[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Punong ministro

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang punong ministro ang pinakamataas na ministro sa gabinete ng sangay ng tagapagpaganap ng pamahalaan sa sistemang parlamentaryo o batasan. Ang posisyon ay kalimitan, subalit hindi limitado, sa isang politiko. Sa maraming sistema ang punong ministro ang namimili at maaaring magtanggal sa ibang miyembro ng kabinite, at magtalaga ng mga miyembro sa mga posisyon sa pamahalaan. Siya ang karaniwang kasapi na nangunguna sa mga pulong at ang tumatayong tangapangulo ng gabinite. Samantalang sa ibang sistema lalo na sa sistemang semipresidensiyal ng pamahalaan, ang punong ministro ang opisyal na namamahala sa serbisyong sibil at nagpapatupad sa mga direktiba ng Pangulo.

Sa ganitong sistemang nakabatay sa sistemang Westminster, ang punong ministro ang nangunguna at ang mismong tumatayong pinuno ng pamahalaan at pinuno ng sangay ng ehekutibo. Sa ganoong sistema, ang pinuno ng estado o ang kinatawan ng pinuno ng estado (hal. ang Monarko, Pangulo, o Gobernador-Heneral), kahit pa opisyal na pinuno ng sangay ng tagapagpaganap, sa katotohanan ay humahawak ng posisyong seremonyal. Ang Punong Ministro ay kalimitan, subalit hindi palagi, kasapi ng parlamento o batasan at inaasahan kasama ng iba pang mga ministro na tiyakin ang pagpasa ng mga batas sa pamamagitan ng lehislatura. Sa ibang monarkiya ang monarko ay maaari ring gumamit ng mga kapangyarihang tagapagpaganap na binibigay sa korona ayon sa saligang batas nito at maaaring ipatupad na hindi na nangangailangan ng pagsang-ayon ng parlamento.

Samantalang ang modernong opisina ng Punong Ministro ay lumago sa Nagkakaisang Kaharian ang unang paggamit dito bilang ay ang pagtawag dito ni kardinal, kung saan, noong 1625 ay itinalaga siya bilang pinuno ng konsehong royal bilang punong ministro ng Pransiya. Si Luis XIV at ang mga sumunod sa kanyang hanay ay iniwasan itong gawing bansag sa kanilang mga ministro.

Ang bansag na Punong Ministro na alam natin sa ngayon ay mauugat noong ika-18 siglo sa Nagkakaisang Kaharian.

Simula pa noong midyebal na panahon ang hari ng Inglatera at Nagkakaisang Kaharian ay mayroong mga ministro na pinagkakatiwalaan nila at itinuturing bilang pinuno ng pamahalaan. Ang kapangyarihan ng mga ministro ay nakasalalay sa personal na kagustuhan ng monarko. Kahit na kasama sa mga dapat na rekisito ang kakayahang mamahala ng parlamento hindi sila nakadepende sa mayorya ng parlamento para sa kanilang kapangyarihan.

Maraming iba't-ibang termino ang ginagamit para sa mga punong ministro. Sa Alemanya at Austria ang punong ministro ay tinatawag na kansilyer (chancellor) samantalang ang punong ministro ng Irlanda ay tinatawag na An Taoiseach. Ang punong ministro ay hindi opisyal na titulo nang humahawak ng opisina. Ang Punong Ministro ng Irlanda ay pangulo ng pamahalaan at sa mga Briton ang First Lord of the Treasury. Ang ilan pa sa mga kilalang paraan ay Pangulo ng Konseho ng mga Ministo (halimbawa sa Italya, Presidente del Consiglio dei Ministri), Pangulo ng Konsehong Tagapagpaganap, o Ministro-Pangulo. Sa mga bansang Eskandinabo ang punong ministro ay tinatawag na statsminister sa wikang bernakular (literal na "ministro ng estado").

Sa Nagkakaisang Kaharian kung saan ang uri ng pamahalaan ay pasa-pasa, ang mga pinuno ng pamahalaan ng mga Eskoses, Hilagang Irlandes at Gales ay tinatawag na Unang Ministro.

Sa Pakistan, ang punong ministro ay tinatawag na "Wazir-e-Azam", na nangangahulugang "Grand Vizier".

