[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Pamamana

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sa pampalakasang archery, ang panghunahing layunin ay maitama ang pana sa isang target tulad ng nakalarawan para makapuntos. Ang puntos na nakuha ng nasa larawan ay panloob na 10 at 9.

Ang pamamana o pagpapahilagpos (archery sa Ingles) ay ang sining ng paggamit ng busog (bow) para maihagis ang isang pana (arrow).[1] Sa kasaysayan, ang archery ay ginagamit sa panghuhuli ng mga hayop at pakikidigma. Ngayon, isa na itong larangang pampalakasan. Ang manlalaro ng pampalakasang ito ay tinatawag na mamamana (archer) at ang taong may pagkahilig sa archery ay tinatawag na toxophilite.[2]

Pinaniniwalaang naimbento ang busog mula sa huling bahagi ng Paleolithic era hanggang sa maagang Mesolithic era. Ang pinakamatandang indikasyon ng paggamit nito sa Europa ay pinaniniwalaang nagsimula sa Stellmoor sa lambak ng Ahrensburg sa hilagang bahagi ng Hamburg, Alemanya. Ang petsa na pinagkasunduan ng mga eksperto ay sa huling bahagi ng Paleolithic era 9000-8000 BK.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nasa wikang Ingles:

Palakasan Ang lathalaing ito na tungkol sa Palakasan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.