[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Konseho ng Hieria

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang ikonoklastong Konseho ng Hieria ay isang konsehong Kristiyano na idinaos noong 754 CE na nagdeklara sa sarili nitong Ikapitong Konsehong Ekumenikal. Ito ay itinatakwil ng Simbahang Silangang Ortodokso at Simbahang Katoliko Romano. Ito ay tinipon ng emperador na Bizantinong si Constantino V sa palasyo ng Hieria. Ang konsehong ito ay nagpatibay ng posisyon na ikonoklasto o anti-ikono ng emperador. Ito ay pinawalang bisa ng Ikalawang Konseho ng Nicaea noong 787 CE na nagdeklara naman sa sarili nito bilang ang Ikapitong Konsehong Ekumenikal ngunit ang Konseho ng Hieria ay muling pinagtibay ng Konseho ng Constantinople noong 815 na nagpawalang bisa sa desisyon ng Ikalawang Konseho ng Nicaea.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.