[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Puerto Rico

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Portoriko)
Estado Libre Asociado
de Puerto Rico
Commonwealth of Puerto Rico
Komonwelt ng Puerto Rico
Watawat ng Puerto Rico
Watawat
Salawikain: Latin: Joannes Est Nomen Eius;
Spanish: Juan es su nombre
(Tagalog: "Juan ang pangalan niya")
Awiting Pambansa: La Borinqueña
Location of Puerto Rico
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
San Juan
Wikang opisyalKastila at Ingles
PamahalaanCommonwealth
Pedro Pierluisi
Kalayaan 
wala(U.S. territory with Komonwelt estado)
Lawak
• Kabuuan
9,104 km2 (3,515 mi kuw) (169th)
• Katubigan (%)
1.6
Populasyon
• Pagtataya sa July 2005
3,912,055 (126th)
• Senso ng 2005
3,913,054
• Densidad
434/km2 (1,124.1/mi kuw) (21st)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2005
• Kabuuan
$72.37 billion (68th)
• Bawat kapita
$18,500 (N/A)
SalapiUnited States dollar (USD)
Sona ng orasUTC-4 (AST)
• Tag-init (DST)
UTC-4 (No DST)
Kodigong pantelepono1-787 and +1-939
Kodigo sa ISO 3166PR
Internet TLD.pr; .us

Ang Puerto Rico, o Komonwelt ng Puerto Rico (Ingles: Puerto Rico, bigkas: /ˌpwɛrtə ˈriːkoʊ/ o /ˌpɔrtə ˈriːkoʊ/, opisyal na Commonwealth of Puerto Rico (Kastila: Estado Libre Asociado de Puerto Rico, literal na Kasaping (Asosyadong) Malayang Estado ng Puerto Rico, Ingles: Associated Free State of Puerto Rico), ay isang awtonomo o namamahala ng sarili na di-inkorporadong teritoryo ng Estados Unidos (hindi pa isang estado ng bansang Amerika) na matatagpuan sa hilagang-katimugang Caribe, sa silangan ng Republikang Dominikano at sa kanluran ng Mga Kapuluang Birhen Binubuo ito ng isang kapuluan o arkipelagong kinabibilangan ng pangunahing pulo ng Puerto Ricoat at isang bilang ng mas maliliit na mga kapuluan at mga Cay, na ang Vieques, Culebra, at Mona ang pinakamalalaki. Ang pangunahing pulong Puerto Ricoang pinakamaliit sa area ng mga lupain at pangalawang maliit sa bilang ng populasyon mula sa apat na Kalakhang Antiles (Kuba, Hispaniola, Hamayka, at Puerto Rico).

Karaniwang tinatawag ng mga Portorikenyo (nagiging Portorikenya kung mga kababaihan lamang) ang pulo ng Portoriko bilang Borinquen, mula sa Borikén, ang pangalan nito sa katutubong wikang Taíno.[1][2] Hinango sa Borikén at Borinquen ang mga salitang boricua at borincano, ayon sa pagkakasunud-sunod, at karaniwang ginagamit upang kilalanin ang isang nagmula sa liping Portorikenyo. Tanyag ding tinatawag ang pulo bilang "La Isla del Encanto", na nangangahulugang "Ang Pulo ng Engkanto."

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Allatson, Paul. Key Terms in Latino/a Cultural and Literary Studies, p. 47. Malden, Mass: Blackwell Publishing, 2007. ISBN 1-4051-0250-0.
  2. Dictionary: Taino Indigenous Peoples of the Caribbean Nakuha noong: 21 Pebrero 2008. (Batay sa ensiklopedyang "Clásicos de Puerto Rico", ika-2 edisyon. Ed. Cayetano Coll y Toste. Tagapaglathala: Ediciones Latinoamericanas, S.A., 1972.).


HeograpiyaEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.