[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Pamilya (biyolohiya)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Subpamilya)
LifeDomainKingdomPhylumClassOrderFamilyGenusSpecies
The hierarchy of biological classification's eight major taxonomic ranks. Padron:Biological classification/core Intermediate minor rankings are not shown.

Sa pagpapangkat-pangkat na maka-biyolohiya, ang ankanhay o pamilya[1] (Latin: familia [isahan] o familiae [maramihan]; Ingles: family [isahan] o families [maramihan]) ay isang ranggong pang-taksonomiya. Nananangan ang hustong sangkap ng opisyal na pagpapangalan (nomenklatura) sa ipinapatupad na kodigo ng pagpapangalan.

Payak na halimbawa: "Ang mga walnut at hickory ay kabilang sa pamilya ng mga walnut" ay isang maikling paraan sa pagsasabi ng: "Ang mga walnut (sari: Juglans) at mga hickory (sari: Carya) ay nabibilang sa pamilya ng mga walnut (pamilya: Juglandaceae)".

Ang pamilya, bilang isang kahanayan (ranggo) na nasa pagitan ng orden at sari, ay isa lamang bagong akda. Si Pierre Magnol, na isang botanikong Pranses, ang unang gumamit ng salitang familial, na isinaad niya sa kaniyang sulating Prodromus historiae generalis plantarum, in quo familiae plantarum per tabulas disponuntur (Pauna para sa isang maparaang paglalahad ng mga sari ng mga halaman, kung saan ang mga pamilya ng halaman ay nakaayos na patala) noong 1689. Dito sa Prodromus historiae niya tinawag na mga pamilya (familiae) ang 76 na mga grupo ng mga halaman na kinilala niya sa kaniyang mga talaan. Noong mga kapanahunan niya, ang wari ng kahanayan ay in statu nascendi pa lamang (nasa katayuang iniluluwal pa lamang; o magsisimula pa lang); at sa paunang-salita ni Magnol sa kaniyang Podromus historiae, binanggit niya ang pagsasama-sama ng mga pamilya sa isang mas malaking sari (genera), na malayo sa diwa at gawi kung paano ginagamit ang salitang sari (genus) sa kasulukuyan.

Subalit, mula pa noong mga unang panahon ng ika-20 dantaon, madalas nang ginagamit ang salitang pamilya ayon sa makabago nitong pakahulugan. Nakalahad sa mga “Kodigo” ng mga pagpapangalang pang-botanika at pang-soolohiya ang patakaran sa paggamit nito, maging ang natatanging pagtatapos ng huling bahagi ng mga pangalang pampamilya. Halos lahat ng pamilya ay naisapangalan para sa isang tipo ng sari: idinadagdag ang pantapos sa ugat ng pangalang pampamilya. Idinudugtong ang hulaping idae para sa mga hayop, at aceae para naman sa mga halaman. Maliban na lamang sa mga sumusunod:

  • Caprifoliaceae, Aquifoliaceae, at Fabaceae, na pinangalanan dahil sa kanilang tipo ng uri, na Lonicera caprifolium, Ilex aquifolia, at Vicia faba.
  • Theaceae, na ipinangalan mula sa Thea, kasingkahulugan ng Camellia.
  • Walong pamilya ng mga halaman na may mga kapalitang pangalan: ang “Fabaceae” ay tinatawag din na “Leguminosae”, “Poaceae”, “Gramineae”, at iba pa.
  • Elapidae, na ang tipo ng sari ay Homoroselaps (dating tinatawag na Elaps ngunit pansamantalang inilipat sa ibang pamilya, at nagbago ang pangalan dahil sa paglilipat na ito).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. English, Leo James (1977). "Pamilya: bilang 2 at 3, pahina 980, kung saan binabanggit na ang pamilya (angkan o kaanak) ay katumbas ng family [literal na pagsasalin]". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)