[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Kiez

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Stephankiez sa Berlin-Moabit

Ang Kiez (Pagbigkas sa Aleman: [ˈkiːts]) (tinatawag ding: Kietz) ay isang salitang Aleman na tumutukoy sa isang kapitbahayan ng lungsod, isang bahagyang maliit na komunidad sa loob ng isang mas malaking bayan. Ang salita ay pangunahing ginagamit sa Berlin at hilagang Alemanya. Ang mga katulad na kuwarto ay tinatawag na Veedel sa Colonia at Grätzl sa Viena.

Orihinal na kahulugan at etimolohiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang salitang Kietz ay nagmula sa panahon ng pagpapalawak sa silangan ng mga Aleman na naninirahan sa Gitnang Kapanahunan sa mga teritoryo ng Kanlurang Eslabo (Germania Slavica), kung saan sa maraming lugar ang parehong mga komunidad ay umiral nang magkatabi. Ang salita ay posibleng nagmula sa Eslabong (ihambing ang Eslobakong chyža 'kubo, maliit na bahay', cf. mga Kessino) at tinutukoy ang isang Eslabong paninirahan (karaniwang ng mga mangingisda) malapit sa isang bayang Aleman. Ang ilang mga pangalan ng lugar ay nagpapaalala sa kahulugang ito, halimbawa Küstrin-Kietz o ang kuwartong Kietz ng Berlin-Köpenick.

Modernong kahulugan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang "Kiez" ay hindi kailanman orihinal na tinukoy ng munisipalidad o pamahalaan, ngunit sa halip ay ng mga naninirahan, at samakatuwid ay hindi kinakailangang tumutugma sa mga pampangasiwaang pagkakahati. Sa ilang mga kaso, gayunpaman, ang mga naturang kahulugan ay kinuha sa mga opisyal na dokumento, kabilang dito ang batas ng Estado.[1]

Ang mas estandardisadong terminong Aleman para sa isang kapitbahayan sa kahulugan ng "kung saan nakatira" ay Viertel 'kuwarto'.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. For example "Verordnung über die Erhaltung baulicher Anlagen und der städtebaulichen Eigenart sowie der Zusammensetzung der Wohnbevölkerung des Gebietes "Stephankiez" im Bezirk Tiergarten von Berlin (Ordinance on the Preservation of Constructions and of the Urbanistic Character as well as the Composition of the Resident Population of the "Stephankiez" area in the Borough Tiergarten of Berlin)" (PDF). Berliner Rechtsvorschriften (Legal Provisions of Berlin). Kulturbuch-Verlag Berlin. 1991-10-10. Nakuha noong 2010-04-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link].