[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Tapir

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Tapir
Brasilyanong tapir
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Tapiridae

Gray, 1821
Sari:
Tapirus

Brünnich, 1772
Uri

Tapirus bairdii
Tapirus indicus
Tapirus pinchaque
Tapirus terrestris

Ang mga tapir[1] ay malalaking mga mamalyang nanginginain ng damo sa mga pastulan, kawangis ng mga baboy sa hugis na may maiksi at napapagalaw na mga nguso. Namumuhay sila sa mga kagubatan ng Timog Amerika, Gitnang Amerika, at Timog-Silangang Asya. Ibinibilang ang lahat ng apat na uri ng mga tapir sa mga nanganganib na mga hayop. Pinakamalapit nilang kamag-anak ang iba pang mga ungguladong mamalyang may mga di-pantay na bilang ng mga daliri sa paa, katulad ng kabayo at rinosero.

Naglalagi ang mga ito sa mga kagubatan na may anyo ng tubig na dumadaloy. Sapagkat, mahiyain, malimit na gumagala lamang sila pagsabit ng gabi para manginain ng mga prutas, dahon, at iba pang mga bahagi ng mga halaman.[1]

Reproduksiyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagluluwal lamang ng isang anak ang mga tapir sa panahon ng kanilang siklo ng reproduksiyon. Kaiba ang anyo ng balahibo ng isang sanggol na tapir kapag inihambing sa ina nito. Mas maraming mga guhit at tuldok ang sa batang tapir na may madilim na balahibo.[1]

May apat na uri ng mga tapir:

  1. 1.0 1.1 1.2 "Tapir". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)