Paglalarawan ng tungkulin

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Wilfried Martens, na nagsilbi bilang Punong Ministro ng Belhika, ay inilarawan ang kanyang mga tungkulin bilang ang mga sumusunod:

Una sa lahat ang Punong Ministro ay dapat makinig palagi, at kapag nagkaroon ng malalim na hindi pagkakasundo , dapat siyang magbigay ng solusyon sa usapin. Maraming paraan para gawin ito. Minsan kapag may diskusyon, itinatala ko ang mga elemento ng suliranin at umiisip ako ng mga suhestiyon na maaaring ihapag sa gabinete, ang Kalihim ay nagtatala. Ang mga ministro naman ay hinahangad na palitan ang mga pag-antala at mga pagkahinto. Ang Punong Ministro ay maaari ding gumawa ng suhestiyon na magbibigay ng sapat na espasyo para sa mga susog para mapanatili ang usapan sa tamang landasin. Kapag kailangan ng solusyon para maabot ang consensu, maaarin niyang utusan ang isa o dalawang ministro para sumali o umayaw.[1]

Talaan ng mga Punong Ministro

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga sumusunod ay talaan ng mga kasalukuyang punong ministro at ang mga impormasyon ukol sa mga tala.

Anthony Albanese, ang kasalukuyang Punong Ministro ng Australia
Li Qiang, ang kasalukuyang Premier ng People's Republic of China
Kyriakos Mitsotakis, ang kasalukuyang Punong Ministro ng Greece
Narendra Modi, ang kasalukuyang Punong Ministro ng India
Giorgia Meloni, ang kasalukuyang Punong Ministro ng Italya
Anwar Ibrahim, ang kasalukuyang Punong Ministro ng Malaysia
Chris Hipkins, ang kasalukuyang Punong Ministro ng New Zealand
Anwaar-ul-Haq Kakar, ang kasalukuyang Tagapangalang Punong Ministro ng Pakistan
António Costa, ang kasalukuyang Punong Ministro ng Portugal
Mikhail Mishustin, ang kasalukuyang Punong Ministro ng Russia
Ana Brnabić, ang kasalukuyang Punong Ministro ng Serbia
Pedro Sánchez, ang kasalukuyang Punong Ministro ng Spain
Rishi Sunak, ang kasalukuyang Punong Ministro ng United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland
Pamahalaan Simula ng Tala Ipinapakita ang
partido?
Termino ibinigay ng
taon o petsa?
Kasalukuyan
Abkhazia 1995 - dates Alexander Ankvab
Afghanistan 1927 - years Hasan Akhund (acting)
Albania 1912 - years Edi Rama
Algeria 1962 yes years Nadir Larbaoui
Andorra 1982 - years Xavier Espot Zamora
Angola 1975 - dates (Post abolished)
Anguilla 1976 yes dates Ellis Webster
Antigua and Barbuda 1981 - years Gaston Browne
ArgentinaPadron:Notetag 1993 yes dates Nicolás Posse
Armenia 1918 yes dates Nikol Pashinyan
Artsakh 1992 no dates (Post abolished)
Aruba 1986 - dates Evelyn Wever-Croes
Australia (List) 1901 yes dates Anthony Albanese
Austria 1918 yes years Karl Nehammer
Azerbaijan 1918 yes dates Ali Asadov
Bahamas 1967 - dates Philip Davis
Bahrain 1970 - years Crown Prince Salman
Bangladesh (List) 1971 yes dates Sheikh Hasina
Barbados (List) 1953 yes dates Mia Mottley
Belarus 1919 - dates Roman Golovchenko
Belgium (List) 1831 yes dates Alexander De Croo
Belize 1973 yes years Johnny Briceño
Benin 1957 yes dates (Post abolished)
Bermuda 1968 yes dates Edward David Burt
Bhutan 1952 - dates Lotay Tshering
Bosnia and Herzegovina 1945 - dates Borjana Krišto
Botswana 1965 yes dates (Post abolished)
Brazil 1847 yes dates (Post abolished)
British Virgin Islands 1967 yes dates Natalio Wheatley
Brunei 1984 no dates Sultan Hassanal Bolkiah
Bulgaria 1879 yes dates Nikolai Denkov
Burkina Faso 1971 - dates Apollinaire de Tambèla
Burundi 1961 yes dates (Post abolished)
Cambodia 1945 - years Hun Manet
Cameroon 1960 - dates Joseph Ngute
