[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Scala Sancta

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Scala Sancta

Ang Scala Sancta (Tagalog: Banal na Hagdan, Italyano: Scala Sacnta) ay isang hanay ng 28 puting marmol na mga hakbang na mga relikyang Katoliko Romano na matatagpuan sa isang gusaling ekstrateritoryal na pagmamay-aari ng Banal na Luklukan sa Roma, Italya na malapit sa Arsobasilika ng San Juan de Letran. Opisyal, ang edipisyo ay pinamagatang Santuwaryong Pontipikal ng mga Banal na Hagdan (Pontificio Santuario della Scala Santa), at isinasama ang bahagi ng matandang Papal na Palasyong Laterano.[1] Tinatakpan ng mga hagdang replica ang orihinal na hagdanan, na maaari lamang akyatan sa pamamagitan ng mga tuhod. Ang Banal na Hagdanan ay humahantong sa Simbahan ng San Lorenzo in Palatio ad Sancta Sanctorum (Chiesa di San Lorenzo sa Palatio ad Sancta Sanctorum) o simpleng "Sancta Sanctorum" (Tagalog: Kabanal-banalan), na personal na kapilya ng mga unang Santo Papa.

Ayon sa tradisyong Katoliko Romano, ang Banal na Hagdan ay ang mga hakbang na patungo sa praetorium ni Poncio Pilato sa Herusalem kung saan umakyat si Hesukristo patungo sa kaniyang sa paglilitis na bahagi ng kaniyang Pasyon. Ang Hagdan ay ipinalalagay na dinala sa Roma ni Santa Elena noong ikaapat na siglo. Sa loob ng maraming siglo, ang Scala Sancta ay umakit ng mga Kristiyanong manlalakbay na nais bigyang-papuri ang Pasyon ni Hesukristo. Mula pa noong unang bahagi ng 1700, ang Banal na Hagdan ay nakapaloob sa kahoy para sa proteksiyon, ngunit panandaliang ipinakita noong 2019 kasunod ng gawain sa pagpapanumbalik.[2][3]

Ayon sa tradisyong Katoliko Romano, ang Banal na Hagdan ay ang mga hakbang na patungo sa praetorium ni Poncio Pilato sa Herusalem kung saan umakyat si Hesukristo patungo sa kaniyang sa paglilitis na bahagi ng kaniyang Pasyon.[4]

Ayon sa mga medyebal na alamat, dinala ni Santa Elena, ina ni Constantinong Dakila, ang mga Banal na Hagdan mula sa Herusalem patungong Roma noong mga AD 326.[5] Noong Gitnang Kapanahunan, nakilala ang mag ito bilang "Scala Pilati" ("Mga Hagdan ni Pilato"). Mula sa mga lumang plano ay lumilitaw na humantong ito sa isang pasilyo ng Palasyo Laterano, malapit sa Kapilya ni San Sylvestre, at tinakpan ng isang natatanging bubong. Noong 1589, giniba ni Papa Sixto V ang Papal na Palasyong Laterano, na sa panahong iyon ay wasak-wasak, upang makapagpatayo ng bago. Inatas niya na ang mga Banal na Hagdan ay maitayo muli sa kasalukuyang kinalalagyan nito, bago ang Sancta Sanctorum (Kabanal-banalan), na pinangalanan dahil sa maraming mahahalagang labing napanatili doon. Naglalaman din ang kapilya ng isang ikon ng Kristo Pantocrator, na kilala bilang "Uronica", na sinimulan umano ni San Lucas at tinapos ng isang anghel. Ang bantog na ikon na ito ng Santissimi Salvatore Acheiropoieton ("hindi ginawa ng mga kamay ng tao"), sa ilang mga okasyon, ay dinala sa prinusisyon sa Roma.[6]

Ang Scala Sancta ay maaari lamang akyatin sa gamit ang tuhod. Para sa karaniwang paggamit, ang hagdanan ay dinikitan ng apat na karagdagang hagdanan, dalawa sa bawat panig, itinayo noong bandang 1589.[7] Noong 1724, tinakpan ni Papa Benedikto XIII ang mga marmol na hagdan sa kahoy para sa proteksiyon ng mga ito, dahil ang marmol ay naagnas buhat ng maraming peregrino na umaakyat sa hagdan sa paglipas ng panahon. Ang mga hagdan ay nanatiling natakpan hanggang sa 2019, nang ang pumoprotektang kahoy na takip ay tinanggal at ang marmol ay nakalantad kasunod ng gawain sa pagpapanumbalik. Nang buksan muli ang mga hagdan noong Abril 11, 2019, pinayagan ang mga peregrino na umakyat sa nakalantad na marmol na hagdan sa kanilang tuhod sa unang pagkakataon loob ng halos 300 taon.[2] Ang mga hagdan ay nanatiling nakalantad at bukas sa publiko sa pagitan ng Abril 2019 at Hulyo 2019, at pagkatapos ay muling natakpan ng kahoy.[3]

Scala Sancta
  1. www.vatican.va Stampa della Santa Sede: Zone extraterritoriali vaticani, 3 April 2001 (Italian). Retrieved 24 March 2014.
  2. 2.0 2.1 Brockhaus, Hannah (2019-04-11). "Rome's 'Holy Stairs' uncovered for the first time in 300 years". Catholic News Agency. Nakuha noong 2019-06-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Unveiling Rome's Scala Santa". wantedinrome.com. 2020-02-12. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-02-22. Nakuha noong 2020-02-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Moore, Malcolm (14 Hunyo 2007). "Steps Jesus walked to trial restored to glory". The Telegraph (UK). Nakuha noong 24 Marso 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Ewart Witcombe, p. 372.
  6. Ewart Witcombe, p. 372.
  7. Grendler, Paul F. (2009). The University of Mantua, the Gonzaga, and the Jesuits, 1584–1630. Johns Hopkins University Press. ISBN 9780801897832.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
[baguhin | baguhin ang wikitext]

Naglalaman ang artikulong ito ng mga teksto mula sa nasa pampublikong dominyong Katolikong Ensiklopedya ng 1913.