[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Sikolohiyang Gestalt

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sikolohiyang Gestalt o gestaltismo (Aleman: Gestalt [ɡəˈʃtalt] "hugis, porma") ay teyorya ng isip sa Paaralan ng Berlin (Berlin School). Ang Sikolohiyang Gestalt ay sumusubok na maintindihan ang mga batas tungkol sa ating abilidad na makasagap at mapanatili ang makabuluhan, pang-unawa sa mundo na tila ay magulo. Ang sentrong prinsipyo ng sikolohiyang gestalt ay ang pag-iisip ay nagbubuo ng mapag-isang kabuuan na may sariling-kusa na pagkakatatag. Ang prinsipyong ito ay nagpapanatili na kapag ang isipan ng tao (sistemang pang-unawa) ay nagbubuo ng percept o gestalt, ang kabuuan ay may pangsariling pagkaka-totoo na may pinagka-iba sa mga parte nito. Ang original at sikat na kasabihan ng sikolohiyista ng Gestalt na si Kurt Kofka, “Ang buo ay iba sa kabuuan ng mga piyesa” ay madalas na maling naisasalin na “Ang buo ay mas higit pa sa kabuuan ng mga piyesa”. Hindi nagustuhan ni Koffka ang pagkakasalin nato.

Kanyang ipinagdiinan sa mga estudyante na ipinagpalit ang “iba” sa “mas higit”. Kanyang sinabi na: “Ito ay hindi prinsipyo nang pagdadagdag”. Ang kabuuan ay may sariling kasarinlan. Sa larangan ng perception, sinasaad ng mga sikolohiyista ng gestalt na ang pag-unawa ay produkto ng mga mahirap unawaing pakikipag-ugnayan sa gitna ng iba’t ibang istimuli. Salungat sa nilapit ng mga behaviourist na ang pag-unawa ng mga elemento ng paraan na nagbibigay-malay, ang mga sikolohiyistang gestalt ay naghahanap ng pag-unawa sa pagka-organisa nito. (Carlson at Heth, 2010). Ang epektong gestalt ay ang kapasidad ng ating utak na lumikha ng buong porma, na gumagalang sa biswal na pagkakilala sa mundong-hubog, sa halip na mga koleksyon lamang ng mga simple at walang kaugnayang elemento (puntos, mga linya, at mga kurba…). Sa sikolohiya, ang gestaltism ay madalas tutol sa estrukturalismo. Ang teoryang gestalt ay nagbibigay daan para sa pagkaka watak watak ng mga elemento mula sa buong sitwasyon sa kung anuman talaga ito.

Ang concepto ng Gestalt ay unang naipakilala sa pilosopiya at sikolohiya noong 1890 ni Christian von Ehrenfels (isang miyembro ng Paaralan ni Brentano)(School of Brentano). Ang ideya ng gestalt ay pinagmulan sa mga theorya na ayon kay David Hume, Johann Wolfgang von Goethe, Immanuel Kant, David Hartley, and Ernst Mach. Ang kakaibang kontribusyon ni Max Wertheimer ay ang igiit na ang “gestalt” ay perceptual sa pangunahin, nagtatakda ng mga piyesa ng kabuuan nito, imbis na pagiging kaledad na sekundaryo na sumulpot mula sa mga piyesa, ayon kay von Ehrenfels's sa kanyang Gestalt-Qualität nuon.