Canada (List) 1867 yes dates Justin Trudeau
Cape Verde 1975 yes dates Ulisses Correia e Silva
Cayman Islands 1992 yes dates Julianna O'Connor-Connolly
Central African Republic 1958 - dates Félix Moloua
Chad 1978 - dates Succès Masra
People's Republic of China (List) 1949 - dates Li Qiang
Comoros 1957 yes dates (Post abolished)
Congo (Brazzaville) 1957 yes dates Anatole Collinet Makosso
Congo (Kinshasa) (List) 1960 yes dates Jean-Michel Sama Lukonde
Cook Islands 1965 yes dates Mark Brown
Côte d'Ivoire (Ivory Coast) 1957 yes dates Robert Beugré Mambé
Croatia 1939 - dates Andrej Plenković
Cuba 1940 - dates Manuel Marrero Cruz
Curaçao 2010 - dates Gilmar Pisas
Northern Cyprus 1983 yes dates Ünal Üstel
Czech Republic (List) 1993 - years Petr Fiala
Denmark (List) 1848 - years Mette Frederiksen
Djibouti 1977 - dates Abdoulkader Kamil Mohamed
Dominica 1960 - dates Roosevelt Skerrit
East Timor 2002 yes dates Xanana Gusmão
Egypt (List) 1878 - years Moustafa Madbouly
Equatorial Guinea 1963 - dates Manuela Roka Botey
Estonia 1918 - dates Kaja Kallas
Ethiopia 1942 yes dates Abiy Ahmed
Faroe Islands 1946 - years Aksel V. Johannesen
Fiji 1966 - dates Sitiveni Rabuka
Finland (List) 1917 yes years Petteri Orpo
France (List) 1589 - years Gabriel Attal
Gabon 1957 yes dates Raymond Ndong Sima
The Gambia 1961 - dates (Post abolished)
Georgia 1918 yes dates Irakli Garibashvili
Germany (List) 1871/1949 yes dates Olaf Scholz
Ghana 1957 - dates (Post abolished)
Gibraltar 1964 yes dates Fabian Picardo
Greece (List) 1833 - dates Kyriakos Mitsotakis
Greenland 1979 - years Múte Bourup Egede
Grenada 1954 - years Dickon Mitchell
Guernsey 2007 - dates Lyndon Trott
Guinea 1972 - dates Bernard Goumou
Guinea-Bissau 1973 - dates Rui Duarte de Barros
Guyana 1953 - dates Mark Phillips
Haiti 1988 - dates Ariel Henry
Hungary (List) 1848 - dates Viktor Orbán
Iceland 1904 - dates Katrín Jakobsdóttir
India (List) 1947 yes dates Narendra Modi
Indonesia 1945 yes dates (Post abolished)
Iran (List) 1624 - years (Post abolished)
Iraq 1920 - years Mohammed Al-Sudani
Ireland 1937 yes dates Leo Varadkar
Israel (List) 1948 - years Benjamin Netanyahu
Italy (List) 1861 - years Giorgia Meloni
Jamaica 1959 - years Andrew Holness
Japan (List) 1885 - dates Fumio Kishida
Jersey 2005 - dates John Le Fondré
Jordan 1944 - dates Bisher Al-Khasawneh
Kazakhstan 1920 - years Alihan Smaiylov
Kenya 1963 - dates (Post abolished)
North Korea 1948 - years Kim Tok-hun
South Korea (List) 1948 - years Han Duck-soo
Kosovo 1945 yes dates Albin Kurti
Kuwait 1962 yes dates Sheikh Mohammad Sabah Al-Salem Al-Sabah
Kyrgyzstan 1924 - dates Akylbek Japarov
Laos 1941 - years Sonexay Siphandone
Latvia 1918 yes dates Evika Siliņa
Lebanon 1926 - dates Najib Mikati
Lesotho 1965 yes dates Sam Matekane
Libya 1951 - dates Abdul Hamid Dbeibeh
Liechtenstein 1921 yes dates Daniel Risch
Lithuania 1918 yes dates Ingrida Šimonytė
Luxembourg 1959 - years Luc Frieden
Madagascar 1833 - dates Christian Ntsay
Malawi 1963 yes dates (Post abolished)
Malaysia 1957 yes years Anwar Ibrahim
Mali 1957 yes dates Choguel Kokalla Maïga (interim)
Malta 1921 yes years Robert Abela
Isle of Man 1986 - years Alfred Cannan
Mauritania 1957 yes dates Mohamed Ould Bilal
Mauritius 1961 yes dates Pravind Jugnauth
Moldova 1990 - dates Dorin Recean
Monaco 1911 n/a dates Pierre Dartout
Mongolia 1912 yes dates Luvsannamsrain Oyun-Erdene
Montenegro 1879 yes dates Milojko Spajić
Montserrat 1960 yes dates Easton Taylor-Farrell
Morocco 1955 yes years Aziz Akhannouch
