[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Lunti ng tagsibol

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Lunti ng tagsibol
EspesyeBrassica oleracea
Pangkat ng kultibarPangkat Acephala
Pinagmulanhindi alam
Mga kasapi ng pangkat ng kultibarhindi alam
Tungkol ito sa dahong-gulay. Para sa lungsod sa Estados Unidos, pumunta sa Spring Green, Wisconsin. Para naman sa kulay, puntahan ang Lunti ng tagsibol (kulay).

Ang mga lunti ng tagsibol (Ingles: spring greens; pangalan sa agham: Brassica napus subsp. napus syn. Brassica oleracea convar. acephala var. medullosa) ay isang kultibar ng Brassica oleracea sa loob ng kultibar na Pangkat Acephala, na kahawig ng koleng lunti, na may gitnang mga dahong hindi bumubuo ng isang ulo o bumubuo lamang ng isang napakaluwag na ulo. Itinuturing na mas malapit ito sa repolyong ligaw kaysa marami pang ibang mga anyong domestikado, at pangunahing pinatutubo sa hilagang Europe, kung saan pinahahalagahan ang tibay nito sa taglamig para sa maagang paglalaan ng nakakaing mga dahon tuwing panahon ng tagsibol. Kabilan din sa kapangkatang kultibar na Acephala ang koleng kulot at bersa, na mga kahawig sang-ayon sa henetika.

Ginagamit dina ng katawagang "lunti ng tagsibol" para sa mga pagninipis at pinutulan o tinalbusang mga dahon ng iba pang mga uri ng Brassica, kabilang ang mga dahon ng puting singkamas na Brassica rapa at rutabaga, labis na binawasan ng dahong bata o murang mga halamang repolyo at mga dahon mula sa koliplor at mga usbong ng bruselas.

Sa lahat ng mga kaso, lantad na lantad sa liwanag ang mga dahon dahil maluluwag ang kaayusan ng mga ito, pati na ang mga dahong madidilim ang pagkalunti, magagaspang, kadalasang matitibay, at mas matindi ang lasa kaysa ninanais ng mga tao, subalit mayaman naman din sa bitamina C, asidong poliko, at hiblang diyetaryo, kaya't itinuturing na mga pagkaing pangkalusugan ang mga ito.

Gulay Ang lathalaing ito na tungkol sa Gulay ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.