[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Telekomunikasyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang antena sa Raisting, Bavaria, Alemanya para sa komunikasyon sa mga satelayt
Isang pagguhit mula sa Proyektong Opte na nagpapakita ng mga iba't-ibang daanan sa isang bahagi ng Internet

Ang telekomunikasyon (mula sa espanyol Telecomunicación) ay ang ekstensiyon o dugtong na pangkomunikasyon sa ibabaw ng malayong distansiya. Sa pagsasanay, kinikilala nito na maaaring may mawala sa proseso; dahil dito sinsakop ng katagang 'telekomunikasyon' ang lahat ng anyo ng distansiya at/o pagbabago ng orihinal na mga komunikasyon, kabilang ang radyo, telegrapiya, telebisyon, telepono, komunikasyong pangdatos at pagnenetwork ng kompyuter.

Ang elemento ng isang sistema ng telekomunikasyon ay ang tagapagdala, tagapagpadala, o transmiter, isang tagapamagitan o midyum (linya) at marahil isang kanal na nakapataw sa tagapamagitan (tingnan ang baseband at broadband, gayon din ang pagmumultipleks), at tagatanggap o receiver. Isang kagamitan ang tagapadala na pinapalitan ang anyo o ini-encode ang isang mensahe sa isang pangyayaring pisikal; ang signal. Pinapalitan o pinapababa ng tagapamagitan, sa pamamagitan ng kaniyang pisikal na kalikasan, ang signal sa kanyang dinadaanan mula sa taga-padala hanggang sa taga-tanggap. May mekanismong pang-decode ang taga-tanggap na may kakayahang makuhang muli ang mensahe sa loob ng mga tiyak na hangganan sa pagbaba ng signal. Sa ibang mga kaso, ang mata o tenga ng tao ang huling "tagatanggap" (o sa ibang di pangkaraniwang kaso ang ibang pandamang bahagi ng katawan) at ginawa ng utak ang pagkuha muli ng mensahe (tingnan ang sikoakustiko.)

Maaari na ang telekomunikasyon ay point-to-point (mula sa isang tuldok papunta sa isa pang tuldok), point-to-multipoint (mula sa isang tuldok papunta sa maraming mga tuldok), o pamamahayag, na isang partikular na anyo ng point-to-multipoint na pumupunta lamang mula sa mga tagapadala hanggang sa mga tagatanggap.

Isa sa mga ginagampanan ng inhinyero sa telekomunikasyon ang pagsusuri ng pisikal na katangian ng mga linya o midyum ng transmisyon, at ang estadistikang katangian ng mga mensahe upang idibuho ang pinaka-epektibong mekanismo sa pag-encode at pag-decode.

Kapag ang mga sistema ay dinibuho upang makipagkomunikasyon sa pamamagitan ng mga pandamang bahagi ng katawan ng tao (kadalasan ang paningin o pandinig, kailangan bigyan pansin ang pisyolohikal at sikolohikal na mga katangian ng persepsiyon ng tao. Mayroon mahalagang implikasyon ito sa ekonomiya at sinasaliksik ng mga inhinyero kung ano ang sira na maaaring ipahintulot sa signal na sa kabila noon hindi naaapektuhan ng masama ang pagkita at pagdinig nito.

Komunikasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Komunikasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.