[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Palaro ng Timog Silangang Asya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Palaro ng Timog Silangang Asya
The Southeast Asian Games Federation logo

AbbreviationSEA Games
Unang Paligsahan1959 SEAP Games in Bangkok, Thailand
Ginaganap bawat2 years (Every odd year)
Huling Paligsahan2017 SEA Games in Malaysia
LayuninMulti sport event for nations on the Southeast Asian subcontinent
Punong HimpilanBangkok, Thailand
PresidentCharouck Arirachakaran
Websiteseagfoffice.org
Ang opisyal na watawat ng Pederasyon ng Palaro ng Timog Silangang Asya

Ang Palaro ng Timog Silangang Asya (katawagan sa Ingles: Southeast Asian Games o SEA Games), ay isang panyayaring pang-palakasan na ginaganap bawat dalawang taon na sinasalihan ng kasalukuyang 11 mga bansa mula sa Timog-silangang Asya. Kinabibilangan ito ng iba't ibang uri ng palakasan. Ang laro sa ilalim ng regulasyon ng Southeast Asian Games Federation na may superbisyon at ang International Olympic Committee (IOC) at ng Olympic Council of Asia.

Nagsimula ang Southeast Asian Games bilang Southeast Asian Peninsular Games. Ito ay naisip ni Laung Sukhumnaipradit, ang dating Pangalawang Pangulo ng Komiteng Olimpiko ng Thailand. Nilikha ito upang tumulong sa pagsulong ng kooperasyon, pagkakaunawaan at pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa rehiyon ng ASEAN.

Kabilang ang Thailand, Burma (Myanmar ngayon), Malaysia, Laos, Timog Vietnam at Cambodia (ibinalang ang Singapore sa kalaunan) sa mga naunang kasapi. Nagkasundo ang mga bansang ito, na ganapin ang mga palakasan bawat dalawang taon. Nabuo ang SEAP Games Federation Committee.

Naganap ang unang SEAP Games sa Bangkok mula 12-17 ng Disyembre, 1959 na binubuo ng higit sa 527 atleta at opisyal na nagmula sa Thailand, Burma, Malaysia, Singapore, Vietnam at Laos at lumahok sa 12 mga palakasan.

Kinusindera ng SEAP Federation noong ikawalong SEAP Games noong 1975 na ibilang ang Indonesia at Pilipinas. Pormal na naisali ang dalawang bansa noong 1977, ang kaparehong taon na pinalitan ng SEAP Federation ang pangalan nito ng Pederasyon ng Palaro ng Timog-Silangang Asya (Southeast Asian Games Federation o SEAGF), at nakilala ang mga palaro nito sa kasalukuyan nitong pangalan. Napasama ang Brunei noong ikasampung SEA Games sa Jakarta, Indonesia, at ang Silangang Timor sa ika-22 SEA Games sa Hanoi, Vietnam.

Ginaganap ang ika-23 SEA Games sa Pilipinas na nagsimula noong Nobyembre 27 at natapos noong Disyembre 5, 2005. Ito ang ikatlong pagkakataon na gaganapin sa Pilipinas ang pangyayaring pampalakasan na ito.

Ang ika-24 na edisyon ng palaro ay gaganapin sa Nakhon Ratchasima sa bansang Thailand.[1]

Participating NOCs

[baguhin | baguhin ang wikitext]
NOC Names Formal Names Debuted IOC code Other codes used
 Brunei Nation of Brunei, the Abode of Peace
1977
BRU
BRN (ISO)
 Cambodia Kingdom of Cambodia
1961
CAM
KHM (1972–1976, ISO)
 Indonesya Republic of Indonesia
1977
INA
IHO (1952), IDN (FIFA, ISO)
 Laos Lao People's Democratic Republic
1959
LAO
 Malaysia Federation of Malaysia
1959
MAS
MAL (1952 − 1988), MYS (ISO)
 Myanmar Republic of the Union of Myanmar
1959
MYA
BIR (1948 – 1988), MMR (ISO)
 Pilipinas Republic of the Philippines
1977
PHI
PHL (ISO)
 Singapore Republic of Singapore
1959
SGP
SIN (1959 – 2016)
 Thailand Kingdom of Thailand
1959
THA
 Timor-Leste Democratic Republic of Timor-Leste
2003
TLS
IOA (2000)
 Vietnam Socialist Republic of Vietnam
1959
VIE
VET (1964), VNM (1968–1976, ISO)

Mga bansang host at cities

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Simula na nagsimula ang Palaro ng Timog Silangang Asya noong 1959, naganap na ito sa 15 lungsod sa Timog Silangang Asya maliban ang Cambodia at Silangang Timor.

