[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Paltos

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Paltos
Klasipikasyon at panlabas na mga pinanggalingan
Blister sanhi ng sunog
ICD-10T14.0
ICD-9919.2
DiseasesDB1777
MedlinePlus003239
MeSHD001768

Ang paltos, lapnos, paknos, paknot, lintos, agihap, o lantos, kilala sa Ingles bilang blister, ay isang maliit na bulsa (pocket) ng pluido sa itaas na mga patong ng balat na tipikal ay sanhi ng pwersang pagkuskos (priksiyon), sunog, pagyeyelo (freezing), mga kemikal o mga impeksiyon. Karamihan sa mga blister ay napupuno ng maliwanag na pluido na tinatawag na serum o plasma. Gayunpaman, ang mga blister ay maaaring maglaman ng dugo o blood blisters, o nana kung ang mga ito ay naging impektado.

Mga nagsasanhing sakit

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May mga bilang ng mga kondisyong medikal na nagsasanhi ng blister . Ang pinakakaraniwan ang bulutong, herpes, impetigo at isang anyo ng eczema na tinatawag na dyshidrosis[1]. Ang ibang mas bihirang mga kondisyon na nagsasanhi ng blister ay kinabibilangan ng:

  • Bullous pemphigoid – isang sakit ng balat na nagsasanhi ng malaki na sisik na may lamang blister na umaapekto sa mga indibidwal na may edad ng higit sa 60.
  • Pemphigus – isang seryosong sakit sa balat na nabubuo kung ang presyur ay nilalap[at sa balat. Ang mga blister ay madaling pumuputok na nag-iiwan ng mga bahagi ng balat na maaaring maging impektado.
  • Dermatitis herpetiformis – isang sakit sa balat na nagsasanhi ng makating mga blister na karaniwan ay matatagpuan sa mga siko, tuhod, likod ng katawan, at puwet. Ang mga blister ay karaniwang nabubuo ng mga patse sa balat(patches) ng parehong hugis at sukat sa parehong panig ng katawan.
  • Kronikong bullous dermatosis – isang sakit na nagsasanhi ng mga kumpol ng blister sa mukha, bibig at ari.
  • Cutaneous radiation syndrome
  • Epidermolysis Bullosa
  1. "Dyshidrosis", Wikipedia (sa wikang Ingles), 2024-02-18, nakuha noong 2024-03-16{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)