[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Surah Al-Kawthar

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sura 108 ng Quran
ٱلكَوْثَر
Al-Kauthar
KlasipikasyonMakkan
Ibang pangalanBounty, Plenty, Good in Abundance
PosisyonJuzʼ 30
Blg. ng talata3
Blg. ng zalita10

Ang Sūrat al-Kawthar (Arabiko: سورة الكوثر‎) ("Kasaganaan") ang ika-108 kapitulo ng Koran na pinakamaikling kapitulo nito. May ilang mga magkakaibang opiniyon sa sirkumstansiyang pinaghayagan nito. Ayon kay Ibn Ishaq, ito ay inihayag sa Makka bago ang Isra at Miraj.

Mga bersikulong Arabiko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

بِسۡمِ اللهِ الرَّحۡمٰنِ الرَّحِیۡمِ

  1. إِنَّاۤ اَعۡطَیۡنٰـكَ الۡکَوۡثَرَ
  2. فَصَلِّ لِرَبِّكَ وَ انۡحَرۡ
  3. إِنَّ شَانِئَكَ ُهُوَ الۡاَبۡتَرُ

Sa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal

1. Katiyakan, ipinagkaloob Namin sa iyo, O Muhammad, ang masaganang kabutihan dito sa daigdig at sa Kabilang-Buhay, na kabilang dito ay ang ilog ng Kawthar sa Al-Jannah, na sa magkabilang pampang ay mga tolda na gawa sa mga Perlas, at ang lupa nito ay musk, na ang tubig nito ay mas maputi pa kaysa gatas at mas matamis pa kaysa pulut-pukyutan.

2. Na kung kaya, maging taimtim ka sa lahat ng iyong pagsa-‘Salâh’ sa iyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha, at maghandog ng hayop bilang pag-aalay lamang sa Kanya.

3. Katiyakan, ang para sa kanya na nagalit sa iyo at nagkaroon ng poot sa dala-dala mong gabay at liwanag, ay ipagkakait ang anumang kasaganaan at kabutihan dito sa daigdig at sa Kabilang-Buhay.