[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Senusret II

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Khakeperre Senusret II ang ikaapat na paraon ng Ikalabingdalawang Dinastiya ng Ehipto. Siya ay namuno mula 1897 BCE hanggang 1878 BCE. Ang kanyang pyramid ay itinayo sa El-Lahun. Si Senusret ay nagkaroon ng malaking interes sa rehiyong Faiyum na rehiyong oasis at nagsimulang gumawa sa isang ekstensibong sistemang irigasyon mula sa Bahr Yusuf sa pamamagitan ng Ilog Moeris sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang dike sa El-Lahun at ang pagdadagdag ng isang network ng mga kanal na agusan. Ang layunin ng proyektong ito ay dagdagan ang halaga ng lupain para sa kultibasyon.[2] Ang kahalagahan ng proyektong ito ay binigyang diin ng pasya ni Senusret II na ilipat ang maharlikang necropolis mula sa Dahshur tungo sa El-Lahun kung saan ay kanyang itinayo ang kanyang pyramid. Ang lokasyong ito ay nanatiling kabiserang pampolitika para sa ika-12 at ika-13 dinastiya ng Ehipto. Itinatag rin ng hari ang unang alam na kwarter ng mga manggagawa sa kalapit na bayan ng Senusrethotep (Kahun).[3] Hindi tulad ng kanyang kahalili, si Senusret II ay nagpanatili ng mabubuting mga relasyon sa iba't ibang mga nomarko o mga gobernador ng probinsiya ng Ehipto na ang karamihan ay kasingyaman ng paraon.[4] Ang kanyang ikaanim na tao ay pinatutunayan sa isang pinta ng dingding mula sa libingan ng isang lokal na nomarkong pinangalanang Khnumhotep sa Beni Hasan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Peter Clayton, Chronicle of the Pharaohs, Thames & Hudson Ltd, (1994), p.78
  2. Miroslav Verner, The Pyramids: The Mystery, Culture, and Science of Egypt's Great Monuments, Grove Press 2002. p.386
  3. W. M. F. Petrie, Illahun, Kahun and Gurob, London 1891, pp.5ff.
  4. Clayton, p.83