[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Nisei

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Nisei (二世) ay salitang Hapones para sa "pangalawang salinlahi" o "ikalawang henerasyon", at partikular na tumutukoy sa mga anak ng mga magulang (ang mga Issei) na Hapones na ipinanganak at nakapag-aral sa Estados Unidos. Nahihiwalay ang mga nisei mula sa lipunang Hapones dahil sa kanilang pagkamamamayang Amerikano at edukasyon. Parati silang nakatatanggap ng hindi makatarungang paghuhusga o paghahatol mula sa mga Amerikanong puti ang balat. Dahil dito, itinatag nila ang Liga ng Mga Mamamayang Hapones-Amerikano noong 1930, na may layuning tangkilikin ang mga gawaing panglipunan, kalabanin ang mga paghuhusgang laban sa mga nagmula sa Silangan o mga Oryental. Sinuportahan nila ang pagpaparehistro ng mga nisei sa Hukbong Katihan ng Estados Unidos.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Nisei". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik na N, pahina 445.

TaoEstados UnidosHapon Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Estados Unidos at Hapon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.