes, binurang scenes, mga kaganapan sa likod ng camera, webisode at isang downloadable na audiobook ng aklat na The Vampire Diaries: The Awakening na isinulat ni L.J. Smith. Inilabas ito sa DVD sa Rehiyon 2 noong 23 Agosto 2010. Sumunod dito, nagsimulang ibenta ang mga DVD sa Rehiyon 1 noong 31 Agosto 2010 at sa Rehiyon 3 noong 1 Setyembre 2010. Sa Rehiyon A, inilabas ito sa Blu-ray noong 31 Agosto 2010. Ibatiba naman sa Rehiyon B: 23 Agosto 2010 sa United Kingdom; 26 Agosto 1020 sa Brazil; at Setyembre 1. 2010 sa Australia.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ The Vampire Diaries: Season Premiere Preview Retrieved: 2010-08-19.
- ↑ Seidman, Robert (11 Setyembre 2009). "Vampire Diaries sets record as The CW most watch series premiere ever". TV by the Numbers. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-09-13. Nakuha noong 4 Oktubre 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 "Final 2009–10 Broadcast Primetime Show Average Viewership - TV Ratings, Nielsen Ratings, Television Show Ratings". TVbytheNumbers.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-06-24. Nakuha noong 2010-06-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Seidman, Robert (14 Mayo 2010). "Thursday Finals: Survivor, Grey's Anatomy, CSI, Mentalist, Community Adjusted Up". TV By The Numbers. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-05-19. Nakuha noong 14 Mayo 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ The CW Network announces fall premiere dates Naka-arkibo 2010-11-02 sa Wayback Machine. The CW blog. Retrieved: 2010-08-19.
- ↑ "Thursday 9/11/10". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-09-13. Nakuha noong 2010-09-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ CW Primetime May Finales Dates Announced SpoilerTV blog. Retrieved: 2011-02-14.
- ↑ Gorman, Bill (13 Mayo 2011). "Thursday Final Ratings: 'American Idol,' 'Big Bang,' 'Community,' 'Rules,' 'Mentalist,' 'Office,' 'Vampire Diaries' Adjusted Up; 'Bones' Adjusted Down". TV by the Numbers. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-05-16. Nakuha noong 16 Mayo 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gorman, Bill (1 Hunyo 2011). "2010-11 Season Broadcast Primetime Show Viewership Averages". TV by the Numbers. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-06-20. Nakuha noong 1 Hunyo 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gorman, Bill (13 Hunyo 2011). "'Modern Family' Tops DVR Ratings Gain For The 2010–11 Season; 'Fringe' Has Biggest % Increase By DVR". TV by the Numbers. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-06-16. Nakuha noong 20 Hunyo 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)