[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Pamantasang Carleton

Mga koordinado: 45°23′15″N 75°41′45″W / 45.38746154°N 75.69590507°W / 45.38746154; -75.69590507
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang programa nginhinyeriya ng Carleton ay kilala sa mga leather jacket nito.
Dunton Tower, ang pinakamataas na istruktura sa kampus

Ang Pamantasang Carleton (Ingles: Carleton University) ay isang komprehensibong unibersidad na matatagpuan sa Ottawa, Ontario, Canada. Itinatag ito noong 1942 sa isang inuupahang lugar upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga beteranong bumalik mula Ikalawang Digmaang Pandaigdig [1], at panahong iyon ay ang kauna-unahang pribadong, di-pansektang kolehiyo sa Ontario. Ito ay lalong pinalawak noong 1960, alinsunod sa patakaran ng pamahalaan na nakita ang bentaha ng higit na akses sa mas mataas na edukasyon bilang isang paraan para sa paglago ng ekonomiya. Sa kasalukuyan, ang Carleton ay isang pampublikong unibersidad. Ang Carleton ay kinikilala sa iba't ibang larangan tulad ng mga humanidades, pandaigdigang negosyo, inhinyeriya, pisika, agham pangkompyuter, at marami pa.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "About Carleton". Carleton University. Nakuha noong 30 Oktubre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

45°23′15″N 75°41′45″W / 45.38746154°N 75.69590507°W / 45.38746154; -75.69590507 Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.