[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Superbook

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Superbook, kilala din bilang Animated Parent and Child Theatre (アニメ 親子劇場, Anime Oyako Gekijō),[1] ay isang seryeng pantelebisyon na anime noong unang bahagi ng dekada 1980, na unang ginawa ng Tatsunoko Productions sa bansang Hapon kasama ang Christian Broadcasting Network (CBN) sa Estados Unidos at kamakailan, gumawa ito ng solo ng CBN para sa pamamahagi at pag-ere.[2][3] Sa Pilipinas, naipalabas ito sa GMA Network.

Sinalaysay ng serye ang mga kaganapan sa Luma at Bagong Tipan ng Biblia sa pagtakbo ng serye sa 52 kabanata. Unang lumabas ang 26 kabanata mula Oktubre 1, 1981 hanggang Marso 25, 1982. Muling bumalik ang serye bilang Superbook II (パソコントラベル探偵団, Pasokon Toraberu Tanteidan, lit. Personal Computer Travel Detective Team) na may 26 kabanata na umere mula Abril 4, 1983 hanggang Setyembre 26, 1983. Sa pagitan ng parehong serye noong unang pagktabo, nailabas ang kasamang serye na The Flying House. Gumawa din ang CBN noong 2016 ng bagong serye ng Superbook at nilabas sa apat na season.[4] Ipinamahagi ng CBN ang una at ikalawang season ng libre sa kanilang websayt na Superbook Kid.[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Superbook Classic - Fan Site". Christian Broadcasting Network – sa pamamagitan ni/ng CBN.com.
  2. "Superbook - Animation Series - History". Christian Broadcasting Network – sa pamamagitan ni/ng CBN.com.
  3. Red, Isah. "'Superbook' airs on GMA 7" (sa wikang Ingles). Manila Standard. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Hulyo 2014. Nakuha noong 13 Hulyo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Superbook". Christian Broadcasting Network (sa wikang Ingles). 2016-07-20. Nakuha noong 2016-07-20 – sa pamamagitan ni/ng CBN.com.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "All Videos". Superbook (sa wikang Ingles). Christian Broadcasting Network.