Mozambique 1974 yes dates Adriano Maleiane
Myanmar (Burma) 1948 yes dates Min Aung Hlaing
Namibia 1990 yes dates Saara Kuugongelwa
Nepal 1803 yes dates Pushpa Kamal Dahal
Netherlands (List) 1848 yes dates Mark Rutte
New Zealand (List) 1856 yes dates Christopher Luxon
Newfoundland and Labrador (List) 1855 yes dates Andrew Furey
Niger 1958 yes dates Ali Lamine Zeine
Nigeria 1960 yes dates (Post abolished)
Niue 1974 - dates Sir Dalton Tagelagi
Norfolk Island 1896 2015 dates (Post abolished)
North Macedonia 1943 yes dates Dimitar Kovačevski
Norway 1814 yes years Jonas Gahr Støre
Pakistan (List) 1947 yes dates Anwaar ul Haq Kakar
Palestine 2003 yes dates Mohammad Shtayyeh
Papua New Guinea 1975 yes years James Marape
Peru 1975 - dates Alberto Otárola
Philippines 1899 yes dates (Post abolished)
Poland (List) 1918 - dates Donald Tusk
Portugal (List) 1834 yes dates António Costa
Qatar 1970 - dates Sheikh Mohammed bin Abdulrahman bin Jassim Al Thani
Romania (List) 1862 - years Marcel Ciolacu
Russia (List) 1864/1905 yes dates Mikhail Mishustin
Rwanda 1960 yes dates Édouard Ngirente
Saint Kitts and Nevis 1960 - dates Terrance Drew
Saint Lucia 1960 - dates Philip Pierre
Saint Vincent and the Grenadines 1956 - dates Ralph Gonsalves
Samoa 1875 yes dates Fiamē Naomi Mataʻafa
São Tomé and Principe 1974 yes dates Patrice Trovoada
Saudi Arabia 1953 no dates Mohammad bin Salman
Senegal 1957 yes dates Amadou Ba
Serbia 1805 yes years Ana Brnabić
Seychelles 1970 yes years (Post abolished)
Sierra Leone 1954 yes dates David Moinina Sengeh
Singapore 1959 - dates Lee Hsien Loong
Sint Maarten 2010 - dates Silveria Jacobs
Slovakia (List) 1993 - dates Robert Fico
Slovenia 1943 yes years Robert Golob
Solomon Islands 1949 yes dates Manasseh Sogavare
Somalia 1949 yes dates Hamza Abdi Barre
South Africa 1910 - dates (Post abolished)
South Ossetia 1991 - dates Konstantin Dzhussoev
Spain (List) 1705 yes years Pedro Sánchez
Sri Lanka (List) 1948 - dates Dinesh Gunawardena
Sudan 1952 yes dates Osman Hussein
Suriname 1949 yes dates (Post abolished)
Swaziland 1967 - years Russell Dlamini
Sweden (List) 1876 yes years Ulf Kristersson
Syria 1920 - dates Hussein Arnous
Taiwan (Republic of China) (List) 1912 - dates Chen Chien-jen
Tajikistan 1924 - dates Kokhir Rasulzoda
Tanzania 1960 yes dates Kassim Majaliwa
Thailand (List) 1932 yes dates Srettha Thavisin
Togo 1956 yes dates Victoire Tomegah Dogbé
Tokelau 1992 - dates Kerisiano Kalolo
Tonga 1876 - years Siaosi Sovaleni
Transnistria 2012 yes dates Aleksandr Rosenberg
Trinidad and Tobago 1956 - dates Keith Rowley
Tunisia 1969 - dates Ahmed Hachani
Turkey (List) 1920 yes dates (Post abolished)
Turkmenistan 1924 - dates (Post abolished)
Turks and Caicos Islands 1976 yes dates Washington Misick
Tuvalu 1975 n/a dates Kausea Natano
Uganda 1961 yes dates Ruhakana Rugunda
Ukraine (List) 1917 - dates Denys Shmyhal
United Arab Emirates 1971 - years Sheikh Mohammed bin Rashid Al Maktoum
United Kingdom (List) 1721 yes dates Rishi Sunak
Uruguay No List (post established 1919) - - (Post abolished)
Uzbekistan 1924 - dates Abdulla Aripov
Vanuatu 1980 yes dates Charlot Salwai
Vatican 1644 - years Cardinal Pietro Parolin
Vietnam 1976 yes dates Phạm Minh Chính
Yemen 1990 yes years Maeen Abdulmalik Saeed
Western Sahara 1976 no years Mohamed Wali Akeik
Zambia 1964 yes dates (Post abolished)
Zimbabwe 1923 - dates (Post abolished)
  1. Wilfried Martens, quoted in ibid.

Mga Kawing Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]