[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Pygopodidae

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Pygopodidae
Pygopus lepidopodus,

from Brehms Tierleben, (1892)

Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Suborden:
Infraorden:
Pamilya:
Pygopodidae
Subfamilies

2, See text

Lialis burtonis

Ang Pygopodidae na karaniwang tinatawag na mga butiking walang hita, mga ahas-butiki o mga butiking may paang pagaspas ay isang pamilya ng Squamata na may nabawasan o kumpletong walang mga biyas(hita). Ito ay nauugnay sa mga tuko(gecko). May hindi bababa sa 35 espesye nito sa dalawang mga subpamilya at walong henera. Ang mga ito ay may hindi karaniwang mahaba at payat na mga katawan na nagbibigay rito ng malakas na pagkakahawig sa mga ahas. Tulad ng karamihan ng mga ahas at karamihan ng mga tuko, ang mga ito ay walang takipmata(salungat sa ibang mga butiki) ngunit hindi tulad ng mga ahas, ang mga ito ay may panlabas na bukasan ng tenga at isang patag at hindi nahahati sa dalawang linyang dila. [1] Ang mga ito ay katutubo sa Australia at New Guinea. Ang mga kasapi nito ay walang harapang biyas ngunit mayroong mga bestihiyal na likurang biyas sa anyo ng maliliit at patag na mga pagaspas.[1] Ang mga ito ay maaaring may ilang papel sa panliligaw at pag-aasal na pagtatanggol at maaari ring nakakatulong sa lokomosyon sa halamanan. [1]. Ang mga pygopod ay maaaring makarinig ng mga tonong mas mataas kesa sa ibang mga reptilya. Ang mga nasa espesyeng Delma pax ay maaaring tumugon sa isang tunog na 60 decibel na may prekwensiyang 11,100 Hz na higit sa isang oktabong mas mataaas sa pinakamataas na nota sa pamantayang piyano.[2]

Klasipikasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pamilyang PYGOPODIDAE

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 Bauer, Aaron M. (1998). Cogger, H.G. & Zweifel, R.G. (pat.). Encyclopedia of Reptiles and Amphibians. San Diego: Academic Press. pp. 150–152. ISBN 0-12-178560-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga patnugot (link)
  2. Manley, G. A.; Kraus, J. E. M. (2010). "Exceptional high-frequency hearing and matched vocalizations in Australian pygopod geckos" (PDF). The Journal of Experimental Biology. 213: 1876–85. doi:10.1242/jeb.040196.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)