Larawan ng sarili
Ang larawan ng sarili o paglalarawan ng sarili (Ingles: self-image), na tinatawag ding tingin sa sarili o pagtanaw sa sarili, ng isang tao ay ang larawan pang-isipan, pangkalahatang isang uri na ganap na lumalaban sa pagbabago, na hindi lamang naglalarawan ng mga detalyeng potensiyal na maihaharap sa malayon o obhetibong imbestigasyon ng ibang mga tao (katulad ng taas, timbang, kulay ng buhok, kasarian, iskor ng I.Q., atbp.), subalit pati na mga bagay-bagay na natutuhan ng taong iyon hinggil sa kanyang sarili, na maaaring mula sa sariling mga karanasan o sa pamamagitan ng pagsasaloob ng mga paghuhusga mula sa ibang mga tao. Ang isang payak na kahulugan ng imahe ng sarili ng isang tao ay ang kanilang sagot sa tanong na ito - "Ano ang pinaniniwalaan mong iniisip ng mga tao tungkol sa iyo?".
Ang larawang pangsarili o larawang pansarili ay maaaring kabilangan ng tatlong mga uri:
- Larawan ng sarili na nagresulta mula sa kung paano nakikita ng indibidwal ang kanyang sarili.
- Larawan ng sarili na nagresulta mula sa kung paano tinatanaw ng ibang mga tao ang isang indibidwal.
- Larawan ng sarili na nagresulta mula sa kung paano nauunawaan, nadarama, napapansin, o napupuna ng indibidwal ang pagtingin sa kanya ng ibang mga tao.
Ang tatlong mga uring ito ay maaari o maaaring hindi tumpak na kinatawan o representasyon ng tao. Lahat, ilan, o wala sa mga ito ang maaaring maging totoo.
Ang mas teknikal na kataga o termino para sa larawan ng sarili na karaniwang ginagamit ng mga sikologong panlipunan (sosyal_ o pangtalos (kognitibo) ay ang iskema ng sarili. Katulad ng anumang iskema, ang mga iskemang pansarili ay nagtatabi ng kabatiran o impormasyon at nakakaimpluwensiya sa paraan ng ating pag-iisip at pag-alala. Bilang halimbawa, ipinahihiwatig ng pananaliksik na ang impormasyon na tumutukoy sa sarili ay makatig na ikinokodigo (inienkodigo) o "tinitipa" ("minamakinilya", sa diwang inuukit sa alaala) at muling tinatawag sa mga pagsusulit ng alaala o memorya, isang kababalaghan o penomenang nakikilala bilang "Self-referential encoding" o "pageenkodigong patukoy sa sarili".[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Rogers et al. 1977
Ang lathalaing ito na tungkol sa Sikolohiya at Sosyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.