Laro Taon Host Bansa Mag-Host ng Lungsod Sinimulan ni Petsa Sports Kaganapan Bansa Mga Kakumpitensya Top Bansa Ref
Southeast Asian Peninsular Games
I 1959  Thailand Bangkok King Bhumibol Adulyadej 12–17 December 12 N/A 6 518  Thailand (THA) [1]
II 1961  Burma Yangon President Win Maung 11–16 December 13 N/A 7 623  Burma (BIR) [2]
1963 Awarded to Cambodia, cancelled due to domestic political situation
III 1965  Malaysia Kuala Lumpur King Ismail Nasiruddin 14–21 December 14 N/A 6 963  Thailand (THA) [3]
IV 1967  Thailand Bangkok King Bhumibol Adulyadej 9–16 December 16 N/A 6 984  Thailand (THA) [4]
V 1969  Burma Yangon President Ne Win 6–13 December 15 N/A 6 920  Burma (BIR) [5]
VI 1971  Malaysia Kuala Lumpur King Abdul Halim 6–13 December 15 N/A 7 957  Thailand (THA) [6]
VII 1973  Singapore Singapore President Benjamin Sheares 1–8 September 16 N/A 7 1632  Thailand (THA) [7]
VIII 1975  Thailand Bangkok King Bhumibol Adulyadej 9–16 December 18 N/A 4 1142  Thailand (THA) [8]
Southeast Asian Games
IX 1977  Malaysia Kuala Lumpur King Yahya Petra 19–26 November 18 N/A 7 N/A  Indonesia (INA) [9]
X 1979  Indonesia Jakarta President Suharto 21–30 September 18 N/A 7 N/A  Indonesia (INA) [10]
XI 1981  Pilipinas Manila President Ferdinand Marcos 6–15 December 18 N/A 7 ≈1800  Indonesia (INA) [11]
XII 1983  Singapore Singapore President Devan Nair 28 May – 6 June 18 N/A 8 N/A  Indonesia (INA) [12]
XIII 1985  Thailand Bangkok King Bhumibol Adulyadej 8–17 December 18 N/A 8 N/A  Thailand (THA) [13]
XIV 1987  Indonesia Jakarta President Suharto 9–20 September 26 N/A 8 N/A  Indonesia (INA) [14]
XV 1989  Malaysia Kuala Lumpur King Azlan Shah 20–31 August 24 N/A 9 ≈2800  Indonesia (INA) [15]
XVI 1991  Pilipinas Manila President Corazon Aquino 24 November – 3 December 28 N/A 9 N/A  Indonesia (INA) [16]
XVII 1993  Singapore Singapore President Wee Kim Wee 12–20 June 29 N/A 9 ≈3000  Indonesia (INA) [17]
XVIII 1995  Thailand Chiang Mai Crown Prince Vajiralongkorn 9–17 December 28 N/A 10 3262  Thailand (THA) [18]
XIX 1997  Indonesia Jakarta President Suharto 11–19 October 36 490 10 5179  Indonesia (INA) [19]
XX 1999  Brunei Darussalam Bandar Seri Begawan Sultan Hassanal Bolkiah 7–15 August 21 233 10 2365  Thailand (THA) [20]
XXI 2001  Malaysia Kuala Lumpur King Salahuddin 8–17 September 32 391 10 4165  Malaysia (MAS) [21]
XXII 2003  Vietnam Hanoi at Ho Chi Minh City Prime Minister Phan Văn Khải 5–13 December 32 442 11 ≈5000  Vietnam (VIE) [22]
XXIII 2005  Pilipinas Manila President Gloria Macapagal Arroyo 27 November – 5 December 40 443 11 5336  Pilipinas (PHI) [23]
XXIV 2007  Thailand Nakhon Ratchasima Crown Prince Vajiralongkorn 6–15 December 43 475 11 5282  Thailand (THA) [24]
XXV 2009  Laos Vientiane President Choummaly Sayasone 9–18 December 29 372 11 3100  Thailand (THA) [25]
XXVI 2011  Indonesia Jakarta at Palembang President Susilo Bambang Yudhoyono 11–22 November 44 545 11 4965  Indonesia (INA) [26]
XXVII 2013  Myanmar Naypyidaw Vice President Nyan Tun 11–22 December 37 460 11 4730  Thailand (THA) [27]
XXVIII 2015  Singapore Singapore President Tony Tan 5–16 June 36 402 11 4370  Thailand (THA) [28]
XXIX 2017  Malaysia Kuala Lumpur King Muhammad V 19–30 August 38 404 11 4709  Malaysia (MAS) [29]
XXX 2019  Pilipinas Capas Future event
XXXI 2021  Vietnam Hanoi Future event
XXXII 2023  Cambodia Phnom Penh Future event
XXXIII 2025  Thailand TBA Future event



Kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Opisyal na website ng 2007 Southeast Asian Games". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-04-26. Nakuha noong 2021-10-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2019-04-26 sa Wayback Machine.