Rainulf Drengot
Itsura
Si Rainulf Drengot (tinatawag ding Ranulph, Ranulf, o Rannulf; namatay noong Hunyo 1045) ay isang Normandong abenturero at mersenaryo sa timog Italya. Noong 1030 siya ang naging unang Konde ng Aversa. Kasapi siya ng pamilya Drengot.
Maagang buhay at pagdating sa Italya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nang si Rainulf ay ipinatapon ni Ricardo II ng Normandiya dahil sa isang marahas na gawaing kriminal,[1] sina Rainulf, Osmond, at kanilang mga kapatid na sina Gilbert Buatère, Asclettin (na naging Konde ng Acerenza), at Raulf ay nagpunta sa isang peregrinasyon sa dambana ng sundalo-arkanghel, Miguel, sa Monte Sant'Angelo sul Gargano sa Bisantinong Catapanato ng Italya. Nagdala sila ng isang lupon ng 250 mandirigma, na binubuo ng iba pang mga ipinatapon, mga kadete na walang lupa, at mga katulad na abenturero.
Mga tala
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Marjorie Chibnall, The Normans, (Blackwell Publishing, 2006), 76.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sinundan: {{{before}}} |
Konde ng Aversa 1030–1045 |
Susunod: {{{after}}} |