Lucrecio
Lucretius | |
---|---|
Kapanganakan | 94 BCE (Huliyano)
|
Kamatayan | 55 BCE (Huliyano)
|
Mamamayan | Sinaunang Roma |
Trabaho | makatà, pilosopo, manunulat |
Magulang |
|
Si Tito Lucrecio Caro (c. 99 BC – c. 55 BC) ay isang Romanong makata at pilosopo. Ang isang nakikilang akda niya ay ang epikong tulang pampilosopiya na pinangalanang De rerum natura na hinggil sa mga paniniwala at pilosopiya ng Epikuryanismo, at karaniwang isinasalinwika sa Ingles bilang On the Nature of Things o "Hinggil sa Pinagmulan ng mga Bagay" (literal na "Tungkol sa Kalikasan ng mga Bagay").
Kakaunti lamang ang nalalaman hinggil sa buhay ni Lucretius; ang tanging natitiyak na bagay ay ang maaaring pagiging kaibigan siya o kaya ay kliyente ni Gaius Memmius, kung kanino tumutukoy at inihahandog ang tula.[1]
Ang De rerum natura, bilang isang malaking impluwensiya sa mga makatang Augustano, partikular na sa kay Virgil (sa kaniyang Aeneid at Georgics, at gayundin - bagaman may mababang antas ng impluwensiya - sa kaniyang Eclogues) at kay Horace. Naglaho ang akda noong panahon ng Gitnang Kapanahunan, subalit muling natuklasan na nasa loob ng isang monasteryo sa Alemanya noong 1417,[2] ni Poggio Bracciolini, at nagkaroon ito ng malaking pagganap sa pag-unlad ng atomismo (naging isang mahalagang impluwensiya si Lucretius kay Pierre Gassendi) at sa mga pagpupunyagi ng sari-saring mga tao noong panahon ng Panahon ng Pagkamulat upang makapagtatag ng isang bagong humanismong Kristiyano.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Melville (2008), p. xii
- ↑ Greenblatt (2009), p. 44.