Karburador
Ang karburador ay isang aparatong naghahalo sa hangin at gasolina para sa motor ng isang makina. Kalimitan itong impormal na pinaiikli sa carb sa Hilagang Amerika o carby sa Australia. Ang pag-karbura ay ang paghahalo sa hangin at gasolina o ang paglalagay ng karburador sa isang makina para sa layuning iyon.
Pangmalawakang napapalitan na sa industriyang awto ang mga karburador ng mga fuel injection (o pagturok ng panggatong). Karaniwan pa ring makikita ang mga ito sa maliliit na makina para sa lawn mower (pamutol ng damo), rototiller, at iba pang mga kagamitan.
Nanggaling ang salitang kaburador sa salitang French na carbure na nangangahulugang "carbide". Ipaghalo sa karbon ang ibig sabihin carburer. Sa kimika ng panggatong, mayroong mas tiyak na pakahulugan ang salitang iyon sa pagdaragdag ng karbon (at kalaunan ng enerhiya) na nilalaman ng isang likido sa pamamagitan ng paghahalo nito sa isang bolatayl hydrocarbon.